Zake The Playboy

נכתב על ידי Sweetiebuddies

55.9K 1.4K 65

Mendoza Series. He's Zake, Zake Mendoza. Mother of the 'Evil Bad Girl' Shandelle Sandoval Mendoza. His story... עוד

Zake The Playboy.
1; Mendoza's
2; #AskZake
3; Concert
4; Crystal
5; Roadtour
6; Performing
7; Number
8; Textmate
10; Reaction
11; Pregnant
12; Torpe
13; That Girl
14; Crazy
15; Touchdown
16; Oslob
17; Seriousboy
18; Official
19; Happiness
20; Kryptonite
21; Happy lang
22; Niloloko
23; Ready
24; Jassia
25; Halikan
26; Insult
27; Test
28; Lost time
29; Drunk
30; Suko
31; Binalewala
32; End this
33; Baby Mendoza
34; Engagement Party
35; Final
Chapter 36; Sorry
Epilogue
Author's note
Fragmentary Love
Three years na!

9; Dinner

1.5K 40 0
נכתב על ידי Sweetiebuddies

Chapter Nine

Dinner

**

CRYSTAL

Ilang weeks na din kaming magkatext ni Jake, wala parin akong masyadong alam sakanya eh. Sabi niya pag nagkakilala na daw kami, tyaka niya sasabihin lahat-lahat daw.

Nandito kami sa may barbecue-han ni Aling Lena. Tita ito ni Bek, kaya nilelebre kami ni bek kapag tatambay kami palagi dito, matagal na din kaming di nagkasama-sama eh, dami kong trabaho sa Hotel tas binibilhan ko pa ng gamot si Nanay at Tatay.

*RING*

Tinignan ko naman ang cellphone ko.

From: Jake

Hi, Kate! Pwede ba tayo magkita bukas ng gabi? 7:00 PM siguro para di ka malate umuwi. Don't worry, I'm harmless. If you want isama mo ang friends mo! So, gusto ko na kasi makipagkita na sayo. Sana tanggapin mo ako...

Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko.

To: Jake

Hello, Jake! Oo naman sige. Basta ipapadurog kita na parang paminta pag hindi ka harmless.

From: Jake

Haha. And, please wag ka magalit. I just want to be close to you. Kung nagsinungaling man ako, di ko na gagawin 'yon

"Hi, Kate! Hello Jake! And please wag ka ng magalit..." kumunot naman ang noo ko, so nakita ni Bek?! Malamang! Tsismosa eh!!

"Ayiee iday! May lablayp kaaaa..." Pang-aasar pa ni Shiela saakin ngumisi naman ako

"T-teka! Pano kung si Zake nga 'yan?!" Kumunog nanaman ang noo ko. Pero totoo, pano nga naman kung si Zake ang ka-text ko? That playboy! Hmp! Pero for me kung si Zake man 'to di ko nga dapat pala siya jinudge agad. Siguro di naman masama diba?

"Okay lang. Mukha namang mabait 'yong tao, e."

"Mukha? Eh di mo pa nga nakikita, e! Ay nakoo!!!" humagalpak naman sa tawa si bek. Ngumisi na lamang si Shiela habang ako ay umirap sa kakornihan niya

Pagkatapos namin mag-usap, ay umuwi na kami. Kahit naman labag sa kalooban ko na isama sila sa dinner namin ni Jake ay inimbita ko sila nung una pa nga'y ang drama nila. Kunwari'y ayaw nila nung sinabi ko na maraming pagkain at gwapo si Jake, kahit di ko alam kung totoo nga pero may feeling na ako na pogi siya ay umu-oo ang dalawa!

"Saan ka nanaman nanggaling?" Mataray na sabi ni Nanay pag pasok ko sa bahay, nagbless muna ako kay Tatay. Kukunin ko na sana ang kamay ni nanay at magb-bless ng tabigin niya ito. Wala naman akong naggawa at yumuko na lamang sakanya "Tinatanong kita, Crystal.." Mataray na sabi niya ulit nanatili naman akong nakayuko, ramdam ko na ang galit sa mukha niya sa tuwing kinakausap niya ako

"Dun lang po kami sa barbecue-han ng tita ni bek, Nay. Dinalhan ko din po kayo ng ulam. Namalengke kasi kaming tatlo kanina nay e..." Sabi ko naman, sabay lapag sa lamesa ng barbecue "Magluluto na po ako.."

