HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

236M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 172

3.6M 82.5K 230K
By maxinejiji

CHAPTER 172

MAX'S POV

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nababagabag ako. Iba ang paraan ng pagtingin sa 'kin ngayon ni Sensui. At alam kong may hindi siya sinasabi sa 'kin. Kakaiba na ang ikinilos niya magmula nang magpunta siya sa restroom nang nasa hotel kami. Kapani-panibago ang pananahimik at pagkakakunot ng kaniyang noo. At sa unang pagkakataon ay tinanggihan niya ang halik ko.

"Babe, please, stop crying," pakiusap niya. Hindi ko siya pinakinggan, malalim ang inisiip ko. Ako man ay matindi ang pagpipigil sa luha ngunit nagkukusa iyon sa pangingilid.

May ginawa sigurong kalokohan 'to. Iba talaga ang pakiramdam ko, at madalang magkamali ang mga kutob ko. Bukod do'n ay parang may lipstick siya sa labi. Napansin ko kanina ang kakaibang pamumula ng kaniyang labi. Malayo iyon sa natural. Wala rin sa mga kinain namin ang posibleng maging dahilan para mamula ang kaniyang bibig.

"Babe," niyakap niya ako sa baywang.

Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko siyang makita. Naiinis ako sa mukha niya.

Pakiramdam ko ay ang haba-haba na ng nguso ko at ang pangit-pangit ko na, bagay na ayaw na ayaw kong mangyari kapag nasa harap ko siya. Ayaw kong makikita niyang pangit ako o kung ano mang pintas na pwede niyang sabihin sa 'kin.

Nawawala ang angas mo, Maxpein.

Huminga ako nang malalim at pilit na nilabanan ang emosyon ko. Sinikap kong magmukhang natural ang aking ngiti. "I'll go ahead. I'm alright. I love you," hinalikan ko siya sa pisngi.

Hindi niya binitiwan ang kamay ko. "I really want you to stay, babe."

"Gusto ko rin naman," nag-iwas ako ng tingin.

"Then why are you leaving? Please stay for tonight."

Napabuntong-hininga ako. "Dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi sa 'kin ng Chairman ninyo. Ayoko nang maulit 'yon." Bagaman hindi iyon ang tunay kong dahilan ay isa na rin 'yon. "Ihatid mo na lang ako labas."

"I'll take you home."

"Hanggang sa labas," pagmamatigas ko.

Lalo siyang nanlumo. Ang matamlay niyang mukha ay lumala. Ang mga balikat niya ay bumagsak. Natural na reaksyon niya 'yon at hindi ko 'yon matagalang makita.

Pinilit kong ngumiti saka nag-iwas ng tingin. "Hinihintay na rin siguro ako nina Naih," hiniling kong sana ay hindi niya mahalatang nagdadahilan na lang ako. "Maaga rin kaming aalis ni Heurt bukas."

"Alright. Please wait for me downstairs," malamig na ang tono niya. Hindi niya na rin ako sinulyapan, agad niya akong tinalikuran. Doon ko lalo gustong maiyak.

Ayaw niya na nga pala na paulit-ulit siyang tinatanggihan.Nanlulumo akong napangiti saka bumuga nang malalim na hangin. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. At maging ako ay hindi maintindihan ang aking sarili. What's wrong with me?

Bumaba ako at agad naman akong sinalubong ni Manang, wala na ang ibang tao.

"Manang, uuwi na ho ako," nakangiting paalam ko.

"Napakaaga naman? Hindi ka ba ihahatid ng nobyo mo, hija? Aba'y nasaan na ba ang batang iyon?"

"Ayos lang ho," nakangiti ko siyang hinawakan sa braso. "Kayo na lang ho ang magsabi kina Mr. and Mrs. Enrile. Sa susunod ho ulit, salamat."

Sumubok pang magsalita si manang pero tinalikuran ko na siya. Nagmadali akong umalis. Sobrang bilis. Hindi naging hadlang ang ilang metrong pagitan ng bahay nila sa gate ng village. Masiyado nga yata talaga akong mayabang dahil ultimong hakbang ko ay nakakabilib. Mabilis at malalaki ang agwat. Daig ko pa ang nakikipag-marathon sa lakaran.

Agad akong pumara ng jeep. At nang makasakay ay doon ko lang naalala na naiwan ko ang mga pinamili ko sa kanila. Pero sa halip na mainis ay agad kong naalala ang kakaibang pamumula ng labi ni Sensui. Ang pag-iwas niya sa halik ko. At maging ang kakaibang pakikitungo niya. Nanlulumo ako, napapraning, kung ano-ano ang bumabagabag sa akin.

Sana ay wala kang ginagawang kalokohan. At kung meron man, pagsisihan mo na ngayon pa lang. Dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag sinabi mo sa akin na hindi na ako ang gusto mo. 'Wag mong gagawin 'yon, Sensui.

Ramdam ko ang pagkakakunot ng aking noo. At hindi ko man makita ang mukha ko ay batid ko kung gaano iyon kalungkot. Apektado talaga ako. At wala akong ibang maisip kung hindi siya.

Bumuntong-hininga ako at basta na lang nag-abot ng barya. "Bayad, oh."

Maganda ang ngiti ng may edad nang lalaki sa harapan ko nang kunin iyon. Pasasalamatan ko pa sana siya nang hindi ko magustuhan ang haplos niya nang abutin ang bayad ko.

"Oh, bayad nang napakagandang binibini,"nakangising anito saka muling nilingn ako.

