Class 2 - 3 | Tagalog Story

hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... Еще

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Tired
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Top 1
Lost Memory
Dancer
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Angelic Voice
Cracked Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Lies
Truth Hurts
Funny One
Happy Day
Lonely
Sporty
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Smart One

110 2 0
hwangeunbb

(Nangyari din kay Ruby ang nangyari kay Nin. Nakulong din yung kaluluwa niya sa salamin na pagmamay-ari ni Mr. Norman. Lahat ng mga kaklase niya kasama pati si Jahz at Izza. Hindi na siya naaalala at para bang wala silang naging kaklase na may pangalang Ruby. Yung parang nangyari lang din kay Nin. Magagawa bang maalala ni Jahz ang lahat? Ngayon na naghihinala na siya sa mga nangyayari sa Class 2 - 3.)

Izza's POV.

Sabay kaming pumasok ni Jahz sa loob ng classroom. Pagpasok naming dalawa agad siyang naglakad papunta sa upuan niya para ilagay yung bag niya doon. Pumunta din ako sa upuan ko pero bigla akong napatigil sa paglalakad nung may mapansin akong isang bagay sa bagong upuang bakante (Upuan ni Ruby)

"Jahz! Halika dito! May ipapakita ako sayo!", Napalingon siya sa akin tapos nagmadali siyang lumapit sa akin.

"Oh ano yun?", Tinuro ko yung bagay na napansin ko sa upuan. Yung nakatatak na Go Fight!

"Tingnan mo. May nakatatak sa upuan na 'to oh. Wala namang umuupo dito. Sino naman kaya yung magtatatak nyan jan?", Tiningnan nang seryoso ni Jahz yung nakatatak.

"Nakakapagtaka naman 'to. Parang yung sulat din na nakita nating dalawa doon sa isa pang bakanteng upuan (Upuan ni Nin).", Tama si Jahz. Nagtataka na rin ako ngayon.

"May alam ka bang gagawa ng bagay na 'to?", Nanahimik bigla si Jahz. Siguro nag-iisip 'to ngayon.

"W-wala akong maalala.", Huh?

"Anong pinagsasabi mo?". Hala baka nagkaamnesia na tong kaibigan ko.

Agad kong hinawakan yung balikat ni Jahz.

"Hoy baka nakalimutan mo na din ako ha.", Ngumiti si Jahz dahil sa sinabi ko.

"Sira. A-ano bang sinabi ko?". Hala ano na bang nangyayari dito?

"Wala. Wag mo ng alalahanin pa baka mabaliw ka lang.", Napangiti ulit si Jahz dahil sa sinabi ko.

Leah's POV.

Seryoso kong binabasa yung mga pointers namin para sa gaganaping exam namin mamaya nang bigla akong lapitan ng bestfriend kong si Joie.

"Leah!", Nagulat ako.

"Grabe wag ka ngang sumigaw jan! Nakakagulat ka!", Natawa siya sa sinabi ko.

"Hahahah! Sorry na Bestfriend. Ano nakapagreview ka na ba?", Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Huh? O-Oo naman. Nirerecall ko lang ngayon.", Napangiti si Joie dahil sa sinabi ko.

"Ang talino talaga ng bestfriend ko. Hoy galingan mo mamaya ha para matalo mo na yung top 1 sa klase.", Nginitian ko na lang si Joie.

"Sige na. Magrecall ka na rin muna ng mga nireview mo para hindi mo makalimutan mamaya.", Pagkatapos nginitian na namin ang isa't isa.

"Sige. Galingan nating dalawa.", Pagkatapos magsalita ni Joie. Bumalik na siya sa upuan niya.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakita ko na seryoso siyang nag-aaral. Sa totoo lang, nagduduga ako pagdating sa mga exams. Gumagawa ako ng kodigo para lang makapasa ako. Naging no. 2 nga ako sa klase dahil sa tulong ng kodigong ginagawa ko.

Kailangan kong gawin 'to para makapasa lang ako. Pagkatapos kong lumingon sa kanya. Tinuloy ko na yung ginagawa ko. Naglagay ako ng isang maliit na papel sa kanang wrist ko. Doon nakasulat ang mga sagot para sa exam namin mamaya.

Tinatakpan ko yun gamit ng panyo ko. Baka mapagalitan pa ako kapag nakitang may kodigo ako sa kanang wrist ko kaya mas mabuti na yung nag-iingat.

Tumahimik na kaming lahat nung dumating na si Mr. Norman dala-dala yung mga testpaper. Eto na yun. Kailangan ko lang maging magaling sa pagtatago ng katotohanan. Tsaka matagal ko na tong ginagawa. Hindi naman ako nahuhuli. Sana ngayon... hindi ulit ako mahuli.

