Vengeance (COMPLETED)

By 10yearslater

232K 3.5K 283

Atty. Luke Greyson Harrington is one of the most eligible bachelors in the country. Aside from being successf... More

Disclaimer
Acknowledgement
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
EPILOGUE
Special Thanks
Note for the Closure Chapter
Closure

Chapter Twenty Five

4.5K 87 11
By 10yearslater

Chapter 25

---

INANGAT ko ang gown ko na nakasayad sa sahig ng mansyon nila LG para makalakad ng maayos.

Napilitan akong sumunod sa kanya paakyat. Habang naglalakad ako sa second floor, nakita ko sya'ng nakasandal sa isang pinto at nakatingin sa akin.

"Bakit kailangan ko pang sumama sa'yo? Magbibihis ka lang diba?" I asked.

"Gusto ko. Bakit ba?" He just said. He opened the door and walk inside. I did the same.

Pagpasok ko, namangha kaagad ako. Ngayon ko lang narealize na sobrang yaman pala talaga nila. Ito siguro ang kwarto nya. Ang laki para lang maging kwarto. Mas malaki pa sa kabuoan ng apartment ko.

Lahat ng gamit halos kulay blue lahat. Mula sa pintura ng wall, seiling, curtains, bed sheets, side table, lamp shade, carpet at kahit pinto ng CR kulay blue. Sigurado, sa loob ng CR nya, kulay blue din lahat.

Wala naman akong nagawa kundi ang ma-starstruck. Bedroom goals 'to eh.

While criticizing the whole room, my eyes caught him. Sinisimulan na nya'ng tanggalin yung mga butones ng long sleeves nya.

He caught me looking on his body so I looked away. Tss.

"I'll take a shower. Dyan ka lang." He said and enter the bathroom.

Luminga-linga pa ako nang mapansin ko ang tatlong tuxedo na nakasabit sa kanyang wall. Isang kulay black, grey at dark blue. Isa siguro dyan yung isusuot nya.

May malaking salamin sa gilid ng kama. Full body 'yon. I stand and looked at myself.

Napangiti ako kasi never pa akong nakapagbihis ng ganito ka-bongga sa buong buhay ko. Hindi kaya mangati ako sa mga kumikinang na mga alahas na nakasabit sa leeg, pulso at tenga ko? Suguradong mahal 'tong mga 'to. I turned around and look at my back. Just wondering kung kita ba yung mga latay ko. Si Marbie ang nagsuot sakin nito kanina. Himala, wala sya'ng tinanong eh siguradong nakita nya 'to.

"What are you doing?"

Halos mapatalon ako nang nagsalita si LG. Nasa pintuan sya ng CR, and. Damn! What the fuck?! Nakatapis lang sya ng kulay blue na twalya. Tapos na kaagad sya? Wala pang five minutes yun ah?

"W-wala. Ah. T-tinitingnan ko lang k-kung ano itsura ko..." nanginginig kong sabi.

Naglakad sya papalapit sa akin.

Zeus! Kunin mo na ang anak mo! I can't take it anymore. Masyado sya'ng shinning shimmering sa paningin ko! Nasisilaw ako sa katawan nya! Sa ilang buwan naming di pagkikita, mukhang mas lalong na-form ang biceps, broad chest at abs nya'ng may maliliit pa na drops ng tubig.

"Winter!"

"Po?!" Nagising ako bigla.

"Okay ka lang ba?"

"Opo sir. Sorry."

Nilagpasan nya ako at dumiretso sa isang double door.

Ow? Walk in closet pala... hamak mas malaki yun sa walk in closet na nasa condo nya.

Tiningnan ko lang sya'ng pumasok doon at sinarado.

Nakahinga ako ng maluwag. Nanatili ako sa harap ng salamin nang biglang bumukas ulit yung pinto ng closet.

Nanlaki ang mata ko nang naka-boxer lang sya.

"Bakit?" He asked nang mapansin ang pantitig ko. "Naaakit ba kita?" He smiled.

I looked away.

"Sige. Mamaya. Pagka-uwi natin." He smirked and get the dark blue tuxcedo.

ANONG IBIG NYA'NG SABIHIN?!

Tumalikod lang ako dahil ang AWKWARD kung papanoorin ko sya'ng magbihis. Gusto ko nang lumabas dito. Centralize ng aircon and buong room nya pero bakit mainit pa 'rin?

Nakarinig ako ng yabag ng paa sa likod ko at pumikit. Surmaryosep naman! Hinawakan nya ako sa magkabilang braso. Habang nasa likod ko sya, hinalikan nya ako sa pisngi na ikinagulat ko. Itinulak ko sya ng bahagya at nakita kong nakangiti sya.

Nakabihis na sya ng slocks at long sleeves na white.

