The Wife And The Mistress

By iamsograce

190K 2.4K 181

Love is one of the best thing that can happen to your life. But what if one day, it will only destroys your l... More

Chapter 1 -- The Rose
Chapter 2 -- Moving Closer
Chapter 3 -- Falling from Cloud Nine
Chapter 4 -- Escaping The Past
Chapter 5 -- Dissemble
Chapter 6 -- Photographs
Chapter 7 -- Dangerously In Love
Chapter 8 -- Secret Valentine
Chapter 10 -- Instinct
Chapter 11 -- Hurt Me With A Lie
Chapter 12 -- Hide And Seek
Chapter 13 -- Saving A Broken Heart
Chapter 14 -- Unveiling The Truth
Chapter 15 -- End Of The Road
Chapter 16 -- Wife's Distress
Chapter 17 -- The Hostile
Chapter 18 -- Perks of being a Martyr
Chapter 19 -- Heavily Broken
Chapter 20 -- Suicide Love
Chapter 21 -- Lost Star
Chapter 22 -- Crossing The Finish Line
Chapter 23 -- The Fall of the Quean
Chapter 24 -- Close to the End
Epilogue

Chapter 9 -- The Great Escape

5.5K 82 0
By iamsograce

Yayayain sanang mag date ni Martee si Natalie pero hindi niya ito nadatnan sa shop. Umalis daw ito sabi ng mga empleyado niya.



Nasa park naman si Ervic, hinihintay si Natalie. Nang dumating na ito. "Late ka." Sabi niya dito.



"Sorry, may kinausap pa kasi akong kliyente." Paliwanag ni Natalie.



"Sa'n ba tayo pupunta." Tanong ni Ervic.



"Ikaw, kung sa'n mo gusto. Sasama ako kahit saan."



Napaisip si Ervic kung sa'n nga ba sila pupunta ngayon ni Natalie.



Walang ideya si Natalie kung sa'n nga ba siya dadalhin nitong si Ervic. Basta ang alam lang niya ay magkahawak ang kamay nilang naglalakad sa daan.



Ayaw ipagamit ni Ervic ang kotse niya. May iba daw silang gagamitin. Nagataka tuloy siya kung ano ito. Nang bigla na lang pumara ng isang jeep si Ervic at nagulat siya ng isakay siya nito dito. It's her 1st time, really. Kinakabahan siya, pero okay lang dahil kasama naman niya si Ervic, at alam niyang hindi siya nito papabayaan.



Kahit papano ay nag enjoy pa rin si Natalie sa pagsakay sa PUJ lalo pa't kasama niya si Ervic. Dinala rin siya nito sa isang turo-turo at do'n sila kumain pati mga street food. Nung una ayaw ni Natalie pero sinubuan siya ni Ervic kaya kumain na din siya at nang matikman niyang masarap, tuloy-tuloy na siya sa pagkain.



Nag rent din sila ng isang bisikleta sa park, angkas siya ni Ervic sa harap at nilibot ang buong park. Feeling ni Natalie bata siya, dahil ngayon lang siya inangkas sa isang bisikleta. Ito ang mga hindi niya naranasan sa tanang buhay niya at ngayon pinapadanas sa kanya ni Ervic and she's enjoying it. Never na ginawa ito sa kanya ni Martee.



Marami pa silang ginawa na dalawa at super nag enjoy talaga sila. Akala ni Ervic mag iinarte si Natalie pero kabaligtaran lahat ng inakala niya. Kaya din naman palang mabuhay ni Natalie nang simple lang ang buhay at yun ang gustong ipa experience sa kanya ni Ervic.



Dahil si Natalie ang may kotse, nag prisinta na siyang ihatid si Ervic kahit na tumanggi pa ito nung una. Nasa tapat pa sila ng bahay ng mga ito at ayaw pang bumaba n kotse.



"I really had fun. Thanks for showing me around." Hinalikan niya sa pisngi si Ervic. "So, what are your plans now?"



"Plano saan?" Takang tanong ni Ervic.




"Sa atin. Ervic, hindi habang buhay ganito tayo. Ayoko ng ganitong set-up. Ayokong nagtatago tayo sa lahat para lang sumaya."