"Ok class. Ngayong oras na kayo mag-uumpisang sagutan yung mga testpaper na 'to. May 1 hour and 30 minutes kayo para tapusin yung exam ngayon. Ok let's start!", Nginitian kaming lahat ni Mr. Norman.

Dahan-dahan akong lumingon kay Joie. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Sabay naming nginitian ang isa't isa. Pagkatapos umiwas na akong ng tingin sa kanya. Sana makapasa ka din Joie.

Nag-umpisa na yung exam. Halos lahat ng mga kaklase ko seryoso sa pagsasagot. Lalo na si Jahz. Makikita mo sa mukha niya yung pagiging seryoso habang nagsasagot. Deserving talaga siyang maging Top 1 sa klase.

Nasagutan ko yung mga alam kong tanong pero yung iba... Hindi ko alam. B-baka yung sagot nakasulat sa kodigo ko. Dahan-dahan kong inusog yung panyo para makita ko yung sagot na nakasulat sa kodigo ko na nasa kanang wrist ko. Ayun! Andito nga.

Mr. Norman's POV.

Seryoso ang lahat. Maliban lang sa isa. Agad akong tumingin kay Leah ang top 2 sa klase. Tsk gumagamit ka pala ng kodigo para lang pumasa ka. Hindi uubra yung mga ganyang gawain mo sa akin. Nakangiti akong naglakad paikot sa loob ng classroom. Isa-isa ko silang tinitingnan.

Joie's POV.

Ano pa bang ginagawa ni Leah? Hindi ba niya alam na umiikot na si Mr. Norman. Leah... si Mr. Norman. Itago mo na yang kodigo mo. Hay~ kung pwede lang sumigaw sisigaw na ako para lang balaan si Leah eh. Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong nahulog yung maliit na papel ni Leah.

Yung kodigo niya. Papunta na si Mr. Norman sa kanya. B-baka mapagalitan siya. Kailangan kong mag-isip ng plano para iligtas yung kaibigan ko.

"Sir!", Agad na lumingon sa akin si Mr. Norman.

"Yes Joie?". Isip... isip!

"Pwede po ba akong gumamit ng restroom ngayon?". Nginitian ako ni Mr. Norman. Tapos agad kong nakita si Leah na pinulot yung papel at nilonok.

"Alam mo naman Joie na bawal lumabas ngayon. Nag-eexam kayo. Tapos ka na ba?". Nginitian ko si Mr. Norman.

"Ay oo nga po pala. Sige po tatapusin ko po muna 'to", Pagkatapos umiwas na ng tingin sa akin si Mr. Norman.

Leah's POV.

Tapos na yung exam. Hay~ buti na lang nakaligtas ako kanina. Pasalamat ako sa bestfriend ko. Kung hindi niya ako tinulungan kanina. Siguro napapunta na ako sa principal office. Maraming salamat talaga Joie. Wait asaan nga pala siya para makapagpasalamat ako sa kanya ng personal.

Bigla akong nagulat nung biglang lumitaw sa harap ko si Mr. Norman.

"Sir!", Nakangiti siyang tumingin sa akin.

" Leah. Pumunta ka sa counseling room. Ngayon na.", Huh? B-bat niya ako pinapapunta doon?

Jahz POV.

Narinig ko yung sinabi ni Mr. Norman kay Leah. Papapuntahin niya si Leah sa counseling room. A-ano naman yung pag-uusapan nila doon? Wait parang... may pinapunta na doon si Mr. Norman. Hindi ko lang maalala. Ano na ba ang nangyayari? Hay naku~

Leah's POV.

Pagkatapos kumain sa canteen. Dumiretso na ako sa counseling room. Habang palapit ako nang palapit doon. Mas lalong kumakaba yung dibdib ko. A-ano kaya yung pag-uusapan nmin ni Mr. Norman doon? B-baka nakita niya ako kanina na gumagamit ng kodigo?

Sana nman hindi. Andito na ako. Woo... kaya mo 'to Leah. Kumatok ako bago ako pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob agad na tumingin sa akin si Mr. Norman.

"You're here. Please have a seat.", Dahan-dahan akong umupo sa upuan na nasa harap niya.

Grabe kinakabahan na ako.

"So Leah kamusta yung exam, nadalian ka ba?", Argh... sumasakit yung lalamunan ko.

"S-sakto lng naman po Sir.", Ang sakit talaga ng lalamunan ko.

Hanggang sa umubo na ako nang umubo. Argh... a-anong nangyayari? Sa huling ubo ko biglang lumabas yung kodigong ginawa ko na nilunok ko kanina. Hala! Dahan-dahan akong tumingin kay Mr. Norman.

