Class 2 - 3 | Tagalog Story

By hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... More

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Tired
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Smart One
Top 1
Lost Memory
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Angelic Voice
Cracked Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Lies
Truth Hurts
Funny One
Happy Day
Lonely
Sporty
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Dancer

115 2 0
By hwangeunbb

{Nakulong na din ang kaluluwa ni Leah sa loob ng salamin na pagmamay-ari ni Mr. Norman. Magagawa ba nilang makatakas doon o baka madagdagan nanaman sila? Hindi na ulit natatandaan ng mga estudyante sa Class 2 -3 na may kaklase silang may pangalan na Leah pero... maliban lang kay Jahz. Nagagawa niyang alalahanin ang lahat. Magagawa ba niyang tulungan ang mga kaklase niyang nakulong sa loob ng salamin?}

Izza's POV.

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko at tinitingnan ko yung mga kinuha kong mga litrato this past days. Seryoso kong tinitingnan yung mga pictures nang bigla akong mapaisip. Y-yung iba sa mga pictures, h-hindi ko kilala yung mga tao.

Pero bakit ko sila kinunan? (yung mga taong yun ay sina Nin, Ruby, at Leah ) Hindi ko kilala yung mga babaeng 'to p-pero parang pamilyar sila sa mga mata ko para bang matagal ko na silang kilala hindi ko lang sila matandaan.

Napatigil ako sa pag-iisip nung mapansin ko si Jahz na napakaseryoso ngayon. Seryoso lang siyang nakasandal sa pader na nsa gilid ko. Ok lang ba 'to?

"Hoy. Ok ka lang ba?", Agad siyang tumingin sa akin.

"Huh? Uhm... ok lang ako.", Saan ba 'to nakatingin?

Nakatingin si Jahz sa isang bagong bakanteng upuan (Upuan ni Leah). Ano naman yung meron sa upuan na yun?

"Uy sabihin mo nga sa akin. May problema ka ba doon sa upuan na yun?", Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

"Izza. Hindi mo ba natatandaan kung sino yung nakaupo sa upuan na yun?", Huh? Meron bang nakaupo doon dati?

"W-wala namang nakaupo jan ah. Bakante nga yan eh.", Sumandal ulit siya sa pader.

"Hindi mo ba napapansin... padami nang padami yung bakanteng upuan sa classroom natin? Hindi mo ba napapansin yun?", Dahan-dahan akong tumingin sa mga upuang bakante.

"One. Two. Three. Tatlo naman yung bakante talaga ah.", Tatlo naman talaga ah.

Jahz' POV.

Hay naku~ kung patuloy kong sasabihin yung bagay na alam ko. Wala lang maiintindihan si Izza. Hindi na niya maalala si Leah at kung ano ba ang nangyayari sa loob ng classroom na 'to. Ano bang nangyayari? May kinalaman ba si Mr. Norman sa mga pangyayaring 'to?

Hinatak ko si Izza. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa upuan ni Leah.

"Jahz. Anong gagawin natin dito?", Tumingin ako kay Izza.

"Maghanap ka kung may makikita kang hindi pangkaraniwang bagay sa upuan na yan. Maghahanap din ako.", Nakita ko na umupo si Izza sa upuan ni Leah at nag-umpisa na siyang maghanap. Ganun din ako.

Izza's POV.

Sinunod ko yung sinabi ni Jahz. Naghanap ako nang naghanap pero wala naman akong nakikitang hindi pangkaraniwang bagay sa upuang 'to nang bigla akong mapahinto sa pagkilos nung mapansin kong may nakasulat sa upuan.

"Jahz. Tingnan mo may nakasulat sa upuan.", Agad akong tumayo at pinakita ko kay Jahz yung nakasulat sa upuan.

Jahz' POV.

Agad kong tiningnan yung sinasabi ni Izza na nakasulat daw sa upuan ni Leah.

Ako si Leah. Student sa Class 2 - 3. Top 2 sa klase. May matalik na kaibigan, ang pangalan niya ay Joie. Tama si Leah ang nagsulat nito. Sinulat niya siguro 'to dahil nawawala na yung mga ala-ala niya kaya sinulat niya dito yung mga importanteng detalye na kailangan niyang maalala palagi.

