Hell University (PUBLISHED)

By KnightInBlack

168M 5.5M 4.3M

A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal... More

Work of Fiction
Hell University
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 27
Suggestions (Edited)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Facebook ni Kuya KiB
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Sequel
FAQs

Chapter 34

2.4M 76.2K 133K
By KnightInBlack

Chapter 34: Matt and Ace

Zein's Point of View

Natapos ang patimpalak na sobrang gulo, I mean is hindi ko na nasundan lahat ng nangyari. Ginulo ni Supremo lahat ng inayos ko.

Nagulat na nga lang ako at sya na ang partner ko at si Matt ay Kay Fritzy na.

"Bakit ikaw ang andito?! Where is Matt?!" Naguguluhang tanong ko habang nakatingin kay Supremo na nag-aayos ng kanyang neck tie sa kanyang black tuxedo.

Sinulyapan nya ako sa salamin na nakakunot ang noo kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang lalo na't sariwa pa rin ang scandal na ginawa nya kanina.

"Pinagpalit ko ang partner natin, hindi kayo bagay ni Matt." Inosenteng sagot nito bago ibinalik sa pag-aayos ng buhok nya ang kanyang atensyon.

Damn! Rule manipulator!

"Why?" Sunod na tanong nya. "You want him?" Dugtong nya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin kaya hindi ko nagawang sumagot.

"You want to see his body?!"

Tangina!

Sa'yo pa nga lang hindi na ako makakatulog e. UGH!

"Pervert!" Singhal nya sa akin at halos malaglag ang panga ko.

Ako pa ang pervert? Sya nga itong bigla na lang pinunit ang tshirt at pumunta sa harap ko at kung anu-ano ang sinabi tapos ngayon, ako pa ang pervert?!

"Mas gusto ko naman na sya ang partner ko kesa sa'yo."

"I admit it, you are good with him." Natigilan ako sa sinabi nya at hindi ko na namalayan na nakalapit na sya sa akin.

I am in a long black gown. Hinawakan nya ang bewang ko at inilapit sa kanya. Napalunok ako habang nakatingin sa nakakunot nyang kilay at nakaawang na bibig. Damn! He look so innocent!

"But, you are best with me." Bulong nya.

Napailing na lang ako nang maalala ang mga nangyari kanina at the same time ay matawa. Naalala ko na naman kung paano nagpakilala si Supremo.

"You know my name, what's the purpose of this?" Inosenteng angal nya sa organizer nang nasa harap na sya at hawak ang microphone.

Sabi kasi ng organizer ay magpakilala raw kami na lahat naman ay nagawa namin pero lang sa huling contestant na nakikipagtalo pa.

"J-Just your name, Supremo." Nauutal na sambit ng organizer na halatang naiintimidate pa sa tingin sa kanya ni Supremo.

Humarap naman si Supremo sa crowds na na-crave na sa sasabihin ni Supremo. Nakanganga pa ang iba at parang hindi makapaniwala na ang nerd na supremo ay nagtransform into a burning hot guy that could melt you just by staring. UGH!

"Ms. Shion!" Napanganga ako nang tinawag ako ni Supremo kaya kahit na nag-a-alinlangan ako ay pumunta rin ako sa harap.

Ano na naman ito, Supremo?!

"You are my secretary, introduce my name."

Napalunok ako nang ibinigay nya sa akin ang microphone.

"Ace Craige, 18 years old. The Supreme Student Government President."

Hindi ko ulit maiwasang mamula habang inaalala ang kahihiyan na ginawa ni Supremo. It is a contest, pero nagawa nya pa ring pairalin ang kanyang pagiging Supremo.

"Ms Face of the year goes to..... Fritzy Saldivar."

Napapikit na lang ako nang umangal na naman si Supremo.

"What?! That's a fucking mistake! Miss Shion should be the one to win! She is so fucking damn gorgeous compare to anyone, damn it!"

Waah! Supremo, fuck you! 100 times!

"Don't worry Supremo, you are Mr. Face of the Yea-"

"Nah. I am not interested."

Nagwalk out ito at sinipa ang trophy dahilan ng pagkawasak nito.

Pinagmasdan ko ang bonfire na ginawa nila dito sa wide space. Napakataas ng apoy at kaming lahat na estudyante ay nakapalibot rito.

Malamig ang panahon pero binabalot kami ng mainit na apoy.

Tinagurin din ang araw na ngayon na free bloody night na kung saan illegal ang pagpatay. Nagulat nga ako nang sinabi ni Supremo na approved ang suggestion ko na ito, I mean is expected ko na talaga na hindi nya iaaprove pero--- Kita naman ngayon.

"Follow me, Miss Shion."

Binalot ako ng takot nang nasa likod ko na pala si Supremo. Nangangatog na yumakap ako sa mga kaibigan ko.

Damn, kamatayan na ang naghihintay.

"Sasama kami!" Angal ni Vanessa kaya umiling na lang ako.

No. Dito lang kayo.

