When the Rain Drops

By Krungishy

334K 2.9K 15

Guzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. M... More

Info
--
Prologue
WTRD 01
WTRD 02
WTRD 03
WTRD 04
WTRD 05
WTRD 06
WTRD 07
WTRD 09
WTRD 10
WTRD 11
WTRD 12

WTRD 08

5.9K 157 0
By Krungishy

Arci Nicolette Villanueva


Wala naman gaanong nangyari ngayong intrams dahil nga't wala kaming laro ngayon. Paalis na kami ngayon papunta sa bar na tinutukoy ni Brent. Ayoko na talaga sumama noon pa kaso ramdam kong nagagalit na si Erica sa akin, hindi ko naman s'ya mahindian dahil kahit ganyan s'ya mahal ko pa rin 'yan.


Nakasuot ako ngayon ng dress na fitted, mainit kasi ang panahon ngayon kaya ayoko munang mag pants or mag trouser man lang.


As usual, sumakay ako kay Ares at si Erica naman ay sumakay kay Brent. Buti nga't hindi ko narinig na mag bangayan yung dalawa dahil pag usapang ganito, ayaw ni Brent na sinasakay si Erica dahil nga't maingay daw ito at kung ano-ano nalang ang kinukwento. Tinanong pa nga ako kung sanay na daw ba ako sa kaingayan ni Erica.


Well sanay na ako sa babaeng 'yan. Kahit hindi ako nakikinig minsan tuloy pa rin s'ya sa pag kukwento ng kahit ano. Kulang na nga lang pati pag ligo at pag tae n'ya ikwento n'ya na rin. Hindi kasi s'ya nauubusan ng kwento.


Nang makarating kami sa bar, may mga iilan na din tao na nagsipag punta. Gabi na rin kaya hindi na ako mag tataka kung kapasok mo sa loob e marami ng tao. 


Kapasok namin sa loob, may mga iilan na estudyante ang nag aaral sa school na pinapasukan namin. Nung una gulat na gulat pa ako dahil may mga iilan din palang mga ka schoolmate namin ang nandito tumatambay pero nung marealized ko na hindi na ako mag tataka kung may mga iba pa na darating na baka kakilala ko rin. Mostly kasi kakilala ni Brent at Ares ang mga nandito dahil sa tuwing may nadadaanan kami, tinatawag sila. Mapa babae man o lalake.


Umupo kami sa may bandang gitna malapit dun sa dancefloor. Nakita ko naman na may lumapit na lalake papunta sa amin ng makaupo kami. 


"Brent, Ares? What's up? Asan si Caleb?"


"Dude." sabi nito tsaka silang dalawa na nag fist bump "May duty e" natatawang sagot ni Brent


"Tangina sila pa rin ni Steph? Tatag ah" 


"Oo, tangina under pa rin ang gago" sagot naman n'ya, napatingin naman s'ya kay Ares tsaka rin s'ya nakipag fist bump dito. "Tol, long time no see"


"Ey" sagot n'ya lang


Napatingin naman ito sa akin tsaka ulit bumaling kay Ares "Girlfriend? Tangina oh, don't tell me nagpauto na rin kayo sa mga diablo?" natatawang tanong nito sa kanilang dalawa. Natawa naman si Brent habang umiiling ito.


"Gago hindi no. Tsaka ito" sabay turo kay Erica "Kaibigan 'yan ng jowa ni Ares" sagot n'ya sabay nguso sa akin


"She's not my girlfriend" sabi nito kaya bigla naman ako napalunok ng wala sa oras. Ramdam ko naman na napatingin ito sa akin kahit hindi ako literal na tumingin sa kanya "Yet"


"Akalain mo 'yon ang isang Ares Guzman, may natitipuhan" ngising sabi pa nito.


"Gago noon pa, tinago lang ng tanga" sagot naman ni Brent kaya natawa yung dalawa, kita ko naman na umiiling lang si Ares.


Habang naman nag uusap sila na kaharap kami, siniko ako ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. "What?"


