Nothing's Better Than This (M...

By astrophilexx

1M 8.1K 1.3K

"If two past lovers can remain friends, it's either they're still in love, or... they never were." More

nothing's better than this (mika reyes-ara galang fanfic)
Chapter 1
Chapter 2 - what was i thinking?
Chapter 3 - Mika
Chapter 4 - how painful can it get?
Chapter 5 - bad things happen to good people
Chapter 6 - Part I
Chapter 6 - Part II, Iloilo <3
Chapter 7 - spill it out
Chapter 8 - Day 1
Chapter 9 - let's call it a day
Chapter 10 - reality
Chapter 11 - dinner
Chapter 12 - finally made peace with THE past
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 - Cienne's POV
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - irony
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 - a Third Party's Perspective
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 - The Ending
Epilogue

Chapter 26

18.9K 170 19
By astrophilexx

Ri's POV

"Hindi, Ri."

Hindi? Bakit parang disappointed ang mga mukha nila sa sagot ni Mika?

"Pero nililigawan niya ko ulit." from serious face to kinikilig na ngiti.

If so, pwedeng ligawan ko din siya, diba? Nanliligaw pa lang naman pala si Ara eh. Alam kong wala akong panlaban sa kanya. Mahal na mahal siya ni Mika. Pero bakit hindi niya pa ito sinasagot? Is she having second thoughts? Whatever the story behind is, I'll do everything I can to change her mind. Kung nakuha kong makapasok sa team to replace Ara, I'm sure, kaya ko ring i-replace siya sa puso ni Mika. Nagpaubaya na ako dati... Di ko na to palalampasin ngayon.

Napangiti naman si Ara sa sagot ni Mika. Kitang kita ko kung gaano pa rin nila ka mahal ang isa't isa. Pero hindi ito magiging hadlang para maipakita ko din kay Mika na mahal ko siya.

Ri: "Bakit hindi mo pa sinasagot?"

Tumaas ang kilay ni Cienne sa tanong ko pero hindi ko na lang pinansin. Kahit kailan talaga hindi kami magkakasundo ng babaeng to.

Mika: "SECRET! Hahaha! Pero mahal na mahal na mahal namin ang isa't isa."

"Kayo na talaga, Mika!" Sabay sabay na sagot nina ate Kim, ate Mela, at ate Aby. Si Ara naman umiling iling na lang. Hindi. Hindi ito ang makakapagpigil sa nararamdaman ko. Wala naman akong balak sirain sila. Gusto ko lang talagang maramdaman ni Mika na mahal ko siya. Malay natin baka nga magbago ang isip niya.

Nginitian ko lang si Mika at hindi na ako nagtanong pa ulit. Ayoko ng marinig pa ang mga isasagot niya. Masasaktan lang ako.

Patuloy lang silang nag uusap ng tungkol sa mga nangyari sa kanila dati. Nakikinig lang ako at pilit na pinagdudugtong dugtong ang mga events. May clue na ako kung ano ang reason bakit sila tumigil sa paglalaro. Medyo masaklap nga. Kung sa akin mangyayari to, hindi ko to kakayanin.

Nagkayayaan na kaming lahat na umuwi. Nagpaalam na rin ako, isasabay na daw sana ako nina ate Kim pero tinanggahan ko na lang.

Ara's POV

Nakita kong disappointed si Ria sa sinagot sa kanya ni Mika kanina. Alam kong babalik nanaman ang lahat sa dati. Hindi nga siya gagawa ng move para sirain kami pero gagawin niya ang lahat para maparamdam kay Mika na mahal niya pa rin ito. Ano naman ang magagawa ko diba? Hindi ko naman pwedeng pagbawalan si Mika na makipagkita sa kanya. Lalo na't makakasama na namin siya sa training simula next week. Haaaay. Pero hahayaan ko na lang muna. It's not a problem unless it's already a problem.

Kadarating lang namin dito sa bahay ngayon. Hindi ko mapagtanto kung bakit sa amin nakisabay si Cienne at mukhang bad trip. Di naman siya nag oopen up kaya di na lang namin siya tinatanong. Si ate Kim at FO naman diretso agad sa kwarto nila pagdating dito. Ganun din si Cams.

Mika: "Tomsy, mauna na kong maligo ha? Kating-kati na ko dito sa damit ko kanina pa.."

