Hell University (PUBLISHED)

By KnightInBlack

169M 5.5M 4.3M

A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal... More

Work of Fiction
Hell University
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 27
Suggestions (Edited)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Facebook ni Kuya KiB
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Sequel
FAQs

Chapter 32

2.3M 73.9K 41.5K
By KnightInBlack

Chapter 32: Celine

Zein's Point of View

Sigurado akong narinig kong may sumipol sa loob ng gubat na ito. Maaring sya talaga ang may-ari kay Hoy pero sino sya?

Pinagpawisan ako ng malamig nang dahan-dahan akong naglakad papasok sa gubat na bahagi ng HU. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim na mas nagpapadagdag sa takot na nararamdaman ko.

Napasigaw ako nang may humawak sa braso ko. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin.

"C-Celine." Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak nya.

Nanatili itong nakangisi hanggang sa bahagya na itong natawa bago nagseryoso.

Celine is really weird.

"Kilala mo ba ang may-ari nang pusang 'yon?" Tanong nya kaya mabilis na umiling na lang ako.

Bahagya syang natawa sa sagot ko.

"That cat was owned by Lux. The former Supreme Student Government President..."

Kinilabutan ako nang marinig ko 'yon. Humalukipkip sya sa harap ko.

Ang dating Supremo? Sa kanya ang pusang 'yon? "Asan na ang dating Supremo?" Tanong ko.

Hinawakan nito ang baba nya na animo'y inaalala, mejo tumingin pa sya sa taas bago biglang pinitik ang kanyang daliri na animo'y naalala na nya. "Patay na." Natatawang sagot nya.

Mejo napaatras ako nang marinig ang sagot nya. Si Hoy, ang alagang pusa ni Lux na dating SSG President ay pumanaw na.

Pero--- Napatingin ako sa likod ko kung saan pumunta si Hoy. Sino ang tumawag sa kanya kung patay na ang amo nya?

Muli kong ibinalin kay Celine ang aking mata. "A-Anong kinamatay nya?" Sunod na tanong ko.

Umiling ito sa akin. "Pinatay sya... Si Violet, Francisco. Sila ang pumatay sa kanya." Sagot nito. "Maging ang kasintahan nitong si Samantha ay pinatay nila, maging ang Late Headmaster Valdez na ama ni Lux, walang awa nilang pinatay." Dugtong pa nito.

Nanuyo ang lalamunan ko matapos marinig 'yon. Pinatay nila? Hindi lang isa, marami. Gaano na ba karami ang napatay nila?

"Gusto mong malaman ang lahat?" Tanong nya kaya mabilis na tumango ako.

Tumingin si Celine sa kalangitan. "Ilang minuto na lang at bloody night na." Sambit nito bago ibinalik sa akin ang tingin.

"Please," Pagmamakaawa ko.

"Fine." Sagot nito. "Kitain mo ako bukas ng ala una ng hapon sa library. Sasabihin ko sa'yo lahat ng nalalaman ko." Nakangising bulong nito sa tenga ko.

Hindi ako gaanong pinatulog ng mga sinabi ni Celine. Kaya pala ganon na lang ang naging reaksyon ni Madame Violet nang makita si Hoy dahil kilala nya ang may-ari ng pusang 'yon, ang taong pinatay nila.

Pero kung patay na si Lux, sino ang sumipol sa loob ng gubat? Maari kayang may bagong nag-alaga rin sa pusang 'yon?

Naglalakad na ako papunta sa SSG Office. Napangiti ako nang makita ang mga booth na inayos ng bawat klase. Ngayon kasi ang Booth Day kung saan kailangang mag present ang bawat klase ng booth.

Ako ang gumawa nito, gusto ko kasing makita ang ngiti sa labi ng mga estudyanteng matagal nang nakakulong sa impyermong hawla na ito, mukhang hindi naman ako nabigo dahil kahit papaano ay napapangiti ang mga kalahok.

Pipihitin ko na sana ang door knob nang SSG Office nang marinig kong nag-uusap sa loob. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naririnig ko sila.

"Don't do this, Supremo. Ipapahamak mo lang ang sarili mo." Dinig kong sambit ni Vice Ty.

"I know." Walang ganang sagot ni Supremo.

Ano bang pinag-uusapan nila?

"You know the rule Supremo!" Dinig kong sigaw ni Teacher Kath. "Nalabag nya ang pinakaimportanteng rule! Tinutukan ka nya ng kutsilyo! Respect the President is the most prioritized rule and she just broke it!" Dugtong nya.

Hindi ko alam pero sumikip ang aking dibdib. Alam ko na kung ano ang pinag-uusapan nila. Ang kamatayan ko.

"You will lose your power."

"I can live without this position.."

