Ang Diary ng tunay na gwapo

By JhericLundang

1K 35 5

Isang diary ng isang lalake na nagsasabi kung ano ano ang mayroon sa isang tunay na gwapo. Isa kaba sa mga ti... More

Kabanata 2 - Ang tunay na gwapo mapagmahal
Kabanata tatlo at apat- Imahinasyon at ang salamin.
Kabanata lima - Survive
Kabanata anim - Pangarap
Kabanata pito - Isang matibay na bato
Kabanata walo - I've got sunshine on a cloudy day
Kabanata siyam (Special episode dreams)

Ang Diary ng tunay na gwapo

514 8 4
By JhericLundang

Ang diary ng tunay gwapo

 

 

 

          Paano nga ba malalaman na isa kang tunay na gwapo?

 

 

Una! 

 Tumingin ka sa salamin at sa ngiti mo palang makikita na kung gwapo ka o hindi. Makinis ang mukha, walang pimples at kung meron man di hadlang ito upang masira ang kagwapuhan mo. Kahit ano pa ang hubog ng mukha mo basta may tiwala ka sa sarili mong gwapo ka. GWAPO KA!

 

Pangalawa!

 Sa mga kilos mo palang na pang suave makikita na kung tunay kang gwapo o hindi eh.

 

For example:

         karamihan sa ibang gwapo gentleman.

           Siksikan sa jeep may pasakay na babae tas umalis ka sa iyong kina-uupuan at siya ang pina-upo mo. Di ka lang basta basta gwapo kundi isa kang dakilang gwapo brad :D

        Ang ibang gwapo naman magaling sa da moves.

          Pumunta ka sa mall upang mamili ng iyong bagong damit dahil marami kang pera eh. Sabay sa isang bilihan ng damit meron kang nakitang babaeng empleyado dun na sa pag tingin mo sa kanya eh type mo na. Kaya ayon nilapitan mo sabay bago ka bumili ng damit na binebenta nya kinausap mo muna. Kunware magtatanong muna yan about sa mga produkto na binebenta mo tas biglang segway nyan about sayo at ang huling gagawin nya dyan. Bibilhin nya ung damit sabay kukunin nya ung number kapag successfull then you are certified handsome! I

 

Pangatlo,

   Ang tunay na gwapo tahimik at pachill chill lang pero marami na kagad ang nagkakagusto sa kanya, simpleng galaw lang inaabangan na ng mga babae yan lalo na sa mga kabataan, at pati ibang kasarian patay na patay na sayo kapag ubod kana ng gwapo. 

  Nakikita rin ang pag ka gwapo mo kapag magaling ka mag dala ng damit o porma mo kahit pasuotin kang pangit na damit cute parin sa iba.

 

 

At ang huli,

   Ang sukatan ng pagiging gwapo eh wala sa mukha kundi nasa puso :)

 

TAMAAA!!

 

SIR TAMAAA PO IYAN :D

 

Sir. Kim Charles: Oh sly mukhang agree ka nga sa lahat ng mga sinabi ko ah.

 

Sly: Oo naman po sir! Tamang tama ka po para sa akin po Ang sukatan ng pagiging gwapo eh wala sa mukha kundi nasa puso!

 

   Ako? Ako si Sly 4th year high school  at maraming nagtataka sa aking munting kagwapuhan minsan nga di ko na masagot ang mga tanong ng aking mga classmates eh "Sly? Bakit ba ang gwapo mo?" Lagi ko lang nasasagot sa kanila "I don't know eh but it's so hard to have this looks"

Ako'y labis na sumasaya sapagkat sa tuwing pumapasok ako sa aking paaralan inaabangan na ako ng aking mga kamag-aral lalong lao na ung mga babae sa campus namin na katabi lang ng room namin bago ako pumasok ng room titili muna yang mga yan sabay hagis ng confetti sa aking  mukha yung iba gusto pa ngang lapitan ako at yakapin pero ako'y nagmamadali na kagad pumasok ng room.

  Pag pasok ko sa room ngumingiti na sa kinauupuan ang aking guro nawa'y nabuo ang araw niya nung nakita ang napaka pogi kong mukha. Isa sa aking classmate na ultimo lalake pa nga gwapong gwapo sa akin ay kapag busy ang lahat at marami kaming ginagawa lalapit bigla sa akin yun sabay sasabihin nya pa autograph naman ako sa poging katulad mo wala naman akong magawa kundi gagawin ko yung gusto niya wala eh gwapo daw ako eh pagbigyan.

