A Wife's Cry

By barbsgalicia

48.8M 494K 123K

Twenty-four-year-old hotel heiress, Vanessa Rio Perez was never loved by her husband, Allen Travis Fajardo, c... More

Author's Note: Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 31
Chapter 32 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 46 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 10

1.1M 14.5K 4.1K
By barbsgalicia

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

TULUYAN AKONG NAGISING kinaumagahan nang maramdamang nawala na si Allen dito sa kama.

Bahagya agad akong napabangon kahit antok na antok pa ako. Nasa'n na 'yon? Parang kanina lang e nakatanday pa ako sa kanya, pero ngayon biglang wala na siya sa tabi ko.

Tumingin ako sa pinto ng CR nitong kwarto namin. May umaagos na tubig mula roon. Napanatag ako. Nasa loob lang pala siya.

Dumiretso na ako sa pagbangon pagkatapos, at umupo na lang sa gilid nitong kama katapat ng banyo.

Maganda ang gising ko ngayon. Kahit pa matindi ang pag-aaway namin ni Allen kagabi at kamuntik pa kaming maghiwalay, wala na 'yon sa 'kin kasi mas tumatak sa isip ko 'yong mga binulong niya kagabi habang natutulog siya.

'Van, please . . . don't go.'

Ang sarap pa rin sa tainga kapag naaalala ko. Parang napanaginipan ko na nga yata 'yon kagabi, e.

'Yon ang unang beses na narinig ko siyang nagsalita ng ganoon. Hindi na nga talaga tuloy ako umalis sa tabi niya kagabi. Nakayakap lang ako. Hindi ko na rin nagawang linisin at gamutin ang mga sugat niya. Bigla na kasi akong tinamaan ng antok.

Tumahimik na sa CR ngayon at maya-maya lang ay lumabas na mula roon ang asawa ko. Bagong hilamos siya.

Nginitian ko siya nang matamis.

Kaso kumunot naman kaagad ang noo niya sabay umiwas ng tingin. "Ba't ka nakangiti? Anong problema mo?"

Ang bilis nawala ng kurba sa mga labi ko. Napabagsak ako ng mga balikat. Galit pa rin pala siya. Hindi niya yata alam na may mga binulong siya kagabi.

Tumayo na lang ako para ako naman sana ang gagamit ng banyo, pero bigla niya akong hinigit. "Ba't bigla kang umaalis? Tinatanong kita, 'di ba?"

Yumuko ako sabay bumuntong-hininga. "Wala. Hindi mo naman naaalala. Siguro nga nananaginip ka lang talaga kagabi."

"Ano? Anong pinagsasabi mo?"

"Wala." Binawi ko na ang braso ko at tumuloy na ako ng punta sa CR.

Pagkapasok ko, sumandal agad ako sa kasasara lang na pinto tapos nagpakawala ulit nang malalim na hininga.

Akala ko naman okay na siya at maganda rin ang gising niya ngayon kasi sinunod ko ang hiling niya sa 'kin kagabi. Pero hindi pala. Hindi niya natatandaan at wala pa rin siya sa mood. Parang nawala na rin tuloy 'yong saya ko ngayong umaga.

Nagkibit-balikat na lang ako, tapos dumiretso na sa tapat ng lababo para maghilamos din. Gusto ko nga sanang maligo kaso ayoko pang basain 'tong balikat ko. Medyo makirot pa kasi.

Habang naghihilamos naman ako, bigla kong narinig 'yong phone ko sa labas na nag-ring.

Kinabahan agad ako, baka si Zian na naman 'yon!

Pinatay ko 'tong gripo at magpupunas na agad sana ng mukha para lumabas na nitong banyo, pero sakto namang tumigil na rin sa pagri-ring ang phone. Tapos narinig ko si Allen na nagsalita.

"O?"

Mukhang sinagot niya ang tawag. Hindi na ako lumabas. Lumapit lang ako sa pinto para mas marinig siya.

"Wala siya," sabi nito sa kausap. "Oo. Ano ba kasing kailangan mo? "

". . . Wala. Nasa banyo. Bakit ba?"

". . . Ayos lang . . ."

". . . And why should I take orders from you?" biglang sumungit ang boses niya. Pero bigla ring huminahon. Hindi ko maisip kung sino bang kausap niya.

"Anong gamot?" tanong niya pa. "Tsk, fine. O, ano pang kailangan mo?"

'Yon lang tapos hindi na ito nagsalita ulit. Tapos na yatang makipag-usap. Hindi naman yata si Zian 'yong tumawag kasi kalmado pa ang boses niya kahit papaano. Wala akong dapat ipag-alala.

