A Simple Kiss to Pay. [JaDine]

By MonnyMomon

37.7K 1.3K 80

COMPLETED. UNEDITED. Nadine Lustre, is just your ordinary working student. Having a sick mother was very pain... More

ASKTP [1] - First Kiss.
ASKTP [2] - Really?
ASKTP [3] - Let Me.
ASKTP [4] - Control.
ASKTP [6] - This Time.
ASKTP [7] - Para Sayo.
ASKTP [8] - Back for you.
ASKTP [9] - Tipsy.
ASKTP [10] - Jealous.
ASKTP [11] - Payag na ako.
ASKTP [12] - Come with me.
ASKTP [13] - Complicated.
ASKTP [14] - I love you.
ASKTP [15] - Talk.
ASKTP [16] - Label.
ASKTP [17] - Bayad.
ASKTP [18] - Again.
ASKTP [19] - Yours.
ASKTP [20] - The Kiss to Pay.

ASKTP [5] - My Girl.

1.9K 75 1
By MonnyMomon

Salamat po sa support. Sa readers nito, salamat po. Malapit nang mareach ang 100 reads haha! Enjoy po. XOXO.

IT'S been a week since that incident. It was awkward of course. Hindi ko nga magawang titigan sya sa mata eh. Hindi ako makasalita sa kanya nang hindi nauutal. Parang bigla na lang na may kung anong nagbago sa akin. May sakit na din ata ako sa puso, basta katabi ko si James. Titibok iyon ng mabilis. Kunwari hindi sinasadyang magtama ang tingin namin, titibok muli nang mabilis. Pag hindi sadyang nagtama ang balat namin, nagha-hyperventilate ang sistema ko.

Ilang beses ko nang inumpog ang ulo ko sa locker. Nababaliw na ako! Hindi nyo ba napapansin! I'm doing my stupid mistake again! Argh! Hindi maganda to! Hindi talaga! Ang pagkakamali hindi na dapat inuulit, nasaan ang lesson doon kung uulitin ko lang din? Masasaktan lang din naman ako pero itong puso ko tanga. Sumusubok nanaman!

"Nadine! Ano ka ba? Para kang ewan dyan. Iyong mukha mo problemado, inuuntog-untog mo pa ang ulo mo sa locker mo, mag-wa-walling ka na ba?" Agad kong matalim na tinignan si Izzy. "Peace, babe." Sabi nya bago nag-peace sign. Tumitig sa akin si Tom kaya umayos ako nang tayo.

"Napagtanto nya na kasi ang dapat noon nya pa nagpagtanto. Ayan umaarte ngayon, hindi nya matanggap na nararamdaman nya iyon kay James. Nakaw, Nadine. Kung may gusto ka din sa tao, umamin ka na. Kelan ka aamin? Pag huli na-" Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil tinakpan ko ang bibig nya bago matalim na tumitig sa mata nya. Magkalapit ang mukha namin kaya inumpog ko ang noo ko sa kanya. "Aray!" Tss.

"Manahimik ka! Gusto mo ilaglag kita sa taong gusto mo! Tss. Tumigil-tigil ka. Wala akong hindi matanggap noh! Ako? Magkakagusto kay James? Di oy! Ok nalang na wala akong magustuhan wag lang ang lalaking iyon." Umiwas ako nang tingin sa kanila. Hanep ang Tom na to. Masyadong maalam, ang daming napapagtanto. Napapansin nya kaya ang kinikilos ko. Aish!

"Kung hindi mo matanggap na nararamdaman mo iyon para sa kanya, ibaling mo sa iba. Maghanap ka nang mapagtutuonan mo nang pansin. Doon mo ibaling ang nararamdaman mo. Ayaw mo kay James diba? Maghanap ka nang iba. Simple lang iyan, Nadine eh. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo kakaisip sa mga pagbabago sa nararamdaman mo. Eventually, kung ibabaling mo sa iba. 50/50 chance na maibaling iyan." Tumitig ako kay Tom. Eto naanman tayo sa talking nyang may sense.

"Kung titig ko ang lahat. There will be 45% chance na maibaling mo sa iba iyan. Bakit? Well, syempre hahanapin mo ang nakita mo sa una sa pangalawa. Iyon ang magiging dahilan para mahirapan kang mag-move on." Nanahimik ako don. "There will be 55% chance na hindi mo maibaling sa iba. Bakit mas malaki ito? Simply because, there's no one that's ever the same. James will always be one. Ikaw, ako, si Izzy. Isa lang tayo. There's no other copy of us." Napatitig ako kay Izzy at Tom.

