Once Mine, Always Mine

By Shettered

4.5M 40K 1.7K

[Editing...] You've hurt me once and I promised myself I won't let you do it again. -- Rebecca April Fuentes ... More

Once Mine, Always Mine
Once Mine, Always Mine -- Chapter 1
Once Mine, Always Mine -- Chapter 2
Once Mine, Always Mine -- Chapter 3
Once Mine, Always Mine -- Chapter 4
Once Mine, Always Mine -- Chapter 5
Once Mine, Always Mine -- Chapter 6
Once Mine, Always Mine -- Chapter 7
Once Mine, Always Mine -- Chapter 8
Once Mine, Always Mine -- Chapter 9
Once Mine, Always Mine -- Chapter 10
Once Mine, Always Mine -- Chapter 11
Once Mine, Always Mine -- Chapter 12
Once Mine, Always Mine -- Chapter 13
Once Mine, Always Mine -- Chapter 15
Once Mine, Always Mine -- Chapter 16
Once Mine, Always Mine -- Chapter 17
Once Mine, Always Mine -- Chapter 18
Once Mine, Always Mine -- Chapter 19
Once Mine, Always Mine -- Chapter 20
Once Mine, Always Mine -- Chapter 21
Once Mine, Always Mine -- Chapter 22
Once Mine, Always Mine -- Chapter 23
Once Mine, Always Mine -- Chapter 24
Once Mine, Always Mine -- Chapter 25
Once Mine, Always Mine -- Chapter 26
Once Mine, Always Mine -- Chapter 27
Once Mine, Always Mine -- Chapter 28
Once Mine, Always Mine -- Chapter 29
Once Mine, Always Mine -- Chapter 30
Once Mine, Always Mine -- Chapter 31
Once Mine, Always Mine -- Chapter 32
Once Mine, Always Mine -- Chapter 33
Once Mine, Always Mine -- Chapter 34
Once Mine, Always Mine -- Chapter 35
Once Mine, Always Mine -- Chapter 36
Once Mine, Always Mine -- Chapter 37
Once Mine, Always Mine -- Chapter 38
Once Mine, Always Mine -- Chapter 39
Once Mine, Always mine -- Finale
S H A N A .....
UNTITLED..

Once Mine, Always Mine -- Chapter 14

100K 900 28
By Shettered

Chapter 14

Kinakabahan ako habang nagda-drive, papunta kasi kami ngayon kina Daddy. Ngayon ko kasi sasabihin ang aking plano na ipapakilala ko na ang kambal sa Daddy nila. Pero may part sa aking utak na wag ko na lang ituloy, natatakot kasi ako sa magiging kalabasan ng pag-uusap namin. Alam ko namang kakayanin ko kaso hindi pa din mawawala sa isip ko kung anong magiging desisyon niya.

Alas nueve pa lang ng umaga at sobrang traffic na bandang McArthur. Malalayo-layo pa sa office nila Dad to. Hindi na ako dumaan sa bahay dahil alam ko naman na nasa office sila.

Nagtext na din ako kay Pamela, na sekretarya ko na hindi ako makakapasok. 

Biglang lumipat si Shana sa passenger seat at pilit na hinihila ni Mila. Nasa back seat kasi sila, kanina pa sila nag-lalaro doon, siguro dahil bored si Shana at naisipan niya na lumipat.

"Anak ingat." Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. Nang masigurado kong ayos na siya bumalik na ulit ang tingin ko sa daan. Umusad kasi ang kotse na nasa harapan namin kaya sumunod na ako.

Nandito na naman ako sa building ni Daddy at nakikipaglaban sa titig nila pero iba na ngayon, kasi hindi lang sa akin bumaling ang mga titig nila pati na din sa mga anak ko at isama na din si Mila. Nginitian ko ang mga empleyado na bumabati sa amin. Hawak ko ngayon si Shana at kay Mila si Sean.

Nang-nakapasok na kami sa elevator pinapindot ko kay Shana ang button kung saan kami tutungo.

"Momi. duduya guto ko din nipipindot yan." Inaabot niya ang kamay niya sa button.

"Later baby, ikaw naman." Hinalikan ko lang siya sa noo na ikinanguso niya lang.

Binaba ko muna si Shana pagkalapag namin sa floor kung saan ang floor ni Daddy. Hawak kamay ko siyang inaalalayan.

Nang nakadating na kami sa secretary desk. "Hi, Sheila!" Bati ko sa kanya.

Muntikan na siyang mabilaukan sa ginawa ko. Masama bang bumati?

Binati niya na din ako, Nang mapansin niya na may mga kasama ako pinakilala ko sa kanya sila Mila at yung kambal. Nagkamustahan muna kami at nagkwentuhan. Kinarga ko si Shana at  ibinigay ko sa kanya na ikinatuwa niya lang.

