When Kamatayan Falls in Love...

By FatalStudent

647K 14.4K 914

HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 IN ACTION TAG | #1 IN TEENFICTION TAG | #1 IN THRILLER TAG MUST READ: First and f... More

I N T R O D U C T I O N
T R A I L E R
O N E
T W O
T H R E E
F O U R
F I V E
S I X
S E V E N
E I G H T
N I N E
E L E V E N
T W E L V E
T H I R T E E N
F O U R T E E N
F I F T E E N
S I X T E E N
S E V E N T E E N
E I G H T E E N
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y - O N E
T W E N T Y - T W O
T W E N T Y - T H R E E
T W E N T Y - F O U R
T W E N T Y - F I V E
T W E N T Y - S I X
T W E N T Y - S E V E N
T W E N T Y - E I G H T
T W E N T Y - N I N E
T H I R T Y
T H I R T Y - O N E
T H I R T Y - T W O
T H I R T Y - T H R E E
T H I R T Y - F O U R
T H I R T Y - F I V E
T H I R T Y - S I X
T H I R T Y - S E V E N
T H I R T Y - E I G H T
T H I R T Y - N I N E
F O R T Y
E P I L O G U E
A U T H O R ' S L A S T W O R D S
SPECIAL 1
SPECIAL 2
SPECIAL 3
SPECIAL 4 THE WEDDING
SPECIAL 5 HONEYMOON (R-18)

T E N

14.8K 365 21
By FatalStudent

Chapter 10: Tomato Pie

Riene Allison's POV

Nagising ako at nakitang tulog parin si Grey.
Napansin ko din na tatlong oras na ang nakalipas matapos ang break.

So meaning tulog kami sa loob ng dalawang period?

Buti na lang at hindi kami napagalitan ng prof.

Lunch time na at kumalam na rin ang tiyan ko. Bigla kong naalala si Sandra dahil nagsabi nga pala siya kahapon sa akin na sabay kaming kakain ng lunch.

Iniwan ko si Grey na tulog parin at nagtungong cafeteria.

Natanaw ko na si Sandra kaya agad na akong nagtungo sa table niya at naupo.

"Bruha ka!" Sigaw nito na ikinagitla ko.

Ano ba tong si Sandra basta-basta na lang sumisigaw.

"Hindi mo manlang sinabi sa akin na halos malagay ka na pala sa bingit ng kamatayan!" Pagpapatuloy nito na halatang nag-aalala.

"Tingnan mo, may peklat ka sa leeg mo." Turo nito sa aking leeg.

"Ano ka ba, malayo yan sa bituka." Natatawang saad ko dahil sa reaksiyon niya.

"Bakit kasi napakacareless mo?" Muli niyang sumbat sa akin.

Natigilan ang lahat ng tao sa cafeteria at napatingin sa entrance. Bagong gising si Grey at naghihikab pa pero napakahot niyang tingnan kaya natuon ang atensyon ng buong sangkatauhan sa kaniya na para bang hinihintay kung saan ito tatabi.

Inilibot nito ang kaniyang mata at tumigil sa amin. Ngumiti ito saka kumaway.

"Tomato pie!" Malakas na sigaw nito sabay naglakad patungo sa aming direksiyon.

Gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa dahil sa ginawa niya. Ngayon, center of attraction kami lalo pa't naupo sa tabi ko si Grey at inakbayan ako.

Iba na talaga pag famous yung kasama mo.

"Bakit mo ako iniwan?" Nakapout nitong tanong sa akin.

He's cute. May cute side din pala siya.

Nakatuon parin sa amin ang atensiyon habang si Sandra naman ay napanganga at nailaglag ang kutsara.

"Ah-eh-ih-oh-uh?" Sagot ko dahil sa mga matang nakatingin sa amin.

Napatingin siya sa aming paligid at napansin na kami ang sentro ng atensiyon.

"What?" Mataray na tanong nito kaya pinagpatuloy na nila ang kanilang ginagawa.

"Ang pabibo mo." Bulong ko sabay apak sa paa niya.

"Aww! Why? That's our deal?" Pabulong din niyang tugon pero sapat para makinig ni Sandra kaya napatingin kami sa kaniya.

Tumawa lang ako ng pilit sa kaniya knowing na may tama siya kay Grey sabay kinaway kaway ang aking mga kamay na para bang sinasabing mali ang kaniyang iniisip.

"Ikinakahiya mo ba ako?" Seryosong tanong ni Grey sa akin na siyang sumira sa pagpapalusot ko. "I am your Onion rings so you should be proud." Masasapak ko na to mamaya.

Kanina Tomato baby tapos naging tomato pie, ngayon naman Onion Rings?

Tss. Corny.

Ayoko talaga ng ideya niya dahil sobra nitong Jeje at napaka corny.

"W-what's your relationship?" Hindi makapaniwalang sabat ni Sandra dahil sa naririnig niya.

"Wala kami-" putol kong tugon nang biglang sumabat si Grey.

"I'm her boyfriend." Nakangiti at proud na proud niyang sagot na ikinaluwa ng mata ng mga nakarinig at lalong lalo na kay Sandra.

Walang hiya ka! Gusto mo bang duruin ako ng mga fans mo?

Kinurot ko siyang ng pasimple sa tadyang na ikinakiliti niya.

Hala, may kiliti siya.

Natapos na ang lunch break at halos ata lahat ng madaanan namin ay pinagbubulungan kami.

Kasabay ko paring naglalakad si Mr. Grey patungong room samantalang sa ibang klase naman nagdiretso si Sandra dahil hindi kami pareho ng schedule.

