Nothing's Better Than This (M...

By astrophilexx

1M 8.1K 1.3K

"If two past lovers can remain friends, it's either they're still in love, or... they never were." More

nothing's better than this (mika reyes-ara galang fanfic)
Chapter 1
Chapter 2 - what was i thinking?
Chapter 3 - Mika
Chapter 4 - how painful can it get?
Chapter 5 - bad things happen to good people
Chapter 6 - Part I
Chapter 6 - Part II, Iloilo <3
Chapter 7 - spill it out
Chapter 8 - Day 1
Chapter 9 - let's call it a day
Chapter 10 - reality
Chapter 11 - dinner
Chapter 12 - finally made peace with THE past
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 - Cienne's POV
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 - a Third Party's Perspective
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 - The Ending
Epilogue

Chapter 25 - irony

19.9K 134 19
By astrophilexx

Ara's POV

Natulala ako. Niyakap siya ni Mika. Kitang kita ko ang pananabik nila sa isa't isa. At some point in their lives, naging bestfriends din sila. And almost had the chance to be more than that. They had loved each other back then. But they were separated by distance and time. She WAS Mika's best childhood friend, and I bet she still IS. Dati na siyang naging threat sa amin ni Mika nung nagpakita ulit siya and played volleyball again, and the fact that she was always vocal about how much she still loved her. Mika didn't consider it, because for her, bestfriend lang naman daw talaga ang pagtingin niya sa isang yon and that ako ang mahal niya. But there was always a silent competition for Mika's attention between the two of us. I never mentioned it to Mika, I don't want her to think na hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Only Cienne knows how I feel towards her because as far as I know, she's also one of ate Kim and Mela's closest friends. Of course, they came from the same school, UST.

Yes, I am talking about Marivic Meneses. Called Ria by her friends. I don't know if this is just mere coincidence, talking about the name,  or she's also a part of His plan. Because if she is, I'll accept it. I think I'll be up for another challenge... alone. 

Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng kinalabit ako ni Cienne. Nakaakbay sa kanya si Gayle at parehong silang ngiting ngiti. I felt envious. Buti pa sila walang sagabal sa relationship nila.

Cienne: "Oh? Nasaan na si Yeye?" Di ako sumagot at tumingin lang sa di kalayuan kung saan kasalukuyang nag uusap sina Ria at Mika. "Oh shit! What the hell is she doing here!?"

Ara: "Ssshhh!" Nakita ko kasing palabas na rin si ate Kim, Mela, Cams, ate Mowky, and ate Aby.

Kim: "Uy! Si Ria ba yun?" hinatak si Mela at tumakbo papunta sa dalawa. "Riri!!!"

Bumalik na sila sa kinaroroonan namin at masayang nag uusap.

Kim: "Siyangapala guys. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na siya ang pumalit muna kay Vic sa team!"

Mika: "Talaga?! Kayo ni kuya Sue ang pumalit samin? Galing galing naman! Eh pano yan? Hindi na kami makakabalik ni Tomsy sa team!" nagsad face bigla.

Ri: "Di naman. Makakabalik naman kayo. Hindi pa naman tapos ang contract niyo sa team diba? Si kuya Sue bumalik lang para maglaro sa Seagames pero di na muna babalik sa team. Ako naman temporary replacement lang ni Ara.. Oh. Hi Ara.."

I gave her a fake smile. Kumapit sakin si Cienne. Pipigilan siguro ako. Kanina pa ko nanginginig eh.

Ri: "Hi Cienne and Camille."

Cienne: "Uhh hi.."

Camille: "Hello."

Mika: "Uy Cienne, pakilala mo naman si Gayle."

Cienne: "Ah. Sorry. Ria, this is Gayle.."

Nakipagkamay naman si Gayle sa kanya.

Ri: "Hi Gayle.."

Gayle: "Hello.."

Ri: "Hi ate Aby, ate Mika.."

Mowky & Aby: "Hello!"

Ri: "By the way guys, baka di pa nasasabi ni ate Kim sa inyo, may party ang team bukas."

