WTRD 12

4.4K 131 0
                                    


Arci Nicolette Villanueva


"How about this one? Or this one?"


"Alam mo Ares kanina ka pa tanong ng tanong ano susuutin mo. Ba't 'di mo kaya kunin nalang lahat?" seryosong sabi ko. Kanina pa kami dito sa store sa loob ng mall at hanggang ngayon hindi s'ya makapili ng pang itaas n'ya kesyo maganda daw tapos yung isa naman komportable suutin. 


"Okay sige, sabi mo e" sabi n'ya at kukunin na sana yung mga gusto n'yang damit kaso pinigilan ko s'ya


"Hindi ka talaga mabiro e no... Ito nalang kunin mo, mas maganda 'yan. Mas babagay sa susuutin mo sa pang ibaba" sabi ko sabay abot nung kanina n'yang pinili


"Pipili din naman pala bakit 'di pa ginawa kanina" bulong-bulong na sabi n'ya


"Napaka arte mo kaya" sagot ko naman kaso ngumiti lang ito at pumunta na sa counter. Hinintay ko nalang s'ya dito sa pwesto ko. Nang matapos na s'ya lumabas na kami doon.


"Are you hungry?" tanong n'ya


"Kumpleto naman na mga binili mo?" tanong ko pabalik, tumango naman ito at pinakita yung mga bitbit n'yang paper bag na sa iba't-ibang store pa namin binili.


Tumango nalang ako tsaka na kami pumunta sa second floor kung saan don n'ya naisipan na kumain. It's a restaurant, sinabi ko naman na kahit sa fast food chain nalang kaso ayaw n'ya.


"Kayo lang po bang dalawa sir?"


"Yes"


"This way po" sabi n'ya tsaka n'ya kami inassist papunta sa seat malapit sa may glass. Nag order na rin kami ng makakain namin hanggang sa hinintay nalang namin ito. Hindi naman matagal ang paghihintay namin dahil nakarating din agad yung mga pagkain.


"Babe tingin ka sa gilid" utos n'ya habang naka harap sa akin yung phone n'ya. Tinakpan ko naman ang mukha ko


"Tigilan mo ako Guzman"


"You're calling my surname" hindi makapaniwalang sabi n'ya


Napakunot naman ang noo ko "Ano ngayon? Masama na bang tawagin ka sa surname mo?"


Sumeryoso naman ang mukha n'ya "You call me by my name. Or much better if you call me babe too"


"Tigilan mo ako sa mga endearment na 'yan"


"Hindi ko rin naman gusto ang mga call sign na 'yan, pero wala e... Ang ganda pakinggan ng word na babe pag ikaw ang sinasabihan ko non" nakangising sabi n'ya kaya napa-iwas naman ako ng tingin. Tuwing talagang may lalabas na kung ano-anong word sa bibig n'ya na tungkol sa akin hindi ko mapigilang hindi mamula. 


"Gotcha" sabi pa nito ng makuhanan n'ya na ako ng picture. Hindi lang n'ya ako kinuhanan ng isang beses, marami pa kaso pinatigil ko na s'ya kaya binaba n'ya na rin yung phone n'ya at kumain na lang ulit.

When the Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon