Marrying Mr. Arrogant (PUBLIS...

By FrozenFire26

68.3M 895K 107K

[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a... More

Chap. 1 - PART ONE
Chapter 2
Chapter 3
★Video Trailers★
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Special Chapter
Author's Note
Chap. 47 - PART TWO
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
EPILOGUE

Chapter 14

908K 10.9K 668
By FrozenFire26

Chapter 14


[Vianca's POV]


Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Mitsui. Lumapit siya sa akin at bigla akong inakbayan.


"I have fallen in love with this woman."


Geez! Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Ako ang kinikilabutan sa kanya.


Umiwas ng tingin ang lola ni Mitsui. "That's enough. Doon na lang tayo mag-usap sa baba. It's uncomfortable talking with you here," naasiwang pahayag nito.


Naunang lumabas ng kwarto si Madame Sofia at naiwan kaming dalawa ni Mitsui.


"Alisin mo nga 'yan!" Tinanggal ko kaagad ang braso niyang nakaakbay pa rin sa balikat ko.


Bahagya naman siyang lumayo.


Naka-cross arms na hinarap ko siya. "Anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo, aber?"


"Be quiet. Baka marinig ka ni Grandma," saway niya sa akin.


'Di ko mapigilang mapaismid habang nagsasalita siya.


"You'd better listen when I'm being nice. 'Wag kang magkakamali sa harapan niya, kundi malilintikan ka sa 'kin. Baka nakakalimutan mong may atraso ka—"


"May gana ka pa talagang takutin ako." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. "Eh, halata namang natakot ka rin nang dumating ang lola mo."


"You really don't listen to me, do you? Again, I'm warning you. If you talk back, cut me off, or roll your eyes one more time while I'm talking, you'll be dead. Understand?" babala niya. Ang akala siguro madadala ako sa mga pananakot niya.


Sasagot na sana ako. Kaya lang, may biglang kumatok sa pinto at pagbukas ay sumilip si Manang Flor.


"Pinapatawag na kayo ni Madame," sabi nito bago muling isinara ang pintuan.


Aakbayan sana ako ulit ni Mitsui, pero tinabig ko ang braso niya. "Sinabi nang alisin mo 'yan! Inaalibadbaran ako sa 'yo."


"Andrea Vianca, you keep getting on my nerves." Mariin siyang tumitig sa akin, kaya tumahimik na ako.


"Let's go." Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Saka ako hinila palabas ng kwarto.



***

Pagdating naming dalawa sa sala ay naroon at nakaupo na sa couch si Madame Sofia.


"Sit down," utos nito sa amin habang umiinom ng tsaa. Magkatabi kaming umupo sa harap nito.


"Even though I'm disappointed by my grandson's decision, I have to admit that I can no longer do anything about it. I only hope that both of you know the possible consequences of your action." Inumpisahan na nitong ilabas ang saloobin.


"Please try to understand us. I love Vianca so much, and I want her to stay by my side," kunwaring apela naman ni Mitsui. "I know you wouldn't agree if we live together before getting married."


"Yes, living together is a bit..." Napabuntong-hininga si Madame. "I understand you're in love with her, but I would suggest you don't make any hasty decisions that you will no doubt regret."


"Bueno, anong pinagkakaabalahan mo dito, Vianca? I heard that you're Angela's former secretary in her law firm."


"Ah... opo... dati po akong nagtatrabaho kay Mama," nag-aalangan kong sagot.


"Yeah. In fact, we met each other when I visited Mom in Baguio," sabat naman ni Mitsui.


Nabigla ako nang marahan niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa may lap ko. Pagkatapos ay ngumiti pa siya nang napaka-sweet sa akin.


Leche! Ang dami na ngang plastic sa mundo, dumagdag ka pa!


Ang mabuti pa, inumin ko na lang 'yong juice na inihanda ni Manang. Baka sakaling lumamig ang ulo ko sa kasinungalingan ng lokong 'to.


Pasimple kong binawi ang palad ko na hawak ni Mitsui at inabot ko ang baso ng juice.


"Vianca, what keeps you busy now that you and Mitsui are already married? You must know that I prefer productive individuals."


Hindi agad ako makasagot, dahil kasalukuyan pa akong umiinom ng juice. Sinamantala ito ni Mitsui at muli siyang sumingit sa usapan.


"Come on, Grandma. Stop asking my wife about that. Of course, we are doing what newlywed couples should do," pilyong sabi niya.


Shet! Muntik pa akong masamid habang umiinom.


Mabilis kong inilapag ang baso sa ibabaw ng center table. Anong "newlywed couples should do" ang pinagsasabi niya?


"See? My wife is blushing because of that question," pang-aasar pa sa akin ni Mitsui.


'Ano ba! Hindi ako nagba-blush! Namumula ako sa inis sa 'yo! Ang bastos mo!' Kung maaari ko lang isigaw 'yon, ginawa ko na. Gusto ko ring ibuhos sa kanya ang juice na iniinom ko.


"Teka—" Sasagot na sana ako nang bigla na naman siyang sumabat.


"Grandma, I'm always aware that you like productive people. That's why Vianca and I are both doing our best to be productive... So, how many great grandsons do you want?" pahayag niya na muntik ko nang ikalaglag sa upuan ko. Lintek talaga! May laman ang mga sinasabi niya.


Relax, kalma lang... inhale... exhale...


"E-excuse po muna. Lalabas lang po ako saglit," paalam ko kay Madame Sofia. Mas maigi pang umiwas na lang muna sa kanila.


Kaagad akong tumayo at naglakad papunta sa kitchen. Subalit bago ako tuluyang makalayo, narinig ko pa ang ibang pinag-uusapan ng maglola.


"Mitsui, are you sure that she's not pregnant? She seems to be very sensitive and moody."


"I guess so... But if you really want us to have a baby, we can rush things up."


Binilisan ko na ang paglalakad para hindi ko na marinig ang karugtong ng mga sinasabi ni Mitsui. Baka 'di ako makapagpigil at mabato ko pa siya ng suot kong tsinelas.


Dumiretso na lang ako sa kusina. Kumuha ako ng baso, binuksan ang fridge, at kumuha ng malamig na tubig mula rito. Idinaan ko na lang sa tubig ang inis na nararamdaman ko.


Aish! Bakit ba pati ako dinadamay ni Mitsui sa mga kalokohan niya?


"Baka malunod ka na sa kakainom diyan?" May biglang nagsalita sa likuran ko.


"Manang, 'andiyan pala kayo?" gulat kong reaksyon. "Nagpapalamig lang po ako ng sarili ko."


"Unawain mo na lang sana ang asawa mo. Batid kong hindi maganda ang relasyon n'yo," pakiusap sa akin ni Manang Flor.


"Yon na nga po, eh. Hindi naman talaga kami magkasundo. Pero kung magpanggap siya sa harapan ni Madame Sofia, daig pa 'yong perpekto ang pagsasama naming dalawa," reklamo ko.


"Kaya nga sana sundin mo na lang ang kung anumang pinaplano niya. Gaano man kayabang at arogante si Mitsui, nawawala ang lahat ng iyon pagdating kay Madame. Ang lola niya lang ang tanging nakakadisiplina sa kanya. Mga bagay na hindi kayang gawin kahit ni Ma'am Angela."


"Talaga po? Kaya pala napansin kong mukhang natakot siya kanina nang biglang dumating si Madame."


"Oo, dahil alam niyang matindi magalit ang lola niya. Minsan nga sa sobrang galit ni Madame Sofia, binalak nitong ipadala siya sa Amerika upang doon na lang mag-aral."


"Bakit naman po?" nagtataka kong tanong.


"Nasa high school pa lang noon si Mitsui nang masangkot siya sa isang gulo. Ginulpi niya ang kaklase niyang nambastos sa stepsister niya. Nagkataon namang solong anak iyon ng mga business partners ni Madame. Dahil doon ay umatras ang mga magulang nito sa pakikipagsosyo sa mga Peterson na kamuntik pang ikalugi ng kanilang negosyo."


Kung gano'n, may stepsister pala si Mitsui. Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa kanya.


"Tapos? Ano pong nangyari? Kahit papaano, protective naman pala siyang kapatid," interesadong sabi ko.


"Sa sobrang galit ni Madame ay plano nitong ipadala na lang siya sa Amerika. Ang sabi kasi nito, wala na nga siyang naitutulong sa paglago ng kumpanya nila, sakit ng ulo pa ang hatid niya. Kaya mas mainam pa umanong sa malayo na lang tumira si Mitsui, 'yong tipong hindi makakaapekto sa magiging takbo ng negosyo nila."


"Ba't hindi po natuloy ang plano ng lola niya?"


"Nagmakaawa sila ni Ma'am Angela na 'wag nitong ituloy ang binabalak. Nangako rin siyang magbabago na—"


"Pero hindi naman po siya nagbago." Pinutol ko ulit ang kuwento ni Manang.


"Oo, tama ka. Mula noon, gumawa na ng paraan ang mag-ina na kapag nakagawa ng kalokohan si Mitsui, hindi na nila hinahayaan na makarating pa ito sa lola niya. Hangga't maaari, 'pag may nagawa na naman siyang problema, nireresolba at pinagtatakpan na ito agad ng mommy niya."


"Sa madaling salita, kaya siya umaarte nang ganito sa harap ng lola niya, dahil ayaw niyang ipaalam ang totoo kung bakit kami nagpakasal." Ngayon alam ko na ang rason sa pagpapanggap namin.


