I'd Rather

By youngkyongji

152K 3.3K 165

Ayaw man ni Abraham ay pumunta siya sa bulubundukin ng Abra upang hanapin ang naglayas niyang kapatid. Sa pag... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 4

2.9K 68 1
By youngkyongji

"Hi!" mula sa malalim na pag-iisip ay ganoon na lamang ang gulat ko ng makita si Jonas. Malawak ang ngiti niyang umupo sa tabi ko.

"J-Jonas? Akala ko ba uuwi ka ngayon?" kinakabahan kong tanong.

Nag papanic kong pinunasan ang namuong pawis sa noo ko. Linagay ko ang laylayan ng buhok ko sa balikat at linigpit ang gamit ko. Katatapos lang ng P.E. namin! Sigurado at ang haggard haggard ko na ngayon.

"Mamayang gabi pa ako babalik sa Manila."

"Ah ganoon ba." umiwas ako ng tingin at pinagsiklop ang daliri ko.

Ilang taon na ang nakakaraan pero nagagawa parin niyang palambutin at pagharumentaduin ang katawan ko. Ilang taon man ang lumipas ay nandoon parin ang epekto saakin ni Jonas. Pilitin ko mang pigilan at ikubli ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko magawa.

Napakaunfair diba? Heto ako at umaasa na maibabalik parin ang dati. Hindi siya nangakong babalikan ako pero heto ako at naghihintay parin. Ni hindi ko nga alam kung may nararamdaman parin siya saakin.

Dahil kung meron man ay hindi siya manliligaw sa iba. Ipakilala saakin ang naging kasintahan niya at dalhin dito sa lugar namin. Ang tagal ko na ngang naghihintay sa kanya, eh. At hindi ko alam kung may mahihintay pa ako.

"Tapos na klase ninyo?" tumango ako.

"Oo. Nagpapahinga lang ako bago umuwi." ngumiti ako ng pilit at muling umiwas ng tingin.

Ayokong mabasa niya ang nasa mata at isipan ko. Ayaw kong malaman niyang mahal ko parin siya dahil sa huli ay ako lang ang magiging talunan.

"Ihatid na kita?" umiling ako.

"Huwag na, Jonas! Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"Please? Bago ako umuwi ay may gusto pa sana akong sabihin sa'yo." nagsimula akong kabahan.

"Anong sasabihin mo?"

"Tungkol sa nararamdaman ko sa'yo." napasinghap ako. Parang hihimatayin na yata ako sa bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Jonas, wala ka namang dapat na sabihin pa. May girlfriend kana… sapat na ang bagay na 'yon para malaman ko ang nararamdaman mo saakin." Tinagilid ko ang mukha at pinigilan ang pagtulo ng luha ko.

Kung pumunta man siya dito para ipamukha saaking hindi na niya ako mahal ay mas mabuti siguro kong iwan na lang niya ako.

"Nag hiwalay na kami ni Natalia, matagal na, Lena. Bago pa ako bumalik noon sa Manila ay wala na kami." napaawang ang labi ko at mabilis na tumingin sa kanya.

"Hindi porke't nag ka girlfriend na ako ng iba ibig sabihin ay minahal ko na sila. Lena, ikaw ang una kong minahal. At sabi nga nila ay First love never die… naniniwala ako sa kasabihang 'yan dahil hanggang ngayon ay mahal parin kita." kinuha niya ang kamay ko at dinala sa labi niya. Sa sobrang gulat at hinablot ko ang kamay at lumayo sa kanya.

Ano itong sinasabi niya? Matapos ang ilang taon ay ngayon niya lang ito sasabihin?

"Jonas…"

"Sinunod ko ang sinabi ni Papa. Ang lumayo muna, sa isip nila ay dulot lamang ng kapusukan ang nararamdaman ko sa'yo. Sabi nila teenage hormone lang daw iyon at natural lang. Pero sabi ko hindi at totoo kitang mahal. Dahil kung dala lang iyon ng pagiging teenager ay sana hindi na kita mahal ngayon, Lena." tumulo ang butil ng luha sa pisngi ko.

