UNDONE (Time Traveler)

By MazyMei

53.9K 2.5K 488

The girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat... More

The Wedding Day
The Wedding Singer
The Message
Picture 1.1: Battle of the Band
Picture 1.2: Battle of the Band
Picture 2.1: Intramurals
Picture 3.1: Chocolate
Picture 3.2: Chocolate
Picture 4.1: College Life
Picture 4.2: College Life
Picture 5.1: The Band
Picture 5.2: The Band
Picture 6.1: Wedding Proposal
Picture 6.2: Wedding Proposal
Picture 7: Wedding Preparation
2nd sa Last: STAY
FINAL: The Message
Bonus: ReiNer β™₯

Picture 2.2: Intramurals

2.4K 144 15
By MazyMei

Picture 2.2: Intramurals

Parang lantang gulay na napasandal ako sa itinali kong banner kanina. Talo sila Zacharias. Wala na ba kaming ipapanalong laban? Wala rin naman pala akong mababago dito sa nakaraan. Isa pa, nakangiti naman si Zacharias. Hindi naman siya galit.

Tinitigan ko si Zacharias habang umaakyat siya papunta sa pwesto ko. Bakit ba napaka-manly niyang kumilos? Nagpupunas siya ng buhok niya gamit ang isang puting bimpo. Hindi ko maiwasang mapatingin sa gwapo niyang mukha, syempre gwapo siya para sa 'kin.

Agad kong inalis ang tingin ko nang bigla siyang lumingon sa 'kin kaya naman inasikaso ko na lang 'yong banner. Sinimulan ko ng tanggalin ang pagkakatali dito. Ayos kasi sila Reign, iniwan na ako dito mag-isa. Nakigulo na sila sa mga kaklase naming nagsasaya.

Nagulat ako ng biglang tinanggal ni Zacharias ang tali sa kabilang dulo. Seryoso akong napatingin sa kaniya. Ito na naman siya, pinapaasa ako. Parang tinulungan lang akong magtanggal ng tali, paasa na agad?

"What are you looking at?"

"Wala lang. Bakit hindi ka sumama sa mga kaklase natin?"

"I can't leave you alone here."

"Ang sweet naman."

"Sweet your face." Sabi niya at sinimulan ng itupi 'yong banner pagkatapos ay iniabot na niya ito sa 'kin.

"Salamat." Sabi ko habang inilalagay ito sa eco-bag.

I heard him sigh. "Talo na naman tayo. Lagi na lang tayong talo. Last year talo tayo. Last last year talo rin tayo. Last last last year talo pa rin tayo. Kailan kaya tayo mananalo?"

Tinignan ko siya pero saglit lang at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko. "Hindi naman mahalaga kung manalo o matalo tayo. Ang mahalaga natuto tayong magsumikap na manalo. Oo, mahirap at nakakapagod, lahat naman nagsisimula sa hirap. Makuntento na lang tayo sa kung anong narating natin. At least, na-enjoy natin ang laro at natuto tayong makipagtulungan sa mga ka-teammate natin. Maybe, this isn't the time for us to win the trophy but I believe, may ibang plano si God."

"Amen."

Natawa na lang ako sa sinagot niya. Isa isa kong pinulot 'yong mga pompoms na ginamit namin kanina. Ayos kasi talaga 'yong dalawa, napakaburara. Nang maayos ko na ang lahat ay binitbit ko na ito. Sandali, 'yong backpack ko pala.

"Zacharias, paki-abot naman ng bag ko." Sa halip na iabot sakin ang bag ko ay kinuha niya sa 'kin ang mga dala ko. Hindi naman na ako umangal at pinulot na 'yong bag ko. Kinuha ko rin 'yong bag niya at binitbit ito.

Nagsimula na kaming maglakad. Nasa likuran niya ako. Parang de ja vu lang naman lahat ng nangyayari ngayon, eh.

"Saan ba 'to ilalagay?" Tanong niya ng hindi lumilingon sa 'kin.

"Sa room na lang. Baka nando'n din 'yong mga kaklase natin."

Hindi na sya nagsalita ulit kaya nanahimik na rin ako. Pagkadating namin sa building ng room namin ay hinubad na namin ang sapatos namin at inilagay ito sa  lagayan. Isinuot naman namin 'yong sapatos na kulay puti na allowed gamitin sa loob ng building. Yup, ganito kalinis ang school namin. At mga disiplinado rin ang mga estudyante dito.

