Blue Brothers

By TheWritePatrick

160K 2.4K 1.2K

The Blue Brothers - Tom, Carlos, David, and Shiro, are four half-brothers studying in an elite all-boys high... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 and Epilogue
What's Next

Chapter 9

5.1K 106 60
By TheWritePatrick

Blue Brothers

(Chapter 9 – The Golden Boy Sleeps)

 

 

Hindi makapaniwala si Carlos sa sinabi sa kanya ni Johnny. Ilang segundo na ang lumipas pero speechless pa din ang binata.

“Sorry kung ngayon ko lang sinabi. I just want to protect you.” mahinahong sabi ni Johnny.

“Ang sabi mo sa ‘kin dati, patay na ang nanay ko.” naiiyak na sabi ni Carlos. Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

“Patawarin mo ako.” sabi ni Johnny habang hinahaplos ang buhok ni Carlos na nakasubsob ang ulo sa kama habang umiiyak.

“Alam ba niya?” tanong ni Carlos. Tumango lang si Johnny. Lalo lang napaiyak si Carlos.

“Alam niya pala, pero ginagamit lang niya ako. Pinaglalaruan lang niya ako.” hagulhol ni Carlos.

Johnny hugged Carlos with all his might. Awang-awa siya. Ngayon lang niya nakitang umiyak nang ganito ang anak niya. Palagi kasing matapang at suplado ang approach nito dati.

“Ilang oras na lang ang itatagal ko. Nanghihina na ako. Pinatawag ko na ang mga kapatid mo.” sabi ni Johnny kay Carlos.

“No, dad! Please stay with us! Don’t leave! Pinagsisisihan ko ang bawat masasamang salitang nasabi ko sa inyo.” umiiyak na sabi ni Carlos.

“Even if you hurt me a thousand times, I’ll love you a million times.” sagot ni Johnny.

“May isa pa sana akong pakiusap.” pahabol ni Johnny.

“Ano po yun?”

“Please… please be friends with Tom. Alam kong malaki ang gap niyong dalawa, pero please work it out.” pakiusap ni Johnny.

“Sige po. Pero hindi ko mapapangakong maaayos ‘yun kaagad. Kayo na po ang nagsabing malaki talaga ang gap namin.” sabi ni Carlos.

“I know. Just do it, one step at a time. Pag nagkabati na kayo ni Tom, I would be the happiest father in the world.” nakangiting sabi ni Johnny.

Bago pa man makasagot si Carlos ay dumating na sina Tom, David at Shiro, kasama si Frank. Nagmamadali silang makita ang ama.

Walang inaksayang panahon si Johnny. Agad niyang niyakap nang mahigpit ang kanyang mga anak. Kahit nasasaktan na siya physically, tinitiis na lang niya makasama lang ang mga mahal niya sa buhay.

“Tom, alam kong malaki ang pagkukulang ko sa ‘yo. Pero ginawa ko naman ang lahat para mapunan ‘yun. Kulang pa ang 3 months na nagkasama tayo. You’re a great leader. Patunayan mo na kaya mong makipagsabayan. Hayaan mo, magkikita na din kami ni Clara sa langit. Babantayan ka namin.” nakangiting sabi ni Johnny kay Tom.

“Carlos, tandaan mo yung sinabi ko sa ‘yo kanina. Matalino kang tao, pero sana lagi mong gamitin sa tama. Huwag laging nakasimangot. Be kind to other people. I want you to be a likable and lovable person. Talk to your mother, and fix things.” advice ni Johnny kay Carlos.

“David, lakasan mo lang ang loob mo. Tanggalin mo na yung hiya-hiya. Be confident. You create good music, kaya alam kong you’ll go places someday. Have faith in yourself. Magkikita rin kami ng nanay mo. Mababantayan ka din namin.” sabi ni Johnny kay David.