Tama sya, sobrang tama.

"Kaya kung gusto mo pang maagapan iyan? Collect and collect then select. Mamili ka sa lalaking nakikita mo sa paligid, saka ka pumili nang isa." Ngumiti si Tom sa akin. "Saving your heart from heartbreak will be easy for you, but if you fell already... Everything's too late. You won't be able to save yourself from drowning and drowning into the pitch black hole. Only you, yourself can save you from your misery." Tumunog ang bell, sakto sa pagtatapos ng linya nya.

"Tara na." Yaya ni Izzy bago kami hinila papasok sa classroom. Buong klase wala ako sa sarili. Ilang beses akong tinatapik ni Izzy para lang mabalik ako sa kanila. Break time noon hinila ako ni Izzy papuntang Canteen, kasama si Tom na nakasunod lang.

Nakaupo na kami noon ng ilibot ko ang paningin ko sa lahat ng tao. Una kong tinitigan si Tom. Tom is actually good looking. Matalino ito. Package na din sya pero off-limits dahil in love kay Izzy. Nilibot ko muli ang tingin ko sa lahat ng lalaki. Wala sya...

Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa macaroni ko nang magtama ang paningin namin ng lalaking titig na titig sa akin. Gwapo sya, maputi, pinkish ang labi, may hikaw sa kaliwang tenga, nagniningning iyon tuwing natatamaan ng liwanag. Nakangiti ito sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya kaya inabala ko nalang ang sarili sa pagkain. Food is more important though.

"Ano Nadine, may nakita ka ba?" Tanong ni Tom sa akin. Umiling ako sa kanya. Tss, parang ganoon kadaling maghanap ng iba. I'm still bothered by the stares of the guy. Isa lang naman talaga ang masasabi ko. He can't affect me with those stares, unlike James.

"Ikaw nga. Subukan mong ipagpalit ang gusto mo. Makakahanap ka ba agad?" Pabalik kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mata nya at agad na tumitig kay Izzy. "Hindi diba? Tss. Kung maka advice ka dyan akala mo kaya mong i-apply sayo. Hindi naman ah." Tinuloy ko nalang ang pagkain at napatingin ako sa buong canteen.

There I saw him! Staring at me! Lihim akong napangiti nang magsalubong ang tingin namin. Nagtitigan lang kami doon, not breaking anything. Just by looking at him from a far made my heart skip a beat. Can I really get over your effect?

Umiwas na ako nang tingin. I'm being the old stupid Nadine again. Falling for you dirty tricks and wicked lies. Hindi pa ata sapat ang ipinapakita mo para i-let go ko ang lahat. My heart would be broken, torn, ripped, shattered, and crushed because of heartbreak. Letting my guard down would mean giving you a chance to break my own.

"Nadine, mahirap magkagusto sa iba pagna-fall ka na sa una. Thing will be much difficult. Hahanap-hanapin mo sa iba ang nasa nauna. Masasaktan mo ang iba dahil ginagawa mong panakip-butas. You're not that heartless. You're caring and kind. Hindi mo hahawin ang alam mong makakasakit sa iba." Tumitig ako kay Izzy.

"Loving someone can hurt you physically and emotionally. That's a part of loving someone. Hindi pwedeng magmahal ka nang walang sinasaktan at walang nasasaktan." Pilit syang ngumiti. "It's not hard to fall in love with someone. Iba ang pinapakita sayo ni James kesa sa iba, pwede iyong rason kung bakit nagugustuhan mo narin sya. We are not against it. Actually we are helping you in deciding."

"Hindi ko sya gusto." Mataman kong sabi. Umiling silang dalawa.

"Indenial. Wag ka na mag-deny. We know you too well, you can't even lie. Hindi man ganoon kaganda ang nakaraan ni James, I know he can change. He's slowly changing actually. Hindi na sya ganoon kagrabe sa babae. Not with his girls, like the normal." Tumitig muli ako kay James. Titig na titig lang din ito sa akin.

"It's never too late for a change. Try giving a chance. Wala namang mawawala sa iyo kung pagbibigyan mo iyong tao. Umamin na sya sayo diba. It's still your decision. He wouldn't go far kung wala talaga syang gustong patunayan." Tumango tango si Tom sa pagsang-ayon sa kanya.

