Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Fifty Two

46.3K 695 153
By cursingfaeri

____________________________________________________

"M-Ma'am..."

Napalingon ako sa receptionist na kanina ay tinaasan pa ako ng kilay. Hilam pa rin ang luha sa mga mata ko. Alam kong namumugto na din iyon.

Pero huwag siyang magkakamaling magmaldita dahil babangasan ko na talaga siya.

Nagulat ako sa sunod na sinabi niya sakin.

"S-Sinisante po ako ni Mr. Kwok, b-baka po..."

Doon ko lang napansin na galing din ito sa pag-iyak. Saglit akong lumapit sa information desk at pumilas ng papel sa log-in sheet bago nagsulat doon.

 

Don't fire her. -Louie Antoinette

"Give this to him." Pagkatapos iabot sa kanya ang papel ay hindi ko na hinintay ang sagot nito. Mabilis akong lumabas sa gusaling iyon at nagdrive pauwi ng bahay.

I texted Kuya J na siya na ang magpasok ng kotse niya sa loob ng bahay dahil iniwan ko iyon sa labas ng gate. Sinabihan ko din ang mga katulong na huwag akong tawagin sa hapunan dahil busog pa ako.

But the truth is... I'm just crying the whole time.

Sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Nailabas ko man ang ilang bagahe na dinadala ko pero parang meron pa rin. Alam kong kailangan kong kausapin si Hiro. Pero hindi muna ngayon. Baka masaktan ko lang talaga siya sa laki ng galit ko sa kanya.

Napahagulgol na naman ako. Nakaupo lang ako sa isang sulok ng kwarto habang yakap ang mga binti. Umiiyak, nakatingin sa kawalan, tulala...

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Kung hindi ko pa naramdaman ang pananakit ng katawan ko sa posisyon habang natutulog baka hindi pa ako lumipat sa kama. Pero padapa lang akong humiga habang hilam pa rin ang mga luha.

Maya-maya ay nagring ang phone ko. Hindi tumitinging sinagot ko iyon.

"Hello?"

"Anak, gising ka pa ba? Ba’t malat ang boses mo?"

Napahagulgol na naman ako.

"Ma... M-Mama…"

Bakit parang may gripo lang ang mga mata ko? Ilang oras na yata akong umiiyak pero parang hindi nauubos ang luha ko. Napapagod na ako kakaiyak.

"Anak, umiiyak ka ba? Ano'ng problema? Kaya pala masama ang pakiramdam ko, sabi na nga ba."

Mahina akong natawa sa sinabi ni Mama. Pilit kong pinigilan ang paghikbi habang patuloy na namamalisbis ang mga luha ko sa pisngi.

Bakit ganun? Totoo pala na minsan, nararamdaman ng mga magulang natin kung nasasaktan nga ang mga anak nila noh?

Parang gusto ko tuloy mayakap si Mama ng personal ngayon. Hays.

"Ma... P-Pinuntahan ko si Papa kanina..."

"Ano'ng nangyari?" Kahit hindi ko siya kaharap alam kong nagulat ito sa sinabi ko at kasalukuyang napakunot noo.

"N-Nasigawan ko siya. Pinaikot nila ako eh. Ang sakit sakit lang. Bakit lagi nila akong sinasaktan ng ganito Ma? Wala na ba talaga akong karapatang maging masaya?"

"Sinong sila?"

"Si Papa... Si Hiro… Yan yung anak niya..."

Sinabi ko kay Mama kung paano kami nagkakilala ni Hiro at ang lahat ng napag-usapan namin.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama sa kabilang linya ng matapos akong magkwento. "Sa tingin mo ba, noong nag-usap kayo nitong si Hiro, nagsisinungaling lang siya? Tingin mo pinapaikot ka lang niya? Anak, baka nabubulag ka lang ng galit mo sa Papa mo... Malay mo naman kung hindi nga niya alam na magkapatid kayo? Why don't you talk to him?"

"B-Baka masaktan ko siya Ma..."

"Hindi kita pinag-aral ng self defense para manakit ng tao anak. Kaya nga makipag-usap ka sa kanya kapag humupa na iyang nararamdaman mo. You're just clouded by your anger to your father."

Hindi ako kumibo.