Nakarating na kami sa aming paroroonan at naupo na sa spot namin.

Muli itong humikab at sinubsob ulit ang mukha sa lamesa.

Ang takaw niya sa tulog.

"Huwaaah!" Sigaw ng isang babae mula sa labas na nakakuha ng atensiyon naming lahat.

Agad akong lumabas at iniwan si Grey.

Sinong gago ang gumawa nito?

Halos mapasuka na ako sa senaryong bumungad sa akin.

Isang pugot na ulo ng babae habang ang katawan niya ay nakahiga sa tabihan nito. Naliligo ito sa dugo at ang mga mata nito'y tila kumukurap pa.

Mayroon akong nakitang papel na hawak hawak nito kaya hinawi ko ang mga tao at nagpunta sa gitna para kunin ang papel.

Napakahigpit ng hawak niya dito kaya halos mapunit na ang papel bago ko makuha.

Dahan-dahan kong binuklat ang papel at binasa ang nakasulat.

"Death will hunt the world, We are near."

Napaling ang atensiyon ko sa black na hoddie sa tabihan ng babae.

Hindi kaya siya ang may gawa nito?

Naalala ko bigla ang lalaking nakahood na may pulang mata.

Pero pinatay na siya noong nakaputing maskara. Kung gayon ay marami sila?

Nagulat ako nang may humanggit ng papel mula sa kamay ko.

Binasa ni Grey ang nakasulat sabay ikinuyom ang kamao dahil para magusot ng papel.

Napalingon ako sa bandang kanan ko at natanaw ang umiiyak na babe which I think is kaluluwa nito dahil kamukhang kamukha niya ito.

Lalapit na sana ako dito ngunit hinawakan ni Grey ang aking kamay para pigilan ako.

"Bakit mo ako pinipigilan?" Iritang tanong ko dito.

"Baka mapahamak ka." Seryosong sagot niya at saka hinila ako papasok ng room.

Nanatili ang atensiyon ko sa babae at nakitang may kung anong itim na nilalang ang sumakal dito at kinaladkad patungong kung saan.

Pina-upo na ako ni Grey sa aking upuan.

"I gotta do my job." Paalam nito at akmang aalis na.

"Nasundo na siya." Sambit ko.

"What?" Takang tanong nito.

"May itim na nilalang ang kumuha sa kaniya kanina, hindi ba isang grim reaper din iyon?" Tanong ko.

"I'm the only grim reaper here." Sagot niya habang nakakunot ang noo.

Kung gayon, sino siya?

"Damn!" Agad itong tumakbo palabas kaya wala na akong nagawa.

Buti na lang at kami pa lang dalawa ang tao dito sa room kaya walang nakarinig ng mga pinag-usapan namin.

Hindi na nagkaroon ng normal na klase dahil sa insidente kanina.

Ilang oras na rin ang nakalipas matapos umalis si Grey ngunit wala parin siya.

Ano na kayang nangyayari sa kaniya.

"Let's talk." Rinig kong sabi ni Tim kay Kim. Hinawakan nito ang kamay niya ngunit itinapon lang ito ni Kim.

"Let's talk here." Mataray na demand ni Kim.

"Please Kim, not here." Mahinahong pakiusap nito ngunit inirapan lamang siya ni Kim at tumawa ng bahagya.

"Bakit, ayaw mong marinig niya?" Turo niya sa akin.

Napadamay na naman ako?

Inirapan ko lang siya at pumaling sa bintana upang ipakita na hindi ako interesado.

Kami na lang tatlo ang nasa loob ng room. Hinihintay ko kasi si Grey dahil nandito pa ang gamit niya at pareho lang din naman kami ng uuwian.

"Let's break up." Seryosong sambit ni Tim na naging dahilan din ng pagpaling ko sa kanila.

Tumawa lang si Kim at hinawakan ang pisngi nito.

Bitch.

"You know you can't do it." Nakangiting tugon nito at hinaplos haplos ang buhok ni Tim na para bang naaawa sa isang tuta.

"I'm not your pet Ms. Anderson." Hinawakan nito ang wrist niya na para bang pinigilan sa ginagawa.

Nagsalubong ang kilay ni Kim na tila ba hindi makapaniwala.

"I'm willing na tanggapin lahat ng gagawin ng family mo, I'll prepare for it." Seryoso niyang sambit at tumalikod na.

"Hindi pa ba sapat na binigay ko sayo ang lahat?" Sumabat ni Kim dito.

Nag-eenjoy ako, para akong nanunuod ng isang drama.

"I don't love you, that reason is enough para tigilan na natin to." Muli niyang sambit at tuluyan nang umalis.

"Happy?" Bunton ni Kim sa akin na para bang inis na inis. "Huwag ka munang pakasaya, babalik din siya sa akin." Kampante nitong pagpapatuloy sabay nagwalk-out.

As if naman may balak akong balikan siya.

Pero aaminin ko, may part sa akin na masaya dahil at least break na sila. Sana lang na magbago siya ng totoo.

Continue Reading

You'll Also Like

19.7K 885 82
Dalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadha...
5.1K 308 63
Act as a nerd?? Ano bang iniisip ng nanay niya at gusto siyang pauwiin sa pilipinas at mag-disguise pa bilang isang nerd? Diana also has to change he...
7.5M 380K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
1.1M 28.4K 70
handsome.... rich... heartless... cold... a demon.. these what describes Cythan Blake Frost... the leader of the no.1 gang in the Philippines... he...