Masyadong mabilis ang mga pangyayari kina YNA at AARON, yung bakasyon nila sa Bohol halos gabi gabi may BS. Two weeks after confirmed buntis na si YNA, tuwang tuwa ang mga magulang nya. Ikinasal sila sa Batangas halos lahat ng mga katrabaho nila invited.
Yung mga ex ni AARON tanggap na wala na talaga silang pag asa. Kasi kita nila na nagmamahalan talaga sila.
Natupad ang pangarap ni YNA na maging BABY FACTORY kasi halos taon taon nanganganak sya, naka dose na ata silang anak nung mag family planning sila.
the end
salamat sa pagbabasa.
_casper_
syempre joke lang yun. bwahahahahahaha
YNA'S POV:
Tinopak na naman ang author, doseng anak huh? adik (author: gusto mo naman yun??) Gusto kong mag anak pero hindi naman ganun kadami. Andito na kami sa bohol, ayaw ko munang makipa usap sa topaking author. hahaha Sa whites and Greens Resort kami nag stay, madami naman magagandang resort dito sa Panglao pinili lang namin ito kasi mga kubo yung mga bahay nila, para feel na feel namin na malayo kami sa city pero kakatuwa kasi wifi zone naman kaya wala din.haha Kakarating lang namin ng bandang alas dos na hapon dito sa resort, pahinga lang daw kami ng kaunti para mamayang hapon eh magswiswiming kami. shock.. first day palang maeexpose na agad ang katawan ko sa kanya.hahaha Andito kami sa cottage namin, syempre matutulog muna kami, kung ano ano na naman iniisip nyo, pagod kaya kami sa byahe.hahaha
"napagod ka ba?" nakahiga kaming dalawa,nakatalikod ako sa kanya,nakayakap sya sa akin, ang kinuha namin na cottage eh pang honeymoon suite talaga, adik din kasi tong lalaking to, mr and mrs villaluz ang nilagay nung nag check in kami.
"medyo nahihilo na lang" niyakap nya ako ng mahigpit, he planted a kiss on my neck, inulit ulit pa. parang mas nahihilo ata ako ngayon sa pinag gagawa nya. humarap ako sakanya then our lips met, matagal na magkalapat ang aming mga labi, Tas bigla syang bumitaw.
"tara swimming na tayo" bumangon na sya. Anong problema nya?? we just shared intimate moments tas bigla biglang mang iiwan?? kakainsulto kaya. Hayaan na nga lang kahit nakakainis. Nag palit na din ako ng pan ligo ko. Kasi after nyang magbihis eh lumabas na sya ng cottage, hirap basahin ng isip nya mga pre. bahala sya. Paglabas ko ng cottage, may kausap syang girl, close sila? may paghawak pa sa braso ni aaron?? Pagtingin sa akin aaron parang nagulat pa ata sya?? bakit kasi nahuli ko sya??
"andito na pala sya, bebs si YNA" bebs???!!!!! tas ako YNA lang?? simple YNA????!!!! ngumiti lang ako ng pilit, kakagalit kaya, iniwan nya ako sa kwarto tas makikita mo na may kasama syang iba???
"hi BEBS, sige iwan ko muna kayo baka mahalaga yang pinag uusapan nya" tumalikod na ako. nakakainis kasi. nakakainis na nakakaiyak.
AARON'S POV:
Lumabas na ako ng cottage namin, baka kung san mapunta yung intimate moment namin kanina , hindi ko alam kong hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili ko na tupadin yung pangako ko. Kaya mabuti munang umiwas sa mga sitwasyon na ganun hanggat nakakapag pigil pa ako.
"aaron?!! ikaw ba yan?" may tumawag sa akin, pagtingin ko, college friend ko pala.
"bebs, akalain mo dito pa tayo nagkita, musta?? sinong kasama mo?? " close talaga kami ni bebs, mga 3 years na ata nung huli kaming nagkita.
"fiance ko, ikaw?" akalain mo yun seryoso na din tong babae na to.
