Cassandra

By Stoutheart

56.5K 1.8K 317

Lies save their love and their lives. Cassandra Margarette Acuesta. The woman who broke his heart. The woman... More

Cassandra
-- Prologue
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven

One

6.5K 181 17
By Stoutheart

Love. Four letter words that can ruin every pieces of your soul. A word that wreck you in every possible way. A word can kill you. Slowly, deeply, painfully.

"Franco Van Vero!" Matinis kong hiyaw habang tumatakbo palapit sa dose anyos na si Franco na kasalukuyang nasa ilalim ng punong mangga. Nakaupo s'ya at kausap ang nakatatanda kong kapatid na si Carrina-- Si ate Carrina. Magkasing edad sila ni Franco kaya siguro sila ang palaging magkasama. Sila ang palaging bati. Habang ako? Palaging saling pusa lang.

Hindi nila ako pinansin. Patuloy lang sila sa pagtatawanan. Napakunot-noo ako at binilisan ko ang lakad papunta sa kanila. Mabilis akong umupo sa gitna nilang dalawa. Natawa naman si ate sa ginawa ko. Kinabig n'ya ako at hinaplos ang mahaba kong buhok.

Walong taon lang ako pero, nakakaramdam na ako ng paghanga kay Franco.

"What brought you here Arette?" Nakangiting tanong ni Ate.

Sinulyapan ko si Franco at kitang-kita ko ang nakasimangot n'yang mukha.

"Franco told me to be here." Nakasimangot kong sagot.

Narinig ko ang malakas na 'Tsk' mula kay Franco kaya napakunot lalo ang noo ko at matalim s'yang tinitigan, ngunit alinsabay n'on ay ang pag-irap n'ya sa'kin.

"Ee bakit nga?" Kulit ni ate.

Lumingon ako sa kanya at umayos nang pagkaka upo. Hindi sinasadyang natabig ko ang braso ni Franco, at pakiramdam ko may mumunting kuryenteng dumaloy doon.

"Sabi n'ya kasi kukuhanan n'ya ako ng mangga!" Ungot ko. Tinawanan ako ni ate dahil d'on.

Maganda si ate Carrina. Kahit twelve years old lang s'ya, dalagang-dalaga na ang tindig n'ya. Mahaba at natural na kulot ang buhok nito. Mayroon itong malalim na biloy sa magkabilang pisngi kagaya ng kay Mama. Hindi s'ya maputi, hindi rin maitim. Maganda ang kulay ng kanyang balat at makinis. Namana n'ya 'yon kay papa. Ako kasi ay maputi na namana ko naman kay mama.

Maganda rin ang katawan nito. Mataas s'ya. Halos kasing tangkad n'ya si Franco. Ang magkaparehas lang yata sa'min ni ate ay ang kulay ng mga mata. Kulay asul kasi iyon. May lahi kasing espanyol ang lola namin na mama ni papa.

"Franco will get what you want Arette. Hintayin lang natin na medyo lumilim dahil mainit pa oh." Nakangiti n'yang saad.

Marahas akong huminga at ngumuso. "Pero pag ikaw ang umungot, kahit umuulan nanginginig pa si Franco para lang maikuha ka ng gusto mo. So unfair!" Umikot pa paitaas ang mata ko tanda na hindi ko nagustuhan ang sagot ni ate.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Franco at hinatak si Ate palayo. Naiwan akong nakaupo r'on.

Humarap si Franco sa'kin. "You are so annoying! P'wede ka namang magpakuha sa iba, bakit sa'kin pa? hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami ng kapatid mo?" Seryoso n'yang saad sa'kin.

"Hindi naman kayo nag-uusap. Naglalandian kayong dalawa!" Sigaw ko na sinabayan ko nang tayo at mabilis na tumakbo palayo.

Naririnig ko pa ang pag-sigaw ni ate sa pangalan ko, pero, hindi ko na sila pinansin.

Magmula noon ay palagi ko nang inaaway si ate. Pakiramdam ko kasi ay kaagaw ko s'ya sa lahat ng bagay. Sa atensyon ng mga magulang namin at sa mga taong nakapaligid sa'min. Tumatak sa isip ko na dapat maungusan ko s'ya, dapat mas matalino, maganda at mas madami akong naachieve kesa sa kanya.