“Shiro, bunso ko. When you become a great historian someday, sana mai-record mo yung important events ng family natin. Saka, tigil-tigilan mo muna si Miss Melody. Bata ka pa. Mababantayan ka din namin ng nanay mo. Mumultuhin ka namin, sige ka.” pagbibiro ni Johnny kay Shiro.

“Dad naman eh!” naluluhang sabi ni Shiro habang natatawa nang konti.

“Lastly, it’s okay to mourn for a while. Kahit mga one week or one month lang. Pero huwag niyong sayangin ang oras. Have fun! Party if you want. Sayang ang pagiging teenagers niyo. Do I make myself clear?” nakangiting sabi ni Johnny na nakahiga na sa kama.

“Opo!” sabi nilang apat. Niyakap ulit nila ang kanilang ama.

“I’m very proud to be your father. Pag yakap ko kayo, parang yakap ko na din ang buong mundo. May galing Japan, America, Spain, at Philippines.” natatawang sabi ni Johnny, habang umiiyak pa din ang magkakapatid.

“Inaantok na ako. Frank, ikaw na ang bahala sa mga anak ko. Be a father to them.” matamlay na sabi ni Johnny.

The four brothers were holding their father’s hands. Maya-maya lang ay nag-flat line na ang status ni Johnny. He passed away.

“Dad!” humahagulhol na sigaw ng apat ng magkakapatid. Hindi pa rin sila bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ng ama.

**********************

After 3 days, inilibing na nila si Johnny. There was a massive funeral in the morning. Umattend ang buong student body, staff, at administrators ng St. Patrick’s Academy. Present din ang karamihan ng mga taga-St. Catherine’s Academy, to honor the son of their original founder.

Nandun naman sa harap ang magkakapatid na sina Tom, Carlos, David at Shiro. Kahilera din nila sina Frank at Jessie, na mga kaibigan ng yumaong principal.

Naging maayos at solemn ang ceremony. Almost all of them were crying. Nagkaroon muna ng misa, pagkatapos ay ang mga eulogy para kay Johnny. Then came the burial. The four brothers sprinkled holy water on the casket, and threw white roses on the pit. Maya-maya ay tinabunan na din ang kabaong at nilagyan na ng lapida ang lupa.

Johnny dela Cruz

Born: June 12, 1970

Died: September 21, 2010

Aged: 40

Sa hindi kalayuang pwesto, nakatayo si Natalia habang pinapanood ang libing. She is wearing a black gown and a black bonnet. Nakasuot din siya ng shades. She is weeping as her mascara stains her face.

“I loved you Johnny, but you didn’t love me back. Mas matimbang pa din ang ambisyon ko kesa sa pagmamahal ko sa ‘yo.” sabi ni Natalia habang pinapanood ang libing.

When it was time to leave, aksidenteng nakasalubong ni Tom si Natalia sa paglalakad. Nagkabanggaan sila at nagkaharap.

“P-parang pamilyar po kayo sa ‘kin.” nagtatakang sabi ni Tom habang tinitingnan ang mukha ni Natalia.

“Bakit, hijo? Mukha ba akong artista?” sarcastic na sabi ni Natalia.

“Tama! Kayo po yung babaeng nakita kong dumalaw nung libing ni Mama.” sabi ni Tom.

Kinabahan si Natalia nang makilala siya ni Tom. Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling naglakad papalayo.

**********************

Makalipas ang isang linggo, hindi pa rin nakaka-move on ang magkakapatid sa pagkamatay ng kanilang ama, lalo na si Tom, dahil kamakailan lang naman niya ito nakasama. Pero kailangan nilang ituloy ang pag-aaral kaya they just focused on studying for the quarterly exams.

When he has time, lumalabas-labas pa rin siya ng academy to take a stroll at the park. Nagkataon namang ngayong hapon, nakasabay niya si Mindy.

“Tom! Tom!” malakas na sigaw ni Mindy mula sa malayo.

Patuloy lang sa paglalakad si Tom, na parang walang naririnig.