He held his hand to me na may necktie na medyo kulay blue.

Ayaw nya sa blue. Realtalk.

"Can you?" He asked.

Nagpabalik-balik muna ang tingin ko sa kamay nya'ng may necktie at sa mukha nya bago ko kunin yung necktie at lumapit sa kanya.

I deliver my hands with the end of the necktie up to his shoulder and nape. Sa pagkakataon iyon, naramdaman kong inilapit nya yung katawan nya sa katawan ko habang ikinakabit ko yung necktie nya. He even put his hands on my waist. Pinipigil ko ang sarili kong manginig sa ginagawa nya. Pinagpatuloy ko lang ang pagtali nung necktie. I can notice his stares. Alam kong sinasadya nya yun.

Nang natapos ako at sasabihin na dapat na tapos na, inunahan ako ng labi nya. He kissed me on my lips. Maikli lang 'yon pero aaminin kong kinilig ako. ❤

Binitawan nya ako at lumayo. Sinuot nya yung coat nya at ibinotones yung bandang ibaba.

"Can you choose my shoes?" He asked while sitting on his bed and wearing his pair of socks.

"Saan?"

"Sa closet. Pasok ka dun, sa dulo."

Pumasok ako sa loob. Ang laki nung closet. Pwedeng tirahan 'to! Naglakad pa ako hanggang sa dulo at muntik na akong himatayin nang makita ko yung sets ng mga sapatos nya. Hindi ko alam kung ilan lahat, pero sobrang dami. Mas marami yung rubber shoes nya pero lahat sila, sumisigaw ng 'Mamahalin Kami!'.

I looked on his pairs of black shoes. It took me some minutes and I had a hard time to decide.

Sa bandang huli, may pinili ako na sa tingin ko bagay sa suot nya ngayon. I gave it to him at sinuot naman kaagad nya.

He dried his hair on his towel. Hindi manlang nya pinadaanan ng suklay yun. Binuksan nya ang drawer ng side table nya at nakita kong maraming relo na nakalagay dun.

It was Rolex watches. Fuck this man. Ang yaman nya! Hindi ko maintindihan kung bakit nagse-spend ng bilyon ang mga tao sa relo lang. Para namang pag sinuot nila 'yon, malalaman pa kung ano ang presyo.

Inaya na nya akong bumaba. Wala na dun si Sir Greg.

"Where's your dad?" I asked.

"Nauna na yun sigurado. Let's go. It's already quarter to six."

Sumakay kami sa isang limousene. I felt very strange inside. Syempre first time kong sumakay sa ganun. Muntik na nga akong magsuka dahil hindi ako sanay sumakay dun...

Just kidding.

Pagdating namin, saktong pagbaba ni LG, doon yung simula ng red carpet. Dinagsa na kaagad kami ng mga media. Nakakasilaw yung mga flash.

Inalalayan nya ako sa pagbaba. He offered his arms to me. Kumapit lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob ng Cornelia.

Marami silang naging tanong kay LG. Yung iba, personal. Yung iba, sinasagot nya pero kadalasan hindi.

"Can you introduce to us this beautiful girl in your side? Hi miss!" Sabi nung isang reporter.

I just smiled on them.

"This is Winter D'Anunzio. My secretary." He just said.

Pagkatapos nun, agad na kaming lumakad papasok. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon kaya gusto ko nalang makapasok pero ang bagal maglakad ni LG.

"Pwede bang hindi ako umupo sa table nyo?" I asked him.

"No."

I shooked my head.

"At bakit ayaw mo? Are you avoiding me?"

"Hindi po sir. Maa-out of place lang naman kasi ako. Siguradong mga stockholders at investors ang nadun. At sigurado akong kasama yung ate mo dun." I said.

"Akong bahala." He said.

"Sige na, Sir. Ayoko dun."

Marahas sya'ng nagbuntong hininga at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso nya.

"FINE. Pero kailangan nakikita kita sa uupuan mo. At sasabay ka sa akin umuwi."

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Umupo ako sa table nina Jace. Nandoon rin si Ma'am Kim na nakangiti sa akin.

"Ikaw ah? Inindyan mo ako!" Jace initiated. Naalala kong umoo ako sa kanya nang ayain nya ako bilang date nya sa event na 'to.

"Sorry. Hindi naman kasi ako makakatanggi. CEO 'yon, Jace." I said.

Binigyan nya ako ng drink. It's like an alcoholic drink. Tinaggap ko 'yon at tinikman. Di naman masama yung lasa.

Sa buong program, wala naman akong naging pakialam maliban dun sa pinakilala na si LG. Lahat ng tao dun, tumayo at pumalakpak nung tinawag sya. Si Sir Greg, naiyak pa habang nagke-kwento sa mga naging pinagdaan nya nung sya pa ang may hawak ng Cornelia.