"Aba'y maganda nga, ano?" hindi ko inaasahang magsasalita ang nasa harapan ko, at siyang nasa kabilang parte ng dyip. "Napakasarap mong titigan," malaswa nitong sinabi at halos silipin ang pagitan ng bawat hita ko. Bahagya pang lumiyad ang loko upang ipakita sa akin ang kaniyang katawan.

Kunot-noo akong bumuntong-hininga at sinuyod ang kabuuan ng dyip. Doon ko lang napagtanto na puro lalaki ang kasabay ko. Anim na lalaki. At napaggigitnaan nila ako.

Ang tatlo ay nasa estribo. Ang dalawa ay nasa tabi ko. Ang isa naman ay nasa harapan ko. Pawang malalaki ang katawan, at mukhang may anak na kaedad ko lang.

"Kay bango-bango mo," anang nag-abot sa bayad ko. "Siguro ay maalaga ka sa iyong balat at katawan?" sa sobrang laswa ng kaniyang pananalita ay umabot sa 'kin ang hininga niyang amoy alak.

"Hindi ka na dapat nag-iisa kapag ganitong malalim na ang gabi," nakangising anang nasa kabilang banda.

Sa halip na pansinin sila ay nag-iwas ako ng tingin. Pero ang malakas na kabog sa dibdib ko ay mahirap nang pigilin. Tuloy ay nagulat ako nang bigla ay mag-vibrate ang cellphone ko. Aligaga ko iyong kinuha at nakahinga nang maluwang matapos makita ang pangalan ni Sensui.

"Taguro, bakit ka umalis?" agad na singhal niya. "Where are you?"

"Nasa jeep," halos pumiyok ako sa sobrang kaba.

"What?" asik niya.

"Para!" sabi ko nang matanawan ko ang village namin. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang hindi huminto ang driver. "Para ho sa tabi!" sigaw ko. Ngunit sa halip na sumunod ay natanawan ko pa ang nakakalokong ngisi ng driver.

"Taguro?"

Gusto ko pa sana siyang sagutin ngunit ang lalaki sa harap ko ay tila gumagapang nang papalapit sa akin. Nakangisi at nakapandidiri ang hitsura. "Babe..," bulong ko.

"What, Taguro?" galit si Sensui.

Damn it! Nilalamon ako ng kaba at hindi makapag-isip nang tama. Sa sandaling iyon ay gusto kong sisihin ang pagiging emosyonal kanina lang.

"Sino ba iyang tumatawag sa 'yo?" nakakaloko ang ngiti ng lalaking papalapit sa akin. "Hindi mo ba maaaring ibaba muna 'yan at kami na muna ang kausapin mo?"

"Who's that?" nag-iba agad ang tono ni Sensui. Ang kaninang inis ay napalitan na ng pag-aalala. "Taguro? Who's with you? Babe?"

"Manong, para na sa tabi," muling sigaw ko. Pakiramdam ko ay noon lang ako pumiyok. Para bang kinakain ko ang sarili kong salita. At lahat nang iyon ay dahil sa kaba.

Nakita ko pa nang mag-abot ng barya ang driver. Kinuha iyon niyong nasa harapan ko at pilit na iniaabot sa akin. Hindi ko tinanggap. "Hayan ang sukli mo," anang driver. Eksakto ang ibinayad ko kaya nasisiguro kong iba na ito. "Huwag mo na kaming bayaran." Mula sa salamin ay natanawan ko ang mapupula niyang mata.

King inang 'yan, malas!

"Where are you?" mariin na ang nag-aalalang tinig ni Sensui. Batid kong panay ang salita niya pero ang lutang kong pag-iisip ay hindi siya matutukan. "Maxpein!"

"Puro lalaki sa jeep, babe," kinakain ko na ang bawat salita ko.

"What?"

"Natatakot ako, Deib"

"Akin na nga iyan!" hinablot nang nasa likuran ang cellphone ko at hindi ko agad ito magawang lingunin sa sobrang kaba. Ang mga mata ko ay alisto sa mga nasa harapan ko.

"Give it back," pakiusap ko. Lumingon ako nang maramdaman ko ang kanilang paglapit. Lalo akong kinabahan.

Malalaki ang mga katawan nila, doble ng timbang ni Choco. Batid kong hindi ko kakayanin ang mga ito kahit mag-amok ako. Mabilis ang andar ng jeep. Madilim ang lugar. At sa sandaling iyon ay gusto ko na ring sisihin ang aking damit!

"What are you doing?" nagbabanta man ang tinig ay nabigo akong magpakita ng lakas nang magsimula silang gumapang papalapit pa sa akin.

"Magiging madali lang ito, binibini."

"'Wag kang lumapit sa 'kin!"

"Napakaganda ng balat mo."

"'Wag ka sinabing lumapit sa 'kin!" agad kong sinipa ang isa dahilan para humampas ito pabalik sa kinauupuan.

Ngunit halos mawalan ako ng balanse nang bigla ay kumambyo paliko ang nagmamaneho. At hindi pa man ako nakakabawi ay prumeno naman ito dahilan para halos maisubsob ko ang aking sarili sa mga lalaking iyon. Pagmulat ko ay halos hindi ko na sila makita dahil sa sobrang dilim!

Damn it!

Hinawakan ko nang maigi ang pouch ko at umastang lalabas na ng jeep. Ngunit nahuli ako ng isa. "Bitiwan mo ko!" sinubukan ko itong sipain ngunit nakailag. Mabilis nitong hinuli ang braso ko at nang pumalag ako ay agad akong hinawakan ng isa pa. "Bitiwan ninyo 'ko!" Shit!