“Tom! Sandali lang!” sigaw ni Mindy habang tumatakbo papunta sa binata.

Hingal na hingal si Mindy nang maabutan niya si Tom. Tumigil naman si Tom at nakipag-usap sa dalaga.

“Bakit?” tanong ni Tom.

“Grabe, kanina pa akong sumisigaw. Hindi mo ba ako naririnig?” hinihingal na sabi ni Mindy.

“Sorry. Madami lang akong iniisip.” sagot ng binata.

“Sorry din. Alam kong kamamatay lang ng father niyo. Naiintindihan ko kung bakit hindi ka na masyadong nagre-reply sa mga texts ko sa ‘yo, or kahit sa mga tawag.” malungkot na sabi ni Mindy.

“Saka busy lang din ako. Malapit na kasi ang quarterly exams.” sabi ni Tom.

“Okay. So, ano na?”

“Alam mo, siguro mas maganda kung mamasyal kayo palagi ni David. Lagi ka kasi niyang kinukuwento sa ‘kin eh. Masaya ka daw kasama.” sabi ni Tom.

Sumimangot lang si Mindy.

“Akala mo, hindi ko alam yung ginagawa mo? Huwag mo naman akong itaboy. Wala naman akong ginagawa sa ‘yo. Tayo ang magkasama ngayon, diba? So, bakit mo sasabihing si David dapat ang kasama ko?” naiinis na sabi ni Mindy.

“Hindi kita tinataboy. Sinasabi ko lang na labis na matutuwa si David pag lagi mo siyang sinamahan. Gustong-gusto ka ng kapatid ko. Lahat gagawin ko para sa kanya. Sobra siyang na-depress sa pagkamatay ni Dad. Magkaibigan naman tayo diba. Please do it for me.” nakangiting sabi ni Tom.

Tiningnan muna siya ni Mindy nang matagal.

“Okay. I’ll do it for you.” sabi ni Mindy.

“Salamat.” sagot ni Tom.

“Kahit ba mag-date kami, okay lang sa ‘yo?” biglang tanong ni Mindy.

“Oo naman. Bagay naman kayo eh.” nakangiting sabi ni Tom. He is just hiding the pain that he’s feeling.

**********************

“What a surprise, Carlos! You’re here! Akala ko nakalimutan mo na ako.” nakangiting sabi ni Natalia habang may mga ginagawang papeles.

Padabog ang pasok ni Carlos sa office ni Ms. Natalia. He wants to clarify things, and at the same time,  to express his anger.

“Baka ikaw ang madaling makalimot. You’re my mother, right? Tell me! Are you my mother?!” sigaw ni Carlos.

“Sandali lang, anak!” kinakabahang sagot ni Ms. Natalia.

“See? E di lumabas din ang totoo. Why didn’t you tell me? Instead, you just used me!” naluluhang sabi ni Carlos sabay suntok sa desk ng kanyang ina.

“Calm down, Carlos! Calm down!” nagmamakaawang sabi ni Natalia. Maski siya ay hindi na rin alam ang gagawin.

“Kinuwento sa ‘kin ni Dad ang lahat. Kung paano mo siya ginamit para makuha ang St. Catherine’s Academy. Shame on you!” sigaw ni Carlos.

Napalitan ng galit ang malungkot na itsura ni Natalia. She stood up and faced Carlos.

“Every coin has two sides! Kung makapagsalita ka, akala mo alam mo na ang lahat!” galit na sabi ni Natalia.

“Okay! What do you have to say?” tanong ni Carlos.

Natalia sat down on her desk as she tells a story about her past. Kumalma na din si Carlos at nakinig sa kwento ng ina.

“High school pa lang ako, gustong-gusto ko na si Johnny.” panimulang kwento ni Natalia.

Memories flashed as vividly as they could. It was like being back again on 1987, when Natalia was still a sweet and innocent 16 year-old student in St. Catherine’s Academy.