"Wag na. Bukas na natin 'yan iluto, Nak! Okay na 'tong barbecue mo. Salamat a! Nagabala ka pa samin ng nanay mo." Ngumiti naman ako sa sinabi ni tatay, buti pa si tatay na-appriciate niya yung kaunting bagay na binibigay ko sakanila.

"Talagang dapat siyang mag-abala, Dahil wala tayong kakainin." Sabi pa ni Nanay "Masyadong Mahina ang benta ko dahil sa pesteng riza na 'yon!" Nagsimula naman maging tigre sa galit si nanay. Talaga nga namang komptensya ang mga nagbebenta don "At ikaw, Crystal! Alam mo imbes na tumutok ka sa peste mong mga kaibigan ba't di mo ako tulungan sa palengke?! At bumili ka pa sa iba kanina! Letche!" Hinampas niya ang dyaryo, umupo nalang kami ni Tatay at hinintay na kumalma siya

"N-nay, napagod na din po kasi ako." Yumuko ako, kahit naman anong sabihin ko hindi naman sapat sakanya 'yun basta kung ano ang tama para sakanya 'yun na din ang tama para samin "Pupunta po sana ako sa pwesto ninyo, p-pero po nakasara na bumili na lang po ako sa mama ni bek. S-sorry po nay, bibigyan ko nalang po kayo ng pera."

"Aba oo! Kahit di mo sabihin ang pera mo, pera namin!" Sabi niya "Kelan ba yang sweldo mo?!" Naiirita niyang sabi sakin "Napakatagal! Punye--" Bago pa man niya imura sakin lahat. Ay napigilan na siya ni Tatay

"Precious!" Suway ni Tatay sakanya. Yumuko na lang ako, nanahimik naman kami kaagad sa suway ni tatay sakanya. Sumulyap ako kay nanay, nakasapo ang kamay niya sa noo niya. Lagi naman siyang nagagalit kahit wala naman akong ginagawang masama. Pero di naman kasi ako sumusuway sakanya, takot ko lang noh! Hindi ako suwail. Utang na loob ko sakanila ang buong buhay ko, nakita ko 'yung paghihirap nila mula nung nag-aral ako. Pero, simula ng namatay si Kuya ay nagbago ang pakikitungo ni nanay sakin. Hindi na siya yung naging lakas ko si tatay nalang. Mas lalo naman akong nanghihina sa tuwing nagagalit siya sakin

Matapang akong babae, pero emosyonal ako na tao. Konting galit lang sakin ni nanay o ng kahit sino man umiiyak na ako, ayaw ko talaga ng pinagsasabihan kasi alam ko na ginagawa ko lahat, lahat-lahat ng makakaya ko at gusto nila pero nagagalit parin sila at minsan pa'y kinukumpara ako sa ate ko.

Oo, may ate din ako. Pero ilang taon na siyang di nagpaparamdam saamin, pero kahit ganon ay di tumigil si nanay na ikumpara ako kay Ate Precilla. Hindi ko naman kasalanan na ganito ako, na gusto ko minsan maging masaya para sa sarili ko.

"Peste na buhay ito!" Narinig ko na lang ang malakas na pagdabog ng pintuan. Tumayo naman ako, para kumuha ng plato namin ni tatay, nanatiling tahimik ang bahay namin. Tahimik naman kaming kumakain ni tatay hindi siya umiimik. Tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng plato at utensils.

Kinuha naman ni Tatay iyong saklay niya. Pagkatapos ay tumungo sa sala at nakatulala lang.

"T-tay, p-pasensya na kayo. Hayaan niyo bibili na po ako ng TV kapag nagkasweldo ako. Bibili din po ako ng g-gamot, s-sorry ..." Hindi ko na ituloy ang sinabi ko ng narinig ko ang paghikbi ni Tatay. Hindi ko alam pero nalungkot ako

Lumapit naman ako agad kay tatay, umiiyak nga siya. Niyakap ko naman siya "Kasalanan ko lahat kung bakit araw-araw laging galit si Precious."