Tinapos ko na lang muna ang paghihilamos at pagsisipilyo ko tapos lumabas na rin ako ng banyo na ang tanging suot na lang ay itong silk robe ko.

Naabutan ko si Allen na may hinahanap sa bedside table namin.

"Sino 'yong tumawag?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya naman ako nasagot agad. Napatitig pa kasi muna siya sa suot ko. Pero mabilis din siyang naglipat ng tingin sa ibang direksyon. "Pinsan mo," sabi niya.

"Si Leila? Anong sabi?"

May kinuha na siyang kahon galing sa mesa tapos bigla na lang iyong binato sa harapan ko! "'Yan! Inumin mo raw." Sabay talikod niya at kinuha ang sigarilyo at lighter mula sa isang drawer. Tapos lumabas siya sa terrace.

Naiwan akong nakatulala. Anong nangyari ro'n? Bakit ba ang aga-aga e nangbabato na naman siya?

Pinulot ko na nga lang 'tong kahon. Ito 'yong painkillers para rito sa balikat ko. Inutusan siguro siya ni Leila na painumin ako. Kaya yata lalong nainis.

Hinayaan ko na nga lang. Ayoko nang patulan kasi kagagaling nga lang namin sa away. Tsaka ayoko rin na tuluyang masira sa isip ko 'yong mga binulong niya kagabi.

Nagbihis lang ako ng bagong damit saglit tapos kinuha ko 'yong first aid kit sa baba. Hindi ko siya nagamot kagabi kaya ngayon na lang bago ako maghanda ng almusal.

Sinundan ko siya sa terrace. Nakaupo siya sa pahabang silya na gawa sa kahoy habang seryosong naninigarilyo. Parang ang lalim ng iniisip niya.

"Allen." Tinabihan ko siya. Doon niya lang ako napansin. Nagbaba agad siya ng tingin sa first aid kit na dala ko.

"Halika," sabi ko. "Gagamutin ko 'yang mga sugat mo."

Hindi naman siya sumagot. Binalik niya lang ang tingin niya sa harapan at tumuloy sa paninigarilyo. Umihip pa siya ng usok na para bang wala ako rito sa tabi niya.

Hinayaan ko na lang ulit. Hinarap ko sa 'kin ang mukha niya. "Patingin ako."

"Tsk, ano ba." Tinaboy niya ang kamay ko. "Naninigarilyo ako, hindi mo ba nakikita?"

"Paano ko gagamutin kung ayaw mong ipakita sa 'kin?"

"Sinabi ko bang gamutin mo? Umalis ka na lang. Ayokong kasama ka rito."

Tinitigan ko siya. Ang tapang-tapang ng itsura niya na halatang wala siyang balak bawiin ang pagpapaalis niya sa 'kin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mainit talaga ang ulo niya. Hindi na nga lang ako magpupumilit at baka masira rin ang araw ko.

Sinara ko 'tong first aid kit at dapat tatayo na kaso bigla niya naman akong hinawakan sa siko para pigilan.

"Van." He took a deep breath. "Fine. Gamutin mo na." Kasabay no'n ay ang pagtapon niya ng sigarilyo sa labas ng terrace.

Pasimple akong napangiti. Magpapagamot din naman pala siya e. Dinaan pa 'ko sa init ng ulo.

Binuksan ko na ulit 'tong kit. Kumuha ako ng kapirasong bulak at nilagyan ng gamot. Pag-angat ko ng mukha ko sa kanya, nahuli kong nakatingin pala siya sa 'kin. Nagtama ang mga mata namin, pero umiwas agad siya.

"Make it fast, will you," sabi niya pa.

Sumunod na lang agad ako. Ginamot ko na siya. Kaso sa pagmamadali e nadiinan ko yata ang pagdampi ng gamot sa sugat niya.

Napaiwas agad siya at napaaray. "Tangina naman, dahan-dahan!"

"S-sorry. Wag kang magmura." Hinipan ko nang sunod-sunod ang sugat niya. Tapos tumuloy na ulit ako sa paggamot sa iba niyang mga galos.

Tutok na tutok ako hanggang sa mapansin kong nakatitig na naman siya sa 'kin. Ano bang tumatakbo sa isip niya at kanina ko pa siya nahuhuli na ganito? Ewan ko kung pinanonood niya lang ako sa ginagawa ko sa kanya o ano.

Umiwas naman ulit siya ng tingin ngayon no'ng nahuli ko siya. "Tsk, matagal pa ba?"

"Malapit na. Ang dami mo kasing sugat."

"Sisihin mo 'yong lalaki mo."

Hindi na ako nag-react. Baka magdire-diretso na naman e. Tinapos ko na lang 'tong paglalagay ng gamot.

"Tapos na," sabi ko na maya-maya.

