Tossed Coin

By peachxvision

221K 6.1K 5.3K

Toss. Flip. Drop. More

Chapter 1: Heads
Chapter 2: Fast Forward
Chapter 3: Press Rewind
Chapter 4: Play
Chapter 5: Square
Chapter 6: Squiggle
Chapter 7: Circle
Chapter 8: Game Over
Chapter 9: Night Sky
Chapter 10: Contradiction
Chapter 11: Static
Chapter 12: Skates
Chapter 13: Two Things
Chapter 14: Beside
Chapter 15: Waiting in Vain
Chapter 16: A Broken Promise
Chapter 17: Invitation
Chapter 18: Middle
Chapter 19: Speed Up
Chapter 20: Mister Independent
Chapter 21: Blind
Chapter 22: Doubts
Chapter 23: First
Chapter 24: Girl Talk
Chapter 25: Going Back
Chapter 26: Fireworks
Chapter 27: All I Could Do
Chapter 28: Moving On
Chapter 29: The Story of a Swan
Chapter 30: Till the Rain Stops
Chapter 31: Twinkle
Chapter 32: Stabbed
Chapter 33: The Silence That Speaks
Chapter 34: I Hate This Chapter
Chapter 35: His Return
Chapter 36: Guess Who's Back
Chapter 37: Intersection
Chapter 38: The Story Behind the Story
Chapter 39: Clearly
Chapter 40: Toss, Flip, Drop
Chapter 41: White Light
Chapter 42: "Tossed" Is Past Tense

Chapter 43: Tails

142K 1.9K 2.1K
By peachxvision

Naglakad kami papunta sa bahay nila. At dahil sa bigat ng dinadala ko sa puso ko, napaiyak ako. Natatakot ako sa makikita ko.

Pero nasa harap pa lang kami ng pintuan nila nang nakarinig ako ng plastic na bumagsak.

Hindi ko man lang nakita kung sino 'yong nakahulog n'on pero—

Ang bilis ng pangyayari.

Lilingon pa lang sana ako nang tumakbo siya papunta sa 'kin at niyakap ako. Dahan-dahan nga lang dahil may benda ang isang braso niya. Nakalagay ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko at dahan-dahan niyang inilagay 'yon sa dibdib niya. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, alam ko kung sino 'to.

Ang yakap.

Ang amoy.

Alam kong si Jet 'to.

Napahagulgol ako. Panaginip ba 'to? Hindi. Hindi 'to panaginip.

Si Jet nga 'tong yakap ako, hawak ako.

Si Jet 'tong naririnig kong bumulong, "I'm sorry . . . I'm sorry . . ."

At nang hinigpitan niya ang kapit sa likuran ng ulo ko para mas lalong idiin ang pagyakap sa 'kin, nakaramdam ako ng ginhawang ngayon ko lang naramdaman.

Binalik ko ang yakap niya. Dahan-dahan para hindi ko masangga ang benda.

Tapos bigla kong naramdaman ang pagpigil niya ng paghinga, mukhang nagulat sa ginawa ko.

"A-akala ko . . ."

Umiyak ako habang ibinabaon ang mukha ko sa may dibdib niya. Ang malaman na ligtas siya ang tanging dalangin ko simula nang maalala ko ang nangyari, at ngayong nasa harap ko na siya, wala na akong ibang mahihiling pa.

Hindi ako humiwalay sa yakap ko sa kanya. Tumingin lang ako sa mukha niya, at nang nakita niya nang mas malapitan ang mukha ko, napatingin siya sa ibang lugar.

"T-tingnan mo 'ko, Jet."

Mabagal niyang iniharap ang mukha niya. Ewan, parang nanlambot. Nalusaw nang makita ang mukha ko. Ganito . . . ganito siya lagi. Bakit ba hindi ko napansin noon pa na ganito niya ako titigan t'wing gusto niyang ihayag kung ga'no ako kahalaga para sa kanya?

"B-baliw. Baliw ka talaga."

"Hindi kita maharap. Kasalanan ko 'yon, e."