Kim: "Hala! Nakalimutan ko... Pare pinapasabi pala ni Coach na kailangan present din kayo ni Yeye.."

Ara: "Ganun ba? Okay." tipid kong sagot.

Ri: "Mauuna na pala ko sa inyo.. Malapit lang kasi dito apartment ko kaya ako napadaan. Oh paano guys? Uwi na ko ha?" humarap naman kay Mika "I'll see you tomorrow?"

Mika: "Yesyesyes! We'll have a lot of catching up to do.. See you tomorrow, Ri! Bye!"

Ri: "Bye guys!"

"Bye!" everybody except me and Cienne.

Nauna na akong pumunta kung saan naka park ang kotse ko. This is not happening! I can't believe all of this. Lord, ano na naman po ba ang ginawa kong mali? Maawa naman po Kayo sa akin... Pinipilit kong pigilan ang mga luha ko. Ayokong magtaka si Mika kung bakit ako nagkakaganito. Wala naman kasi akong karapatan para magselos eh.

Binilisan ko pa ang lakad ko para mas mauna akong makarating sa kotse, medyo malayo din kasi ang carpark. Mukhang masaya pa silang nagku-kwentohan kaya mabagal din ang pace ng paglakad nila. Magkakatabi lang din naman kasi ang mga kotse namin at kailangang maayos ko na agad ang sarili ko bago pa sila umabot dito. Ang hindi ko alam ay nauna pala si Cienne sa kanila para habulin ako.

Cienne: "Vic, I know you're not okay.."

Ara: "Cienne..." niyakap ko siya at di ko na mapigilang umiyak. "Bat ako nasasaktan? Wala namang meaning yun diba? Yung yakap nila kanina? Na miss lang nila ang isa't isa diba?"

Cienne: "Vicky... Mika loves you. You know that. We can all see it too. And we don't know Ria's side, baka naman wala na siyang feelings kay Mika. Matagal na rin mula nung huli nilang pagkikita.."

Ara: "Di ko pa rin kasi maiwasang magselos." Kumawala na ako sa pagyakap ko sa kanya. " I know it's very early to tell. Pero ayokong ma stuck na naman sa ganitong sitwasyon, yung hindi ko masabi kay Mika na nasasaktan ako.. na nag seselos ako."

Cienne: "I've said this before and I'll say it again. History never repeats itself, Vicky. She's back, and we can't do anything about it."

Ara: "She's not just back Cienney... She's back in Mika's life."

Cienne: "She used to be Mika's bestfriend.. Or she still is. Let it be. All you have to do is be strong. Like you always are."

Hindi ako nakasagot.

Cienne: "Don't give Mika up, Vic. You love her. She loves you. Props lang si Ria sa love story niyo."

Ara: "Yan ang problema sa mga props, Cienne. Ginagamit sila."

Cienne: "Ginagamit sila because they can make the characters happy. But you, Vic. You and Mika are the main casts. Mika loves you, okay? We're all sure of that. And I know, I assure you Vic, she'll never turn her back on you again. Besides, hindi naman ang Riri na yon ang sumira sa inyo dati. Nagseselos ka lang talaga. Haven't you learned from the past yet? Ikaw lang din ang nagpapasakit ng feelings mo."

I let out a deep sigh. Cienne's right. Bakit nga ba ako nagpapaapekto? Nagiging paranoid na naman ako. Kahit nga naman kasi mahal ni Ria si Mika dati, ni-rerespeto naman niya ako at hindi nagtangkang sirain kami ni Mika. Yun nga lang, bestfriends din sila kaya palagi din silang nagkakasama.

I can't ruin a day well-spent with Mika. I have to let this go.

"You're right, Cienne... Thank you.."

Cienne: "Let's just hope na wag niyang itutuloy ang pagiging badgalriri! Hahaha!"

Mika: "Sinong badgalriri?"

Nagkatinginan kami ni Cienne at sabay na napalingon kay Mika.

Cienne: "Ha? Eh... si... ano... ang..."