"Sa bar counter tayo? Hayaan mo na sila d'yan mag kwentuhan" bulong pa nito. Naisip ko rin na kung hanggang mamaya e andun kami baka maging hangin nalang kami sa tatlo. Tumango nalang ako tsaka na tumayo. Napatingin naman yung tatlo sa amin.


"Where are you going?" pigil na tanong n'ya sa amin


"Dun lang" sabi ni Erica tsaka ito may tinuro. Hindi nag salita si Ares dahil nakatingin lang ito sa akin. Hinili nalang rin ako Erica hanggang sa makaalis na kami sa pwesto na 'yon.


"Ayokong umupo lang doon no." sabi naman n'ya. Umupo kami sa may counter tsaka s'ya may sinabi sa bartender, napatango nalang naman ito. 


"This is my first time--"


"I know girl. Hindi ka naman kasi party girl na kagaya ko. Pero don't worry, hindi naman kita iiwan dito." sabi pa n'ya. Sobrang layo talaga ng buhay ko sa buhay ng babaeng 'to.


"Nakita mo na ba yung mga ibang tweets ni Ares? Nakakaloka ha! Well, hindi naman na literal ka n'yang binubulgar pero pinapakita n'ya na sa lahat na nakakasama n'ya ito or whatsover na tweets na nabasa ko pa." sabi pa nito, napakunot naman ang noo ko.


"Like?" tanong ko


"Check mo ng malaman mo" sabi n'ya habang tinitignan yung bartender. "Gwapo"


Kinuha ko naman ang phone ko tsaka pumunta sa twitter. Bumungad sa akin ang mga tweets n'yang hindi ko nabasa noon. Ilang araw na rin kasi nung last ako naging active sa twitter. Sa instagram na ako madalas active dahil nga't madalas kaming mag usap doon ni Ares.


Ares @AR3S

A movie date? yays


Ares @AR3S

Review + plates + her = complete


Ares @AR3S

1st win.


Ares @AR3S

Wondering if I 👨‍⚖️ her. lolololol :))


"See?" nakangising sabi n'ya ng mapansin n'yang lumingon ako sa kanya. "Buti nga't hindi ka n'ya tinatag or ano. Tho yung mga reply, sinasabi na ikaw daw 'yon kasi ganito-ganyan."


"Kaya hindi na't maalis yung mga matang nakatingin palagi sa akin. Nakakailang kaya" sabi ko. Inabot naman nung bartender yung order ni Erica at yung isa ay binigay sa akin. "Ano 'to?"


"Tequila. You taste it, masarap 'yan." sabi pa n'ya. Kinuha ko naman yung glass tsaka ito tinikman. Nung una hindi ko s'ya gusto pero habang tumatagal sa lalamunan yung lasa nagustuhan ko na. "Hirap pag hindi pala inom e no?" natatawang sabi pa nito


"Pwede na" sagot ko naman tsaka na binitawan yung iniinom ko


"Pero yun nga, may napansin ako doon sa iba n'yang tweet. Nag movie date na kayo? Tsaka bonga ha, sabay kayo nag review no? Kaya pala nung tinatawag kita sa messenger dinedecline mo. Inamong malandi ha" kinwento ko naman sa kanya yung mga nangyari at gulat na gulat s'ya ng hindi ito makapaniwala sa mga pinag sasabi ko.


"Seryoso? Baklang to! Ang harot mo na ha! So what's the score?" masayang tanong n'ya tsaka na inubos yung hawak n'ya. Nag order ulit to and this time, apat na boteng beer ang inorder n'ya.


"Bakit apat? Kaya mo ba 'yon?" pag iiba ko ng usapan.


"Hati tayo syempre. Ano ka ba! Minsan lang 'to. Tsaka minsan lang din tayo lumabas sa ganitong lugar na magkasama. Hindi ka naman mahilig sa mga ganitong atmosphere kaya sinusulit ko lang. Sulitin mo na rin, may mag uuwi naman sa atin" nakangiti pang sabi n'ya, pailing-iling naman akong tumingin sa kanya. 


