I Heart Kuya (Completed, 2019)

By forgottenglimmer

9.3M 166K 35.5K

Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback... More

Prologue (June 25, 2018)
Chapter 01 - He's Coming Back (June 26, 2018)
Chapter 02 - What Did I Do to Deserve You? (June 27, 2018)
Chapter 03 - Why do you care? (June 28, 2018)
Chapter 04 - Del Verde (June 29, 2018)
Chapter 05 - Memories (June 30, 2018)
Chapter 06 - Catching Up (July 01, 2018)
Chapter 07 - The Bachelorette Party (July 03, 2018)
Chapter 08 - Red Light Special (July 05, 2018)
Chapter 09 - Look Who's Calling (July 07, 2018)
Chapter 10 - The Phone (July 08, 2018)
Chapter 11 - The Entourage (July 10, 2018)
Chapter 12 - The girl who wears her heart on her face (July 12, 2018)
Chapter 13 - The Wedding (July 14, 2018)
Chapter 14 - Naughty Games (July 17, 2018)
Chapter 15 - The Rainy Wedding Party (July 19, 2018)
Chapter 16 - With a smile (July 21, 2018)
Chapter 17 - Please don't make a scene (July 24, 2018)
Chapter 18 - Where is she? (July 26, 2018)
Chapter 20 - What really happened (July 31, 2018)
Chapter 21 - Three Hours (August 07, 2018)
Chapter 22 - Family Matters (August 09, 2018)
Chapter 23 - Caught in the Act (August 11, 2018)
Chapter 24 - Insensitive One (August 14, 2018)
Chapter 25 - A much due apology (August 16, 2018)
Chapter 26 - Drink's on me (August 18, 2018)
Chapter 27 - Boyfriend (August 21, 2018)
Chapter 28 - Why is he here? (August 23, 2018)
Chapter 29 - He deserves all the happiness in the world (August 25, 2018)
Chapter 30 - Meet the parents (August 28, 2018)
Chapter 31 - Always in a compromising position (August 30, 2018)
Chapter 32 - Moving In (September 01, 2018)
Chapter 33 - Disillusion (September 04, 2018)
Chapter 34 - Tom's Incident (September 06, 2018)
Chapter 35 - I Thought this was what you wanted (September 08, 2018)
Chapter 36 - Just Like the Old Times (September 11, 2018)
Chapter 37 - Dangling a carrot (September 13, 2018)
Chapter 38 - I'm sorry that you've met me (September 15, 2018)
Chapter 39 - Sinfully Sweet, Fatally Loved (September 18, 2018)
Chapter 40 - Bite (September 21, 2018)
Chapter 41 - Minor Inconvenience (September 22, 2018)
Chapter 42 - Undressed (September 25, 2018)
Chapter 43 - Miyaw (September 27, 2018)
Chapter 44 - It doesn't have to be difficult for it to be real (Sep 29, 2018)
Chapter 45 - Catch You (October 02, 2018)
Chapter 46 - Request (October 4, 2018)
Chapter 47 - Not for him (October 7, 2018)
Chapter 48 - Ebb and Flow (October 16, 2018)
IHK now published into Paperback! (October 26, 2018)
Chapter 49 - Choices (October 29, 2018)
Chapter 50 - Honesty Hour (October 31, 2018)
Chapter 51 - Doctor, Doctor (November 3, 2018)
Chapter 52 - I want to love you (November 6, 2018)
Chapter 53 - Maybe we're not (November 8, 2018)
Chapter 54 - Everybody leaves (November 10, 2018)
Chapter 55 - Properly, this time (November 13, 2018)
Chapter 56 - Friends? (November 15, 2018)
Chapter 57 - Happy birthday (November 17, 2018)
Chapter 58 - Gentle (November 20, 2018)
Chapter 59 - Suprise (November 22, 2018)
Chapter 60 - Melee (November 24, 2018)
Chapter 61 - Passionately (November 27, 2018)
Chapter 62 - Cope (November 29, 2018)
Chapter 63 - As long as you're happy (December 01, 2018)
Chapter 64 - Gone (December 4, 2018)
Chapter 65 - It's okay (December 06, 2018)
Chapter 66 - It's gonna be me (December 8, 2018)
Chapter 67 - Dread (December 11, 2018)
Chapter 68 - Back (December 13, 2018)
Chapter 69 - Angel (December 17, 2018)
Chapter 70 - Damaged Goods (December 31, 2018)
Chapter 71 - Sliding Doors (December 31, 2018)
Chapter 72 - Crazy (December 31, 2018)
Chapter 73 - Concerned Citizen (December 31, 2018)
Chapter 74 - Out (March 14, 2019)
Chapter 75 - Up high or down low (March 14, 2019)
Chapter 76 - Distant (March 15, 2019)
Chapter 77 - Closed (March 16, 2019)
Chapter 78 - Mending (March 17, 2019)
Chapter 79 - Yellow (March 17, 2019)
Chapter 80 - First Love (March 17, 2019)
Chapter 81 - Always a family (March 17, 2019)
Chapter 82 - Perils (March 17, 2019)
Chapter 83 - Reluctance (March 17, 2019)
Final Chapter - Full circle (March 17, 2019)
Epilogue (March 17, 2019)
Final Author's Note (March 17, 2019)