Nung si LG yung nagsalita, pure english. Nag-aral pala sya ng isang buwan tungkol sa business. That would probably the time na nagkalabo-labo ang lahat sa pagitan namin.

Pagkatapos ng program, nagsimula na yung kainan. Mga waiters na ang mismong nagse-serve ng pagkain sa mga table. Kaso... di ko nagustohan yung mga pagkain. Foreign kasi karamihan. Well, siguro sa mga high profile gusto nila ang mga ganun pero ako... hindi ako sanay.

Konti lang ang nakain ko. Bumawi lang ako sa desert. After ng dinner, may tumugtog na slow music. Gustong-gusto yun ng mga matatanda kaya nagsimula nang magsayawan yung ibang mga businessmen and businesswomen sa gitna.

"Sayaw tayo, Winter..." aya ni Jace. Nagdadalawang isip pa ako kasi nakakahiya pero nung naalala kong inindyan ko sya,

"Sure."

Hindi naman talaga ako marunong sumayaw kaya sumasabay lang ako kay Jace.

"Ngayon ko lang napansin na ang gwapo mo pala ngayon." I complemented.

"Sanay na ako." He just said. Pinalo ko sya at nagtawanan kami.

"Kumusta si Sir Luke?. Okay lang ba sya sayo? I mean may gap ba? Or ano?."

It took me some seconds before answering him. Gusto kong sabihin na...

Pero syempre, sabi nya bawal akong magsumbong kahit kanino.

"Ayun. Ayos lang. Minsan masungit. Minsan okay lang. Yung parang normal na boss at secretary lang."

"May pag-asa pa ba kayo?" He asked.

"Anong klaseng tanong yan, Jace?"

"Bakit?"

"Malabo na. Friends siguro... pero sa ngayon? Ewan. Gusto ko munang mag-focus sa pamilya ko. Alam mo naman ang mga responsibilidad ko."

"You think, naka-move on na sya?"

"Oo naman. First encounter palang namin, sinabi na nya na wag akong ma-awkward dahil matagal na yun at naka-move na sya."

"I don't think so. Feeling ko may iba sya'ng pakay sayo kaya ka nya kinuhang secretary. Alam nya'ng wala ka pang gaanong experience sa business. Hindi sa minamaliit kita pero bakit nya isusugal ang company sa secretary na wala pang experience. Actually, HR ka. Malayo 'yun."

"Ewan. Kung may balak man sya; mabuti o masama. Wala akong pakialam. Basta magtatrabaho ako."

"Good luck."

"Excuse me..."

Pareho kaming napatingin sa lalaking nasa gilid namin.

"Good evening sir."
"Good evening sir.", we greeted him.

"Time to go, Ms. D'Anunzio." He said.

"Uuwi na kayo?" Tanong ni Jace sa akin. I nod. May magagawa pa ba kasi ako?

"Isn't it too early sir? Event nyo naman po ito." Jace said to LG.

"Wala kang pake. Hindi kita tinatanong."

I can feel the bitterness in his voice when he say that to Jace. Naalala kong kasama namin sya ni Josh sa pagpaplano.

Hinawakan ako ni LG sa palapulsuhan. "Let's go." He said.

Hinila na nya ako at hindi manlang nakapagpaalam ng maayos.

Sumakay kami sa isang kotse. Panibagong kotse na naman nya? It was the newest Elantra. Kulay blue 'yon.

"Nilalandi ka ba ni Jace o ikaw ang lumalandi sa kanya?"

I frowned.

"It seems like you two are super close to each other, huh? Kaya pala ayaw mong tumabi sa akin kanina, kasi si Jace ang tatabihan mo?"

"Anong naman ang masama kung close kami?"

Hinigit nya ang bewang ko at inilapit ang mukha nya sa akin. I can smell his breath.

"I. Own. You." Sabi nya nang may pagdidiin sa bawat salita. Nagdidilim na naman ang paningin nya. Sign yun na galit na naman sya sa akin.

"Layuan mo ang lalaking yun kung ayaw mong tanggalin ko sya sa trabaho."

Marahas nya akong binitawan. I can't understand him. I tried to read him but like the usual when he's angry, I can't. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nya. Bakit kailangan nya'ng maghigpit sa akin ng sobra. Kaibigan ko si Jace, hindi ko yun maiiwasan.

"Sakay na." He coldly said and he did the same.

Napahawak ako sa seatbelt ko dahil sa bilis nya'ng magpatakbo. I looked at him several times. Blangko ang ekspresyon ng mukha nya pero kita ko ang pagsalubong ng kilay nya.

When his speed increases, napapapikit ako at nagdadasal na sana wag kaming maaksidente. Mas safe pa sumakay ng taxi mag-isa kaysa sumakay kay LG sa mga oras na 'to.