Talagang nilubos n'ya na nga lalo na nung binigay na sa kanya yung apat na bote ng beer. Inubos ko na rin yung iniinom ko kanina at tinikman naman itong bagong pinatikim n'ya sa akin. Hindi ko gusto ang lasa nung una pero habang tumatagal nagustuhan ko na ito. Sa una mo lang malalasahan yung tapang nung beer pero habang tumatagal nawawala na ito.


Tuloy pa rin kami sa usapan at mukhang wala ng balak pumunta dito para puntahan kami nung dalawang iniwan namin sa table kanina. Mula dito kahit marami ng tao, nakita ko sila Brent, Ares at yung kanina na kasama nilang lalake na may kakwentuhan ng iba. May mga iba rin na lumapit sa kanila kaya napaiwas naman ako ng tingin. Mukhang busy naman sila kaya dito nalang din ako at samahan itong babae na 'to.


Habang tumatagal, nakailang bote na si Erica kaya ramdam ko ng may tama na 'to based sa pananalita n'ya. Hindi ko naman alam kung tipsy na ba ako or sadyang nakakahilo lang ang iba't-ibang amoy sa loob.


Tumingin ako sa gilid at pinag masdan ang buong paligid hanggang sa may isang lalake ang umupo sa gilid ko. May bakante kasing upuan mag buhat kanina don. "Hey, are you with someone?" tanong n'ya. Napatango naman ako tsaka pinakita sa kanya si Erica. Nagulat ako ng makitang sumukob nalang ito bigla. Narinig ko namang tumawa ang nasa likuran ko kaya napaharap ako sa kanya. "She's drunk"


"Nilubos n'ya bagsak tuloy" sagot ko naman.


"By the way. Saang school ka nag aaral?"


"ISCA" sagot ko sabay inom dun sa natitirang may laman na bote. Naka isa't kalahati lang ako dahil nakiinom pa sa akin ang magaling na babae. Taob ka ngayon. 


"Ang lapit lang pala samin" ngiting sagot n'ya naman.


"How about you?"


"SAA. Anong year mo na ba?" 


"2nd year"


"1 year lang tanda ko sa'yo. Tourism. You?"


"Same, tourism"


"Hindi na ako mag tataka, match ang kagandahan mo sa ganyang course" sagot nito kaya ngumiti nalang ako. Hindi ko alam kung tama ba na makipag interact ako sa kanya or ano. May part din kasi na ayokong hindi s'ya kausapin dahil baka pagkamalan pa ako na masungit tapos makikita ko nalang ito sa labas. Huwag naman sana.


"Baka nga next school year lilipat na ako d'yan. Hindi pa naman sure kasi medyo hindi ako sanay sa mga nag aaral sa ISCA."


"Maganda naman sa ISCA" sagot ko. Maganda rin naman sa SAA dahil halos same lang naman ang school namin sa kanila, kaso mas nasanay na ako sa kung asaan ako.


"Yup. Sa september naman ang enrollment n'yo hindi ba?" tanong n'ya. Napatango naman ako. Ang bilis nga ng panahon. After ng intrams, 1 week academic break tapos after noon finals na namin. 


May itatanong pa sana ito ng maramdaman kong may humawak mula sa bewang ko kaya nagulat akong napatingin doon. "Are you done? Let's go home" seryosong sabi n'ya habang nakatingin ito ng deretso sa mga mata ko.


"Ares" Sabi ng nasa likod ko. Mukhang magkakilala naman sila dahil based na rin sa hindi tinanong ni Ares sa akin kung sino ang kasama ko. Tumayo naman ito pero bago s'ya makaalis, nilahad n'ya ang kamay n'ya sa harapan ko. "Paulo. Paulo Bernal. Nice too meet you. Balik na rin ako sa table namin. Thank you sa time--" sagot pa nito habang hinihintay ako mag salita.


