UNDONE (Time Traveler)

By MazyMei

53.8K 2.5K 488

The girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat... More

The Wedding Day
The Wedding Singer
The Message
Picture 1.1: Battle of the Band
Picture 1.2: Battle of the Band
Picture 2.1: Intramurals
Picture 2.2: Intramurals
Picture 3.1: Chocolate
Picture 3.2: Chocolate
Picture 4.1: College Life
Picture 4.2: College Life
Picture 5.1: The Band
Picture 6.1: Wedding Proposal
Picture 6.2: Wedding Proposal
Picture 7: Wedding Preparation
2nd sa Last: STAY
FINAL: The Message
Bonus: ReiNer ♥

Picture 5.2: The Band

1.9K 112 10
By MazyMei

Picture 5.2: The Band

Ngayon ang unang araw ng practice namin sa bagong banda na sinalihan ko. Pinangalanan namin itong New Beggining. Actually ako talaga ang nag-suggest nito para sa sarili ko. Kailangan ko nang simulan baguhin ang buhay ko.

Ako ang unang dumating dito sa studio. Sumunod si Keil, the guitarist; si Pin the pianist; at si Vince, 'yong kaklase ni Zacharias, the drummer.

Tinitigan ko ng mabuti si Vince. Tama! Siya lang naman ang dahilan kung bakit natalo kami dati. Dahil during the performance ay naputol ang ginagamit niyang drum stick na talaga namang nakakapagtaka kung paano iyon nangyare. Another sabotage during the performance? Mukha namang hindi. Kailangan lang siyang ialis sa banda at palitan siya ng bago. Pero parang ang sama ko naman masyado kapag inalis ko na lang siya bigla?

"Ayoko sa kanya." Sabi ko na ikinatahimik ng lahat. I have no choice. Hahayaan ko ng magmukha akong masama. Itinuro ko si Vince para malaman nila kung sino ba ang tinutukoy ko.

"T-teka. Ano bang problema mo sa 'kin? A-ano 'yang sinasabi mo?" Tanong agad ni Vince.

"Hindi pa ba obvious na ayaw kong maging parte ka ng bandang ito?"

"Riley, you aren't funny." Babala sa 'kin ni Keil.

"I know. At hindi rin ako nagpapatawa kaya hindi mo kailangang tumawa." Sarkastikong sagot ko naman sa kanya. "'Di ba ang goal niyo ay manalo ang banda? Puwes, alisin niyo si Vince ngayon din."

Napaisip sandali si Keil pero nagsalita rin agad. "Kung tatanggalin natin siya, sino naman ang ipapalit natin?"

Si Vince ang hinarap ko. "You know Hommer, right? Puntahan mo na siya ngayon din at sabihin mong kasali siya sa banda."

"Marunong ba 'yon mag-drum? Mukha ngang wala 'yong alam sa music. Baka kainin pa siya ng drum set." Reklamo ni Vince. Kita mo 'tong taong 'to. Napaka-judgemental.

"Stop judging him, okay? Malay mo naman marunong siya." Sabi ko pero hindi talaga ako sigurado kung marunong nga siya o hindi. Remember, I really don't know him.

"Fine! Pupuntahan ko siya." Labag man sa loob ni Vince ay tinawag pa rin niya si Hommer. Bahala na kung marunong man o hindi si Hommer na mag-drum.

Ilang saglit lang ang lumipas ay nakabalik na ulit si Vince kasama si Hommer.

"Oh, Riley? What are you doing here?" Bungad agad sa 'kin ni Hommer.

Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig. "Ako ang nagpatawag sa'yo Hommer. Do you know how to play drums?" Diretsahan ko ng tanong, wala ng paligoy-ligoy pa.

"Oo, marunong ako. Bakit?"

Ang galing ko talaga! Akalain niyo 'yon, marunong nga siyang mag-drum. "Well, welcome to the band! Don't worry Vince, you're still part of the band. Joke ko lang na aalisin ka kanina. And as far as I know, I will be the leader of this band."

Agad namang nagkaroon ng violent reactions sina Pin at Keil. Pero wala na silang magagawa, ako na ang mamumuno sa banda namin.

Tinaasan ko lang sila ng kilay habang nakapameywang. "Will you shut up?! 'Pag sinabi kong ako, ako. Wala ng kokontra. Now, Keil you're still the guitarist, Pin you're the pianist, Hommer you're the drummer and Vince you're the lead vocalist."

"Ano? Kaya ka nga namin isinali sa banda para gawing vocalist. Ano na lang ang gagawin mo ngayon?" Gulat na may kahalong galit na sabi ni Keil. Tinawanan ko lang siya. Buo na ang desisyon ko, hindi ko na 'to mababago.