Ara: "Si Rihanna daks! Kasi diba badgalriri ang username niya sa IG."

Cienne: "Yun tama. Kasi baka maging badgalriri talaga siya! Hahaha."

Mika: "Hahaha! Nauna kayong maglakad para pagusapan si Rihanna? Naku ha! Dapat na ba akong magselos kay Rihanna?"

Ara: "Kaw naman Daks! Di ah.. Hahaha! Oh guys? Uwi na tayo?"

Kim: "Kita kita na lang tayo sa bahay?"

Mowky: "Thanks guys! I had fun!"

Abi: "Yan. Mukhang napasaya na natin si baby Moks!"

Gayle: "Vic... doon muna si Cienne sakin ha? Okay lang ba Cams?"

Camille: "Oo naman. Ang tanda tanda na niyan eh.. Hehe"

Ara: "Kayo FO?"

Mela: "Roadtrip muna kami ni Panget! Gandang ganda ako sa new car niya eh.. Baka umagahin na kami sa pag-uwi."

Kim: "New car NATIN Pango! Hahaha. Oh pano? Mauna na kami ha? See you guys tmr sa dinner?"

Ara: "Yep! We'll be there.."

Cienne: "Di naman yata kami invited ni kambal dun eh!"

Camille: "Oo nga!"

Kim: "Invited siyempre. League's best setter na tong nag iinvite sa inyo oh!"

Napatawa kaming lahat! "Ang kapaaaal!!!"

Ara: "Sige guys! See you tomorrow. Cams, diretso ka na sa bahay?"

Camille: "Oo. Gusto ko ng magpahinga eh. Pagod ako kakatawa! Kita na lang tayo dun.."

Mika: "Bye guys! Wag na gumawa ng kung anong kagaguhan ha? Baka kung saang presinto na naman tayo magkita eh! Hahahah!"

"Bye guys!"

"Bye! See you tomorrow!

Kanya kanya na kaming lumulan sa mga kotse namin at umalis sa Taft. Buti at nakapag usap muna kami ni Cienne. Tama naman siya eh. Ako ang mahal ni Mika, no worries, pero hindi ko dapat yun i take for granted. I don't want to compete with her attention now that Ria's back, but I'll do whatever it takes para hindi siya mawala sakin. I hope the odds will be in my favor.

Mika's POV

Superb day! I couldn't be happier! Unti unti na naming natutupad ni Tomsy ang nasa bucket list niya. Nakita ko ang list niya nung isang araw, may check na ang 1st two at tinupi na niya ng mabuti yon. I'll do everything I can para maging worth it ulit for her. She loves me, I'm sure of that, everything looks as if nothing ever got in our way back then, but hindi ko to dapat i take for granted. I love her so much.

Speaking of, my bestfriend Riri's back! Siya daw ang temporary replacement ni Tomsy? Di ibig sabihin magaling na talaga siyang maglaro ngayon? The last time I heard, sa China naglalaro yun eh. Buti naman at naisipan niyang umuwi dito. Miss na miss ko yun eh. Sana naman di na sila ma awkward ni Tomsy, at sana din hindi na niya ko mahal. Alam ko naman kasing pinagseselosan siya ni Tomsy kahit di yun nag oopen up sakin. Pero wala naman talagang dapat ipagselos kasi kahit vocal si Ria sa feelings niya sakin, wala naman siyang ginawa para sirain kami. Idol na idol nga niya si Tomsy eh, inside and outside the court. She respects her a lot. Kitang kita niya daw kasi kung gaano ako ka mahal ni Ara. Opo. Ako na po ang pinaka ma swerteng nilalang sa buong mundo.

Napangiti ako.

Ara: "Oh? Anong nginingiti mo diyan?"

Pauwi na kami ngayon.

Mika: "I feel so lucky, Tomsy. I'm lucky enough to have you back after what I did."

Ara: "You're not lucky, Daks.. We are blessed. And besides, Him up there, He's in control. But we both made an effort. That's why we deserve all of this."