"Si Martee, mahal ka niya. At si Carlyn, mahal niya 'ko."



Nainis tuloy si Natalie sa sinabi ni Ervic. "So, ano 'tong ginagawa natin? Pampalipas oras?"



"Hindi naman sa gano'n, kaya lang kasi, Natalie------" Natigilan siya, hindi alam ang isasagot. "Mahal mo ba si Martee?" Hindi makasagot si Natalie. "Kaya mo ba siyang hiwalayan?"




"Ikaw, kaya mo bang iwan ang pamilya mo?" Mabilis na tanong ni Natalie.



Napa buntong hininga tuloy si Ervic. "Hindi gano'n kadali 'yon. May anak kami."



Somehow he's right. Hindi ganon kadali iwan ang pamilya ni Ervic, lalo pa't may anak sila. At sa katotohanang 'yon naiinis si Natalie. Hindi na siya nagsalita pa at tumingin na lang sa labas ng kanyang bintana.



Ilang sandali silang natahimik. Nang magsalita itong si Natalie. "It's getting late, baka hinihintay kana ng pamilya mo." Inis na sabi niya kay Ervic.



"Mag ingat ka sa pag da-drive." Alalang sabi ni Ervic. Hindi naman sumagot si Natalie kaya bumaba na siya ng kotse. Pagbaba niya tsaka pinaandar ni Natalie ang makina at mabilis na umalis. Alam niyang nagtatampo ito sa kanya.



Pag uwi ni Natalie sa kanila, nabigla na lamang siya nang makitang nag hihintay sa sala ang boyfriend niyang si Martee.



"You're here." Sabi ni MArtee.



"Kanina kapa?" Tanong niya dito tsaka siya bineso ni Matee.



"Let's go have some dinner." Yaya niya kay Natalie. Then he put her arms on Natalie's waist.



"Nag dinner na kami ni Ate Ayen." Tsaka niya inalis ang kamay ni Ervic sa beywang niya.



"Then just be with me, samahan mo'ko."




"Martee, pagod ako, gusto ko nang magpahinga."




"May problema ba tayo?" Tanong ni Martee.




"Wala. Ano ka ba?" Mabilis na sagot ni Natalie.



"Then why are you acting like this?" Inis na tanong ni Martee.




"Acting like what? Martee, hindi mo ba maintindihan? Pagod ako, gusto ko ng magpahinga. Mahirap bang intindihin yun?" Inis din na sabi ni Natalie. Hindi na sumagot pa si Martee. "Sige na, matutulog na'ko." Pumanhik na siya sa kanilang staircase at iniwang mag isa ang kawawang si Martee.



Bad mood pa rin itong si Natalie sa pag gising niya hanggang sa trabaho niya. Sinusungitan pa niya ang kanyang mga staff. "Nikki. nasan naba si Marla? Yung pinapabili kong coffee sa kanya?" Inis na tanong niya kay Nikki na nasa kabilang linya. Nasa main office kasi siya at nasa labas si Nikki.



"Padating na daw po, Ma'am." Anang Nikki na nasa kabilang linya.



Nang may kumatok sa pintuan ay binaba na ni Natalie ang telepono at pinapasok ang kumakatok sa pintuan. Si Ervic pala ito na may dalang coffee from Starbucks.




"Bakit ikaw ang nagdala niyan? Ikaw ba ang inutusan ko?" Inis na tanong ni Natalie.



"Aba! Masungit ngayon si Ma'am ah." Pabirong sabi ni Ervic. Tsaka niya nilagay yung coffee sa table nito.



"Salamat." Painis pa ring sabi ni Natalie.



"May bayad kaya 'yan." Pabiro ulit sabi ni Ervic.



"Huh?" Takang tanong ni Natalie.




"Tignan mong mabuti yang kape." He smile. "Sige, mag ta-trabaho na'ko." Paalam nito kay Natalie tsaka na siya lumabas.



Nagtataka naman itong si Natalie kung anong ibig sabihin ni Ervic kaya tinignan nga niyang mabuti ang venti size na kape at do'n niya lang nakita na may nakalagay na note dito. Binasa niya.