"Nasasaktan ka kasi alam mo ba kung bakit? Kasi despite everything, alam mo sa sarili mong ama mo pa rin siya. Bali-baliktarin man ang mundo, hindi mo maikakailang ang dugong nananalaytay sa katawan mo ay galing pa rin sa kanya. Sa Papa mo. Hindi ko naman sinasabing patawarin mo siya agad anak, it's for your own peace of mind. Happiness is a choice. You just let your anger rule your heart kaya nahihirapan ka ngayon."

"H-Hindi ko pa rin kaya Ma. K-Kasi… kapag nakikita ko siya..." napahagulgol na naman ako.

Takte. Wala na akong matapos na sasabihin dahil sa pesteng luhang ‘to, kainis talaga!

"Then umpisahan mo kay Hiro. You see? You met him even before you knew he was your half brother and you get along so well..."

"I hate him Ma... I even thought... I was…” Saglit akong nagdalawang isip bago nahihiyang tinuloy. “…f-falling for him..."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mama sa kabilang linya.

Kainis. Nahiya tuloy ako sa sinabi ko. Siguro sana hindi ko na lang sinabi iyon. Hays.

"It's just a platonic kind of love anak. Brotherly. Naipagmali mo lang yan. I haven't seen Hiro pero parang nagugustuhan ko na siya. You even said he tried to court you. He must be really sweet at muntikan mo na siyang magustuhan. Masyado kang pihikan anak. Huwag ka sana matulad sa Tita Ayessa mo," natatawa pa ring saad nito.

Napanguso na lamang ako. "I-I don't want to talk to him right now."

"I know. Kaya nga huwag mong madaliin ang sarili mo. But when he'll try to reach you first, listen to him, okay? Then tignan mo kung totoo nga pinapakita niya sayo. Mararamdaman mo naman iyon. Huwag mo munang pairalin ang galit mo..."

Hayss... "I hope I could."

"Hmm. You pray, anak. Tutulungan ka Niya. God is always with you. Ipagdadasal ko din na magiging maayos ang lahat sa inyo ng Papa mo. Ni Hiro. Give the boy a chance. Hindi niya kasalanan na naging anak siya ng Papa mo. Ano'ng gusto mo, kailangan pa bang mabingit siya sa kamatayan para lang makuha ang kapatawaran mo? Don't you think that's a bit overboard?"

Alam kong hindi ako Diyos para mag-inarte ng ganito pero ayoko pa ring makipag-usap sa kanya.

I mean, not now.

"Hindi ka na naman nakasagot diyan. Magpahinga ka na. Alam kong mukha ka na namang Panda diyan. I love you anak. Pray before you sleep, okay?"

Napangisi na lamang ako habang pinapahid ang mga luha. "’Kay. Love you Ma."

***

Bahagya na lamang ang pamumugto ng mga mata ko ng pumasok ako ng Lunes. Mabuti na lamang at busy ang mga besprens ko kaya hindi nila napansin ang kawalan ko ng gana.

I was invited to Van's birthday party na kasabay din ng birthday ni Chang. Valentines day slash Chinese New year din yun actually. Van was a junior transferee student who was too polite to approach me at imbitahin pa talaga ako sa party niya. She’s a half Chinese. I almost forgot her kung hindi lang niya pinaalala sakin yung incident na nagmeeting kami for Intramurals at siya yung Savannah na kaibigan ng member ko sa ASAC na si Janus.

Para malibang ay dumalo ako kasama ni Charlie. Saming dalawa parang si Charlie lang talaga ang nag-enjoy. Alam niyo naman yan basta pagkain ang usapan. I know my body is there but I feel that my soul isn't. Parang maya't maya pa rin akong nawawala sa sarili ko.

I even thought I saw my father’s wife, but I’m not really sure.

Parang nagha-hallucinate na yata ako. Sabagay, ilang araw na din pala akong walang ganang kumain. Hays.

I still couldn't believe that I almost fell for Hiro. Or maybe tama si Mama, it’s just a platonic kind of love. But nonetheless, I almost fell into a trap. Tapos kapatid ko pa pala. Parang hindi ko lang matanggap. It's like a joke or something.

Come Friday.