"Guys, what the eck. Seriously, bakit kayo ganito ngayon? May sinabi ba sa inyo si James para umakto kayo nang ganyan?" Umiling sila. "They why? We are in this right? We are halfway there. Akala ko ba tutulungan nyo akong ilayo sya sa akin. All of the sudden, gusto nyo atang mapalapit sya. I don't get it. Playboy sya, yes. Sinungaling din sya, we are not even sure if he's telling the truth. P-paano kung lies nya nanaman ito?" Umiling silang dalawa.

"You can fool yourself, Nadie. But never your heart. Try putting yourself in our shoes. Try looking at it in a different angle, baka sakaling makita mo kung anong nakikita namin. Masyadong transparent si James sa iyo." Tinuloy namin ang pagkain. Hindi ako nakasagot sa kanila. Minsan napapatingin ako kay James, hindi na ito nakatigin sa akin. Tahimik lamang ito sa table nila.

Putting myself in other's shoes? Izzy's shoes? I don't know.

Dumating ang oras ng uwian, agad akong nagmadali papunta sa waiting shed. Sasakay ako nang jeep papunta sa trabaho ko. Nagulat ako dahil makulimlim, kumukulog din. Aish! Wala akong payong. Malas.

Nagulat ko noong may tumabi sa akin at may inabot na payong. Tinignan ko kung sino ito, pero hindi ko kilala. Namukhaan ko laamng ang mata nya nang magtama ito. Sya iyong sa kanina sa canteen, iyong nakatitig sa akin.

"I'm Dave, by the way. Schoolmate mo ko. Senior na din ako, first section." Tumango ako. Kaklase ni James. Second Section kasi kami nila Izzy. "Can I know your name? Matagal ko na kasing gustong malamang ang pangalan mo." Agad kumunot ang noo ko bago pilit na ngumiti. Should I say my real name? Nah, I won't. Think of other name, Nadine!

"Rosemarie. You can call me Rose." Ngumiti ako bago nag-abot ng kamay sa kanya. Tinanggap nya iyon. "Nice to meet you, Dave." Ngumiti sya sa akin.

"Nice to meet you too, Rose." Tumango-tango lamang ako bago hinila ang kamay ko. "M-may gusto sana akong sabihin." Nakita ko syang namula habang sinasabi iyon.

"Ano iyon?" Sabi ko bago umiwas ng tingin ng magtama ang paningin namin, nahagip ng mata ko ang sports car na papalabas ng school gate. Saan naman kaya sya pupunta? Wala ba syang balak na puntiryahin ako? Akala ko ba ipapakita nyang gusto nya ako? Hanep naman James. Nasaan na iyong sinabi mo? Maniniwala na ako eh, biglang ganito?

"Rose." Agad akong nabalik sa kausap ko. "Ok lang naman kung hindi mo agad sabihin ang tugon mo. I can wait." Agad kumunot ang noo ko. Pilit syang ngumiti. Nahalata nya yatang hindi ako nakikinig kaya nya ginawa iyon.

"Ah, ano. Oo... Oo. Oo." Nakangiti kong sabi bago tumingin sa kanya.

"Talaga? Sinasagot mo na ako?" Agad nagliwanag ang mukha nya.

"Ah, o- ANO?" Napalakas ang sabi ko noon sa gulat ko.

"Sabi mo sinasagot mo na ako, umoo ka eh. Sabi ko naman I can wait." Agad akong umiling bago winagayway ng pa-ekis ang braso ko.

"H-hindi pala! B-bawal pa ako mag-boyfriend. K-kailangan ako nang Mama ko." Utal kong sabi. Agad aong humakbang paalis. "S-sige! Alis na ako. M-may aasikasuhin pa ako eh! S-sige!" Agad ako tumakbo paalis. Hinugot koa ng cellphone mula sa bulsa ko bago lumiko sa kanto. Tumigil ako doon para tumawag sa manager ng pinagtatrabahuhan ko.

"B-boss. Pasensya na po, hindi po ako makakapasok ngayon. May e-emergency po kasi sa bahay. Papasok nalang po ako sa day-off ko." Medyo utal kong sabi sa kanya.

