The Sex Goddess' First Love [...

By RainbowColoredMind

74M 926K 195K

RATED SPG Warning: Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains graphic sex scenes, adult lan... More

ANDI & TRISTAN
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six - Final Chapter
Epilogue
The Sex Goddess' First Love BOOK

Chapter Thirty Two

1M 11.8K 2K
By RainbowColoredMind

Tristan's POV

Tumakbo si Andi sa ama niya at yumakap. Mas mabuting nasa poder na siya ng mga magulang niya. Nasisigurado kong magiging ligtas siya dito. Hindi ko na kinayang tignan pa siya, parang dinudurog ang puso ko habang nakikita kong nasasaktan siya dahil sa akin. Tumalikod ako at kusang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mas pinili kong magalit siya sa akin at kamuhian niya ako para hindi na siya magdalawang-isip na lumayo sa akin. Alam kong pagsinabi ko sa kanya ang totong nangyari mas lalo siyang hindi papayag na bumalik sa mga magulang niya.

Hindi totoo ang iniisip niyang may nangyari sa amin ni Valerie. Walang nangyari sa aming dalawa. Nagkuwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa dalawin siya ng antok. Natulog siya sa kama at naglatag ako ng kumot sa lapag at doon nahiga. Halos hindi nga ako nakatulog ng gabing iyon dahil nag-aalala ako kay Andi dahil mag-isa lang siya sa bahay.

Nang dumating ang umaga nagcheck out na kami sa inn at doon din sa mismong inn na yun nakita ko ang dalawang lalaking nanloob sa amin sa apartment noon. At ang malala pa ay nakita din nila ako. Hinabol kami ng dalawa lalaki at hinatak ko si Valerie papunta sa kotse. Sumakay sila sa motorsiklo nila at sinundan nila kami. Ilang beses nila kaming pinaputukan ng baril at sa awa ng Diyos wala sa aming dalawa ang natamaan. Ipinaliwanag ko kay Valerie ang nangyayari at kung bakit kami hinahabol ng mga lalaking iyon. Alam ni Valerie ang pasikot-sikot sa lugar na iyon itinuro niya sa akin ang daan papunta sa gubat at doon namin niligaw ang dalawang lalaki. Nang makatiyak na kami na wala ng sumusunod sa amin nagpunta kami police station at ni-report namin ang nangyari. May nag-escort sa aming mga pulis pabalik sa hacienda. Nangako si Valerie na tutulungan niya kami pero ayokong pati sila ay madamay sa gulong ito. 

Gulong-gulo ang utak ko ng makabalik ako sa bahay. Pumasok sa isip ko na lumipat sa ibang lugar kasama si Andi. Ngunit naisip ko din kung gaano kakapangyarihan ang taong kalaban namin. Mukhang determinado talaga siyang ipapatay ako at kahit saang lugar pa kami pumunta hahanapin at hahanapin niya kami.  Paano kung sa susunod na makita nila kami ay hindi na kami swertehin? Buti kung ako lang ang sasaktan nila pero paano kung pati si Andi idamay nila? Pinili ko na lang na ibalik si Andi sa mga magulang niya para masigurong magiging ligtas siya. Pinagsalitaan ko siya ng masasakit na salita para maitaboy siya. I hate myself for doing that to her. Sana balang araw kung magkikita man muli kami  mapatawad niya ako sa nagawa ko sa kanya.

Andi's POV

Nakaupo ako sa upuan sa terrace at nakatingin sa labas. Simula ng iwan ako ni Tristan, palagi akong nandito. Umaasa na makikita ko siya na babalikan niya ako at makikita ko siyang nakatayo sa labas ng bahay. I'm still holding on to that little hope that maybe he'll change his mind.

"Honey..." Narinig ko ang boses ni mommy. Napalingon ako sa may kwarto at nakita ko siyang papasok at may hawak na tray. She smiled when she saw me. "Nagbake ako ng favorite mong madeleine cookies. Hindi ba gusto mo ito?"