Mika: "Thank you..."

Ara: "Wag ka muna mag thank you, di mo pa ko sinasagot eh.. Hahaha."

Mika: "Gusto mo na bang sagutin kita? Sigurado naman na kasi ako sayo eh.."

Ara: "Whenever you're ready. But I don't think I've proven myself enough."

Mika: "You've proven how much you love me a long time ago Tomsy."

Ara: "I can prove something more.."

Nginitian ko siya. Her eyes still focused on the road. "We'll see.."

Ara: "You'll see.. In the mean time.. Do you want to do something crazy?"

Mika: "Crazy like what?"

Ara: "Like trespass somewhere?"

She's initiating one of her bucket list. With me. "Why not?"

Ara: "Sige. We'll go somewhere random. Bahala na! Pag nahuli tayo... Bahala na ulit!"

Mika: "Game! We only live once!"

Nadaanan na namin ang Renaissance at umabot na kami dito sa De La Salle - Zobel pero dumiretso lang kami. This is going to be fun! Nadaanan pa namin ang Emerald Hills hanggang sa tinungo na namin ang daan papasok sa isang school dito sa Dasma. Nagpark si Tomsy medyo malayo sa school. Sabay kaming bumaba.

Mika: "Tomsy nakakatakot! Ang dilim dilim.."

Ara: "Wag kang matakot. Kasama mo ko." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sa likod tayo dumaan!"

Mika: "May dadaanan ba sa likod?"

Ara: "Hindi ko din alam. Pero sigurado akong mahuhuli tayo kung diyan tayo dadaan sa harap."

Sa mga nagtataasang mga talahib nga kami dumaan hanggang sa nakarating kami sa likod at mas madilim na bahagi ng school.

Ara: "Nakikita mo ba yan?"

Mika: "Ayokong dumaan diyan! Ayokong mag spiderman Tomsy! No!"

Ara: "Ssshhh. Wag kang maingay! Hindi yan. Ayun oh. Mas mababa dun at maaakyat natin ang punong yan.."

Mika: "Eh paano tayo makakalabas mamaya?"

Ara: "Shit! Nakalimutan ko ang lubid sa kotse! Hintayin mo ko dito. Balik ako agad.."

Mika: "May lubid kang dala?"

Ara: "Always. For emergencies... and for things like this. Dito ka lang.."

Mika: "Tomsy naman eh! Nakakatakot dito.."

Ara: "Sandali lang ako.."

Bumalik nga muna si Vic sa kotse para kumuha ng lubid. Tiningan ko ang oras sa relo ko. 12:06am. Sinubukan ko ring maunang umakyat sa puno para ma survey ko ang lugar. Tsk. Ang hirap naman nito. Buti na lang at mahahaba ang mga binti at kamay ko. Yun. Perfect spot! Hahaha. Feeling American spy ako! May nakita akong nagrorondang guard na naka mountain bike. Pero sigurado naman akong hindi nga kami mahuhuli kapag dito kami dumaan. At kahit naman pala walang lubid makakalabas kami kasi may mga nakatambak na mga sako dito sa baba lang ng pwesto ko.

Maya maya lang ay nakabalik na nga si Tomsy. Nakita kong hinahanap niya ko..

Ara: "Daks... Saan ka na?"

"Pssst. Pssst!" Sinenyasan ko siyang tumahimik. At kinawayan na umakyat na rin dito sa puno. Nagsisitayuan na ang mga balahibo ko, feeling the adrenaline of doing something illegal. Nauna siyang bumaba at  inalalayan niya na rin ako hanggang sa nakababa ako.

"Useless naman pala tong lubid ko eh." bulong niya sakin

"Iwan natin muna yan diyan."

Tumingin tingin kami sa paligid bago lumabas sa mga damuhan. Naka back to back kami habang naglalakad para makita namin kung may guard nga sa paligid. Biglang may nagflashlight sa gilid namin. Sabay kaming napadapa at nagtago sa likod ng isang building. Biglang dumaan ang nakamountain bike na guard pero hindi niya kami nakita at dumiretso lang.