"Don't worry Keil, I know how to play guitar. Magiging gitarista rin ako. Naiintindihan niyo ba?" Wala na silang nagawa kundi tumango. Lumabas tuloy ang bossy side ko. "Ngayon, may napili na ba kayong pyesang tutugtugin?"

Isa-isa silang umiling. Malapit na ang contest pero wala pa ring kanta. Pero dahil brokenhearted ako ngayon ay may naisip na akong kanta.

"Alam ko na kung anong gagamitin nating kanta. Heartache." Sabi ko at nagsimula ng mag-ayos ng gitarang gagamitin ko. Buti na lang may gitara sa bahay, ito 'yong gitarang ginagamit ni daddy dati na ipinamana na niya sa 'kin ngayon. Ginaya naman na nila ako at inayos na rin ang mga instrumentong gagamitin nila.

"Heartache? Ng One Ok Rock?" Tanong ni Hommer habang sini-set ang mga drums.

"Yup. Bakit?" Sagot at tanong ko. Wala namang problema kung iyan 'yon kakantahin namin 'di ba?

"'Di ba may lyrics 'yan na Japanese? Paano 'yon?" Tanong naman ni Vince ng nagtataka.

"Oh ngayon? Wala namang kaso 'yon. 'Edi pag-aralan mo ng mabuti ang kanta. At ako naman ang kakanta sa chorus part, eh. Kaya huwag ka ng mag-alala. Okay?" Kapag sinabi ko dapat gagawin nila. Bossy nga ako 'di ba? Wala, eh. Nabadtrip ako ng malamang sila na. 'Eh di mas lalong nawalan na ako ng pag-asa para kay Zacharias. Stupid life nga naman.

Natapos ang practice namin at nagamay na rin naman agad namin ang kanta dahil pare-parehas naman naming kilala ang One Ok Rock. Sabay-sabay na kaming lumabas ng studio dahil plano sana naming magmeryenda sa cafe malapit sa school. At ililibre ko raw sila dahil sa pinagod ko sila kaka-practice.

Hindi ko akalain na sa dami ng pwede kong makasalubong ay bakit sila pa. Bakit sila Ryner, Risha at Reign pa? Siguro kung ano na ang iniisip nila tungkol sa 'kin ngayon.

Tinaasan ako ng isang kilay ni Reign, ang mataray niyang side ay sa akin naman niya gagamitin ngayon. "Kaya naman pala tinanggihan mo ang Band-A kasi may iba ka na pa lang bandang sasalihan." Sabi niya dahilan para mapayuko ako.

"Sino sila?" Narinig kong bulong ni Vince pero 'di ko lang siya pinansin. Kahit sina Keil, Pin at Hommer ay hindi kumibo. Nakikiramdam lang.

"Akala ko ba kaibigan mo kami? Bakit bigla ka na lang nang-iwan sa ere?" Ramdam ko ang hinanakit sa boses ni Risha. Kahit gusto kong mag-sorry ay ayaw naman nitong lumabas sa bibig ko.

"Sana una pa lang sinabi mo na agad na ayaw mo na sa 'min hindi 'yong ganito. Kinailangan mo pang sumali sa ibang banda. Dahil ba 'to kay Zach? Sana-"

"That's not what you think. Mga kaibigan ko kayo. Alam niyo 'yan." Bigla ko na lang nasabi 'yan. Alam nilang sila lang ang tunay kong kaibigan at kailanman ay hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino man.

"Hindi. Sinungaling ka. You're a-"

"Tama na 'yan Reign, umalis na tayo. Risha, tara." Sabi ni Ryner at hinila na ang dalawa palayo sa akin. Hindi ko na napigilang mapaiyak. Ang gusto ko lang umiwas kay Zacharias pero wala akong planong sirain ang friendship naming lahat. Bwisit naman oh! Pero wala na akong magagawa kung isang sinungaling na ang tingin nila sa 'kin.


ISANG BUWAN ang lumipas, isang buwan na wala kaming pansinan. Hindi ko na ito masyadong dinibdib dahil naranasan ko naman na ito dati. Kung kaya nila akong tiisin, mas kaya ko silang tiisin. Kahit ang totoo n'yan ay gabi-gabi ko itong iniiyakan.

Kasalukuyan kaming naghahanda nina Keil ng mga gagamitin namin. Naka-costume na rin kami kaya wala na kaming gaanong pinoproblema. Tanda niyo 'yong suot ko sa picture dati? 'yon pa rin ang suot ko ngayon. Kasama namin ang iba pang contestant dito sa likod ng backstage. Nasa lima 'yata kami lahat-lahat kabilang na ang Band-A.