Pagdating namin ng room ay kuliglig na lang ang kulang. Sobrang tahimik. Wala dito ang mga kaklase namin at hindi ko alam kung saan sila nagpunta.

"Where will I put this down?"

"D'yan na lang sa may likuran." Sinunod naman niya ako. "Saan kaya sila nagpunta?" Tanong ko.

"Malay ko. Magkasama tayo 'di ba?"

"Oh siya, hayaan na nga natin sila. Tayo ng umuwi."

Hindi na naman ulit siya kumibo kaya nagsimula na akong maglakad. Nauuna na ako sa kaniyang maglakad. Ang bagal niya, eh. At paglingon ko sa kaniya ay ang dilim ng mukha niya. Hala? Anong ginawa ko?

Nang makalabas na kami ay naglakas loob na akong lapitan siya. "Hoy Zacharias, anong problema?" Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Bad trip naman, napaka moody ah! "Zacharias naman eh, ano bang problema? Wala naman akong ginagawang masama. Bakit ba bigla ka na lang nagagalit?" Hindi pa rin siya sumasagot kaya nakaramdam na ako ng inis. Maglalakad na sana ako palayo nang makasalubong ko ang tatlo-sina Ryner, Reign at Risha.

"Oh Riley, saan ka pupunta?" Salubong sa 'kin ni Reign ng nakangiti.

"Uuwi na!" Sabi ko at inunahan na silang maglakad. Agad kong pinara ang jeep na dumaan sa harap ko.

"Hoy Riley, saglit! Magse-selfie pa tayo!" Sigaw naman ni Ryner.

Napahinto ako bigla. So, ito pala 'yong scene sa picture na pinakita sa 'kin ni Risha sa reception kanina. Pero wala akong paki. Mas gusto kong umuwi kaysa mag-picture taking.

Sumakay na ako sa jeep na kanina pa ako inaantay. Padabog na nag-abot ako ng pamasahe kaya ang sama ng tingin sa 'kin ng lahat ng sakay ng jeep. Dahil beast mode ang peg ko, I don't care!

Nahiga agad ako sa kama ko pag-uwi ko. Oo nga pala, anong date na ngayon? Sinilip ko ang kalendaryo sa tabi ng study table ko. September 27, 2007? Ibigsabihin nasa business trip 'yong parents ko. As I remember, twice a month lang sila kung umuwi dito sa bahay. At ang sakit alalahanin na year 2008 ay binawian na sila ng buhay. Ang sakit. Bigla ko na lang silang na-miss.

Dinampot ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si mommy. "Hello? Anak, Riley?"

Hindi ko napigilang humikbi ng muling marinig ang boses niya. After 10 years, ngayon ko na lang ulit narinig ang boses na matagal ko ng inaasam na muling marinig.

"M-mom..." Sabi ko habang umiiyak.

"Yes, darling? What's the matter? Why are you crying?"

"It's nothing. I just missed you so much."

"Magkakasama tayo kahapon, ah. Namiss mo na kami agad?"

Tumango ako kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita. "Sige po mommy, papatayin ko na 'tong phone. Alam ko pong sobrang busy kayo d'yan. I love you so much mom! And please tell to dad that I also love him so so much."

"Bye darling. We love you too." And she hung up.

Ang saya ko dahil sa muli ay nasabi ko kung gaano ko kamahal ang mga magulang ko. Kung sana lang may magagawa ako para pigilan ang pangyayaring 'yon ay gagawin ko. Kaso biglang pumasok sa isip ko si Zacharias.

Napaisip ako bigla sa picture naming lima na ipinakita sakin ni Risha. Hindi ako nakapagpa-picture kanina so ibigsabihin nabago ko na ang nakaraan? O baka naman hinayaan ito ni Pixie na mangyari para malaman ko ang dahilan kung bakit nagalit sa 'kin si Zacharias? Ano nga ba kasi talaga ang dahilan!

Madalas talaga hindi ko maintindihan ang pag-uugali n'yan ni Zacharias. Medyo moody na ewan. Eh kung bumalik na lang kaya ako sa present time? Kaso paano? Ba't ba hindi ko itinanong kay Pixie ang tungkol do'n!

