I'm His Private Dancer

Von Shettered

3.7M 52.3K 3.6K

[Completed] Who am I? I'm not perfect but i'll do my best for you. PS: Don't judge a book by its title. Mehr

I'm His Private Dancer
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Question.
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Two

151K 1.7K 42
Von Shettered

Halos lahat ata ng nadadaanan ko ay bumabati sa akin. Siyempre bilang ganti na din sa magandang bati nila ngayong umaga sinusuklian ko naman sila ng magandang ngiti. Mababait ang mga tao dito sa San Martinez, lahat dito ay masasayahing tao. Hindi sila ganun kahirap pakisamahan, kung may nangangailangan ng tulong ay kusa silang magbibigay o tutulong.

Nang nakarating na ako sa palengke kung saan ako ngayon ay magta-trabaho naabutan ko sa paradahan ng tricycle si Mica, ang kaibigan ko mula pa bata.

"Magandang umaga, Mica." Bati ko sa kanya.

Bumaling naman siya sa akin at ngumiti. "Good Morning din, aba himala at blooming ka ngayon. Anong meron?" Tanong niya sa akin.

Kinapa-kapa ko naman ang mukha ko. "Blooming ba ako? Hindi naman ah, wala naman akong binago ngayon sa itsura ko."

"Bakit ang aliwalas ng ngiti mo sa labi? Siguro may pumoporma na sa iyo 'nu?" Tudyo niya sa akin.

"Huh? Naku wala ah, alam mo naman na bawal akong magkaroon ng nobyo. Tsaka palangiti naman ako dati pa lang."

Uunahin ko na muna ang pag-ta-trabaho para makatulong kesa sa pag-nonobyo. Mahirap na nga kami dadagdag pa ang sakit sa ulo nila Nanay.

"Wag mo nga akong pinag-loloko Trining." Sabay irap niya sa akin.

"Hindi kita niloloko." Minsan ang hirap din basahin nitong si Mica, eh.

"Sabagay inosente ka pa pala." Sabi nito.

Umiling na lang ako, hindi naman ako ganoon ka-inosente sadyang wala lang akong interest sa ganoong bagay, "Oo nga pala saan ka pupunta at ganyan ang iyong suot?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-puturang pustura siya ngayon. 

"Eto ba?" Sabay hawak sa kanyang damit. "Ngayon na kasi ako mag-a-apply ng trabaho sa Manila." Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Bakit doon pa, eh ang layo niyon?"

"Ano ka ba mas malaki ang kikitahin doon, kesa dito na iilang kusing lang. Nakakasawa na din ang sariwang hangin. Susubukan ko naman ngayon ang maduming hangin." Sabay tawa niya.

Napailing na lang ako. "Baliw ka talaga, Mica. Magkakasakit ka lang doon."

"Alam ko 'yun. Sayang lang ang nakuha kong diploma kung sa palengke ka lang din naman mag-ta-trabaho. Kaya ikaw huwag mong sayangin ang iyong ganda. Hindi mo magagamit iyan dito, magagamit mo iyan sa Manila, o di kaya sa mga kilalang Resort dito sa San Martinez."

"Hindi na kailangan. Masaya na ako dito sa palengke." Sabay ngiti.

"Anong kinasaya 'nun? Sira ka na Trixie." Tumungin siya sa kanyang relos. "Naku Trixie hindi na ako makakapag-kwentuhan sayo, anong oras na din at baka ma-late pa ako byaheng Manila. Babalitaan na lamang kita pag natanggap na ako." Hinalikan niya ako sa pisngi at sumakay na ng tricycle. Kumaway na ako sa kanya.

Pagdating ko sa pwesto ni Inay ay pinasadahan niya na ako ng masamang tingin. Pumuwesto na ako sa tabi niya at nagsimula ng isuot ang apron ko.

"Bakit ngayon ka lang? Nakipaglandian ka na naman sa mga lalaki dyan sa kanto natin?" Mariing tanong sa akin ni Inay.

"Hindi po. Kaya lang po ako natanghali na punta dahil inasikaso ko pa po si Karen at nakasalubong ko sa Mica sa paradahan, konting kamustahan lang po ang ginawa namin, Inay."