Ibinaba niya ang tray sa table sa harap ko. May isang plato ng madeleine cookied at dalawang baso ng milk. "Thank you, mom."

"Anything for our princess." Tumabi si mommy sa akin. 

"Mom, I'm sorry." Nangingilid ang luhang sabi ko. "I'm a bad daughter. I'm so sorry."

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "It's ok, darling. Nagkamali ka lang. Ang mahalaga, nalaman mo na kung ano ang tunay na ugali ng lalaking iyon at natuto ka sa pagkakamali mo."

"I still love him. I miss him so much and I'm so sorry." Yumakap ako kay mommy at umiyak. 

Mom kissed me on the forehead. "Don't worry. You'll be fine. Darating ang panahon na makakalimutan mo rin siya. Siguro nga sampung taon mula ngayon makakalimutan mo na rin ang pangalan niya."

I don't think it's possible na makalimutan ko siya. He left me something to remember him; this baby I'm carrying. Hindi ko pa masabi kay mommy at daddy na buntis ako. I'm don't know how I'm going to tell them. Ang dami ko nang nagawang pagkakamali and I'm so scared I'll disappoint them again.

"Tita." I heard a man's voice. Napatingin ako sa may pinto ng terrace at nakita kong nakatayo doon si Jason.

Mom pulled away from the hug and wiped my tears with her thumb. "Hush now..." 

Lumingon siya sa kinatatayuan ni Jason.

"Hi, darling." Mom said smiling. "Halika, samahan mo kaming mag snack."

"Good afternoon, Andi." Sabi sa akin ni Jason. Pinaupo ni mommy si Jason sa tabi ko.

"Sandali lang. May kukunin lang ako sa baba." Sabi ni mommy at tumayo na siya.

"M-mom..." Tawag ko sa kanya. I don't want to be left alone, in this room, with this guy.

"Sandali lang ako, hon. Mag-usap muna kayong dalawa." Mom said. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto.

"So, uh... dinalhan kita ng mga books." Inilapag ni Jason ang tatlong makakapal na libro sa harap ko. "Lahat yan sinulat ng favorite author ko si Haruki Murakami. Peace offering. Sana magustuhan mo."

"Thanks." 

"Sorry again for being an ass to you at your dad's party." Hingi niya ng tawad.  

"Ok." I said in a cold tone of voice. 

"Kumusta nga pala ang bakasyon mo sa Barcelona?" Pag-iiba niya.

"B-barcelona?" I've never even been to that place kaya medyo nagulat ako ng tanungin niya ako.

"Oo, sabi ng mommy mo nagbakasyon ka raw sa Barcelona." 

"Oh-- ok naman." Sabi ko na lang. Hanggang ngayon pala hindi pa rin nila sinasabi sa kanila ang totoo. Mom still wants me to marry Jason, that's why she didn't tell him the truth. Paano kapag lumaki na ang tiyan ko? Sigurado akong aatras sa kasal si Jason at ang family niya at madidisappoint ko na naman si mommy at daddy. 

"Last time na nagpunta ako doon noong college pa ako. Ang ganda ng mga beach dun, di ba?" 

Um-oo na lang ako kahit hindi ko alam. Mula sa beach sa Barcelona napunta ang usapan namin sa iba't ibang bansang napuntahan niya. Mahilig siyang magtravel, namangha ako sa galing niyang magsalita ng fluent na French, Italian, Nihongo at Spanish. Naaliw ako sa pakikipag-usap ko sa kanya. I thought maybe he isn't as bad as I thought he was.

"Wow, you're so good." Sabi ko sa kanya after niya magrecite ng isang poem sa french.

"Merci beaucoup." Sabi niya. Meron din naman akong alam na konting french. I took french class when I was in highscool. Kaya naintindihan ko ang sinabi niya.