Umiling ako. "H-hindi. Akin—

"Baka puwede tayong magpasintabi sa mga nabasted rito," biglang sabi ni Anya. "Nandito kami."

Nahiya kaming dalawa kaya bigla kaming napahiwalay. At do'n ko lang napagtanto—hala, parang tanga. Niyakap ko si Jet! Aaaaa, tofu! Nakakahiya! Tapos sinabihan ko pa siya ng "Tingnan mo 'ko, Jet"?! Ano bang nasa utak ko?!

Gamit ang maayos niyang kamay, kinamot ni Jet ang gitna ng noo niya. "Ano . . . a, shit."

"Di ka makapagsalita? Gusto mo ng tulong sa dila mo?" pang-asar ni Gab. "Sabi ni Jet, pasok na raw tayo sa loob . . . at mahal ka daw niya, Chi."

"Ha, gago—"

"Bakit, hindi ba totoo?"

Tumingin ako kay Jet. Akala ko titingin siya sa ibang lugar . . .

Pero tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.

"Oo, mahal na mahal."

Ako ang napailag. Anak ng tofu.

Tumawa si Anya at pumunta sa 'kin para alalayan ako. Si Gab naman ang pumulot ng plastic na nahulog ni Jet. Sabay-sabay kaming pumasok sa bahay nila kung sa'n nando'n 'yong pamilyang itinuturing ni Jet.

First time kong makita si Maia—'yong kapatid niya. Hindi sila magkamukha, sa totoo lang. "Yo, bros. Ay, wait, 'yan ba si girl of your dreams—"

Pero hindi na natapos ni Maia ang sasabihin niya nang binato siya ng unan ni Jet. "Umakyat ka kaya sa taas? Ang daldal mo."

Pero hindi siya tumigil sa pang-aasar. "Ma, o!"

Lumabas si Tita Ana. "O, Gab, ba't ka—wow, may mga dalagita. Sino 'tong mga—"

"Ma!" pagpigil ni Jet. Natatawa na kaming tatlo.

"Hi, Tita," bati naman ni Gab sa kanya. "Si Anya at Cherry po. Mga kaibigan namin sa univ. Dumadalaw lang po kami kay Jet. Nag-aalala kasi 'tong isa." Sabay turo sa 'kin. Nilakihan ko siya ng mata. T-teka, bakit mo 'ko binuking, e, ikaw 'tong double meaning mga pinagsasasabi kaya nag-alala ako?! gusto ko sanang sabihin, pero mamaya na lang.

Nang tumingin sa 'kin si Tita Ana, ngumiti siya at binalikan si Jet. "Sabi mo nga pala, type mo mga petite."

"Ma, utang na loob. Bumisita lang sila."

Natawa silang lahat. "Do'n lang kami sa taas. Gab, kuha ka na lang ng pagkain para sa inyo diyan sa ref."

"Opo, 'Ta," sagot ni Gab, nakangiti.

At nang paakyat sila, nakita kong pababa si Tito Jethro. Nawindang tuloy ako kasi nang nakita ko 'yong mama nila, pareho nilang kamukha. Nang nakita ko si Tito Jethro, kamukha rin ni Jet . . . pero hindi kamukha ni Gab. A, labo.

"O, Gab," bati niya habang bumababa.

"Hi, 'To," balik naman ni Gab. "Anya at Cherry po."

"Ikaw si Cherry?" tanong niya sa 'kin.

"Pa!" sigaw ni Jet.

"Namomroblema lagi sa 'yo 'tong si Jet—

"Hon, umakyat muna tayo sa taas," sabi ni Tita Ana. "Mamaya ka na bumaba and let the kids enjoy. O, kain lang kayo."

"Aalis na rin po kami maya-maya. Bisita lang po talaga," sagot ni Gab.

"Good luck, bunso," sabi naman ni Maia bago umakyat sa second floor nila.

