The Wife And The Mistress

By iamsograce

190K 2.4K 181

Love is one of the best thing that can happen to your life. But what if one day, it will only destroys your l... More

Chapter 1 -- The Rose
Chapter 2 -- Moving Closer
Chapter 3 -- Falling from Cloud Nine
Chapter 4 -- Escaping The Past
Chapter 6 -- Photographs
Chapter 7 -- Dangerously In Love
Chapter 8 -- Secret Valentine
Chapter 9 -- The Great Escape
Chapter 10 -- Instinct
Chapter 11 -- Hurt Me With A Lie
Chapter 12 -- Hide And Seek
Chapter 13 -- Saving A Broken Heart
Chapter 14 -- Unveiling The Truth
Chapter 15 -- End Of The Road
Chapter 16 -- Wife's Distress
Chapter 17 -- The Hostile
Chapter 18 -- Perks of being a Martyr
Chapter 19 -- Heavily Broken
Chapter 20 -- Suicide Love
Chapter 21 -- Lost Star
Chapter 22 -- Crossing The Finish Line
Chapter 23 -- The Fall of the Quean
Chapter 24 -- Close to the End
Epilogue

Chapter 5 -- Dissemble

6.5K 93 0
By iamsograce


"Good afternoon po, Ma'am." Salubong na bati ni Nikki sa kanyang boss na si Natalie pagpasok nito sa shop. "May nakuha na po akong bagong empleyado para sa naiwang trabaho nina Arthur."


"Ah, good. Where is he? Did you tell him to start right away?"




"Nasa loob po siya ng office niyo, kasama si Sir Martee. Actually, po si Sir Martee ang nag rekomenda sa kanya." Paliwanag ni Nikki.



Pumasok agad sa loob ng kanyang office itong si Natalie. Nakita niyang may kausap si Martee and to her surprise, si Ervic itong kasama niya.




"Natalie." Bati ni Martee.



Lumapit si Natalie sa kanyang table. Gusto niyang tanungin si Martee kung bakit kasama niya si Ervic pero hindi niya magawa dahil nasa loob pa rin si Ervic.



"Martee, can we talk for a while? Only the two of us." Tsaka niya tinignan si Ervic.




"Uhm.. ah.. si-sige lalabas muna ako." Lumakad palayo sa office si Ervic.



Paglabas ni Ervic sa loob tsaka sinabi ni Martee na siya ang nag rekomenda kay Ervic na mag trabaho sa shop nito.




"You hired him without even telling me?" Inis na tanong ni Natalie.




"Now, I'm telling you."



"This is my shop, not yours."


"I know. But I assure you, magaling si Kuya Ervic when it comes to computer. He's an It Graduate."



"An IT Graduate? Eh diba taga deliver lang siya ng bulaklak at isang waiter sa New York?"



"Yeah. But how did you know about that?" Takang tanong ni Martee. Dahil alam niya hindi niya 'yon nabanggit kay Natalie.


Nag iwas ng tingin si Natalie, hindi alam ang isasagot. "Uhm.. ah.. ano... uhm.. si-sinabi sakin ni Ate Carlyn." Pagkakaila ni Natalie.


"I see. You know how hard to find a work abroad that suits your skills. Kaya kahit malayo sa pinag aralan ni Kuya Ervic, tinanggap pa rin niya ang trabaho sa New York."



Hindi sumagot si Natalie. Nag iwas lang siya ng tingin kay MArtee.




"Come on, Natalie, tulong mo na rin 'to kay Ate, pati na rin kay Nicko. At isa pa, dumaan din naman siya kay Nikki at pumasa siya dito."



Napaisip si Natalie, kung tatanggapin niya ba talaga si Ervic sa trabaho. Kung tatanggapin niya ito edi araw-araw makikita at makakasama niya 'to and there's no way she can't escape him. Pero kung talagang wala na siyang nararamdaman para kay Ervic, tatanggapin niya ito at wala lang sa kanya kung makakasama niya ulit ito. Pero sabi naman ng puso niya baka hindi niya ulit mapigilan ang dating nararamdaman para dito.




"Martee bakit hindi mo sinabing si Natalie pala ang may-ari ng shop nato?" Tanong ni Ervic nang lumabas ng office ni Natalie si Martee.