"De rien." Sagot ko sa kanya.

He smiled. "You know how to speak french?"

"Mm... not really. Napag-aralan ko lang yun sa french class dati. Pero kung kakausapin mo ako ng french hindi kita maiintindihan." Natatawang sabi ko.

 "Tu es de toute beauté." 

"What?" Tanong ko sa kanya ng hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"It means you're beautiful." 

"Oh... merci." Medyo naiilang na sabi ko. 

"Hey, don't look down." He lifted up my chin ng yumuko ako.

"Uhm... maganda ba talaga itong book?" Nilayo ko ang ulo ko sa kanya at binaling ang atensyon ko sa libro.

"Oo maganda talaga yan. Basahin mo." 

"I will." Sabi ko.

"Friends?" He held out his hand for a handshake.

Tinanggap ko naman iyon. "Friends." Nakangiting sabi ko.

"I see you two are getting along fine." Napalingon kami kay mommy. "Sorry, I took so long. Nag-usap pa kasi kami ng dad mo, Jason."

"Ok lang, tita." Sabi ni Jason.

"Bakit hindi niyo kasama si Meredith?" Tanong ni mommy. 

"She's... she's out of the country." Sagot ni Jason.

"Oh, tell your mom I said hi when you talk to her." Sabi ni mommy.

"Sure, tita." 

Nag-usap pa sandali si mommy at Jason bago siya nagpaalam. Nang maiwan kaming dalawa ni mommy, she was so happy na nakakasundo ko na kaming dalawa. Pagkatapos ng araw na iyon madalas ng bumisita si Jason sa amin. Naging close kami but I don't feel anything special for him. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. 

"Andi, honey?" Nakita ako ni mommy habang nakasubsob ang mukha ko sa toilet bowl at nagsusuka. She pulled my hair back and rubbed my back. "Ano'ng nangyayari sa'yo?"


Napapadalas ang pagvomit ko tuwing umaga. It's getting worse everyday, minsan pa nga buong araw lang akong nakahiga sa kama dahil masama ang pakiramdam ko. I would just lie in bed all day and read books. Sometimes I would read out loud to my baby. 8 weeks na siya ngayon. Minsan nararamdaman ko siyang gumagalaw but that could just be my imagination. Even though iniwan ako ni Tristan hindi ko magawang magalit sa kanya dahil  iyon sa baby na nasa tiyan ko ngayon. I already love my unborn baby so much. I really want to tell mom and dad that I'm pregnant but I'm waiting for the right moment. 

"Baka may ulcer ka na, honey. Magpacheck up ka na kaya sa doktor." Sabi niya.

"Na busog lang ako sa kinain ko kagabi." Dahilan ko. Nagmumog ako ng mouth wash pagkatapos.

"I'll ask yaya to cook you some soup para naman mainitan ang tiyan mo." Sabi ni mommy. "Gusto ko lang paalala sa'yo na mamaya na ang party ng tito Edgardo mo. Kailangan maghanda ka na."

"Yes, mom." Sagot ko.

"Kakain ka ba sa baba o ipaaakyat ko na lang dito ang breakfast mo?" Tanong niya sa akin.

"Dito na lang ako kakain." I answered. I don't feel good today. Nahihilo ako at gusto kong humiga lang sa kama.

"Ok, padadala ko na lang sa yaya mo ang breakfast mo." Sabi niya.

"Thanks, mom." 

"Naka hang na ang damit na susuotin mo mamaya. Gawa pa iyon ng fashion designer na kaibigan ko sa Paris, you will look beautiful in that dress." Sabi ni mommy bago umalis.

Bumalik ulit ako sa kama at binasahan ko ang baby ko ng book. Sabi kasi nila nakakarinig na ang baby kahit nasa tiyan pa lang. The Cat in the Hat by Dr. Seuss, ito ang pinakafavorite na book ko noong bata pa ako at hanggang ngayon na sa akin pa rin ito. 