Nawindang ako sa mga pangyayari. Kinikilig ako. Kinikilig talaga ako. Kinukuwento niya ako sa pamilya niya? Kailan pa? Hindi ko nga magawang mag-open tungkol sa love life ko kina Mama at Papa, e!

Napangiti ako. Ang weird talaga ng family setup nila, pero . . . mukhang masaya sila.

Tumingin sa 'min si Gab nang kaming apat na lang ang naiwan sa baba. "Iwan muna namin kayo ni Anya," sabi niya habang papalabas ulit. "Bibili kami ng pizza."

"Sana ginawa n'yo na 'yon bago kayo pumunta rito," sagot ni Jet.

"Para makapag-usap kayo. At maka-iyak kami." Ngumiti si Anya at tinapik ang braso ni Jet. "Good luck."

And poof. Dalawa na lang kami.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pareho kaming hindi makapagsalita. Nang tumingin kami sa isa't isa, pareho kaming napaiwas.

"G-gusto mo ng tubig? Nauuhaw ka ba?" tanong niya sa 'kin.

Umiling ako at huminga nang malalim. Tinuro ko 'yong benda niya sa isang kamay. "A-anong nangyari?"

"A, eto?" Hinawakan niya 'yong benda niya. "Tinulak kita nang sobrang lakas. Wala namang nabundol. Matalino 'yong driver, pero tanga ako, e. Ayan, produkto ng pagkahulog ko. Pero nang nakita kita . . . nasobrahan yata 'yong tulak ko sa 'yo at nauntog ka."

A, so gano'n pala ang nangyari.

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Nando'n ako sa kabilang gilid, natatakot kung ano na ang nangyari sa 'yo. Pero hindi ka lumilingon. Hindi ka rin sumasagot. Sobrang . . . takot na takot ako, Chi. Tapos nalaman ko kina Anya na . . . nagka-mild traumatic injury ka. Hindi kita maharap. Mas lumala pa dahil sa ginawa ko."

"Jet, okey lang—"

"Hindi, hindi 'yon okey. Tapos . . . nakita ko rin na napatingin ka sa kamay ko. Nagtataka ka ba kung nasa'n 'yong bracelet?"

Tumango ako.

"Tinanggal ko. Friendship bracelet, e. E . . . alam ko sa sarili kong ayaw kong maging magkaibigan lang tayo."

Napakagat ako ng labi. Kaya ko pa ba?

"Nilagay ko na lang dito." Tinuro niya 'yong ankle niya. Oo nga, 'no. Nando'n pala. Nakasapatos naman kasi siya kahapon kaya hindi ko namalayan. "Hindi naman mahalaga kung nakikita mo, e. Basta alam mong nasa akin, at iingatan ko 'to kahit pa mabundol ako ulit."

Walang warning-warning, tinabihan ko siya. "Jet."

Tumingin siya sa 'kin. At sinigurado kong nakatingin siya bago ko sabihin sa kanya nang diretso: "Mahal kita."

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Kung paano siya lumunok ng laway. Kung paano siya tumayo, tumalikod sa 'kin, at humakbang papunta at pabalik bago umupo ulit sa tabi ko.

Walang nagsalita sa 'ming dalawa.

Pero 'yong kaliwang kamay niya—'yong hindi nabangga—unti-unti humawak sa kanang kamay ko.

Hanggang sa nasa espasyo sa pagitan ng mga daliri ko na ang mga daliri niya.

Wala ni isa sa 'min ang makatingin sa isa't isa. Tahimik lang, nangangapa kung paano namin 'to sisimulan—pisikal na sugatan, pero hilom na hilom sa loob.

Binitawan lang namin ang isa't isa nang dumating na sina Anya at Gab na may dalang box ng pizza. Napansin lang namin na parehong namumula ang mga ilong at mata nila. Hindi naman na kailangan tanungin. Alam na namin ang ibig sabihin.

Kumain kaming apat. Nakakatawa dahil hinawakan pa rin ni Jet 'yong kamay ko sa ilalim ng lamesa. So siyempre, hindi siya makakain.

"Uy, Jet, kain na," sabi ni Anya.

