"Ano ang gagawin natin!?"-Ang tanong ng lahat
VICE'S POV
Gulong gulo at katatakutan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa alam kung na saan na sila Nanay at ang mga kapatid ko ano na nga ba nangyari sakanila? nakatakas ba sila at nakaligtas? Tapos ito pa ang problema! dahil sa ingay nitong ngangabu na 'to! na stranded kami dito sa bahay ko kalokaaa!
"Vice ano na ang gagawin natin?" Ang tanong ni Anne Sakin
Binatukan ko ng slight si Anne
"Eh kung hindi ka sumigaw sigaw sa labas..di sana mangyayari 'to! kung higupin mo kaya sila gamit yang bibig mo!.."Ang punchline ko kay Anne
"Vice!? nakuha mo pa mambasag ganito na nga sitwasyon natin!" Sumingit naman si Karylle
Napatingin naman ako kay K. at napatahimik ako.
Alam kong alalang alala na rin siya kay Tita Zsa Zsa at sa mga kapatid niya..
Napatingin naman kaming lahat ng nagsalita si Billy
"Guys kailangan natin gumamit ng matutulis na bagay o Baril!..Vice..may baril ka ba?"-Ang tanong ni Billy Sakin
"So ano ako pulis?..wala!..matutulis na bagay lang tulad ng mga kutsilyo!"-Ang sagot ko naman.
Napatingin nanaman ako kay Karylle
"Vice!? kaylangan na natin mag seryoso dito!..wala na tayong oras sa pagiging pilosopohan mo."-Ang sabi sakin ni K.
Ayy ewan ko ba bakit ganito si K.!
"Sa lahat ng seryosong bagay!, sana isang malaking biro itong nagaganap ngayon!"-V.
"Mga kuys! mag aaway pa ba tayo dito!?..eh kung yang mga zombie na yan ang awayin natin at hindi tayo!.."-Vhong
"Nag aaway ba kami?.."-Ang sabi ko
Napatingin silang lahat sakin..nakakalokaa!..
"Joke lang!..oo na magseseryoso na ko!..kaloka mga 'to!.."-Ang sabi ko.
-End of Vice's Pov -
Napatihimik ang lahat ng may narinig sila wang wang ng kotsye ng pulis galing sa labas ng bahay ni Vice
Kaya lahat sila napasilip sa bintana..
Tumigil ang kotsye sa harap ng bahay ni Vice
Pero hindi makalabas ang mga pulis dahil sa mga zombie na nag abang na rin sakanila...
Pumunta naman ng kusina agad si Billy, at Vhong sa kusina para mag hanap ng maari nilang gamitin pang laban sa zombie
At sumunod naman si Anne kila Vhong at Billy.
At naiwan sila K. at Vice sa bintana na nakasilip sa pulis
-Karylle's Pov-
Napatingin ako sa mukha ni Vice at nakita kong sumeryoso ang mukha nito. Pero sumasagi pa rin sa isip ko..Ano na nga ba nangyari kay Mommy at sa mga kapatid ko. S-Si Yael? ano na rin kaya nangyari sakanya...
"V-vice.."-Ang sabi ko..
Napatingin naman sakin si V.
"What if..kung may nangyari na kay Mommy.." naiyak iyak na sabi ko..
Humarap bigla sakin si Vice..at hinawakan ang kabilang pisngi ko,pinunasan ang tumulong luha..at nagkatitigan kami
"Shhh..wag mo sabihin yan..isipin mo nakaligtas sila at nasa mabuting kalagayan sila..Be Positive Karylle.."-Ang sabi ni Vice
Ang gaan gaan talaga ng loob ko kay Vice..pero nainis lang talaga ako sakanya kanina kasi nakukuha niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon.
-End of Karylle's Pov-
Bumalik silip ang dalawa sa binatana..Pero..may biglang sumulyap na zombie sa bintanang sinisilipan nila at pinaghahampas hampas ng zombie ang bintana gamit ang kanyang mga kamay na may mga dugo..
"Aaaaaaaaayyyyyyyy"-Ang sigaw ni K. at napayakap kay V.
Nataranta ang dalawa..kaya sumunod na ito kila Billy para maghanap na rin
Kinuha na nila lahat ng matutulis na bagay .
Habang naghahanda sila..
May narinig na silang putok ng baril galing sa labas..
kaya napasilip ang mga ito ulit..
nakita nilang sumugod ang pulis na nakasakay sa kotsye..
"Nakakalokaa!..dalawang pulis lang..pero ang lakas ng loob makipag laban sa mga zombie ito"-Vice
"Kailangan na natin makaalis dito ..mas delikado dito maaring makapasok sila sa pamamahay na ito"-Billy
"Eeehh..ano pa po ba hinihintay natin?"-Neggy
Lahat na sila may hawak na panglaban sa mga zombie.
sinimulan na nila buksan ang pinto..
Napatingin ang mga zombie sakanila dahil naamoy sila
bumilog naman sila bilang defensa sa mga lalapit na zombie
Bawat zombie lumalapit sakanila ay tinatarget nila ito sa ulo para mamatay
at nang nakarating na sila sa Gate binuksan na nila ito..
Tumakbo naman agad agad si Vicey sa Hammer niya at kinapkapan ang sarili niya dahil hinahanap ang susi ng kotsye..
habang nagkakakap si V, ay..may zombie na palang papalapit sa likod niya nakita ito ni K. kaya napasigaw ito.
"Viceeeeee!"-K.
Na alert naman si vice at napatingin sa likod niya at nakapag defensa naman agad si Vice
nabitawan ang hawak niyang pang patay sa zombie kaya naman ay napasandal si Vice sa hammer niya habang nakikipaglaban ng tulukan sa zombie. para di siya makagat nito
Nang lumapit naman si K. at sinaksak ito sa ulo
bumagsak na ang zombie at napatingin naman sila V. at K. sa zombie
At nagkatitigan sila , yinakap ni V. si K.
At napalapit na rin sila Billy,vhong,anne,buern,donna,At Neggy
"Vice buksan mo na biliss!"-Billy
*Hinahanap ang susi*"-V.
"Vice! bilisan mo!"-Anne
natataranta naman si V. sa pag kapkap ng sarili niya para hanapin ang susi
"B-Buern! yong susi!?"-Vice
"Meme! hindi ko alaam!"-Buern
"Donnaa?!"-Vice
"D-Di ko rin alam meme!"-Donna
"Memee!! nasaakin pala *binigay yong susi kay V.*-Neggy
*Batok ng very light kay Neggy*sira ulo ka talaga!"-V.
*BEEP BEEP*
Na Unlock na ang pinto kaya'y pumasok na sila sa loob ng kotsye at nakahinga rin ng maluwag
At sinimulan na ni Vice inaandar ang sasakyan at umalis na sa lugar na iyon .
"Saan tayo?"-Vice
"K-Kailangan natin ng baril?..."-Billy
"San naman tayo maghahanap? -_- "-Vhong
-FastForward-
Napadaan sila sa Condo ni Vice
Napa I-stop sila dahil may mga sasakyan ng pulis na nakakalat..
Pinarada muna ni V. sa gilid ang hammer niya
At sinimulan nila mag search ng mga Baril sa sasakyan ng pulis na nakakalat..
May mga nahanap silang Baril at mga bala na rin.
Nang biglang..
*ENG ENG ENG ENG ENG*-Alarm ng kotsye ng pulis.
"P-paano na yaan!?...."-Anne
Nagsimula na magsi ungol ang mga zombies palapit sakanila..
"D-doon tayo sa condo ko!."-Vice
Nagsi takbo na rin sila..habang hinahabol sila ng mga zombies
nadapa naman si K.
Napatingin naman si V. kay K.
"Karyllle!! tayoo!"-V.
"H-Hindi ko na kaya Vice"-K.
"Guys! bilisan niyo! malapit na silaaa!"-Billy
Walang nagawa si V. kaya Binuhat niya si K. kahit mabigat ito pinilit niya mailigtas lang si K.
Nakatingin naman si K. sa mukha ni V. habang buhat buhat siya..
Pumasok na silang lahat sa Elevator
Buti na lang umaandar ito
2nd floor
3rd floor
4th floor
5th floor
6th floor
7th floor
8th floor
9th floor
10th floor
11th floor
12th floor
13th floor
Bumukas na ang elevator
medyo madilim ang hallway
dahan dahan sila..
Pero di nila alam na may mga zombie rin..
Pag labas nila ng elevator ay
Tumakbo ang mga ito kaya nagkahiwalay hiwalay sila pero magkasama si V. at K. dahil buhat buhat nga ni V. si K.
Pumasok agad sila V. at K. sa random ng kwarto
Hiniga muna ni V. sa sofa si K. at karakarakang sinara ang pinto at hinarangan ito ng table
pero may kumakalampag pa rin sa pinto
Pinutukan ito ni Vice ng Baril yong pinto
"Beng!"-Putok ng Baril
Nawala ang kalampag ng zombie sa pinto
Kabadong kabado sila Vice at K.
Linapitan naman agad ni V. si K. sa sofa
napaluhod ito para tignan ang tuhod ni K. dahil nadapa ito
"Tsk di ka kasi nag iingat!"-V.
Tumayo na si V. at naghanap ng pang gamot sa sugat ni K. sa tuhod
at nang nakahanap na si V. ng pang gamot sa sugat ni K.
Linapitan niya ulit si K. sa sofa at lumuhod ito..
sinimulan na niyang gamutin nag sugat ni K. sa tuhod
habang ginagamot ni V. ang tuhod ni K. nakatingin si K. kay Vicey
Nahuli naman siya ni Vice
"Ano tinitignan mo? O.o"-V.
"*Napangiti* wala...Thank You Ha!...nagawan mo pa rin ako iligtas kahit muntikan na tayo maabutan ng mga zombie kanina..linigtas mo pa rin ako"-K.
"Ano ka ba K. mas una mo akong linigtas..syaka tayo tayo na lang ata nabubuhay dito!..hahayaan pa ba kaya natin mamatay ang isa satin...kung mamamatay ka..eh sasama na rin ako.."-V.
"Ayy?..why naman?..."-K
"E-eh..importante ka na rin kaya sa buhay ko. lalo't na ganito na ang sitwasyon..."-V.
"Na saan na kaya sila?..ano na kaya nangyari sakanila?.."-K.
"malamang na sa iabng kwarto rin mga iyon."-V.
Itutuloy
A//N:Ano na kaya nangyari kila Billy? buhay pa ba sila? nakaligtas ba sila? Ano kaya mangyayari kila Vice at K?