"Buhatin 'yan!" sigaw ng isa pa. Gusto kong maiyak, wala na akong makita dahil sa sobrang dilim.

Tulong-tulong nila akong hinawakan at binuhat pababa ng jeep. At kahit anong kawag ko ay hindi ko talaga kaya ang lakas nila. Bumabaon ang mga kuko nila sa akin dahil sa sobrang higpit nang pagkakakapit.

Agad kong tinanaw ang high way, malayo iyon sa gawi ko. At iilan na lang ang sasakyang dumaraan. Ang tanging liwanag ay mula sa malabong ilaw ng dyip.

"Kahit sumigaw ka rito ay walang makaririnig sa 'yo," anang driver.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko at nandidiri ako sa bawat haplos nila sa balat ko. Nanginginig ang mga kamay ko at parang may mga kung anu-anong maliliit na bagay na tumutusok sa anit ko. Gusto kong manlaban, kaya kong manlaban. Ngunit ang bawat hawak nila sa iba't ibang parte ng katawan ko ay pinanghihina ako ako.

Lumapit ang isa sa 'kin, awtomatiko akong napaatras ngunit halos matalisod ako. At sa sandaling iyon ay alam

"Manahimik ka!" singhal niya. At sa inis ay mas hinawak-hawakan niya pa ang binti at hita ko dahilan para magkandalon-talon ako sa pag-iwas. Ngunit sa t'wing magkakaganoon ay may isa sa likuran o gilid ko na gagawa rin ng kabastusan. Hahawakan ako sa kung saang parte ng katawan ko. At panay dibdib lang ang aking napoprotektahan.

"Bitiwan mo sabi ako!" sigaw ko saka inagaw ang braso ko.

Nang mabitiwan ako nito at maaninag ang isa pang papasugod ay agad akong yumuko upang unahan ito ng suntok sa tiyan. Nagtagumpay ako. Ngunit nang muling sumubok ay nabigo na. Nakailag ito at nahuli ang braso ko. Muling sumugod ang isa pa at hinawakan ang kabila ko pang braso dahilan para mabihag ako.

"'Wag ninyo akong hawakan!" nagbabanta ang tinig ko bagaman gano'n na lang katindi ang panginginig ng tuhod ko. Marahas nila akong itinapon sa lupa, agad na humapdi ang mga palad ko.

"Gapang!" natatawang utos ng isa. "Gumapang ka at gagapangin din kita!" Nagtawanan sila.

Napaatras ako. "'Wag kayong lumapit!" Hinahanap ko ang sarili kong lakas. At nagwawala ang dibdib ko sa katotohanang hindi ko iyon mahagilap.

"Napakasarap mong titigan sa posisyon na 'yan!" tila naglalaway na anang isa.

Hindi pa man ako nakalalayo sa kanila ay naramdaman ko na ang isa pa sa likuran. Damn it! Kakila-kilabot ang paraan nito nang pagkakangisi at masamang tingin. Hinawakan ako nito sa magkabilang braso at sapilitang itinayo.

"Ano ba!" pumalag ako nang maramdaman ang kamay nito sa dibdib ko.

"Napakasarap ng pakiramdam!" umungol pa ito sa tila nababaliw na paraan.

Damn it! Damn it! Damn it! Nangilid ang mga luha ko sa galit. Galit sa sarili kong kahinaan sa sandaling iyon. Hindi ako makapaniwalang ipapahamak ko nang ganito ang sarili ko! Ngunit ano ang magagawa ko gayong ang bawat dampi ng balat ng mga demonyong ito sa balat ko ay nanghihina ako?

Lumapit ang dalawa sa 'kin. Muli akong napaatras. Umaasa akong sa pag-atras ay mararating ko ang high way. At doon ay ako magkakaroon ng pagkakataong makalayo sa kanila. Ngunit naghiwalay ang dalawang iyon na nasa harap ko at pumunta sa likuran ko. Nagpalinga-linga ako sa harapan, tagiliran at likuran dahil nakapalibot na silang anim.

Nagpatuloy ako sa pag-atras. Para silang mga leon na sabik sa laman, naglalaway habang naghahanap ng pagkakataong sumugod.

Napasinghap ako nang bigla ay humawak sa magkabila kong braso mula sa likuran. Agad akong pumadyak at nagkakakawag. "Bitiwan ninyo 'ko!"

"Napakaarte mo naman, miss?" lango sa alak na anito saka humalakhak. "Magsusuot ka nang ganiyan tapos kakaunting pambabastos ay hindi puwede sa 'yo? Hindi ka naman yata patas sa mundo? Hindi masamang tumikim ng karne, iyon ang alam ko" Sinipa ko siya sa mukha bago pa niya matapos ang sasabihin. Gano'n na lang katindi ang galit na makikita sa kaniyang mga mata nang tapunan ako ng tingin.

"Bitiwan mo 'ko!" binalya ko ito upang mabawi ang braso ko saka sinampal ang isa pang may hawak sa 'kin."Subukan ninyong lumapit!" banta ko.

Humarap silang lahat sa 'kin na parang takam na takam na aso. Nakakadiri ang mga ngisi at nakakapangilabot ang mga titig. Humahalakhak na sumugod ang isa, pigil ko ang sigaw nang umiwas! Agad ko itong sinipa saka nagtatakbo palayo.

"Saan ang punta mo?" nagawa akong habulin ng isa. Hinila niya ako sa buhok, at talaga namang napakasakit niyon, saka ako nito iniitsa sa lupa. Sandaling nayanig ang mundo ko sa hilo.

