Class 2 - 3 | Tagalog Story

By hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... More

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Tired
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Smart One
Top 1
Lost Memory
Dancer
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Angelic Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Lies
Truth Hurts
Funny One
Happy Day
Lonely
Sporty
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Cracked Voice

77 1 0
By hwangeunbb

Jahz' POV.

Waaahh! Grabe bumilis yung tibok ng puso ko kanina ah. Bigla-biglang sumusulpot si Mr. Norman eh. Narinig ata niya lahat ng pinag-usapan namin ni Izza pero... parang hindi naman siguro lahat. Dahan-dahan akong lumingon kay Izza.

"Uy salamat sa pagsagot mo kanina ha. Dapat ako yung gagawa ng paraan para magpalusot kay Mr. Norman pero... tinulungan mo pa rin ako. Maraming salamat talaga.", Nginitian ako ni Izza.

"Sus wala yun. Malakas ka sa akin eh.", Natawa naman ako doon.

Pagkatapos sabay na naming tinititigan si Lyn nang seryoso. Balik trabaho na. Balik trabaho sa pag-iimbestiga kay Lyn. Hindi talaga ako titigil hanggang sa malaman ko ang katotohanan.

Lyn's POV.

Tapos na akong magpractice. Grabe napagod yung boses ko. Kailangan ko ng tubig. Dahan-dahan akong napatingin sa tubig na bigay ni Mr. Norman sa akin. Eto na lang yung iinumin ko. Ok lang kung malamig at least eto yung nagpabago ng buhay ko.

Agad ko nang ininuman yung malamig na tubig na bigay ni Mr. Norman sa akin. Pagkatapos tumayo na ako para maglakad papunta sa restroom. Kailangan kong maghilamos at maghugas ng kamay.

Seryoso akong naglalakad papunta sa restroom nang may biglang sumalubong sa aking tatlong babaeng estudyante. May hawak hawak silang tag-iisang ballpen at papel. A-anong ipapagawa nila sa akin sa mga yan?

"Lyn. Kanina ka pa namin hinahanap eh. Magpapaautograph sana kami. Naging idol ka na namin nung narinig namin yung angelic voice mo. Paautograph naman kaming tatlo.", Wow! Parang artista na pala ako dito sa school.

Nakangiti kong pinirmahan yung tag-iisang papel ng tatlo. Pagkatapos nagpaalam na sila sa akin.

"Maraming salamat, Lyn. Sana maging successful yung performance mo bukas. Susuportahan ka namin!", Nginitian ko sila tapos agad na silang tumakbo palayo sa akin.

Grabe may mga suporters na ako ngayon. Tingin ko hinding-hindi na ako kakabahan bukas dahil sa mga magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon. Hinding-hindi na talaga ako kakabahan.

Pagkatapos naisipan kong pumunta nang restroom. Malapit na ako pero may biglang tumawag sa akin. Sino naman yun?

"Lyn.", Parang kilala ko yung boses na yun. Dahan-dahan akong lumingon sa likod. Sabi na nga eh si Jahz.

"Jahz. Bakit may kailangan ka?", Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"May mga itatanong lang sana ako sayo.", Ano naman kaya yun?

"Hmm. Ano yun?", Lumapit siya sa akin tapos hinawakan niya yung braso ko.

"Gusto ko maging totoo ka sa mga sagot mo ha. May sinabi ba sayo si Mr. Norman nung nasa loob ka ng counseling room?", P-paano niya nalaman na galing ako doon?

"A-ano bang klaseng tanong yan? Jahz hindi pa ako pumupunta sa counseling room at tsaka hindi ko pa nakakausap si Mr. Norman.", Hinigpitan niya yung hawak niya sa braso ko.

"Lyn. Wag ka nang magsinungaling. Alam kong galing ka doon. Narinig ko yung boses mo doon kaya alam kong galing ka doon. Please gusto lang kitang matulungan.", Narinig niya pala ako pero hindi ko tratraydorin si Mr. Norman.

"Hindi nga ako pumunta doon. Tsaka baka guni-guni mo lang yung narinig mo. Baka hindi ako yun.", Inalis ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Pagkatapos tumalikod na ako para pumasok sa loob ng restroom pero tinawag ulit ako ni Jahz.

"Gusto kitang tulungan, Lyn. Ayaw kong mangyari sayo yung nangyari sa iba nating kaklase. Ayaw kong mabawasan nanaman yung mga estudyante sa Class 2 year 3. Please lang makipagtulungan ka na sa akin.", A-ano ba ang pinagsasabi ni Jahz?

"Please Jahz. Tigilan mo na ako. Nasabi ko na ang lahat kaya wag mo na akong guluhin pa.", Tumalikod na ulit ako.

"Bat umiinom ka na ngayon ng malamig na tubig? Yan ba ang sinabi ni Mr. Norman sayo o baka binigay niya yan sayo? Please Lyn tigilan mo na ang pag-inom nyan. Hindi ka nyan matutulungan.", Jan ka nagkakamali, Jahz.

