ZYLIE's POV
“Zylie? Ikaw na ba yan?” Narinig kong tawag ni mama mula sa taas.
“Opo!!!" Sabi ko habang dumederetso sa kusina. Hindi ko alam kung bakit nagutom ako kahit madami na nga yung nakain kong Stick-O. Siguro dahil natagalan ako sa labas. Matagal ng wala ang sasakyan ni Silver, hindi na abot ng tanaw pero nakatingin pa rin ako.
Nakakaadik. Nakakaadik siya.
Mabuti at may adobo pa sa garapon. Lumabas sina mama (courtesy of Silver) kaya walang pag-asang magluto ng tunay na ulam ngayon. Kung magrereklamo ako, baka pabilihin lang ako ng pancit canton sa labas para yun ang i-ulam.
“Nabili mo na ba yung project niyo?” sigaw na naman ni mama.
Project? Anong project?
Oo nga pala! Yun nga pala yung dahilan ko para makalabas lang kami ni Silver kanina. Para bumili ng gagamitin sa project. Ang problema. Wala namang project, wala akong pera, at wala akong nabili. Of course. Kaya mawawalan na rin ako ng buhay.
“ZYLIE?!”
“AH! OPO!" nagkunwari ako. Wag kang bababa mama. Wala akong dalang project.
Kaso, maya-maya naramdaman kong may bumababa ng hadan.
Wala na patay na ako. Nagre-ready na ako ng sasabihin eh. Sasabihin ko na lang na Stick-O ang project namin. Kahit anong may kinalaman dun dahil uuriratin na naman ako ni mama ng details. Jusko.
“Tara na’t mag-supper.” si kuya!
Si kuya lang pala ang bumaba ng hagdan. Gutom na rin siguro siya.
“Inintay mo ako kuya? Yee! Tara na po’t kumain!”
“Sige kumain na tayo ng supper.”
Supper. Anong meron sa word na supper.
"Kain ng maigi kuya." dinamihan ko ang paglagay ng ulam sa plato ni kuya. Hindi ko alam kung kelan pa 'tong adobo na ito pero bilang hindi naman siya agad nasisira, kain lang.
“Napakasarap ng supper."
"Sarap ba?" nakakatawa si kuya. Kelan pa ba naluto ang adobong yun na binabaon-baon niya rin ng paunti-unti. Naisip ko tuloy, gaano katagal kaya pwedeng tumagal ang adobo bago masira?
"Supper."
“Favorite mo na yan kuya na word noh?"
“Hwag magsalita ng ngumunguya.”
"Sorry naman... Pero ano ba ang pagkakaiba ng dinner at supper? Meron ba?" Wala lang akong maitanong eh.
“Meron.”
“Weh? Ano bang pagkakaiba nun?”
“Sila mama, kumain sila sa labas. Yun ang dinner. Tayo, nagtyatyaga sa week-old adobo, nagsa-supper.”
“Huh? Di ko pa rin gets!"
“Slow.” Sagot niya.
Supper... Nagsa-supper. AH!
Suffer.
Meh.
“Wahahahahahahahaha!”
“Wag ka tumawa ng sobra, madaming langaw, pumasok pa sa bibig mo.”
"Eh kasi, mas natawa ako na nageffort ka pa talagang banggit-banggitin ang supper para tanungin ko nuh?"
"Ewan ko sa'yo slow ka nga."
"Nasaan ba sila mama? Bakit hindi sila nanonood ng favorite nilang drama? Pagod?"
"Mapapagod pa lang."
"BALIW KA TALAGA KUYA!"
Kung ano-anong pinagsasasabi.
"Bakit? Nagdate sila kanina, tuloy-tuloy na. Akala mo ba tumatanda ang feelings? Hindi nuh, ganun pa rin yan sila mama."
"Oo na, tapusin na natin ang ating supper."
Nung naghuhugas na kami ng pinggan, hati kami ni kuya ng task. Siya ang taga-hugas. Ako ang taga-punas at tagabalik sa lagayan.
“Ahhh Zylie…”
“Kuya??”
“Linawin mo nga sa akin… Boyfriend mo ba talaga si Silver?”
Hwaah Muntik ko na mabitawan ang isang pinggan!
“Kuya ano ba namang tanong yan."
"Zylie, ano ba namang sagot yan." ginaya pa ni kuya yung tono ng pagsasalita ko.
"Hindi kuya."
"Hindi?"
"Hindi nga po."
"Bakit hindi?"
"Anong bakit hindi?" weird nito ni kuya. "Eh hindi nga po. Nagkataon lang yung mga nangyari."
"So nagkataon lang yung nakita ko mula sa bintana?"
"H-ha?"
Paglingon ko kay kuya nakanguso siya.
OH MY GHAD.
Nanghihina ako.
Ano nang gagawin ko? Diba gusto ko ng audience? Ayan ibinigay na. Pero bakit si kuya. Kabang-kaba talaga ako. Papagalitan ba ako ni kuya? Nakita niya yun? Shocks. Wala akong maisip na sensible na paliwanag.
"Naghahanap ako ng signal sa bulok kong selpon ng muntik na akong mahulog dahil may nakita ako."
“KUYA!!!!” hiyang-hiya na ako. “Kuya please."
"Oo."
“Hindi ka galit? Hindi mo ako papagalitan? Hindi mo ako isusumbong?" napakaleading na ng mga tanong ko.