"Tayo!" sigaw nito. Nang hindi ako sumunod ay muli ako nitong hinablot sa braso at walang ano-ano'y sinampal. Hindi pa ito doon nakontento, halos mapaduwal ako matapos ako nitong suntukin sa tiyan.

Napaluhod ako at walang nagawa kundi manlaki ang mga mata. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Maxpein, what's going on with you? Pakiramdam ko ay ibang kaluluwa ang nasa katawan ko, at hindi ko ito makilala.

Muli akong hinila ng isa, pilit itinatayo pero ang timbang ko ay lalo akong iniyuyuko. Agad akong nanghina at talagang nakakapanibago iyon. "Tama na," nanghihinang pakiusap ko.

Ngunit ang walang-awang lalaki ay sinabunutan ako at marahas na hinila papalapit. "Walang makaririnig sa iyo rito! Kahit isigaw mo pa ang pag-ungol mo!" Saka sila nababaliw na nagsipaghalakhakan.

"Ah!" palahaw ko matapos hilahin nito ang buhok ko upang mapatingala ako lalo.

"Oh..." anas ng manyak na driver. "Napakasarp mo sa pandinig!" dinila-dilaan niya ang labi na para bang sabik na sabik. Napapapikit ako sa takot.

Hindi ka pwedeng magpakita ng takot ngayon dito, Maxpein. Kakayanin mo sila. Kakayanin mo sila.

Noon lang ako nakaharap ng mga ganoong uri ng tao. Kung hindi sila ganito karami ay posibleng makalaban ako, bagaman hindi iyon magiging madali. Hindi ganitong sa t'wing iilag ako ay ibang kamay ang humahawak sa akin. Para akong sako na pinagpapasa-pasahan sa t'wing aatras. Bawat parte ng katawan kong mahawakan nila ay tila napapaso sa pandidiri. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi humuhupa. Patuloy rin sa pangangatog ang mga tuhod ko.

Kaya kong lumaban pero hindi sa ganitong klase ng damit! Damn it!

Gusto kong magsisi kung bakit ito pa ang isinuot ko. Gusto kong magsisi dahil nag-inarte pa ako imbes na magpahatid na lang kay Sensui.

Damn it!

Nangilid ang mga luha ko sa inis. Nagagawa ko ngang sumuntok pero bitin ang pwersa no'n. Hindi ako komportableng sumipa at manadyak. Kung gagawin ko iyon ay masisilipan ako. Lalo ko lang tatakamin ang mga mata at pagnanasa nila.

Iginala ko ang mga mata ko. Pilit akong naghanap ng bagay na pwede kong magamit laban sa mga ito. Pero agad akong nanlumo nang wala akong mamataan kung hindi maliliit na hibla ng mga damo.

Nagsisimula na naman silang lumapit sa 'kin, marahan at sa nakakapandiring paraan. "Isa-isa lang," sinikap kong huwag ipakita ang kaba.

Pare-pareho silang natigilan. "Papayag ka?" anang driver. Naghalakhakan sila, nagtiim ang bagang ko. "Animal na 'to, papayag din pala, nanipa at nambitin pa? Malakas kang sumipa, binibini"

"Gago," pigil ko pambabastos nito. "Isa-isang lapit para hindi masiyadong masakit," nakangising dagdag ko.

Napangisi ito. "Matapang ka, ah?" tatango-tangong aniya saka nagsimulang humakbang. "Tingnan natin ang tapang mo!"

Hugot ko ang hininga nang maghanda sa pagsugod nito. Agad akong yumuko at sinipa ang mukha nito! Tumimbawang ito sa lupa.

Mabilis na sumugod ang dalawa pa. Umilag ako at lumusot sa pagitan nila. Ngunit gano'n kabilis nakakilos ang tatlong natitira pa dahil sabay-sabay silang umatake papunta sa akin. Halos mapatalon ako sa pag-iwas. Panay ang sipa, tadyak at suntok ko ngunit wala akong matamaan sinuman sa kanila!

Damn it! Hindi ako makapaniwalang nakainom na nga ang mga ito, nagagawa pang isahan ang mga galaw ko. Napatitig ako pareho kong palad saka nag-angat ng tingin sa mga ito. Dahan-dahang kumuyom ang mga iyon at nang sumugod ang isa ay malakas na suntok ang inabot niyon. Gulat man ay hindi nagdalawang-isip na sumunggab ang isa pa ngunit bago pa siya makahawak ay sinipa ko na ang mukha niya. Ang isa pa pinatid ko saka siniko sa mismong mukha.

Agad akong bumangon at susugurin na sana ang isa pa nang bigla akong mahinto. "Sige, subukan mo,"nagbabantang bulong ng driver sa likuran ko. "Iba ka rin, ah? Subukan mong tumakbo, itatarak ko sa iyo ito." Ibinulong niya iyon sa mismong tainga ko, dahilan para maestatwa ako, maging ang umiwas sa labi niya ay hindi ko nagawa.

Niyakap ako ng driver mula sa likuran, isinangga ang braso niya sa magkabilang balikat ko. Nalalanghap ko ang mabaho at mabilis niyang paghinga. Ang hita niya ay nasa pagitan ng mga hita ko. Ramdam ko ang pagdiin niya ng matulis na bagay sa aking likuran. Umaangat ang dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi lalo ako nakakilos.

"Malakas ang loob mo," pinagapang niya ang patalim sa pisngi ko. Nag-igting ang bagang ko. "Lalo mo akong inaakit, binibini."

Iika-ikang lumapit ang isa sa harapan ko. Kunot-noo akong napapikit nang magsimula itong haplusin ang hita ko. King ina! Kabado man ay hindi ko iyon natagalan! Nasipa ko ang animal at pilit akong nanlaban!

