Class 2 - 3 | Tagalog Story

By hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... More

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Tired
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Smart One
Top 1
Lost Memory
Dancer
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Angelic Voice
Cracked Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Lies
Funny One
Happy Day
Lonely
Sporty
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Truth Hurts

83 1 0
By hwangeunbb

Angel's POV.

Sabi na nga hindi kaibigan ang turing niya sa akin. Plastic pala siya. Tsk lalandiin mo pa ang boyfriend ko. Hinding-hindi ko hahayaang gawin mo yun. Bahala na. Kailangan kang mawala dito. Kinuha ko yung notebook na binigay sa akin ni Mr. Norman.

Sinulat ko doon na biglang nawala ang isa sa mga kaibigan ko na hindi namamalayan ng iba kong mga kaklase. Kailangan mo nang mawala dahil alam ko hindi ka titigil landiin tong boyfriend ko.

Hay~ kailangan kong pumunta muna sa restroom.

Jahz' POV.

Balik klase na kami. May new lesson nanaman siguro kami ngayon. Parati naman eh. Bago pa mag-umpisa ang klase namin chineck ko muna ang mga kaklase ko kung present silang lahat. Kompleto ang mga lalaki. Ang mga babae naman... teka nga lang parang may kulang na isa.

Yung isa sa mga kaibigan ni Angel wala pa. Absent ba siya ngayon? Sabay sabay kaming nagulat nung biglang sumigaw yung isa pa sa mga kaibigan ni Angel.

"Guys! Tumingin daw tayo sa bintana!", Huh? A-anong meron sa labas?

Dali-dali kaming sumilip sa bintana. Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong yung isa sa mga kaibigan ni Angel na wala nang buhay. A-anong nangyari sa kanya? M-may umatake ba sa kanya?

Angel's POV.

A-anong nangyari sa kaibigan ko? Biglang sumagi sa isipan ko yung sinulat ko sa notebook kanina. N-nagkatotoo din yun? A-ano tong nagawa ko? Hindi ko naman sinulat na mamatay siya. Sinulat ko lang na mawala siya. Yun lang.

Napahinto ako sa pag-iisip nung lumapit sa akin ang imaginary boyfriend ko. N-natatakot ako sa kanya.

"Tinupad ko yung sinulat mo sa notebook kanina. Hindi ka na ulit maiinis pa kasi wala na siya. Magsasama na tayo habang buhay.", Nanlaki bigla yung mga mata ko nang dahil sa sinabi niya.

S-siya ang pumatay sa kanya? H-hindi ko akalaing magagawa niya yung bagay na yun. Sinulat ko lang naman sa notebook na... sinusunod niya ang lahat ng mga sinasabi at pinag-uutos ko. Natahimik ako nang matagal. A-ako ang may kasalanan dito. Anong nagawa ko?

Pagkatapos ng klase mag-isa akong pumunta sa canteen ng school. Hindi ako pwedeng makita ng imaginary boyfriend ko. H-hindi siya ang ideal type ko. Hindi ako magmamahal ng mamamatay tao. Hindi. Agad kong sinulat sa notebook na hindi na niya ako mahal.

Yan. Siguro naman babalik na ang lahat kagaya nang dati pero hindi pa rin maaalis sa akin ang sisihin ang sarili ko sa pagkamatay ng isa sa mga kaibigan ko.

Habang seryoso akong naglalakad pabalik sa classroom. Sinalubong ako ng isa sa mga kaklase kong babae. May kailangan ba siya?

"Angel. Kanina ka pa namin hinahanap. Si Yibo... kailangan ka niya.", Huh? Anong nangyari sa kanya?

Hinatak ako ng sumalubong sa akin papunta sa rooftop. Ano naman ang ginagawa ng imaginary boyfriend ko dito? Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na parang magpapakamatay na yung imaginary boyfriend ko. Ano na ba ang nangyayari dito?!

"Yibo! Yibo! Andito na akon Wag kang tatalon jan, andito na ako! Halikana... sumama ka na sa akin!", Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"Angel. S-sabi mo hindi na kita mamahalin pa kaya mas mabuti pang mawala na lang ako dito kaysa mangyari ang bagay na yun.", Ano ba 'to?!

"Yibo! Wag mong sasabihin yan! Halikana dito!", Hindi talaga siya nakikinig.

Alam ko na ang gagawin ko. Agad akong lumayo sa mga taong nasa paligid ko. Kinuha ko ang notebook at sinulat ko doon na muli na akong minahal ni Yibo at magsasama na kmi habang buhay. Sana gumana...

Jahz' POV.

Hindi ko maintindihan yung sinabi ni Yibo kanina. Sinabihan siya ni Angel na wag na siyang mahalin tapos magpapakamatay na lang siya kaysa mangyari ang bagay na yun. Hindi ba niya kayang mabuhay na wala si Angel. Ano ba ang pinag-awayan nila?

"Alam mo Jahz baliw na ata tong si Yibo. Baliw na sa pagmamahal kay Angel.", Sabi ni Izza. Tapos pinicturan niya si Yibo.