Maya-maya lang ay may natanggap akong text galing kay Risha. Tinanong niya kung okay raw ba ako. Hindi ako nag-reply pero natutuwa ako sa concern niya sa 'kin. Sweet and caring si Risha compare kay Reign. Si Reign kasi medyo may pagkasuplada pero mapagkakatiwalaan naman. Si Ryner luko-loko. At si Zacharias, syempre ang best sa lahat.

Nagpaikot-ikot na lang ako sa kama ko. Hindi ko talaga maisip ang dahilan. Inalala ko na ang lahat ng eksenang nangyari kanina. Wala naman akong maisip na mali sa ginawa ko. Hindi kaya—

"Sabi mo 'yan ah! Kapag natalo kayo ililibre mo ako!"

"Sige. Asa ka namang matatalo kami! Mananalo kami! Mananalo! Che!"

Napabangon ako bigla. Posible kayang ito ang dahilan? Si Zacharias pa naman 'yong tipo ng tao na hindi nakakalimot sa mga pangako. Akala ko hindi iyon big deal sa kaniya. Sobrang babaw kaya. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nagtext sa kanya. Magbabakasakali na rin ako. Sinabihan ko siyang magpunta ng Mcdo. Sorry na, pang-Mcdo lang ang kaya ng budget ko. At Mcdo rin ang unang kainan na pumasok sa isip ko.

Nagtanong siya kung bakit pero hindi ko na siya nireplayan. Dinaig ko pa si Flash sa bilis kong makarating sa Mcdo. Sana ito na ang makakapagpangiti sa kaniya. Mababaw man pero malay natin ito pala talaga ang ipinuputok ng butsi niya. Hindi man ako siguradong pupunta siya pero sa ngayon, mag-eexpect na ako kahit na masaktan pa ako.

Masayang sumalubong sa 'kin sina Reign, Risha at Ryner. Naka-uniform ang dalawa samantalang si Ryner ay naka-jersey pa rin. Pero mas pinagtataka ko kung ano bang ginagawa nila dito?

"Hi Riley! Balita namin manlilibre ka raw?" Sabi ni Risha na todo ngiti.

"Oo nga. Mamasamain mo ba kung sasama kami?" Si Ryner.

"Hindi naman siguro, 'di ba Riley?" Si Reign.

Mayayaman 'tong tatlong 'to pero ang kakapal ng mga mukhang magpalibre.

"Wow, grabe kayo! Lakas ng radar nyo pagdating sa libre. Sa tingin niyo may choice pa ba ako?" Biro ko sa kanila. Kung nandito itong tatlong 'to, ibigsabihin nandito rin si Zacharias. Yes! 

"At sinong nagpapunta sa inyo dito?" Tanong ko kahit na obvious na ang sagot.

"Ay, ewan namin. Labas kami dyan." Sabay-sabay na sagot ng tatlo. Halatang praktisado na 'yong sasabihin.

Nilingon ko 'yong kinaroroonan ni Zacharias. Nakatingala ito at nakatingin sa mga bituin. Hindi na siya galit.

"Gutom na ako Riley, tayo na sa loob!" Sabi ni Reign at ipinagtulakan ako papasok ng Mcdo. Actually, pinagtulungan nila akong tatlo samantalang si Zacharias pangiti ngiti lang sa likuran namin. Mukhang masho-short yata ako nito.

Kasalukuyan na kaming kumakain at nagkakagulo 'yong tatlo sa pag-aagawan ng fries kahit na madami naman. Para talagang mga hindi pinapakain. Ako naman ay busy sa pagkutsara ng sundae habang tatawa-tawa sa kanila. Parang mga timang kasi. Si Zacharias naman ay tahimik na umiinom ng mc float sa tabi ko. Lalo akong napangiti. Tama ako, ito ang dahilan. Nangako rin kasi ako dati sa kanya na ililibre ko sya pagkatapos ng laban nila. Dahil sumama ako sa mga classmate namin ay nakalimutan ko na siyang ilibre. Kaya ayun, hanggang sa mag-picture taking ay galit siya.

"Akala mo nalimutan ko 'tong pangako ko sa 'yo." Bulong ko, sapat na para siya lang ang makarinig.

"Maraming salamat." Bulong din niya ng hindi nakatingin sa 'kin. Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Okay na ako ngayon. Masaya na akong mapangiti siya pero hindi pa rin talaga matapos-tapos sa pag-aagawan ng fries ang tatlo. Parang mga bata!