"I was about to tell you nang dumating siya. Pero anyway, magsisimula kana daw ngayon sa trabaho."



"Mukhang ayaw niya sa'kin. Kung kaya maghanap na lang ako ng ibang trabaho?" Tanong ni Ervic.



"Mahihirapan ka ulit kung maghahanap kapa ng ibang trabaho. Don't worry, kuya, mabait si Natalie. Minsan masungit nga lang, but she's definitely the best, trust me." He smile.



Nakaharap sa computer niya si Natalie pero wala do'n ang focus niya. May iba siyang iniisip.



"Of course, okay lang sakin na dito siya mag trabaho. I am so over him. Sooooooooo over him. She keep on telling that to her self." Nang biglang pumasok sa loob si Ervic.





"Uhm.. Gusto ko lang----"


Tumayo si Natalie. "Why are you here? Haven't Nikki told you the rules and regulations of my shop?" Inis na tanong niya.



"Uhm.. Natalie kasi---"



"Rule number one, all employees working under my supervision should respect me, either verbal or non-verbal. Rule number two, don't you ever enter my office unless you have something important to tell me. And if you're gonna enter, just make sure will knock." Mataray na sabi nito.



Napayuko tuloy si Ervic sa mga tinuran ni Natalie. Tila hindi na kayang harapin pa ang naiinis na amo. Nang may kumatok sa pintuan at iniluwa nito si Nikki.



"Ma'am, nasa labas na po si Miss Gueco." Anang Nikki.



"And Nikki will tell you the rest of the rules and regulations of my shop." 'Ni hindi siya ngumingiti sa harapan ni Ervic, tsaka na siya lumabas sa loob ng office.



Hindi masyadong makapag concentrate si Natalie sa kanyang trabaho dahil alam niyang nasa paligid lang si Ervic. Pakiramdam niya bawat kilos niya tinitignan siya ni Ervic, kaya minsan hindi maiwasang sulyapan niya din ito.



Pagkatapos ng isang araw na pag ta-tabaho, nais ni Ervic na magpahinga na at humiga sa kanilang kama. Pagdating niya sa kanilang kwarto nakita niyang naka empake ang mga gamit nilang mag-asawa, nagtaka tuloy siya. Kaya hinanap niya sa loob ng bahay ang asawa. Nang makita niya ito sa may kusina.


"Carlyn." Tawag niya dito.



"O hon, nandiyan kana pala." Bumeso siya kay Ervic.



"Bakit naka empake ang mga gamit natin?" Takang tanong ni Ervic.




"Lilipat na tayo sa Manila bukas, sa bahay ni Martee." Napatitig tuloy ng husto sa kanya ang asawa, tila ayaw sa mga narinig. "Tutal may trabaho kana rin sa Manila, gastos pa kasi kung araw-araw uuwi ka dito sa Cavite. Kaya lilipat na lang tayo, para maka tipid na rin." Paliwanag ni Carlyn.



"Bakit ka nag de-desisyon ng hindi nagsasabi sakin?" Inis na tanong ni Ervic. "Kung lilipat man tayo hindi sa bahay ni Martee, nakakahiya na sa kanya."



"Ervic, ano kaba? Okay na rin yun nang maka tipid naman tayo. Para rin naman kay Nicko 'to. At isa pa, si Martee na rin mismo ang nag prisinta na dun muna tayo."



"Kahit na, nakakahiya pa rin sa kanya. Nanatili na'ko sa bahay niya nung nagahahanap ako ng trabaho kaya sobra-sobra na kung lahat tayo titira pa don."



"Kapatid ko si Ervic, kaya alam kong nagmamalasakit lang siya sa'tin. Atsaka wala akong nakikitang masama do'n."




"Tama ka, kapatid mo nga siya pero ako ang asawa mo. Kaya kung nahihirapan man tayo ako ang maghahanap ng paraan para ma solusyonan yun at hindi ang ibang tao." Anang Ervic.



"Hindi ibang tao ang kapatid ko. Pwede ba, lunukin mo muna yang pride mo kahit ngayon lang? Maging praktikal ka naman. 'Ni hindi pa nga tayo nakakabayad ng renta ng bahay, ang dami pang gastusin dito lalo na ngayon at lumalaki na si Nicko." Inis na sabi niya sa kanyang asawa.