  Sa daming ginawa mag hapon aba'y nakalimutan ko ung ginagamit kong sports car pauwi tsk saba'y naalala ko nawa'y friday nga pala ngayon at hindi ko magamit ang aking sports car na binigay sa akin ng aking ina. Pwede ko lang daw itong gamitin tuwing sabado at linggo sapagkat marami akong maaakit sa aking sports car di lang basta gwapo diba :D

 

 Ako'y pagod na pagod sapagkat ako ang huling umuwi sa aming classroom, isa sa mga nagpresinta na maglinis  upang matuwa pa lalo sa akin ang aking guro. Sapagkat pinagbigyan ko ang today's cleaner dahil ako'y labis na nalunod sa kanilang papuri. Ibang iba talaga pag gwapo tas masipag pa neseyo ne eng lehet na!

  Ako'y pauwi na at papunta sa sakayan ng taxi subalit pag tingin ko sa aking bulsa aba'y wala ang aking wallet ang barya kong natatangi sa bulsa eh wala din sapagkat binigay ko ito sa mga batang nakasalubong ko sa kanto kanina at ang dami nila. Una napansin nila ang aking munting kagwapuhan na "Kuya ang gwapo mo po bakit di ka mag artista" At dun natouch ang puso kong sing gwapo ng itsura ko" Silay masiyahin subalit dumaan lang ako eh napasaya ko na sila at tawa sila ng tawa. Ako'y naawa sa isang bata dahil wala siyang makain kaya ang natatanging naiwang barya sa akin iyon ang binigay ko sa kanila at sabi ko ipang kain nila. 

 

Naglalakad ako ng napatingin ako sa aking gilid. GRABEE! ANG GWAPO NG AKING NAKITA MUKHANG MAY TUMALBOG SA MALA 1D KONG KAGWAPUHAN. Nung ngumiti ako napangiti rin siya sa akin OH SHOCKS! Nababading ako sa taong ito mas nabaliw pa ako nung ginagaya nya lahat ng kilos ko NAWAY MUNTIK KO NG MAKALIMUTAN ANG KASARIAN KO. TEKA! Meron akong napansin at umalis ako agad grabe salamin lang pala iba talaga kahit pagod na  sobrang gwapo ko parin ni sarili ko hindi ko mapigilan mainlove sa itsura ko sa sobrang gwapo.

 

Pag-uwi sa aking bahay dali dali akong nag mano sa aking ina (ang tunay na gwapo magalang sa magulang) ganyan ako sa aking ina. Day-off ng aming katulong kaya't ako ang maglilinis ng bahay ngayon. Ang hirap man linisin ng aming napakalaking bahay eto'y aking gagawin parin para sa aking ina. Maraming nagtatanong nasan kaya ang aking ama eto'y... nakakalungkot mang isipin pero ang aking ama ay.... sumakabilang.... hayyy nakooo sumakabilang bahay na -_- at meron na syang bagong pamilya hindi ko man maranasan ang pagmamahal ng aking ama sa piling palang ng aking ina masasabi kong ang pagmamahal nya sa akin ay kompleto na. 

 

After ko maglinis ng aming bahay ako'y dumaan sa kwarto ng aking kapatid na panganay.

 

"kuya! napapansin ko ata para bang namomroblema ka" (subalit ayaw ko man sabihin pero mas pogi ako kaysa kay kuya) hindi niya ako sinagot sa aking katanungan at bigla na lamang siya humiga at nagtalukbong ng kumot. Iniisip ko anong problema kaya ang meron siya siguro sa gusto nyang babae sa school namin tsk grabe naman kasi kuya alam mo namang pogi ang kapatid mo tas ung crush mo taga dun pa sa school ko kapag nakita ako nun alam na thisssss! Tsk! Pero parang iba eh. Siguro sa pag aaral naman ito si kuya 3rd year college na bachelor of science in civil engr' ang course nya. Baka naman bumagsak sya sa isang grade nya o kaya'y mababa lang ang quiz niya di ko maintindihan pero itong kuya ko sobrang talino din nito eh lalo na sa math hayyy grabe ganun na ba ung mga matatalino makakuha lang ng mababa sa exam eh halos madissapoint na. Samantalang ung mga tropa ko sa high school nakakuha na nga ng mababa na grade sa exam aba'y nagtatawanan pa. Laging sinasabi sakin nito ni kuya na sobrang halaga daw ng education subalit eto ang susi upang umahon sa kahirapan. Kami'y mayaman na at ang aking kagwapuhan ang susi sa mala napoles na yaman! hahaha joke.

 

Teka curious talaga ako eh kaya titignan ko kung ano ang naging sanhi ng pagiging malungkot ng aking nakakatandang utol. Ayaw ko talagang isipin baka nagtatampo lang din sya "bakit kaya ang gwapo ng aking nakababatang kapatid kaysa sa akin" hayyy sana wag ganun lahat tayo ginawa ng DIyos na gwapo ewan ko lang sa Diyos bakit sa akin sumobra tsk.


Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
151K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
292K 20.6K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
11.9K 151 22
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...