Class 2 - 3 | Tagalog Story

By hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... More

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Smart One
Top 1
Lost Memory
Dancer
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Angelic Voice
Cracked Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Lies
Truth Hurts
Funny One
Happy Day
Lonely
Sporty
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Tired

201 7 0
By hwangeunbb

Jahz' POV.

Pumunta na kami ni Izza sa photo studio. Seryoso lang kaming tinitingnan yung mga pictures. Parang may nagbago talaga dito kay Izza. Maingay 'to kapag andirito kami eh. Bat ngayon? Tumingin ako sa kanya. Napakaseryoso nang mukha niya. May nagawa ba akong masama sa kanya?

"Izza.", Tumingin siya sa akin.

"Hindi pa ba tayo tapos dito. Gusto ko nang kausapin ulit si Nin.", Natawa ako nang dahil sa sinabi ni Izza.

" P-parang nakakapanibago naman. Si Nin gusto mo nang kausapin?", Hindi siya tumingin sa akin pero nagsalita siya.

"Kaibigan ko si Nin. Matalik na kaibigan ko si Nin.". Baliw na ata to.

Simula nung lumabas si Nin sa counselling room. May pagbabago nang naganap sa classroom. May kinalaman ba si Mr. Norman dito?

Pumunta ako sa garden ng school. Sakto nakita ko doon si Nin. Actually, gusto ko siyang kausapin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at sabay umupo ako sa tabi niya. Pag-upo ko, nagsalita agad ako.

"N-napapansin mo ba yung mga pagbabagong nangyayari sa classroom natin?", Tumingin siya sa akin.

"Anong klaseng pagbabago?", Nakita ko sa mga mata niya na parang kinakabahan siya.

"Pati yung matalik kong kaibigan nadamay sa pagbabagong yun. Sabihin mo nga sa akin Nin. Anong pinag-usapan niyo ni Mr. Norman sa loob counseling room?", Biglang tumayo si Nin kaya napatayo din ako.

"Jahz kung iniisip mong may kinalaman ako sa mga nangyayari. Wala. Yan sinasabi ko na sayo, wala akong alam kaya please wag mo na akong kulitin.", Ngayon lang naman kita nilapitan. So guilty ka?

"Alam kong may sinabi sayo si Mr. Norman. Ano yun Nin? Gusto kong malaman at baka matulungan kita.", Tumingin siya nang nakasimangot sa akin.

"May tumulong na sa akin at hindi mo na magagawang higitan yung tulong na ginawa niya para sa akin kaya tumigil ka na Jahz.", Pagkatapos naglakad na siya palayo sa akin. May tumulong na sa kanya? S-sino?

Kailangan kong malaman kung sino yun. Paglakad ni Nin pinigilan ko siya.

"Nin, please sabihin mo sa akin kung sino yun?", Sabihin mo na.

"Masaya na ako sa buhay ko ngayon kaya wag mo na akong guluhin pa!", Naglakad nanaman siya palayo sa akin. Hindi ko na siya sinundan pero sumigaw ako.

"Yung nagawa niyang tulong! Nakakasira na nang buhay ng isang tao. Bumabalik nanaman ba ulit yung ugali mo dati?! Alam mo kung wala kang totoong kaibigan sa paligid mo. Andito kami... kami ni Izza para kaibiganin ka. Hindi yung pinipilit mo yung taong kaibiganin ka!", Pagkatapos kong magsalita pinagpatuloy na niya yung paglakad palayo sa akin.

Nin's POV.

Bigla akong napaisip sa huling sinabi ni Jahz sa akin. T-tama siya... pinipilit ko lang yung ibang taong kaibiganin ako. Inikot ko yung paningin ko sa paligid. Lahat sila dito... pinilit ko lang na kaibiganin ako. Ano ba tong ginawa ko? Kinuha ko yung papel na bigay ni Mr. Norman.

Tinititigan ko nang matagal yun. Tama bang tinanggap kita? Sa tingin ko, lalo lang naging magulo ang lahat. Simula pa lang, ang totoo kong plano ay ang makipag-ayos sa kaibigan kong si Lanie. Pero ngayon... hindi ko na magagawa yun. Dahil nasaktan ko nanaman siya at mas grabe na yung ngayon.

Nabigla ako nung may humatak sa kamay ko. Yung papel nahulog. Nagulat ako nung may humatak ulit sa akin. Argh! ano ba?! Nasasaktan ako sa ginagawa niyo! Wait lang! Yung papel baka masira! Tigilan niyo na ako!

Jahz' POV.

Nanlaki yung mga mata ko nung nakita kong pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko si Nin. Nabigla ako nung sumigaw si Izza.

