Eight

5.7K 218 114
                                    

-- Hers.

Napaigik ako sa sakit at tuluyang nagising nang maramdaman ko ang kirot sa pagitan ng aking mga hita. Ang halimaw naman kasi ni Franco. Para bang isa s'yang Leon na natigang sa matagal na panahon at kagabi lang nakatikim ng sex. Tang-ina! Nakakalibog pala ang pagseselos! Assuming pa ako na magseselos s'ya pero halata ko naman e. Nagselos ang mokong kaya dinala ako sa langit para lang saktan ng ilang ulit.

"D--Damn!" Ungot ko. Hindi ko talaga kayang bumiling sa kabila. Nangangawit pa naman ako sa pwesto ko. Tapos ang bigat pa ni Franco na nakadagan yata ang buong katawan sa akin. Ginawa pa akong kama.

Pinilit kong magmulat ng mata, ngunit sadyang mabigat ito. Kinapa ko ang katabi ko ngunit matigas na bagay ang nahawakan ko. Kumapa pa ako ulit ngunit mabilis na may humawak sa braso.

"Damn! Ang aga-aga Cassandra. Pagod pa ako." Namamaos nitong saad. Napaismid ako kahit na ang bigat ng talukap ng aking mata.

"Ang sakit ng katawan ko." Ungot ko dito. Narinig ko ang Pag tsk nito at ang dahan-dahan nitong pagbiling ng katawan ko patungo sa kanyang dibdib. Kumilos ang katawan nito. Ang nakadantay nitong bigat sa akin ay unti-unting nawala. Ito na ang kusang pumihit sa katawan ko para makabiling sa kabila. Hindi parin ako nagmulat ng mga mata. Napahinga ako nang malalim nang humalimuyak sa ilong ko ang napakabango nitong dibdib. Kahit na umaga at wala pa itong ligo ay ang bango-bango talaga.

"Sleep." Bulong nito. Hinawakan nito ang braso ko at s'ya na mismo ang nagpalupot nito sa kanyang bewang. Hindi pa ito nakuntento at inabot pa nito ang binti ko at ipinalupot sa kanyang binti.

"Aww." Mahinang igik ko nang may panggigil nitong pinisil ang pisngi ng pwet ko.

"Damn! Kakagil." Bulong nito. Napangiti naman ako at sumiksik sa kanyang dibdib bago muling hinila ng antok.

-------

"Tang ina Cassandra, ngingiti ka o iuuwi kita sa condo?" Sia was hissing and throwing deadly glare at me. Napahinga naman ako ng malalim at pilit na ngumiti. This is our wedding day. Sa batangas ginanap ang venue. Halos iilan lang ang naging bisita namin. Mga close relatives and friends lang namin ang nandoon. Ito naman ang napag-usapan namin ni Franco ang maging pribado ang kasal namin kahit na noong engagement night ay sinabi n'yang imbitado lahat nang naroon. Ate was here too. Umuwi s'ya kagabi but we never talk. She just looking at me kagabi and I feel guilty about what happened, pero nandito na e. Hindi ko na mababago ang naging desisyon ko.

Bumiling ako sa katabi ni Ate Sia para tingnan si Sarhel. Parang kailan lang ay s'ya ang baby namin pero ngayon. She's a grown up woman. I guess love change a person.

"You should be happy. Mamaya Mrs. Franco Van Vero kana." utas ni Sia. Nakangiti ito, ngunit mababanaag ang lungkot sa mga mata. 'Yong tipong may pag-aalinlangan. Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti.

Muli kong ibinaling ang paningin ko sa malaking salamin sa aking harapan. Pilit kong itinatago ang paghikbi at pag-iyak sa aking lalamunan. Hindi dapat ako umiyak dahil noong una palang naman ay ito na ang gusto ko. Ang maging kami ni Franco sa huli. Hindi ko dapat iyakan ang isang bagay na ginusto ko at nakuha ko sa maling paraan. Napabuntong hininga ako at malayang pinagmasdan ang reflection nang sarili kong nakasuot ng off shoulder na puting gown. Simple lamang iyon ngunit humakab sa magandang kurba ng katawan ko. Ang makinis kong likod ay malayang naka expose. Wala rin akong belo, ngunit may flower crown na nakalagay sa aking ulo na kumbinasyon ng kulay pula at puting mga bulaklak.