"Wala pong may kasalanan, T-tay.." sa tuwing umiiyak siya ay napapaluha na din ako. Minsan ko lang makitang umiyak si tatay, at ngayon ko lang nakita na umiyak siya dahil sinisisi niya ang sarili niya...

"Nung niligawan ko ang nanay mo, sinagot niya ako. Masaya kami noon kahit kapos kami. Mas pinili niya ako sa mayaman na lalaking nililigawan siya, ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki non. Pero nung naramdaman niya na ang kakulungan sa pera nung may mga anak na kami. Nagbago siya, pero ako? Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko na pinangakuan ko siya ng masaganang buhay. Kasalanan ko 'to ba't siya ganyan, di ko nga alam ba't di niya ako iniiwan. Mahal na mahal ko ang nanay mo, nak. Kaya kahit ganiyan siya alam kong ganun parin ang nararamdaman niya sakin..."

"Kaya ikaw, nak. Kahit mayaman man o mahirap ang lalaking mahal mo, okay lang. Basta wag kang tulad sa nanay mo. Mas maganda ang kinabukasan mo, kasi ikaw yung babaeng marunong pumili ng desenteng lalaki.." Niyakap ko si Tatay

"Kung pipili man ako ng lalaki na mamahalin ko, Tay? Syempre, tulad mo.." Ngumiti ako kay tatay habang ganun din siya sakin. "Mahal ko kayo, Tay. Mahal na Mahal."

"Salamat anak, Mahal na mahal ko kayo ng nanay mo."

Niyakap ko ng mahigpit si tatay, mas lalo niya kasing pinapagaan ang loob ko e.

**

Kinabukasan.

Umaga na. At ngayong araw o mamayang gabi na kami magkikita ni Jake, pero di naman ako nakareceive ng Goodmorning Kate galing sakanya ewan! Pero, sigurado mamaya magt-text iyon sakin

"Magamusal ka." Halos di ako makapaniwala na gising na si nanay. Madalas ay tulog pa siya kapag aalis ako, hindi na rin ako nagaalmusal dahil marami ng kainan sa labas ng hotel. Malapit din 'yun sa mall, pero kahit mataray na sabi niya 'yon ay napangiti ako. Assuming man ako, pero atleast di niya ako pinapabayaan na di kumain diba?

"N-nay, babaunin ko nalang po. Baka kasi ma-late ako sa shift ko mamaya." Pero ang totoo hindi pa. Nahihiya kasi ako kapag kasama ko siyang kumain, nagiging unusual at nawawala ako sa sarili ko siguro nga dahil di kami gaano ka-close ni nanay kaya ganon ako kapag kasama ko siya nauutal nga ako ng sinagot ko siya e.

"Bahala ka. Basta kakain ka ng almusal, niluto ko pa 'yan." Hindi ko mapigilan ang ngisi ko. Tahimik ako na naglalagay ng baon ko sa tupperware, nilagay ko 'yon sa backpack ko at ngumiti. Kahit ganyan si nanay, mahal ko 'yan.

"Alis na po ako, Nay. Late na din po pala ako makakauwi." Maaga ang tapos ng shift ko ngayon dahil duty agad yung isa kong kasama sa hotel pagkatapos niya mag-leave. Syempre, di ko ipapaalam na aalis ako dahil may dinner ako. Dahil alam kong di papayag si nanay don, kaya tumango na lamang siya. "Sige po, alis nako. Inumin niyo na din po mamaya yung gamot niyo ni tatay." Sabi ko, tumango naman uli siya at tumalikod na ako para umalis na

Bigla naman nag-ring ang cellphone ko, buti naman at nag-text na si Jake! Akala ko di nagpaparamdam ang lalaking 'to!

From: Jake

Kate, 7:00 PM ang dinner sa Gerry's grill. I know simple ang resto, but don't worry kaunti lang ang tao. I'll give you the adress later, malapit lang naman sa hotel mo 'yon sa Ventrio Hotel ka diba?