I was taking an afternoon nap when mom came to my room and woke me up.

"Andi, honey, come on. You have to take a shower and get dressed. Mamaya nandito na ang makeup artist at hair stylist mo." Sabi niya sa akin.

I bet marami na naman media kaya nagpapanic si mommy. Everything has to be beautiful in front of the camera, she would often tell me. No wonder siya ang isa sa mga hinahangaan na socialite ngayon. According to the magazines she's the epitome of beauty and grace.

I went to the bathroom and took a bath. Pagkalabas ko ng bathroom sinalubong ako ni mommy at pinasuot sa akin ang dress na gawa ng fashion designer na kaibigan niya.

Masikip sa akin ang dress kaya inis na inis si mommy  habang sinusuot niya sa akin iyon.

"Andi, you have to watch what you eat." Sabi niya habang pilit niya tinataas ang damit. "Tignan mo, you're gaining weight."

"Mom... I'm-" pregnant. 

"Goddammit!" Sigaw niya. I chewed on my lower lip. "Why won't this dress fit! Ang laki ng ginastos ko dito!" I can feel the anger in her voice. I knew it was more than the dress. She knows what I was about to say. She just doesn't want to hear it yet.

"Finally. Nasuot na rin." Sabi niya. Nasuot nga ang dress pero hindi niya naman masara ang zipper sa likod. "Suck your stomach in, honey."

"Mom, I can't..." Mahinang sabi ko.

"Come on, Andi. Hindi ko masasara ang zipper kung hindi mo gagawin iyon." Sabi niya.

Ginawa ko ang sabi niya. Pilit niyang isinara ang zipper ng dress ko. It felt really uncomfortable sa stomach part ko. Doon talaga ang masikip. And I'm scared that I might be hurting my baby.

Pinaayusan niya ako sa makeup artist at hair stylist niya. After that umalis na kami kasama si dad papunta sa party ni tito Edgardo.

"Sweet heart, bakit hindi ka yata mapakali sa kinauupuan mo?" Tanong ni dad. Kanina pa kasi ako galaw ng galaw sa upuan ko dito sa kotse. Mas lalo kasing sumisikip ang dress ko kapag nakaupo ako at nakakaramdam ako ng konting pain.

"Don't mind her, medyo masikip lang sa kanya ang dress." Si mommy.

"Then why did you wear it?" Tanong ni dad sa akin.

"Cause it looks beautiful on her." Sagot ni mommy. "Kaming mga babae, we would wear anything beautiful even if it's a little uncomfortable. Katulad na lang ng high heels."

"Women." Naiiling-iling na sabi ni dad. Mom just laughed.

I felt so relieved when the car stopped. Agad akong lumabas ng kotse para makatayo. Si Jason ang unang lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko ng makita ako.

"You look stunning." Sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Thank you." 

Sumunod si mommy at daddy sa akin at binati din sila ni Jason. There were cameras everywhere. Maya-maya ay isa isang naglapitan sa amin ang mga photographers. I felt really dizzy, hindi ko alam kung dahil sa sikip ng damit ko o dahil sa flash ng camera.

"Are you ok?" Tanong ni mom sa akin.

"Y-yeah." Sagot ko even though I'm not ok.

Isa-isa akong pinakilala ni Jason sa mga bisita at sa mga kamag-anak niya. The photographers keep taking pictures of us. Sunod sila ng sunod sa amin.

Nagsimula ng magserve ang mga waiter ng appetizer. Umupo na ang lahat sa kani-kanilang upuan. Nasa isang table lang kami ng parents ko, ni Jason at ang dad ni Jason. Abala ang mga parents namin sa pag-uusap tungkol sa politics at sa mga businesses nila. I noticed na wala si tita Meredith sa party.

"Where's tita Meredith?" Mahinang tanong ko kay Jason.

Napahinto si Jason sa pagsubo. "May... ano eh, business meeting sa ibang bansa."

