Isang malaking sign na nagsasabing 410 pesos for 3 hours ang nakalagay sa motel kung saan pumasok ang taxi nila Riley at Miala.
Hindi alam ni Lenard kung anong force ang nagtulak sa kanya para sumunod. Nababaan niya pa ng tawag si Graciella kahit siya naman ang kumontak dito.
Sinalubong agad siya ng isang attendant na nagulat na wala siyang kasama pa.
"Hi sir, we have so many special rooms. May aquarium, space, gold room, etc. Ano po bang balak niyo? We also have 360 mirror rooms, at merong regular rooms lang din. Pero kung quickie lang sir, we our special budget room na 410 pesos, tatlong oras."
"Anong pinasukan ng mga kaibigan ko?"
"Ah! Kasama po kayo sa kanila?" Nagulat at nalungkot ang attendant dahil hindi ito makakabenta ng isa pang kwarto. Nasa mata nito ang pagaakalang magti-threesome sila.
"Oo!" Pero wala na siya sa oras na magpaliwanag. "Sila Miala 'yun hindi ba?"
Nagyosi muna si Lenard sa ilalim ng payong ng takatak boy sa tapat ng motel.
"Ah, baka gusto nyo rin." Naglabas ito condom. "Mas mura 'to kesa sa overpriced na binebenta nila diyan sa loob."
"Hindi kuya." Pagtanggi ni Lenard.
"Wow. Matapang." Hindi niya na rin pinansin ito at humithit. The cigarette smoking is something that he developed for the past few years.
And then his mind darts on Riley. Ang lalaking kung idescribe ni Graciella ay parang basketball player sa tangkad.
Tama, ito pa rin nga ang nakita niya sa Del Verde.
Ang totoo, this wasn't the first time he saw the guy. He actually went in Del Verde University, a year after he left Angeli. He didn't actually know, pero siguro akala niya madali lang siyang makakabalik sa dati niyang buhay. Baka kahit 1 year na siyang late sa pag-aaral, tatanggapin pa rin siya sa Del Verde sa kursong ipinasa nilang dalawa ni Miala.
Pero 'yun ang pagkakamali niya. Paso na siyempre ang slot niya sa College of Vetmed. Hinding-hindi na siya makaka-catch up dahil anong karapatan niya.
And from afar, he saw Miala. She is actually looking good. And really really happy. And he was with this guy.
Tinapakan niya ang natititrang cigarette butt nang matapos siya sa pagbabaliktanaw at tumakbo sa ulanan pabalik sa motel.
Inihiga ni Riley si Miala sa kama. He counts the hours. He knew Miala has a good alcohol tolerance because she is a drinker so she will wake her up before the 3-hour time limit is up.
Naglatag na lang si Riley ng kumot at humiga sa baba at nag-alarm.
Hind niya alam na may taong hindi mapakali sa labas. Iikot ng iikot si Lenard sa labas ng pintuan ng budget room nila Riley, hanggang sa napagdesisyunan niyang kumatok.
And he doesn't even know why's knocking?!
Dito napabalikwas si Riley. Ang totoo, nakatulog na siya. But when he checks the time, wala pa ngang 10 minutes. Sumakit ang ulo niya. Hind niya alam kung motel staff ba ito o ano.
Nagulat na lang siya nang si Lenard ang mapagbuksan.
Naginit ang dugo ni Riley. Gawa na rin siguro ng pagkakaabala sa pagtulog, nakadagdag ito sa lahat ng sinabi ni Miala kanina.
He cheated on Mia with her bestfriend.
'Yun lang ang tumatak sa utak ni Riley.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Kayo? Anong ginagawa niyo? Anong ginagawa mo sa kanya?"
Hindi pa niya maintindihan ang ibig sabihin ng sinasabi ni Lenard kaya hindi agad nakasagot si Riley. Pero nang magets niya. Lalong uminit ang ulo niya dito.
"Wow pare. For a cheater, ang dumi ng utak mo."
"Nagtatanong ako ng maayos ugok!"
"Wala kang karapatang magtanong about her!" Hindi namalayan ni Riley na nasapak niya na pala si Lenard. "Linisin mo muna 'yang madumi mong utak ah. Alam mong hindi ko puwedeng iuwi si Miala na lasing kay tita Mindy!
At sinara niya na lang ang pinto at tinignan si Miala. Mahimbing pa rin itong natutulog sa kama.
Lumabas si Lenard at nagbayad na lang siya ng 410 sa attendant.
"Sir, akala ko ba, kasama kayo sa kanila?"
Pero hindi na siya lumingon at tuloy-tuloy na lumabas. Nagtaka na lang ang clerk at binulsa ang pera.
As he drives, naiisip niya ang nanay ni Miala. Hindi man lang siya naging legal na boyfriend sa side ni Miala. Palaging tago 'yung pagkikita nila. Kahit nga as friends, takot itong ipakilala siya kaya kahit anino niya, hindi nito nakita.
Alam ni Lenard ang sitwasyon. At naiintindihan naman niya noong sila pa.
Nagiisang anak si Mia. Kaisa-isang kapamilya ng nanay nito. Of course she will be extra strict. They are from different schools mabuti na lang 'di tag friend dati sa fb at mas madali pang magtago.
Pero hindi niya lang gets ay paano parang naging legal na "friend" 'yung Riley na 'yun eh hypervigilant 'yung nanay ni Miala pagdating sa lalaki eh.
"Paano naging ganun?"
All he can do is wonder.
*later*
Very short update just to say that I'm back to the TThS business my, friends. I've already puchased a new laptop, It's name is Vini, in celebration of Vini's coming out heh recently:)
Sorry, I just have to put this on now, may signal jammer nga pala sa CCP so I prolly won't be able to update mamaya bec of Cinemalaya. It's 5:39am while I'm this kaya lutang-lutang pa, I need to brave Makati to Manila traffic pa!
All the best,
Glimmer
Next Update>> Chapter 22 - Family Matters on Aug 09, 2018