Once Mine, Always Mine

By Shettered

4.5M 40K 1.7K

[Editing...] You've hurt me once and I promised myself I won't let you do it again. -- Rebecca April Fuentes ... More

Once Mine, Always Mine
Once Mine, Always Mine -- Chapter 1
Once Mine, Always Mine -- Chapter 2
Once Mine, Always Mine -- Chapter 3
Once Mine, Always Mine -- Chapter 4
Once Mine, Always Mine -- Chapter 5
Once Mine, Always Mine -- Chapter 6
Once Mine, Always Mine -- Chapter 7
Once Mine, Always Mine -- Chapter 8
Once Mine, Always Mine -- Chapter 9
Once Mine, Always Mine -- Chapter 10
Once Mine, Always Mine -- Chapter 12
Once Mine, Always Mine -- Chapter 13
Once Mine, Always Mine -- Chapter 14
Once Mine, Always Mine -- Chapter 15
Once Mine, Always Mine -- Chapter 16
Once Mine, Always Mine -- Chapter 17
Once Mine, Always Mine -- Chapter 18
Once Mine, Always Mine -- Chapter 19
Once Mine, Always Mine -- Chapter 20
Once Mine, Always Mine -- Chapter 21
Once Mine, Always Mine -- Chapter 22
Once Mine, Always Mine -- Chapter 23
Once Mine, Always Mine -- Chapter 24
Once Mine, Always Mine -- Chapter 25
Once Mine, Always Mine -- Chapter 26
Once Mine, Always Mine -- Chapter 27
Once Mine, Always Mine -- Chapter 28
Once Mine, Always Mine -- Chapter 29
Once Mine, Always Mine -- Chapter 30
Once Mine, Always Mine -- Chapter 31
Once Mine, Always Mine -- Chapter 32
Once Mine, Always Mine -- Chapter 33
Once Mine, Always Mine -- Chapter 34
Once Mine, Always Mine -- Chapter 35
Once Mine, Always Mine -- Chapter 36
Once Mine, Always Mine -- Chapter 37
Once Mine, Always Mine -- Chapter 38
Once Mine, Always Mine -- Chapter 39
Once Mine, Always mine -- Finale
S H A N A .....
UNTITLED..

Once Mine, Always Mine -- Chapter 11

124K 1.1K 59
By Shettered

Chapter 11

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi na hindi nadidisgrasya. Habang nagmamaneho ata ako eh nakatulala lang. Pagdating ko naman sa bahay hindi na ako nagpalit ng damit dahil humiga agad ako sa kama, siguro dahil na rin sa pagod ako at masakit ang ulo ko.

Sa ngayon kelangan ko ng kalimutan muna ang mga nanyari sa amin nang gabing yun. Hahayaan ko muna ang mga nangyari dahil alam kong balang araw mas lalala pa to, pero wag naman sana.

"anak tama na yan mamaya ka na magsayaw ng magsayaw jan." pinapagalitan ko ngayon si Sean kanina pa kasi siya sayaw ng sayaw may pataas taas pa ng kamay, minsan pasipa sipa pa, may nilalagay sa baba ang kamay parang ninoy, tapos kekembot kembot pa.

"anak hindi ka ba napapagod niyan?" Umiling lang siya. Dahil alam kong magtatalo lang kami kahit nasayaw siya pinapaliguan ko na lang.

Kanina ko pa nalinisan si Shana pero hinayaan ko siya na maglaro lang sa bath tub. Pero etong si Sean kanina pa kami dito.

Sabay sabay na kami naligo dahil aalis na naman ako ngayon, pupuntahan ko sa Tagaytay yung pinapagawa kong branch. Ngayon ko na din makikita kung sina ang engineer na kinuha ni Pamela. Suprise visit lang ako.

Halos ilang oras kami sa banyo dahil ang kulit-kulit ni Sean. Buti na lang din maaga akong nagising at nakapagluto na ng almusal kung hindi baka ma-late ako.

"Ano ba Sean, mamaya na yan. Tara dito. Say aaahhh" nilapit ko sa kanya yung kutsara na may lamang oatmeal ngumanga naman siya. 

"Ikaw din baby, say aaahhh." sinubuan ko naman si Shana, ngingiti ngiti naman siya.

"Baby baka kung mapano ka jan, pagkatapos mo na lang kumain bago ka sumayaw." tumigil naman siya tapos sinubuan ko sila ng sinubuan.

Nang matapos nagbihis na ako, nakashort lang ako at hanging clothes. Dahil na din sa masyadong matarik ang Tagaytay nag-Flat shoes na lang ako.