Pagkatapos kong basahin yung sinulat ni Leah. Sakto naman na dumaan si Joie sa harap namin ni Izza kaya agad ko siyang tinawag.

"Joie.", Tumingin naman agad siya sa akin.

"Hmm? Bakit President may kailangan ka?", May itatanong lang ako.

"May kaibigan ka bang pangalan ay Leah?", Biglang nagtaka yung mukha niya. W-wala kang naaalala?

"I'm sorry. Wala akong natatandaan na may naging kaibigan ako na may pangalang Leah. Sorry hindi ko yun kilala.", Pagkatapos naglakad na siya palayo sa aming dalawa ni Izza.

"H-hindi niya na natatandaan yung matalik niyang kaibigan.", Humarap sa akin si Izza.

"Jahz. Sure ka bang ok ka lang talaga?", Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Hmm. O-ok lang ako.", Pagkatapos nginitian namin ang isa't isa.

Sabay kaming nagulat nung may marinig kaming nagsisigawan sa labas ng classroom. A-anong meron sa labas? Sabay kaming lumabas ni Izza para tingnan kung ano na ang nangyayari sa labas.

Si Faye lang pala. Nagpapakita siya ng mga dance moves niya kasama yung mga kagrupo niya. Siya na ata ang pinakamagaling sumayaw sa loob ng campus. Naging super sikat siya dahil sa talent niya na pagsasayaw. Buti nga hindi pa siya naiinjured eh.

Biglang nanlaki yung mga mata ko nung sabay sabay na sumigaw yung mga estudyante sa gilid namin ni Izza. D-dahil napilayan si Faye. Hala kakasabi ko pa lang na hindi pa siya naiinjured. Tapos ngayon... n-nangyari naman.

Nabalot ng takot yung sarili ko nung makita kong agad siyang binuhat ni Mr. Norman. S-saan siya dadalhin ni Mr. Norman? B-bakit ako natatakot ngayon? S-siguro dahil wala akong tiwala kay Mr. Norman baka ang susunod niyang bibiktimahin ay si Faye.

Faye's POV.

May narinig kasi ako na sinabihan ba naman ako na walang kwenta yung pagsasayaw ko kaya pinakitaan ko siya kung paano ang tamang pagsasayaw pero hindi ko naman ineexpect na mapipilayan ako. Siguro ganito talaga pag nagiging sikat. Dumadami din yung mga bushers.

Mga walang magawa sa buhay kaya naninira ng ibang tao. Argh! ang sakit ng paa ko. W-wait h-hindi 'to daan papunta sa clinic ah. S-saan ako dadalhin ni Mr. Norman? Napatigil ako sa pag-iisip nung pinasok niya ako sa loob ng counseling room.

A-anong gagawin ko dito? Kailangan kong magamot ngayon. Napilayan ako tapos dito ako dadalhin sa counseling room.

Pinaupo ako ni Mr. Norman sa isang upuan na nakaharap sa kanya.

"Sir. Kailangan kong pumunta sa clinic.", Nung sinubukan kong tumayo biglang sumakit yung kanang paa ko.

"Wag kang tumayo. Mamaya lalo pang mainjured yang kanang paa mo.", Nakasimangot akong tumingin kay Mr. Norman.

"Hindi 'to lalong maiinjured kung dadalhin niyo na ako sa clinic ngayon.", Nginitian lang ako ni Mr. Norman. Grr may narinig ka ba?

Bigla akong napatulala nung may inabot siyang gamot sa akin.

"Eto. Inumin mo. Mawawala agad yang pilay mo.", Dahan-dahan kong kinuha yung gamot na inaalok sa akin Mr. Norman.

"Sigurado po ba kayo?", Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Oo nman. Oh eto tubig.", M-mukha namang seryoso si Mr. Norman sa sinasabi niya.

Dahan-dahan kong ininom yung gamot na bigay ni Mr. Norman at sinabayan ko ng pag-inom ng tubig. Ah wala namang gaanong lasa yung gamot. Plain lang yung flavor. Lol.

"Sige. Subukan mo nang tumayo.", Huh? S-sige na nga.