Base sa bunutan ay kami ang huling magpe-perform at second to the last ang group nila Zacharias. At ang nakakatuwa pa dito ay si Janica ang ipinalit nila sa 'kin. Well, 'di na ko nagulat dahil ganito naman talaga ang nangyari dati.

Nagbatian sina Hommer at Janica pero kami ni Zacharias ay hindi manlang nagtinginan. Pakiramdam ko kasi hindi ko pa siya kayang pansinin ngayon. Ang sakit kaya ng ginawa niya.

Natapos na ang tatlong performer at ang Band-A na ang sunod. Hindi nila ako nilingon kahit na alam nilang nakatingin ako sa kanila. Basta, goodluck! At kahit naman bitter ako ay gusto ko pa ring mapanuod ang performance nila kaya lumabas ako ng backstage at pumwesto sa harap sa ibaba ng stage. 'yong hindi gaanong pansinin para 'di nila ako makita. Kahit masikip dahil sa dami ng tao ay pinush ko pa rin 'to. Para sa mga kaibigan kong kinalimutan na 'yata ako!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig kong mag-strum ng gitara sina Ryner at Janica. Hindi ko akalain na itong kanta na 'to ang tutugtugin nila. Nakalimutan kong ito pala ang kanilang tutugtugin. Parang gusto kong maiyak ngayon din.

Wherever You Are by One Ok Rock ang tutugtugin nila. Nakakatuwa nga naman talaga, isang banda lang ang naisip namin para sa battle of the band na 'to.

Nagsimula ng bigkasin ni Zacharias ang lyrics ng Wherever You Are, he's the lead vocalist.

"I'm telling you
I softly whisper
Tonight, tonight
You are my angel"

Talaga namang para kay Janica 'yata ang kantang 'to.

"Aishiteru yo
Futari wa hitotsu ni
Tonight, tonight
I just to say...

Wherever you are, I'll always make you smile
Wherever you are, I'm always by your side
Whatever you say, kimi wo omou kimochi
I promise you "forever" right now"

Sinungaling ka. Wala kayang forever. Teka nga, ano ba ang pinaglalaban ko dito?

Napagdesisyunan ko ng bumalik sa backstage ng kakantahin na niya ang bridge part ng kanta. Dito ko na lang sa backstage ito papakinggan. Kung gaano kalamig at ka-sweet ng boses niya.

Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao ng matapos niyang kantahin ito. Meron pang nagsisigawan. Grabe ang ingay na nagmumula sa labas. Mukhang alam ko na kung sino ang mananalo. Audience impact pa lang ay palong-palo na sila.

Hindi sila pumasok dito sa backstage. Siguro umalis na sila at walang planong panuorin pa ang banda namin. Sad to say but it's true.

Nagsiakyatan na sa stage sina Pin, Keil, Vince at Hommer. Paakyat na rin sana ako ng stage ng may pumigil sa 'kin, hawak ang braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Zacharias na malungkot na nakatingin sa 'kin. Nasa likuran niya sina Reign, Ryner, Risha at Janica.

"Please, don't do this to us..." Sabi niya ng nagsusumamo. Parang gusto ko tuloy itigil ang pagpe-perform pero ayoko namang iwan sa ere ang mga bago kong kabanda.

Hinawakan ko ang kamay niya at inialis ang pagkakakapit sa 'kin. "You're the one who let me do this." I said in a cold voice.

"Me? What do you mean?" Hindi ko na siya sinagot at tuloy-tuloy na umakyat ng stage. Ngayon na ang simula kung kailan mas nagkaroon ng malaking distansya sa pagkakaibigan naming lima.

Paghawak ko ng gitara at pagtapat ko sa mic ay nakita ko kung gaano karami ang tao. Marami ang pumapalakpak sa 'min kahit 'di pa kami nagsisimula. Gusto kong umiyak kaso tama na. Nakakapagod na rin kaya.

Nagsimula na akong mag-strum kasabay ng pagkanta ni Vince.

"So they say that time
Takes away the pain
But I'm still the same
And they say that I
Will find another you
That can't be true"

Tama. Hindi naaalis ng panahon ang sakit na nararamdaman ko dahil ganito pa rin ako. Lumipas man ang ilang taon ay mahal ko pa rin si Zacharias. Wala na akong mahahanap pang katulad niya. At wala na rin akong kilala na kasing tanga ko.