"O-okey lang ako," sagot naman ni Jet. Hindi naman ako makaimik dahil . . . gusto ko ring hawak-hawak niya ang kamay ko.

"'Tol," komento ni Gab, "hindi mawawala si Chi. Itong pizza, mamaya, wala na. Mamaya na kayo mag-holding hands sa ilalim ng lamesa."

Pagkasabi na pagkasabi ni Gab n'on, napabitaw kami. Sakto namang tumingin si Anya sa ilalim ng lamesa. "Kayong dalawa, ang pusok. Sa susunod na ang landian. Kumain muna kayo."

Wala kaming nagawa ni Jet kundi ang ngumiti at kumain. Ito na yata ang pinakamasayang pagkain ko ng pizza sa tanang buhay ko.

Pagkatapos naming magkumustahan, nagdesisyon na rin kaming umalis. Gusto ko pang manatili, pero nangako kasi sina Anya at Gab na ibabalik ako nang maaga kaya kailangan na naming magpaalam.

"'Wag mo na uulitin 'yon," sabi ni Jet sa 'kin.

"Na?"

"Habulin si Rizal."

Natawa ako. Binigyan ko siya ng isang ngiti bago tumalikod, pero pinisil niya 'yong kamay ko, para bang ayaw niya akong umalis. Lumingon ako dahil mukhang may sasabihin pa siya.

"Seryoso ako," dagdag niya. "Di ko 'yon kakayanin."

"Oo na."

"At . . . ano . . . mahal talaga kita."

Hindi ko na mapigilan. Pumunta ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Diyan muna. Sa labi na susunod. Kapag magaling ka na."

Nakakatawa si Jet kapag nagugulat na kinikilig. Bigla na lang naninigas at hindi alam ang sasabihin. Iniwan namin siyang gano'n—tameme pero masaya.

Nakahinga na rin ako nang maluwag . . . sa wakas.

"O, ayan, ha," sabi ni Anya. "Sana sumaya ka na."

"Ako may pakana nito, sorry," dagdag naman ni Gab. "Ayaw niya kasing makipagkita sa 'yo dahil sinisisi niya ang sarili niya."

Naintindihan ko. "Pero hindi mo naman kailangan dramahan. Kinabahan talaga ako," sagot ko, pilit na huwag mautal.

"Ayaw ko lang mangyari na dumating ka sa puntong nakapagdesisyon ka na, pero aaminin mo na lang kung kailan wala ka ng kontrol. Naramdaman ko naman 'yon. Ako na lang ang unang bumitaw."

For a moment, nakita ko si Kuya Ian sa kanya. Napangiti ako.

Hinatid namin muna si Anya sa sakayan bago ako ihatid ni Gab papunta sa 'min. Gusto ko rin siya kausapin, kaya sabi ko, "Maaga pa naman nang kaunti. Playground?"

Nagulat yata siya sa alok ko, pero sumang-ayon din naman siya.

Tumambay kami sa swing kung saan kami unang nagkita. Ako ang unang nagsalita. "Sorry."

"'Wag ka nga magpaulit-ulit na mag-sorry. Mag-sorry ka sa 'kin kung nagkamali ka ng desisyon," sagot niya tapos tumingin siya sa ibang lugar. "Pero alam ko namang masaya ka sa desisyon mo, di ba?"

Nginitian ko siya. Hindi ko maikakaila na 'yong taong katabi ko ngayon ay ang taong una kong hinanap, una kong naranasan ang sakit, una kong naramdaman ang saya na may inspirasyon, una kong halik . . . at ang una kong minahal.

"Nangatog 'yong tuhod ko nang nakita ko na mapapahamak ka na. Pero hanggang do'n lang. Nangatog lang. Si Jet, walang alinlangang tumakbo papunta sa 'yo. At masakit man aminin, alam kong mas kaya ka niyang mahalin."

"Hayaan mo na ako mag-sorry, Gab."