I received messages from Hiro saying that he wanted us to talk if okay lang daw. I noticed that his messages seemed a bit awkward to read already. Parang may kakaiba na doon kapag binabasa ko. I feel as though na yung pag-uusapan namin ay tungkol sa kasalukuyang dilemma ko kahit hindi ako sigurado.

Ngayon ko lang din napagtanto, after days of analyzing things, yung huling pag-uusap namin sa school, genuine ang pagkalito ng mukha niya ng tanungin ko siya kung ano ang pangalan ng Daddy niya.

Posible nga kayang hindi niya alam?

At paano nga kung oo? Matatanggap ko ba siya bilang kapatid?

Hays. Yung totoo?

Parang hindi pa talaga. Just the thought of my father ignites my anger at nadadamay na lang siya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Bespren, tuloy ba tayo bukas?"

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ang boses ni Charlie. Nakaupo kami sa gym habang nanonood ng mga naglalaro. Halata ang excitement sa boses nito.

"Bukas?"

"Hayst! Di ba pupunta tayo sa Philip’s Sanctuary sa Rizal?"

Saglit akong nalito bago rumehistro yung sinabi niya.

"Ay, oo. Oo. Tuloy yon. Ikaw na bahalang kumausap kay Chang, daanan ko na lang kayo ah."

Lumiwanag naman ang mukha nito sa narinig. "Yes! Yes!"

Oo nga pala. Mag-a-outing kami. Kasi late birthday treat namin kay Chang. Hindi kasi kami kasama niya noong nag-birthday siya di ba? Muntik ko na namang makalimutan sa dami ng iniisip.

Dahil may dala ako ngayong kotse, nagboluntaryo na akong ihatid si Charlie sa bahay nila ng araw na 'yon.

Bago ito bumaba ng sasakyan ay naisipan kong tanungin siya. "Bespren..."

"Bakit bespren?" Malapad ang ngiting tanong nito sakin.

Mabuti pa ‘tong babaeng ‘to, walang problema sa buhay. Nakakainggit. Bwisit.

"Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol kay Hiro?"

Bakas ang pagkalitong bumadha sa mukha nito. "Ha? Ano ang tungkol sa kanya?"

Wala ngang alam ang babaeng 'to. Sabagay, ‘Ang’ nga pala ang pakilala ni Hiro.

"Wala. Sige na. Daanan kita dito bukas."

Kinabukasan, gamit ang kotse ni Kuya ay maaga kong sinundo sina Charlie. Mga alas siyete pa lang ay nandoon na ako sa bahay nila. Ang laki ng dala nitong backpack. Itsura niya parang magka-camping lang. Napailing na lang ako dito. Hindi ko alam ano’ng laman ng mga yun pero sigurado akong wala sa pinag-usapan namin ang mag-o-overnight. Pagkatapos naming magpaalam sa Mama't Papa nito ay dinaanan namin si Chan-Chan.

"Saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Chan-Chan habang nagbibyahe kami.

Tinignan ko siya sa salamin. Nasa backseat kasi ito habang nasa passenger naman si Charlie. Ngayon ko lang napansin na parang malungkot ang anyo ni Chang. "Napano ka?"

"Wala. Huwag mo na lang akong pansinin," walang ganang sagot nito.

Itinigil ko ang sasakyan sa kilid ng daan at nilingon ito. "Sige, dito muna tayo habang wala kang planong magsabi diyan ng problema mo."

I know it’s unfair because I can’t even share to them what I’ve been going through these past days pero ayoko naman silang bigyan ng alalahanin.

Kaya ko pa naman eh. Alam ko kaya ko pa.

Nakita ko kung paanong mabilis na binatukan ni Charlie si Chan-Chan. "Sabihin mo na nga! Napapatagal ang biyahe natin eh! Ang arte arte mo naman!"

Natawa na lamang ako. Siraulo talaga 'tong si Charlie eh. Kita na ngang may pinagdadaanan si Chang.

"B-Binasted ako ni—"

"BINASTED KA NI KRYSTAL?!"

Mabilis kong binatukan si Charlie. "Epal. Siya pagsalitain mo. Nauna ka pa sa nagkukwento."

"Aray naman bespren. Eh si Krystal lang naman ang nililigawan niya ah!" Ngumungusong saad nito.