"Oh, I see." Tumango na lang ako.

Maya-maya ay tumayo si tito Edgardo sa upuan niya at pumunta sa stage. 

"Ladies and gentlemen, may I all have your attention please?" Sabi ni tito Edgardo sa harap ng microphone. Natigilan ang mga guests at sandaling natahimik. 

"Thank you." Sabi niya. "Tonight, I formally announce the engagement of my son, Jason de Veyra with the beautiful, Miranda Cordova." Nang matapos siyang magsalita lahat ng tao ay nagpalakpakan. Nagulat ako dahil wala akong kaalamalam that they were going to announce our engagement. Oh God! I would put my family to shame kapag nalaman nilang buntis ako at hindi si Jason ang ama.

Hinawakan ni mommy ang kamay ko at pinisil iyon. I looked at her and she smiled at me. Biglang nagdilim ang paningin ko at sigaw ng mga tao ang huli kong narinig.

"Wala kayong dapat ipagalala,Mr. and Mrs. Cordova, mabuti ang kalagayan ng anak niyo at ng baby." Narinig kong sabi ng doktor. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si mommy at daddy na nakatayo sa dulo ng kama at kausap ang doktor. I closed my eyes again at nakinig na lang ako sa conversation nila.

"Baby?" Ramdam ko ang pagkabigla sa boses ni dad. 

"Yes, she's two months pregnant. Iwasan na lang po natin na magsuot siya ng masisikip na damit dahil baka makasama sa batang dinadala niya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya nahimatay." Sabi ng doktor. "Hindi din siya dapat ma-stress at mapagod."

Sana huwag munang malaman ng iba ang pagbubuntis ng anak ko dahil gusto namin sanang sorpresahin ang fiancee niya." I heard mom's voice.

"Don't worry, Mrs. Cordova. Confidential ang lahat ng records ng aming mga pasyente." Sabi ng doctor.

"Thank you, doc." Sabi ni mommy.

Nagpaalam na ang doktor at narinig kong bumukas at sumasara ang pinto sa kwartong iyon. 

"What are we going to do?" Boses ni mommy.

Hindi ko narinig na nagsalita si dad. I wanted to open my eyes to see what's going on but I was too scared. Naramdaman ko na lang na may pumatak na luha sa gilid ng mga mata ko.

Harold's POV

"I want that son of a bitch dead! You hear me?" Kausap ko sa telepono ang isa sa mga tauhan ko. Umuwi ako sa bahay habang si Olivia ay nagbabantay kay Andi sa ospital.

"Papatayin ko, boss?" Tanong ng kausap ko.

"Tanga ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Sigaw ko sa kanya.

Kahit kailan hindi ako nagpautos na pumatay ng isang tao, ngayon pa lang. Wala naman talaga akong balak na patayin ang tarantadong iyon gusto ko lang maibalik ang anak ko sa akin. Ngunit nang malaman kong buntis ang anak ko sa anak ng tarantadong iyon gusto ko siyang burahin sa mundong ito. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga tao pagnalaman nila ang kalagayan ni Andi? At anong mukha ang ihaharap ko sa pamilya ng amigo ko?

"Yes, boss. Narinig ko." Sabi ng lalaki sa kabilang linya. "Kami na ang bahala sa kanya."

"Gusto kong makita ang katawan niya pagkatapos niyong gawin ang trabaho niyo." Sabi ko.

"Yes, boss." 

Ibinaba ko na ang telepono at pabagsak na umupo sa couch. Hinilot ko ang nananakit na sentido ko. Kailangan mawala ang lahat ng problema ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
36.8M 294K 21
Some battles are better fought in bed. Lia Carbonel's story.
9.3M 5.3K 4
Kalen de La Valliere's story. Wattys2016 winner You can read this story @ Dreame/Yugto apps
1.9M 49.2K 164
Frankie (Epistolary with narration)