Ara: "Sino ba kasi ang may sabi sa'yo na yan ang isuot mo. Hahaha. Sige na mauna ka na dun. Ayusin ko muna ang kalat dito. Sunod ako agad."

Mika: "I love you!!!" kiniss niya ko sa pisngi at tumakbo na papasok sa kwarto namin.

Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig nang makita ko si Cienne na nakatulala habang may hawak na isang bote ng San Mig Light at nakasandal sa counter.

Ara: "Oh. Kanina ka pa tulala Cienne.."

Cienne: "Ha? Eh wala to Vicky. May iniisip lang ako."

Ara: "Baka naman gusto mong i-share sakin?"

Cienne: "Hmmm.. Wala talaga. Baka ako lang talaga to." kinalahati ang iniinom niyang beer.  "Next time na lang pag sure na ko.."

Nilapitan ko siya at niyakap. "You know I'm always here, Cienney.. Tulad ng pagiging nandiyan mo rin para sa akin palagi. You can tell me anything.." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya.

"Thanks, Vicky. In time... Masasabi ko rin sayo kung bakit ako nagkakaganito."

"Ehem ehem." Sabay kaming napalingon ni Cienne at nakita namin si ate Kim. "Nakakaistorbo ba ko?" Seryoso ang pagkakasabi niya nun. Pinahid naman ni Cienne ang luha niya at natawa.

Cienne: "Mukha mo Kimtot! Hahaha!"

Kim: "Tinatawa mo? Kayo ha?! May something kayo noh? Kagabi pa kayo eh!"

Ara: "Hahaha! wag kang malisyosa kasi!"

Cienne: "Tsk. Sa kwarto ko na nga lang tatapusin tong iniinom ko. Goodnight, you two!" Yumakap siya sa aming dalawa. "I love you both!"

Kim: "I love you both, i love you both ka pa. Eh mukhang si Ara lang naman mahal mo eh! Hahaha!"

Inirapan lang siya ni Cienne at umalis na nga ito bitbit ang beer niya.

Kim: "What was that about, Pare?"

Ara: "Ano?"

Kim: "Yung yakap yakap mo si Cienne! Don't tell me..."

Ara: "Hahaha! It's not what you think! Pagpasok ko kasi dito sa kitchen nakita kong nakatulala siya at umiinom pa. Kanina ko pa nga napapansin sa party na parang bad trip eh. Kinomfort ko lang."

Kim: "Kaya siguro nakisabay sa inyo pauwi. Akala ko pa naman may something sa inyo! Hahaha."

Ara: "Wala kaya. Di kami talo ni Cienne noh. Mika lang ako forever."

Kim: "Alam ko naman yun!" Nakipag apir pa sa akin. "Pero si Riri..."

Ara: "Ano naman siya?"

Kim: "Mukha kasing mahal pa niya si Mika. Ni-warn ko na yan dati na magback off."

Ara: "Wala akong balak makipag-kumpitensiya sa kanya, Pare. Ako ang mahal ni Yeye. Wala akong dapat ikabahala."

Kim: "Tama nga naman.. Pero iba kasi ang dating niya ngayon. Di na siya ang dating Ria na mananahimik lang kapag pinagsasabihan ko. Mas mabuti pa ring ingatan mo na kung ano man ang meron kayo ni Yeye ngayon." Kumuha ng tubig sa ref. Kumuha naman ako ng dalawang baso. "Simula kasi ng bumalik siya dito, wala yung ibang ginawa kundi ang magtanong sakin kung nasaan si Mika, kung kamusta na siya, kung nagkabalikan kayo..."

Ara: "Bahala siyang magtanong. Kung gusto niya si Mika pa ang tanungin niya.."

Kim: "Yan! Dapat confident! Pero mag iingat pa rin kayo. I got your back. Kahit kaibigan ko siya. Hindi naman sa ikaw ang kinakampihan ko. Magsa-side lang talaga ako sa kung saan tingin ko ang tama."

Ara: "Thank you, Pare."

"TOOOMMMMSSSYYYYYYY!!!!!" makasigaw naman si Daks parang wala kaming mga kapitbahay.

"Oh pano Pare. Mauna na kong pumasok ah? Kaw na bahala dito. Goodnight! Goodnight na din kay FO." Nag knuckle-punch kami saka na ko pumasok sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakapamewang si Mika at gulo gulo pa ang buhok. Naka suot siya ng loose na shirt, wala siyang bra at tingin ko naka undies lang siya. Ang hot!