"Jahz. Lahat ng style ng tao ay nagbabago at ang style ko nabago na kaya tigilan mo na ako.", Pagkatapos naglakad na ako papasok sa loob ng girl's restroom.

Jahz' POV.

Alam kong hindi nagsasabi ng totoo si Lyn. Tinatakpan niya si Mr. Norman. Tuluyan na bang nalason ni Mr. Norman yung utak niya? Bukas na yung performance niya baka kung anong mangyaring masama sa kanya. Hindi ko naman hahayaang mangyari yun.

Tingin ko... kailangan ko nang makausap si Mr. Norman.

Izza's POV. 

Saan nanaman kaya pumunta si Jahz? Iniwan ba naman ako sa loob ng classroom namin baka kung ano na yung ginagawa nun ngayon. Sa totoo lang, ngayon iba na din ang kinikilos ni Jahz. Parang may sinasabi siya sa akin na hindi ko naman alam o kilala.

Si Nin, Ruby, Leah, Faye, at Joie. Sino ba ang mga yun? Baka dati niyang kaibigan tapos ngayon lang niya nakwento sa akin pero... hindi naman nagtatago ng sekreto si Jahz sa akin eh. Baka... sa sarili ko yung may mali. Baka nakalimutan ko lang sila.

Tumigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan kong pinikit yung mga mata ko. Nin, Ruby, Leah, Faye, at Joie. Kilala ko rin ba sila? Alalahanin mo Izza. Alalahanin mo kung kilala mo din ba sila. Nanlaki yung mga mata ko nung biglang nagflashback lahat sa utak ko.

My goodness! Kilala ko nga silang lahat. Kailangan kong hanapin si Jahz. Nagmadali na akong kumilos para hanapin si Jahz. Hindi ko siya pwedeng pabayaan na gawin ang lahat nang mag-isa. Kailangan ko siyang makita.

Jahz' POV.

Buo na ang desisyon ko. Ako na mismo ang kakausap kay Mr. Norman. Aalamin ko kung ano ba talaga ang nangyayari dito. Gagawin ko 'to nang mag-isa. Katulad ng iba kong kaklase, wala din maalala ni isa si Izza kaya tingin ko kailangan ko tong gawin nang mag-isa.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa counseling room. Habang palapit ako nang palapit sa pintuan ng counseling room. Bumibilis yung tibok nang puso ko. Parang aatakihin ako sa puso. Hindi. Hindi na ako pwedeng umatras ngayon. Kaya mo 'to, Jahz.

Kakatok na sana ako pero may biglang humatak sa braso ko. My goodness! Sino yun? Dinala ako nang humatak sa akin palayo sa counseling room. Nawala yung kaba ko nung malaman ko na si Izza yung humatak sa akin palayo sa counseling room.

"Jahz. Tingin ko hindi pa ngayon ang tamang panahon para pumasok ka sa loob.", A-anong ibig sabihin ni Izza?

"P-paano mo yan nasabi?", Tumingin siya sa akin nang seryoso.

"Naalala ko na ang lahat. Yung tungkol kay Nin, Ruby, Leah, Faye, at Joie tsaka lahat ng mga kilos na ginawa natin para imbestigahan si Mr. Norman. Wag kang mag-alala. Sasamahan na talaga kita... palagi na yan promise.", Napangiti ako dahil sa sinabi ni Izza. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at niyakap ko si Izza dahil na rin siguro sa saya.

"B-buti naman... nakaalala ka na. Sige magkasama na tayong mag-iimbestiga.", Nginitian namin ang isa't isa.

Kinabukasan.

Lyn's POV.

Nasa loob ako ng dressing room tapos na akong make-upan ng make-up artist ng school. Tapos na din niya akong bihisan at ayusan ng buhok. Ang gagawin ko na lang ngayon ay maghantay hanggang sa tawagin na ako. Ang pagtawag na yun ay sign na magpeperform na ako.

Tinititigan ko lang yung sarili ko sa salamin. Grabe parang dati lang walang pumupuri sayo pero ngayon... madami na. Napangiti ako. Hindi ko ineexpect 'to pero masaya ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Alam ko habang buhay ko na tong mararanasan.

Nabigla ako nung tinawag na ako ng isang teacher. Magpeperform na ako. Bago ako lumabas sa dressing room syempre hindi ko nakalimutang uminom nang malamig na tubig. Yung tubig na bigay ni Mr. Norman. Pagkatapos kong uminom nakangiti na akong lumabas sa dressing room.

(Walang kamalay malay si Lyn na nakalimutan niyang isara nang mahigpit yung takip ng plastic bottle kaya tumulo nang tumulo ang tubig sa loob.)

Jahz' POV.