Nabingi ako sa sinabi ni Supremo at ang mas nakakapagtaka ay ang mabilis na pintig ng puso ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Bakit, Supremo? Ano ba para sa'yo si Secretary Shion?" Seryosong tanong ni Teacher Kath.

"She is my secretary." Ramdam ko pa rin ang kawalang atensyon ni Supremo sa sinasabi nila Teacher Kath at Vice Ty.

"Alam na ito nila Headmistress at Mr. Francisco. You will sink if you continue protecting her..."

"Well I don't care, I am not going to lose her... not now... not tomorrow... not in my plan."

Hingal na hingal na napahawak ako sa lababo ng CR. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, ang pula ng mukha ko, nakakabingi ang pintig ng puso ko at ang pinaka nakakapagtaka... Why am I smiling like a shit?

Nahawa na ata ako kay Celine. Speaking of Celine!

Kailangan ko ng pumunta sa library. Inayos ko ang aking sarili.

Pagkapasok ko sa library ay agad na sinalubong ako ng librarian. May itinuro sya kaya sinundan ko 'yon. Si Celine, nakaupo sa dulong table at halatang may hinihintay.

Bahagya akong yumuko sa harap ng librarian bago umupo sa harap ni Celine.

Nakasandal ito sa mono block na upuan at nakapikit ang kanyang mata.

"You really want to know?" Iminulat nya ang kanyang mata. Sinalubong ko naman ito at ipinakita na handa na akong madagdagan ang nalalaman ko.

I wonder, bakit ang daming alam ni Celine? Maybe dahil matagal na sya rito pero iba ang nalalaman nya sa nalalaman ng iba.

Bigla ko tuloy naalala na dahil sa kanya ay tuluyan na akong nakulong sa impyernong ito. Ang unang lihim na sinabi nya sa akin, ang lihim ng HU.

"Sina Dominique, Violet at Francisco ay parte ng Administrasyon noon. Pinamumunuan sila ni Dr. Quizon, sinabi sa kanila ni Dr. Quizon ang tungkol sa plano nya, ang planong makumpleto ang formula at magamit itong sandata para mapasakamay nya ang mundo..."

"Kabaliwan, sa tingin ba nya masasakop nya ang buong mundo dahil lang sa paglikha ng isang gamot na maaring bumuhay sa patay?" Sambit ko.

Kahit na anong isip ko ay wala akong makitang point na magagawa nya ang minimithi nya.

"Nagkakamali ka dyan," sumilay sa labi ni Celine ang isang ngisi. "Anyone would pay any amount just to have that, anyone would kneel down him just to have that medicine. They would even praise Dr. Quizon for that such excellent experiment. They would treat him like a god that could bring back death's life." Nakangising sambit nya.

Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko. May mga tao ba talagang makikipagpatayan para makuha lang 'yon? Bigla ko tuloy naisip kung sakaling makumpleto ang sangkap nito at mapasakamay ng demonyo. Tama sila, magkakagulo ang buong mundo.

"Dahil sa likas na kapangyarihan ng gamot na ito, maraming naging interesado, even Mr. Valdez, Violet and Francisco. Mautak talaga si Dr. Quizon, alam nyang tatraydorin sya ng mga ito kaya itinigil nya ang experimento. Nakatunog ang tatlo kaya gumawa sila ng hakbang para makuha ang formula ng pambihirang gamot na ito na humantong sa pagpatay. Mr. Valdez, Violet, and Francisco killed their headmaster just to have the formula which is obviously incomplete..."

Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig. Alam ko na ganito ang nangyari pero akala ko mabait si Mr. Valdez, bakit maging siya ay nasilaw dito?

"Bilang pangalawa sa mataas si Mr. Valdez, sya ang humalili kay Dr. Quizon, kasama sina Violet at Francisco at ipinagpatuloy nila ang research sa nawawalang formula at the same time ang iisang taong nakakaalam ng secret ingredient para makumpleto na ito."

"Akala ko ba mabait si Mr. Valdez? Bakit nya pag-iinteresan ang gamot na 'yon? Para sa kapangyarihan?"

"No. Dahil gusto nyang buhayin ang kanyang asawa na naka preserve ang katawan,"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Kaya pala gusto nyang makumpleto ang sangkap para magamit sa kanyang asawa.

"May-isang anak si Mr. Valdez, Luxury Valdez na noon ay SSG President na... hanggang sa dumating na ang tatlo na naligaw rin sa impyernong ito, pero ang tumatak lang na pangalan sa lahat ay ang pangalang Samantha..."

Samantha...