Labas tayo mamaya pagkatapos ng trabaho. Kaya ngumiti kana diyan at huwag ka ng masyadong masungit. Sige ka, baka pumangit ka, ang ganda mo pa naman.

See you sa park.

Ervic




Napangiti tuloy si Natalie upon reading the note. Pakiramdam niya isa siyang teenager na kinikilg. Lalo siyang na inspire mag trabaho dahil sa nabasa at gusto niya uwian na agad para makasama na naman niya si Ervic.




Pagkatapos ng isang araw na trabaho, excited na si Natalie sa paglabas nila mamaya ni Ervic as if naman 1st time nilang lalabas, basta gusto niya lang itong makasama at do'n lang masaya na siya. Kay Nikki na niya pinasara ang shop, bubuksan na sana niya ang pintuan ng kanyang kotse nang tawagin siya ni Martee mula sa kanyang likuran.



"Natalie." Tawag ni Martee.



Nawala tuloy ang mga ngiti sa labi ni Natalie. Unti-unti niyang hinarap ang kanyang boyfriend.



Ilang sandali pa at pumunta sila sa isang restaurant. Niyaya kasi siya ni Martee at hindi naman siya maka tanggi, hindi naman niya pwedeng sabihing may lakad siya at siguradong magtatanong ito kung sa'n ang lakad niya at hindi niya alam ang isasagot kapag nagkataon kaya sumama na lang siya.




Agad na lang siyang mag aayang umuwi pagkatapos nilang kumain. 'Ni hindi man lang niya ginagalaw ang pagkaing inorder ng boyfriend. Iniisip niya kasi si Ervic, siguradong kanina pa kasi ito naghihintay sa kanya.




"Hindi mo ginagalaw yang pagkain mo ah. Ayaw mo ba? Gusto mo umorder ako ng iba?" Alok ni Martee sa girlfriend.



Umiling si Natalie. "Hindi, okay lang. Medyo busog pa kasi ako." Pagmamaang niya, kahit ang totoo'y kanina pa siya gutom, pero tinitiis niya para sabay sila ni Ervic na kumain.




Halos mag iisang oras na sila sa restaurant at hindi na mapakali itong si Natalie kanina pa kasi nag tetext si Ervic hindi naman niya ito masagot dahil nasa harapan siya ng boyfriend. Hindi na siya nakatiis at nagyaya na talaga siyang umuwi.



"Can we go home now?"



"Too early. I still want to be with you." Malambing na sabi ni Martee.



"Kanina pa tayo nandito, gusto ko ng umuwi." Padabog na sabi niya sa boyfriend.



Hindi pa rin pumayag si Martee kaya nag stay pa sila sa restaurant na 'yon. Kwento ng kwento si Martee, wala naman do'n ang focus ng kaharap. Puro pilit na ngiti lang si Natalie. Nang makakuha ng tyempo si Natalie at pumunta siya sa ladies room at do'n tinawagan si Ervic.



"Hey, sorry. I'm gonna be late...... Kasama ko kasi si--- Martee, he asked me out." Mahinang sabi niya kay Ervic sa kabilang linya. "But don't worry, I'm on my way. Wait for me.... bye!" She hung up the phone and she sigh.




Nang sa wakas ay nagyaya na ring umuwi itong si Martee, sa shop na nagpa hatid si Natalie. Nagdahilan kasi siya dito na may nakalimutang gamit at pinauna na niyang umuwi ang boyfriend tutal may kotse din naman siya. Pag alis ng boyfriend, tsaka dali-daling pumunta si Natalie sa park sakay ng kanyang kotse.




Si Ervic, kanina pa naghihintay sa park. Nakaupo lang siya sa may bench. Inaaliw na lang niya ang sarili sa panonood sa mga batang naglalaro sa playing area ng park. Pinanghahawakan din niya ang sinabi ni Natalie na darating siya basta hintayin lang siya nito. Nang ilang sandali pa at may tumawag na sa kanyang pangalan.



"Ervic." Tawag ni Natalie dito. Nasa may hindi kalayuan siya.