"Kaya nga ako nag ta-trabaho para ma suportahan kayo. Ginagawa ko lahat para hindi kayo pabayaan at mahirapan."



"Eh ang problema nahihirapan na kami. Kaya kung ayaw mong lumipat, bahala ka. Maiwan ka mag-isa dito, pero kami ni Nicko aalis." Yun lang ang kanyang sinabi at tinalikuran na niya si Ervic at umalis.



Naiwang nanlulumo si Ervic. Yun ang isa sa mga ayaw niya sa asawa, ang nag dedesisyon na lang ng basta-basta nang hindi nagsasabi sa kanya. Agad pang humihingi ng tulong si Carlyn kay Martee kaya pakiramdam tuloy ni Ervic wala siyang silbi sa kanyang mag-ina. Kaya minsan o madalas nag aaway silang mag-asawa dahil do'n.



Matagal nang ulila ang magkapatid na Martee at Carlyn. Namatay ang mga magulang nila sa isang car accident kaya kinailangang tumigil ni Carlyn sa pag-aaral para mag trabaho at suportahan ang kapatid na noon ay high school pa lamang. Nagsumikap si Carlyn para lang matustusan ang pag-aaral ni Martee at nagawa naman niya ito. Nakatapos ng college si Martee at nakapag trabaho na din. Saka pa lamang nag asawa si Carlyn sa high school classmate niyang si Ervic. Sa kasamaang palad, hindi gano'n kaganda ang kanilang pamumuhay at nakakaranas sila ng paghihirap minsan.



Utang ni Martee sa kanyang Ate Carlyn kung ano man ang narating niya ngayon. Kaya lagi niya itong tinutulungan sa abot ng kanyang makakaya.



Imbes na nag papahinga na ngayon si Ervic sa kanilang kwarto ay heto siya at nasa labas ng kanilang bahay, nakatambay. Nagtatampo pa rin kasi sa kanya ang asawa. Kaya minsan sumasagi sa isip niya kung tama nga ba talagang pinakasalan niya si Carlyn.



Mula nang umuwi siya ng Pilipinas, hindi pa sila lumalabas na pamilya. Pero nung nasa NYC siya lagi silang namamasyal ni Natalie kung saan-saan. Naalala niya tuloy ang mga masasayang panahon na kasama niya noon si Natalie, pero hindi na mangyayari ulit yun ngayon dahil iba na ang sitwasyon.



Pinuntahan ni Martee si Ervic sa shop para sana kumbinsihin na do'n muna sila tumira na pamilya. Nakapag sumbong na kasi agad si Carlyn sa kanya na ayaw ni Ervic.




Nung una ayaw talagang pumayag ni Ervic, pero kalaunan napa oo din siya, pero sa isang kundisyon, sa unang sweldo ni Ervic lilipat agad sila ng tirahan para hindi nakakahiya kay Martee. At magbibigay din ng pera si Ervic para sa pagkain nilang pamilya. Hindi na naka tanggi pa do'n si Martee kaya pumayag na rin siya.





Kaya kinagabihan pagdating ng Pamilya ni Ervic sa unit ni Martee, naghihintay na ang magkasintahang Natalie at Martee para sa welcome party ng mga ito. May dalang cake si Natalie at wine naman ang dala ni Ervic.


"Welcome, Kuya Ervic, Ate Carlyn at sa cute kong pamangkin na si Nicko." Paunang bati ni Martee.




"Welcome." Bati din ni Natalie. Umiwas siya ng tingin kay Ervic. Hangga't maaari ayaw niya itong tignan.



"Salamat sa inyo. Talagang naghanda pa kayo para dito." Sabi ni Carlyn.



"Yehey! May cake." Sabi ng natutuwang si Nicko. Tsaka siya nag tatatalon sa tuwa.




Ilang sandali pa at nag salo-salo na sila sa hapunan. Nasa dining table na silang lahat. Si Nicko sarap na sarap sa cake na kinakain niya. May icing na nga siya sa mukha pero hindi niya 'yon alintana.




"Mama, bakit wala pang baby sina Tito Martee at Tita Natalie?" Biglaang tanong ni Nicko.


"Nicko." Suway dito ni Ervic.


"Nicko, kapag nagpakasal na kami ng Tita Natalie mo mag kaka baby din kami." Sabi naman ni Martee sa bata.




