Class 2 - 3 | Tagalog Story

By hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... More

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Tired
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Smart One
Top 1
Lost Memory
Dancer
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Cracked Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Lies
Truth Hurts
Funny One
Happy Day
Lonely
Sporty
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Angelic Voice

105 1 0
By hwangeunbb

Jahz' POV.

Seryoso kong pinapakinggan si Lyn habang kumakanta sa loob ng counseling room. B-bakit siya nandirito? P-pinapunta ba siya ni Mr. Norman? Nanlaki yung mga mata ko nung biglang sumagi sa isipan ko na baka si Lyn na yung susunod na biktima ni Mr. Norman.

Hindi ko naman hahayaan yun. Nagulat ako nung may biglang tumawag sa akin. My goodness! Sino yun? Agad akong lumayo sa pintuan ng counseling room at humarap sa tumawag sa akin. Hay naku~ si Izza lang pala.

"Anong ginagawa mo jan?", Tumatambay.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?", Binalik ko lang naman yung tanong niya sa akin.

"Hinahanap kita. Andito ka lang pala. Magpapatulong lang ako sa lesson natin kanina. Hindi ko gaanong naintindihan tsaka no.1 ka naman sa klase. Alam kong matutulungan mo ako. Tulungan mo na ako please...", Hay naku~

"Sige sige. Tutulungan na kita. Halikana balik na tayo sa classroom.", Nginitian ako ni Izza. Pagkatapos sabay na kaming naglakad pabalik sa classroom.

Lyn's POV.

Natapos din ako sa pagkanta pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang boses ko yun knina. H-hindi naman ganun kaganda yung boses ko. Alam ko na maganda talaga yung boses ko pero yung kanina talaga eh.

Para bang may pumasok na angel sa katawan ko tapos bigla na lang akong nagkaroon ng angelic voice. Grabe ang ganda talaga ng boses ko kanina.

Napatigil ako sa pag-iisip nung magsalita bigla si Mr. Norman. Napatingin ako sa kanya.

"Wag na wag kang mahihiyang iparinig yang maganda mong boses sa madaming tao. Malay mo madiscover ka pa dahil sa ganda ng boses mo.", Tama si Mr. Norman pero may itatanong lang ako.

"P-pero Sir p-parang hindi ko naman boses yung lumabas kanina.", Napangiti siya bigla. M-may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Boses mo yun Lyn. Pinaganda ko lang.", Pinaganda mo? H-huh?

"H-hindi ko kayo maintindihan, Mr. Norman. A-ano po ba yung ibig niyong sabihin?", Hindi ko talaga naintindihan yung sinabi niya eh.

"Yung malamig na tubig na ininom mo kanina. Yun ang tumulong sayo para mas gumanda lalo yang boses mo.", Huh? Eh malamig na tubig yun.

"P-paano po ako natulungan nun?", Hindi ko magets.

"Hindi pangkaraniwan yung tubig na yun. Ako lang ang mayroong ganun tubig. Tutulungan ka nun na magkaroon ng napakagandang boses at tutulungan ka din na magkaroon ng lakas ng loob.", Hala p-parang gusto kong humingi ng ganyang tubig. Parang kailangan na kailangan ko yan.

"Kayo lang po ang mayroong ganyan. P-pwede po ba akong makahingi? Tingin ko po bagay na bagay para sa akin yung tubig na yan.", Sobrang bagay talaga.

"Bago mo makuha yun. You need to sign a contract first.", Contract?

"Anong pong klaseng kontrata?", Dahan-dahan niyang inabot sa akin yung contract na sinasabi niya.

Ah eto pala yung contract. Nakasulat dito panghabang buhay ko tong magagamit. Edi habang buhay ding magiging maganda yung boses ko. Parang ang ganda nun ah.

"Sige po. Tatanggapin ko na po tong kontrata. Pwede po ba akong makahiram ng ballpen para mapirmahan ko na?", Nakita ko na nginitian lang ako ni Mr. Norman.

Nagulat ako nung biglang nahiwa yung balat ng isa sa mga daliri ko. Ouch! Tapos tumulo yung dugo sa contract. Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong nakasulat na sa kontrata yung pangalan ko. Hala p-paano nangyari yun? A-ang galing naman.