"Lumuwas ako ng Manila at nangako ako sa sarili kong… kapag may napatunayan na ako sa sarili ay babalikan kita. Babalikan ko ang babaeng una at huli kong mamahalin. Lena, I'm sorry dahil ngayon ko lang ito nasabi sa'yo. Baka kasi ipagtabuyan mo ako. Natatakot ako na baka hindi mo na ako mahal. Ngayon handa na akong harapin si Aling Mayet at sabihin sa kanya ang mga plano ko."

"Anong plano?" ngumiti siya at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Na liligawan kita at kapag nakagraduate kana ay dadalhin kita sa Manila at pag-aaralin."

Napasinghap ako at naitulak siya. Tama ba itong naririnig ko at hindi ako nananaginip?

"Lena, seryoso ako." umiling ako.

Kailanman ay hindi ako umasa kay Jonas. At hindi ako papayag sa gusto niya. May plano na kami para sa pag-aaral ko ng kolehiyo. Ang kursong kukunin ko at kung saan ako mag-aaral.

"Jonas, ayoko. Kung ano man ang plano mo ay itigil mo." yumuko siya at napahawak sa batok niya. Kitang kita ko ang pagkadismaya niya sa sagot ko.

"Alam kong nakakabigla pero totoo ang sinabi ko, Lena. Kahit sa panliligaw ka na lang sana pumayag." mas lalo akong napasinghap.

Hindi ko inasahan ang bagay na ito. Oo disi-nwebe na ako. Nasa legal age na ako. Kung tutuusin ay pwede ko ng gawin lahat ng gusto ko. Hindi mahigpit si Mama at Papa saakin, pero pagdating sa ligaw-ligaw na 'yan ay doon lumalabas ang pagiging mahigpit ni Mama.

"Jonas… hindi ganoon kadali. Alam mong ayaw ni Mama ang bagay na 'yan."

"Alam ko. Kaya nga kakausapin ko siya mamaya." nanlaki ang mata ko. "Atsaka babalik pa ako sa Manila. Bibigyan naman kita ng oras para makapag-isip isip. Kung sakaling pumayag si Aling Mayet ay kaagad akong uuwi dito at sisimulan ko ang pagsuyo sa'yo."

Napayuko ako at nagpigil ng ngiti. Kabisadong kabisado ko si Jonas at kung ano man ang sasabihin niya ay talagang papanindigan niya. Naniniwala naman ako sa kanya. Si Mama lang talaga ang mahirap makuha ang tiwala lalo na kung ako na ang pinag-uusapan.

"Bahala ka." ang tangi kong nasabi. Ngumiti siya at kinuha ang libro ko.

"Hatid na kita sa bahay?" nangunot ang noo ko at tumayo.

"Bahay ninyo?"

"Oo. Nandoon Mama at Papa mo, may kasama silang lalaki."

Kasama nila si Abraham? Bakit anong sadya nila sa bahay nila Jonas?

"Kilala mo 'yon?" tanong niya habang naglalakad.

"Oo, si Abraham."

"Sino 'yon? Bago dito?"

"Oo. Hinahanap niya kapatid niya naglayas daw kasi at dito pumunta. Nakita namin siya ni Papa sa bundok. Nasira sasakyan niya ninakaw ang ilang piyesa ng makina kaya doon muna sa bahay nakatira habang hinahanap kapatid niya." napahinto sa paglalakad si Jonas. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Nakatira siya sa bahay ninyo? Paano kung masama ang lalaking 'yon at pagnakawan kayo?" bahagya akong tumawa.

"Hindi naman. Kung sana 'yon ang balak niya edi ginawa na niya sana."

Depensa ko kay Abraham. Saka wala naman sa mukha niya ang bagay na 'yon. Pagnakawan kami at pagsamantalahan? Malabo.

Nang makarating sa bahay nila ay kaagad niya akong hinila papasok ng gate. Namitas siya ng bulaklak at binigay saakin

"Sa-salamat." namumula ang pisngi kong sabi.

"Lena!" napatingin ako sa bahay nila Jonas. Lumabas si Mama, nasa likuran niya si Papa. Nang mapansin si Jonas sa tabi ko ay kinabahan na ako.

