Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Fifty Three

43.1K 798 207
By cursingfaeri

A/N: Pers ever long Pre-Chapter Otter's Note. (Dami kasing tamad magbasa pag sa dulo eh. -__-)

May mga konting alituntunin lang po tayo bago simulan ang pagbasa ng Chapter na 'to.

1. Paki open ng inyong recorder at i-record ang live reaction while reading the story. I-save at i-upload sa fb. Paki-tag ako. cursingfaerilee@yahoo.com <--I so like this hahaha

2. Pagkatapos magvote, paki-lagay ang makabagbag damdaming comment sa chapter. <--I second like this bahaha

3. Ipagdasal si Diwata na nawa'y sipagin sa pagpasok sa review para sa nalalapit na exam dahil wala pa siyang napapasukang klase. <---super serious yan. Kelangan ni Diwata ng Divine Intervention dahil sa mapurol ng utak (naubos kaka-UD) hahaha

Sincerely,

Charoterang Otor na puro 'hahaha' O__O'

PS: Grabe, natuwa talaga ako sa mga comments niyo pati na dun sa mensahe nung mga nagsulputang silent readers. Kung kelan pa na papatapos na ang kwento eh noh? Hihi. Lalabs :*

____________________________________________________

Ano’ng gagawin ko?!

Pasimple kong nilingon-lingon ang paligid.

Teka nga muna. Saan na ang mga bobong bodyguards ni Hiro?!

Waaah! Kasalanan ko pa yata na pinaalis ko sila. Shit.

Ngayon ko lang napansin ang buong lugar. Wala gaanong tao ang nagagawi. Walang masyadong  gusali na nakatayo sa malapit. Tanging iyon pa lang yata ang naitayo sa lugar na iyon. Medyo papadilim na din dahil halos mag-a-alas sais na. Tapos dinagdagan pa ng shades na kasalukuyang suot ko.

Takte.

May tao ba sa loob ng coffee shop na yan? Hindi ko na halos makita ang nasa loob. Bakit parang kami na lang ang natitirang tao sa lugar na ‘to? Kainis naman kasi sa sobrang pagmamadali ko kanina na matapos ang usapan namin ni Hiro, hindi ko na inabalang tignan ang paligid.

Masama talaga ang kutob ko ngayon. Shit.

Padaskal kong kinuha ang shades sa mata at tinapon habang mabilis na naglakad patungo sa sasakyan ni Hiro bago pa siya tuluyang isakay ng mga tarantadong hindi napansin ang paglapit ko.

Kasalukuyan pa rin silang abala sa pagpipilit na ipasok si Hiro sa loob ng sasakyan kaya ng makita kong akmang papasok na ang dalawa sa loob ay hindi na ako nagdalawang isip na ibato ang cellphone na hawak.

"BITIWAN NIYO SIYA!"

Balak ko pa sanang tumawag sa—

“Aray, tangina! Sino’ng— Punyeta kang bata ka ah!" Sigaw ng lalaking may balbas na binato ko. Siya kasi ang nagpipilit na ipasok si Hiro pagkatapos nitong hampasin ng baril kanina.

Napalingon na lang ang tatlo pang kasama nito at napangisi habang tinignan ang nagkalas kong cellphone.

Tigas ng ulo niya ah, nasira niya ang Iphone ko?! Whoah.

Ang isa sa kanila ay mabilis na pumasok sa passenger seat at sa driver seat naman ang isa na nagmando sa dalawa. "Linisin niyo na nga yan ng makaalis na tayo. Hindi ko alam ang way ng bagong hideout. Bilis! Ipasok na yang si Kwok."

Inayos naman ng dalawang natira sa likod si Hiro bago ako binalingan ng isa.

"Ako na ang bahala dito. Bigyan mo ‘ko ng isang minuto," maangas na sagot ng lalaking binato ko ng cellphone.

Pangalananan natin siyang… Boy Balbas.

Gago kang pangit ka ah. Isang minuto pala ha.