[Contract Accepted] Lyn.

"Good. Ok you may go now. Eto na yung tubig mo.", Kinuha ko na yung tubig. Pagkatapos hinatid ako ni Mr. Norman palabas sa counseling room.

Paglabas ko bigla akong napalingon ulit sa kanya nung tinawag niya ako.

"Lyn.", Lumingon agad ako sa kanya.

"Yes Sir?", Lumapit siya sa akin.

"Yung tubig na yan. Wag na wag mong hahayaang mabuhos o mabawasan ng hindi mo iniinom. Ayaw kong may mangyaring masama sayo.", Nakaramdam ako ng takot nang dahil sa sinabi ni Mr. Norman.

"Promise Sir, hindi ko makakalimutan ang paalala niyo sa akin.", Pagkatapos dahan-dahan na akong naglakad palayo sa kanya.

Eto na ang simula ng bagong Lyn.

Jahz' POV.

Kasama ko si Izza sa loob ng classroom namin. Nandon din yung iba kong mga kaklase. Yung iba nagkwe-kwentuhan, yung iba naman tahimik lang. Ginawa ko ang sinabi ni Izza, ang tulungan siya. Tinuruan ko siya pra mas maintindihan niya yung lesson namin kanina.

"Yung nasa baba ididivide mo lang sa taas. Pagkatapos iadd mo sa kanan. Yun na makukuha mo na yung sagot.", Nakangiting tumingin sa akin si Izza.

"Waahh... ganun lang pala kadali 'to. Salamat bestfriend ha!", Nginitian ko din siya.

Sabay kaming napatahimik nung marinig namin na parang may kumakanta sa labas ng classroom. Wait parang boses ni Lyn yun ah. Boses nga ni Lyn. Sabay kaming napatayo ni Izza at tumingin sa isa't isa.

"Akala ko ba hindi kumakanta sa madaming tao si Lyn?", Sabi ni Izza.

"Hmm kaya nga. Siya pa nga ang nagsabing pumapangit yung boses niya kapag kumakanta siya sa harap ng madaming tao pero bat ngayon?", Nakakapagtaka naman.

Dahan-dahan kaming lumabas ni Izza sa classroom. Nakita namin na masayang-masayang kumakanta si Lyn sa harap ng mga estudyante. Parang nakakapanibago naman 'to. Hindi naman ganito si Lyn eh. Nanlaki yung mga mata ko nung mapansin ko na may hawak hawak siyang malamig na tubig.

Malamig na tubig? Bawal yun sa mga singer ah.

"Izza tingnan mo. May hawak hawak na malamig na tubig si Lyn. Bawal yan sa mga singer diba?", Tumingin sa akin si Izza.

"Malay mo, nagpapalamig lang siya ng ulo.", Hay naku~

"Izza nman eh.", Ang ganda ng sagot niya eh.

"Joke lang! Oo nga bawal sa mga singer yung malalamig na tubig. Tingin mo ininuman niya yun?", Nakita ko may bawas na eh.

"Hindi tayo sure doon. Kailangan nating alamin.", Galing siyang counseling room. Kailangan ko talagang alamin.

Lyn's POV.

Hay~ grabe ang ganda ng pakiramdam ko ngayon. Nagawa kong kumanta sa harap ng madaming tao. H-hindi na ako nakadama ng takot at hiya dahil sa tubig na binigay ni Mr. Norman. Parang nabago yung takbo ng buhay ko. Nakakapagpagaan naman ng kalooban. Hay~

Nakangiti ako habang naglalakad sa corridor n school. Napahinto ako bigla nung lumapit sa akin yung Music Teacher namin. May kailangan ba siya sa akin?

"Lyn, andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap.", Sabi niya.

"Bakit po Ma'am? May kailangan po ba kayo sa akin?", Nginitian niya ako.

"Oo. Kailangan na kailangan kita para kantahan kaming lahat. Narinig ko yung napakaganda mong boses kanina. Please kumanta ka sa harap ng mga tao.", Ibig sabihin nun niyayaya akong magperform ni Ma'am sa harap ng mga tao.

Wow! Parang gusto ko yun ah!