Nagmamadali na din akong bumaba ng marinig ko na nanjan na si Mila. Nag good morning din ako sa kanya at nagpaalam.

Nandito pa lang ako sa pinto na may mapansin akong supot. Tinignan ko yun, nung nakita ko may american suit na pambata at may sunglasses pa.

"MILA!!" tawag ko sa kanya. Nagmamadali naman siyang pumunta sa akin.

"Ate ano po yun? May masakit po ba sa inyo? Tatawag na po ba ako sa ambulansya, pulis, bumbero, denti--"

"Tama na yan masyado kang hyper. Kanino to." Nung itinaas ko yung supot nanlaki naman yung mata niya tapos agad niyang kinuha sa aking yung supot na hawak ko.

"A-ano ate, k-kasi po ano."

"Ano yon?"

"Hehe wala lang po to, nakita ko lang po sa amin tapos ang cute cute gusto ko po sanang ipasuot kay Sean" nagniningning naman yung mga mata niya.

"Ano na naman balak mong ipagawa kay Sean." Napakamot na lang ako ng ulo. Mga iniisip talaga nitong si Mila oh.

"Hehe a-ano ate may birthday party kasi, ininvite tayo nung kapit-bahay. Nung isang araw lang binigay yung invitation tapos nanood kami ng music video na may nakasuot na suit tapos ayun nagustuhan ni Sean kaya sabi ko magpaparticipate kami. Ready na nga kami ate eh." Tinaas taas niya pa yung kilay niya. Baliw talaga.

"May magagawa pa ba ako." Tumalikod na ako pagkasabi ko nun. Si mila naman narinig ko na 'baby tara suotin mo na to, kelangan maganda yung isasayaw mo'

Nakarating na ako sa venue na kung saan dito itatayo ang isa pang branch. Nang nakababa ako sa kotse dumaretso lang ako.

Siguro nagtataka ang mga construction worker kung bakit may babae na napadpad dito. Sabagay puro lalaki lang naman ang nandito at delikado to sa iba. Pero hindi ko na lang pinansin at naglakad na ako papunta sa gilid ng construction site. 

Iniinspect ko lang ang site ng may lumapit sa akin.

"Goodmoring ma'am? Ano pong ginawa niyo dito bawal mo ang tumambay."

Tss mukha ba akong tambay sa lagay na to.

"Sorry kuya pero hindi ako tambay dito. I'm Rebecca April Fuentes ang owner ng ginagawa niyo ngayon.'

Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Sorry ma'am i dont recognized you. I'm Keith. Keith Rivera the engineer of this site. Nice to meet you."

"Nice to meet you too." kinamayan ko din siya.

"Hindi ko akalaing ang ganda niyo pala sa personal."

"I don't know kung compliment yan, pero tatanggapin ko na din thank you."

"Totoo ma'am walang halong biro"

Nginitian ko na lang siya. Nagyaya siyang tignan ang buong site, sinamahan niya ako at inilibot. hindi naman siya gaanong kaboring kasama pero hindi mawawala ang pagkahangin ng utak niya.

"Ma'am mas maganda siguro kung lagyan natin ng couples table. Hatiin natin tong venue isang pang kid zone tapos isang couples zone. Para hindi lang mga bata ang mag-eenjoy. Maganda naman tong nakuha niyo lalo na tuwing gabi kitang kita ang mga ilaw sa lugar."

Sa mataas na lugar ko kasi binili to. Para nga naman kita ang view at sariwa pa ang mga hangin.

"Sabagay maganda yang suggestion mo. Ok lang ba na mabago tong blue print?"

Hawak ko ngayon ang gawa nilang blue print. Ang ganda nang pagkakagawa kung paano ka-organize bawat pasikot sikot sa cafe. Detailed na detailed.

"Ok lang ma'am tutal magaling naman ako sa ganyan isang utos ko lang sa mga workers susunod din sila." Oh kita niyo ang yabang ang hangin ng ulo mali ata ang nakuha ni Pamela eh.

"Sige ikaw ang bahala." nag kibit balikat na lang ako.

"Ay ma'am may boyfriend na kayo." Tama ba namang itanong niyan.

"Wala."

"Ayos ma'am, pwede ko ba kayong ligawan."

Pagkarinig ko nun humarap ako sa kanya, Naiinis na ako kanina pa to eh. Susumbatan ko na sana siya kaso may nagsalita sa likod ko.