"Sayang. Kung hindi lang kami nagmamadali matitikman pa sana kita," sabi ni Boy Balbas habang unti-unting lumalapit sakin. Mga tatlong metro din mula sa kotse ni Hiro ang kasalukuyang kinatatayuan ko.

Tumaas baba ang dibdib ko sa narinig. Magkahalong galit at kaba.

May sa manyak pa ang potek na 'to! Subukan lang niyang kantiin ang dulo ng daliri ko.

Hindi kita pinag-aral ng self defense para manakit ng tao anak…

 

Great Mother. So I trained myself to protect my sibling now? Ayos ah. Hindi ako umabot ng Second Dan at nagpakadalubhasa sa iba’t ibang self defense para maging—

Akmang sisikmurahan ako ni Boy Balbas ng unahan ko siya ng pagsuntok sa dibdib. I then chopped both his arms para pansamantalang mawalan ng lakas ang mga braso niya bago mabilis kong hinawakan ang magkabilang pulso ng leeg niya gamit ang kanang kamay.

Hindi na siya nakagalaw sa ginawa ko.

This is actually a jiujitsu technique, clasping an opponent’s suprasternal notch. This technique is used by blocking the windpipe of an opponent resulting to loss of consciousness. Sa patuloy na pag-impede ng hangin na papasok sa katawan nito at hindi makaakyat sa utak ay maaari ko siyang mapatay in a span of minutes.

And God knows kung gaano ako nanggigigil sa kanya ngayon.

Pasensyahan na lang kami at ipon na ipon ang galit sa loob ko na ilang araw kong hindi na-rerelease kaya hindi uso sakin ang awa.

May balak ka pang gahasain akong gago ka ha. Papatayin kita! Kaya maraming krimen sa Pilipinas dahil nagkalat kayong mga demonyo kayo!

"Putangina pare papatayin niya si Rigo, paano nangyaring biglang hindi makagalaw ‘yun?! Daluhan mo!" Narinig kong sigaw ni Boy Driver.

Feeling ko talaga, siya ang lider lideran ng mga mukhang pulubing kidnappers na ‘to eh. Nakakairita ang mga itsura. Yung tipong kahit makita mo na sila sa daan na pakalat kalat at hindi ka naman inaano parang iisipin mo talagang kidnapper.

Ba’t kasi pareho ang suot nila sa mga bodyguards ni Hiro? Mabuti na lang nalingunan ko pa kanina. Ahh! Kabanas. Nadadamay ako ng wala sa oras sa problema ng mga mayayamang ‘to.

Mabilis na lumabas ang isa pang kasama nito at iniwan si Hiro sa likuran ng sasakyan.

Shit naman… Sana magkamalay na siya. Hindi pa rin kasi gumagalaw si Hiro.

Ngumingiting tinignan ako ng gagong inutusan.

Ba’t ba sila napapangiti ‘pag napapaharap sakin? Hindi naman ako nagpapa-cute sa mga walanghiyang ‘to ah!

Tapos… wala pa siyang… ngipin. Major face palm. Sige, ikaw na si Boy Bungal.

Hindi ba uso pustiso sa lugar nila? Gaahd.

Kinuha nito ang baseball bat na inabot ni Boy Driver bago dali-daling lumapit samin ni Boy Balbas.

Bahagya kong binitawan ang pagkakahawak sa leeg ni Boy Balbas upang makapaghanda sa pag-atake ni Boy Bungal. Namumutla na ito sa kawalan ng hangin bago padausdos na bumagsak sa lupa ng tuluyan ko siyang pakawalan.

Hindi pa naman siya patay, alam ko. Pero sigurado akong matagal pa niya ma-regain ang consciousness niya.

Bahagya ko lang nilingon si Boy Balbas na nakahandusay na sa semento. Pasalamat ka pa ring gago ka at may guardian pangit ka na sumaklolo sayo. Dahil kung hindi, baka paglalamayan ka na talaga.

Akmang hahampasin ako ng baseball bat ni Boy Bungal ng mabilis akong umilag at inabot ang dalawang kamay niyang may hawak na bat bago mabilis na hinila at pinaikot in a twisting manner then performed my underarm throw technique.