Nasa likod ako ni Supremo habang sya ay nauunang naglakad. Sobrang bigat ng hakbang na ginagawa ko at parang habang tumatagal ay mas nahihirapan pa ako.

Napangiti ako nang mapagtanto kung nasan kami ni Supremo. Sa likod ng clinic kung saan sinabi nyang magkikita kami.

Humarap sya sa akin na seryoso pa rin. "Matagal kong pinag-isipan ito... Gusto mo bang maligtas?" Tanong nya.

Hindi ko nagawang sumagot sa kaba.

"You are willing to save others that you almost kneel down on me just to save them... do it, if you want to be saved."

"No. Don't save me. You'll just risk your position." Parang nabarahan ng kung ano ang lalamunan ko matapos banggitin 'yon.

"I would risk anything---- Crap it. The only way for you to be save--- Ilalabas kita ng impyernong ito." Sambit nya.

Nanatiling seryoso ang titig ko sa kanya. Ba't ganon? I should be glad that I could out of this hell but there's something on me that I want to stay.

"Ilalabas kita ng Hell University."

"Hindi. Ayoko." Mapaklang sagot ko na ikinakunot ng kanyang kilay at noo.

Kung mamatay ako ay mas gugustuhin ko ng sa loob ng impyernong ito. Nakakainis mang aminin na napamahal na ako sa impyernong ito. Saksi ang lugar na ito sa lahat ng pinagdaanan ko, aaminin kong hindi na nga ako ang Zein Shion na dating nakilala nila, binago ako ng lugar na ito. I love hell, to be with demons.

"Malapit na, Zein. Ayokong madamay ka."

"Kung ano man ang sinasabi mo ay matagal na akong damay, I won't run away...."

Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Supremo basta ang alam ko ay mamatay ako sa impyernong ito, mamatay ako kasama hindi lang ang aking mga kaibigan kundi lahat ng naging parte ng buhay ko sa loob ng lugar na ito. Mamatay ako ng lumalaban.

Narinig ko ang mahinang tawa nya. Bakas ang saya sa mata nya na kumukutitap pa. Supremo is laughing for real.

"I like it... I like how brave you are for a girl... I like how you look into my eyes without intimidating...I like how you bend everything I work the rest of my life... I like how you react nothing when infact everything is the matter between life and death... I like it."

"I hate it... I hate how you manipulate everything... I hate how you stand infront of me like you are the most tremendous person out there... I hate how you gave an order in an instance... I hate it."

Mahina kaming natawa sa mga sinabi namin. Parang sa tanan ng pagsasama namin ni Supremo ay ngayon lang kami nagkaintindihan dahil laging salungat kami.

"Everything is worth it when it comes to you," Hinawakan nya ang mukha ko na nagdulot ng napakalas ma boltahe ng enerhiya na dumaloy sa buong sistema ko. Sa isang haplos ni Supremo ay parang sasabog na ako.

"If you would just send me outside of hell, I'd rather die."

"You know I can't do that... I'll give you another choice.. Be with me... Be mine... Be my everything... I'll give you my world."

Dumausdos pababa ng mukha ko ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Nakakatakot... nakakakilabot... Ngayon ko lang naramdaman ang ganito... Alam ko ang ibig sabihin ng pakiramdam na ito.

Damn! I really hate how everything is falling... falling for this guy.

"What will happen if I choose to be with you?" I suddenly asked.

Wala akong ideya kung ano ang magiging kapalit kapag pinili ko si Supremo. Wala akong ideya kung ano ang kahihinatnan ng lahat. Ignorante ako sa ganito.

"What will happen is doesn't matter... I told you... You are my everything... Walang mawawala sa akin dahil nasa'yo na ang lahat. Trust me."

Pagkabalik namin ay nagkakagulo na ang lahat. Nataranta na rin ako at pinuntahan ang pinagkakaguluhan ng lahat.

Napaupo ako sa lupa habang ang aking kamay ay nakatakip sa aking bibig nang makita kung sino ang nakaupo sa silya, walang buhay at labas ang dila kung saan makikita ang tatak ng BBG.

"Zein, bakit ngayon ka lang?!" Biglang pagsulpot ni Mia sa gilid ko.

Hindi ko nagawang sumagot at nanatili ang tingin ko kay Celine na wala ng buhay. Galit... nag-aapoy ako sa galit.

"Zein, are you ok?"

Nabigla si Matt nang tinitigan ko sya sa mata, isang nanlilisik na tingin. Nakita ko ang pagkalito sa mga mata nya.

"Zein, bakit ganyan ka makatingin kay Matt?!" Sigaw ni Dave sa likod ko.

Hinawakan ko sa braso si Matt nang mahigpit. Napaawang ng konti ang bibig nya sa ginawa ko.

Hinila ko sya palayo roon at dinala sa walang taong lugar. Nanatiling tikom ang bibig nya habang ako ay parang sasabog na sa galit.

"Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni Celine?" Diretsong tanong ko.