"It's time." Baling ni Sia sa akin. Kahit papano ay naging okay ako dahil nandito si Sia at si Sarhel. Silang dalawalang talaga ang kayang umintindi sa kung anong desisyon ko. Hindi naman ako galit kay Daddy at Mommy kung magalit sila. Naiintndihan ko sila bilang magulang. Alamkong mali ako sa anumang anggulo. Walang magulang na susuportahan ang pagkakamali ng kanyang anak lalo pa nga at mahal nila ito. Bilang magulang natural lamang na magdamdam ito kung ang kanilang anak ay nagkamali.

Inabot ko na ang kamay ko kay Sia. Nanginginig akong tumayo. Inalalayan ako ni Sarhel sa kabila. Hindi si Daddy ang maghahatid sa akin. Ayaw ni Mommy. Paninidigan ko daw ang ginawa ko. Aattend sila, pero hindi makikisaya.

"Fucking smile Cassandra. You deserved to be happy." Bulong ni Sia nang may panggigil. Pilit naman akong ngumiti sa kanila. Mabuti na nga lang simpleng gown ang suot ko. Hindi ang wedding dress na pangarap ko, pero okay narin ang lalaking mahal ko naman ang pakakasalan ko.

Nang lumabas kami ng suit ay sinalubong kami nang napakalawak na hardin. Nalalatagan ito ng pinong berdeng bermuda grass. Ang malawak na kalangitan nagkukulay kahel ay bumagay sa pula at puting motif ng mga upuan na malayang nakalatag sa hardin. May pulang carpet din na nagsisilbing daanan ko. Sa dulo noon ay nakatayo ang judge. May pa arkong nakalagay doon na punom-puno ng bulaklak. Iilan lang talaga ang bisita. Tantya ko ay 5 lamesa lamang ang naroon na may tig-limang upuan.

Nang pumainlanlang ang instrumental na tunog nang on this day ay para na talaga akong maiiyak. Pumalibot ang paningin ko at nahagip ko ang walang emosyong mukha ni Mommy. Bahagya naman nakangiti si Daddy. Parehas silang nakaputi. Nandoon sila sa unahan. Magkahawak ang kanilang mga kamay at diretsong nakatingin sa akin. Sa kaliwang bahagi naman ay nandoon ang kapatid ko. Nakapulang dress ito. Nakasabog ang kulay itim na itim nitong buhok. Ang mga mata nitoy wala sa akin kung hindi na kay Marcus.

Nang hatakin ni Sia at Sarhel ang braso ko ay nagsimula na kaming lumakad. Tutok na tutok ang paningin ko kay Franco ngunit wala sa akin ang atensyon n'ya. Wala rin akong bridesmaid. Wala rin kahit na ano. Si Franco ay naghintay na lamang sa tabi ng Judge. Wala rin ang mga magulang nito. Tanging ang kaibigan lang nitong si Kiel ang naroon at ilang business partners na hindi ko naman kilala.

Nang makalapit na ako sa kanya ay walang pasubaling hinigit nito ang braso ko. Ngumiti ako nang matamis upang maitago ang sakit. Dumikit pa ako sa palapit sa kanya. Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang mga palad. Hindi ko na tinapunan nang tingin ang kapatid ko o ang kahit na sino. Ni hindi ko na nga rin nagawang pasalamatan sila Sia, ang gusto ko nalang ay matapos ang araw na ito at maging asawa si Franco.

"You are Mine." Nakangiti kong bulong dito. Bumaling ang tingin n'ya sa akin at ngumisi.

"You're wrong. I'm not yours. I'm hers." Malumanay nitong saad sabay lingon sa kapatid ko na ngayon ay kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata tanda ng pag-iyak.

"I'm always hers Cassandra. Para sa kanya lang." Mariin nitong dagdag. Gustong-gusto ko nang bitawan ang palad ni Franco dahil pakiramdam ko ay namanhid ako ng buo. Gusto kong umiyak, pero hindi maari. Ngumiti ako sa kanya. Sa kanila.

"Soon. Soon baby, sasabihin mo rin sa akin 'yan." Nakangiti kong usal dito. Ngumisi lang naman ito. Nang humarap kami sa Judge ay wala na akong naintindihan. Manhid na manhid na ako sa lungkot at sakit. Bawat katagang binibitiwan ko ay parang nakarecord lang. Ni hindi ko narinig ang sinabi Franco. Ang alam ko lang ay natapos ang kasal na masakit na masakt at manhid na manhid ang buong pagkatao ko. Na parang pinatay ako nang ilang ulit.

_________________

I was thinking of a character. Damn. Si Bobby ang naiisip ko, kaso he's too pure.

Haha.
So enjoy :))

CassandraWhere stories live. Discover now