"Bat ang tagal tagal mo! Kanina pa ko tapos maligo. Nakapagbihis na ko. Na-prepare ko na ang panligo at pantulog mo. Nakausap ko na sina Mommy sa phone pero wala ka pa rin! Kung hindi pa ko magsisisigaw dito, hindi ka pa papasok?!"

Nilapitan ko siya at niyakap pero di niya ko ni-hug back. "Ang ingay mo naman. Dami mong sinasabi.." Inamoy ko ang leeg niya. "Hmmm.. Ang bango bango mo."

Hindi siya sumagot. Tinitigan ko siya at nilapit ang mukha ko sa kanya. I kissed her. Nagiinit na naman ang katawan ko. Bakit kasi ganito ka lakas ang epekto niya sakin? Napansin kong nadadala na rin siya sa halik ko. I made the kiss more torrid, making her give in. Napahawak siya sa mga balikat ko. Hinawakan ko ang bewang niya. Hinatak ko siya papunta sa kama. Pero mukhang mas nagiinit na siya kasi siya ang pumaibabaw sa akin. Mas naging intense na kasi sinusubukan niyang itaas ang damit niya pero hinawakan ko ang mga kamay niya para hindi matuloy yon. "Daks.." Umalis siya sa pagkakahalik sakin at naupo sa bandang ilalim ng tiyan ko. Tinaasan niya ko ng kilay at namewang ulit. "Ano na naman?"

Ara: "Hahaha! Ang naughty mo! Paghindi ako nakapagpigil makikita mo talaga!" Pinaalis ko siya sa pagkakaupo niya sakin at naupo na rin sa tabi niya. "I told you to always wear something decent. Nahihirapan na kong magpigil!"

Mika: "Eh ano naman ang gusto mong isuot ko sa pagtulog? Gown?!" agad naman siyang bumawi at hinalik halikan ako sa tenga at sa leeg. "Di mo naman kailangang magpigil eh.."

Ara: "Becareful what you wish for, baby..." nginitian ko siya at hinalikan ang kanyang noo. "Ligo na muna ako. Ang init na eh.."

Mika: "Tsk! Nakakainis! Pera na naging bato pa!"

Pinagtawanan ko na lang siya. Pagpasok ko sa banyo ay nakita kong naka prepare na nga ang panligo ko. Pati damit kong pantulog nakaprepare na rin sa counter sa tabi ng sink. Napansin kong pareho din ito sa damit na suot niya kanina. Napangiti na lang ako, ngayon ko lang naalala na ito pala ang damit na binili namin sa Baguio nung nag PVF doon nung nag aaral pa kami. Sinadya talaga namin na pumili ng oversized na shirts kasi hindi mainit pantulog. Ang alam ko dinala niya to nung umalis siya. Napailing ako kasi itong shirt lang at underwear ang inihanda niya. May binabalak na naman siyang masama sa akin. Hahaha. Nagtoothbrush na din ako saka naligo.

Paglabas ko ng kwarto ay natutulog na itong mahal ko. Pinatay ko na ang ilaw at tumabi sa kanya. Naramdaman niya sigurong nandito na ko sa tabi niya kaya yumakap siya sa akin at umunan sa kamay ko. "Goodnight, Tomsy...I love...Zzzzz" Napangiti na lang ako. Hinalikan ko ang noo niya, sunod naman ang ilong niya, tapos nagsmack ako sa lips niya. "Goodnight, love.. Mahal na mahal kita.."

Mika's POV

Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. As usual, wala na naman si Tomsy sa tabi ko. Hindi muna ako bumangon. Nag iisip ako, ano kaya magandang gagawin mamaya? Ilang araw na rin ang nakalipas na nandito lang kami lahat sa bahay. I-take advantage na daw ang chance na makapag pahinga bago sumabak ulit sa training bukas. Si Riri din laging nagtetext sa akin at nagyayayang gumala pero mas pinipili ko pa ring dito na lang sa bahay para makasama si Tomsy. Bukas ko na lang siya pagbibigyan. Gusto kong i-surprise si Tomsy mamaya, di na rin kasi ako makaka-gawa ng surprise kasi simula na nga ng training bukas kaya tamang mamaya ko gagawin. Hay... Mamaya ko na lang iisipin yon. Mukhang nagsasaya sila sa labas eh. Ang ingay. Ang aga agang kulitan naman.

