Loving A Stranger

By xianrandal

1.1M 25.1K 919

"Where am I taking you?" Dylan asked Sandy who is drunk. "Shama ako sayo honey." He needs to be patient. "Add... More

I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
simple ending :)

25

28.5K 674 38
By xianrandal

25

Gusto ko na itong matapos, di ko naman alam paano..hehehe…sabi nung isang reader, wag ko raw madaliin ang ending, e paano naman ateng, nabobored ako pag masyado ng mahaba ang story, although this one is kinda short pa lang, anyways, comment lang, libre naman, bonus na pag may votes…

Thanks sa mga nagbabasa nito ha, akalain mo, may nagbabasa…

*****

Kung kaba lang, kinakabahan siya. Kung pawis lang, kahit aircon pa ang sasakyan ni Alwin, pinagpapawisan pa rin siya. Yan yung eksaktong nararamdaman ni Sandy ngayon, paano ba naman, papunta na sila ng mansion ng mga mOntes, and she is damned nervous because Dylan and her might meet again.

Di niya alam ang sasabihin at magiging reaksiyon kapag nagkita sila ulit. Hindi nga ba, bumalik na itong muli?

Nakikita na niya ang mansiyon, at alam niyang naghihintay na si Kaira sa kanya kasama ng mga magulang nito. Ngayon niya narealized, namimissed na nga talaga niya ang bestfriend, ang kaisa-isang itinuturing niyang pamilya sa ngayon.

Nagtitili ito ng makita siya, karga nito ang kanyang baby. Oo, may anak na ito, at siya, ewan, di niya alam kung maiinggit ba siya sa kaibigan o hindi. Mukhang ang saya-saya kasi nito. 

“Bestie, I missed you!” Halos maiyak na ito. Actually, siya yung naiyak. Di niya kasi alam bakit bigla siyang naging emotional, actually, simula ng nagkahiwalay sila ni Dylan, naging emosyunal na siya.

“Missed you too Bestie, ang guwapo naman ng baby mo!”

“mana sa mommy no!” Niyakap rin siya ng Mama at Papa ni Kaira. Sandy felt she is again reunited, she’s home. Parang ang sarap ng pakiramdam.

“Iha, halos dalwang taon ka ring nawala, nagtatampo na kami sa iyo, di mo man lang kami dinalaw.”

“Ako nga rin Tita, nagtatampo rin, ni hindi kami sinipot nung kasal naming ni Venice.”  Nakaakbay na si Alwin sa asawa nito na noon ay nakangiti sa kanya at agad na nagbeso. Mabait pa rin talaga ang Diyos, kahit papano, may mga taong ganito sa paligid niya, despite of what had happened.

Bigla parang naconscious siya. Para bang may mga pares ng mga mata na nakatingin sa kanya. Bigla siyang tumingin sa kanan, and there you go, isang pares ng mga mata, isang bagong mukha, kamag-anak ba nila?

Bakit bigla siyang kinabahan sa mga titig nito.

Sa mga matang yun na parang sobrang pamilyar.

Matanggkad, katulad ni ….napabuntung-hininga siya. Wag maging bitter Sandy, paalala niya sa sarili. Ilang beses niya itong sinabi papunta pa lang ng mansion.

May kapayatan ang lalaki, medyo mahaba na ang buhok nito, mukhang tinatamad ring mag-ahit man lang ng bigote, may hawak na saklay, at tila kailangan niya ito sa buong buhay niya dahil sa halatang napaka higpit ng pagkakahawak.

Matiim na nakatingin sa kanya, in fact, di niya kayang salubungin ang mga tingin nito, nanunuot sa kalamnan mo. Hindi nakangiti, para bang pinagmamasdan lang ang maging reaksiyon niya. At isa pa, parang may pilat ito sa mukha at bandang leeg na pilit itinatago ng kanyang scarf na gamit.

Napansin yata ng lahat ang tila kakaiba nilang tinginan. Si Kaira ang unang nagsalita.

“Ah, bestie, siyangapala si ….

“I’m …I’m Howard. Pinsan ni Kaira.” Pakilala nito sa sarili, pagkatapos ay naglakad papunta sa kanila, still with those crutches.

Mas lalo yatang natahimik ang lahat. Bakit parang ang lakas ng kabog ng dibdib niya, bakit tila naririnig na niya ang tibok ng puso niya lalong –lalo na nung iabot nito ang kanang kamay niya.

“Hi, I’m Sandy, nice meeting you, Ho-howard.” Tila nauutal pang sabi ni Sandy, nung nag-abot ang mga palad nila, libu-libong koryente yata ang dumaloy sa katawan niya, kaya tila napapaso na binawi niya ang kamay.

“Kumusta ka?” Wala pa ring kangiti-ngiti at kaemosyon-emosyon na tanong nito.