Angel's POV.

Pagkatapos kong magsulat dahan-dahang tumingin ulit sa akin ang imaginary boyfriend ko. Gumana na ba? Pagtingin niya sa akin nakangiti na siyang naglakad palapit sa akin. Paglapit niya sa akin bigla niya akong niyakap.

"Pangako... walang iwanan ha.", Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero kailangan mo nang mawala Yibo.

Hindi ka bagay dito sa mundong 'to. Siguro makakahanap din ako nang mas maayos kaysa sayo. I'm sorry.

Jahz' POV.

Nakakapagtaka naman ayos na agad sila? P-paano nangyari yun? Biglaan naman ata yun nangyari. Kanina lang hindi ko sila maintindihan hanggang ngayon pa naman. Hay naku~ ang pag-ibig talaga ngayon oh. Makabalik na nga sa classroom.

Habang naglalakad kami ni Izza pabalik sa classroom. Napahinto ako at tumingin ako sa kanya. Wala naman kaming klase ngayon.

"Izza. Pumunta tayo sa photo studio. Imbestigahan natin yung mga kinuha mong mga litrato.", Nginitian niya ako.

"Sige ba!", Pagkatapos sabay na kaming naglakad papunta sa photo studio.

Angel's POV.

Ginawa ko lang yung tingin kong tama. Ang mawala ang mga kasinungalingang pinatotoo ko. Nagkamali ako sa naging desisyon ko. Hindi ko dapat ginawa ang bagay na 'to. Sa ginawa ko may napahamak na isang tao na malapit sa buhay ko kaya tingin ko kailangan ko nang wakasan ko.

Kailangan kong kausapin si Mr. Norman. Gusto kong malaman kung ano ang pwede kong gawin para ibalik ang lahat kagaya nang dati. Agad akong pumunta sa counseling room.

Pagdating ko doon hindi pa ako nakakalapit sa tapat ng pintuan ng counseling room. Nasalubong ko agad si Mr. Norman. Buti naman nakita ko siya.

"Angel bat andito ka?", Tumingin ako nang seryoso kay Mr. Norman.

"Sir. Paano ko mababalik ang lahat kagaya nang dati? Pwede pa bang mabago ang lahat?", Unti-unting ngumiti si Mr. Norman. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"So ngayon nagsisisi ka na? Diba sabi ko sayo pag-isipan mo muna ang mga isusulat mo sa notebook dahil baka sa huli ikaw din ang magsisi?", Senesermonan pa ako nito oh.

"Sir. Alam kong nagkamali ako paano ko maitatama ang lahat ng pagkakamali ko? Sir. Tulungan niyo ako.", Nakatingin lang si Mr. Norman sa akin.

"Hindi na kita matutulungan sa bagay na yan. Ikaw na ang nagsimula ng mga kamalian na yan kaya ikaw na ang bahalang mag-ayos nyan. I'm sorry, Angel. Sige kailangan ko nang umalis.", Ano?! Pagkatapos magsalita ni Mr. Norman umalis na siya.

A-anong sabi niya? H-hindi na niya ako matutulungan pa? Hindi. Hindi pwedeng mangyari 'to. Kapag nagtagal pa ang imaginary boyfriend ko dito baka may mangyari ulit na masama sa iba ko pang mga kaklase ko. Hindi ko hahayaang mangyari yun.

Kung hindi ako matutulungan ni Mr. Norman. Tingin ko ako na lang ang maghahanap ng solusyon sa problema ko.

Lumabas ako sa school. Pumunta ako sa likod ng school. Nagsunog ako doon ng mga papel. Tingin ko ito na lang ang paraan na pwede kong gawin. Sana naman gumana. Kinuha ko yung notebook na binigay sa akin ni Mr. Norman.

Isang pagkakamali ang tanggapin kita. Mali ang naging desisyon kong yun kaya eto lang ang naiisip kong paraan para magawa kong maitama ang lahat ng mga pagkakamali ko. Agad kong sinunog yung notebook. Sana gumana tong naisip kong paraan.

Pagkatapos kong sunugin yung notebook agad na akong naglakad pabalik sa loob ng school.

Jahz' POV.

Nasa loob kmi ni Izza sa photo studio. Kami lang dalawa yung tao doon. Napakatahimik nga ng paligid naming dalawa. Sinalang na ni Izza yung memory ng camera niya sa computer. Yan pwede na kaming magsimulang mag-imbestiga.

Una naming tiningnan yung picture ni Nin. Yung may kasama siyang lalaki na hindi pa rin namin nakikilala. Sino kaya tong lalaki na 'to?

"Jahz. Pansinin mo yung damit nung lalaki na yan. Parang ganyan yung mga style ni Mr. Norman. Wait may picture ako sa kanya na nakaharap siya eh. Eto oh dito magkaparehas na magkaparehas.", Tama si Izza. Magkaparehas na magkaparehas nga.