Sa ilang minuto din naming pagk-kwentuhan nakalimutan ko ang sinadya ko dito. Masyado akong nag-enjoy sa pakikipagkwentuhan sa kaniya. Nagpaalam na kami sa kanya at kumatok sa office ni Dad. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko sila Mommy at Daddy sa may kitchen area ng office.

"Mom! Dad!" Pumasok na akong tuluyan. Nanlaki ang mga mata nila nang humarap at nakita ako. Base kasi sa nakita ko nagtitimpla ng kape si Mom at nakayakap sa kanya si Dad.

Ok. Sila. Na. Matanda. Sila. Na. Sweet.

Pagkaraan humiwalay na sila sa pagkakayakap at nginitiaan lang ako.

Sumenyas naman ako kay Mila at pinapasok na silang tuluyan. Nakalawit lang kasi ang ulo ko sa pintuan. Pagkapasok nilang tatlo tumakbo naman agad ang kambal papunta sa Lola at Lolo nila.

"GlandMaaaaa! GlandPaaaa!" Sigaw nila at nagpakarga. Habang buhat nila ang kambal panay kiss naman nila sa cheeks.

"Hindi niyo naman sinabi na pupunta kayo dito, eh di sana nagpadeliver ako ng makakain natin." Bumaling sa akin si Mom habang papunta sila sa sofa ni Shana. "Di ba Shana no? Anong gusto mo baby." Tapos bumaling naman siya kay Shana at hinalikan ulit sa pisngi.

"Mom naman eh, papatabain mo naman si Shana eh. Baby pa siya kaya dapat hinay-hinay lang." Sumunod na ako sa kanya at pinasunod ko na din si Mila na nakatayo lang sa isang sulok.

"Ang laki na talaga ng pinagbago ng baby ko."

"Mom naman eh, sabi ng wag niyo na akong tawaging baby. Daddy oh si Mommy."

"Hayaan mo na Mommy mo. Minsan lang naman kayo magkita-kita."

"Ano pa bang magagawa ko?" I shrugged. "Ay Mom! Dad! Si Mila nga pala po babysitter ng kambal." Pinakilala ko sa kanila si Mila, nakalimutan kong ipakilala. Hindi naman sila napapadayo sa amin kaya ngayon lang sila nagkita-kita.

"Good Morning po, Ma'am and Sir." She smiled innocent. Tumango naman sila bilang sagot.

Hinayaan ko muna sila mag-usap at pumunta sa kitchen area at nagtimpla ng juice. Si Daddy pumunta na sa swivel chair niya at nagsimula ng magtrabaho.

nakikita ko din dito sa kitchen ang ginagawa nila sa sala. Lumalabas ang pagiging childish ni Mommy pag nakakasama ang kambal. Si Mila alam ko namang childish yan kaya wala na akong problema jan. Si Daddy naman serious mode sa table niya, at nakatuon  ang atensiyon sa laptop.

“Baby, pakikuha naman yung mga candies at iba pang food dyan sa cabinet at kakain kami.” Sigaw ni Mommy mula sa kinalalagyan nila.

Inilapag ko lang ang ginawa kong juice at mga pagkain sa coffee table at lumapit sa swivel chair ni Dad, Niyakap ko siya sa bandang balikad at tinignan ang ginagawa niya. Nang nakita ko yun akala ko seryosong seryoso ang ginagawa niya, yun naman pala nag-lalaro lang.

Kaya heto na siguro ang tamang oras na ipagpaalam ko ang balak ko. Hinilot ko muna siya sa kanyang sentido at pinagaan na muna ang atmosphere na bumabalot sa kanyang itsura ngayon.

"Dad."

"Hmm?" Walang lingon-lingon na sagot niya.

"Nagkita na kami ni Denzel at nakapag-usap na din."

"Hmm."

"Ipapakilala ko na yung kambal sa kanya. Actually pupunta na kami mamaya sa kanya. Ewan ko kung sa office niya o sa condo niya siya ngayon." Dahil mabait si Ellie, tumawag ako sa kanya kanina at tinanong kung na saan si Denzel.

Hindi na tumawag si Denzel simula nang binabaan ako kanina. Ayaw ko naman na tawagan siya, although nasa call log ko naman ang number niya at ang binigay ni Ellie na calling card.

"Hmm."

"Ok lang ba Dad?" Paninigurado lang.

"ANAK NG PATING!" Umalis agad ako sa pagkakayakap kay Dad nang sumigaw siya. Naiilang na tumingin ako sa direksyon nila Mommy at Mila, nakatingin din sila sa pwesto kung asan kami.

Mukhang natakot yung kambal kaya nakayakap sila kay Mommy at Mila. Hinagod-hagod naman nila ang likod nang kambal na parang pinapakalma. Tinanguhan ko na lang sila at alanganing ngumiti.

Nang makasigurado kong ayos na ang kambal bumaling ulit ako kay Daddy na nakakunot ang noo.