“Mabuti naman.”

“mabuti naman?” Ulit nito sa sagot niya. Pagkatapos ay muli siya nitong tinitigan. Alam ba ng taong ito na it’s rude to stare to someone, especially if kakakilala nyo pa lang?

“ok!” Bilang umeksena si Bestie Kaira niya, mabuti naman dahil naninikip na yata ang mundo niya. “Kailangan na nating kumain, sa hapag na natin ipagpatuloy ang kuwentuhan!” Sabi pa nito.

“Best, di ba pwdeng I extend ang leave mo?”

“Di pwde eh, dapat nga sana ngayon lang ang absent ko sa school, pero dahil hindi kita matiis, kailangan kong umabsent hanggang bukas.”

“Ikaw na Best ang ulirang guro, ikaw na ang my teacher, my hero.”

“Bakit naman kasi sa Nabunturan mo pa naisipang mag turo Sandy? PWde ka naman dito, matutulungan ka naming.” Si Alwin.

“Sang ayon ako diyan Iha.” Ang Mama ni Kaira.

“masaya naman po sa lugar ko ngayon Tita, saka mas kailangan ng mga bata ng mga guro dun, in fact, kulang pa po kami.”

“Bestie, ang sabihin mo, may bago ka ng boyfriend dun.” Sabay sulyap nit okay Howard na wala namang pakialam sa paligid, tahimik lang na kumakain.

“Wala akong boyfriend.” Tila nahihiya pang amin ni Sandy.

Di pa rin tumigil si Kaira. Di man lang pinansin ang paglilikot ng anak niya.

“Ang sabihin mo may napupusuan ka ng manliligaw dun? Sige nga Bestie, alangan namang sasabihin mo na walang nagliligaw sayo run? Alangan namang mga bulag ang mga kalalakihan sa Nabunturan.” Tukso nito.

“Oo nga Sandy, may nanliligaw ba sayo ngayon?” Isa pa tong si Alwin.

“Meron naman.”

Slow motion yata ang tingin niya sa biglang pag angat ng tingin ni Howard.

“Siguro Bestie, isa siyang hasyendero dun ano? Malapad ang taniman niya ng saging at durian.” Humagikhik pa ang kaibigan.

“Sira!”

“Sagutin mo na kasi Bestie, alam mo, kailangan mo ng magka nobyo ulit, unless na lang may iba pang balak manligaw sayo di ba? Kung wala naman, e di sagutin mo na, at ng magpakasal ka na, tapos magkaanak, tapos…”

“Excuse me.” Biglang singit ni Howard. “mauuna na akong magpahinga, may gagawwin pa kasi ako bukas.” Paalam nito.

“O, san ka pupunta insan? Nagsisimula pa lang naman ang kuwentuhan natin ah. Ayaw mo bang makilala ng lubusan si Sandy? Malay mo, magkakasundo kayo….ulit…”

Biglang tumingin si Sandy kay Alwin, anong ulit ang pinagsasabi nito? Nakita niyang pinandilatan ito ng asawang si Venice. Mukhang nang-aalaska na naman yata.

“It’s ok Howard, go ahead. Nice meeting you.” Ngumiti si Sandy. Umiwas naman ng tingin si Howard.

“Pasensiya na, pero sumama rin kasi ang pakiramdam ko.”  Bakit ba parang pamilyar rin ang boses nito, although parang biglang may nagbago. Di niya maipaliwanag. Parang…imposible.

Masayang kuwentuhan ang nangyari, kahit papano ay nasiyahan at di rin nagsisi si Sandy na dumalaw sa kaibigan. Ang nangyari, instead na mag stay siya sa motel or sa isang inn ay sa mansion siya natulog.

****

Kinabukasan ay maagang umalis si Sandy, malayo kasi ang Nabunturan from Davao City, at gusto niyang makabalik ng maaga kahit papano, gusto niya pa kasing makapag pahinga. At ang nagvolunteer na maghatid ay Alwin at sumama ang pinsan nitong si Howard. Di niya alam pero makahulugang mga ngiti ang naiwan sa mga labi ni Venice, Alwin at Kaira.

--------Ok, comment naman-----heheehhehe----

Xian

Continue Reading

You'll Also Like

39.3K 834 25
Aleister Bryce Quintos, matalino, mabait, gentleman, mapagmahal, gwapo, macho at perpekto. Sa t'wing mababanggit ang pangalan ni Aleister ay 'yon na...
694K 3.4K 7
2016-2017 version Former Title: The Bet This story is completed on Dreame app with special chapters. You can search the title of the story or my drea...
7.2K 245 44
Somewhere hidden in the woods, there lies a path through a different world. A world that Daisy will enter no matter how dangerous it is. For her, the...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...