"Katulad mo rin sya, demonyo." Mahina itong natawa sa sinabi nya. "Naging napakalaking implowensya nya kay Supremo Lux, ang matamlay na Supremo ay biglang nabuhay. Nakumbinsi nya si Lux na kausapin ang kanyang ama na itigil na ang lahat dahil mas pinapahirapan lang nila ang kanilang sarili..."

Samantha... Samantha.. Hindi pa kita nakikita pero inaamin kong hinahangaan na kita.

"Kinumbinsi ni Lux ang kanyang ama na noon ay parang nagising naman sa isang bangungot, pinlano nilang buksan ang HU, lingid sa kaalaman nila na may dalawang tao na nagpaplanong pigilan sila. The devil couple, Violet and Francisco."

Psh.

"Nabuksan ang HU sa loob lang ng ilang araw ngunit muli ring nagsara dahil sa kamatayan ni Mr. Valdez, Lux, at Samantha... They killed them."

Nakarinig kami ng kaluskos mula sa bintana malapit sa amin, biglang tumakbo ang kung sino mang naroon kaya mabilis kaming tumakbo ni Celine palabas para habulin sya.

Hingal na hingal kami sa pagtakbo nang namalayan na lang namin na nasa masukal na bahagi na kami ng HU.

"S-Sino sya?" Hinihingal na tanong ko.

"Kilala ko sya..."

Napatingin ako kay Celine dahil sa sinabi nya. Nanatili ang kanyang mata sa malayo.

"Sino?"

"Hindi ko alam kung ano ang pangalan nya basta lagi ko syang nakikita.... nakasunod sa'yo."

Nangilabot ako matapos marinig ang sinabi nya. Napaawang ng konti ang aking bibig dahil sa gulat.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Kapag nakikita kita, naroon din sya. Hindi mo sya napapansin pero nasa tabi-tabi lang sya... ang tanong--- Ano ang kailangan nya sa'yo?" Kunot-noong sambit nito.

"Hindi ko alam."

Napatingin ako sa hawak ni Celine nang bigla nya itong itago sa likod nya.

"Ano 'yan?" Tanong ko. Napatingin ako sa mata nya at nakita ko ang takot dito.

Nagulat ako nang hinawakan ako sa braso ni Celine at hinila palabas ng masukal na bahagi ng HU na 'yon habang tumatakbo kami ay hindi ko maiwasang mangilabot.

Nararamdaman ko na hindi lang kami ni Celine ang nandito, meron pang iba. Hindi lang isa o dalawa, maraming mata ang nakatingin sa amin.

Hingal na hingal na binitawan ni Celine ang kamay ko. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

"S-Sino sila?"

"H-Hindi ko alam pero nakakatakot..." Napansin ko ang panginginig ng katawan ni Celine. "Nakakakilabot. Zein, kapag may nangyaring masama sa akin, paki sabi kay Supremo patawad." Malungkot nyang sambit.

"H-Huh? Ano bang pinagsasabi mo?!" Naguguluhang tanong ko.

"Kailangan kong masiguro ang hinala ko. Z-Zein. Ngayon lang ako kinilabutan ng ganito," Napansin ko rin na nanginginig ang kamay nyang nakatago sa likod nya dahil sa ayaw nyang ipakita sa akin kung ano 'yon. "May mali. Isang napakalaking mali." Bigla syang muli tumakbo papasok ng kakahuyan.

"Celine!"

Napaupo na lang ako sa lupa. "Anong gagawin mo, Celine?" Wala sa sariling tanong ko sa hangin.

Ilang oras akong nakatayo sa labas ng gubat kung saan pumasok si Celine na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.

Binabalot ako ng takot at pinipigilan ko ang sarili kong sundan sya. Asan na ba sya? Bakit hindi pa sya bumabalik? May nangyari bang masama?

Napatingin ako sa langit nang biglang may pumatak na tubig hanggang sa tuluyan na ngang umulan ng malakas. Umihip ang malamig na hangin at ramdam ko na ang pangangatog ng aking katawan.

Ayokong umalis, hihintayin ko ang pagbabalik ni Celine.

"C-Celine." Mariin akong napapikit bago nagsimulang tumakbo papasok ng gubat.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay mas nagpapadagdag sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko maaring pabayaan si Celine, kailangan ko syang tulungan.

Sa isang iglap ay nagdilim ang lahat. Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko.

Anong nangyayari?
----

A/N: Huwag kayong mag-alala, tatapusin ko ang HU... Sa tamang panahon.

/04-22-16/

Continue Reading

You'll Also Like

18.3K 576 16
Ang pag-ibig na tunay, hindi mawawala habang buhay. Date started: July 01, 2020 Date Finished: September 13, 2020
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
8.2K 97 12
Frozen is a 2013 American 3D computer-animated musical fantasy-comedy film produced by Walt Disney Animation Studios and released by Walt Disney Pict...
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...