Bumangon na ko at pumasok sa banyo para gawin ang aking morning rituals. Lumabas na din ako pagkatapos at naabutan ko silang naglalaro ng hide and clap. Si Ara ang taya. Medyo malapit lang siya sa akin kaya sinenyasan ako ni ate Kim na tumahimik lang.

Ara: "Oh last clap na! Guys, last clap na.."

Sumabay ako sa pag clap. Alam kong ako ang una niyang pupuntahan kasi nga ako ang pinakamalapit sa gawi niya.

Lumapit nga siya sakin at kumapa hanggang sa nasagi niya ang kamay ko.

"Yes!!! Sino ka! Hahaha!" Inamoy amoy pa niya ko at ngumingisi pa. Kinapa niya ako mula bewang hanggang sa nahawakan niya ang dibdib ko. Bigla niya ring inalis ang kamay niya at tinaggal ang kanyang blindfold. "Oy! Sorry Daks! Ang tangkad mo kasi eh! Akala ko ulo ni Cienne ang mahahawakan ko! Hahahah!

Mika: "Manyak ka talaga! Hahaha!"

Kim: "Oy Pare! Akala ko makakanuod na kami ng liveshow! Ang hot eh!"

Ara: "Live show kayo diyan eh 1 second lang yun at di ko yun sinasadya!"

Camille: "Hahaha! Binilang mo talaga kung ilang segundo mo nahawakan ang boobs ni Yeye? Hahaha!"

Cienne: "Hahaha! Wala akong masabi! Hahaha!"

Ara: "Mga sira kayo! Mag almusal na nga tayo.. Kanina pa ko gutom eh.."

Mika: "Di pa kayo nagbe-breakfast?"

Cienne: "Kanina pa dapat bully. Kaso sabi ni Vic hintayin ka daw naming magising kaya naglaro na lang muna kami."

Mika: "Awwwe. :"""> Thanks Tomsy..." Ni side hug ko siya. "Ang thoughtful mo pa din kahit may konting ka manyakan ka! Hahaha!"

Ara: "Hoy sino kaya satin ang manyak! Hahaha!"

Mika: "Ssshhh. Tara na. Kain na tayo."

Tinungo na nga naming lima ang kitchen. Sigurado akong si Mela ang nagluto nito kanina bago siya pumasok sa trabaho kasi Corned Beef, Spam, Scrambled Eggs, Cheesedog, at fried rice na naman ang nakahain. Paborito kasi ito lahat ni ate Kim.

Mika: "Thanks sa breakfast, Mela! Kahit wala ka dito.."

Cienne: "Madaya si Kimtot! Nagbreakfast na yan siya kanina kasama si Mela!"

Kim: "Eh ano naman ngayon? Napagod kaya ako sa laro natin! Hahaha!"

Ara: "Oy. Daks, ate Kim, bilisan na natin, pinapatawag daw tayo ni Coach Ramil, nagtext si MotherF.."

Kim: "Ano daw meron? Wag naman sana niyang sabihin na ngayon na magsisimula ang training.."

Ara: "May announcement lang daw.."

Mika: "Bat di na lang nila i-group message diba?"

Ara: "Old school si Coach eh. Bilisan na lang natin."

Binilisan na nga namin ang pag kain at nagsi-ayos na. Naiwan ang kambal sa bahay at nagdala naman ng sarili niyang kotse si ate Kim kaya dun na lang kami nagkita sa bahay ni Coach. Pagdating namin doon ay kami na lang ni Tomsy ulit ang hinihintay.

Coach Ramil: "Kahit kailan di pa rin kayo nagbabago!"

Ara: "Sorry Coach. Ang tagal kasing mag ayos ni Yeye.."

Mika: "Oy! Sabay lang tayo umalis nina ate Kim. Mas mabilis lang talaga siyang mag drive.."

Kim: "Mas mabilis kasi mag drive ang mga pogi eh!"

Napatawa na lang kaming lahat. Tumayo naman si Riri mula sa kinauupuan niya sa kabilang couch at tumabi sa akin. Si Ara naman umalis sa tabi ko at nakipagkulitan sa iba pa naming teammates. Alam kong umalis talaga siya para kami naman ang makapag usap ni Ria. Alam niyang lagi akong niyayaya nito at sinabi niyang okay lang naman daw na sumama ako. Ako lang naman talaga ang may ayaw.