"Kailan po kayo magpapakasal? Kasi gusto ko na ng kalaro eh." Tanong ng batang si Nicko.



"Oo nga, kailan nga ba kayo magpapakasal na dalawa?" Sang ayon na tanong ni Carlyn.



"Ate, matagal pa 'yon. Madami pa'kong gustong gawin." Sagot ni Natalie.


"Huwag kang mag alala, Ate Carlyn, malapit nakong mag propose sa kanya. Kung kailan, surprise na lang." Tsaka niya kinindatan si Natalie. Napapangiti lang tuloy itong girlfriend niya.



"Ang korny mo talaga kahit kailan. May pa kindat-kindat ka pang nalalaman diyan." Biro ni Natalie sa boyfriend.


"Huwag kang mag alala, ikaw lang ang kikindatan ko ng ganito." Biro ding sabi ni Martee. Natatawa na lang tuloy si Natalie.


"Hon o, tignan mo sila, ang sweet." May pagka inggit sa tono ni Carlyn nung sinabi niya yun kay Ervic.


'Ni ayaw namang tignan ni Ervic ang dalawang magkasintahan. Hindi niya alam kung bakit pero parang may kurot sa puso niya habang nakikitang sweet ang dalawa sa isa't isa.



Nang makatulog si Nicko, dun na nila ininom ang wine na dala ni Martee. Nasa sala sila with matching music on the stereo pa. Sweet music rather.



Napatingin si Natalie sa wrist watch niya. "Uhm.. it's getting late, I guess I need to go."


"Dito kana kaya matulog? Tabi tayo sa kwarto." Yaya ni Carlyn kay Natalie.



"I agree. That's a good idea." Sang ayon naman ni Martee. "I'll call your Dad, para makapag paalam na rin."



Wala na tuloy nagawa si Natalie kaya umoo na lang siya kahit na may part sa kanya na ayaw niya dahil alam niyang nando'n si Ervic. At sa isang bahay ulit sila matutulog.

"Looks like the music wants me to dance with you. May I?" Anyaya ni Martee kay Natalie. Inilahad pa niya ang kanyang kamay sa harapan nito na agad namang inabot ng dalaga.



Gumaya din sina Carlyn at Ervic sa dalawa. Actually si Carlyn ang nagyaya kay Ervic. The couples are dancing so sweet together.


Now Playing: Runaway by The Corrs

And I would run away

I would run away, yeah, yeah

I would run away

I would run away with you

'Cause I am falling in love with you

No never, I'm never gonna stop

Falling in love with you



"You are really so gorgeous, Miss Natalie Ortega." Bulong ni Martee sa girlfriend.





"You look very handsome though." Ganting sabi naman ni Natalie.


Nag ngitian lang ang dalawang magkasintahan habang malambing na nagsasayaw. Nang makalapit sa kanila ang dalawang mag-asawa.



"Natalie, pwede ko bang isayaw sandali ang kapatid ko?" Tanong ni Carlyn.


Ngumiti naman si Natalie at tumango.


"Change partner muna tayo." Anang Carlyn.

Pagkarinig nun ni Natalie napanganga na lamang siya. Ano daw? Change partner? No way! I won't dance with him. Never! Protesta ng isip ni Natalie.




Nagsayaw nga ang magkapatid. Habang sina Natalie at Ervic ay nakatayo lamang habang pinagmamasdan ang dalawa.



"Honey, isayaw mo muna si Natalie. Sige na. Uhm.. Natalie huwag kang mahiya sa asawa ko." Sabi ni Carlyn.



Mahihiya? At bakit naman ako mahihiya sa kanya? FYI siya nga dapat ang mahiya sakin sa mga pinag gagawa niya dati. Hay. Protesta ulit ng isip ni Natalie. Nagulat na lang siya nang inilahad ni Ervic ang kamay niya sa harapan nito. Oh no! This jerk wants me to dance with him. Tinignan lang 'yon ni Natalie, then sina Carlyn at Martee naman ang tinignan niya, at parehong sinasabi ng mga ito na abutin niya ang kamay ni Ervic.



Tinignan ni Natalie si Ervic. Nag dadalawang isip pa rin siya kung makikipag sayaw siya dito. Bumuntong hininga siya then she found herself dancing with Ervic.