"Wala siyang boyfriend kasi may asawa na siya. Kung ayaw mo pang mawalan ng trabaho bumalik ka na doon at tignan mo sila, hindi yung nandito ka nagpapacute pa sa asawa ko."

Familiar ang boses niya.

"Sorry Sir. Ma'am sorry din hindi ko naman akalain na asawa niyo pala si Sir Denzel kaya pala wala akong makitang nakikipagdate siya."

Kaya pala familiar kasi si Denzel lang naman pala. Nandito pa din ako sa kinatatayuan ko at hindi lumilingon sa likuran. Masyado atang na mighty bond ang paa ko dito.

"Ang tsismoso mo ka-lalaki mong tao. Umalis ka na nga sa harapan ko bago ka pa mawalan ng trabaho."

Halata sa boses niya ang pagkainins.

"Bya ma'am" at nagwave pa siya sa akin.

"Tsk. aagawin ka pa sa akin eh"

Naramdaman ko na lang na nakapulupot ang braso niya sa beywang ko. Natauhan naman ako dun. Inalis ko ang pagkakahapit niya sa beywang ko masyado atang natuwa eh.

"Waah! Anong ginagawa mo dito! Sinusundan mo ba ako! Stalker! Stalker!" Pinaghahampas ko siya tapos ilag lang naman siya ng ilag pero tumawata. Tumigil ako sa pagkahahampas wala naman din mangyayari kung hahampasin ko siya dahil ako din ang nasasaktan masyadong matigas ang mga muscles niya.

Hindi ko to napansin nung araw na nasa bahay kami ni Ellie. Masyado akong naning nerbyosa noon at hindi ko man lang nagawang tignan ang itsura niya.

"Anong ginawa mo dito?" iritado kong tanong sa kanya tapos nameywang pa ako sa harap niya.

"Nagtratrabaho, hindi ba obvious?" 

"Eh bakit dito? Akin to eh."

"Ako ang kinuha ng secretary mo ata yun. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang may-ari nito. Tignan mo nga naman ang pagkakataon MeLoves tadhana talaga tayo sa isa't isa."

"Ano ba yan Denzel tigilan mo nga ako sa pagtawag sa akin ng ganyan, at anong asawa ka jan. Hindi ako mag-aasawa nu. Anyway pagsabihan mo yang engineer mo masyadong mahangin."

"Yes MeLoves, tara samahan mo ako saglit lang to magpapahangin lang tayo tapos kumain na din." aangal pa sana ako kaso hinila niya na ako sa kotse niya. Tsaka sabi niya saglit lang naman, wala naman sing masama kung sumama ako may libreng pagkain pa kaya ok lang.

Buong byahe napapatingin ako sa kanya bawat tingin ko kasi sa bintana titingin sa akin. Pagsinasabihan ko naman na wag niya akong tignan sasabihan niya lang akong namiss niya lang daw ako kaya ganoon. Syempre dahil mahina ako, sige ako na kinikilig. Pero ayaw kong ipakita sa kanya baka mamaya lumaki ang ulo.

Eto na ba yung sinasabi kong lalayo ako kung tadhana na nga lumalapit sa amin. At bakit ngayon ang baet niya na parang wala lang ang nangyari sa amin nung gabing yun, na parang ang dali lang sa kanyang kalimutan na lang yun. Sa bagay mag-aassume pa ba ako eh lagi naman yang ganyan na laging parang wala lang lahat para sa kanya.

Baka naman ako lang talaga ang naapektuhan sa gabing yun. Malamang ako lang yun kasi ok na naman siya ngayon eh nagagawa niya ng ngumiti.

"Tapos ka na bang kakatingin sa akin MeLoves. Ang gwapo ko no. Tara kain na tayo." Natauhan ako sa mga sinasabi niya masyado ding malakas ang fighting spirit eh. Nakalimutan kong nakatingin lang pala ako sa kanya.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid nung nakababa na kami. Pinagbuksan niya pa ako pinto at nilahad ang kamay pero hindi ko na kinuha yon kaya ko naman bumaba ng walang alalay niya eh.

Nang nakapasok na kami sa restaurant. Naramdaman ko na lahat ng tao nakatingin sa amin. Nahiya naman ako dun.

"Puputulin ko lahat ng leeg ng lalaking nakatingin sayo eh, Bakit kasi nakashort ka. Dapat pantalon na lang sinuot mo para hindi nila tignan ang legs mo. Nakakaasar." inirapan ko na lang siya nung sinabi niya yan. napaka demanding sa gusto kong ganito ang isuot ko eh.