Ri: "Hi Mika! Kamusta ka na?"

Mika: "Eto.. Okay lang. Ikaw?"

Ri: "Eto din.. Na miss ka.."

Mika: "Na miss din kita bestfriend!" Ni side hug ko siya para di naman masyadong maging serious ang atmosphere namin."Kanina pa kayo dito?"

Ri: "Ah oo. Kanina pa.."

Mika: "Bat mukhang matamlay ka?"

Ri: "Di mo ko pinagbibigyan eh.."

Mika: "Sorry, Riri! Dami kasing ginagawa sa bahay eh."

Ri: "Okay lang. Next time na lang pag di ka na busy.."

Mika: "Sure.."

Coach Ramil: "Guys. Tama na ang kulitan... Pinatawag ko kayo dito para sabihin na bukas magsisimula na ulit ang training ninyo. 7am - 11am then 2pm - 6pm everyday except Sundays. Ganun pa rin pero sa FEU gym na tayo magttrain ngayon. May sasalihan tayong international league 2 months from now kaya puspusan na ulit ang training. Usually sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lang ang 1st 6. Pero dahil nga dumagdag si Ria sa team at maganda naman ang ipinakita niyang performance, ay kailangan ko pang i-assess ulit kung sino nga ang makakapasok. You have to work hard for your positions girls. All of you. Hindi lang ang dating 1st 6, kundi kayong lahat."

Napatango na lang kaming lahat. Ibig sabihin bugbog na naman ang katawan namin sa training.

"And by the end of this month, pipili din ako ng panibagong team captain. Wag kayong mag alala, napag usapan na namin to ni Rachel. Everybody deserves a shot. Alam niyo naman siguro kung ano ang qualities na  hinahanap sa isang team captain. Pinagdaanan niyo na lahat yan nung mga nag aaral pa kayo."

Ang galing. Sana ako! Hahaha. Pero feeling ko talaga si ate Aby ang magiging team captain this year. Nagbigay pa si Coach ng mga panibagong instructions at rules. Kabilang na doon ang bawal na daw dalhin ang problemang personal sa laro. Kami lang naman ni Tomsy ang ang tinamaan. Pero I'm sure naman na wala ng dadating pa na ganun ka serious na problema samin. Sana nga wala na...

Natapos na ang meeting namin at kani-kaniya ng kwentuhan ang bawat isa. Nagpaalam na rin naman ang iba. Niyaya ulit ako ni Riri na mag lunch sana pero tinanggihan ko na naman. Magpaplano pa kasi ako ng surprise ko para kay Tomsy eh. Di naman siya nagpumilit pa kaya nagpaalam na lang siya na mauna ng umuwi.

Ara: "Daks.. Nagtext si Cienne, nagpapasama sating mag lunch. Pumunta daw si Cams sa PretTEA eh. Mag isa lang siya sa MOA ngayon."

Mika: "Eh Tomsy... May pupuntahan muna ako."

Ara: "Sasama ka ba kay Ria?"

Mika: "Ha? Hindi ah.. Pupunta lang ako sa mga dati kong classmates sa St Scho. Nagyaya ding maglunch eh.."

Ara: "Ganun ba? So ako na lang pupunta kay Cienne?"

Mika: "Oo.. Samahan mo muna yun.."

Ara: "Okay. Saan kita ihahatid?"

Mika: "Magpapasundo na lang ako dito Tomsy. Sige na. Baka naghihintay na si Cienne.. Go go go na. Text na lang kita mamaya. Susunod ako.."

Ara: "Sigurado ka? Sige. Mag-iingat ka ha?"

Ang totoo niyan. Di ko pa talaga alam kung saan ako magsisimula sa gagawin kong surprise at kung kanino ako magpapatulong.

"Bye Daks. See you later."

Mika: "Bye.."

Tinext ko si Cams, busy daw ito at maraming inaasikaso sa shop. Si ate Kim naman nakaalis na dahil sabay daw silang magla-lunch ni Mela. Tsk. I feel hopeless. Napatingin ako sa ashtray sa mesa naka shape na ngipin. Amazing! Ni-dial ko ang number ni Gayle. Habang nagri-ring ang phone ay napaisip ako kung bakit hindi na sila nagkakasama ni Cienne lately..