Dahan-dahan akong tumayo. Nanlaki yung mga mata ko nung hindi na ako nakadama pa nang pananakit sa kanang paa ko. T-tama si Mr. Norman nawala na nga yung pilay ko. A-ang galing naman.

"Pwede ka nang lumabas.", Nginitian ko si Mr. Norman bago ako lumabas.

Woo... grabe yung feeling ko ngayon ang lakas lakas na ulit ng mga paa ko. M-makakasayaw na ulit ako nang maayos baka nga mas maayos na ngayon. Nakangiti akong naglakad sa corridor ng school. Tsk lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong ko nakatingin lang sa akin.

Ano bang meron sa akin? Bigla akong napahinto sa paglalakad nung may marinig nanaman akong nagsalita nang hindi maganda tungkol sa akin. Sabi ba naman hindi yan marunong sumayaw. Talaga lang ha. Agad akong puwesto sa harap nalang lahat.

Pinatugtog ko yung pinakapaboritong kong kanta na panghiphop. Pagkatapos sumayaw na ako sa harap nilang lahat. Nakita ko yung mga reaksyon nila. Amaze na amaze sila habang pinapanood nila akong sumayaw. Ano sino na yung sinasabihan mong hindi marunong sumayaw?

Jahz' POV.

Seryoso akong naglalakad nang mag-isa sa corridor nang bigla akong mapahinto sa paglalakad nung mapansin kong parang may pinagkakaguluhan yung mga estudyante sa pinakaunahan ng corridor. S-sino naman yung pinagkakaguluhan nila?

Tumakbo ako para tingnan kung sino ba yung pinagkakaguluhan ng mga estudyanteng ito. Waaahh... s-si Faye nanaman pala. Wow! Parang mas gumaling na siyang sumayaw ngayon ah. A-ano kaya yung nakain nito at biglang gumaling lalo sa pagsayaw?

Nagulat ako nung biglang lumitaw sa harap ko si Izza. My goodness!

"Hahahah! Grabe yung reakyon mo Hahahah!", Tsk natatawa ka pa ha.

"Hay naku Izza, bahala ka na nga jan.", Pagkatapos naglakad na ako palayo sa kanya.

"Uy eto naman hindi mabiro. Tingnan muna natin si Faye.", Humarap ako kay Izza.

"Samahan mo nga muna ako.", May pupuntahan tayo.

Faye's POV.

Grabe ang gaan gaan na ng pakiramdam ko ngayon. Para bang nadagdagan yung energy sa katawan ko tapos mas gumaling pa ako sumayaw ngayon. Siguro dahil 'to sa pinainom ni Mr. Norman sa akin na gamot. Effective na effective para sa akin yung gamot na yun.

Ang lakas lakas na ng mga paa ko ngayon. Kailangan kong humingi ulit kay Mr. Norman ng gamot na pinainom niya sa akin.

Jahz' POV.

Pupunta kami ni Izza sa loob ng counseling room. May gusto lang akong tingnan sa loob. Alam kong walang tao sa loob dahil lunch break ng mga teachers ngayon kaya pasekreto kaming papasok sa loob. Nung bubuksan ko na sana yung pinto biglang hinawakan ni Izza yung kanang kamay ko.

"Jahz. Sure ka ba dito? Mamaya mahuli tayo ni Mr. Norman. Yari talaga tayong dalawa.", Humarap ako kay Izza.

"Wag kang mag-alala. Mamaya pa babalik yung mga teachers. Lunch break nila ngayon. Hindi tayo mahuhuli.", Mag tiwala ka sa akin Izza.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto tapos sabay kaming pumasok ni Izza sa loob. N-napakalinis ng loob ng counseling room pero kailangan kong humanap ng ebidensya na tama yung hinala ko kay Mr. Norman na siya yung dahilan kung bakit nawawala yung iba kong mga kaklase.

{Makakahanap ba ng mga ebidensya sina Jahz at Izza? ABANGAN.}

-End of Chapter 10-

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
31.8K 617 16
a story of astro that is Tagalog
2.3K 148 20
Kung hindi man tayo sa huli, kung hindi man tayo ang para sa isa't isa, hindi ko na lang hahayaan pang umibig ang puso kong muli. Year 2018 Start: Se...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...