Class 2 - 3 | Tagalog Story

بواسطة hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... المزيد

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Tired
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Smart One
Top 1
Lost Memory
Dancer
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Angelic Voice
Cracked Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Truth Hurts
Funny One
Happy Day
Lonely
Sporty
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Lies

72 1 0
بواسطة hwangeunbb

Kinabukasan.

Angel's POV.

Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Eto na yung araw na tingin ko malalaman na nila ang buong katotohanan. Kinakabahan na ako habang palapit ako nang palapit sa classroom namin parang nadadagdagan yung kaba sa dibdib ko.

Pagpasok ko sa classroom. Sakto hindi pa dumadating yung isa sa mga kaibigan ko na nagrequest na makipagvideo-call ako sa imaginary boyfriend ko. Buti na lang wala pa siya hay~ makakahinga pa ako ngayon pero ano na ang gagawin ko kapag dumating na siya?

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan ko. Pagdating ko doon agad akong umupo. Ano ba yan hindi ko na alam kung ano na ang pwede kong gawin ngayon?

Lumipas na ang ilang oras. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako nung biglang magbell na. Anong nangyari? N-nakatulog ba ako? U-umpisa na ng klase. Paggising ko nilapitan agad ako ng isa sa mga kaibigan ko.

"Uy nakita ko na natutulog ka kaya hindi na kita ginising pero mamayang break time ha. Yung nirerequest kong video call ha. Excited na ako... sige!", Nginitian ko na lang siya.

Excited ka bang mapahiya ako sa iba pa nating kaibigan? Hay~ kaibigan ba talaga yung turing nun sa akin? Parang hindi eh. Nakita ko na dumating na si Mr. Norman. Dala-dala niya yung mga test papers na papasagutan niya sa amin ngayon.

"Class. Bago tayo mag-umpisa ng test. May ipapakilala pala ako sa inyo. New classmate niyo for this school year.", New classmate?

Nanlaki yung mga mata ko nung pumasok ang isang matangkad, maputi, at good looking na lalaki sa loob ng classroom namin. Nakangiti siyang humarap sa aming lahat. N-naalala ko bigla yung pinag-usapan namin ni Mr. Norman kahapon.

Yung mga kasinungalingang sinabi ko... magkakatotoo bigla. Nagkatotoo nga ba talaga?

"Good Morning sa inyong lahat. My name is Yibo Wang, from China pero wag kayong mag-alala bago pa ako pumunta dito nag-aral na ako ng Filipino language. Gusto ko kasing makausap nang maayos yung girlfriend ko eh.", Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

A-ako ba ang tinutukoy niyang girlfriend niya? N-nagkatotoo nga ang mga sinulat ko sa notebook kahapon. P-paano nangyari yun? Tumingin ako kay Mr. Norman. Pagtingin ko sa kanya bigla niya akong nginitian. Ano ba tong nangyayari?

"Ok. Yibo you may take your seat.", Agad siyang naglakad palapit sa akin.

Nabigla ako nung hinawakan niya bigla yung kaliwang kamay ko tapos nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napansin ko din na lahat ng mga kaklase ko nakatingin lang sa aming dalawa.

"Angel. Sorry hindi na kita natawagan na pupunta ako dito. Gusto na kasi kitang isurprise.", Unti-unti akong napangiti dahil sa sinabi ng imaginary boyfriend ko. Napangiti din ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

Jahz' POV.

Habang nagtuturo si Mr. Norman, pasekreto akong tumitingin sa kanila Angel at sa boyfriend niya. So totoo ang lahat ng mga pinagsasabi ni Angel na may boyfriend siyang taga-ibang bansa pero... nahalata ko namang nagsisinungaling siya.

Pero ngayon... nasagot na yung mga katanungan naming lahat. Kung totoo ba ang lahat ng mga kinukwento ni Angel at ang sagot ay Oo.

Totoo nga ba talaga 'to?

Angel's POV.

Pagkatapos ng klase dali-dali akong lumabas ng classroom. Kailangan kong makausap si Mr. Norman ngayon. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon. Hindi ko na talaga maintindihan ang lahat eh.