"Magandang hapon po, Aling Mayet, Mang Julio." bati ni Jonas.

"Magandang hapon din, iho." sagot ni Mama at pinandilatan ang hawak kong bulaklak. Hysterical akong pumwesto sa tabi niya.

"Hihintayin ko na lang po ang balita, kung kinakailangang bayaran ko ang mga tauhan niyo ay gagawin ko mahanap lamang kapatid ko." napatingin ako sa likuran.

Lumabas doon si Abraham kasama ang ama ni Jonas. May kung ano silang pinag usapan. Nag kamayan bago bumalik si Kapitan sa bahay.

Nang mapansin ako ni Abraham ay nangunot ang noo niyang tumingin sa hawak kong bulaklak. Bumaling ang tingin niya kay Jonas. Pinag ekis ang kamay sa dibdib at lumapit saamin.

"Tapos na? Maari na ba tayong umuwi." sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko.

Hindi man niya sabihin ay alam ko ang nais iparating ng paghawak saakin ni Mama. Gusto na niya kaming umuwi.

"Opo." sagot ni Abraham at tumayo sa tabi ko.

"Mauuna na kami, Jonas. Ingat ka sa biyahe mamaya." tumango si Jonas.

"Sige po, mag iingat din po kayo sa pag-uwi." binaling niya saakin ang tingin at ngumiti ng pilit.

"Iyong pinag-usapa  natin ah?" pinanlakihan ako ng mata ni Mama ay humigpit ang hawak sa braso ko.

"O-oo!" umalis na si Jonas at iniwan kami. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng mawala siya sa paningin ko. Diyos ko. Aatakihin yata ako sa sinabi niya.

"Anong pinag-usapan niyo?" agarang busisi ni Mama. Umiling ako. Tinago ang bulaklak sa likod ko.

"Po? Wala! Nag kamustahan lang!" umiwas ako ng tingin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko at sigurado akong magtatanong ng magtatanong si Mama. Hindi pa man nasasabi ni Jonas ang plano niya ay nagagalit  na si Mama. Paano na lang kung malaman na ni Mama na gusto ulit akong ligawan ni Jonas?

"Tara na, Mayet." hinila ni Papa si Mama at nauna na sa tricycle. Binuga ko ang kanina ko pang pinipigil na paghinga.

"Boyfriend mo?" tanong ni Abraham. Umiling ako. Ayoko na munang pag-usapan ang nagyari.

"Manliligaw?" muli akong umiling. Tumawa siya at kinuha saakin ang libro ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Kaibigan? Friends with benefits?" anas niya saka ako iniwan.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Anong friends with benefits ang sinasabi niya?  Hinabol ko siya at sinubukang pigilan kaso mabilis siya at nakaupo na sa likuran ng sasakyan. Umupo na lang din ako sa tabi ni Mama.

Wala kaming imik hanggang sa makauwi. Pati habang kumakain ay tahimik si Mama. Gusto ko siyang kausapin at magpaliwanag ngunit pinigilan ko ang sarili.

Sana ay maisip ni Mama na hindi na ako bata. Dalaga na ako at kaya ko nang protektahan ang sarili. Sana maisip niya na minsan ay kailangan ko ring magdesisyon para sa sarili.

"Gabi na. 'Di ka pa ba matutulog?" liningon ko si Abraham na ngayon ay kakaligo lang. Kumuha siya ng tasa at nagsalin ng kape.

"Nag-aaral ako."

"Nanaman?" natatawa niyang sabi. Umupo siya sa tapat ko hawak hawak ang tinimpla niyang kape. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti ng peke.

"Feel at home, ah?" tumaas ang sulok ng labi niya.

"Binigyan ko ng pera Mama mo. Renta ko habang hinahanap kapatid ko. So yeah… I can do and eat whatever I want."

"Hindi paupahan itong bahay namin." sinimangutan ko siya. Binaling ko ang atensyon sa binabasa ko ngunit ilang beses ko mang basahin ang isang paragraph ay hindi ko iyon maintindihan.