Nakapasok na kami sa subdivision nila, mabilis pa rin ang takbo. Maliliit lang at paliko-liko ang daan dun kaya nakakatakot. Pinagbuksan kami ng gate. Muntik na nya'ng masagasaan yung guard nila.

Lumabas sya ng kotse at kinaladkad na naman ako papasok ng bahay nila hanggang second floor. Hindi na ako makapag-react kasi natatakot ako.

Ipinasok nya ako sa kwarto nya at itinulak. Napa-upo ako sa sahig dahil sa lakas nya. Nangingilid na ang mga luha ko sa sobrang kaba. Nagiging demonyo na naman sya.

Hinubad nya ang coat nya at binuksan yung long sleeves. Lumuhod sya sa harap ko habang hindi pa ako nakaka-recover sa pagbagsak ko sa sahig.

He sever my hair with violence. He position my head faced to his face.

"Walang ibang lalaki ang hahawak sayo maliban sa akin, Winter. I. Own. You. Ayoko nang ginagawa mo kanina kay Jace. At lalong wag na wag mong subukan na akitin ulit ang tatay ko tulad nang ginagawa mo kanina dahil-"

Bago pa nya matapos yung sinasabi nya, kumuha ako ng lakas kahit sinasabunutan nya ako at pinalipad ko na kaagad ang kamay ko sa pisngi nya. Bahagya sya'ng napaharap sa kaliwa dahil sa ginawa ko.

"Tinitiis ko lahat ng ginawa mo sakin! Lahat ng pambabastos at lahat ng sakit na dinulot mo sakin physically! Pagsasabi ng malandi ako at bitch. Hindi ako nagsasalita! Wala kang naririnig na reklamo galing sakin! Ikaw ang nagpapa-sweldo sa akin kaya ginagalang, nirerespeto at iniintindi ko lahat ng kahayupang ginagawa mo!"

Sigaw ko sa kanya habang umiiyak. Ito na yung matagal ko nang hinihintay. Yung masabi ko lahat ng saloobin ko.

"Pero sobra na 'to! Sobra na yung iniisip mo na pati tatay mo, nilalandi ko pa! Tanggap ko na ganun ang tingin mo sa akin. Pero sana tanggapin mo rin na may damdamin ako! Na nasasaktan din ako sa tuwing sinasabi mong malandi ako! Tinanggap ko yung offer mong maging secretary para sa pamilya ko! Pero kung ganyan mo ako kung ituring... na parang isang hayop, tang ina! Tanggalin mo nalang ako ngayon na! Mas gugustohin kong mangutang kaysa mahusgaan sa mga ginagawa ko para sa pamilya ko! Hindi kita masikmura! Napaka sama mo!"

Tumayo ako at tumakbo palabas. Nanginginig ako habang naglalakad. Nanginginig ako habang bumababa ng hagdanan. Hindi ko alam ang daan pauwi sa apartment ko pero kahit maglakad ako, titiisin ko maka-alis lang ako sa impyernong 'to at sa demonyong 'yon.

Umiyak ako hanggang makalabas ng mansyon nila. Lumalalim na ang gabi. Sobrang nanghihina ako. Feeling ko everytime pwede na akong mag-collapse.

Sabi kona. Nagkamali talaga ako sa desisyon kong maging secretary nya. Dapat nga nanatili nalang ako sa pagiging HR. Dapat nakuntento nalang ako.

"Winter!"

Nataranta ako nang narinig ko ang boses nya'ng tumatawag sa akin. Tumakbo ako kahit nanghihina na.

"Winter! Wait!"

Mas lalong bumuhos ang luha ko sabawat tawag nya. Parang pinipiga ang puso ko. Napakatanga kong nilalang dahil minahal ko pa sya.

Halos tadyakan ko sya nang mahawakan nya ako sa braso ko.

"Tang ina ka! Lumayo ka!" I cried. Wala na akong pakialam kung kapag minura ko sya, tanggalin nya ako sa trabaho. Mas gugustohin ko pa yun.

"Winter..." niyakap nya ako at pinagsususuntok sya habang nasa bsig nya ako. "Sorry." He whispered.

Umiyak lang ako nang umiyak. Bigla akong nanghina. Ni-hindi ko na maigalaw yung katawan ko. Ano na bang nangyayari sa akin? Bakit ganito?! Galit ako! Galit ako! Pero nagawa nya pa rin akong pakalmahin nang niyakap na nya ako.

"Sorry na. Sorry. Sorry. Sorry." Paulit-ulit nya'ng sinabi.

(#)

Continue Reading

You'll Also Like

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
213K 3.2K 32
It is worth considering whether love has the power to influence everything in the world and if everything truly holds significance, even when it stem...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...