"Arci"


"Arci..." Pag uulit n'ya "See you" sabi n'ya nalang tsaka na naunang umalis sa amin.


"Don't talk to him again." banta n'ya kaya napakunot naman ang noo ko


"Bakit?"


"He's a playboy."


"Bakit mo naman alam? You know him? Kaano-ano mo?"


Tumango naman ito "Varsity player ng SAA." napatango naman ako sa sinabi n'ya.


"Nakipag kwentuhan lang naman s'ya, wala naman s'yang ginawa or sinabi na kakaiba don't worry. And I think hindi naman ito playboy. Nakipag usap lang talaga s'ya sa akin" dahilan ko. Para tuloy akong bata na nag papaliwanag sa tatay n'ya.


"Kahit na. Hindi mo alam kung gaano kabulok ang ugali n'yan. Basta 'wag mo na ulit kakausapin"


"Okay?" sabi ko nalang. Ayokong lumala nalang ang lahat kaya ako na ang nagpaubaya.


"You stay here. Tatawagin ko lang si Brent. Uuwi na tayo, oras na rin baka hinahanap ka na sa inyo" sabi n'ya kaya napatango nalang ako.


Ginising ko naman si Erica na mahimbing ng natutulog dito. Ibang klase talaga 'tong babae na 'to. "Uuwi na tayo. Humanda ka sa sasabihin ni tita sa'yo. Bahala ka mag explain ng side mo?"


"What??" sabi nito, napailing nalang ako tsaka s'ya inalalayan. Nakita ko na rin na papalapit yung dalawa sa lugar namin.


"Ba't taob 'yan?" tanong agad ni Brent


"Naparami ng inom" sagot ko naman, napailing nalang ito tsaka ako  sinamahan umalalay kay Erica na nakatulog na naman. Nang makarating kami sa labas, binuhat ni Brent si Erica tsaka n'ya na sinakay sa loob ng sasakyan n'ya. Nang isarado n'ya ang pintuan humarap ito sa akin.


"Broken ba 'yan? Daig pa ako"  tanong n'ya, natawa naman akong napapailing. "Naparami lang talaga. Hindi naman kasi kami madalas pumupunta sa mga ganitong lugar kaya nilubos n'ya na.


"Tara na, oras na rin" sigaw na sabi naman ni Ares sa kabilang banda. Tumango nalang ako tsaka na sumakay sa sasakyan n'ya. 


"Alam mo bahay ni Erica tol?" tanong ni  Ares ng nasa loob na ako ng sasakyan n'ya.


"Hindi. Mauna kayo, sunod nalang ako" sagot n'ya. Hindi na nagsalita si Ares at sumakay na rin sa sasakyan n'ya tsaka na kami umalis. 


Habang nasa byahe kami. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging ang tugtog lang ang naririnig namin dalawa. Ramdam ko na rin ngayon yung pagkahilo ko kaya minasahe ko naman sentido ko sa ulo.


"You okay?" tanong n'ya kaya napatigil ako at napatingin sa kanya. Nakita ko naman sa mukha n'ya ang pag-alala kahit na seryoso itong nakatingin sa akin.


Tumango ako "Yup. Medyo nakarami rin, itutulog ko lang siguro 'to" 


"It's your first time? Bar? Drinking some alocohols?"


"Oo. Hindi naman kasi ako kagaya ng mga ibang babae na mahilig sa mga ganyan. Mas gusto ko pa atang nasa bahay lang or pumupunta sa mall" 


"Much better"


"How about you? Madalas ka ba sa bar na 'yon? Pansin ko lang kasi na marami kayong kakilala na pumupunta din doon" tanong ko naman.


"Noon, pero mag simula nung midterm exam hindi muna kami pumunta. Busy sa lahat" sagot n'ya kaya napatango naman ako tsaka itinutok yung aircon sa harapan ko. Hindi ko alam kung mainit ba talaga or mainit lang yung buong katawan ko.