"Hoy! Akin lang si Nin!", Tumakbo si Izza palapit kay Nin at nakisali na siya sa gulo. Hay naku~

Nin's POV.

Nasasaktan na ako! Tama na! Please lang! Nanlaki yung mga mata ko nung biglang nasagi ng isa kong kaklase yung tubig ko. Hindi! Napatakan ng tubig yung linyang komukonekta sa akin at kay Izza. Agad akong tumingin sa kanya.

Nakita ko na parang nanahimik siya at parang nawala sa sarili. Tapos dahan-dahan na niya akong binitawan. Hindi.. hindi pwede to... aaahhh! Pumiglas ako at tumakbo ako palabas ng classroom namin. Kailangan kong puntahan si Mr. Norman.

Jahz' POV.

Paglabas ni Nin, agad kong nilapitan si Izza. Paglapit ko sa kanya parang wala siya sa sarili niya. As in, tulala lang siya. Ok lang ba 'to?

"Hoy ok ka lang ba?", Tumingin siya sa akin.

"A-anong nangyari?", Tsk nabaliw na ba tong kaibigan ko.

Wait, kailangan naming sundan si Nin. B-baka pupuntahan niya yung taong sinasabi niyang tinulungan siya. Hinawakan ko yung kanang kamay ni Izza at agad ko siyang hinatak. Kailangan naming sundan si Nin.

Nasundan namin si Nin. Pumunta siya sa counseling room. Oh? M-may kausap siyang lalaki (Mr. Norman). S-sino yun?

"Izza bilis kuhaan mo sila ng litrato.", Agad na kinuha ni Izza yung camera niya at sabay pinicturan niya si Nin kasama yung lalaking kausap niya. Nakatalikod kasi kaya hindi namin alam kung sino.

Nin's POV.

Ayaw ko na nang ganito. Gusto ko nang bumalik sa dati ang lahat. Pagod na pagod na ako. Ayaw ko na. Kailangan ko nang ibalik kay Mr. Norman tong binigay niya sa akin.

"Sir, nagmamakaawa ako kunin niyo na po ulit tong papel at ballpen. H-hindi ko na kaya yung mga nangyayari sa akin ngayon.", Nakatingin lang si Mr. Norman sa akin.

"Nin. Pumirma ka na sa contract. Hindi na kita matutulungan pa. Diba nga, pang habang buhay yung contract na yun. That's not my problem anymore. Ikaw na ang bahala jan.", Mr. Norman.

"Sir... Sir please bawiin niyo na yun. Nagmamakaawa ako tulungan niyo ako. Ayaw ko na nang ganito. Ibalik niyo na lang sa dati ang lahat... alam kong kaya niyo yun. H-hindi kayo pangkaraniwang tao diba? Please Sir!", Umiyak na ako lahat-lahat kay Mr. Norman pero parang wala siyang naririnig.

"I'm sorry Nin. Wala na akong magagawa pa.", Hindi... hindi!

Jahz' POV.

N-nagmamakaawa si Nin sa taong yun. B-bakit? Ano bang nagawang tulong ng taong yun kay Nin? Seryosong kinukuhaan ng litrato ni Izza sila Nin nang bigla naming napansin na napatingin sa direksyon namin yung kausap ni Nin.

Kaya agad kong hinatak si Izza para magtago. Kinabahan ako doon, grabe. Prang aatakihin ako sa puso. Tumingin kami ni Izza sa isa't isa.

"Siguro tama na yang mga pictures na yan. Hali ka na kailangan na nating umalis. Baka makita pa nila tayo.", Tumango si Izza.

Pagkatapos nagmamadali kaming tumakbo palayo sa kanila Nin. My goodness, muntik-muntikan na kami nun ah. Buti na lang nakapagtago agad kaming dalawa ni Izza. Kung hindi naku hindi ko na alam yung pwedeng mangyari sa aming dalawa.

Nin's POV.

Walang nagawang tulong si Mr. Norman sa akin ngayon. N-nagmakaawa na ako lahat-lahat sa kanya. Ano na ang pwede kong gawin para ibalik ang lahat sa dati? Kailangan ko ng tulong ng iba. Mababaliw na ako...

Pagbalik ko sa classroom. Nanlaki yung mga mata ko nung nagtinginan silang lahat sa akin. Please, tama na. Pagod na pagod na ako. N-nagsisisi na ako. Bakit ko ba kasi tinanggap tong offer ni Mr. Norman. Argh! Naiinis na ako sa sarili ko!

"Si Nin!". Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

Nagulat ako nung sabay sabay silang tumayo at sabay sabay silang tumakbo palapit sa akin. Please, wag tama na! Hindi pa sila nakakalapit sa akin, tumakbo na ako nang mabilis palayo sa knila. Saan ako pwedeng magtago ngayon? Saan?!