“Clara, ayan na siya!” kinikilig na sabi ni Natalia sabay tago sa likod ng kanyang best friend.

There was a special occasion back then, at nakabukas ang bridge na nagdudugtong sa dalawang schools.

Pinagtitinginan ng lahat si Johnny, as he was the hottest property at that time. During those days, girls dreamed of him, while guys envied him.

“Hi, Clara! Hi, Natalia!” nakangiting bati ni Johnny in his blue uniform.

“Clara, congrats nga pala for being the topnotcher again. Pinapahanga mo talaga ako.”sabi ni Johnny, sabay kindat. His focus was just on Clara.

“What? You were best friends with Tom’s mother?” tanong ni Carlos.

“Yes. We were the best of friends in high school. At that time, sikat na sikat si Clara. She was not rich like us, but she was beautiful, simple and intelligent. People loved her. Star scholar eh. Samantalang ako, isa sa mga pinakamayaman sa school, but I looked like a Spanish dork with thick glasses. I was also intelligent, but teachers favored Clara over me.” malungkot na kwento ni Natalia.

Unti-unting bumabalik ang masasakit na nakaraan ni Natalia. She remembered the time when she was already tired of being Clara’s shadow, kaya naglakas-loob siyang mag-apply bilang protégé ng kanilang current queen bee, para siya naman ang papalit on their senior year.

“Wow, Natalia! I didn’t expect you to be here. Akala ko, doon ka lang tumatambay sa library.” natatawang sabi ng kanilang current queen bee.

“Seryoso ako! I want to be the next campus queen!” firm na sabi ni Natalia. Nagtawanan lang ang mga members ng club.

Nilapitan siya ng queen bee at inalis ang kanyang thick glasses.

“Hmm, may potential ka. Saka, alam kong mayaman ang pamilya mo. Okay, I accept your application. But first, you have to know your assignment for the whole school year.” sabi ng queen bee.

“Kahit ano, gagawin ko!” determined na sabi ni Natalia.

“Kilala mo naman siguro si Johnny dela Cruz, the golden boy of St. Patrick’s Academy. Befriend him, or better yet, seduce him. Kailangan mo yang ma-accomplish before the end of the school year. Maliwanag ba?” nakangiting sabi ng queen bee.

Kahit hindi alam ni Natalia kung paano siya magsisimula, tinanggap niya ang hamon.

“Before summer, I did the challenge, pero napahiya lang ako. That was the most embarrassing moment of my life. Tandang-tanda ko pa kung paano ako tinawanan ng buong St. Patrick’s at St. Catherine’s dahil sa ginawa ko. Even Johnny was laughing out loud. From that day, I swore to myself that someday, St. Patrick’s at St. Catherine’s will bow at me.” naiiyak na kwento ni Natalia kay Carlos.

“Worse, at that same day, nalaman kong boyfriend na pala ni Clara si Johnny. Clara promised na hindi siya papatol kay Johnny. Mga ahas sila! Mga traydor!” galit na sigaw ni Natalia.

“And then?” tanong ni Carlos.

“Pero bilog ang mundo. I went abroad to finish my studies. Natuto akong mag-ayos ng sarili, and I learned to love myself. When I came back here, nagbabalak palang magpakasal sina Johnny at Clara, pero hindi pwede. Nagkaroon na kasi ng arranged marriage, at kami ni Johnny ang ikakasal. Wala silang nagawa. Poor Clara! Hahaha!” natatawang kwento ni Natalia.

“At that time, mahal mo pa ba si Dad?” tanong ni Carlos.

“Honestly, hindi na. I just married him for pride’s sake. Pinakasalan ko siya para mapasaakin ang gusto ko.” galit na kwento ni Natalia.

“Eh ako, mahal mo ba ako bilang anak? Or, minahal mo ba ako?” tanong ni Carlos.