Uunahan mo pa akong baliin ang buto mo ha!

“P-Punyeta ang sakit…” daing ni Boy Bungal habang sapo sapo nito ang puwet.

Akmang tatayo pa ito kaya mabilis ko siyang tinadyakan sabay sipa ng baseball bat palayo dito.

Aabutin pa niya eh! Ano’ng akala niya sakin, bobo?! On the other hand, sana pala pinulot ko na lang yon. Damn your dimwit brain Louie!

"Bakit masyado kang pakialamera?!" Tanong ng isa pa nilang kasama na bumaba ng passenger seat at tinutukan ako ng baril.

Madami pang satsat. Di sana pinaputok niya na lang di ba? Geez.

Para akong mawawalan ng lakas sa paglapit niya. Alam niyo kung bakit? Paksyet. Ambaho niya eh. Pramis. Pwedeng weapon for mass destruction. Ugh! Boy Putok. Takte. Bagay na bagay.

Malakas kong tinabig ang kamay ni Boy Putok na may hawak na baril kaya mabilis iyong tumilapon sa ere bago ko sinalo. Saka ko siya binalya sa pintuan ng passenger seat at inipit ng kaliwang braso ko ang leeg nito.

Louie, pigilan mo ang maduwal. Kaya mo pang tiisin ang amoy. Tiisin mo! Tiisin mo!

"Pinanganak talaga akong pakialamera. Nagulat ka ba?" Nang-iinis na saad ko dito.

Hindi ko na siya hinintay makasagot. Malakas kong sinuntok ang bintana ng kotse na kinasasandalan niya kaya basag ang salamin nito habang tinutok ko ang baril sa bunganga ni Boy Putok.

Pasimple kong tinignan ng masama si Boy Driver na kasalukuyang naparalyze na yata sa nangyayari. "Lusot hanggang bungo mo ang bala ng baril na 'to. Alam kong alam mo yan kaya huwag kang magkakamali na tumawag ng backup!"

Nakita ko kasi ang hawak hawak niyang cellphone habang nakatanga samin.

Ano siya, hilo?! One is to four na nga kami. Masyado nang madaya yon ah!

Nakita ko namang nanginig ito sa sinabi ko. Naiihi na rin sa takot si Boy Putok na halos tumulo na ang laway nito sa pagnganga habang nakatutok pa rin ang baril sa bunganga niya.

"Itapon mo ang baril mo sa labas ng bintana at akina na yang cellphone mo!" Sigaw ko kay Boy Driver.

Alam ko namang marami ‘tong load eh syempre kailangan sa ‘operasyon kidnap’ nila. Tsaka nasira na ang cellphone ko at kasalanan nila ang nangyari kaya dapat lang na palitan nila.

Hindi ito tuminag.

"Ayaw mo pa ha!" Kinasa ko ang baril at pinaputok malapit sa paa ni Boy Putok.

"AAAAAHH! PREEEE! IBIGAY MO NA, UTANG NA LOOOOOB!" Malakas na hinampas ni Boy Putok ang pintuan ng kotse at halos mangiyak ngiyak na ito.

Kala siguro ng mga ‘to hindi ako marunong humawak ng baril at hanggang bluff bluff lang ang peg ko eh. Pwes, pasensyahan kami. Masyado akong maraming alam at malas niyo lang.

Pagkatapos itapon sa labas ng bintana ang baril ay mabilis namang inabot ni Boy Driver ang cellphone niya sakin kaya alistong isinuksok ko iyon sa bulsa ng pantalong suot.

Dami pa kasing arte, bibigay din naman pala!

"Huwag ka ngang magulo!" Saad ko kay Boy Putok sabay diin ng braso ko sa leeg nito. Halos takasan na din ng dugo ang mukha nito.

Ang kulit naman masyado nitong gagong ‘to!

"Sino nag-utos sa inyong gawin 'to?! SINO?!" Tanong ko paharap kay Boy Driver.