"Tarantada!" singhal ng driver nang muntik akong makakawala sa kaniya. Hinablot niya ako sa buhok at saka tinutukan sa leeg. "Gusto mo nang mamatay, ha?"

"Nakikiusap ako," nakapikit na pakiusap ko. "Parang awa ninyo na, 'wag," mariin kong dagdag.

"Napakadaya mo naman?" nalulungkot kunyaring anang driver. "Kaylambot nitong balat mo, pagbigyan mo na kami." Nandiri ako nang dumampi ang mainit nitong hininga sa tainga ko. Muli ay napaungol ito matapos haplusin ang pisngi ko. Napaiwas ako at muling nagpumiglas.

"Bitiwan mo 'ko!" mariing asik ko.

Bumilis ang paghinga nito. "Sabihin mo pa, pakiusap,"nagpatuloy siya sa pag-ungol at ang mas nakakapandiri pa ay ikiniskis niya ang sarili sa likuran ko. Naramdaman ko sa likuran ang isa pang matigas na bagay. At batid kong hindi na patalim iyon.

Shit! "Ano ba!" sigaw ko saka pumadyak upang tapakan ang paa nito. Buong pwersa ko siyang siniko, umaasang luluwag ang pagkakayakap nito sa akin. Ngunit sa halip ay lalong humigpit ang kapit nito. At mas ikiniskis pa ang katawan sa akin.

Sensui... Napapikit ako sa pandidiri at galit ngunit wala pa ring magawa. Naiiyak ako dahil sa kawalang magawa. Pakiramdam ko ay wala na akong kawala sa mga ito. Pakiusap, Maxpein, 'wag kang magpadala sa emosyon. Kaya mo ang mga ito.

Pilit kong inalis ang braso nito ngunit agad na lumapit ang isa upang pigilan ako. Ang isa pa hinablot ako at bigla na lang sinampal. Agad akong hinawakan sa braso ng dalawa at ang dalawa pa ay pigil na ang pareho kong paa. Lumapit ang driver at hinawakan ako mula sa braso pagapang sa aking kili-kili.

"Huwag!" sigaw ko nang maramdaman ang kamay nito papunta sa bungad ng dibdib ko.

Napaungol ang driver na siya lalong ikinagalit ko. Nanlaban ako ngunit naubos lang ang lakas. "Sigaw pa, binibini! Sigaw pa!"

"Gustong gusto ko ang boses mo," anang nasa kanan."Ang hininga mo ay napakabilis...napakasarap..," nababaliw nitong sambit.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang salu-salo nilang mga kamay sa iba't ibang parte ng balat ko. Nagkukumawala ako at naiiyak na sa pwersang inilalabas ko. Ayaw ko nito. Hindi ko 'to gusto. Kaya kong lumaban pero napakarami nila. Ang lalaki ng mga katawan at malalaman pa.

Ikinakawag ko ang mga paa ko at malakas na iniiiling ang ulo ko. Pilit akong nanlalaban sa mga halik na pilit nilang iginagawad sa 'kin.

Sensui...please... Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Nagkarambola sa pagkabog ang aking dibdib dahil sa matinding takot. Nawawalan ako ng pag-asa ngunit panay ang paghiling sa isip na sana ay dumating siya.

Hindi ko sila kaya... Naunang sumuko ang utak ko bagaman ang katawan ko ay kusang nanlalaban.

"Kaysarap ng amoy mo, kaysarap mo," hinalikan ng driver ang leeg ko dahilan upang dumalot ang galit sa bawat ugat ko.

"Bitiwan ninyo ako!" muling sigaw ko saka sinipa ang sinumang nasa harapan ko. Halos mabuhat ko ang timbang niyong may hawak sa akin. At kung hindi lang malaki ito ay nagtagumpay na sana akong maibato ito. Ngunit ang sumunod kong kilos ay hindi na natuloy, nang mapasigaw ako matapos may maramdamang tumusok sa tagiliran ko.

Batid kong hindi iyon malalim, ngunit hindi rin iyon isang daplis lang. Hindi na iyon bago sa 'kin pero nakakagulat pa rin. Sinikap kong maging alisto, saka muling sinipa ang isang iyon sa harapan ko. Napatimbawang ito ngunit agad ding nakabangon upang sugurin muli ako.

"Matibay ka, ah?" naghahamon ang tinig ng driver. At bago pa man ako nakasagot ay may sumipa na sa likuran ko dahilan para plumakda ako sa harap ng mga ito.

Dagli akong gumapang paatras, hindi inda ang hapdi sa mga palad at braso ko. Maging ang napupunit ko nang damit ay hindi ko na inintindi. Ang tanging nais ko ay makatakas, dahil sa sandaling iyon ay hindi ko malaman kung bakit hindi ko magawang manlaban. Patuloy akong gumapang papahiga, paatras nang paatras sa takot.

"Sige pa, gapang! Gapang!" tumatawang sigaw ng isa sa mga iyon. "Gumapang ka at hahabulin ka nitong alaga ko!"

Dumaloy ang luha sa galit kong mga mata. "Please, tama na, parang awa ninyo na!"

Pero naging mabilis na ang pagkilos nila. Pumunta sa likuran ko ang tatlo at halos daganan ako upang mapigilan. Hinawakan ako ng dalawa pa sa magkabilang binti. Kasabay niyon ay nagkani-kaniya silang himas sa iba't ibang parte ng hita ko at braso. Kahit anong sipa at tadyak ko ngayon ay wala nang magawa. Natigilan ako nang mapanood ko ang hayop na driver na bumalandra sa harap ko at maghubad.