“Yes! Of course! I love you very much! Kaya nga I approached you and befriended you. I’m sorry kung hindi ko nasabi sa ‘yo ang totoo, but believe me. Mahal kita!” nakangiting sabi ni Natalia habang hawak ang mukha ng binata.

“Liar! Manggagamit ka! Buti pa si Dad, kahit lagi akong pinapagalitan, at least, naramdaman ko ang pagmamahal niya, pero ikaw… ikaw na nanay ko, wala! Wala akong nararamdaman! You’re not a good mother to me!” sigaw ni Carlos.

Sinampal agad ni Natalia si Carlos.

“I’m so sorry, anak. Please, stay with me. Ikaw na lang ang pamilya ko. Ikaw na lang ang buhay ko.” nagmamakaawang sabi ni Natalia.

“No! I don’t want to be with you! Babalik ako sa St. Patrick’s Academy. Kailangan nila ako doon!” firm na sabi ni Carlos.

“Carlos, please. I love you! Please don’t go!” umiiyak na sabi ni Natalia habang hila ang kamay ng anak.

“Remember this. Hindi mapapasainyo ang St. Patrick’s Academy, and the bad news for you is… I’ll do everything to get St. Catherine’s Academy back.” galit na sabi ni Carlos.

Seryoso si Carlos. Tinanggal niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Natalia, sabay labas ng office.

Naiwan sa loob si Natalia habang nakasandal sa pader at umiiyak.

**********************

“Kawawa naman si Carlos. I’m sure he needs more love ngayong patay na ang father niya.” maarteng sabi ni Hillary habang kausap si Eric sa phone.

“Eh puro ka naman ganyan, tapos pag nagkaharap naman kayo, natatameme ka.” natatawang sabi ni Eric.

“Gaga! Painitin mo pa ang ulo ko at tatawagan ko na ang kaibigan kong columnist para bukas, nasa blind item ka na!” sigaw ni Hillary.

“Uy, huwag kang ganyan.” sabi ni Eric.

“Da who ang isang matipunong action star na kaliwa’t kanan ang mga babae, pero ang hindi pala niya alam, na ang anak niya ay isang binabae?” natatawang sabi ni Hillary.

“Or, pwede ko ring sabihing ‘Carlos! Eric likes you!’ para mas masakit.” pahabol ni Hillary.

Hillary was caught off guard nang biglang hablutin ni Carlos ang kanyang phone. Kanina pa palang nakikinig sa usapan ang binata na kagagaling lang sa office ni Natalia.

“Carlos! No! Ibalik mo sa ‘kin ‘yan!” nag-aalalang sigaw ni Hillary.

“Hello, Eric? Sumagot ka! Are you gay?!” sigaw ni Carlos. Napalunok na lang si Eric sa sobrang kaba.

END OF CHAPTER 9

BLUE BROTHERS TRIVIA:

1. ) Johnny dela Cruz's name is a variation of "John" and "Juan". His character represents Juan dela Cruz (The Philippines).

2. ) His birthday is on June 12, 1970. On the same date in 1898, Emilio Aguinaldo raised the Philippine flag in Kawit, Cavite to declare Philippine independence. 

3. ) His four sons represent the different eras in Philippine history: Tom (pre-colonial/present), Carlos (Spanish era), David (American era), Shiro (Japanese era)

Continue Reading

You'll Also Like

14K 422 20
Jimin X Reader A solo artist (reader) and a member of BTS (Jimin) was being shipped by fans. May contain badwords sorry. PS. Please take note kung a...
126K 2.5K 32
Ordinaryong babae lang naman ako e... Yun ang akala ko! Pero, ang Kuya ko pala ay sikat sa buong panig ng mundo! O_O Leader pa siya ng super iniidolo...
801 55 10
An NBSB girl who happened to be a fujoshi, an aloof guy who likes only his family and friends' company, and another guy who is secretly kinky. *** MM...
126 57 4
In a world where darkness and immortality collide, a woman finds herself reborn into a body that is not her own. As her consciousness awakens, she re...