Nagulat kami nang biglang isubo ni Zacharias ang lahat ng natitirang fries. 'Yong totoo? Tao ba talaga siya? Ay hindi, alien siya.

"Wala na! Kinain na tuloy ni Zach! Ayaw niyo pa kasing ibigay sa 'kin." Pagmamaktol ni Reign.

"Nawa'y maging masaya sila sa tiyan mo 'pre."Sabi ni Ryner kaya naman binatukan siya ni Risha.

"Guys sandali, picture nga muna tayo." Sabi ni Risha at lumapit sa isang babae at nakisuyo kung pwedeng magpa-picture. Um-oo naman 'yong babae kaya naman tumayo na kaming lahat.

"1, 2, 3."

Sa pagtunog ng shutter ay napapikit ako. Pero this time ay hindi na ako tumili. Sobrang liwanag pa rin. Pati pag-ikot ng paligid ay nararamdaman ko. Willing na ulit akong bumalik sa present time.

"Riley, you made him happy again. Nalaman mo kung bakit siya nagalit sa 'yo. Pero, kailan mo kaya sasabihin sa kaniya ang tunay mong nararamdaman?" Napamulat ako ng marinig koang boses ni Pixie.

"Eh? What do you mean?"

"'Di ba mahal mo siya? Kelan ka kaya aamin?"

"Ha? Bakit naman ako ang unang aamin sa kaniya? Kababae kong tao. Isa pa kasal na rin naman siya. There's no point of telling him that I love him."

"Sa tingin mo may mangyayari kung hindi ka aamin? At sa tingin mo ba aaminin niya rin sa 'yo na gusto ka niya-kung meron nga. Nothing will happen if you'll not make the first move, Riley. It's up to your pride if you will let it down.Pero wala namang masama kung susubukan mo 'di ba?"

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Kailangan nga ba talaga na ako ang gagawa ng first move? Paano kung hindi naman pala niya ako gusto? Paano kung hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa 'kin? Paano—

"Stop that 'paano' thingy Riley. Subukan mo muna. Huwag 'yong puro paano 'yang nasa isip mo. So, aalis muna ako saglit. Adios!" At muli syang nawala sa paningin ko. Nagsimula ng huminga ang lahat. Samantalang ako ay malalim pa rin ang iniisip. Kailangan ko na ba talagang umamin sa kanya?

"Riley tignan mo, may ipapakita ako sa 'yo." Tahimik na lumingon ako kay Risha. Ibinigay niya sa 'kin ang i-phone niya at may pinindot lang saglit at lumitaw na sa screen ang picture namin noong second year high school kami. Naka-jersey sina Ryner at Zacharias tapos naka school uniform kaming tatlo. Kuha ito sa mcdo at ang maganda pa dito ay nakangiti na si Zacharias. I did it. I did it again.

"Do you remember that picture?" Tanong ni Risha.

This time ay ngumiti na ako. "Oo naman. That day talaga naging official ang friendship natin. Noong araw na 'yan nagsimula ang solid nating pagkakaibigan."

"Natutuwa ako na naaalala mo pa 'yan. Pero 'di ka ba nagtataka kung paano kami napadpad sa Mcdo?"

"Nagtataka nga ako, sobra. Sa pagkakatanda ko, si Zacharias lang ang tinext ko pero lahat kayo nandoon."

Sa halip na sumagot ay tinawanan lang ako ni Risha. "Sige na, dadaldalin ko lang 'yong bagong kasal. D'yan ka lang muna, ha." At umalis na siya. Ako na naman at ang bar tender ang naiwan dito. Grabi naman talaga, lagi na lang ba akong mag-isa?

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 127K 61
Meet Azalea Elle Lopez, an almost bride na tinakbuhan ng kanyang groom sa hindi malamang dahilan. Paano na niya haharapin ang buhay niya lalo na't ma...
79.8K 1.6K 45
Sean Elixir Cruise is every girls and beki's Prince Charming and Dream guy. He is handsome, smart, adventurous and very gentleman. Kahit sino yatang...
717K 13.8K 23
Book Three of Bachelorette Series βœ”οΈ Completed (As of 11/01/19 #1 in #fixedmarriage) How do I make him love me when he's already deeply inlove with s...
462K 18K 57
Sigourney receives a warning from her fiancΓ©'s cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...