Nang nakaupo na kami lumapit ang waiter at binigay yung menu.

"Anong gusto mo MeLoves!" Nilaksan niya talaga yung MeLoves para iparinig dun sa mga lalaking tumitingin sa table namin. Malaki na ang sira nito sa ulo.

"Bahala ka na lang kung anong gusto mo." kinakalikot ko lang cellphone ko kasi nagtext si Mila na kung pwede daw na ibili ng black shoes si Sean. Mga pasaway talaga eh.

Narinig ko naman sinabi ni Denzel doon sa waiter ang order namin. Nung binalik ko yung cellphone ko sa pouch nakasimangot lang siya nung tignan ko.

"What?" tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ang daya mo naman eh, dapat magselos ka din kasi tinitignan ako nang mga babae dito sa restaurant pero ikaw nakikipagtext mate ka lang kung kanino." Aba at nagcrossed arm pa siya.

"Importante yung tinext ko. At bakit naman kelangan ako magselos. may dapat ba akong pagselosan?"

"Oo dapat magselos ka kasi ako kasama mo. Ako nga nagseselos kasi tinignan ka nila oh. Kung may laser lang ako dito kanina ko pa nilaser mga mata nila eh."

"Para ka talagang sira." umiling na lang ako.

Hindi naman siya ganito dati eh, actually opposite kami noon. Ako ang selosa siya wala naman pakialam. Pero hindi naman yung way na sasabihin ko pang dapat magselos siya. Kahit naman na may nakatingin sa kanyang babae noon wala lang sa kanya basta ako yung ka-date niya.

Dumating na din yung order namin. 

"Say aahh MeLoves." nilapit niya naman yung kutsara sa bibig ko para subuan. Pero nilayo ko yun. "MeLoves naman eh, wala pa namang laway yung kutsara ko, ikaw ang unang susubo. Para namang hindi tayo naghalikan noon eh."

Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos sinubo na din yung nasa kutsara. Nakakahiya tong lalaking to.

"Alam mo MeLoves ang ganda mo ngayon."

"Ngayon lang?"

"oo ngayong lang"

"ah ganun.." babatuhin ko na sana siya ng ulam na nasa tinidor nung nagsalita ulit siya.

"Maganda ka ngayon kasi kasama mo ako, at dahil kasama mo ako alam kong kinikilig ka."

"Ang lakas din ng figthing spirit mo nu?"

"Oo naman kasi MeLoves kita eh."

"Bakit ka ba Meloves ng MeLoves jan. Ang baduy kaya."

"Hindi baduy yan, pinag-isipan ko talaga yan nu."

"Whatever."

Hindi na siya nagsalita at tinuloy na lang yung kinakain. Ganun na din ang ginawa ko subo lang ako ng subo.

"Wag mo nga akong titigan ng ganyan kanina ka pa ah." Paano ba naman kanina pa yan nakatitig nung natapos kaming kumain. Nainom kasi ako ng tubig ngayon tapos nakikita ko sa mga mata ko na nakatitig lang siya sa akin. Masyadong nakakailang.

"Minememorize ko lang mukha mo. Namiss ko masyado eh"

"Hay na ko ewan ko sayo."

Hinayaan ko na lang siyang tignan ako kahit naiilang ako. Wala naman akong magagawa eh kahit na sabihin ko gagawin niya pa din ang gusto niya.

"Alam ko na!"

Tinignan ko naman siya ng may pagtataka. Inurong niya yung upuan at idinikit sa pwesto ko.

"Umurong ka nga, ano bang ginagawa mo dito." Masyado kasing lapit yung mukha niya sa akin eh.

Nilabas niya yung cellphone niya tapos tinapat sa mukha namin.

"Ngiti ka MeLoves pipicture tayo. 1 .. 2 .. 3."

Nung naclick dali dali niya naman tignan. Tapos nakita ko namang sumingot na naman siya.

"Ayusin mo naman MeLoves. wag kang sumimangot. Ngumiti ka dali na. Isa pa ah.." tumango na lang ako tapos nagpicture nung nagclick na naman humarap siya sa akin na abot tenga ang ngiti.

"Ipapalaminate ko to MeLoves o di kaya ipapa-portrait, pero pwede din namang wallet size na lang para laging nakalagay sa wallet ko. Ay hindi pala ipapadevelop ko to kasing laki ng kisame sa kwarto para bago ako matulog at pagmulat ng mata ko ikaw agad makikita ako."

Umiling na lang ako. baliw na talaga to. Hays. Ang laki ata ng problema nito sa utak.