Tila nag-iisip pa ito kaya tinuhod ko na naman si Boy Putok na nauulol na sa sakit.

PERO TAKTE. TAGAL SUMAGOT NG POTEK!

Marahas akong napabuntong-hininga. “Sa totoo lang ‘pag nainip ako, magshe-share kayo ng bala nitong kasama mo—”

"Si Mr. Dee! Si Mr. Dee ang nag-utos ng lahat! Ang kalaban ni Mr. Kwok sa negosyo," nagkukumahog na sagot ni Boy Driver.

Competitors ni Lorenzo?

“Asan ang mga bodyguards ni Hiro? Ano’ng ginawa niyo sa kanila? Paano nangyaring apat lang kayo tapos walo ang bodyguards niya, ano yun, magic? Napatumba niyo?!”

Nakakaduda naman kasi talaga. Mukha naman silang mas bobo tignan sa mga yun.

Potek. Ang tagal tagal sumagot, ginagalit talaga ako. “HOY!”

Binaril ko ang hinliliit ni Boy Driver.

“ARAY POTA— I-INSIDE JOB! Inside job! Matagal ng humahanap ng tyempo si Mr. Dee—”

Biglang umalingawngaw ang malakas na putok at tunog ng pagbagsak kaya napalingon ako.

“H-Hiro…”

Nakita kong nakahandusay na siya sa semento. Mukhang nagkamalay na ito at pilit na lumaban dahil nakahawak pa ito sa kwelyo ni Boy Balbas na siyang nakita kong may hawak na baril.

Agad kong binaril ang kamay ni Boy Balbas kaya tumilapon ang baril kasabay ng malakas na paghiyaw niya ng sakit.

Kulang pa yan kung tutuusing gago ka!

Kitang-kita ng mga mata ko ang dumaloy na dugo na unti-unting kumalat sa semento….

Galing sa katawan ni Hiro…

"A-Ate... b-bumalik ka…" nakangiting sambit nito at unti-unting bumalong ang mga luha sa mga mata niya.

Halos mapaiyak na din tuloy ako.

Ano'ng gusto mo, kailangan pa bang mabingit siya sa kamatayan para lang makuha ang kapatawaran mo?

"H-Hiro..." Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Nanghina bigla ang buong katawan ko sa nakikitang paghihirap niya.

“Pre, bilis! Mamamatay tayo sa batang yan! Tangina, ambilis gumalaw! Dali!”

Nang lingunin ko ang mga kidnappers ay nagkukumahog na nag-uunahang pumasok ang mga ‘to sa sasakyan ni Hiro. Hindi ko napansing naluwagan ko ang hawak kay Boy Putok kaya mabilis itong hinila ni Boy Driver at pinasibad agad ang kotse.

“HINDI PA AKO TAPOS! MGA WALANGHIYA KAYO!” Galit na galit na sigaw ko sa papalayong sasakyan.

Sunod sunod kong binaril ang dalawang gulong sa likuran kaya nagpagewang gewang iyon.

"MAMATAY SANA KAYO!"

Binitiwan ko ang hawak na baril at agad na dinaluhan si Hiro.

“H-Hiro… Oh my God…”

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at pilit na inakay ito patayo. Hindi ko alintana ang bigat ng katawan niya habang patuloy ang pagdaloy ng masaganang dugo mula sa kanya. Sa sobrang dami ay hindi ko na matukoy kung saan ang tama niya. Halos pareho na ding punong-puno ng dugo ang mga damit namin.

Diyos ko po, huwag naman sana...

Nanginginig na ako sa panic at samu’t saring iniisip.

Hindi. Hindi muna dapat ako magpadaig sa emosyon ko.

Nirecline ko ang upuan sa passenger seat at inayos ang pagkakahiga ni Hiro bago sinecure ang seatbelt. Dali dali akong pumuwesto sa driver's seat bago siniguradong hindi na naka-top out ang kotse at fully secured na ang pagkakaayos ni Hiro bago tuluyang pinasibad ang sasakyan.