Tulad ng inaasahan bumilis na naman ang tibok ng puso ni Natalie. Umiiwas siya sa mga tingin ng kaharap. Kung ice cream lang siya kanina pa siya natunaw sa kakatitig sa kanya ni Ervic. Awkward.


Ilang oras pa ang lumipas nang magpasya silang magpahinga na at naging nakakapagod na gabi 'yon para sa kanilang apat. Hindi makatulog si Natalie kaya nagtungo siya sa kusina para kumuha ng tubig sa ref at ilang minuto din siyang nanatili sa dining table. Nakatulala lang siya habang malalim ang iniisip.


Kung talagang wala na akong nararamdaman para kay Ervic, hindi ba dapat masaya ako para sa kanya? Dapat hindi na'ko galit. Na okay na ang lahat sa'min. Dahil bahagi na lang sya ng nakaraan ko. Pero bakit ganon? Parang may kirot pa rin sa puso ko sa tuwing nakikita ko siya?



Naputol lang ang kanyang pag-iisip nang dumating si Ervic. Ilang Segundo siyang napatingin dito, then umiwas na siya ng tingin. Kumuha lang din ng tubig sa ref si Ervic. Nang hindi siya makatiis at binasag na niya ang katahimikan.


"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong ni Ervic.



Tumango lamang si Natalie tsaka na niya ininom ang tubig sa baso.


"Pareho tayo." Anang Ervic.


Hindi sumagot si Natalie kaya namayani na naman ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nang akmang aalis na si Natalie tsaka nagsalita si Ervic.


"Hanggang ngayon galit ka pa rin sa'kin."


Napatigil tuloy sa paghakbang si Natalie.



"Kung talagang nakalimutan mo na ang nakaraan hindi ba dapat hindi kana rin galit sakin?"


"Nung umalis ako sa New York akala ko makakalimutan ko na lahat, na hindi na kita makikita ulit. Pero heto ka ngayon nagpakita ulit." Paliwanag ni Natalie.


"Kung gusto mo, aalis na lang ako sa trabaho." Suhestyon ni Ervic.



"Bakit sa tingin mo kapag umalis ka hindi na ulit kita makikita? Asawa ka ng kapatid ng boyfriend ko. Kaya sa ayaw at sa gusto natin makikita at makikita din kita lagi."



"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ni Ervic pero hindi sumagot si Natalie. "Hindi ba pwedeng magkasundo na tayo? Para na rin kina Carlyn at Martee para hindi sila makahalata. Wala tayong babanggitin sa kanila na nagkakilala na tayo."



Sandaling napa isip si Natalie. Kung sa bagay may tama naman si Ervic. Dahil kung patuloy siyang magagalit kay Ervic ay baka makahalata ang dalawang magkapatid kung ano nga ba talaga ang meron sa kanila.


"Ikaw na rin ang nagsabi may kanya-kanya na tayong buhay. May asawa na'ko at may boyfriend kana, kaya wala na ring saysay kung babalikan pa natin ang nakaraan." Pagpapatuloy ni Ervic. "At isa pa, wala kana din namang nararamdaman para sa'kin, diba?"




"Tama ka, wala na'kong nararamdaman para sa'yo. There's no use in turning back." She smile. "Si Martee, siya ang boyfriend ko, siya ang mahal ko. You were just a part of my history and I've already moved on. Yeah, I moved on. May be.."



Hindi na lang nagsalita si Ervic. Hindi niya malaman kung matutuwa ba siya sa mga sinabi ni Natalie o maiinis. Matutuwa dahil mukhang magkaka ayos na nga sila, o maiinis sa narinig sa katotohanang nakaraan na lamang siya at si Martee ang future nito at siya ang mahal nito.


Paalis na sana si Natalie pero muli niyang binalingan si Ervic. "Goodnight."


Ngumiti si Ervic. "Good night." Ganting sabi nito, tsaka na siya iniwan do'n ni Natalie.

Continue Reading

You'll Also Like

96.2K 1.2K 22
Kayleigh De Vera is used to getting whatever and whomever she wants. The premier naughty girl in town, she's a play girl who's bedded half the city...
1M 6.6K 55
Hindi ito purong Spg.. Spg na may nakapaloob na kwento.. For openminded only 18 up... Date started: June 2017 Date ending: Nov 2019
300K 3.5K 55
It contains scene and language not suitable for young readers.
515K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...