Napahinga siya nang malalim. "Buti naman." Nilayo na niya sa 'kin ang mukha niya, tapos nagsindi siya ng panibagong sigarilyo.

Ako naman, binalik ko na sa first aid kit 'tong mga gamot. Pinakikiramdaman ko nga kung paaalisin na niya agad ako. May gusto kasi sana akong sabihin sa kanya e.

'Yong tungkol sa nalalapit kong birthday. Gusto ko na sanang magpaalam sa kanya tungkol sa pinaplano ko kaso hindi ko alam kung ito ang tamang oras para gawin 'yon. Baka kasi wala pa rin siya sa mood kahit na ginamot ko na ang mga sugat niya.

Pero magbabaka-sakali na lang ako. Bahala na.

Tiningnan ko siya. "Allen."

Bumuga muna siya ng usok bago sumagot. "O?"

"May sasabihin sana ako."

Bumuntong-hininga siya. "Kung 'yong tungkol 'yan sa nangyari kahapon, wag mo nang ituloy. Ayokong pag-usapan."

Yumuko ako. Actually naisip ko nga rin 'yon, pero ayoko rin naman 'yong pag-usapan. "Hindi tungkol do'n," sabi ko.

Pansin kong napatingin siya sa 'kin. "Then what?"

"Aalis sana ako."

"Ano?" Tumapang na kaagad ang boses niya.

Pumikit ako nang madiin at hinanda na lang ang sarili ko. "Magbi-birthday kasi ako, 'di ba? Uuwi muna ako sa amin. Doon sana ako magsi-celebrate. Gusto ko kasing makita sina Mama. Nami-miss ko na sila eh."

Wala akong narinig na sagot.

Tiningnan ko siya. Ang sama lang ng titig niya sa 'kin.

"P-pwede ba?" tanong ko.

Bigla siyang tumayo nang padabog. "Bahala ka. 'Yan naman talaga ang gusto mo, 'di ba? Nagpapaalam ka pa sa 'kin."

Pumasok siya sa loob at iniwan akong nakaupo dito sa terrace.

Napabagsak ako ng mga balikat. Mukhang negative. Kahit na parang pinayagan niya ako, sa tono pa lang ng boses niya ay alam kong galit siya at hindi niya gusto ang plano ko.

Nakakalungkot, pero wala naman akong magagawa. Kailangan ko pang bumawi sa kanya kaya hindi ko siya pwedeng suwayin.

Saglit pa akong nanatili dito sa terrace bago ko naisipang pumasok na rin sa loob ng kwarto.

Nakita ko rito si Allen na nakadapa sa kama at nakakunot ang noo. Hinayaan ko na. Palilipasin ko muna ang init ng ulo.

Tinabi ko 'tong first aid kit, tapos bumaba na ako para maghanda ng almusal. Nakakaramdam na rin ako ng gutom kasi hindi naman ako masyadong nakakain kagabi sa kahihintay sa pag-uwi ni Allen.

Pagkarating ko sa kusina, nilabas ko na agad ang lulutuin ko.

Kasalukuyan akong naghihiwa ng sibuyas ngayon nang mapansin ko naman si Allen na bumaba na rin at sumunod sa 'kin dito sa kusina.

Dumiretso siya sa gawi ng ref at kumuha ng tubig. Tapos lumapit siya sa 'kin. "Inumin mo 'to."

Natigilan ako kasi bigla nang naging malumanay ang boses niya. Tiningnan ko 'yong binibigay niya sa 'kin. 'Yong painkillers 'to na binato niya sa 'kin kanina. Inaabutan niya rin ako ng baso ng tubig. Anong nangyari at bigla siyang bumait?

Binaba ko na lang din muna 'tong kapit kong kutsilyo. Pinunas ko ang mga kamay ko sa suot kong apron, tapos tinanggap ko na ang binibigay niya. Ininom ko 'yong gamot.

Laking gulat ko na lang naman nang mas lumapit siya sa 'kin at bigla na lang akong niyakap nang mahigpit mula sa likuran!

Bumilis ang tibok ng puso ko at literal akong nanigas sa kinatatayuan ko. Kulang na lang ay mabitiwan ko 'tong baso ng tubig. Hindi pa agad kumalas si Allen at siniksik niya pa talaga ang mukha niya sa leeg ko.

"Van . . . I want you to spend your birthday with me, only with me."

• • •

Continue Reading

You'll Also Like

10K 509 22
Elijah Drake Montemayor is a talented and passionate photojournalist who recently transferred to a new school. With his camera in hand, he captures t...
5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
9.1K 1.7K 53
In the blink of an eye, Rosario Veronica Salazar's life changed when she moved in with seven charming men. DISCLAIMER: This story is written in Tagli...