Gayle: "Hello? Mika?"

"Yes Gayle. Hi. Busy ka ba?"

"Hindi naman. Wala akong appointed patients ngayon. Mamayang 5pm pa. Napatawag ka?"

"Magaling ka ba sa surprises?"

"Konti. Bakit naman?"

"I badly need your help!"

"Saan tayo magkikita?"

"Pupuntahan na lang kita diyan sa clinic mo."

"Sige. I'll wait for you.."

"Thanks Gayle.. See you in a while."

"Yes. See you. Ingat sa biyahe Mika.."

Binaba ko na ang phone. Nagpaalam na ko kay Coach at sa iba pa naming teammates. Nag abang ako ng taxi sa labas. Dumaan muna ako sa pinakamalapit na Jollibee para naman may dala akong pagkain saka ako sumakay ulit ng taxi at tinungo ang clinic ni Gayle.

Author's POV

Kasalukuyang nagwi-window shopping lang sina Ara at Cienne. Halos nalibot na nila ang buong MOA at  nakapasok na sa lahat ng boutique ay hindi pa rin nakakasunod si Mika. Bigla namang nakatanggap ng message si Cienne.

1 new message

from: Yeye

Ciennang! Dalhin mo sa carpark si Tomsy. Nandito ako sa kotse niya. Jusko, 100 years bago ko nahanap kung saan siya nakapark. May surprise kasi ako para sa kanya. Susunduin ka na lang ni Cams jan.

Nag reply naman agad si Cienne.

to: Yeye

Push! sige. Yayain ko na now. Waits lang.."

Cienne: "Vicky. Uwi na tayo.."

Ara: "Ha? Eh susunod pa si Mika dito eh.."

Cienne: "Sige na please.."

Ara: "Sige na nga text ko na lang siya na dumiretso na lang din sa bahay. 5 na din pala eh.."

Dumiretso na ang dalawa sa carpark. Pagdating naman nila doon ay nagulat si Ara nang makita si Mika na nakatayo sa gilid ng kotse at may hawak na basket.

Mika: "Hi Tomsy!" Niyakap si Ara. "Hi Cienne.."

Ara: "Ano yang hawak mo?"

Mika: "Secret! Buksan mo na ang kotse, dali! Ang bigat nito eh."

Binuksan na nga ni Ara ang kotse saka kinuha kay Mika ang dala nitong basket at pinasok sa likod.

Cienne: "Oh pano guys? Pasok na ulit ako.. May date pa kami ni kambal eh.."

Ara: "Will you be okay Cienne?"

Cienne: "Of course, Vicky! Oh. Kayo naman ang magdate!"

Niyakap ni Mika si Cienne. "Thanks Bully.."

Pumasok na nga ulit si Cienne sa loob ng mall. Si Mika naman ang nag insist na magdrive. Hinayaan na lang siya ni Ara.

Bumyahe na sila. Si Ara tanong lang ng tanong kung saan sila pupunta pero hindi siya sinsagot ni Mika. Madilim na nang makarating sila sa isang bakanteng lote somewhere dito sa Antipolo. Mataas na lugar yon kaya kitang kita ang night light sa buong Rizal.

"This place is beautiful, Daks. Ano yan?" Turo sa wide screen na parang ni set up lang. "And a red convertible beetle?"

Niyakap ni Ara si Mika ng mahigpit.

Mika: "Surprise!!!"

Ara: "Thank you!!! Bat mo dala dala to?"

Mika: "Paano makukumpleto ang movie date natin kung walang pagkain diba?"

Ara: "This is too much, baby..." Naiiyak na saad ni Ara habang naglalakad sila papalapit sa beetle na nakapwesto paharap sa wide screen.

Mika: "It never is."

Lumulan na sila sa beetle. Ni press naman ni Mika ang play button sa remote na kinuha niya sa mini compartment. Madilim ang paligid. Ang lumalabas lang sa wide screen ang umiilaw sa kanila. Nakapatong sa hood ng beetle ang ang projector.

Ara: "Kanino itong red beetle, Daks? Gusto ko to.."

Mika: "Sa kanya to ng bestfriend ni Gayle, Tomsy.."

Ara: "Si Gayle? Paanong?

Mika: "Sa kanya ako nagpatulong..."