Hindi ko pinansin si Charlie. Kunot-noong binaling ko ang paningin kay Chang. "Kailan nangyari yan?"

"Noong birthday ko," parang maiiyak na saad ni Chan-Chan.

Naawa naman ako sa itsura nito. "Valentines day pa talaga. Hindi man lang niya napansin ang efforts mo. Kalimutan mo na nga yun. You deserve someone better."

Akmang magda-drive na ako ulit ng magsalita si Charlie. "Oy bespren, alam mo bang magpinsan pala si Krystal at Hiro? Tsaka… pinagtawanan ba naman niya si Chan-Chan noong family day! Siya ang dahilan bakit nalaman ni Chan na..."

Hindi ko na naintindihan ang pinagdadaldal ni Charlie. Napahigpit na lang ang hawak ko sa manibela ng marinig ang pangalan ni Hiro.

Ang sakit pa rin.

Potek. Huwag niyang sabihing kamag-anak ko pa ang Krystal na yan. Hindi ko matatanggap maging kamag-anak ang maarteng yan. "Paano sila naging magpinsan ni Krystal? Sa ano'ng side?"

Pigil-hininga pa ako habang nag-iisip si Charlie.

Ayusin mo. Ayusin mo. Huwag na huwag kang—

"Mommy yata ni Hiro," sagot naman agad ni Charlie.

Bahagya naman akong nakahinga ng maluwag. "Okay. Tama na yan. Huwag na nating pag-usapan si Krystal. Nakaka-BV." At Hiro. Dahil nababanas ako.

Nasa bandang Quezon City na kami ng magtanong na naman si Chang. "Saan nga tayo ulit pupunta?"

Kulit ampotek na Sebastian. Ang alam ko talaga driver lang ako dito eh...

"Ewan ko kay Charlie. Alam mo ba papunta doon sa pupuntahan natin?" Lingon ko kay bespren.

"HALAAA HINDI MO ALAM?! AKO DIN EH!"

Kapwa kami napahilamos ni Chan-Chan ng mukha. "Naman oh! Ikaw nagsuggest nito. Paano yan?"

"Teka, teka. Si Mase nagpakita sakin nung lugar eh...”

Tinignan ko lang si Charlie habang kinuha nito ang cellphone sa bulsa.

Ano na naman ang balak ng babaeng ‘to. Huwag siyang magkakamali.

"Ayos lang ba kung pasasamahin na lang natin siya para hindi tayo mawala bespren? Sige naaa? Pleaaaase?"

Hindi ako sumagot. This is supposedly a bestfriends’ day out. Humalukipkip lang ako dito habang nagpark ulit kami sa kilid ng daan.

"Isama mo na si Kuya Mason, Louie," narinig kong saad ni Chan-Chan.

Napabuntong-hininga na lang ako. Nakisali pa si birthday boy. Tae.

"'Kay, fine."

Hinintay namin si Mason sa McDonalds sa Quezon Avenue ng mga tatlongpung minuto. Nag-LRT-MRT daw ito para mas mabilis makarating. Mabuti na lang at maaga namin naisipang umalis. Napa-order na din kami habang hinihintay ito. As usual, si Charlie ang may pinakamadaming kinain. Puro extra large pa ang order. Nang dumating si Mason ay umalis na kami agad. At least may kasama na si Chan-Chan sa backseat habang nasa passenger seat si Charlie.

Pero hindi pala.

"Bespren! Palit na lang kami ni Mase kasi siya naman nakakaalam ng daan eh," dali-dali itong lumabas ng passenger seat at binuksan ang pintuan sa likuran.

HINDI MAN LANG HININTAY NA MAGSALITA AKO!

Namimihasa na siguro ‘to sa pagiging pinuno niya. Grabe lang. Wala na ring nagawa si Mason kundi ang lumipat sa harap. Tinignan ko lang ng masama si Charlie sa likod na parang wala namang pakialam.

"Woo! Woo!" Sigaw ni Charlie na tumayo pa at kumaway-kaway habang byahe. Mukhang ewan ang lukaret. Naka-top out kasi ang sasakyan ni Kuya J. Sayang sa aircon eh, tsaka maaga pa naman.

Mabilis ko itong sinaway. "Hoy kapag nahuli tayo, ikaw ang may kasalanan. Wala pa akong lisensya."