"Maaring ganoon na nga. Dahil tiyak na magagalit si Madame sa oras na malaman nitong isang kasunduan lang ang kasal ninyo. Kaya, Vianca, intindihin mo na lang sana ang asawa mo," payo sa akin ni Manang.


Huminga na lang ako nang malalim. "Mukhang wala naman po talaga akong choice, kundi sumakay na lang sa mga palabas ni Mitsui. Sige po, babalik na ako sa loob," paalam ko at iniwan ko na si Manang Flor sa kusina.



***

Pagbalik ko sa kinaroroonan ng maglola ay kasalukuyan pa rin silang nag-uusap.


"I enjoyed a lot from my vacation in Japan," natutuwang kuwento ng matanda.


Naupo ako sa couch kung saan magkatabi ulit kami ni Mitsui.


"Are you feeling better now?" nag-aalalang tanong sa akin ni Madame.


"Opo," matipid kong sagot.


Muling ipinatong ni Mitsui ang braso niya sa balikat ko. Marahan niya pa akong hinahaplus-haplos. But this time, kahit gustuhin ko mang umalma ay hindi ko magawa. Hindi kasi pwedeng makahalata si Madame Sofia na not in good terms naman talaga kaming mag-asawa.


Nang mag-ring ang phone ni Madame at masigurado kong wala sa amin ang atensyon nito ay kumuha ako ng tiyempo upang tanggalin ang kamay ni Mitsui sa balikat ko. Inirapan ko siya, pero isang smirk lang ang isinagot niya sa akin.


"Don't worry. I think I already found someone to temporarily replace you," sabi ni Madame sa kausap. "Just forward your papers in my office tomorrow. Bye." Pagkatapos itago ang cell phone ay muli nitong ibinalik sa amin ang pansin.


Si Mitsui naman ay hinawakan ulit ang kamay ko. Tsk! Holding hands na may halong tiyansing.


"Vianca, let me go back to my question a while ago. What's keeping you busy these days?" wika ni Madame Sofia.


"Po?" naguguluhang tanong ko. Sorry, medyo slow rin ako minsan.


"I mean, ano bang pinagkakaabalahan mo sa ngayon? My secretary just filed her maternity leave effective next week. I still haven't found a reliever. Are you willing to work in the said position?" diretsahang sabi nito.


What the heck!? Magiging secretary ako ni Madame Sofia?


"Magtatrabaho po ako sa inyo?... pero..." Tumingin ako kay Mitsui, umaasa na tutulungan niya akong lumusot sa sitwasyong iyon.


"What can you say about that, Mitsui?" Hiningi na rin ni Madame ang opinyon ng apo nito.


"What should I say?" Lumingon sa akin si Mitsui, kaya tiningnan ko siya ng isang nagmamakaawang tingin.


Pinagsalikop ko ang mga kamay naming dalawa at hinawakan ko siya nang mahigpit.


"Please... tumutol ka!" Tahimik kong ipinagdasal na 'wag siyang papayag.


"Grandma, if that's what you want, that's what we'll do," sagot ni Mitsui. "We can't say no to you. Right, hon?" Niyugyog pa niya ang kamay ko para mapilitan akong sumunod sa desisyon nila.


"Walang-hiya ka talaga! Napakahilig mong ilagay ako sa alanganin!" Lihim ko siyang minumura sa isipan ko.


"Vianca, it's better to work in my office than spend your time at home. It's nonsense wasting your time here. Like I've said, be more productive. Look at Mitsui, aside from being an outstanding student, he's a varsity player in Yale. He is such a very good player." Si Mitsui ba talaga ang tinutukoy ni Madame Sofia? Parang ibang tao kasi ang dine-describe nito.


Oo, expert 'yan! Ang galing niya maglaro. A total player! Paborito niyang paglaruan ang damdamin ng mga babae. Playboy, eh!


"So what's your decision?" naghihintay ng kasagutan na tanong ni Madame.


Inilapit naman ni Mitsui ang bibig niya sa tenga ko at saka siya bumulong. "You better behave. You know what I am capable of," pagbabanta niya. Siya pang may ganang manakot.


"Hija?"


Wala na akong nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon. "Okay... sige po."


Aish! Bahala na nga!



*********


Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 131K 67
Isang gabi ng lagim, Tahimik ang paligid, Pero sandali bago kayo mag-isip ng kung ano- ano, Hindi ito Horror. Kwento ito ng landian. In a sossy way...
23.1K 377 73
Akira Ross Marie Zamora Montefalco, one of the seven children of Alba and Adam Montefalco. A ruthless, fierce and a cold lady that can devour someone...
2.1K 183 57
This feeling of mine for my best friend seems so wrong. Friends don't kiss, they say. But we did something more than that. More than being friends...
2.3M 16.9K 26
( HIGHEST RANK: #4 IN TEEN FICTION) By: FlatteringDaisy🌼 _________________________ This book was written around April 2017