"Sigurado ka bang sakto lang?", Nakangiti siya nung tinanong niya ulit ako.

"Yes Sir.", Pagkatapos agad kong kinuha yung kodigo ko.

"Alam mo Leah. May mga sekretong bigla-biglaang nalalaman kaya sabihin mo na ang totoo. Bago pa ako yung magsabi nun.", Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Mr. Norman. Tingin ko alam niya.

"Sir I'm sorry po. H-hindi ko na po yun uulitin.", Napahinto ako sa pagsasalita nung tumawa siya bigla.

"Yan! Yan dapat ang mga estudyante. Marunong magsabi ng totoo. Siguro kailangan mo ng tubig.", May inabot na isang bote ng tubig si Mr. Norman sa akin.

Wait n-ngayon lang ako nakakita ng tubig na ganito ang style. B-bago ba 'to? Bat hindi ko alam? Tsk bahala na. Tubig pa rin naman 'to. N-nauuhaw na rin ako eh. Dahan-dahan kong ininom yung tubig na bigay ni Mr. Norman.

"Ok na ba ang pakiramdam mo?", P-parang... narakaramdam ako ng pagkahilo. A-anong nangyayari?

"Y-yes Sir. Salamat po sa tubig.", Nginitian ako ni Mr. Norman.

"Sana... sa huling exam ngayon. Maging perfect ka na.", Dahan-dahan kong nginitian si Mr. Norman. Pagkatapos lumabas na ako sa counseling room.

Pagbalik ko sa classroom parang wala ako sa sarili ko. A-anong nangyayari sa akin? Y-yung utak ko p-parang hindi ko maintindihan. Napatigil ako nung lumapit bigla sa akin si Joie. S-si Joie y-yung bestfriend ko.

"Bestfriend. Ano nakapagreview ka na para sa last exam natin?", Nakatulala lang ako sa kanya. Nakita ko yung hawak-hawak niyang libro.

Agad kong kinuha yun. Tapos nilipat ko nang nilipat yung mga pages. A-ano tong nangyayari? P-parang hindi ko na kailangan pang basahin 'to isa-isa. K-kabisado ko na lahat. Kahit na nilipat ko lang 'to nang nilipat. A-ano ba ang nangyayari?

"Leah. Ok ka lng ba?.", Dahan-dahan akong tumingin kay Joie.

"O-Oo. Sige na bumalik ka na doon. Padating na yung last teacher natin ngayon.", Nginitian ako ni Joie.

"Ngayon. Galingan mo na talaga ha.", Nginitian ko din siya. Pagkatapos bumalik na siya sa upuan niya.

Dumating na yung last teacher namin ngayon. Dala-dala na niya yung last exam namin. Pagbigay na pagbigay pa lang sa akin ng testpaper. Hindi ko pa nakikita. Alam ko na yung sagot. Hanggang sa nasagutan ko na ang lahat at natapos na ako.

"Oh Leah tapos ka na?". Ano tong nangyayari?

"Yes... I'm finished.", Nakatulala lang ulit ako.

{Anong klaseng tulong nanaman ang ginawa ni Mr. Norman pra kay Leah? ABANGAN.}

-End of Chapter 7-

Продолжить чтение

Вам также понравится

Hell University (PUBLISHED) KIB

Детектив / Триллер

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
24.4K 1.2K 71
Zhaolyn Sseoji ay isang Multo, Aalamin nya Kung bakit Sya namatay at Kung sino Ang pumatay sa kanya, Si Park Haneul ay isang magaling na Pianonist n...
15.6K 387 33
My relationship begins with a crush An Epistolary story Start: 5/6/22 End: 5/26/22
15K 463 12
ɴᴀɴɪɴɪᴡᴀʟᴀ ʙᴀ ᴋᴀʏᴏ ɴᴀ ᴛᴜᴍᴀᴛᴀɢᴀʟ ᴀɴɢ ᴘᴀɢ ɪʙɪɢ sᴀ ᴅᴀʟᴀᴡᴀɴɢ ᴛᴀᴏɴɢ ᴛɪɴᴀᴅʜᴀɴᴀ? ᴡᴇʟʟ sᴀ sᴛᴏʀʏ ɴᴀ ᴍᴀʙᴀʙᴀsᴀ ɴʏᴏ ᴅɪᴋᴏ ᴀʟᴀᴍ ᴋᴜɴɢ ᴍᴀɴɪɴɪᴡᴀʟᴀ ᴋᴀʏᴏ....sᴀᴅʏᴀɴɢ ᴍᴀᴘ...