Inggit. Iyon ang namutawi sa batang isip ko. Lumaon ay naging galit iyon. Galit na Hindi ko akalain na dadalhin ko sa aming paglaki.

Mas lalo kong ipinilit ang sarili ko kay Franco, kahit palagi n'ya akong pinagtatabuyan ay ayos lang. Sunod parin ako nang sunod sa kanya, ginagawa ko ang lahat mapansin n'ya lang ako, para sa'kin mapunta ang kanyang atensyon.

Lalo akong hindi kinaibigan ni Franco. Kapag nasa bahay ako ay madalas n'yang ayain lumabas sa bahay si ate. Ni hindi nila ako sinasama.

Highschool.

Nasa junior high na sila ni ate. They were 16 that time. I was 12, a freshman student. Same school. Parati ko silang nakikitang magkasama. Lalong naging gwapo si Franco. Ma's mataas na s'ya kay ate. Varsity player s'ya habang si ate ang Campus queen kahit na junior palang s'ya .

At ako?
I'm the bitched one. Maldita ang tingin nila sa'kin. Walang may balak na maging kaibigan ako dahil masama raw ang ugali ko.

Mayabang porke't mayaman. Matapobre porke't may pera.

Pero sa lahat ng iyon ang masasabi ko lang ay 'wala akong pakialam'. They only know my name, but not the real Cassandra, not my real story.

Pero kahit na gan'on ang ugali ko, may mga tao paring nakakaintindi sa'kin. Sila ang matatawag kong best friend.

Si Jesarhel-- Tinatawag namin s'yang pastora. S'ya ang tinagurian naming epitome of Good Samaritan. Hindi makabasag pinggan. Parang lahat ng sasabihin nya ay mapapa sign of the cross ka nalang.

Amara-- Hindi bitched pero aminado s'yang malandi s'ya. Nakakatuwa lang, na isa lang ang nilalandi n'ya si--Marcus.

Azalea (Sia)-- S'ya 'yong kaugali ko. She's bitched. Warfreak pa nga minsan lalo, kung aawayin ng ibang classmate namin si Jesarhel. S'ya ang protector naming tatlo..

Grade 10--

College na si Ate at Franco. Doon ko nalaman na mayroon na silang relasyon. Pumayag si Daddy at Mommy. Lalo akong nagalit. Basta talaga pagdating sa kagustuhan ng kapatid ko, panay lang sila oo. Pagdating sa'kin panay ang hindi.

Kagaya nalang noong gusto kong sumali ng Dance Troupe. Sabi ni Daddy makakaapekto lang 'yon sa pag-aaral ko kaya 'di nila ako pinayagan. Pero, ang pagsali ni Ate sa mga pagent suportado pa nila.

Mabait naman si Ate, pero kasi sobrang naiingit ako sa kung anong meron s'ya. Sa mga taong nagmamahal sa kanya na gusto ko ring mahalin ako.

Naiinggit Ako, dahil sya palagi yong nakikita. Pero ako? Kahit ibigay ko na yong best ko, palagi akong second choice. Hindi kailanman ako naging una.

Una kay Daddy.
Una kay Mommy
Una kay Franco.

College..

Mas tumindi ang nararamdaman ko kay Franco. Lantaran na ang panlalandi ko sa kanya sa tulong ni Sia. Palagi n'ya akong itinataboy na tinatawanan ko lang, dahil alam kong hanggat hindi pa sila kasal ng kapatid ko, may pag-asa paring mapasakin si Franco.

Mahal ko talaga s'ya. At kahit sino babanggain ko para lang mapasakin si Franco. Makasarili ako, Oo. Ganito ako magmahal at walang kahit na sino ang pwedeng humusga sa klase ng pagmamahal na mayroon ako.

Noong mga panahong ding iyon, nakilala ko Javier Aravello. Naging magkaibigan kami. S'ya ang naging sandalan ko sa bawat araw ng kagaguhan ko. S'ya ang naging bahagi ng plano na mapasakin si Franco. S'ya ang tumulong na lalo kaming mapalapit. S'ya ang tumulong na magkasira si Ate at Franco..

Ngunit ang lahat ng iyon ay may kapalit...

Kapalit na habang buhay ko nang pagbabayaran...

------

Violent Reaction.

Continue Reading

You'll Also Like

169K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.3M 31.1K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
799K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...