Mapapansin Kaya (Alegria Boys...

By jonaxx

134M 2.9M 1.3M

Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses... More

Mapapansin Kaya
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Epilogue
Mapapansin Kaya by jonaxx (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Notes

Kabanata 49

1.6M 34.9K 10.1K
By jonaxx

Kabanata 49

Dahan-Dahanin

Unti-unti siyang tumango. Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan ko. Nawala sa isang iglap ang gutom na inaalala ko kani-kanina.

Natatakot akong sulyapan siya ulit. Nagutay-gutay na yata ang puso ko kanina nang narinig ko ang boses niyang nababasag sa bawat salita.

Kailangan naming magdahan-dahan. Dahil masyado akong naging padalos-dalos noon. Agad ko siyang nagustuhan at agad ko ring inamin sa kanya ang nararamdaman ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. At sa huli, pinaandar ko naman yung utak ko at isinalba ang tanging natitira sakin - ang pride ko. Sa mga ginawa kong iyon, naging magulo kaming dalawa.

Madali akong napaniwala ni Rozen sa mga panggagatong niya sa akin. Marupok pa ang pag iisip ko. At inaamin kong masyado kong binuhos ang emosyon ko sa aming dalawa ni Wade noon, na sa huli ay binawi ko agad sa takot na pinaglalaruan niya lang ako.

Pagkabalik ko naman, mahal ko parin siya. Padalos-dalos parin lahat ng ginawa ko. Nahihirapan siya sa mga desisyon kong puro padalos-dalos at makasarili. Ngayon, gusto kong itama ang lahat. We should take it slow. Kung kami, magiging kami sa huli. Kung mahal niya ako, walang makakahadlang sa aming dalawa. Kung matatag ang pagmamahal ko sa kanya, magagawa ko ito.

"Wade, w-we need more trust." Nanginig ang boses ko nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita. "We need to rebuild our relationship. Padalos-dalos ako, padalos-dalos ka rin. Mahal kita at-"

"Mahal na mahal din kita." Nanginginig din niyang singit.

Napalunok ako, "Oo. Kaya wala tayong dapat ipangamba. Kung mahal natin ang isa't-isa, pareho tayong loyal, hindi ba? I've never had any romantic relationship ever since, Wade. Ikaw lang."

Napatingin ako sa kanya. Nakaawang ang kanyang bibig at titig na titig sakin. Pula ang kanyang ilong, patunay na kakagaling niya lang sa pag iyak kanina.

"Kung ganun, anong klaseng relasyon meron kayo ni Liam?" Matabang niyang tanong.

"Wade, we're just friends."

"K-Kung mag kaibigan kayo, noon sabi mo sakin hindi pwedeng maghalikan yung magkaibigan, bakit kayo naghahalikan?" Seryoso niyang tanong.

Gusto ko siyang sungitan, but I restrained myself.

"Hindi kami naghahalikan. Hinahalikan niya lang ako sa noo o sa pisngi-"

"What difference does it make?"

Napasinghap ako, "Wade, it's a foreign practice. Ganun yung mga french. Na acquire niya iyon sa tagal niyang nasa France."

"Matagal ka rin naman sa France, ah? Bakit di mo magawang halikan ako in front of people?"

Nag iwas siya ng tingin. Napapikit ako at napanguso sa pagpipigil ng ngiti. I don't know... We should take it slow pero mukha siyang walang planong bagalan ang tungkol saming dalawa.

Nag isip ako ng pwedeng maging rason.

"K-Kasi, you're not French."

Napatingin siya sakin gamit ang nagtatampong mga mata. Nagkibit-balikat na lang ako.

"French... Tsss..."

Naku! Baka next time, ang pagiging French naman ang paghirapan nito para lang may mangyari saming dalawa.

"W-Wade," Untag ko nang naramdaman ulit ang tensyon sa pagtititigan naming dalawa, "Bibili na muna ako ng pagkain. Dito ka lang. Para makabalik na tayo."