Ano bang ginagawa niya dito at iniistorbo ako?

"Sabihin nanating tulong ko iyon."

"Kamusta paghahanap mo sa kapatid mo?" pang-iiba ko ng usapan. Hindi rin lang naman ako mananalo sa usapang ito.

"No findings. Pumunta kami kanina sa kalapit na baranggay. Wala siya doon." muli ko siyang tinignan. Ginulo niya ang sariling buhok at linagay ang dalawang kamay sa batok ng nakayuko.

"Baka naman wala talaga siya dito?" sinulyapan niya ako.

"Sabi ni Dad ay nandito siya. Hindi pwedeng magkamali mga tauhan ng ama ko dahil kapatid ko ang nakataya dito." natutop ko ang dila sa seryoso at lamig ng boses niyang sabi.

Hindi naman sa sinasabi kong mali ang pagiimbestiga ng mga tauhan ng ama niya. Sinasabi ko lang naman ang opinyon ko.

"Sana mahanap mo na siya."

"Bakit? Pinapalayas mo na ba ako?" napasinghap ako ngunit tinawanan niya lamang ako at tinikman ang kape niya.

"Hindi ah! Gusto ko lang na mahanap mo na kapatid mo. Huwag mo namang masamain ang sinabi ko!" inismiran lamang niya ako.

Ngumuso ako at napayuko. Hindi naman na siya sumagot kaya binalik ko na lang ang atensyon sa binabasa ko. Quiz namin bukas at kailangan kong maperfect iyon. Nang sulyapan ko siya ay nakatitig lamang siya sa inninom. Nang silipin niya ako at nahuling nakatitig sa kanya ay tumikhim ako upang ikubli ang kabang nadarama.

"Uhm… magkasama kayo kanina ni Bethy?" umayos siya ng upo. Hindi inasahan ang tanong ko.

"Hindi? Bakit dapat bang magkasama kami?" tinaasan niya ako ng kilay. Kinagat ko ang dila.

Mukhang hindi niya yata
nagustuhan ang tanong ko! Eh sa wala kaming mapag-usapan. Ayoko namang magtanong sa personal niyang buhay at baka isipin niyang pakialamera ako.

"Uhm… natanong ko lang. Mukhang close na kayo eh." yumuko ako. Ayokong maging bitter pero nagmumukhang ganoon ang tono ng boses ko.

"Ayokong kasama 'yon… maingay, madaldal. Gusto ko 'yong tahimik, kagaya mo."

Sa sinabi niyang iyon ay mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Sinalubong niya ang titig ko. Malalim ang mata niya at nagtatagis ang panga. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong anyo ng mukha. At imbes na matakot ay may kung anong humihila saakin upang salubungin ang madilim niyang mata.

"Huh? Paano mo nasabing hindi ako madaldal?" inismiran niya ako. Dumako ang tingin niya sa labi ko.

"Manipis at maliit labi mo. Ibig sabihin mahinhin kang magsalita." binasa pa niya labi niya bago tumayo. Tinalikuran niya ako.

"Good luck diyan sa inaaral mo. Matulog kana at gabi na. Good night, Magdalene." makahulugan niyang sabi bago ako iniwan.

Ngayon ko lang din napansin na the whole time na nag-uusap kami ay pigil pigil ko ang paghinga at mabilis ang kabog ng dibdib ko. Napabuntong hininga ako at umiling. Bakit nagagawa akong pakabahin ng ganito ng isang estranghero?

Continue Reading

You'll Also Like

18.7K 922 19
||Matured Contents|| Diego Lance Traviesco was your most famous and infamous playboy. He was handsome, attractive, charismatic, and confident, which...
88.2K 2K 28
You're The Only One Book Two. Enjoy!
91.9K 2.5K 34
Majestic Five (2) Out of curiosity, Yasha Rodriguez became involve with Devon Au the man who have an issue about being abusive and violent towards hi...
36.7K 1K 25
They say your downfall is what turns you into a monster. And that's what happened to Aeniere Kizume, the second heir of Kizume Mafia Clan. But is she...