"Respeto naman," biro niya. At ayun, ginulo na naman niya 'yong buhok ko. "Kuya. Kuya Gab na lang. "

Tumawa ako. "Ang kulit. Di puwede. Sanay na ako sa Gab."

Tumayo ako at humingi ng yakap mula sa kanya. Pinagbigyan naman niya ako. "Siguro nga, no'ng nabangga ako, kalahati ng kaluluwa ko namatay. Kalahati naman ng kaluluwa ko ngayon si Ian."

Bumitaw kami mula sa yakap ng isa't isa. Hinawakan niya 'yong friendship bracelet na bigay ko. "Magmumuni-muni muna ako. Masakit din 'to para sa 'kin. Pero dahil nakikita kitang masaya, tingin ko walang rason para kahit papa'no, hindi ako maging masaya. Oras lang naman siguro ang kailangan. Di ako si Iron Man."

"Si Iron Man ay isang taong nababalot sa iron. So tao pa rin siya."

"Gano'n na rin 'yon."

Ngumiti kaming dalawa bago niya ako binilinan na pumasok sa bahay. Kinindatan pa niya ako. Kinilig ako, pero ngayon, alam kong ito 'yong kilig na nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko si Kuya Ian noon.

Nagpahinga ako pagkatapos. Madali rin pala akong mapagod.

Pagkagising ko, tinatanong ako nina Mama at Papa para daw mapraktis ang utak ko. Sabi ng doctor kasi, ilang buwan bago mawala ang sakit sa ulo at pagkahilo, kaya kailangan ko ang suporta nila.

Tiningnan ko 'yong cell phone ko. May text si Jet.


Jet: Excited na akong gumaling. Hahahaha.


"Loko," bulong ko sa sarili ko at ngumiti.

Tapos bigla kong naalala . . . nasaan 'yong piso ni Kuya Ian?


Chi: Anya alam mo ba kung asan yung piso? Nakuha niyo ba?

Anya: Sorry bes. Sa sobrang frustration ko nung unconscious ka for a few mins, tinapon ko sa damuhan ng village na malapit don sa aksidente.


I guess, okey lang. Kung makikita ko ulit 'yon, makikita ko ulit. Sa ngayon, kailangan ko munang palayain ang pisong nag-uugnay sa 'kin sa nakaraan.

***

Naging masaya ako no'ng mga sumunod na araw. Naging challenging lang dahil madalas akong mahilo, pero laging nakabantay sa 'kin si Jet. Masaya ako dahil bawat araw na nakikita ko siya, hindi nawawala 'yong mga paru-paro sa tiyan ko. Kahit na sabihin naming "kami" na, hindi ko pa rin matanggal 'yong kilig sa tuwing sasabihin niyang ang ganda ko kahit may bagong tubong pimple sa ilong ko, o sa tuwing sasamahan niya ako kahit sa pinto pa ng girl's bathroom kung natatakot ako.

Sasabihin din niyang sumandal ako sa kanya pag napapagalitan ako ng mga magulang ko, at hinding-hindi niya makakalimutan na halikan ako sa noo at hihintayin hanggang sa makasakay ako sa jeep.

Ilang beses na rin niyang isinigaw na ang galing kong kumanta kahit alam kong paos ako, o kaya hihiga siya sa balikat ko pag pagod na siya. Nagta-transform na nga sa isang butterfly garden ang tiyan ko t'wing sasabihin niyang "mahal kita" sa bawat araw na pakiramdam ko e napag-iwanan na ako ng mundo.

Paano akong hindi sasaya?

Hindi kami nag-aaway. Siguro gano'n na lang kami katiwala sa isa't isa. Gano'n kami ka-in love, I guess. Nag-aaway lang kami pag sasabihin niyang gusto niya ng float at gusto ko naman ng french fries at may twenty-five pesos na lang kaming dalawa. Ang solusyon? Coin toss.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula no'ng nangyari 'yon. No'ng graduation, akala namin si Anya ang class salutatorian . . . aba, hindi pala. Class valedictorian pala. Ako na ang pinaka-proud na best friend na nagpagawa pa ng tarp kahit one hundred fifty pesos pa 'yong nawala sa allowance ko at binigay bilang grad gift ko sa kanya.

Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong speech niya nung graduation namin: "Wag sana natin i-alang sa isang 'toss, flip, drop' ang pagdedesisyon. Sa dulo ng araw, tanging ang utak at puso mo pa rin ang makakapagsabi kung ano ang gusto mo."

Si Gab naman, may isang taon pa. Isang beses, inimbita niya akong kumain at may ipapakilala daw siya. Nag-usap lang kami kung kumusta na ang buhay. Sabi ko, masaya naman ako, at masaya siyang marinig 'yon. Mukhang naka-move on na siya—halata naman sa mga ngiti niya.

Tapos biglang may dumating na babae. Napangiti ako. "Girlfriend mo?"

"A-ano ka ba! Hindi, a!" sigaw niya. Natawa ako dahil alam kong gusto niya 'yong babae. Mas obvious pa sa obvious. Ngumiti lang 'yong babae. Mukhang mahiyain. Two years yata ang bata sa kanya.

"Cherry, si . . . si Apple."

Muntik ko na maibuga 'yong float na iniinom ko no'ng mga panahong 'yon. Pinigilan ko na lang, pero tawang-tawa talaga ako.

"Hello," bati ni Apple. "Kayo po pala 'yong laging kinukuwento ni Sef."

Aba, Sef na talaga siya. "'Wag mo na ako i-po," sagot ko.

"O, ngayon, alam mo na 'yong feeling ng pino-po?" tanong ni Gab, nakangisi.

Hahaha! Gantihan ba 'to? "'Wag mo na ako i-ate rin," dagdag ko. "At 'wag kang mag-alala. Hindi ako threat."

Nagulat si Gab nang sinabi ko 'yon. "Chi!"

"Joke lang po . . . kuya."

Masaya ako para sa kanya. Kaso mukhang nahawa naman siya sa pagkatorpe ni Jet at siya naman ngayon ang hindi masabi-sabi ang nararamdaman niya.

Kung may isang bagay na nasabi kong natutunan ko kay Gab, iyon ay ang magmahal na walang kapalit.

Si Anya? Ayun. Mag-aaral siya ulit, second degree. Dumami rin ang offer sa kanya para mag-model sa mga start-up brands. At siyempre, naglalakad pa rin siya sa runway. Suportado lang ako sa kanya.

Nagkaroon din kami ng conversation kung saan tinanong ko kung kailan niya balak magka-boyfriend. Ang dami niyang kinukuwento, pero wala 'yong spark. Sagot lang niya, "Ewan ko. Siguro maghihintay ako ng isang tao na ang pangalan ay Helicopter o kaya Airplane. Parang 'yong nangyari kay Gab. Tingnan mo, may Apple na siya ngayon."

Natawa ako. "Baliw. Ikaw ba pag naging magulang ka papangalanan mong Helicopter anak mo?"

Nagtawanan kaming dalawa. "Dadating siya sa tamang panahon. Malay natin na isa siya sa masyadong maraming nagkakagusto sa akin. Hirap na hirap na nga ako," biro niya.

"Ikaw na."

"Truth hurts."

"Hurts? Anong 'hurts' do'n?"

"Sa bilang nila, wala pa rin do'n ang gusto ko."

"E, malay mo. Di mo lang makita. Mag-toss ka, baka makatulong."

"Dalawa lang ang sides ng coin, 'no. Dami kaya nila," biro niya.

"Try mo mag-dice," suhestiyon ko.

Ang saya pag nalinaw na lahat.

Ang saya pag unti-unti nang nagiging okey ang lahat. I mean, nagkakaroon pa rin naman ako ng problema, 'no. Sa pamilya, sa pera, etc. Pero masaya akong may isa akong Gab na matatawagan, isang Anya na masasandalan, at isang Jet na mamahalin.