"Siguro si Mr. Norman nga yang kausap ni Nin. Alam mo Izza tingin ko talaga may kinalaman si Mr. Norman sa mga nangyayaring kababalaghan sa mga iba nating mga kaklase.", Tumingin kami sa isa't isa.

"Tingin ko din pero saan naman niya dinala yung iba nating mga kaklase?", Napaisip ako nang dahil sa sinabi ni Izza.

"Kaya nga kailangan nating malaman kung saan niya dinadala yung mga kaklase nating nawawala.", Kailangan naming malaman.

Angel's POV.

Pagbalik ko sa loob ng school dumiretso agad ako sa classroom namin. Bat walang katao-tao sa loob? Asaan kaya yung iba kong mga kaklase? Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan ko. Nakakapagtaka naman lahat ng mga kaklase ko wala dito.

Hay~ ano ba ang pwedeng gawin ngayon? Ay alam ko na tatapusin ko na lang yung story na ginagawa ko. Nagulat ako nung may mapansin akong may pumasok sa loob ng classroom.

Agad akong lumingon sa likod ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko yung imaginary boyfriend ko na nasunog yung kanang bahagi ng mukha at katawan niya. A-anong nangyari sa kanya? Mas nanlaki yung mga mata ko nung pinakita niya sa akin yung notebook na sinunog ko kanina.

"Bakit mo 'to ginawa? Akala ko ba... magsasama tayo habang buhay?", Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin pero kapag lumalapit siya umaatras ako.

Nasunog din siya nung sinunog ko yung notebook. N-nakakonekta nga pala siya sa notebook na yun kaya mangyayari din sa kanya yung mga ginagawa ko sa notebook na yun. Nabigla ako nung tumakbo siya palapit sa akin pero tumakbo ako palayo sa kanya.

"Bat mo ako iniiwasan? Ayaw mo na ba sa akin, Angel?", Ano na ba ang nangyayari?

"Please Yibo tumigil ka na bumalik ka na lang kung saan ka man nanggaling.", Biglang sumeryoso yung mukha niya.

"Hindi ko magagawa yun. Sinulat mo dito na minahal kita nang habang buhay. Tutuparin ko lang kung anoman yung sinulat mo. Kaya lumapit ka dito!", Hinabol na niya ako kaya tumakbo ako nang mabilis na mabilis para hindi niya ako mahuli.

Tumakbo ako nang tumakbo nang mabilis. Hindi ako pwedeng mahuli ng imaginary boyfriend ko baka kapag mahuli niya ako kung ano pa ang gawin niya sa akin. Kailangan kong magtago. Ayun! sa photo studio.

Jahz' POV.

Seryoso kaming nakatingin sa picture ni Nin nang may biglang pumasok sa loob ng studio. Sino yun? Sabay kaming napatayo ni Izza. Nakita namin na si Angel yung pumasok sa loob. Agad na tumakbo palapit sa akin si Angel tapos bigla niya akong niyakap.

"Jahz! Jahz, tulungan mo ako. M-may humahabol sa akin. Tulungan niyo ako.", Huh? S-sinong humahabol sayo?

Nung tatanungin ko na sana si Angel. May isang taong nagsusubok na buksan yung pintuan ng photo studio. Buti na lang nalock ni Angel agad. S-sino ba yan?

"Sino ba yung humahabol sayo?", Tanong ni Izza kay Angel.

Dahan-dahan siyang lumingon sa may pintuan. Grabe takot na takot siya. Bakit ba siya hinahabol? Sabay sabay kaming nagulat nung nasira bigla yung pinto at nakita namin ang boyfriend ni Angel na si Yibo. S-sunog yung kanang bahagi ng mukha at katawan niya.

"Y-Yibo. A-anong nangyari sayo?", Tumingin siya sa akin.

"Ibigay mo sa akin si Angel!", Mas hinigpitan ni Angel yung pagyakap niya sa akin.

"Wag! Wag mo akong ibigay sa kanya, Jahz. Please wag mo akong ibigay sa kanya...", Sabay kaming nagulat ni Angel nung biglang pinalo ni Izza si Yibo sa ulo gamit ang keyboard.

Pagbagsak ni Yibo agad na hinawakan ni Izza yung kanang kamay ko at hinawakan ko din ang kaliwang kamay ni Angel. Kailangan naming makatakas pero nung patakbo na kami biglang nahawakan ni Yibo yung kaliwang paa ni Angel.

Nanlaki yung mga mata namin ni Izza nung unti-unting nawala si Angel kasama yung boyfriend nya si Yibo. Hindi. Hindi! ANGEL!

{Next story coming up.}

-End of Chapter 27-

Continue Reading

You'll Also Like

18.2K 674 93
Story tungkol sa isang beki at isang astig na girl
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
137K 2.5K 6
Friend Zone short stories. Pag kaybigan kaybigan lang para walang masaktan I Hope na maka pulot kayo ng aral dito sa story na to.
24.6K 1.3K 71
Zhaolyn Sseoji ay isang Multo, Aalamin nya Kung bakit Sya namatay at Kung sino Ang pumatay sa kanya, Si Park Haneul ay isang magaling na Pianonist n...