"Inuna mo pang makipag-chikahan kesa kumita ng pera."

Mahabang diskusyon pa ang sinabi sa akin ni Inay bago tuluyang tumigil ng biglang may dumating na customer. Ngiting-ngiti naman ang itsura ni Inay.

Nagsimula na din akong magtawag ng customer. Hindi naman kami nahirapan na magtinda ngayon tulad kahapon marami na naman ang bumibili. Buti na lamang at nandito na si Inay para hindi ako mahirapan.

Hapon na din kami nakauwi sa bahay ni Inay. Nadatnan namin doon si Itay nag-ga-ganchillo ng lambat.

Nagmano ako sa kanya nang nasa tapat na kami. "Magandang hapon po." Bati ko.

Tumango lang siya sa akin. Pumasok na ako sa bahay at inayos na ang mga gamit na ginamit namin sa palengke. Nang matapos iyon ay nagsimula na akong mag-gatong ng kahoy sa likod bahay. Kailangan ko ng magluto para sa hapunan.

Hindi pa din dumarating si Karen, panigurado akong nasa bayan na naman iyon at nagliliwaliw. Ibang klase, hindi man lang niya naisip na may mga nag-ta-trabaho para sa kanya pero iniwawaldas lang niya ang pera na kinikita ni Inay.

Kung sana ay ganoon din ako ngayon na nagpapahinga. Pero kelangan kong kumita dahil patapos na ang pag-aaral ni Karen. Panigurado akong malikihang gastos na naman ito.

Maganda ang sinabi sa akin ni Mica kanina, na kung sa Manila ako magta-trabaho tiyak na hindi na mahihirapan si Inay sa pagtutustos dito sa bahay. Makakatulong din ako. Ngyaon ko lang din naisip na makakaganda din pala iyon sa buhay namin.

Matapos kong magluto ay nagpahinga muna ako at nag-punas ng katawan. Sari-saring amoy at mikrobyo ang nasa akin ngayon.

Madilim na ang kalangitan ng matapos akong magbabad sa banyo. Hindi na naman kailangan na mag-igib. Pagkabihis ko ay nagsimula na akong maghain sa kusina.

Nang matapos ako ay pumunta na ako sa harap bahay namin at tinawag sina Inay at Itay.

"Nay, Tay. Nakahain na po. Kain na po tayo." Sabi ko sa kanila. Tumango lang sila at nagligpit lang ng gamit.

Tahimik lang kami habang kumakain, para bang konting maling galaw mo lang ay babagsakan ka ng butiki galing kisame.

"Nay, Tay." Binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming tatlo ngayon.

Nag-angat naman sila ng ulo.

"Ano 'yun?" Si Itay na ang sumagot.

"Nag-kausap po kami kanina ni Mica. Mag-a-apply po siya ng trabaho sa Manila, gusto ko din po sanang magtrabaho sa Manila para may kikitain din po ako at makatulong sa inyo."

"Aba buti naman at nang may pakinabang ka dito." Mataray na sabi Inay sa akin.


Napayuko na lang ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. ganoon ba ka walang kwenta ang pagtulong ko sa kanya o sa kanila. Sa bagay hindi pa sapat 'yun sa mga ginawa nila sa akin. Pagkain, bahay, pag-aaral, damit at kung anu-ano pa.

Hindi ko na lang pinahalata at pinagpatuloy ang sasabihin. Kahit na ano mang oras ay maaari ng bumagsak ang luha ko.

"Ayos lang po ba sa inyo? Kaso nga lang po gusto ko din na umuwi kada katapusan kung matatanggap man ako sa Maynila."

Kahit na ganito sa akin si Inay ay hindi pa din ako sanay na hindi sila makita. Nasanay na ako na lagi silang nasa paligid ko. Lalong lalo na si Itay. 

"Hindi ka pwede mag-Maynila, tignan mo nga 'yang utak mo."

"Ano ba Celine, nasa harap tayo ng hapag at makapagsalita ka matalas diyan." May pag-ka-iritadong sabi ni Itay kay Inay.