"Why didn't I realize?
Why did I tell lies?
Yeah I wish that I could do it again
Turnin' back the time
Back when you were mine (all mine)"

Oo nga nakabalik ako sa dating panahon pero bakit ganito, wala pa rin akong nababago? Hindi ko na maibabalik ang panahon kung saan akin lang si Zacharias.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang kumanta.

"So this is heartache?
So this is heartache?
Hiroi atsumeta koukai wa,
Namida e to kawari oh baby

So this is heartache?
So this is heartache?
Ano hi no kimi no eiga wa
Omoide ni kawaru
I miss you"

Tama, ito nga ang heartache na sinsabi ni Taka sa kanta. Kahit miss na miss ko na siya ay hindi ko na magagawang lapitan pa siya.

Hindi ko na natiis at napaiyak na talaga ako sa kalagitnaan ng performance. Bakit ba lagi na lang akong umiiyak sa kwento na 'to? At bakit during performance ulit namin? Ang kaninang tahimik na mga tao ay mas lalo pang natahimik ng makita ako. Nakita ko rin sa gilid ng stage sina Risha at Reign na umiiyak na rin. Siguro alam nila kung sino ang pinaparinggan ko sa kantang ito. Ang magka-holding hands ngayon na sina Janica at Zacharias.

Huli na 'to. Huling chorus na itong kakantahin ko. At kakayanin ko pa ring kantahin ito kahit sinasasabayan ko na ito ng pagsinghot.

"So this is heartache?
So this is heartache?
Hiroi atsumeta koukai wa
Namida e to kawari oh baby

So this is heartache?
So this is heartache?
Ano hi no kimi no eiga wa omoide ni kawaru
I miss you

I miss you
I miss you
I miss you"

Pagkatapos kong kumanta ay umalis na ako ng stage at dumiretso sa backstage. Pumunta ako sa pwesto namin kanina. Agad naman na nilapitan ako ni Hommer habang hinahagod ang likod ko.

"Alam ko namang hindi mo sasabihin sa 'kin ang problema mo pero sana naman tumahan ka na."

In-announced na ang nanalo at sila Zacharias ulit ang nagwagi. Ang saya ha. Pero okay lang, first runner-up pa rin naman kami. Hindi rin ako umakyat ng stage para kunin ang trophy namin. Nawalan na ako ng gana, eh.

"Riley, why don't you say sorry to them?" Tanong ni Hommer sa 'kin pagbaba niya ng stage. Dahil sa pag-comfort niya sa 'kin kanina ay naikwento ko tuloy sa kanya ang tungkol sa mga kaibigan ko.

"Para saan pa? Hindi naman na nila ako tinuturing na kaibigan." Sabi ko habang sapo ng dalawang kamay ko ang mukha ko. Hindi naman na ako umiiyak ngayon.

"Paano mo naman nasabi 'yon? Ang lulungkot nga nila ngayon kahit na sila ang nanalo."

Napatingin ako sa kanya ng 'di oras. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya o hindi.

"Totoo 'yon. Kaya kung ako sayo aakyat na ako ng stage at hihingi ng sorry sa kanila. Nandoon pa rin naman sila ngayon."

Agad akong tumayo at tinungo ang stage. Nagbabakasakali na mahahabol ko pa sila. Pero huli na ako. Dahil saktong pagdating ko sa kanila ay ang pag-click ng camera sa kanilang lima. Napapikit na lang ako ng magliwanag ang buong paligid.

"I didn't make it Pixie." Sabi ko ng makarating akong muli sa venue. "Lumayo na sila sa akin ng tuluyan."

"Don't say it, okay? Dahil magkakaayos naman kayo ng mga kaibigan mo. At hangga't hindi pa ikinakasal sina Zach at Janica ay may pag-asa ka pa. Don't loose hope yet." Sabi niya habang ibinababa ang larawan. Kung kanina ay nakatalikod ako sa picture ngayon naman ay nakaharap na ako. Kaso kita ang lungkot sa mukha ko. Kahit sila Zacharias rin naman ay malungkot dito sa picture.

Huminga na lang ako ng malalim hanggang sa unti-unti na siyang nawawala. Konting oras na lang ang meron ako dahil malapit ng ikasal sina Zacharias at Janica. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 96 48
Meet Cassandra De Luna ang spoiled brat na palaging nag-kukulong sa kaniyang kwarto dahil bukod sa malas siya sa lovelife ay sobrang busy din ng kany...
229K 5.7K 47
[Taglish] [SaRoGranDi Series Book 1] Published under Pink & Purple | This story revolves around a lot of secrecy. The main girls' past is a mystery...
39.3K 162 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
464K 11K 56
It is easy to tell her that she's perfect. They use words to proclaim her riches, beauty, and intelligence. But there's one thing she lacks: the mean...