"That was close!" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Napatingala si Tomsy. "Daks look." Turo sa hagdan ng fire exit. Kinuha niya ang mga naka stack na mga kahong gawa sa kahoy at ginawa yun na parang hagdan. Isa isa kaming umakyat hanggang sa naabot na namin ang hagdan. Hindi kami nag uusap. Hawak hawak niya ang kamay ko habang maingat kaming umakyat.

Rooftop ang inabutan namin dito sa taas. Nice! "Ang ganda dito Tomsy! Kita ang night lights dito sa buong Cavite oh!" Kumuha siya ng mga upuan at pinwesto yun kung saan kita namin mga nagkikislapang mga ilaw. "This is the best day ever!" saad niya. "I'm glad I get to spend it with you, Daks." inakbayan niya ko.

Mika: "Ordinary days with you are the best, Vic... Everyday..."

Ara: "...for the rest of our lives."

Mika: "I love you..."

Ara: "I love you too..." she gave me a smack then smiled at me. "Are you happy?"

Mika: "Of course!"

Ara: "Me too.. I'm sorry about what happened kanina.. You know, yung sa bahay."

Mika: "I'm not against what happened, Vic. Pareho nating ginusto yun."

Ara: "It was your pierce that started it."

Mika: "Hahaha! Gusto mong tanggalin ko?"

Ara: "No! Gusto ko ang pierce na yan." itinaas niya ng konti ang shirt ko para makita niya ang pierce. "Hindi siya maruming tingnan sayo.. Perfect."

Mika: "Thank you. I had it 4 years ago. I was so drunk at pinilit ko lang talaga ang Fil-Am na yun para gawin to."

Ara: "Masakit ba?"

Mika: "Mas masakit nung iniwan kita.." Naluluha ako. Remembering every single detail. "I regret ever leaving you."

Ara: "It's okay. I learned a lot from it. And you did too."

Mika: "Yes. A lot."

Pareho kaming natahimik at nakatingin lang sa night lights.

Ara: "Daks..."

Mika: "Hmm?"

Ara: "Ano si Ria sayo?"

Mika: "Si Riri?"

Ara: "Oo.."

Mika: "She's my friend, Tomsy."

Ara: "Yun lang?"

Mika: "Yup. Alam mo naman yun diba?"

Ara: "Ah.. Oo."

Mika: "Bakit mo naman naitanong?"

Ara: "Mahal ka nun diba?"

Mika: "Noon yun Tomsy. At alam naman niyang ikaw ang mahal ko."

Ara: "Natatakot lang ako."

Mika: "Ano naman ang kinakatakutan mo?"

Ara: "I know this sounds unreasonable... pero natatakot akong baka agawin ka niya sakin. Nakikita kong she still loves you Ye."

Mika: "She doesn't, okay? And if ever naman... Wag kang mag alala. Di naman ako magpapaagaw. Ikaw ang mahal ko."

Ara: "But still... I mean, hindi pa tayo kaya posible ka pa niyang maaagaw. Wala akong karapatan magalit o magselos kasi hindi ka pa naman akin."

Mika: "Sasagutin na kita ngayon para hindi ka na maging paranoid diyan."

Ara: "NO! I mean... Ayoko namang sagutin mo ko dahil lang sa ayaw mong magselos ako.."

Mika: "Look Ara... Mahal kita. Di pa man tayo officially mag on but I want you to know that this," turo ko sa puso ko. "this whole me... belongs to you. I'm all yours.. So don't worry. Riri's out of the story. I love her, yes, but she's just a friend."

Niyakap niya ko at naramdaman ko ang pagmamahal, pag-aalala, at takot sa mga yakap niyang to. I hugged back... tighter and full of assurance - that she's mine, and I'm hers.

We stayed like this for a little more while hanggang sa napatingin siya sa relo niya.

"Daks...3:07 na oh. Baka ma-the conjuring tayo dito! Hahaha!"

Mika: "Sira... Tara na."