"H-Hiro? Hiro, huwag kang matutulog ha? Mabilis lang 'to..."

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Pero sisiguraduhin kong madadala ko siya ng maayos sa hospital. Aabot kami, alam ko. Aabot kami ng matiwasay.

Dire-diretso lang ang pagdrive ko ng mabilis, swabeng iniwasan ang hanay ng mga sasakyan sa daan.

Bahala na. Bahala na kung mahuli sa overspeeding. Bahala na talaga.

"S-Salamat... A-Ate..."

"HUWAG KANG MATUTULOG LLOYD HIRO!"

Mahinang tumawa ito habang napapangiwi sa sakit. "I-I’m a K-Kwok…”

“Alam ko, Hiro. Alam ko…” Nakangiting saad ko dito.

Napailing ito. “M-Matatanggap mo ba a-ako… A-Ate?”

 

...kailangan pa bang mabingit siya sa kamatayan para lang makuha ang kapatawaran mo?

...give the boy a chance. Hindi niya kasalanang anak siya ng papa mo...

Sunod-sunod akong tumango habang hindi na maampat sa pagdaloy ang mga luha sa mga mata ko. “O-Oo naman. We’re siblings right?”

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito sa labi habang unti-unting pinipikit ang mga mata. “S-Sa... lamat... A-Ate... Uhh... H-Hindi... k-ko.. n-na.."

"HUWAG KA NA NGA MUNANG MAGSALITA!"

Parang awa Hiro, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo...

Naalala ko bigla ang cellphone ni Boy Putok na sinuksok ko sa bulsa kaya mabilis kong kinuha iyon at tumawag sa bahay.

Si Kuya J ang nakasagot.

"K-Kuya, si Louie ‘to. I need help. Locate this plate number somewhere in Manila FHR214. They’re trying to kidnap me…”

Baka kasi maguluhan pa siya kapag si Hiro ang sinabi ko eh.

“What the—“ nabiglang saad ni Kuya J.

“PLEASE TAKE NOTE OF EVERYTHING! Pakitawagan si Lorenzo Kwok. He’s the CEO of LK Builders in Ayala. Nasa bulletin board ko sa kwarto ang contact numbers. I'm with Hiro. His son. He was shot. Natatakot na ako. Ang dami-daming dugo eh…” Napahikbi na naman ako. “Hindi ko alam saan ang tama niya…”

“Calm down, calm down… Where are you now?” Kabado na ding saad ni Kuya J.

Nilingon ko si Hiro at nakitang parang hindi na ito gumagalaw.

Niyugyog ko ito. “H-Hiro?”

Marahang minulat nito ang mga mata. “A-Ate…”

Napahagulgol na naman ako. “H-Hindi ako sanay na ina-‘Ate’ mo p-pero pwede bang… Uhm.. Malapit na tayo. H-Huwag kang matutulog ha?”

“B-Ba... b-ban... tayan… mo… ba… a-ako?”

Hinaplos ko ang pisngi niya habang pabalik balik ang tingin ko sa daan at sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang paghikbi. “Oo naman. Lagi kitang bibisitahin habang nagpapagaling ka. K-Kaya.. h-huwag kang bibitaw ha?”

Nakangiting tumango naman ito. Parang pinipiga ang puso ko sa sitwasyon niya. Halatang hinang-hina na ito at halos wala na ding lakas.

Hold still Hiro. Malapit na tayo. Hindi ka iiwan ni Ate. I swear, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo.

Hindi ba pwedeng ako muna ang sa kalagayan niya ngayon? Kahit sandali lang?

“P-Promise?” Pilit ang ngiting saad ko dito.

“P-Pro… mise…”

Kailangan kong siguraduhing hindi siya makatulog bago kami makaabot ng hospital.

“Louie? Louie? Ano, asan na kayo?” Saad ni Kuya J sa kabilang linya.

“K-Kuya…sa St. Luke’s ang diretso namin dahil iyon ang pinakamalapit dito. Sorry, I am driving your car. I have no choice..."