Wala akong nakitang kahit na anong reaksyon kay Matt, ni pagkabigla ay wala akong nakita.

"I didn't do anyt-"

"Liar." Mainahon kong putol. "Pinagkatiwalaan kita. Sa lahat ng tao, ikaw ang pinakamabuti sa aking paningin pero nilinlang mo ako." Dugtong ko.

Nakita ko ang pait na ngiti ni Matt at ang sakit sa kanyang mata na namumula na.

"Hindi kita nilinlang, kailanman ay hindi kita tinalikuran."

"Then, Why?! Bakit kailangan mong sumapi sa Black Blood Gang?!"

Nakita ko ang gulat sa mata nya.

Tangina!

"Everything has a reason."

"Reason? Sumali ka sa gang para magkaroon ka ng kakampi na magliligtas sa'yo? Para hindi ka mamatay ganon?"

Napaawang ng konti ang kanyang bibig na halatang nabigla sa mga sinabi ko at parang gusto kong murahin ang sarili ko. Nawawalan na naman ako ng control sa sarili ko.

Hindi ko mapigilan ang bibig ko, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko ngunit parang nawalan na ako ng lakas nang makita ang pagdausdos ng luha sa mata ni Matt pababa.

Tangina! Ang sakit makita na lumuluha si Matt, at dahil sa akin. Hindi ko pa sya nakitang umiyak, ngayon pa lang at ako pa ang dahilan.

Anong klaseng kaibigan ako?!

"M-Matt-"

"Tama ka, sumapi ako sa gang para maligtas pero hindi ako. Sumapi ako sa kasamaan para maprotektahan ang pinakaimportanteng tao sa akin."

Napaupo na lang ako sa lupa matapos marinig ang lahat.

"Hindi ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko, hindi rin kita masisisi kung 'yan ang sa tingin mong dahilan ng pagsali ko. Tandaan mo, hindi ko kailanman magagawang itakwil o talikuran ang aking mga kaibigan... magkamatayan na, hindi pa rin."

"Zein!"

Bigla akong niyakap ni Matt kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Nakangiti sya sa akin pero may kakaiba.

"M-May problema ba, Matt?" Tanong ko.

Umiling sya bago muling ngumiti. "Pumikit ka, please." Hindi ko alam pero ipinikit ko na lang ang aking tingin kasabay ng pagkalas niya sa yakap.

Naramdaman ko na maraming tao sa paligid. Naririnig ko ang bawat galaw nila at isa-isang pagkabagsak ng iba.

Anong nangyayari?

"Ahh!" Dinig kong sigaw ni Matt na animo'y nahihirapan na.

"Matt! Anong nangyayari sa'yo?!"

"N-Nothing! Just close your eyes!"

Ilang minutong bulag ako sa nangyayari pero alam kong nakikipaglaban pa rin si Matt. Naramdaman kong muli ang pagtulo ng luha sa aking mata.

Matt, sorry.

Maya-maya ay tumahimik na ang paligid kaya iminulat ko na ang aking mata. Bumungad sa akin si Matt na iika-ikang naglalakad papalapit sa akin habang hawak-hawak nya ang braso nyang dumudugo.

Hindi ko maiwasang manlumo sa sinapit nya. Napatayo ako nang makitang bumagsak sa lupa si Matt.

"Matt!"

---

Someone's Point of View

Sinindihan ko ang sigarilyo na hawak ko bago humithit dito at ibinuga sa hangin.

Nalalapit na ang pagwawakas.

"Leader, Nagawa na po namin ang pinag-utos nyo."

Tinanguan ko lang ang isang tauhan ko bago sya lumabas ng kwarto.

Pinagmasdan ko ang labas kung saan nagkakagulo ang lahat.

"Mapapasakin ang pinaghirapan nyo. Hindi nyo ako mapipigilan, kahit na ikaw Supremo. Hindi mo ako kakayanin. Hawak ko ang sikreto mo, alam ko ang itinatago mo. Hindi nyo ako malilinlang. Raze huh?"

Tinapakan ko ang sigarilyong hawak ko nang makita kung sino ang ngayon ay bitbit ng mga lalaking walang malay, nakasunod sa kanila ang isang babaeng tulala.

"Zein Shion, salamat sa'yo at mas mapapadali ang lahat. Ikaw ang dahilan ng lahat.... Ikaw ang kahinaan ng mga demonyo."

Tumalikod na ako at isinara ang bintana.

"The end is so near..."

----

A/N: Nalalapit na ang delubyo. Handa na ba kayo?

Add me on Facebook if you want to be updated: Kibby Chevalier

Join our Facebook group: KnightInBlack Babies

Hi, Admin Nicky! Thank you for operating the group! - Kuya KiB

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
29.7M 987K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
2K 196 41
HENDRIX ACADEMY: LOVING MR. SUNGIT [COMPLETED] Anya Castro, Isang scholar na babae at handang gawin ang lahat upang hindi bumagsak sa isang subject. ...
25.8M 640K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...