"fiance ko din" syempre dun naman ang punta nun eh, sigurado na talaga ako sa kanya.
"asan sya?? akalain mo may nagtyaga na sayo?" baliw talaga tong babaeng to, paglingon ko sa cottage namin sakto palabas si YNA, nak ng tokwa, parang gusto ko syang hilahin sa loob tas hindi na kami lalabas dun sa loob ng apat na araw, bat kasi nag two piece pa sya??!!! pano na ang pag pipigil ko?!!!
"andito na pala sya, bebs si YNA" parang nag iba expression ni YNA, galit???
"hi BEBS, sige iwan ko muna kayo baka mahalaga yang pinag uusapan nya" tumalikod na sya. galit nga.
"kung maka BEBS ka naman kasi, wagas, syempre magseselos yun" uu nga pala, adik din nga ako, eh natulala ako sa kanya eh
. "bat naman kasi BEBS nickname mo. sige sundan ko lang sya" hinalikan ko sa sa pisngi tas sinundan na si YNA.
YNA'S POV:
BEBS talaga , kakainis pa din, pag lingon ko yun hinalikan pa talaga yung bebs na yun, kakagalit lalo. pigilan nyo ako, pigilan nyo ako. Dahil busy ako sa galit ko nakasunod na pala si AARON, hinila nya ako sa dagat, adik talaga tong lalaki na to.
"ano ba aaron, ang khulit mo din ano" kakainis kasi parang ok lang sa kanya, na wala syang nagawa??
"pano galit ka naman" hindi naman kalalimang part kami, medyo bewang nya eh.
"hindi ako galit" ewan pag ganito kalapit sya sa akin parang nawawala lahat ng tampo at selos. kainis
"si bebs, college friend ko sya, bebs lang talaga nickname nya." kaya pala close talaga.
"kakainis ka kasi" napayuko na ako,ewan pag lagi kaming may tampuhan suko ako agad.
"bakit naman?" para naman masasabi ko na kaya ako naiinis kasi iniwan nya ako kanina sa kwarto sa gitna ng halikan namin.nakakahiya kaya. "naiinis ka kasi iniwan kita kanina? alam mo Yna ginawa ko yun para sayo, hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapagpigil na may mangyari sa atin na tupadin ko yung pangako ko, akala ko kaya ko eh, kaya ang ginawa ko na lang eh lumayo sayo kanina, tas ganyan pa suot mo ngayon, alam mo na gusto gusto ko na hilahin ka na lang pabalik ng kwarto kanina, ikulong dun ng apat na araw, nahihirapan na ako kaya wag ka na namang mainis oh" yun ung reason nya?? eh sino ba may sabi na mag pigil sya di ba?? hindi naman ako teenager na itinakas lang nya. saka sya lang naman ang nangako, hindi naman ako sumang ayon di ba??
"pumayag ba ako nung nangako ka" niyakap ko sya " ang adik mo din naman kasi, alam mo naman na ayaw ko na nahihirapan ka" then i kissed him, naramdaman ko na lang na binuhat nya ako, pumasok ulit kami sa cottage, the moment na lumapat yung likod ko sa kama, alam ko eto na to na wala ng atrasan, susuko na ang bataan.
"sigurado ka ba talaga dito?" tanong nya habang nakatitig sa akin, Tumango na lang ako, parang walang salita na gustong lumabas sa bibig ko, then he claimed my lips. Katulad kanina, deep and passionate. Handa na ako sa magaganap. mahal ko tong lalaking to na kaya kong isuko lahat. Lahat lahat.
...............................................................................................................................................................
A/N: ayan na po, tunay na BS na yan. Kayo na bahala kong anong gusto nyong mangyari sa kanila, matatanda na kayo para i detalye ko pa.hahahaha joke lang..
pero baka sa mga kawork ko na lang muna ipabasa ung detailed na BS.. pag ok na sa kanila.. eh di ok..hahaha
sorry sa spacing minsan kasi sa cp lang ako nag uupload..
_casper_