Ngumiti ako. Kinikilig na ako these past few days kapag nakikita ko yung text messages niya sakin!

Nagreply naman agad ako, sakanya

To: Jake

Okay! Thanks. See you, nalang!!

Matapos ng reply ko ay di ko na inantay na mag-reply pa siya. May trabaho din naman kasi ako, kahit itago ko man ang pahkaexcite ko dahil magkikita na talaga kami mamaya ni Jake. Kailangan matapos ko 'tong araw na 'to ng maayos at maganda

"Crystal, Sabi ni Ma'am Vina dun ka daw sa lobby." Ngumiti si Ate elena sakin at ako din, tumango ako bilang tugon "Swerte mo ang ganda ng pwesto mo."

Nagbihis na ako ng Black uniform namin, itinali ko lang ito sa pony at naglagay ng kaunting make-up, pink na lipstick raw look lang naman hindi ko naman trinasform ang sarili ko. Maybe, this will be my look for the dinner

Nagsimula naman na ang trabaho ko, mukhang ramdam na ang bakasyon sa bansa. Marami na din kasing turista dito, well. Malapit din naman na kasi sa airport ang lugar kaya dito sila para siguro kapag umalis na sila less traffic pa

"Miss, pwede mag-check in?" Habang may inaabala ako sa computer ay bigla naman akong napatingin sa isang namamaos na boses ng medyo pamilyar na lalaki. Muntikan na akong mahimatay, gwapo talaga siya lalo na sa malapitan kaso.. siya si Zake, Zake the playboy "A-ah miss?" Natauhan naman ako

"Oh! Sorry!! What is your concern, Ser?" I'm sure di niya na ako maalala ako lang naman ang pumunta sa roadtour niya tapos ay nagpapirma ng album niya na bigay lang sakin at sinabihan niyang your not my fan, are you? Ramdam ko ang kahihiyan ngayon. Sana naman hindi niya maalala ang mukha ko!

"Ahm, Magc-check in kami ng mga kaibigan ko with Damn my brother." Natulala naman ako, Damn? Damn ang pangalan ng kapatid niya? Ano 'yon mura?!

"So, ilan po kayo?"

Ngumisi naman siya sakin "Ah, 5. But you can give us 2 king size bed and two more foams we can handle that. Hindi naman uso samin ang mayaman masyado." Impressive! So, napakahumble niya parin kahit KING siya ng showbiz? Wow. Nakakaimpress naman ang babaerong 'to!

Tumingin naman ako sa katrabaho ko na muntikan na din mahimatay kakatitig kay Zake. Damn, this man!

"Okay, Ser. This is your key card and your room is 505." Ngumiti naman siya at ako din. Pero di ko maipagkaila na kinakabahan ako sa nakakamatay na titig niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, sino ba siya? Bakit niya ginugulo ang sistema ko?! Hindi ko siya idol pero, bakit ganito ang nararamdaman ko?! Fck.

"So... mukhang gusto ng magpapicture ng kasama mo. I can." Ngumisi naman ako, wow ah! This guy.. ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-humble na artista!

At 'yun na nga! Nakapagpapicture na ang kasamahan ko sakanya. Wow, ah!

Nang nakaalis na sila ay di parin tumigil ang mga butteflies ko, ang puso ko sa pagiging baliw. Teka nga! Kay Jake ko lang naman nararamdama 'to eh ba't pati kay babaero?!

**

UNEDITED.

Look, I'm really trying my best! My best to have a good chapters and long chapters. But, baka maubos agad ang plot eh! But don't worry. This is I'll promise, I'll make a thousand words every chapter.

I'm not using computers because its so hard to type in a computer for me, I'm more comfortable in a cellphone or IPad or tablet not the computer! So, kaya maiikli ang chapters



Updated: May, 15, 2016.

המשך קריאה

You'll Also Like

9.6K 503 40
Xanthus Dwight Villaflor a man that he thinks he can get all the woman's heart in just one wink and he believe that everything he wants, he get, not...
33.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
69.4K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
4K 307 53
LSU Series #1 Meet Jhazilyn Inn Jung, high school student sa isang public school. Masipag, maaruga at higit sa lahat ay malaki ang determinasyon para...