“Alam mo Zy, alam mong hindi ako kasing higpit ni kuya Zac. Kahit kay Terrence wala akong sinabi, sinabihan lang kita. Alam mong sinusuportahan kita sa mga gusto mo, gagabayan kita sa mga gagawin mo. Mag-iingat ka lang ha?"
"Pero kuya, hindi ko talaga... boyfriend eh... Sorry po." nakakaiyak naman.
“Okay na yung hindi mo boyfriend pero mahal ka at laging nandyan… Kesa boyfriend mo nga, iiwan ka naman.” Niyakap ako ni kuya.
Palagi ngang nandiyan si Silver. Pero mahal? Mahal ba niya ako?
~
Ang aga ko pumasok… Bukod kasi sa hindi ako nakatulog at wala akong nagawa sa bahay kundi maconscious kay kuya Zeus, papakin ang stick-O at tiisin ang sumasakit na sugat ko.
“Zylieee!!!!” sigaw ni Alyanna sa di kalayuan. Tumawag din pala sila, na pumasok ako ng maaga dahil, magchichismisan daw kami. Mga adik na kaibigan. Si Mikaela ay wala na naman sa sariling katinuan. Kasama kasi nito si Jupiter. Ang kanyang boyps.
“Zylie! Hello!”
“Hi Piter!”
“Oy! Stick-O! Penge!!” sabi ni Alyanna ng mapansing may hawak-hawak ko yung lalagyan ng natirang stick-O ko kagabi. Oh yes, dinala ko siya sa school, dahil kung hindi mauubos lang ni kuya Zeus ito kapag naiwan ko sa bahay.
“Ayaw ko! Uubusin mo."
"Hindi ba kaya mo nga dinala yan para mabuos?"
“Para talaga kayong mga bata!” sabi ni kuya Piter. Sila kaya ni Mika childish din kapag naglalambingan. Ganun talaga.
Maya-maya nagpaalam na ang lalaki at binigyan si Mika ng kiss. Sarap ng kiss. Hahahaha!
“Bye girls…” paalam nito sa amin ni Yanny.
“Byeee Kuya Piter!” perky na paalam ni Yanny.
“Ang saya mo na naman.” sabi ko kay Mikaela ng papasok na kami sa school. Siya na kasi ang may boyfriend na sweet. Dream come true ni Mika si Jupiter. Crush niya yan dati pa, at hindi ko alam kung anong ginawa ng universe at niligawan siya. Siguro nagligtas siya ng bansa nung past life niya. O kaya naman, baka malayong kamag-anak niya si Kupido.
"Alam mo Miks, ikaw ang nagbibigay pag-asa sa buhay ko."
"H-huh?"
"Ikaw ang living proof na pwedeng magkaroon ng himala. Tignan mo naman." kinuha ni Yanny ang wallet ni Mika na may picture ni Jupiter. Itinabi ito sa mukha ni Mikaela at pinagcompare. "Miracle."
"Ang kapal ng mukha mo! So sinasabi mo hindi kami bagay? Panget ako, gwapo si Jupiter?"
"Joke lang eto naman. Pero totoo... totoong ikaw ang pag-asa ko sa mga pangarap ko."
"Ano bang pangarap mo?" tanong ko. Napakarami pa kasing palabok ni Alyanna. Hindi pa diretsuhin.
"Pangarap ko? Si Silver. Kung pwedeng mangyari ang mga ganung milagro kay Mikaela, aba eh di malayong hindi mangyari din sa'kin. Konting push pa, Silver magiging akin ka."
"EHEM!"
“Okay ka lang Zylie???” tanong ni Mikaela naubo kasi ako. Nasamid.
“Kasi naman ayaw mamigay ng stick-o ayan tuloy nasamid ka.” Sabi ni Yanny.
"Alam mo Yans, hwag ka masyadong umasa."
"ABA! Malakas ang fighting Spirit ko Zylie."
"Madaming nagkakagusto kay Silver. Kung lahat kayo pareparehas ng pangarap, hindi pwedeng lahat pagbigyan. Hindi lahat ng bagay na nangyari sa isa, pwedeng mangyari sa lahat. Kung gusto niyo, paghati-hatian niyo katawan ni Silver para magkasya.
"Wow. Lalim." natatawa si Mika.
"Pangontra ka talaga Zylie! Pero kahit pa, hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa. Walang talo-talo ah. Para mabawasan na ako ng kaagaw, bawal ka magkagusto kay Silver. One less opponent na ako."
~
Di ko alam sasabihin ko. Tumakbo na lang ako sa labas.
"Saan ka pupunta?
Tumakbo na ako sa may labas. Hihintayin ko… Si Silver.
Nang makita ko siya, sinabi ko na agad ang tungkol kay Alyanna. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip, pero dahil kaibigan ko siya, hindi pwedeng mabigla siya kapag nalaman niya na... ayun... ganito nga kami ni Silver.
"Pag nalaman niya na may relasyon tayo?" galing yun sa bibig niya.
Relasyon.
“Teka.. may relasyon ba tayo??” ibinalik ko ang tanong. Alam ko para lang kaming tanga tanga at wala-wala lang. "Ano bang relasyon natin??” taas noong sabi ko…
“Tayo na diba?”
“Ha??” K-kami na daw?
“Pancake na kita."
“Ha??? T-tek-ka!!!” kanda –utal-utal na ako. Manligaw ka muna!”
*later*