Pagdating ko sa counseling room. Hindi na ako kumatok pa at agad na akong pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob dahan-dahang humarap sa akin si Mr. Norman hawak hawak yung notebook na pinasulatan niya sa akin kahapon.

"May mga gusto lang po akong linawin ngayon, Sir. P-paano nagkatotoo ang lahat?", Napangiti siya.

"Angel. Tulad ng sabi ko sayo tinulungan ka ng notebook na 'to. Sinulat mo dito yung mga kasinungalingan na kinukwento mo sa mga kaibigan mo at lahat yun nagkatotoo.", Pero n-naguguluhan pa rin ako.

"Hindi na ba siya mawawala? Hindi na ba mababago yung mga nangyayari ngayon?", Dahan-dahang lumapit sa akin si Mr. Norman.

"Siguro ngayon wala na si Yibo kaya kung gusto mong tumagal siya dito. Kailangan mo tong notebook na 'to.", Kailangan kong kunin yan?

"M-magkano po ba yan?", Biglang natawa si Mr. Norman.

" Angel. Hindi 'to nabibili. Ako lang ang may ganitong klaseng notebook. Ibibigay ko 'to sayo kung pipirmahan ko yung kontratang iaalok ko sayo.", May kontrata pa?

Kapag nawala ang imaginary boyfriend ko siguro pipilitin ulit ako ng isa sa mga kaibigan ko na ipakita ko sa kanya ang imaginary boyfriend ko kaya tingin ko kailangan ko yang notebook na yan. Sige pipirmahan ko na yung sinasabi ni Mr. Norman na kontrata.

"Sige po papayag na po akong pirmahan yung kontratang sinasabi niyo, Sir.", Nagulat ako nung nahiwa yung balat sa isa sa mga daliri ko. Aray!

Tumulo yung dugo sa isang papel. E-etong papel siguro na 'to yung sinasabi ni Mr. Norman na kailangan kong pirmahan. Nakasulat na yung pangalan ko doon, ang galing naman nun.

[Contract Accepted] Angel.

"Eto na yung notebook mo Angel. Pwede mo nang isulat jan yung mga gusto mo pang idagdag.", Kinuha ko na yung notebook.

"Pero Angel tandaan mo kailangan mong pag-isipan kung makakabuti ba yang isusulat mo sa notebook na yan baka kasi sa huli ikaw din ang magsisi.", Tumango na lang ako. Pagkatapos lumabas na ako sa counseling room.

Paglabas na paglabas ko ng counseling room bigla akong sinalubong ng imaginary boyfriend ko. Nakangiti siyang nakatitig sa mga mata ko tapos nagulat na lang ako nung yakapin niya ako nang pagkahigpit-higpit. Isa 'to sa mga kasinungalingang sinulat ko sa notebook.

Ang parati akong niyayakap ng boyfriend ko kapag namimiss niya na ako at tingin ko nagkatotoo yun.

"Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala. Sa susunod gusto ko parati mo akong kasama kahit saan ka man magpunta ha. Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sayo. Kailangan kitang protektahan parati.", Napangiti ako sa sinabi niya.

Hinawakan niya yung kanang kamay ko. Pagkatapos sabay na kaming naglakad palayo sa counseling room nang magkaholding hands. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya ngayon. Hindi na nagdududa sa akin ang mga kaibigan ko.

Nagagawa ko pa ngang dagdagan yung kasinungalingan ko eh at agad kong sinusulat yun sa notebook para magkatotoo para lang akong nasa loob ng story ko. Ang saya saya ko, grabe.

Kapag break time namin, parating nagpapakitang gilas ang imaginary boyfriend ko. Pinapakita niya sa mga iba kong kaklase kung gaano niya ako kamahal. Pinagkakalat pa niya, hindi niya ako kinakahiya. Mahal na mahal niya ako. Nagkatotoo din ang kasinungalingang magaling siyang kumanta.