"uyyy MeLoves kiligin ka naman sa suggestion ko nu."

"Bakit naman ako kikilligin eh hindi naman nakakakilig. Denzel tigilan mo na nga to para kang bata eh."

Nakita ko naman na naging seryoso mukha niya.

"Simula ngayong araw na to liligawan kita."

"Ayoko nga..." Humarap ako sa kanya

"Bawal tumanggi MeLove kahit na ayaw mo at alam kong gusto mo liligawan kita."

Napatulala na lang ako doon. May choice pa ba ako? At anong gusto ko? Wala naman akong sinasabi sa kanya nun eh.

"Oh anong gagawin mo jan?" Nakita ko kasing kumuha siya ng tissue tapos tinupi tupi niya, may nakita din akong nirolyo niya parang stick.

Nakangiti pa siya habang nagtutupi ng tissue.

"MeLoves para sayo. Biglaan kasi to eh, ayan tuloy wala akong flower na dala." Binigyan niya ako ng flower pero gamit ang tissue.

"Magpapasalamat ba ako o ano?" Cute naman siya pero hindi naman ganun ka-perfect ang gawa niya.

"Kiss mo na lang ako." nagpapout pa siya sa akin nung tumanggi ako. Ano siya sinuswerte.

"Akin na nga yang flower." Hinablot niya naman sa kamay ko yung binigay niyang flower.

"hhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaa." Hindi siya sumigaw kundi hiningahan niya yung flower.

"Oh MeLoves ok na, kulang kasi sa amoy kaya ayan mabango na." abot tenge ang ngiti niya nung binigay niya sa akin. Actually hindi ko naman talaga kunukuha eh siya lang yung nagpupumilit na ibigay sa akin. Hiningahan niya na tapos bibigay niya sa akin.

"Ano ba yan Denzel ang baboy mo naman eh." Inabot ko ulit sa kanya pero tinutulak niya sa akin pabalik.

"Sayo yan MeLoves, wag kang mag-alala sa susunod tunay na bibigay ko sayo. Oh pano ba yan basta liligawan na kita ah. Bye."

Nagulat naman ako nung hinalikan niya ako sa pisngi tapos tumayo para umalis na.

Naiwan naman ako dun na tulala. Tapos inamoy ko yung bulaklak. Ang shunga ko din eh alam ko naman na hiningahan niya pero inamoy ko pa din. Ayos naman wala naman masamang amoy.

Baliw na din ata ako kasi inamoy ko pa at nakangiti akong tinitignan yung bulaklak. Kahit na tissue lang yun ok na din. Pagtiyagaan na.

"Uuuii si MeLoves inaamoy amoy pa. Kinikilig ka na no."  Bigla naman siyang sumulpot sa tabi ko. Tapos dumukwang pa ang mukha

"Ano ba bakit ka ba sulpot ng sulpot jan. Aatakihin ako sa puso eh. At anong kinikilig, duh tisssue lang to nu."

"Ok lang yan MeLoves. Ok lang kahit indenial ka pa basta loves pa rin kita."

"Ewan ko sayo. Kung ano-ano yang pinagsasabi mo. Kala ko ba aalis ka na bakit bumalik ka pa." Tinaasan ko siya ng kilay aba ang loko ngumiti lang.

"Naiwan ko kasi yung puso ko eh kaya binalikan ko. Tara na."

Hinila niya na ako palabas.

Sira talaga to. Pero buti na lang binalikan niya ako. Aba sinasama sama niya ako dito tapos iiwan wala pa akong dalang sasakyan. Baka masakal ko pa to.

Hawak kamay niya akong dinala sa kotse. Pero bago kami lumabas bumelat pa siya sa mga lalaking nakatingin sa amin o sa akin. Hayss sira talaga to.

---------------

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 59.2K 44
Billionaire Series #2 BY: SHANIAH_22 SHANIAH MARIE LOMBOY GUYS PLEASE! KUNG MAARTE AT ALLERGIC KAYO SA WRONG GRAMMAR AT MALING MGA SPELLING NG WORDS...
15.6K 460 46
WARNING: DI KO PA NA EEDIT KAYA EXPECT NA KAYO NA MAG CRINGE KAYO DYAN KASI NAMAN HO EH BAGUHAN AKO AT ETO AGAD ANG GUSTO KO ISULAT HAHAHA EEDIT KO Y...
534K 19.7K 29
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
811K 13K 60
Skyler Clyde Andrade Professor series #1 Warning: Read at your own risks Kath, a simple yet hardworking girl has to travel in manila to study and wor...