Inayos ko muna ang tali ng buhok ko at bumaba na kami. Pagdating namin sa dulo ng hagdan ay nakapagtatakang wala na ang mga kahong inayos ni Tomsy kanina. At halos isang floor pa ang agwat ng hagdan sa lupa.

Nagkatinginan kami ni Tomsy at sabay na napangiti. "On the count of 3. 1..2.." hinawakan niya ang kamay ko. "3!!!!!" Tumalon kami. "AHHHH! Hahahahaha!" Pareho kaming na out balance sa pag landing namin. Tinulungan niya akong makatayo. "Hahaha! Grabe talaga to Daks!"

Inayos namin ang mga damit namin na nadumihan. Inakbayan niya ako at lumakad pa labas. Not thinking of getting caught. Napatigil naman kami sa pag lalakad ng biglang...

'Woooofff wooooffff'

SHIT!!!!! Ang laking aso!!! Naglalaway pa!!!

Woooofff woooofff.

Di na ako nagdalawang isip pa at hinatak ko na si Tomsy para tumakbo! Kumaripas na kami ng takbo. Medyo malayo pa ang dinaanan namin kanina at hanggang ngayon hinahabol pa rin kami ng aso!

Wooofff woooofff!!

Hingal na hingal ako hanggang sa naakyat na namin ulit ang perimeter wall ng school at nasa puno na kami ngayon. Tinatahulan pa rin kami ng aso. "Hahahahhahahahaha!!!!!"

Mika: 'Hahahaha! Tang ina di ko kinaya to!"

Ara: "Hahahah! Grabe!! Akala ko di na ako aabot bukas! Hahahah!" Hinihingal din.

Tiningnan ko ang kinaroroonan ng aso. "Hahahah! Blehhh!!" Binelatan ko ang aso. "Hahahah! Sira ka Daks! Tara na baka maabutan tayo ng mga guard.

Bumaba na kami sa puno at tahimik na tinungo ang kotse ni Ara. Grabe lang. Andaming pangyayari ngayong araw na to. Ang saya talaga eh!

Pagdating namin sa kotse ay nagtawanan ulit kami at tinungo na ang daan pauwi. Long and tiring day...

And bucket list no. 6, CHECK!

Kinabukasan

Ri's POV

Masayang masaya ako at nakita ko ulit si Mika kagabi. Ineexpect ko namang magkikita talaga ulit kami kaya ko nga tinaggap ang offer ni Coach to replace Ara. Yes to replace Ara. Maybe not in Mika's life, but etymologically, I'll be replacing her. This is one way na makakasama ko ulit si Mika. Binalitaan din kasi ako ni ate Kim na bumalik na daw siya dito sa Pilipinas. This is my chance. Ate Kim warned me a long time ago to back off dahil nga mag on daw sina Ara at Mika. So I did. Pero pagkita namin kagabi, mukha namang hindi sila. Mahal na mahal ko pa rin siya. Di naman nawala yon. I've been dating a lot of girls lately, but they're not Mika. And they never will be. Natatangi lang ang babaeng yon. Besides, she's my bestfriend naman kaya wala namang rason para layuan ko siya, diba?

Papunta na ako ngayon sa Taguig para sa dinner namin.

Pagdating ko naman ay hinanap kaagad ng mga mata ko si Mika. Nagpalinga linga ako hanggang nasagi siya ng paningin ko. There she is... with Ara. She's so beautiful and sexy with her studded red sleeveless dress. Bagay na bagay pa rin sila ni Ara. Di ko alam pero naiinggit ako sa kanila. Ako sana ang kasama niya ngayon kung hindi lang kami nagkahiwalay nung mga bata pa kami.

Mela: "Riri!! Nandito ka na pala! Tara dun tayo!!"

Hinatak na ako ni ate Mela papunta sa table nila. Kanina pa nagsimula ang party kaya umiinom na sila ng cocktails ngayon. Sinadya ko naman talagang magpalate kasi ayokong makipag halubilo sa iba. Saka si Cienne, alam kong siya lang ang pinagsasabihan ni Ara dati kasi mukhang siya lang ang mukhang may galit sakin at lagi akong sinusungitan.