Umayos naman ito agad ng upo.

Nang makarating kami sa Rizal bandang alas diyes ng umaga ay si Charlie yata ang pinakamasaya sa aming lahat.

Napipilitan lang kami nina Chang at Mason na sumali sa mga activities na trip nito dahil sa kakapilit din niya. Eventually ay nag-enjoy din naman kami kahit papaano. Lahat halos ng activities ay sinubukan namin. Para kasi iyong mini military camp na may mga obstacle race – yung dadapa at gagapang sa putikan at gagapang sa ilalim ng mga lubid, tatawid sa makitid na kahoy na kapag na-off balance ay tubig ang babagsakan. Mayroon ding water slide, zip line at paintball.

Maya-maya ay naisipan naming magpahinga saglit sa pond. Magkakatabi kaming apat na nakaupo. Si Chang, ako, si Charlie at si Mason. Kakatapos lang din naming maglate lunch.

Kapwa na naman kami napapatulala ni Chan-Chan.

Kanina pa ako tinatawagan ni Hiro pero hindi ko sinasagot. Naka-silent lang ang phone ko. Maya-maya ay nagtext ito.

From Hiro:

Can we talk? Please? Kahit 30 minutes lang.

Hays.

"Bespren, bakit ka umiiyak?" Untang sakin ni Charlie.

Hindi ko napansin na nangingilid na pala ang luha sa mga mata ko. Hindi ko pa rin talaga kayang patawarin si Hiro.

Hindi nga ba Louie?

 

Hindi… ko alam.

Napalingon ako kay Charlie pagkatapos pasimpleng pahidan ang luha at nakita kong nakatingin sila sakin ni Mason. Inabutan ako ni Mason ng panyo na nahihiyang kinuha ko.

Nang lingunin ko si Chang ay nanunubig din pala ang mga mata nito.

"Ah.. ano. Naaawa kasi ako kay Chang," mabilis kong sagot dito habang pinipilit na ngumiti.

"Dahil nabasted siya?" Tanong ulit ni Charlie.

"Oo." Mabilis kong sagot.

"Umiiyak ka dahil naaawa ka sa sitwasyon ni Chan-Chan? Dahil nabasted siya ni Krystal?" Nagtatakang ulit ni Charlie.

Batrip. Paulit-ulit talaga ang babaeng ‘to.

Mabilis naman itong binatukan ni Chan-Chan. “Paulit-ulit pa talagang pinagdidiinan na basted?!”

Napasinghal na din ako kay Charlie. "Oo nga. Umiyak ka na nga lang din para makisimpatya. Ang dami mong tanong!"

Sa gulat ko ay bigla nga itong umiyak habang nilapitan si Chan-Chan. Niyakap niya ito ng mahigpit.

Gusto ko talagang matawa non. Kung mga ibang araw lang siguro. Kaso hindi eh.

From Hiro:

Kahit ngayon lang talaga Louie. :'(

 

Hindi ko na naiwasan ang mapaiyak na naman.

“Mase! Yakapin mo din si bespren! Wala siyang kayakap o! Ako na bahala kay Chan! O mas gusto mong kayakap si Chan?”

Naramdaman ko na lang ang marahang pagkabig sakin ni Mason. Nanghihinang hinilig ko ang ulo sa balikat nito.

Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari sakin ngayon.

Kaya ko na ba siyang kausapin?

Mas lalo pa tuloy akong humagulgol sa iniisip.

Baka ano lang ang masabi ko kasi kapag kinausap ko siya. Hays.

"Bespren, tapos ng umiyak si Chan-Chan."

Syet. Nakakahiya. Nakikisimpatya lang pala ako kay Chang.

Mabilis akong humiwalay kay Mason na nakita kong basang basa na ang suot nitong T-Shirt. Takte. Mas madami pa yata ang naiyak ko kay Chang eh.

Parang ang bobo ng rason ko kanina ah. Bahala na nga. Patay-malisya akong umayos ng pagkakaupo pagkatapos magpasalamat kay Mason na tumango lamang sakin. Pero hindi ko ikakailang bahagyang gumaan ang pakiramdam ko ngayon. Hays. Mukha na naman akong Panda, alam ko.