***

Magkasama kami ni Jet dahil sinamahan niya ako sa isang teaching demo ko sa isang school. Hawak-hawak lang niya 'yong kamay ko habang papunta kami sa bahay nila. Nagra-rant ako habang sinasabi kung ga'no ako kabado sa interview kaya mukhang enga-enga na ang sagot ko, tapos bigla niya akong hinalikan sa noo.

Oo, laging noo, ilong, cheeks . . . pero hindi pa niya ako nahahalikan sa . . . sa labi. Kahit no'ng nawala ang benda niya. Ilang buwan na kami, pero ayun. Masaya akong marunong siyang maghintay. Sabi niya, gusto niyang ako 'yong magsabi kung kailan ako handa. Natatawa ako pag sinasabi niya 'yon dahil parang akala mo naman magpapakasal na kami.

Pero sa totoo lang, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin na gusto ko. Jet, pa-kiss? O Kiss mo na ako? A, ewan!

Pumasok kami sa bahay nila. Napag-alaman naming wala pang tao. Siyempre, nakakahiya, pero sinigurado naman niya ako na okey lang at 'wag daw akong mag-alala.

Naghanda lang siya ng meryenda namin habang nakaupo ako sa sofa. Sinaksak ko sa tainga ko 'yong earphones ko at pinakinggan 'yong kantang "The Only One" ng The Material.

Habang tumutugtog, sinusundan ko lang 'yong mga galaw niya. Unang linya pa lang, na-realize ko na ito ang kantang matagal ko nang hinahanap. Nandito na kasi ang mga salita na gusto kong sabihin para maihayag kung ga'no ako kasuwerte kay Jet.

Ang taong nakakabasa sa isip ko . . .

Ang taong ibubuwis ang buhay para sa 'kin . . .

Ang taong nandiyan lagi sa tabi ko . . .

Ang taong hindi ako binitawan . . .

At kahit pa hinabol ko ang una kong minahal, nando'n pa rin siya at nagtiis.

Naisip ko, Si Jet lang 'yong baliw na gagawa n'on.

Tiningnan ko lang ang bawat galaw niya. Mula sa pagkalkal niya ng cabinet hanggang sa pagbukas niya ng mga plastic.

May mga panahong hindi ko nga siya nasasabihan ng "I love you," at mga panahong nagagalit ako sa makatotohanang mundo. Pero laging siyang nandiyan para lang sabihing mahal niya ako kahit pa ang daming pagsubok.

"I love you," mahina kong sinabi.

Napatingin siya sa 'kin. "May sinabi ka?"

"I love you," sabi ko ulit.

Tumulo 'yong luha ko. Sakto kasi 'yong kanta, e. May mga ganito talaga, ano? Mga kantang bigla ka na lang paiiyakin. Isa pa, overwhelmed rin ako.

Tinigil niya ang ginagawa niya at lumapit sa 'kin. "Anong pinakikinggan mo?"

"'The Only One' ng The Material."

"Tigilan mo na 'yan. Naiiyak ka na," sabi niya habang pinunasan ang luha ko. "Unless na papayagan mo ko."

"Ha? Na?"

Inalis niya 'yong earphones mula sa cell phone ko kaya narinig sa buong bahay ang kanta. Tinayo niya 'ko at hinawakan ang mga magaspang kong kamay. Sakto sa chorus nang niyakap niya ako, parang sinasayaw.

"Hindi ako marunong sumayaw tulad niya. Parehong kaliwa ang paa ko. Di ko nga alam kung bakit ako ang nagustuhan mo, e."

"Baliw ka ba? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? O, ngayon, 'yong pinakawalan mong babae, model na."

"Ha? Wala naman akong pinakawalan. Hawak ko nga ngayon 'yong babaeng mahal ko, sinasayaw ko pa."

Talo talaga ako sa kanya pagdating sa banat.

And . . . wouldn't this be the right time?

"Jet," sabi ko, nahihiya. "Hanggang sa dulo ng kanta . . . k-kung puwede. Kung puwede lang naman."

Kinagat ko ang mga labi ko. Alam kaya niya kung anong pinakikiusap ko?