Parati nga niya akong kinakantahan kapag ginagawa niya yun parang nawawala yung pagod ko. Hay~ ang saya saya ko talaga ngayon. Buti na lang dumating ka, my imaginary boyfriend. Ikaw na ang nagpapasaya sa akin ngayon. Hindi ako nagsisisi na tinutotoo kita.

Jahz' POV.

P.E class nmin. Nandoon kaming lahat sa may basketball court ng school. Pinaglaro kasi ng P.E teacher namin ang mga kaklase kong mga lalaki ng basketball doon. Seryoso ko lang silang pinapanood pero yung iba kong mga kaklase nagtitilian kapag ang crush nila ang nakakashoot ng bola.

Habang seryoso akong nanonood biglang napatabi sa akin si Angel. Nakita ko na nakangiti siya habang pinapanood maglaro ang boyfriend niya.

"Mukhang magaling maglaro ng basketball yung boyfriend mo ah.", Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Hmm. Magaling talaga yan, matangkad pa kaya walang makakatalo jan.", Dahan-dahan akong tumingin sa boyfriend ni Angel.

"Hindi ka ba nababahala na baka may magustuhan siyang iba dito? Madami na ring nagkakagusto sa kanya na taga ibang section. Pero ako ha, w-wala akong gusto sa boyfriend mo. Alam mo yun, kaibigan kita hinding-hindi ko magagawang traydorin ka.", Nginitian niya ulit ako.

"Hmm. Alam ko yun Jahz. Alam kong isa kang mabuting kaibigan pero nakokonsensya din ako minsan kasi... nagagawa kong magsinungaling sayo.", Huh? H-hindi na kita maintindihan ngayon.

"A-anong pinagsasabi mo, Angel?", Nanlaki bigla yung mga mata niya.

"Huh? M-may nasabi ba akong iba? Sabi ko nagpapasalamat ako na... naging kaibigan kita. Akalain mo nagkaroon ako ng kaibigan ng isang class president.", Nakakapagtaka naman. Iniba niya ang usapan.

M-may iba nanaman bang nangyayari dito? Nagagawang magsinungaling ni Angel sa akin? H-hindi ko siya maintindihan sa linyang yun pero parang may napapansin akong parang kahina-hinala dito. May ibig sabihin yung sinabi ni Angel sa akin kanina.

Kailangan kong alamin yun.

Nagulat ako nung sumigaw nang malakas si Izza na nasa tabi ko lang. My goodness! aatakihin agad ako nang dahil dito kay Izza eh!

Angel's POV.

Kasama ko ang imaginary boyfriend ko sa garden ng school. Tahimik lang akong nagsusulat. Tinutuloy ko lang yung story na ginagawa ko. Binabase ko na siya sa mga masasayang nangyayari sa akin ngayon. Sa totoo nga, napapangiti ako kapag nasusulat ko ang mga masasayang nangyari sa akin ngayon.

Napahinto ako sa pagsusulat nung biglang lumapit yung isa sa mga kaibigan ko sa imaginary boyfriend ko. Napansin ko na parang nilalandi niya ang imaginary boyfriend ko. Anong ibig sabihin nito?

"Teka lang parang iba na ang pagtingin mo sa boyfriend ko. Parang mali naman yun, hindi mo ba napapansin na nasa tabi lang niya ako.", Matututo kang lumugar.

"Tsk alam ko naman na simula pa lang nagsisinungaling ka na. Siguro ngayon etong si Yibo binabayaran mo lang para takpan yang mga kasinungalingang kinukwento mo sa amin. Hindi ka na ba nahiya sa pinaggagawa mo? Bahala na nga kayo jan.", N-nakakainis na siya.

{May mangyayari bang masama kay Angel? ABANGAN.}

-End of Chapter 26-

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

31.8K 617 16
a story of astro that is Tagalog
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
6.9M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
26.6K 418 41
Storya ng isang simpleng babae na kung saan nalaman niya na may nagkakagusto sakanya sa pamamagitan ng computer. Magugustuhan niya rin kaya ang secre...