Umamba akong bubuksan ang pintuan ng sasakyan ko pero nabigla ako na ganun din ang ginawa niya.

"Sasama ako." Aniya.

Sinarado ko ulit ang pintuan at hinila siya pabalik sa loob. Kinabahan ako at napalingon-lingon sa parking lot.

"Hindi pwede... My goodness! Artista ka! Dudumugin ka sa labas. At mejo pula yung mga mata m-mo... Baka anong sabihin nila."

Kinuha niya ang aviators ko na nasa harapan niya.

"Edi sootin ko ito." Sabay bukas sa pintuan.

"Wade! Wait!"

Pero langya, andun na siya sa harapan ng sasakyan ko at naghihintay ng paglabas ko. Ang kulit... ang tigas talaga ng ulo nito. He's always been stubborn. Ipipilit niya ang mga gusto niya. Hindi ko alam pero pareho ko yung gusto at ayaw na ugali niya.

Mahina siyang naglakad kasama ko nang lumabas na ako sa sasakyan. Mukha siyang nawawalan parin ng lakas dahil sa nangyari samin sa loob. Kahit ang laki na ng aviators ko, marami paring nakakapansin sa kanya. Naasiwa nga ako kasi pagkatapos siyang tignan ay dadapo ang titig sakin.

Pumasok kami sa McDonalds, agad akong ginapang ng kaba ko nang tatlong table ng mga babae ang napalingon samin. Unti-unti kong sinilip ang mukha ni Wade at nakita kong nagkukunwari siyang may tinitignan sa sapatos para maka yuko siya at matigil yung pagtitig nila.

Kaya lang, marami paring di nag paawat.

"Sabi naman sayo, doon ka lang sa sasakyan." Bulong ko.

Kinakagat ko na ang labi ko sa kaba. Hindi na ako mapakali. Patuloy na ang pagiging tuliro ko sa paligid.

"Wala namang nakakahalata." Aniya.

Napalingon ang isang babaeng nauna samin sa pila. I swear, namutla ako nang tinitigan niya si Wade at unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

"What's your order ma'am?" Sabi nung nasa counter kaya nabaling yung atensyon niya doon.

"God! Wade! Just go back to the damn car." Pabulong kong sinabi pero may tatlong nakarinig yata at mas lalong inexamin ang lalaking nakatayo sa tabi ko.

"May concert si Wade Sexy Rivas ngayon, hindi pwedeng siya yan." Dinig ko sa isang table ng mga batang babae na panay ang tingin kay Wade.

Umalis na yung babae sa unahan ko pero malagkit ang titig niya kay Wade.

"Miss, cheeseburger dalawa, large fries and drink." Sabi ko.

"Tubig na lang yung isa." Sabi ni Wade at kinuha agad yung isang libong piso sa wallet niya.

Napanganga ang babae sa counter nang narealize kung sino itong lalaki sa harapan niya. Ngumiti si Wade. Mukha yatang dahil sa dimple niya ay mas lalong nakumpirma para sa babaeng iyon ang katauhan niya.

"WA-"

"Shhh!" Nilagay ni Wade ang daliri niya sa bibig ng babae.

Nanliit ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Keep the change, wa'g mo lang sabihin kahit kanino kung sino ako. At... pakidalian kasi gutom na..." Sabay turo niya sa dibdib niya.

Gutom nga pala siya, kaya nga sumama siya sakin ngayon. Syempre, gusto niya rin sigurong mapag isa kami nang masabi niya yung nararamdaman niya sakin.

"O-Okay."

Parang the Flash yung babae sa pag hahanda ng mga inorder namin ni Wade. Pero habang naghahanda siya ay hindi niya mapigilan ang paglalaway sa kanya. Pumupungay ang mga mata ng babae at malaki ang ngiti. Kaya naman, kahit wala siyang sinasabi ay nagtataka na ang mga kasama niya sa kanyang asta.

"Thank you." Sabay pasada ni Wade sa kanyang matamis na ngiti.

"Lika na!" Sabi ko habang tinitignan ang mga nakatitig parin sa kanya.