Magkatabi kaming umupo ni Izza sa loob ng social hall ng school. Kailangan kong makausap si Lyn pero umpisa na yung performance. Wala na akong magagawa kundi ang hintayin siyang matapos magperform. Tapos pagtapos na siyang magperform kakausapin ko na siya.

"Parang kinakabahan ako sa mga mangyayari dito.", Napatingin ako kay Izza nung bigla siyang magsalita.

"Kahit ako Izza. Masama yung pakiramdam ko sa performance na 'to.", Masamang-masama talaga.

Lyn's POV.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gitna ng stage. Grabe parang halos lahat ng mga estudyante sa school nandito. Kinakabahan tuloy ako pero alam kong hindi ako mapapahiya ngayon. Nakainom na ako ng tubig na bigay ni Mr. Norman eh.

Biglang nawala yung ngiti sa labi ko nung sumakit bigla yung lalamunan ko. Argh! A-anong nangyayari?!

"Are you ok, Lyn?", Tanong sa akin ng pianist.

"Hmm. I-I'm ok lang po.", Pagkatapos hinawakan ko na yung microphone.

Eto na. Kakanta na ako. Sa unang pagkanta ko. Maayos naman yung boses ko. Hanggang sa dumating na sa chorus ng kanta. Sabay sabay na nanlaki yung mga mata ng mga estudyanteng pinapanood ako nung biglang nasira yung boses ko.

Hala! A-anong nangyayari sa boses ko? Pero pinilit ko pa ding ayusin yung boses ko. Pero a-ang pangit na talaga. Nagulat ako nung biglang nagsigawan yung mga estudyante at yung iba pinagbabato ako ng papel.

"Please. Please, tama na. Tumigil na kayo. Please, wag niyong gawin 'to sa akin.", Hindi ko na napigilang umiyak. Pagkatapos tumakbo na ako pabalik sa dressing room.

Jahz' POV.

Anong nangyari kay Lyn? Eto na nga ang sinasabi ko eh. May hindi magandang mangyayari dito. Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong tumakbo palayo si Lyn. Hindi. Kailangan ko siyang sundan.

"Izza! Samahan mo ako puntahan natin si Lyn.", Napatingin siya sa akin agad.

Pero ang daming nakaharang sa dadaanan namin. H-hindi kami makalusot at makadaan. Ang dami kasing tao dito sa loob ng social hall. Kailangan kong puntahan si Lyn!

"Jahz! Hindi tayo makakadaan dito!", Lumingon ako kay Izza.

"Tulungan mo akong tulakin yung mga estudyante. Kailangan nating sundan si Lyn. Hindi ko hahayaang mawala siya.", Naging seryoso yung mukha ni Izza at nag-umpisa na kaming tulakin yung mga estudyanteng nakaharang sa dadaanan namin.

Lyn's POV.

Pagdating ko sa dressing room. Nanlaki bigla yung mga mata ko nung makita kong nabuhos yung tubig ko. Hindi! Hindi pwedeng mangyari 'to. Aaahhh! Napatigil ako sa pag-iyak nung makita ko si Mr. Norman na nasa harap ko.

"Lyn, are you ok?", Lumapit agad ako sa kanya.

"Sir. Hindi ito ang gusto ko. Ibalik niyo na lang ako kagaya nang dati. Ayaw ko na nang ganito. Hindi 'to ang gusto ko. Please Sir tulungan niyo ako.", Hinawakan ni Mr. Norman yung kanang kamay ko.

"Sumama ka sa akin Lyn. Sa pupuntahan natin... hinding-hindi ka na magkakaganito.", S-saan ako dadalhin ni Mr. Norman?

{Hindi nanaman ba maaabutan ni Jahz si Lyn? ABANGAN.}

-End of Chapter 18-

Continue Reading

You'll Also Like

105K 1.8K 101
Hugotera/Hugotero ka ba? Well, ito na ang librong para sa iyo. Naglalaman lang naman ito ng mga hugot tungkol sa Pag-ibig! Enjoy reading haha! Paala...
15K 463 12
ɴᴀɴɪɴɪᴡᴀʟᴀ ʙᴀ ᴋᴀʏᴏ ɴᴀ ᴛᴜᴍᴀᴛᴀɢᴀʟ ᴀɴɢ ᴘᴀɢ ɪʙɪɢ sᴀ ᴅᴀʟᴀᴡᴀɴɢ ᴛᴀᴏɴɢ ᴛɪɴᴀᴅʜᴀɴᴀ? ᴡᴇʟʟ sᴀ sᴛᴏʀʏ ɴᴀ ᴍᴀʙᴀʙᴀsᴀ ɴʏᴏ ᴅɪᴋᴏ ᴀʟᴀᴍ ᴋᴜɴɢ ᴍᴀɴɪɴɪᴡᴀʟᴀ ᴋᴀʏᴏ....sᴀᴅʏᴀɴɢ ᴍᴀᴘ...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...