Hell University (PUBLISHED)

By KnightInBlack

168M 5.5M 4.3M

A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal... More

Work of Fiction
Hell University
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 27
Suggestions (Edited)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Facebook ni Kuya KiB
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Sequel
FAQs

Chapter 36

2.2M 94.1K 117K
By KnightInBlack

Chapter 36: Thank you

Zein's Point of View

Ilang araw na rin ang lumipas nang magtapat sa akin si Matt. Wala namang nagbago, we are still what we  used to be. Walang ilangan sa pagitan namin, in fact, mas naging close pa nga kami e. Alam na rin ng iba naming kaibigan ang nangyari doon dahil nag-eavesdrop pala sila sa amin.

Seriously? What's the purpose of privacy? Geez.

"Look who's coming baby," Jerome said in a chant tone.

Napatingin naman ako sa likod ko kung saan makikita ko si Supremo na naglalakad while hands in pocket, kasama nya si.. Angel.

Muli ko na lang ibinalin sa mga kaibigan ko ang aking tingin. They are smirking like a shit. What's wrong with them?!

"Can I join you guys?" Tanong ng isang mala anghel na boses.

Why not?

Naramdaman ko ang pag-upo ni Supremo sa gilid ko at ramdam ko rin ang nakakalusaw nyang tingin, alam ko rin na nakakunot ang kanyang noo. Alam ko rin na nagtatanong sya bakit hindi ko sya pinansin. I know you so well, Supremo.

"Sure!" Wika ni Matt kay Angel at pinanghila pa ito ng upuan.

Napatingin ako kay Supremo nang kalbitin nya ako. Nakakunot nga ang kilay nito at nakaawang ng konti ang bibig. "What?" Malamig kong tanong sa kanya.

Tumikhim naman ito bago sinulyapan ang plato kong puro gulay. Here we come again.

"I would love to bring you a bermuda grass if you would just tell me."

Oh Men! He is really a dictator!

"Ano bang pakialam mo?" Pagsusungit ko.

Napayuko na lang ako nang mapagtanto na nakatingin pala silang lahat sa akin.

"Ah, Supremo? Zein is on diet." Natatawang sambit ni Jerome. "Laging gulay ang kinakain nya. Hindi ko nga alam kung nakukuha nya ba ang sapat na sustansya e. Pagsabihan mo nga." Dugtong pa nito.

Tinaasan ko ng kilay si Jerome. "Ako na ang bahala sa isang 'to." Pagpapaalam ni Vanessa bago hinila ang damit ni Jerome palabas ng cafeteria.

Napangiwi ako nang masulyapan ang seryosong si Supremo. Nakakatakot talaga sya pag seryoso. Alam kong nagpipigil syang sigawan ako at parang gusto kong puriin si Jerome sa mga sinabi nya.

"We have to go," Pagpapaalam din nina Mia at Dave na kapwa magkahawak kamay.

UGH!

"Uh, Angel? Gusto mo munang mamasyal?" Aya ni Matt kay Angel.

"Walang pasyalan dito." Sagot ko.

"Meron. Sa park." Sagot naman ni Matt.

"Hindi 'yon pasyalan kaya mas mabuting dito na lang kayo." Suhestyon ko dahil ayokong maiwang mag-isa kay Supremo. Pakiramdam ko ay kakainin nya ako.

Okey?

"Ah sure!" Nakangiting sang-ayon ni Angel. Kinuha na ni Matt ang bag ni Angel at sya na ang nagbitbit.

Bakit sa akin hindi nya ginagawa 'yon? Bakit kay Angel ginawa nya? Friendship over!

"Matt!" Sigaw ko pero hindi na nya ako pinansin.

Tatayo na sana ako nang magsalita si Supremo. "Uupo ka o itatali kita sa akin?" Tanong nya.

Napaisip naman ako kung ano ang dapat kong piliin at parang gustong isagot na 'Itali mo ako Supremo.' Sa halip ay umupo na lang ako ulit.

"Look at me." Malamig na utos nya.

Nanuyo ang lalamunan ko na tumingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi, kapag hindi ko sya sinunod ay kasalanan at ayokong maging makasalanan.

Sinabayan ko ang malalim na titig nya. "Ang payat mo." Sambit nya na ikinalaglag ng panga ko.

"Fuck you."

"Zein Shion!" Nagbabantang sambit nya.

"I am sexy!" Pagprotesta ko. Hindi ko alam kung ano ba ang batayan ni Supremo sa sexy o hindi at sinabihan nya akong payat.

Anong gusto nya? Dambuhala?

"Ang tunay na sexy ay si Angel."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya at padabog na kinuha ang tinidor sa lamesa at itinutok sa kanya. "Bawiin mo ang sinabi mo!" Gigil na sambit ko.

Aba! Hindi ako makakapayag na si Angel ang sexy para sa kanya. DUH! Pang international ang body ko. Supremo must be blind.

"Why would I?" Natatawang sambit nya. "Angel is sexy because she eats fatty foods." Nakangising sambit nya.

Padabog na ibinagsak ko ang tinidor na hawak ko at tinawag ang isang waiter.

"May I know your ord-"

"Ibigay nyo sa akin lahat ng putahe na baboy, manok, baka, kalabaw, kambing, aso, pus- Elepante!" Inis na sambit ko. Nalaglag ang panga ng waiter sa mga sinabi ko. "Move!" Sigaw ko kaya mabilis na umalis sya.

"Hahahahaha."