Kahit naman kasi hindi siya makilala ng mga taong ito, gwapo parin siya kaya malamang tinititigan at tinutuluan talaga siya ng laway.

"WADE RIVAAAAAAAS! AHHHH!" Sigaw ng isang babaeng makahalata na yata nang palabas na kami sa pintuan.

"AHHH!"

Nagkandarapa ang mga tao. NAg unahan sa pagkuha ng kani-kanilang cellphone at camera. Kaming dalawa naman ni Wade ay tumakbo pabalik ng sasakyan. Kakapasok niya lang noon nang nakita kong nagsilabasan sila at tumatakbo na papunta samin.

"Sh1t!" Pinaharurot ko ang sasakyan pabalik sa Araneta.

Hiningal pa ako pagka park ko sa parking lot. Nandoon na ang iilang mga police at nakita kong may tinatawagan si Mr. Manzano at isa pang mukhang importanteng tao doon.

"Eto yung sayo." Sabi ko sabay bigay ko sa kanya ng pagkain. "Lika na!"

Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Mamaya na..." Sabay tingin niya sa mga tao sa labas. Tinted itong salamin ko kaya hindi nila kami makita.

May itinuro si Mr. Manzano sa mga police. Pumunta agad ang mga police doon.

"Ano kayang nangyari? May problema ba?" Napalingon ako kay Wade na dahan-dahang kinakain yung french fries.

"Ewan ko." Nagkibit-balikat siya at tinignan ako.

Patuloy akong nanood sa mga ginagawa nila doon habang kumakain ako. Naubos ko na yung pagkain pero ganun parin ang ginagawa ni Wade - kumakain lang dahan-dahan ng french fries habang tinitigan ako.

Naiilang ako sa mabigat at mariing titig niya. Parang laging pwedeng marami ang mangyari tuwing tinititigan niya ako ng ganito. His intense gaze were always my drugs. Nahihilo at naha-high ako sa kanya tuwing nawawala ako sa kanyang mga mata.

"A-Akala ko ba ginugutom ka?" Tanong ko para maistorbo yung masyadong mariing pagtitig niya.

"Huh? Ikaw yung gutom."

"Anong ako? Tsaka... Bakit di ka pa kumakain? Kainin mo na yang cheeseburger mo."

"Mamaya na, pag gutom na ako."

Kumunot ang noo ko, "Hindi ka ba gutom? Hindi ba sinabi mo sa babae dun sa McDo na gutom ka na?" Tanong ko.

Umiling siya, "Hindi ako yung gutom. Ikaw."

"Huh?"

But I'm so sure na yung sinabi niya sa babae doon ay gutom siya. Bakit pinipilit niya ngayong ako ang gutom?

Nagkibit-balikat siya at nag iwas ng tingin sakin. Baka nagkamali siya o nagkamali ako? Idunno, why...

"Reina..." Mahina niyang sinabi.

"Hmmm?" Sabay kain ko sa isang french fries.

"Sabihin mo nga sakin, nung nasa France ka ba, ako parin yung sayo o tsaka lang bumalik yung lahat ng naramdaman mo nang nakita mo na ulit ako?"

Natahimik ako sa tanong niya. It's always been you, Wade. Lahat ng sketches ko... lahat ng laman ng isipan ko... ng puso ko, ikaw.

"Nasa F-France pa lang ako, ikaw lang talaga."

Nakita kong yumuko siya. Parang nag isip siya ng malalim bago ako tinanong ulit.

"Kung ganun, bakit hindi mo ako agad binalikan dito?" Matabang na tanong niya.

"K-Kasi... Wade..."

Bakit? Kasi kinain ako ng pride ko... Kasi natakot ako... Kasi gusto mas kong ipursue ang pangarap ko kesa sumugal sa bagay na nagawang wasakin ang puso ko noon.

"Kasi... Kasi... natakot akong-"

"I want answers from your heart, Reina. Ayoko ng sugarcoated answers. Ang sabi mo gusto mong dahan-dahanin ito. Ayaw ko pero pagbibigyan kita. Ngayon, ako naman ang pagbigyan mo, I want honesty, In every question, in every action."