"Syempre po Ma'am papayag ako! Minsan lang mangyari sa buhay ko 'to. Hindi ko po pwedeng tanggihan.", Nginitian ulit ako ni Ma'am.

"Sige. Bukas ka magpeperform ha. Maghanda ka na ng kakantahin mo. Salamat, Lyn", Pagkatapos naglakad na palayo si Ma'am sa akin.

Minsan lang talaga mangyari sa buhay ko yun. Kailangan ko nang maghanda. Dali-dali na akong kumilos para magpractice.

Jahz' POV.

Kasama kong naglalakad si Izza sa corridor. Wala kaming magawa sa loob ng classroom kaya naisipan naming maglakad-lakad muna dito sa labas tsaka mainit sa loob ng classroom. Kailangan din naman namin ng hangin baka magkasakit pa kami dahil sa sobrang init.

Bigla akong napahinto sa paglalakad nung hinawakan bigla ni Izza yung kanang braso ko. Anong problema? Agad akong humarap sa kanya.

"Uy anong problema?", Tumingin siya sa akin.

"Tingnan mo tong bagong poster.", Agad kong tiningnan yung bagong poster na sinasabi ni Izza.

"Angelic Voice featuring Lyn. May performance siya bukas?", Napatingin kami ni Izza sa isa't isa.

"Hmm. Parang ngayon lang naging ganito si Lyn ah. Hindi naman siya ganito dati eh. Sa katunayan nga, mahiyain yun pagdating sa talent niya.", May point doon si Izza.

"Tama ka. Kailangan nating alamin kung bakit siya naging ganun.", Nagtaka bigla yung mukha ni Izza.

"P-paano naman natin yun gagawin?", Ay oo nga pala. Wala pala siyang maalala sa mga nangyari dati.

"Wag kang mag-alala, akong bahala sayo.", Inakbayan ko si Izza.

Sinamahan ako ni Izza para puntahan kung nasaan si Lyn. Nasa garden siya ng school. Nakaheadset at parang pinapractice na yung gagawin niyang performance bukas. Pasekreto namin siyang tinitingnan.

"Jahz. Tingnan mo may malamig na tubig nanaman siya oh.", Hmm. Nakita ko din nasa tabi niya.

"Madami na talagang bagong kinikilos si Lyn ngayon.", Napatingin sa akin si Izza.

"Ano sa tingin mo ang nagpabago sa kanya?", Dahan-dahan akong tumingin kay Izza.

"Alam kong galing siyang counseling room nasa isip ko baka may... kinalaman si Mr. Norman sa mga pagbabago nangyayari kay Lyn.", Nagtaka nanaman yung mukha ni Izza.

"Huh? Si Mr. Norman. Ano naman yung kinalaman niya dito?", Sabay kaming nagulat ni Izza nung may nagsalita sa likod naming dalawa.

Sabay kaming lumingon ni Izza sa likod namin. Nanlaki yung mga mata naming dalawa nung makita namin si Mr. Norman.

"Parang... narinig ko yung pangalan ko sa inyong dalawa. May problema ba kayo sa akin? Jahz, Izza?", A-anong isasagot ko?

"Ah Sir pinag-uusapan lang namin ni Jahz kung gaano kayo kagaling sa pagtuturo. Alam niyo ba Sir madami akong natutunan sa inyo. Gusto niyo isa-isahin ko?", Napatingin ako kay Izza. Kaya ba niyang isa-isahin lahat?

"No need. Alam ko namang matalino kang bata, Izza. Parehas kayo ng kaibigan mong si Jahz.", Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya.

"Sige mauna na ako.", Pagkatapos naglakad na palayo si Mr. Norman sa amin ni Izza.

{Magiging successful ba ang performance ni Lyn? ABANGAN.}

-End of Chapter 17-

Continue Reading

You'll Also Like

105K 1.8K 101
Hugotera/Hugotero ka ba? Well, ito na ang librong para sa iyo. Naglalaman lang naman ito ng mga hugot tungkol sa Pag-ibig! Enjoy reading haha! Paala...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
24.4K 1.2K 71
Zhaolyn Sseoji ay isang Multo, Aalamin nya Kung bakit Sya namatay at Kung sino Ang pumatay sa kanya, Si Park Haneul ay isang magaling na Pianonist n...