Kim: "Oh Ria! Bat ka naman late? Kanina pa kaya nagsimula ang party. Di ka na tuloy nakapag dinner.."

Ri: "May dinaanan pa kasi ako... Nagdinner na ko, okay lang."

Coach Ramil: "Buti naman at dumating ka na Ri.." Pinuntahan ako kasama si kuya Sue. "Ara, Yeye, tara. May pag uusapan tayo.."

Eh? Baka naman sasabihin na ni Coach na kailangan ko ng umalis ng team kasi nandito na si Ara? Ang alam ko kasi si kuya Sue aalis na din eh. Bumalik lang siya para makumpleto ang line up ng Bomberinas sa Seagames. Sumunod na lang ako kina Coach. Naupo kaming lima sa bakanteng table dito sa bandang likuran.

Coach Ramil: "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ara... Yeye... Okay na ba kayo? Ang ibig kong sabihin eh, okay na ba kayo para bumalik sa team? Hindi pa kasi tapos ang contract niyo at binigyan ko lang kayo ng palusot sa team manager natin."

Ara: "Opo Coach. Okay na kami at ready na din kaming magtraining ulit anytime.."

Mika: "Yes po Coach. Okay na lahat ng problema namin."

Ano kaya ang naging problema nila? Mukhang mabigat kasi kinailangan pa nilang tumigil sa paglalaro. Ayaw naman ikwento sa akin ni ate Kim kasi private daw. Si Mika na lang ang tatanungin ko next time.

Coach Ramil: "You both are very good volleyball players kahit pa noong nagaaral pa kayo. Marami kayong na contribute so the team can't give you up. Si Sue kailangan ng bumalik ulit sa ibang bansa para makasama ulit ang pamilya niya... Pero si Ria naman, magaling din na player at hindi din siya kayang i-give up ng team. So starting next week, magttrain na ulit tayo kasama si Ria." bumaling naman ang attention sakin ni Coach. "Ri, kailangan mong pumunta sa office bukas to sign your contract.."

Ri: "Okay Coach.."

Wow. So magiging permanent na pala ang pagstay ko dito.

Coach Ramil: "Sige na.. Bumalik na kayo dun. Enjoy the rest of the night girls."

"Thanks Coach."

Bumalik na kami sa table namin. Tinabihan ako ni Mika at makulit na nakipag kwentuhan sakin. Si Ara naman dun naupo sa tabi ni Cienne at nagbubulungan lang. Kung sila talaga, bat di sila nagtabi? Sa pagkakaalala ko, masyado silang clingy at halos di na mapaghiwalay until the recent months before they broke up kaya palagi na kaming nagkakasama ni Mika at nag oopen up na siya sakin na nasasakal na daw siya. Baka nga hindi naman talaga sila nagkabalikan? Narinig ko din kasi dati na may girlfriend naman daw si Ara. I have to know. Hinarap ko si Mika. Natahimik naman siya bigla... This is now or never.

"Kayo na ba ulit ni Ara?"

Oooppss. Napalakas ang boses ko at nagkatinginan silang lahat sa amin. Hindi agad nakasagot si Mika. Nagkatinginan sila ni Ara saglit saka siya humarap sa akin ulit. Nakita ko sa mga mata ni Ara na naghihintay din siya ng isasagot ni Mika. Natahimik silang lahat. Yumuko si Mika bago ako hinarap ulit at sinagot.

"Hindi, Ri."

Continue Reading

You'll Also Like

80.1K 3.3K 100
you'll never have to ask for more when you always have someone to lean on, but being with them all your life, what could be more? jisoo x taehyung ♤...
2.1K 638 35
"One day, you'll see a star shining in the sky, and it's me watching you from a far." Stella Emery Bautista was admitted on the hospital since she fo...
108K 3.4K 82
shortstories || a collection of pieces in random categories
722 66 39
hiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na n...