Chapter 19 - Red Wine (July 28, 2018)

164K 2.9K 743
By forgottenglimmer

Miala can see and feel the pain in Lenard's face na kahit siya, gusto niyang mag-sorry sa masasakit na salit.

But before she can feel bad about this person, naalala niya rin ang mga napagdaanan niya nang umalis ito. Kaya nope. She tried to keep her sympathy at bay para unti-unting itulak ito palabas ng utak at puso niya. Hindi pwedeng maawa ka sa taong hindi naman nagpakita ng konting awa sa'yo. She convinced herself na tama lang 'yung sinabi niya. Wala pa 'yun sa mga napagdaanan niya. Sus. 

But she thought, ayos naman si Lenard eh. He wasn't like the best boyfriend ever, not that she has some other exboyfriends to compare with, pero alam niyang may mga pagkukulang din naman siya sa relasyon nila.

They were both young, and quite naïve back then. Walang kamuwang-muwang sa mundo. Halos sabay lang din nilang naranasan ang mga bagay sa unang beses. They were each others' many firsts. First love. First kiss. First everything.

But she honestly thought Lenard was okay. He was supportive and cute and fun. Naging endless source of kilig niya rin ito sa katawan. They never really fought about something really serious. Siyempre ano ba naman ang pwedeng maging issue dati, dahil sobrang bata pa nila. Halos lahat ng napapagawayan nila, naso-solve lang din agad. Ang pinaka main issue lang din siguro nila ay ang hindi pagiging legal ng relationship nila sa nanay ni Miala.

But Lenard waited. He waited and waited hanggang halos umabot sila ng 5 years.

Everything that happened before Lenard left was almost flawless. Hanggang sa dumating na lang ang araw na nagcheat ito, at sumama kay Angeli.

That's the start of Miala's fall.

Kaya kapag naalala niya ang lahat ng nangyari sa kanya Post-Lenard, nawawala ang kahit anong awang nararamdaman niya para dito.

But she feels for the old lady. Sa lola ni Lenard.

Para sa kanya, wala naman itong ginagawang masama eh. She was just there at the wedding at hindi nabantayan ni Lenard dahil busy itong magpasikat sa barista skills niya kanina at magpalobo ng pride habang nakikipagtalo sa kanya tungkol sa gusto niyang kape. 

"Lola Roxy!" Sigaw ng mga naghahanap.

Inabot ng halos isang oras sa paghahanap. Umabot na rin sa mga kapitbahay na ginambala pa nila kahit na mga natutulog, pero wala talaga. Kahit bakas ng yellow bag ni lola Roxy, hindi nila makita.

Halos lahat na naghahanap, including Tom's parents na maya-maya ay nagpahinga rin. They all feel worried and sorry to Lenard pero napapagod na rin ang lahat. Unti-unti ng nagsisiuwian.

Miala wonders, bakit hindi niya nakita ever ang lola ni Lenard na ito. She has been visiting his house for like 5 years, pero kahit anino ng matandang ito hindi niya nakita dati.

She deduced: "Baka lola niya sa nanay."