"So... Pati ba yung kakilala ni Brent na may ari dun sa bar na 'yon e kakilala mo rin?"


Umiling naman ito habang deretso pa rin ang tingin n'ya  sa daanan. "May mga ilan din s'yang kaibigan na 'di ko kakilala. You know Brent, he's too sociable person."


Sabagay tama naman s'ya. Si Brent talaga ang mas friendly sa kanila. May ganon rin pala na lalake. Mostly kasi ang mga lalake kayang mabuhay kahit walang kaibigan. Sa amin kasing mga babae part na ng buhay namin ang magkaroon ng kaibigan, madami man or hindi basta meron.


Nang makarating na kami sa bahay nila Erica, lumapit ako sa sasakyan ni Brent tsaka ginising si Erica.


"Hoy babae. Andito na tayo sa bahay n'yo. Pag nakita ka ni tita na ganyan itsura, lagot talaga tayong dalawa" sabi ko kaya nagising naman ito. Inalalayan ko s'yang lumabas at nagpaalam muna sandali sa dalawa na ihahatid ko lang hanggang sa kwarto itong babae na 'to.


Buti nalang at nagdala ito ng susi kaya ng mabuksan ko na yung pintuan nila, agad ko s'yang inakyat sa kwarto n'ya. Buti nga't hindi ako narinig ng mga tao na nandito sa bahay. Inayos ko s'yang mahiga sa kama at madali ng lumabas sa kwarto n'ya. Nagulat ako ng nasa tapat ko ang isa sa mga katulong nila. 


"Please po, huwag n'yo sana sabihin kina tita at tito ang nakita n'yo. Paki bihisan nalang po si Erica. Hindi ko naman nilocked ang pintuan" sabi ko kaagad. Ayokong dahil sa kanya e mapapagalitan kaming dalawa.


"Sige po miss Arci" sabi n'ya naman kaya nakahinga ako ng maayos tsaka na nag paalam. Nang makalabas na ako, nag paalam na rin na umuwi si Brent kaya nagpasalamat nalang ako sa kanya tsaka na s'ya umalis ng tuluyan. Sumakay ulit ako sa sasakyan ni Ares at hinatid ako hanggang sa tapat ng bahay namin. 


"Thank you" sabi ko ng makababa na ako sa sasakyan n'ya. Tumango nalang ito tsaka na umalis sa harapan ko. Hinintay kong ipasok n'ya yung sasakyan sa garahe nila tsaka na ako pumasok sa loob. Hindi ko na rin nadatnan sina mommy at daddy dahil siguro't tulog na ang mga ito.


Kaakyat ko sa taas, nag pahinga muna ako sandali tsaka na naisipang maligo. Nang matapos ako, nilagyan ko muna ng pagkain ang lalagyanan ni kitty tsaka na humiga sa kama at natulog na. May laban na naman bukas kaya panigurado, mabigat na naman ang katawan ko.


Lumipas ang araw ng intrams ng masaya, boring, nakakapagod at bagong ganap. At ngayon, last day nalang ng intrams at championship na namin. Days had past, naka ilang beses kaming panalo at ngayong championship na, kalaban namin ang Accounting department which is sina Mica ulit. Una palang alam ko ng sila ang lalaban sa championship pero hindi ko naisip na kami rin pala ang makakalaban nila sa huli. Nung kasing nakalaban namin ang mga Educ. dep akala namin matatalo kami dahil lamang sila ng ilang points samin, buti nalang at nabawi namin ito ng sunod-sunod hanggang sa manalo kami.


Ang naging labanan ngayon ay paunahan maka 3 wins. Parehas na naman naging tabla ang laro kaya umabot ng 5 games ang laro namin laban sa Accounting dep. Ramdam din namin kung gaano kaseryoso ang mga kalaban namin lalo na't si Mica na s'ya talaga ang nagdadala sa laro ng kalaban. 


"Go tourism!"


"Ipanalo n'yo para sa grades!"