Ara: "Paano ka niya tinulungan eh sabi ni..." Nagsimula na ang movie. "Oh my God!! Manhattan!!! Ito talaga ang gustong gusto kong panuorin!! Ito daw ang pinakamagandang black and white movie!!"

Mika: "Popcorn?" inabot kay Ara ang isang bucket ng popcorn at isang coke in can galing sa basket.

Ara: "This is one of the best nights of my life, Ye. 1st is when you 1st told me you love me. This is the 2nd.. Thank you. Ang saya saya ko talaga! I love you..."

Mika: "I love you too.. Ssshhh. Magsisimula na oh."

Pareho na silang nakatutok sa movie habang kumakain ng mga dalang pagkain ni Mika. Kitang kita naman niya ang saya sa mukha ni Ara.

They finished the movie and went home with only one thing in Mika's mind.

Bucket list no. 3, check!

Kim's POV

Nakakapagod naman itong training namin. At mas puspusan talaga ito ngayong hapon. Nagcoo-cool down na kami ngayon. Walang pinagbago ang laro ng teammates ko maliban kay Ara. She's having one of those days na naman kaya pangit ang laro niya. Palagi ding pinagagalitan ni Coach pero wala naman siyang reaction. Nakita kong nag aalala din si Mika. Na mention din kasi ni Coach na kung gusto niya pang mapabilang sa 1st 6 ay ayusin niya ang paglalaro niya. Lagi pang ikinu-compare kay Ria.

Finally natapos na rin!

Nag uusap usap kami ngayon dito sa loob ng dressing room. Lahat kasi kami tapos na ring mag shower.

Ri: "Mika.. Baka naman sasama ka ng magdinner sakin ngayon. Ngayong gabi lang talaga.."

Humarap si Mika kay Ara na parang nagpapaalam. "Go ahead Daks. Okay lang. Susunduin na lang kita mamaya." Kahit kailan talaga tong si Ara. Kahit bad trip kasi puno ang tenga sa galit ni Coach kanina ay nangingibaw pa rin ang kabaitan.

Mika: "Sure ka? Saan ba kayo didiretso ngayon?"

Ara: "Nasa grill sina Cienne, Cams at Mela. Doon na lang din kami didiretso ni ate Kim."

Kim: "Hoy Ri. Pakainin mo yang si Mika ha?"

Nginitian lang ako ni Ria at tumango.

Mika: "Sige Daks.. Text kita mamaya kung saan kami. Sundo ha?" Naghug at nagsmack kay Ara. "See you later! Love you.." saka hinatak si Ria.

Ara: "Teka, Ria..." lumapit kay Ria at may binulong.

Hindi naman maipinta ang naging reaction ni Ria sa binulong ni Ara pero umalis naman sila agad ni Mika.

Kim: "Anong sinabi mo? Bat ganun naging mukha nun?"

Ara: "Secret! Hahaha! Tara na.."

Kim: "Kita na lang tayo sa grill.."

Kanya kanya na kami ni Ara sa pagpunta sa grill kasi dala ko rin naman ang kotse ko. Pagdating ko doon ay nauna ng dumating si Ara. Nakapagtatakang dito sila sa smoking area pumwesto sa labas at may mga bote na ng beer. Aba ang mga babaeng to mas inuna pa ang pag inom kesa kumain at naka dalawang bucket na. Si Cienne naman naninigarilyo at umiiyak.

Kim: "Ano to?" tumabi ako at hinalikan si Mela sa cheeks. "Hi OT.. Anong nangyayari dito?"

Cienne: "Grabe! Sabi niya busy siya kaya di ko na siya pinipilit na makipagkita sa akin!"

Kim: "Baka naman talagang busy lang.." inabutan ako ni Ara ng baso na may lamang redhorse.

Cienne: "Busy?! Si Mika nga nagawa niya pang tulongan kagabi eh!"

Camille: "Tahan na kambal! Yan kasi masyado kang all out sa kanya! Nagaya ka na din kay ate Mowky!"

Cienne: "Ipapatanggal ko tong tattoo ko bukas! Tsk tsk"

Iyak pa rin ng iyak si Cienne. Nakikinig lang kami sa mga hinanakit niya kay Gayle. Bakit naman kasi ganito ang nangyari? Parang wala naman silang problema eh. Nagpatuloy lang kami sa pagbibigay ng advice kay Cienne hanggang sa nagpaalam na si Ara sa amin na susunduin na si Mika at babalik na lang daw dito.