 "Dad, Heto na yung panahon para makilala niya yung kambal. Tama na siguro ang dalawang taon para malaman niya ang bunga ng may nangyari sa amin." Bumalik ulit ako sa pagkakayakap sa balikad niya.

Umiiling-iling siya at binalik ang tingin sa kanyang laptop. Napapiyak na ako, kahit na alam kong may posibilidad na ganito ang kahihinatnan pero hindi pa din ako susuko kahit na parang mukha siyang disappointed sa gagawin kong decision para sa mga bata.

"Dad, tama na siguro ang pagiging selfish ko. May mga anak na ako at iisipin ko ang mga dapat na ikakabuti sa kanila, hindi yung lagi ko na lang iisipin ang ikakabuti ko.”

Tama nasa tamang edad na ako at alam ko na ang nakakabuti sa hindi. Napalaki ko naman ang mga bata kahit na ako lang mag-isa sa France although paminsan-minsan dumadalaw ang mga kaibigan ko sa apartment na tinitirhan naming doon. Sina Mom naman once in a three months lang makapunta doon, dahil na din sa pagiging busy nila sa business.

“Dad naman pansinin niyo naman ako oh. Hindi ko alam kung galit ba kayo sa akin o hindi. Pero ok lang kahit na magalit kayo basta gusto ko lang iparating ang magiging desisyon ko.” Niyugyog ko na siya para bumaling naman ang atensiyon niya sa akin.

“Anak naman ng pating Rebecca! Kita mong naglalaro ako dito mang-gugulo ka, ang sarap na nga ng pakiramdam dahil minamasahe mo ako tapos yuyugyugin mo pa ako. Hala sige hilutin mo na lang ulit ako.” Bumalik na naman ang atensyon niya sa laptop.

Niyugyog ko ulit. “Dad naman eh kanina pa ako dito nagsasalita hindi naman kayo nakikinig.”

“Paano ako makikinig kung ngalalaro ako. Ano ba ang sinasabi mo? Tsaka tigilan mo na nga yang pagyuyugyog mo sa akin at sumasakit lalo ang ulo ko sa ginagawa mo.”

“Dad naman eh ang haba-haba na ng sinabi ko. Dyan na nga po kayo.”

Tumalikod na ako at pabalik na sana sa pwesto nila Mom pero hinila ako sa braso ni Dad. Humarap ako sa kanya na nakakunot ang noo.

Hinawakan naman niya ang noo ko at minasahe. “Biro lang Rebacca. Lahat ng mga sinabi mo narinig ko. Tsaka ayos lang naman sa akin kung ano ang magiging desisyon mo. Tulad ng sinabi mo, malaki ka na, at nasa tamang pag-iisip kaya kahit ano pa yan ayos lang sa akin o sa amin ng Mommy mo.” Ngumiti siya sa akin. “Ang ayaw ko lang, ay yung malaman na  sinasaktan kayo lalo na ang mga bata niyang lalaking yun.”

“Yes Dad, don’t worry alam ko na ang papasukin kong problema, kaya hindi na ako natatakot na harapin ang mga yun.”

“Sana na nga anak.”

Niyakap siya sa akin at pumunta na kami sa sala kung asan sila Mom.

Yumakap agad sa akin si Shana at humalik pag-upo ko sa pwesto nila Mo, nasa harapan naman naming nakaharap sina Mila at Sean.

“Let’s go baby? Gusto niyo na ba makita si daddy huh?” I asked Shana.

“Yey. Yey. Uya niririnig mo ba nite-taid ni Momi. It tays mikikita na natin ti Dada.”

“NIririnig ko.” – Sean

“Mom, alis na kami. Dadalaw na lang ulit kami dito o kayo na lang ang pumunta sa bahay. Isang beses pa lang kayo nagpupunta doon.”

“Ok baby, Pag hindi na busy ang Daddy mo pupunta kami doon.” –Mom.

“Mom, hindi naman busy si Daddy eh, kita niyong naglalaro lang naman po siya.”

“Pampawala niya lang ng stressed ang nilalaro niya pero busy yan.

“Ok. Ok.”

Nagpaalam na kami, humalik muna ako kina Mommy at Daddy at ganon din ang dinawa ng dalawa. Palabas na kami ng pintuan pero may sinabi pa si Dad na tumatak sa isipan ko.

“Don’t you dare to fall in love again with that man, young lady.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 124K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.5M 78.8K 122
Amanda has nothing but to agree with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Nagipit siya at kailangan niya ng tulong binata...
145K 3K 34
That's Mr Sungit Next Door Part II https://www.wattpad.com/story/105478237?utm_source=ios&utm_content=story_info&utm_medium=link&wp_page=story_detail...
645 111 55
Cleyou Andres was once an honorable man, never resorting to deceit or dishonesty. Sa kanilang apat na magkakapatid, siya ang tinaguriang lover boy. G...