Jahz POV.

Tahimik at seryoso kaming naglalakad ni Izza pabalik sa classroom. Pero sabay kaming nagulat nung makita naming tumatakbo si Nin. A-anong problema? Nagulat ulit kami nung makita naming lahat ng mga kaklase namin ni Izza ay hinahabol si Nin.

"Grabe iba na tlaga ang pagsikat ni Nin ngayon ha.", H-hindi mo siya hahabulin?

"Hindi ka ba sasama sa mga kaklase natin na habulin si Nin?", Nagtatakang tumingin sa akin si Izza.

"Huh? Bat ko naman gagawin yun?", Hala nabagok ata yung ulo niya.

"Sabi mo siya yung matalik mong kaibigan. Matalik na matalik na kaibigan. Hindi mo ba siya hahabulin?". Tumawa si Izza. M-may nakakatawa ba?

"Ikaw lang ang matalik na matalik na matalik kong kaibigan. Tsaka kailan ko yun sinabi? Wala akong matandaan na sinabi ko yun sayo.", Sabi na nga eh... may maling nangyayari dito kay Izza nung araw na parati niyang kinakausap si Nin.

B-baka may hiwagang nangyayari na sa class 2 - 3. Sino naman ang may kagagawan ng mga pangyayaring yun? S-sino ba talaga yung kausap ni Nin kanina? Kapag nalaman ko yun... malalaman ko na ang lahat.

Nin's POV.

Naisipan kong doon magtago sa rooftop. Pagdating ko doon agad kong kinandado yung pinto. Para hindi sila makapasok. Pero paglingon ko sa harap ko biglang nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Lanie. N-na parang tatalon. Wag!

Tumakbo ako palapit sa kanya.

" Lanie! Wag! Wag mong gagawin yan! K-kaya pa nating ayusin ang lahat!", Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"N-Nin... kahit kailan hinding-hindi na natin maaayos ang lahat dahil mas lalo mo nang sinira.", Tinamaan ako sa sinabi ni Lanie. T-tama siya.

"A-ang gusto ko lang naman talaga... yung magkaayos tayong dalawa. Ibalik yung pagkakaibigan nating dalawa kagaya nang dati. Alam kong mahirap para sayo na patawarin ako sa ginawa ko sayo dati. Hindi ko sinasadyang sirain yung pagkatao mo sa harap ng madaming tao. L-lahat tayo nagkakamali. Please Lanie... hayaan mong ayusin ko ang lahat-lahat.", Umiiyak kong inabot yung kamay ko kay Lanie. Bumaba ka na jan.

Tapos biglang nabuksan ng mga kaklase ko yung pinto at sabay sabay silang tumingin sa akin. Paglingon ko kay Lanie. Dahan-dahan siyang bumaba at lumapit sa akin.

"Nin. Tulad nang sabi ko sayo kanina. Hinding-hindi mo na magagawang ayusin pa ang lahat. Wala ka nang magagawa pa. Nasimulan mo na 'to. Harapin mo... tandaan mo hindi ka na invisible sa mga mata nilang lahat. Diba yun naman talaga yung gusto mo?", Tapos naglakad na siya nang dahan-dahan palayo sa akin. Hindi... hindi yun yung gusto ko! Hindi!

Pinakaguluhan nanaman ako ng mga kaklase ko. Sa paghahatak at pagtutulak nila sa akin nabitawan ko yung papel na bigay ni Mr. Norman sa akin. Nanlaki yung mga mata ko nung bumagsak yung papel sa basang sahig. Natapak-tapakan na ng mga kaklase ko yung papel.

Basang-basa na yung papel. Pagkatapos mabasa nung papel. Sabay sabay silang nanahimik at parang nawala sa sarili. Tapos sabay sabay na silang naglakad palayo sa akin. Bumalik na ang pakikitungo nila sa akin dati. I'm just invisible in their eyes... yun lang naman talaga ako.

Yun lang.

{Next story coming up.}

-End of Chapter 3-

Continue Reading

You'll Also Like

21.5K 418 10
'Sino sila?Bat magkakamukha?' Yan palagi ang tanong ni Klaire sa kanyang kaibigan na addict sa Kpop.Si Klaire lang naman ang babaeng walang kaalam-al...
8.8K 155 6
Tagalog-One-Shot-Story! |Published: JULY 22, 2020|
26.6K 418 41
Storya ng isang simpleng babae na kung saan nalaman niya na may nagkakagusto sakanya sa pamamagitan ng computer. Magugustuhan niya rin kaya ang secre...
202K 5K 43
Si Kira Marie Song Gonzales ay isang half amerikan and half korean Masasabing nerd dahil matalino siya,at first englishera siya sa school pero nag ar...