At alam kong mas mabilis kaming dadaluhan sa St. Luke’s. Si Lorenzo Kwok ang major stockholder ng hospital na ‘yon, if my research was right.

“Holy shit! You’re currently driving my baby with a bloody person seating on my—”

“Bye Kuya. Nandito na kami. I owe you one. Thanks.”

Nang makarating sa emergency entrance, I automatically released the top cover of the car para mas mabilis na ma-assist si Hiro.

Pagkababa ng kotse ay humingi ako agad ng tulong. “NURSE! DOC! TULONG NAMAN! EMERGENCY PO! EMERGENCY! PLEASE!”

Hindi ako pinansin ng mga staff. Itsura ko, punong-puno na ng dugo, hindi pa rin ma-categorize na emergency?! Come on! Every fucking seconds counts!

I am left with no choice. Tumayo ako sa gitna ng entrance door ng emergency room at sumigaw ng malakas.

“KAPAG HINDI NIYO INUNA ANG ANAK NI LORENZO KWOK, SISIGURADUHIN KONG LAHAT NG NAKADUTY SA ARAW NA 'TO AY MAWAWALAN NG TRABAHO!!!”

Nakita ko kung paanong natigilan ang lahat ng medical staff na kasalukuyang abala sa kani-kanilang ginagawa at maang na nakatingin sakin.

Potek talaga, kapag hindi kilala ng mga empleyado ng hospital na ‘to kung sino ang may-ari ng pinagta-trabahuhan nila, sisiguraduhin kong patatalsikin ang mga yan.

Doon ko lang napuna, it seems that there’s an outbreak of something dahil maraming pasyente ang nakapila kaya siguro hindi din nila kami agad napansin.

Pero uunahin ko pa ba silang intindihin kesa sa kapatid ko?!

I really feel so helpless, worn out… pero ayoko pa ring mag-give up.

I was born to be a fighter right?

And then out of the blue, there came a familiar face running towards me…

Saan ko nga ba nakita ‘to?

“L-Louie? Mas— err Charlie’s friend?”

Ahh. Kapatid ‘to ni Charlie. Nasisiguro ko.

Nanginginig sa kaba na tinuro ko si Hiro. “K-Kuya.. P-Parang awa niyo na po. U-Unahin niyo siya please… S-Si Hiro… U-Unahin niyo ang… k-kapatid k-ko…” nanghihinang saad ko dito habang umiiyak.

Saglit itong nabigla sa sinabi ko bago mabilis naming nilapitan si Hiro. Dali-dali din itong tumawag ng mga staff habang inalisa ang consciousness niya. Doon na din ito kinabitan ng IV line habang kinukunan ng vital signs.

Marahan kong ginalaw si Hiro ng mapansin kong parang…

“H-Hiro?” Niyugyog ko ang balikat nito pero hindi na ito gumagalaw.

“Hiro, please…” naiiyak ko na namang saad habang sinasalakay matinding kaba.

Nakita ko ang cellphone sa kanang kamay nito. Bakit hawak niya ang cellphone niya? Tumatawag ba ang Mommy niya?

Dahan dahan ko iyong kinuha sa kanyang kamay.

Kasabay ng pag-ilaw ng screen ng buksan ko iyon ay tumambad sakin ang background picture na nagsisilbing wallpaper ng cellphone.

Napaiyak na lang ako sa nakita.

Oh my God.

Ang pinagtabing picture naming dalawa na parehong nakangiti…

Lumakas pa lalo ang pag-iyak ko ng mabasa ang caption na nakalagay sa picture.

Siobe and Shoti.

Naramdaman ko na lang ang biglang pag-ikot ng paningin ko at saglit pa ay hindi ko na matandaan ang sumunod na nangyari…

___________

A/N: 

In Chinese, Siobe stands for younger sister while Shoti means little brother.

Continue Reading

You'll Also Like

32K 1K 48
Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves...
1.5M 51.7K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...
18.2K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
40.5K 1.6K 24
Casa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki n...