Napangiti si Ervic at tumayo na. Akmang pupuntahan na niya si Natalie nang may tumawag din sa kanyang pangalan mula sa kanyang likuran.



"Ervic."



Paglingon ni Ervic sa isa pang tumawag sa kanya. Si Carlyn pala ito, kasama ang anak nila na may hawak na isang lobo. Hindi niya tuloy alam kung sino ang lalapitan sa dalawang babae. Nilingon ulit niya si Natalie, pagka tapos ay ang kanyang pamilya.



"Papa."Sabi ni Nicko.



At sina Carlyn na nga ang piniling puntahan ni Ervic nang tawagin siya ni Nicko. Humakbang siya papunta sa kanyang pamilya. At do'n na unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ni Natalie.



"Carlyn, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Ervic.



"Nainip kasi si Nicko sa bahay kay pinasyal ko siya. Ikaw anong ginagawa mo dito?"



"Uhm.. ah.. pauwi na sana ako, kaso naisipan kong ibili ng laruan si Nicko."



"Tara na." Yaya ni Carlyn sa asawa.



Hinawakan ng mag-asawa sa magkabilang kamay ang kanilang anak. Habang palayo sila, nilingon ni Ervic si Natalie at wala na ito sa kinatatayuan niya kanina.




Paguwi sa bahay ng Pamilya ni Ervic. Agad siyang tumuloy sa kwarto at tinawagan si Natalie. "Natalie, pasensya na. Babawi na lang ako sa susunod."




"No, it's okay. Naiintindihan ko naman." Sabi ni Natalie sa kabilang linya. Nang marinig niyang tinatawag na si Ervic ng kanyang asawa. "Sige na, ibaba mo na, tinatawag kana ni Ate Carlyn, baka mahuli ka pa niyang kausap ako." Malungkot na sabi ni Natalie. Pagkatapos mag paalam sa kanya ni Ervic tsaka na nila binaba ang telepono.



Napahiga na lang sa kama niya si Natalie pagkatapos kausapin si Ervic. Do I deserve this kind of treatment? She close her eyes. Hay Natalie, kailangan mong tanggapin na pangalawa ka lang talaga, kasi hindi ikaw ang legal na asawa niya. She sigh.



Habang naliligo si Ervic sa banyo nila, inaayos naman ni Carlyn ang mga damit na pinaghubaran ni Ervic. Ilalagay na kasi niya ito sa humper. Nang may mapansin siyang makulay na papel na nakasuksok sa likurang bulsa ng pantalon ng asawa. Kinuha niya ito at binasa. Mga scratch paper pala yun ni Ervic kanina nung sumulat siya ng note kay Natalie. Nagduda tuloy si Carlyn nang mabasa ang laman ng papel.




"Park?" Tanong ni Carlyn sa sarili niya. Naalala niya, nakita niya kanina sa park si Ervic. Pero sino ang katagpo nito? Binalik niya ulit sa bulsa ni Ervic ang papel nang marinig na papasok na sa kwarto nila ang asawa. "Hon, may kasama kaba kanina sa park?"



"Huh? Uhm .. wa-wala, wala. Bakit mo natanong?"



"Lagi ka bang pumupunta sa park?" Tanong ulit ni Carlyn. "Hindi ko kasi inaasahang makikita ka namin kanina sa park."



"Napadaan lang ako do'n kasi sabi nung isang ka trabaho ko maganda ang lugar at maraming pambatang laruan ang nandon kaya naisipan kong ibili sana ng laruan si Nicko." Pagkakaila niya sa kanyang asawa.




Itong si Carlyn hindi pa rin talaga mapakali. Iba ang kutob niya nang mabasa ang laman ng papel.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 8.8K 64
Dalawang storya sa dalawang magkahiwalay na mundo
109K 2.2K 15
Hot & Nasty Nights Series 1: Isang madre na ang paniniwala ay tinatawag siya ng Diyos. Pero wrong call pala dahil isang gabi, isang lalaki ang makaka...
503K 7.5K 42
Warning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever st...
511K 6K 63
Rated SPG! Para lang ito sa mga matatanda na ang utak at mga taong open minded. Copyright © 2015 by MainchickMSN