Then a little later, halos parang wala nang pag-asa. Narinig niyang gusto na ni Lenard na magreport sa pulis pero kinukumbinsi siya ni Tom na tumawag muna sa tatay nito.

"Baka mamaya umuwi lang naman pala 'yang lola mo eh."

"Magsasabi naman 'yun kung uuwi na kay dad. At saka nandiyan pa 'yung sasakyan eh. Mahirap magbook ng grab ngayon."

Hindi alam ni Mia kung bakit nabanggit ang tatay ni Lenard ngayon. For all she knew, hindi na rin naman bumalik si Lenard sa bahay ng tatay nito. Isa ito sa mga pinuntahan niya noon noong nawala ng parang bulo si Lenard. Nagpabalik-balik siya kay Sonny Nobleza pero wala siyang napala. Kahit ang sarili nitong tatay, hindi na rin nakarinig sa anak.

Kaya bakit nasasabi ni Lenard ang salitang 'dad' ngayon na parang wala lang? 

Napatitig na lang siya dito habang nagiisip. Is he back? Dahil sa pagtitig niya, andiyan na naman si Lenard, lumalapit papalapit sa kanya. Naisip niya na baka hindi niya na dapat tinatakasan ang lalaking ito, na dapat niya na talagang harapin and acknowledge the elephant in the room.

Maybe it's time.

Lord, I need a sign. I need a sign. Dapat ko na po ba siyang kausapin?

Naiisip niya na tanging comet na babagsak na lang sa kanya ang pwedeng magsalba. Pero biglang nagring ang cellphone niya. 

She took this as an opportunity to escape.

"Hello m-ma." 

Isang salita lang, napalayo na si Lenard. Hanggang ngayon, may epekto pa rin ang pag-ma ni Miala kay Lenard the same way na kailangan nitong magtago dito kapag nabanggit niya ito dati noong sikreto pa ang relasyon nila.

Some things never change.

For 5 years, naging repulsive na si Lenard sa nanay ni Miala na kahit ngayong wala na sila, it felt like an impulse to move away.

("Anong ma? Ma ka diyan?") Nagsalita ang nasa kabilang linya. It's actually Franchette at hindi ang nanay niya. ("Bakit? Hina-harass ka ba ng ex mo?")

Nagulat si Miala. Gusto pa sana niyang sabihin na savior ang pagtawag nito dahil may tao siyang iniiwasan, pero naunahan siya nito. Franchette really knows her.

"Paano mo nalaman?" Pero deep inside parang alam niya kung paano nakarating dito ang balita tungkol kay Lenard kahit hindi pa siya nagkukwento. "Si Riley no?"

("Oo teh. Nagtataka nga ako bakit 'di ka tumatawag sa'kin. Ano ba? Nagtatanong 'yung tao dito noong isang araw, nagpunta pa dito para itanong kung napano ka daw. Nagtatampo pa na hindi niya alam na may ex ka. Tinatanong sa'kin kung anong nangyari sa inyo ng ex mo. Siyempre hindi ko na chinuchu agad agad sa'yo.")

"Sinabi mo sa kanya?!"

("Siyempre hindi.)

"Hay..."

("Pero bakit ngayon, araw na ng kasal, wala ka man lang chicka sa'kin? Ako pa 'di makakatiis na tumawag? 'Di ko alam kung anong nangyari? Kamusta kayo? So nandiyan nga siya?")

"Eto nandito pa ako."

("Oh my god. I thought I knew you better! Ang hula ko pa naman eh pagkatapos ng business, you'll leave. Anong ginagawa mo diyan?")

"Jusko, Shey! Aalis naman na talaga ako kanina eh. Eh may bagyo. Hindi ako makapagbook!"

("Wala. Pinaglalapit na kayo ng nature.")

"Tulungan mo naman ako Shey, stuck ako sa bagyo with him. Tapos nawawala pa 'yung lola niya. As in kasama niya lang 'yun dito, tapos nawala na lang! Bumabagyo pa naman. Saan kaya nagsuot 'yun?"

("Hah! Deserve niya 'yan! Pakshet siya.")

"Hoy, bad. Kawawa naman 'yung lola."