Nakalobo ang bibig ko sa inis habang nakatingin kay Supremo na halos mamatay na sa kakatawa. Mamatay ka na.

"Watch me." Itinuro ko pa ang mata ko sa mata nya.

Maya-maya ay isinerve na ang lahat ng in-order ko at halos umatras na ako sa dami ng mga ito.

"I'll watch you, Zein." Nakangising sambit ni Supremo habang nakapatong ang braso sa lamesa at nakapatong naman sa braso nya ang ulo nya.

Napalunok ako at halos masuka sa isang subo pa lang.

"Ayoko na!" Pagsuko ko. Nakarami na rin ako at mejo naiilang ako sa tingin ni Supremo.

Nginisian ko naman sya habang pinapakita na hinihimas ko ang tyan kong busog. "Ang sarap talaga ng mga mamantikang pagkain." Pagmamayabang ko.

"Damn! So adorable!" Mura ni Supremo habang nakangisi sa akin.

"Am I now sexy?" Tanong ko.

"Mamaya ko na sasabihin. Kakain muna ako." Kinuha nya ang kutsarang ginamit ko at ginamit 'yon.

Napangiwi ako. "Marami namang kutsara." Nahihiya kong sambit.

"Marami nga pero ito naman ang ginamit mo." Inosenteng sagot nya habang ngumunguya. "And... It gives more taste using the same spoon you used." Dugtong nya.

"Ha-Ha-Ha." Napaismid daw ako kunwari sa sinabi nya kahit na halos mangisay na ako sa kilig.

"Do you believe on indirect kiss?" Biglang tanong nya.

"I don't."

"K."

Pinanuod ko lang syang lumamon. Sarap na sarap sya sa mga mamantikang pagkain. "Masama masyadong mamantika." Pagpapaalala ko.

Tumango lang sya at hindi ako sinulyapan. Inis na pinalo ko sya ng plato sa ulo. "Aww." Hinimas nya ang ulo nya habang nakapikit.

Eh?! Bakit pacute sya? Hmmp!

"Masakit ah!" Inis na sigaw nya.

"Masama ang masyadong mamantika. Baka magkasakit ka sa puso." Pagpapaalala ko.

"Mas nakakasakit ka naman sa puso kesa sa mamantikang pagkain. Nakikita pa lang kita parang gusto ko ng tumakbo palapit sa'yo. Tignan mo!" Kinuha nya ang kamay ko at itinapat sa dibdib nya kung saan ang lakas ng kalabog. "See." Nakangisi nyang sambit.

Patagong napangiti ako. Hindi ba nya alam na nakakakilig ang mga ginagawa nya? Inosente!

"Baka gusto mo ng tanggalin ang kamay mo."

Namutla ako nang mapagtanto na binitawan na pala nya ang kamay ko pero hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa dibdib nya kaya mabilis ko itong tinanggal.

"I told you. Maari mong tignan ang katawan ko, pero wala akong sinabing hawakan mo."

Eh! Nemen eh! Fuck you!

"Ikaw kaya ang nagpahawak!"

"Sus. Tara na nga!"

Tumayo na ako at hinintay na kunin nya ang bag ko at bitbitin gaya ng ginawa ni Matt kay Angel.

"What are you waiting for?" Tanong ni Supremo na nakatayo na sa exit ng cafeteria.

Inis na kinuha ko ang bag ko at sumunod sa kanya. Hindi ba sya marunong ng gentleman moves? Buti pa si Matt binitbit nya ang bag ni Angel!

Tungunu!

"What's with that face?" Nakakunot noong tanong ni Supremo sa akin.

"A beautiful face." Pabalang na sagot ko at inunahan na syang maglakad palayo.

Natatawang sumunod sya sa akin. "Bipolar ka talaga." Sambit nya.

"Thank you."

"That's not a compliment."

"Thank you."

"Huh?! What are you talking about?!"

"Thank you!"

Hinila nya ang kamay ko dahilan ng pagkatigil ko sa paglalakad. Hinarap nya ako sa kanya. Nakakunot na ang noo nito.

Aha! Pikon!

"Thank you." Ulit ko. Humigpit ang hawak nya sa aking kamay kaya palihim akong napangiti.

Hahaha.

"I don't understand. Why are keep on sayin-"

"Thank you."

"Damn!"

"Thank you."

"Zein Shion!"

"Thank you."

"You are sexy."

"Than- Huh?"

"Wala." Nauna na syang naglakad kaya mabilis na sumabay ako sa kanya.

Alam kong may sinabi sya. Malinaw na narinig ko pero gusto kong ulitin nya.

"What did you say?"

"Thank you."

Napapadyak na lang ako sa pagkadismaya na ginagaya nya ang way ng pang-aasar ko.

"Ih! Supremo!"

"Thank you!"

"Waah!"

Aktong liliko na ako nang bigla nya akong hinigit at ikulong sa kanyang malapad na bisig.

"You don't need to be sexy. Kung kailangang patabain kita at papangitin para hindi tumingin sa iyo ang iba ay gagawin ko. Damn, Zein. You are driving me crazy. And I must say...Thank you."

Continue Reading

You'll Also Like

145K 4.7K 35
{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: Ap...
67.8K 885 47
Would you like to risk all of you for your love one sake? "I am willing to risk everything than to miss the good thing" -Mandy 'Till death do us p...
103K 2.5K 21
May isang lalaking nakatayo sa ilalim ng arko. Ang lahat ng taong nandoon ay nakatingin sa sa kanya at pinag-uusapan sya dahil sa kanyang suot na hi...
25.8M 640K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...