"Guys. Susunduin ko lang si Mika ha? Kayo na muna bahala kay Cienne. Babalik kami agad dito.."

Ri's POV

Dinala ko dito si Mika sa isang restaurant malapit lang sa FEU. Mukhang masarap naman ang pagkain kasi madaming tao. Tumatak talaga sa isip ko ang sinabi sa akin ni Ara kanina pero isasantabi ko na muna yon. Ayokong masira ang gabi namin ni Mika, ngayon na nga lang ako pinagbigyan eh.

Umorder na agad si Mika at nagkwentuhan pa kami. Tinanong ko siya tungkol sa nangyari sa kanila ni Ara. Kinwento niya naman lahat. Nagkaboyfriend pa pala siya dun sa States. Bakit ako na lang ang hindi pa nabibigyan ng chance?

Ri: "Bigyan mo din kaya ako ng chance?"

Mika: "Ano ka ba! Kaibigan kita, Riri.."

Ri: "Nagsimula din kayo sa pagiging magkaibigan ni Ara diba? Ni Clyde.."

Mika: "Iba sila, Ri.."

Ri: "Bigyan mo lang ako ng chance. Gusto ko lang maipakita sayo at maparamdam na mahal kita.."

Mika: "Ri.. Please. Ayokong ma sira ang friendship natin.."

Ri: "I'm willing to risk everything.. Para sayo.."

Mika: "I'm sorry... Mahal ako ni Ara."

Ri: "Mahal din naman kita ah?"

Mika: "Mahal ko siya..."

Ri: "Bigyan mo lang ako ng chance.."

Mika: "No, Ri. Kaibigan kita.. Hanggang dun na lang yun. Napag usapan na natin yan dati.."

Ri: "Pang ilang rejection mo na ba to sakin?" Napailing na lang ako. "I want you to remember this Mika... Ilang beses mo man akong ipagtabuyan, ilang beses mo man akong talikuran, ilang beses mo man akong pagsarhan ng pinto, patuloy pa rin kitang hahabulin. Handa akong iwan ang lahat para lang mapatunayan ko sayo kung gaano kita ka mahal.."

Mika: "Ria... Hindi kita ipinagtatabuyan at hinding hindi kita tinalikuran. Hindi ko lang talaga kayang ibigay ang hinihingi mong chance. Mahal ko si Ara.."

Ri: "Kung mahal niyo ang isa't isa, bakit hindi mo pa siya sinasagot?"

Mika: "It's none of your business, Ri! Sa amin na lang yon. I don't owe you any explanation. Look... This conversation is not going anywhere. Pumayag akong sumama sayo bilang kaibigan. Lalabas ako sa lugar na to na kaibigan mo pa rin. Hindi na tayo hihigit pa dun. Magpapasundo na ko kay Ara."

Kinuha niya ang cellphone niya, nagtext na nga siguro kay Ara.

Ri: "I'm sorry, Mika.. Mahal lang talaga kita."

Mika: "Mahal kita Ri. I'm your bestfriend. Sana naman i-respeto mo na lang ang decision ko.."

Ri: "I'm sorry. I swear. Di na kita ulit kukulitin.."

Mika: "Okay lang naman na kulitin mo ko eh. Dati naman tayong nagkukulitan talaga. Pero hindi na tayo hihigit pa sa pagiging bestfriends."

Ri: "I know. I was just hoping you'd change your mind."

Nagkwentuhan na lang ulit kami ni Mika. Medyo naging light na ang tension sa pagitan namin nang dumating si Ara. Tiningnan niya ko ng masama pagpasok pa lang niya. Na mention siguro ni Mika kanina nung nagtext siya sa kanya. Nagpaalam na rin si Mika sa akin at nauna ng lumabas samantalang nagpaiwan naman si Ara dito sa loob. Naalala ko na naman ang binulong niya sakin kanina.

Hindi dahil masama ang laro ko kanina ay papayag akong palitan mo ko sa 1st 6. I am going to claim what's rightfully mine, Ria. Ingatan mo si Mika...

Naputol naman ang iniisip ko nang itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa mesa. Nandito pa pala siya.

"When I told you I'm going to claim what is rightfull mine, it meant kasama na roon si Mika. Wag mong kakalimutang sa akin din siya."

Continue Reading

You'll Also Like

63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...