Sabay naman kaming napatingin ni Inay kay Itay, minsan ko lang siya makitang magsalita ng ganyan.

"Kakampihan mo pa itong babae na ito? Nagsasabi lang  naman ako ng totoo Delcio."

Yumuko na lang ako para itago ang sakit na nararamdaman ko. Bakit laging masasakit na salita ang bumubungad sa akin tuwing magsasalita si Inay.

"Wala akong kinakampihan sino man sa inyo, sa akin lang Celine wag mo naman sanang pagsalitaan ng ganyan ang anak mo.Mahiya ka naman." Medyo huminahon na si Itay at hinilot bahagya ang sentido niya. At saka siya bumaling sa akin. "Malayo ang Manila, anak. Kung uuwi ka dito tuwing katapusan ng linggo baka mapagod ka lamang. Ilang oras ang byahe mo kung gagamit ka ng provincial bus. Kung gagamit naman ng barko ay wala tayong pangbayad doon."

Uminom na muna ako ng tubig bago sumagot. "'Yun din po ang naiisip ko ng maka-usap ko po si Mica. Gusto ko pong mag-trabaho sa Maynila ang kaso nga lang gusto ko din pong makita kayo kada-katapusan ng linggo."

"Kung ganoon ay huwag ka na lang mag-Maynila, anak." Maatoridad na sabi ni Itay sa akin.

Umismid naman ako sa sinabi ni Itay. Ang buong akala ko ay ayos lang sa kanya at papayag na siya sa desisyon ko. Tsaka pinagtanggol niya ako kay Inay pero bakit pinagbabawalan niya ako ngayon?

"Bakit po? Sayang naman po kung ganoon." Yumuko na lang ako at nagsimulang kumain.

Ayaw ko na munang makita nila ang paglugmok sa mga mata ko. Sayang naman kasi talaga iyon, malaking oportinidad ang mawawala sa akin. May ilang linggo pa naman ako bago ko mapag-isipan ng mabuti, may cellphone number naman ako ni Mica para tawagan o itext man lang siya, pwede naman akong makitext kay Karen. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganoon kaya wala din akong alam dito.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, anak. Ang akin lang kung gusto mong umuwi tuwing katapusan ng linggo ay mapapagod ka lang. San Martinez mula Manila, mahaba-habang biyahe 'yun. Mas mabuti pa dyan ka na lang sa kabilang Isla magtrabaho."

Napaangat naman ang ulo ko mula sa pagkakasubo. "Po?"

"May-kilala akong nagta-trabaho sa isang Resort doon, baka makatulong siya sa iyo. Bukas na bukas din sasabihan ko siya."

Napa-ngumiti ako ng todo sa sinabi ni Itay sa akin. Ang buong akala ko ay pipigilan niya ako pero nagkamali lang pala ako. Akala ko ay magiging masama ang araw ko ngayon pero parang may liwanag na nagniningning ang aking mga mata.

"Salamat po Itay. Maraming salamat po." Nasapo ko ang aking dibdib at huminga ng malalim. YES! Sabi ng isip ko.

"Wala iyon, oh siya ligpitin mo na iyan pagkatapos mong kumain." At saka tumayo.

Hindi ko naman namalayan na nakatapos na ito, mukhang lumilipad ang isip ko, na totoo naman. Masyado akong nagagalak sa mga sinabi niya.

"Ay Tay,  anong pangalan ng Resort na tinutukoy niyo?" Tanong ko, bago pa siya makalabas ng pintuan.

"Sa El Paraiso Resort." Tsaka siya tuluyang umalis.

El Paraiso Resort! Mukhang hindi basta basta itong papasukan ko. Pangalan pa lang at isa pa parang nakita ko na iyong pangalan ng Resort hindi ko lang matandaan kung iyon nga ba 'yung nakita ko sa magazine ni Karen.

Ayos na rin 'yun kung ganoon nga ang gusto ni Itay na dito na lang ako sa malapit makapaghanap ng trabaho.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2.3M 57.7K 44
#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL
5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
Mío Von Yiling Laozu

Aktuelle Literatur

80.6K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
2.2M 10.3K 12
An indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.