Nakapikit akong sumipa nang sumipa, kahit anong pigil nila. Lalo pa akong nagkumawala kahit pa nakakapanghina.

Paulit-ulit akong sumigaw ngunit tawanan lang ang isinisigaw nila. Nang magmulat ako mga nakatunghay na ang karamihan sa akin. Para silang mga halimaw na sabik na sabik sa laman. Mapupula ang mga mata at nanlilisik pa. Nalanghap ko lalo ang nakakadiring amoy ng alak mula sa mababahong mga bibig nila.

"Isa-isa lang 'kamo, hindi ba? " nakangising hamon pa ng driver. "P'wes, ako ang mauuna! Nakakapanggigil ka!"

"Parang awa mo na, 'wag! 'Wag!"

"Pero gustong-gusto ka nitong alaga ko, oh?" ipinakita niya pa sa 'kin iyon!

Pilit kong iniiwas ang paningin ko. "Nakakadiri ka!"

"Sa una lang 'yan, pero kapag tumagal ay magugustuhan mo rin"

"Huwag!" umiiyak nang sigaw ko. "Parang awa niyo na," paulit-ulit, humahagulgol nang pakiusap ko. "Natatakot na ako, please, 'wag..."

"Magmakaawa ka habang niroromansa kita, binibini, mas gusto ko iyon"

"Huwag..." Gusto ko nang humingi ng tawad sa sarili ko. Dahil bagaman kaya pa ng isip at kaluluwa ko, pagod na ang katawan ko. "Please. Pakawalan na ninyo ako."

Ngunit hindi ito nagpatinag. Lumuhod ito sa harapan ko sa kabila ng pagmamakaawa ko. Lalo akong sumigaw nang magsimula itong sumilip paibaba sa skirt ko. Muli akong nagkukumawag nang maramdaman ang kamay nitong dumadausdos paakyat sa hita ko.

"Huwag!" pinuno ng sigaw ko ang katahimikan ng lugar.

Kasunod niyon ay ang sunod-sunod at mahahaba na busina mula sa kung saan. Magkakasabay na liwanag ang lumapit sa 'min. Bigla ay umere ang maingay na sirena, pinuno ng kulay pula at asul na ilaw ang dilim. Naramdaman ko na ang tulong, alam kong ligtas na ako, pero ang naubos kong pag-asa ay hindi kayang buhatin ang katawan ko papalayo sa mga ito.

Napamura ang driver. "Sino ang mga iyan?"

"Tara na, p're, may mga parak!" anang isa pa, nabitiwan ako sa takot.

"Mga hayop kayo," hindi ko na halos maisigaw pa iyon. Umiiyak kong pinanood ang aligaga nilang pag-uunahang tumakbo.

"Deib..." usal ko. "Deib!" nanghihina kong sigaw. Mabilis na nanlabo ang mga mata ko, gusto kong mawalan na lang ng malay bigla.

Luhaan kong binuhat ang sarili, halos mapaluhod ako nang unang sumubok. Sinikap kong itayo ang sarili saka iika-ikang sinalubong ang sasakyan ni Sensui.

Nagmadali siyang bumaba upang takbuhin ako. "What happened to you?" sigaw niya. Galit. Nanggagalaiti. Naninisi. Iyon 'yong sigaw na gustong magwala. "Tell me, what happened!"

Napatitig ako sa kaniya at hindi nakapagsalita. Napailing ako saka yumuko. Umiiyak. Nagsisisi. Natatakot. Nanginginig. Umiling ako nang umiling, hindi ko nagawang tingnan muli siya sa mga mata. Nanghihina ako sa takot.

"What did you do to my girlfriend?" Hindi ko akalaing maaabutan pa rin ni Sensui ang driver ng jeep. Nagulat ako nang bumunot siya ng baril at tutukan ito. "Anong ginawa mo sa girlfriend ko!" paulit-ulit niyang minura ang mga ito.

"Deib..." natutulirong sambit ko. Patuloy sa pagluha ang mga mata ko pero hindi na umiiyak ang mukha ko. Saan niya nakuha iyon? Paano siya natutong humawak niyon? Iyon ang unang naisip ko.

"Papatayin kita," mariing banta ni Sensui.

"Deib," agap ko, hinawakan siya sa braso.

Galit siyang sumulyap sa 'kin. "Get in the car,"mahinahon ngunit maawtoridad niyang utos. Ngunit hindi ako matinag ng gulat ko, natuon ang paningin ko sa baril at saka muling tumingin sa mga mata niya. "Get in the fucking car,"pilit niyang itinatago ang nagkukumawalang galit.

Hindi ko malaman ang gagawin ko. Lalo akong kinakabahan sa ginagawa niya. What are you planning to do?Hindi ko maisatinig iyon.

"Hoy!" sigaw ni Sensui sa papalayo nang mga hayop.

"Deib, please, 'wag," hinabol ko ang braso niya. "Please..." Yumakap ako at tiningala siya.

Nagtiim ang bagang niya. "I said get inside the car, Maxpein," nagpapasensya niyang wika. "I'm running out of patience."

"Magsitigil kayo!" sigaw ng pulis, mabilis na napalibutan ang mga lalaking dumakip sa akin. Lumapit ang hepe sa amin. "Sir, siya ba ang girlfriend ninyo?"

"Oo," mapaklang sagot ni Sensui.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit wala sa akin ang masama niyang tingin. Isinauli niya ang baril sa hepe. Sinipat ng hepe ang kabuuan ko, halatang gustong magtanong ngunit napipigil ng masamang hitsura ni Sensui.