Pero nang dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin, alam kong di ko na kailangan isa-isahin ang mga letra.

Dinikit niya 'yong mga labi niya sa labi ko. Pumikit ako, kaya hindi ko na nakita kung nakadilat o nakapikit din siya.

Ilang minuto pa kaya 'yong kanta?

Sana . . . 'wag muna matapos.

Pero kung kailan ko naman 'yon hiniling, unti-unting nag-fade ang kanta. Nagulat siya, katulad rin ng pagkagulat ko.

Nagawa namin—ang unang halik naming dalawa.

Nakakatawa dahil kahit sinabi kong hanggang sa dulo lang ng kanta, inulit niya.

At inulit pa ulit.

Napangiti na lang ako ng kinamot niya 'yong noo niya. 'Yong katotohanan na kinikilig pa rin kaming dalawa kahit ilang buwan na kami ay nakakakilig para sa 'kin.

"Ang init, putik. Kuhanin ko lang 'yong . . . ano . . . juice." Tapos pumunta siya sa kusina. Natawa lang ako at hinintay siya sa may sofa ulit.

Kumain lang kami at nagkuwentuhan. Ang totoo, gusto ko pa ulit maramdaman ang mga labi niya, pero ayaw ko namang samantalahin ang pagkakataon na walang tao sa bahay nila.

Pero kung gusto niya . . . okey lang din naman ako. Hahaha.

Nga lang, dumating na sina Maia. Nagmano ako kina Tita Ana at Tito Jethro, tapos biglang nahulog ang mga barya na nasa bulsa ko.

Doon ko biglang naisip, Makikita ko pa kaya 'yong piso?

Natural, hindi na. Ano ba 'tong iniisip ko?

Bumalik ako sa puwesto ko at napaisip. Nahulaan yata niyang may iniisip ako kaya napatanong siya, "Anong nasa isip mo?"

"'Yong piso. Kung anong nangyari."

"Gusto mo hanapin?"

Nagulat ako sa suhestiyon niya. "Baka hindi na natin makita. Ilang buwan na rin."

"E di, hindi. Tingnan lang natin. Ten minutes lang. Kung wala, mamasyal na lang tayo. Pampawala ng stress mo."

"Good idea."

Nag-jeep kami papunta do'n sa village kung saan naganap 'yong aksidente ilang buwan na rin ang nakalilipas. Sa kalagitnaan ng paghahanap namin, biglang sinabi ni Jet, "Di ba, heads si Gab, tails ako? Iyon 'yong kuwento mo, di ba? Paano kung heads ang lumabas?"

Napatigil ako at napaisip. "Alam mo, 'wag na nating hanapin."

"Hindi. Tinanong ko lang naman. Importante 'yon sa 'yo di ba?"

"Mas importante ka sa 'kin." Ngumiti ako. "Isa pa, kahit heads naman ang lumabas, hindi kita iiwan."

Siguro nga, hindi piso ang magsasabi na tama ang desisyon ng isang nilalang na gagawa ng coin toss. Iyon nga lang, sa kuwento naming dalawa . . . parang iba ang nangyari.

Pumunta ako sa kanya para yakapin siya nang bigla akong nakaramdam na parang may natatapakan akong hindi lupa.

Tiningnan naming dalawa . . . at napangiti.

Isang piso na ang nakalitaw na side . . .

Ay 'yong side na nakalagay 'yong pangalan ko.


Heads or tails?

***

Toss. Flip. Choose. Drop. 

Toss. Flip. Drop. Choose. 

Or simply . . . choose.

Continue Reading

You'll Also Like

974K 31.3K 48
Invisible Girl Extra Days.
219K 14.2K 71
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
16.1K 403 30
A story about bad breakups, hidden feelings, second chances, learning to fall, taking chances, happy crushes, unrequited love... Match and unmatch, l...
4.7K 147 109
The pain of today will be the strength of tomorrow. ❤️ "At Least We Met" written by: adfinemfidelis Date Started: 04-16-20 Date Ended: 04-29-20