Narinig ko na lang na nakikipag-usap na pala si Charlie sa cellphone nito. "Busy nga kami! Wala si bespren dito!"

"Sino yan?" Nagtatakang tanong ko kay Charlie.

Bahagya naman nitong nilayo ang cellphone at sinagot ang tanong ko. "Si Hiro panget. Gusto ka daw makausap."

"Akina." Saad ko sa wakas.

Bahagya itong nagulat sa sinabi ko pero inabot naman ang cellphone sakin.

"Hiro."

Mga ilang segundo din yata ang lumipas bago nagsalita ito. "P-Pwede ba tayong mag-usap?"

 

Sige na Louie. Kaya mo yan.

Marahas akong huminga bago nagsalita. "For 30 minutes. Mamayang four or five o'clock. I don't like talking with your bodyguards around you."

"S-Sige. Saan?" Mabilis namang sagot nito.

Saan ba? Yung malapit na lang banda kina Charlie siguro.

"Somewhere in Manila. Somewhere peaceful."

"S-Sige. Text kita. See you and thanks."

Hindi na ako sumagot dito. I immediately ended the call.

Alas tres nang pagpasyahan naming umuwi. Pagkatapos kong ihatid sa bahay nila sina Charlie ay dumiretso na ako sa tagpuan namin ni Hiro.

Sinuot ko ang shades bago bumaba ng sasakyan. Mahirap nang ma-expose ang namumugtong mga mata ko. Choss.

Umakyat ang inis ko nang makitang may nakapaligid na bodyguards dito. Walong unipormadong lalaki.

Ano ba ang gustong ipamukha sakin ng lalaking ito? Simpleng request hindi pa magawa?! Akala ko ba matalino ‘to?! Ginagalit talaga ako ng potek.

Mabilis kong nilapitan si Hiro na nakasandal sa pintuan ng sasakyan at kinuwelyuhan. Sabay sabay pa akong tinutukan ng baril ng mga bantay niya.

Lihim na napangisi ako ng sigawan sila ni Hiro.

"Hey! Ibaba niyo ang baril niyo!" Nanlalaki ang matang saad nito sa mga bodyguards. Pero mas nagulat ito ng makitang may nakatutok na baril sa dibdib niya na hawak ko. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso nito sa kaba.

"I told you ayokong makipag-usap na may bodyguards!" Maigting kong saad dito.

"A-Ayaw akong payagan ni Daddy eh," mabilis na paliwanag nito.

"Gawan mo ng paraan. Uuwi ako kapag—"

"Sandali." Mabilis nitong kinapa ang cellphone sa bulsa.

Binitiwan ko naman ang damit niya at inabot sa isang bodyguard nito ang baril. "Sayo yan."

Nakita ko ang pagkagulat sa anyo ni Hiro at ng mga bodyguards nito na hindi nakapansin sa pagkuha ko ng baril.

Mga bobo naman pala 'to eh. Hindi napansin ang ninja moves ko. Boo.

"Dad, kausap ko ngayon si L-Louie. Swear. Ayaw nga niya—"

Hinablot ko ang cellphone nito.

"I hate dogs. They piss me off," saad ko sa kausap at hindi na hinintay ang pagsagot nito. Ibinalik ko iyon agad kay Hiro.

Maya maya ay umalis lahat ng bantay nito at iniwan kami.

Mabuti naman. Dahil ayoko ng may umaaligid sa paligid ko habang may kausap. Naaalibadbaran ako.

"H-Hindi ba tayo papasok sa loob ng coffee shop?"

"Hindi na. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Your timer starts now."

Saglit itong natigilan sa sinabi ko. Nagulat siguro ito sa lamig ng pakikitungo ko sa kanya.

Bahala siya.

Saglit itong nag-atubili bago nagsalita. "A-Alam ko ng m-magkapatid tayo. At… binabawi ko na l-lahat ng sinabi ko sayo noon. H-Hindi ko naman kasi alam ang nararamdaman mo. I'm sorry. S-Sana mapatawad mo 'ko. S-Sana... matanggap mo 'ko bilang k-kapatid..." nakayukong saad nito.

Sabi na nga ba.

Sumandal ako sa pintuan ng sasakyan niya at humalukipkip. Pero sa totoo lang, nanghina ako bigla. Hinintay ko na lang ang iba pang sasabihin niya.