"Galingan mo raw pepsi, date daw kayo ni Ares pag nanalo kayo!" Mas nangibabaw ang hiyaw na 'yon galing kay Brent kaya halos magtilian naman ang ilang mga nanonood. Bigla naman akong namula sa kalagitnaan ng laro. 


"2 points ang lamang nila guys! Bawi! Bawi!" sigaw ni Erica kaya napatingin ako sa score. 22-24 ang score at isa nalang ay mananalo na sina Mica. Hindi ko alam bakit nanlamig ang kamay ko at kinabahan ako sa naging score namin. Iniisip ko tuloy kung kaya ba namin lamangan kung isa nalang na pagkakamali e mananalo na sila.


Sinerve ito ni Erica kaya naging alisto kami sa laban. Muntikan ng hindi matira ng kabila ang bola ngunit nasalo agad ito ni Mica. Napunta sa amin ang bola kaya ng mapunta ito sa akin, binigyan ko ng maayos na set yung kakampe namin at buti nalang natira n'ya ito ng maayos dahilan para hindi ito matira ng kalaban. Pumalpak kami ng sa amin ang score. Ganun din sa ikalawang set kaya sa huli tabla ang naging puntos namin sa kabila.


"1 point nalang oh. Isang magandang hampas, kaya natin 'yan tourism!" sigaw nung isa namin kasama. 


Sa amin ulit ang huling served kaya napunta ito sa kabila. Sinet ng maayos nung kalaban ang bola tsaka ito hinampas ni Mika. Nasalo ng nasa gitna namin ang bola kaya napunta ito sa akin. Nakita kong patalon na si Erica ngunit naisip ko ang isang bagay na sa tingin ko ito ang magpapanalo sa amin. Nang dumapo sa akin ang bola, naisipan kong idrop ball nalang ito para malito ang kalaban. Kabado akong ginawa iyon at halos magsigawan ang mga tao ng hindi ito natira ni Mica at bumagsak lang ito sa sahig.


Kaagad kong naramdaman ang yakap ng mga kakampe ko at nagsipag talon.


We won and that's because of me.


"Omg Arci! Panalo tayo!" masayang sabi ni Erica habang hinahawakan ang mukha ko. Mahigpit n'ya akong yinakap kaya natawa naman ako.


"Congrats tourism" bati ng iba ng makipag kamayan kami


"Conrgrats. Galing Arci ah, hindi ko napansin na gagawin mo 'yon" sabi ni Mika ng makipag kamayan ako sa kanya. Ngumiti lang ako tsaka na kami pumunta sa bleachers. May mga ilan ding nag congratulate sa amin at nag pasalamat naman kami kaagad.


"Paano ba 'yan. Kelan ang date pre?" ngising tanong ni Brent kay Ares na nakatingin sa akin. Inabot n'ya yung gatorade na hawak n'ya tsaka ito binigay sa akin. Tinanggap ko naman


"Thank you"


"Congrats." sabi n'ya kaya ngumiti naman ako. Alam kong may nakatingin sa amin pero hindi ko nalang ito pinansin. Natuto na ako dahil wala naman mag mangyayari kung patuloy ko pa rin iisipin 'yang mga taong nakatingin sa akin.


"Congrats lang Ares? Walang hug? kiss?" sagot naman ni Brent habang natatawa si Caleb sa tabi n'ya.


"Tanginamo ang daldal mo" sita naman n'ya kaya mas lalong natawa yung dalawa pati na rin si Erica na nakatingin sa amin. 






~∆~

@Krungishy

Continue Reading

You'll Also Like

113K 6.4K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
97.3K 1.3K 13
Naririnig mo ba? Nararamdaman mo ba? Sa bawat strum ng aking gitara. Sa bawat lyrics ng aking kanta, isang masakit na nakaraan ang aking naaalala. Ga...
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
43.9K 1.2K 27
#38 in horror out of 8.48k stories #22 in ghost out of 2.65k stories #1 in shock out of 122k stories #2 in triller out of 207k stories #227 in myster...