"Salamat. Mauuna na kami," bigla ay kinuha ni Sensui ang kamay ko. Naramdaman ko ang diin nang pagkakahawak niya. "Kayo na ang bahala dito."

"Makakaasa kayo, sir," tugon ng pulis saka bumaling sa akin.

"Aray," nauutal kong sabi nang halos kaladkarin ako papalayo ni Sensui. "Nasasaktan ako."

Pahagis niyang binitiwan ang kamay ko nang iharap niya ako sa pinto ng kotse. Doon ay nasalubong ko ang nagtatangis niyang panga at nagliliyab sa galit niyang mga mata. "Sino ang may sabi sa iyo na umalis ka sa bahay?" tiim-bagang niyang tanong. Hindi ako nakasagot. Ang isip ko ay sinisisi rin ako. "Look at you," pinasadahan niya nang masamang tingin ang kabuuan ko. "Get in."

Nakayuko ko siyang tinalikuran. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko magawang humawak nang ayos sa pinto ng sasakyan. Hindi kapani-paniwala ang panginginig ko, ultimong labi ko ay nangangatal.

"Damn it, Maxpein!" gilalas ni Sensui saka isinara ang pinto upang yakapin ako. Napakahigpit ng yakap niya dahilan para lalo akong maluha. Isiniksik ko ang sarili sa dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok ko. "Kung may nangyari sa 'yo,sino ang tutulong sa 'yo rito?" mahinahong tanong niya ngunit nandoon pa rin ang galit. "Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo!"

"I'm sorry..," tugon ko. Lalong humigpit ang yakap niya.

Kumawala siya mayamaya saka tiningnan ang kabuuan ko. Hinawi niya ang hibla ng buhok sa mukha ko. Marahan niyang pinunasan ang pisngi at labi ko. Kinuha niya ang braso ko at sinipat ang balat ko. Maging ang mga hita at binti ko ay sinamaan niya ng tingin. Ang suot ko ipinagbuntong-hininga niya nang pagkalalim-lalim.

"Sumakay ka na," malamig na naman ang tonong aniya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at halos itulak papasok. Galit talaga siya.

Muli akong naiyak nang makaupo. Humuhupa na ang kumakabog kong puso pero ang takot ay buhay pa. Tuloy ay muli kong kinuwestiyon ang sarili kong kakayahan. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili kung bakit wala akong ginawa? Kung bakit wala akong nagawa? Kung bakit hindi ko nagawang lumaban?

Alam ko ang dahilan. Malalaki ang kanilang katawan. Pero hindi sapat ang nagawa ko. Kulang na kulang iyon kung lakas ko ang basehan.

Nag-angat ako ng tingin nang hindi maramdaman ang paglulan ni Sensui. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita itong walang-awang pinagsasasapak ang driver ng jeep. Paulit-ulit na suntok sa walang kalaban-laban na lalaki.

Humahangos akong bumaba at patakbong lumapit sa kaniya. "Deib, enough!" asik ko. Wala akong pakialam sa driver, hinihiling kong mas matindi pa ro'n ang tamuhin nito. Pero hindi kailangang si Sensui ang gumawa no'n. Hindi pwedeng madungisan ang kamay niya nang maruruming hayop.

"Tarantado kang gago ka!" sigaw pa ni Sensui sa driver, halos dutdutin ito ng daliri sa mga mata.

"Deib!" muling awat ko dahilan upang matigil siya sa akmang pananapak.

Nilingon niya ako nang may nag-aalab sa galit na tingin. "Sinabi ko bang bumaba ka?"

"Tama na."

"Go back in the car, babe."

"Let's go home, please," naluluha na namang pakiusap ko. Pero nanggigigil niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Napapikit siya sa galit nang makita ang mga tuhod ko.

"Fuck," napapapikit niyang sambit. 'Tsaka sinapak ang driver. "Fuck you!" Nginisihan siya ng driver saka natatakam na sumulyap sa 'kin. Maagap na tinakpan ni Sensui ang mata ko saka ako isinubsob ng pilit sa kaniyang dibdib. "Ulol, mamatay ka na! Gusto kong makulong ang lahat ng hayop na 'to, naiintindihan mo?" batid kong ang pulis na ang kaniyang kausap sa huli.

"Nasa kanila ang pouch ko," sabi ko. Lalo akong idiniin ni Sensui sa kaniyang dibdib.

Naramdaman ko nang may hablutin si Sensui. Ngunit nagulat ako nang bigla niya akong bitiwan. Walang ano-ano ay sinipa niya ang driver sa tiyan at bago ito tumimbawang ay muling sinipa sa dibdib. Paulit-ulit niya itong minura at isinumpa na mawalan ng buhay.

Hinablot muli ni Sensui ang kamay ko. "Bumalik ka na sa kotse."

"Hihintayin kita," binawi ko ang kamay ko.

Tumiim ang bagang niya. "Hindi ka talaga sumusunod sa 'kin, Maxpein," galit niyang sinabi. "Sobrang tigas niyang ulo mo," asik niya. "'Wag mo 'kong galitin," banta niya, palihim akong naluha.

Bago pa man siya makalapit sa 'kin ay tinalikuran ko na siya. Halos takbuhin ko pabalik ang kotse at mabilis na sumakay. Umiyak ako nang umiyak. Pakiramdam ko ay ang hina-hina ko. Alam kong dala iyon ng takot dahil sa kawalan ko nang lakas na lumaban.