Alam ko na ngayon na wala nga siyang alam sa pinaggagawa ng Daddy niya. Pero ewan ko. Hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. Parang…

Ngayon ko lang napansin na parang pumayat siya ng bahagya kumpara sa huling pagkikita namin.

May sakit ba ‘to?

Hmp. Whatever.

"Tapos ka na? Iyon na 'yon?" Tanong ko dito nang hindi na ito nagsalita pa. May nasabi ba siyang hindi ko narinig?

"O-Oo. W-Wala ka bang... sasabihin?" Kinakabahang saad ni Hiro sakin.

Napatingin ako sa suot na relo bago nagsalita. "Okay. Your time ended.”

Ano ba sasabihin ko? Ganun pa rin eh. Parang ganun pa rin.

“Hmmm. Kalimutan mo na yon."

"Really?" Lumiwanag ang mukha ni Hiro sa sinabi ko.

Wait, mali yata ang intindi nito. Let me rephrase that. "Ya. Kalimutan mo na ang lahat. Na nagkakilala tayo. Just forget all your memories that concern me…”

I really can’t do this now. Parang maiiyak na naman ako. At hindi iyon mangyayari sa harap mo noh.

“…I have to go."

Napanganga na lamang ito sa sinabi ko.

Nang hindi pa rin ito tuminag ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa sasakyan.

"Ate!"

Nanigas ako sa sinabing iyon ni Hiro.

Pero hindi ako lumingon. Hinayaan ko lang siya habang ramdam ko ang tila pagpupumiglas niya na kumawala sa mga nagsidatingang bodyguards niya na pinipilit na yata siyang ipasok sa kotse nito.

I can see it in my peripheral vision.

Probably, Lorenzo doesn’t want him to come near me anymore. But who cares?

Pinagpatuloy ko ang paglalakad.

Tigilan niyo na ako. Maayos na ang buhay ko. At kailanman ay hindi ko pinangarap ang maging isang Kwok in its real sense of word.

I’ve done some research days ago at nakita ko kung gaano kayaman ang pamilya nila. Hindi lang pala sa Ayala ang company ng mga Kwok. They have businesses all over the Philippines and even abroad. Lorenzo Kwok is a major stock holder of big companies and even hospitals na nagkalat sa Pilipinas. He’s one of the youngest business tycoons alive.

Bumilib ba ako sa nalaman?

HINDI.

Magaling lang siya sa pera, pero wala naman siyang puso. Responsibility is said to be very vital in running a business pero hindi niya ma-apply sa pagiging ama niya? Saan ang pagiging responsable sa pag-iwan niya sa anak niya? Kabobohan.

Kainin niya lahat ng yaman niya. Hindi niya naman madadala sa hukay niya ang mga yan. Magsama sama silang lahat ng pamilya niya.

"UHHHMMMP! Ate! Uhhmmmp. A-Ate…"

Papahina ng papahina ang tinig ni Hiro at biglang lalakas na tila lumaban at… pasigaw?

May sa abnormal talaga ang lalaking ‘to eh. Lakas maka-acting.

Ngumiti ako ng mapait.

Wala akong kapatid kaya wag kang maka-‘Ate’ diyan. Bunso kaya ako. Duh.

"A-Ate..."

Wala nga akong kapatid! Bwiset.

"Hmmmp… Hindi ko sila kilala... Ate…"

Mabilis akong napalingon sa narinig.

Nanlamig na lamang ako ng hustong paglingon ko ay nakita kong hinampas ito sa ulo ng baril dahilan ng mabilis na pagkawala ng malay ni Hiro.

Parang naging slow motion ang lahat sakin habang mabilis akong nag-isip.

Shit.

Ano ba laman ng bulsa ko?

Susi ng kotse. Cellphone.

Fuck.

_________

A/N:

Kilalanin si Van sa My Happy Ending ni wyngardium_leviosa. Click external link para ma-direct sa story. :)

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 749 33
To give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, a...
40.5K 1.6K 24
Casa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki n...
33.8K 965 26
|Complete| Genius Series 2 Bad Genius (Book 1) I'm lost, I'm totally lost, he's gone. He's feelings are faded. Date completed: April 12 2019
24K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...