"Totoo ito, Wade. I'm honest. Ikaw parin sa France, at pagbalik ko, ikaw lang talaga. Hindi kita binalikan kasi natakot akong sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Nangibabaw ang obsession ko sa safe... sa buhay na walang masakit... Nangibabaw ang mga pangarap ko."

Napalunok siya at napailing, "Alright. Thank you for being honest."

"B-Bakit?"

Kinurot ang puso ko tuwing binabalikan ang sinabi ko. It's so clear... mas pinili ko ang pangarap ko kesa sa pag ibig. At that time, it was the right thing to do. Or at least, I thought so.

Nakita ko yung confusion sa mga mata niya. Guilty ako. Guiltyng-guilty.

Hinawakan niya ang labi niya at diretso ang tingin niya sa mga sasakyang nakahilera sa harapan namin.

"Pumasok ako ng Going South at nag ipon para puntahan kita ng France. Nakapunta ako at nakita kitang masaya doon."

Nanlaki ang mga mata ko. Napatunganga ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagbara sa lalamunan ko. This beautiful boy is really in love with me... simula pa noon. Hindi ko na kayang snaban yung sinasampal niyang pagmamahal sakin.

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

"Iyon yung naging pinaka malaking desisyon ko sa buhay ko, Reina. Ang hayaan kang maging masaya sa France at nakakamit ang pangarap mo. I'm selfish and jealous of your dreams..." Natigilan siya. "I want to be the only dream you have. Pero hindi ka bagay na pwede kong ikulong sa mga palad ko. Nadagdagan pa nang nakita kong kasama mo si Liam doon. I hated that you were so happy while I'm so broken here..."

"Nahirapan din ako, Wade. Kaya ayaw kong bumalik ng Pilipinas kasi natatakot akong di ko kayanin ang mga nangyayari dito... sayo... Kinain ako ng takot ko."

Napatingin siya sakin at nakita niya ang mga luha ko. Humihikbi na ako sa pag iyak. Ngumisi siya. That evil sexy smile. Pinunasan niya ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"Wa'g kang umiyak, Reina. Ireserba mo ang luha mo pag nagtagumpay na ako sa pagkulong ko sayo sa mga palad ko. Kasi hanggang ngayon, ikaw parin talaga at ikaw lang... Nature ko na ang pagkahumaling sa pagiging sakim sayo. Hindi parin nagbabago. Positibo parin akong sakin ang bagsak mo. Kahit na anong daan pa yan, short cut man o dahan-dahan, iisa lang ang patutunguhan."

Mas lalo siyang ngumisi.

"I'll court you, Reina. And that's not a question. Gaya ng gusto mo, dadahan-dahanin natin ito."

"W-What?"

Parang may kung anong init ang naramdaman kong bumalot sa puso ko. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan.

Bumaling ang lahat ng police at pati na rin yung ibang taong nakaabang doon sa parking lot.

"MY GOODNESS WADE RIVAS! WHERE HAVE YOU BEEN? Hinahanap ka na ng press! Hinahanap ka na ni Shan! Hinahanap ka ng fans mo! Ang daming umaasa sayo pero napaka iresponsable mo talaga!" Sigaw ni Mr. Manzano sa kanyang alaga.

Napalunok ako habang tinitignan si Wade na sumasama sa kanila pabalik sa loob. Nilingon niya ako pero sa dami ng escourt niya, natabunan din yung paningin niya.

Continue Reading

You'll Also Like

96.7M 1.9K 1
Nang malaman ni Klare na hindi siya tunay na anak ng kanyang kinilalang ama, nag bago ang ikot ng kanyang mundo. She's torn between her love for her...
151M 3.3M 64
Bata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng lab...
94.9K 2.6K 28
Killa Herrera is a woman of strong convictions who stands firm in her beliefs. A strong woman, like that of a Tequila. And an unstoppable one, like t...
64.1M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...