Someone Else's Fairytale

By vulnerablevoices

5.3K 139 25

"Once in a while, right in the middle of an ordinary life, love gives us a Fairytale."~ a saying she lives li... More

Prologue
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 8

185 6 0
By vulnerablevoices

Chapter 8

Mag-dadalawang buwan na akong 3rd year highschool. 

Akalain mo ‘yon?! Tumagal ako na katabi ‘tong Tristan na ‘to?!

Oo. Katabi ko siya, request niya kay sir ‘yon eh’!

“Sir! Sige na! Kay Janaia na lang ako tatabi! New student ako wala pang kaibigan, ‘wag niyo naman ipagkait ang makatabi ang bestfriend ko!” pagdadrama niya kay sir.

Ako naman “Wow ha?!” lang nasabi ko doon. Noong nasa NBS kami FRIENDS pa lang  kami, tapos nagkita lang kami sa school BEST FRIENDS na kami? Ang nakakatuwa pa hindi man lang ako informed! Baka sa susunod maging Boyfriend ko na lang ‘to bigla ah’! Minsan assuming din ako. haha

‘yong mga kaklase naman namin ‘yong iba “ayiiee ng ayiiee”  nangaasar, ‘yong iba naman natatawa na sa pinaggagagawa nitong Tristan na ‘to, paano mukha na siyang tanga sa harap nakaluhod pa siya noon. Abnormal talaga.

Iba talaga siya doon sa inakala ko na siya. Noong magkakilala kami sa NBS oo, conceited talaga siya given na ‘yon pero hindi siya ganyan kakulet. (Sabagay, hindi pa naman namin ganoon kakilala ang isa’t-isa.) Lahat ata ng kaabnormalan na nagawa na naming nila  Karylle hinihigitan niya eh’. Nagtataka tuloy ako kung anong meron sa kanya at kahit anong gawin niya, napapangiti niya ako.

Sa hinabahaba ng dramahan nila ni sir sa harap noong unang linggo ng klase, ang ending napapayag niya si sir.

Sa loob ng mahigit isa’t kalahating buwan na magkasama kami ni Tristan, mas nakilala ko pa ‘tong makulet na ‘to.

Noong acquintance nagkaroon pa ng issue. Paano ba naman ang sweet daw namin? Takte! Lagi ko nga nasusungitan ‘yan eh’ para kasing si kuya, sobrang kulit ng lahi!

Nakapaikot kasi ‘yong mga upuan namin sa room. May party eh’, alangan namang nakaayos pa rin kami na parang may discussion. Nakaupo sa likod ko si Tristan at NAGBABASA ng libro. Uulitin ko nagbabasa po siya. Imagine? Pwede pala ‘yon?! Haha. Sa kamalasmalsang pagkakataon, Nasira ‘yong inuupuan ko na arm chair natanggal ‘yong turnilyo. Kaya nag-indian sit ako sa likod nung inuupan ko. Ang gulo ko ba? Bali ‘yong sa harap ni Tristan.

Busy ako nung napansin ko lahat nakatingin sa akin. Paglingon ko, ang pangit pala ng dating ng itsura namin ni Tristan! Paano masayado akong malapit sa kanya tapos nakaupo pa ako sa sahig. Ang sweet daw? Ewan.

“Ginoong Damian! Himala napaaga ka ng sampung minuto para sa susunod na asignatura.” Biglang putol ni Mr. Lopez sa discussion niya.

Nagtawanan tuloy kaming lahat at napalingon sa pinto. At ayun nga!  Late na naman si Tristan.

Hayy. Ewan ko ba diyan sa batang ‘yan! Lagi na ngang late, pagdating pa niyan dito sa pwesto naming inaantok. Minsan iniisip ko kung ano ba talaga ginagawa nito pag-gabi. Di naman pwedeng nagtatrabaho. Nabangit ko na ba na ang yaman nila? Kung hindi pa. Ayan nabangit ko na po! Abnormal kasi eh’ ang dami ng mga kotse nila, pero gusto niya daw na laging nagcocommute.

“Ipagpaumanhin niyo na po sir! Traffic po eh’.” Paghingi niya ng tawad kay sir habang nakayuko at kinakamot ‘yong batok niya.

Nahihiya na ‘yan niyan, sa araw-araw na ginawa ng diyos para ko na ‘yang pet na laging kasama ‘no, kaya alam ko na nahihiya ‘yan.

“Ambot! Kung gumigising ka ng maaga hindi ka matatraffic, tanghali na malamang traffic na! Hala, sige! Maupo ka na.” sabi ni sir.

Umupo na siya at binati ako “Good morning best!” sabay yuko sa arm chair niya.

Tingnan mo ‘to kakarating lang tapos matutulog agad?! Ano ‘to dorm?! Nagising naman siya nung dumating na ‘yong teacher namin sa Statistics.

Nakakahawa ba siya o boring lang talaga ‘yong subject namin? inaantok na din ako eh’. Nakakaantok naman kasi talagang magturo si sir eh'. Alam mo 'yong tipong mabagal tapos puro "Ah" pa? Iyong feeling na boring na nga 'yong subject niya nakaantok pa siyang magturo.

“Are you sleepy?” tanong niya. Napansin ata ako. Ay tanga! Malamang napansin ka niya, kaya ka nga tinanong eh’.

 

“Obviously.” Matipid kong sagot. Inaantok ako eh’.

“Want to sleep?” tanong niya sabay lapit sa’kin at alok ng balikat niya. Baliw talaga ‘to. Kita ng may teacher eh’, magmumukha pa kaming PDA pag ginawa namin ‘yon ‘no!

“Huwag na.” sagot ko.

“Inaantok akooo.” Sabi niya sabay hikab.

“Palagi naman eh’.” Sabi ko sa kanya.

“Sampalin mo nga ako.” Utos niya sabay lapit ng mukha niya.

Pagkasampal ko ng mahina sa kanya tinanong ko siya “Okay na?!”

“Lakasan mo pa!” utos niya.

“Huwag na! Sira ka talaga!” sagot ko sabay tawa ko ng mahina. Wala eh', inaantok na din ako.

Ganyan eksena namin lagi. Kapag wala kaming teacher maligalig siya, sobrang kulet paulit-ulit pa parang may kausap ka na lasing. Kapag nandiyan na ‘yong teacher pipikit na siya at makakatulog, tapos mahahawa ako.

Hindi ko alam mararamdaman ko sa pagiging close namin ni Tristan. Crush-hate ko kasi siya eh’. Alam niyo ‘yon? Minsan crush ko siya, minsan hate ko siya. Nevertheless, we are bestfriends naman daw eh’.

Continue Reading