"Siguraduhin mo lang, Nadine." Agad akong nagpasalamat sa kanya bago ko pinutol ang tawag. Medyo nakatungo akong naglalakad pauwi nang mapansin ko ang pagsunod sa akin ng isang kotse sa kabilang linya. Tumingin ako doon at namukhaan agad iyon.

Agad kong naramdaman ang pagliwanag ng isang parte ng aking sistema. James! Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang tumigil iyon at lumabas sya. May dala itong bulaklak. Tatlong pirasong pulang rosas. Lumapit sya sa akin bago ako mahigpit na niyakap. Agad na nag-init ang mukha ko sa ginawa nya.

"For you." Tinanggap ko iyon bago mariing hinawakan. Kumakabog ang puso ko dahil sa ginawa nya. Ramdam ko parin ang init ng pisngi ko. Pinagpapawisan din ako. Bigla atang uminit dito. Aish.

Tumitig ako sa mata nya, nakangiti sya sa akin. "Hindi ka papasok?" Umiling ako. "Gusto mo pumunta sa farm?" Ngumuso ako at tinignan ang orasan ko. Early dismissal kami ngayon. Alas kwatro pa lamang ng hapon ngayon. Kung pupunta kami ng farm nila ng isang oras. Saglit lang din kami...

"Sige. Pero dapat bago mag alas-nuebe, nakauwi na ako." Nakangiting sabi ko. Ngumiti din sya bago tumango. Hinawakan nya ang kamay ko kaya napatalon ako sa gulat.

"Tara na." Nahihiya akong tumango bago sumunod sa kanya sa kotse. Nagsimula na ang biyahe at nag-usap lang kami nang kung ano-ano. His questions was lame, parang tinatanong nya lamang iyon para hindi magkaroon ng katahimikan. Nasa gitna kami nang pag-uusap ng tumunog ang cellphone nya.

"Pakisagot please. Loudspeaker." Agad kong inabot iyon at sinagot. Pinindot ko ang loudspeaker at nakita ko ang pangalan ng caller. Mommy. Agad akong natahimik.

"Yes, My?" Sagot ni James.

"Robert James Reid, where the hell are you? Kanina pa nag-aantay ang Lola mo sa farm, bakit wala ka parin?" Lumunok ako nang marinig ko iyon. Nasa farm ang pamilya nya. Agad kong tinignana ng mata ni James. Nakangiti sya ng pilyo sa akin.

"We're on our way, actually. Medyo malapit na, about 15 minutes. I guess." Nakangiti nyang sagot.

"We? May kasama ka? Don't tell me it's you bros? Oh My, James! Napag-usapan na natin to diba?" Sumisigaw na ang Mommy nya.

"Yes, My. I know. Hindi sila ang kasama ko. You'll find out later." Ngumingit-ngiti pa sa akina ng mokong.

"Don't tell me it's your girls?!" Tumawa si James.

Tumigil kami saglit. Linapit nya ang mukha nya sa akin bago bumulong sa tenga ko. "My girl." Agad kong naramdaman ang paninindig ng balahibo ko, sa batok hanggang sa braso. Nag-init ang pisngi ko dahil sa lapit ng labi nya sa mukha ko. Nakangiti pa sya sa akin bago bumalik sa pagkakaupo ng maayos.

"Later, My. I'll end this. Nahihirapan akong magdrive." Pintay nya ang tawag. Hindi parin kami umandar. Nakangiti lamang itong nakatitig sa mukha ko. Lalo iyong nakadagdag sa init na nararamdaman ko. Sheez.

I'm blushing over James Reid's stare? WTH, Nadine? Kakasabi mo lang kanina na hindi dapat. Na hindi dapat sa kanya diba? Pero ano to? Ano to, Nadine!

"My girl..." Muli nyang sabi. "It's cute... Bagay sayo. Sayong-sayo lang." Agad akong napakagat ng ibabang labi para pigilana ng pagngiti ko. Tumitig ako sa labas ng muling umandar ang sasakyan nya.

My girl? Tss. How I wish, I really am...

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
252K 3.7K 31
Tanya and Yana, are half sister's, pero mag kakasundo sila sa lahat ng bagay. they're rich.they're bitch. they're beautiful, and they kill who ever d...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
35.7K 2.2K 13
It's all about a nerd student with her immortal enemy, a bad boy badass and ofcourse what's new? A manwhore, womanizer, or even a backstaber he didn'...