("Nako, sana ginagago na lang siya 'nung lola niya. 'Yung tipong nagtago tapos pinagtripan at pinagalala lang pala siya. Jusko sana ganoon talaga ang nangyari.")

"Eh. Hayaan mo na 'yung lola. Tulungan mo na lang ako dito."

("Anong tulong?")

"Anong gagawin ko dito? Nakatulog na kasi si Jane eh."

"Gagita, wag mong ipakita na wasak ka. Wag mong ipakita na affected ka pa rin. If he says sorry, try not to blush. 'Yun ang pinakaproblema mo! 'Yang mukha mo na pinagtataksilan ka sa lahat ng oras.")

"Paano pag namula ako?"

("Ano. Ganito. Uminom ka ng alak. Para namumula ka na agad. Red wine siguro para maganda! Para kunwari nakainom lang. Laklakin mo!")

Maya-maya, nagulat si Lenard nang makita niyang lumalaklak ng isang bote ng red wine si Miala.

"Hey!" Lumapit siya dito at gustong pigilan. Nakita niya kung pano malasing si Miala ng red wine dati. "Ano bang ginagawa mo? Tama na 'yan!"

It was one of their anniversaries, nang uminom rin sila nang maraming wine. It was their 4thkung hindi siya nagkakamali, and the wore both still 17th pero nakatakas sila at nakapasok sa isang wine bar.

Akala niya, maganda ang epekto ng wine na ito dahil nagsimulang tumawa ng tumawa si Miala. Pero pagkatapos 'non ang malalala.

It will be her honesty hour. Iiyak ito ng iiyak at magsasabi ng kung ano-anong nilalaman ng damdaman niya.

Hindi niya alam up to this point kung natatandaan pa ito ni Miala at hinayaan ang sariling lumaklak ng isang bote, dahil kahit dito, akala nito nagbibiro lang siya kapag nire-recount ang pangyayari sa wine bar.

Napailing na lang si Lenard. Mabuti na rin siguro 'to. At least, baka malaman niya kung ano talagang estado ni Miala.

Naupo na lang siya sa tabi nito and waited until the wine takes effect.

Kay Miala, tama si Franchette.

Getting wine drunk is the best drunk. Sobrang light headed na niya kasi. Parang unaware lang sa paligid, but down to kick it with the comforting toasty feeling.

"I'm sorry."

Kaya nang magsimulang mag-sorry si Lenard, wala siyang nararamdaman. Hindi niya ma-absorb ang sinasabi nito. At least not now.

Biglang mapapabalikwas ng tayo si Lenard nang makareceive ng text galing kay lola.

|Just got home! Are you proud of me? Daming hindi makapag-book ng Grab, pero nagawa ko! Black car na kinuha ko makauwi lang. Enjoy your night with Mia! You owe me!"|

Parang ha-high blood-in si Lenard sa natanggap na text. Ilang oras silang naghanap. Inabala pa nila ang mga magulang ni Tom at ang mga kapitbahay, 'yun pala ay umuwi lang ito? Tama naman pala si Tom eh. Pero ayaw niya lang tumawag sa tatay niya kanina dahil mapapagalitan siya kapag napagalaman ng dad niya na hindi niya alam na wala na ang lola niya sa tabi niya.

"Hahaha! 'Yung mukha mo parang puffer fish. Pout Pout Pout!"

Ayan na. Nagsisimula nang tumawa si Miala.

And Lenard knew for a fact na kapag nag-stay siya for a while, dadating na rin ang honesty hour. All he can do is wait.

At saka niya na po-problemahin si lola Roxy dahil nakauwi naman pala ito.

"Hahahahahahahaha!"

And then it hits her. Narealize ni Miala na nangyari na 'to. Na hindi dapat pala siya umiinom ng wine ng ganun kadami at ganun kabilis.

But as soon as she she's about to cry, somebody calls Miala's name.

"Miala! Boks!"

It's Riley.

*later*

>> Next: Chapter 20 - What Really Happened (July 31, 2018)

Continue Reading

You'll Also Like

391K 9.9K 43
Old story written in 2006.
4.7M 42.2K 37
PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao...
1.9M 70.8K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
2.7M 75K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...