Sa tanang buhay ko ay noon ko lang iyon naranasan. Noon ko lang naramdaman ang kakaibang takot na iyon. Iyong takot na hindi ko ikamamatay. Iyong takot na dulot ng kaalaman kong posible akong ma-rape ng mga iyon dahil sa sarili kong kamalian. Iyong takot na hindi ko kilala, hindi pamilyar sa akin, at ipinagtataka ko na inaalis ang kakayahan kong lumaban.

Mabilis na sumakay si Sensui. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Take that off," turo niya sa manipis at nasira kong panlamig. Hinubad niya ang suot na jacket at padabog na iniabot sa 'kin. "Wear that. I don't want to see any part of your skin," malamig niyang dagdag.

Matulin ngunit tahimik naming nilisan ang lugar. Noon ko lang napagtanto kung gaano iyon kalayo. Gusto kong magsalita at muling humingi ng paumanhin. Pero ang paulit-ulit at malalim na buntong-hininga ni Sensui ang pumipigil sa 'kin.

Nagulat ako matapos madatnan ang sasakyan nina Chairman Moon at Maxwell sa bahay ng mga Enrile. Nagtataka kong nilingon si Sensui pero inunahan niya na akong bumaba. Dumeretso siya papasok at hindi ako isinabay.

"Where is she?" tinig agad ni Maxwell ang nangibabaw. Nanlumo ako at napapikit. "Bullshit," asik niya matapos akong makita. Lumapit siya at niyakap ako. "What happened to you, Maxpein?"

"Sesanghe..." anas ni Chairman Moon. Lalo kong naibaba ang tingin. "Are you alright?" naniniguro ang tinig niya. Iyong tipong kapag sumagot ako ng hindi ay paniguradong may kalalagyan ang mga lasenggong iyon kanina.

Hindi ko nagawang salita. Noon ako nilapitan ni Mrs. Enrile at niyakap. "Thank God you're safe." Iginiya niya ako paupo saka hinaplos ang aking mukha.

Ang lahat ng pamilya ni Sensui ay naro'n. Nag-aalala ang tingin nila sa akin. Ipinagpapasalamat kong sina Maxwell at Chairman Moon lang ang naro'n. Dahil kung nandoon din sina More, Mokz, lalo na si Maze, ay paniguradong hahaba ang gabing ito.

Lumapit si manang upang abutan ako ng tubig. Gano'n na lang katindi ang kaba ko. Dahil kahit anong pilit ko ay hindi mapirmi sa paghawak sa baso ang nanginginig kong kamay.

Yumuko si Maxwell sa harap ko. "What are you thinking, Maxpein?" seryoso niyang tanong habang ang paningin ay nasa bitbit na first aid kit. "Bakit ka umalis nang mag-isa?"

"Hindi ko alam na gano'n ang mangyayari," matagal bago ako nakasagot. Hindi ko alam kung paanong ipaliliwanag sa kanila ang naging sitwasyon, lalo na ang kahinaan ko nang sandaling iyon.

"Look at yourself." Batid kong pilit na itinatago ni Maxwell ang inis. "You're not thinking." Umiling siya at bumuntong-hininga. "What happened?"

"Wala," nag-iwas ako ng tingin. "Pinagtutulak lang nila ako."

"Walang ginawa sa 'yo?" maagap niyang tanong. Napalunok ako.

Tumingin ang lahat sa akin, naghihintay sa sagot ko. Lalo na si Sensui na noon ay noon ko lang nakitang tumingin nang ganoon kasama sa akin.

Umiling ako. Nasapo ni Sensui ang noo, nakahinga nang maluwang. Sumalampak siya ng upo sa single sofa at galit pa ring tumingin sa 'kin.

"Tapusin mo 'yan at umuwi ka na. Sumabay ka sa kuya mo," malamig na utos niya. Parang kinurot ang puso ko.

"I want to stay here," mahinang tugon ko.

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "And then what? Aalis ka na naman kapag nagalit ka sa akin? Nang ganiyan ang hitsura mom at mapapahamak ka na naman?" He's really mad.

"Deib Lohr, hijo," nananaway na tawag ni Mrs. Enrile.

I want to cry. Hindi ako nakasagot. Naiiyak ako hindi lang dahil sa galit ni Sensui. Kundi dahil na rin sa mariing pagkakadampi ng gasa ni Maxwell sa bawat sugat ko.

"No," muling ani Sensui. "It's better if you stay at home."

"Ano ang sabi ng mga pulis, hijo?" tanong ni Chairman Moon.

"Ikukulong nila ang mga 'yon. Anim na lalaki at malalaki ng mga katawan. Halos malalaki pa ang mga katawan no'n kay lolo! Tsk! Naba-badtrip ako sa 'yo, Maxpein," singhal na naman niya.

"Huminahon ka, hijo," saway na naman ni Mrs. Enrile.

"Paano kung may nangyari sa 'yo ro'n?" Akala ko ay tapos na ang pag-aamok ni Sensui. "Papatayin mo 'ko sa pag-aalala sa 'yo."

"Hindi ko naman sinasadya, eh," pigil ang luha na sagot ko.

"Wala naman kasing nagsabi sa 'yong umalis ka. Ang sabi ko lang ay maghintay ka," nagsisimula nang tumaas ang boses niya. "Wala akong sinabing umalis ka, Maxpein. Now look what happened to you? Paano kung napahamak ka ron, ha? Sige nga."

"Wala namang nangyari sa akin"

"'Wag ka nang magsalita," angil niya.

Nagbaba ako ng tingin dahilan para magtama ang mga mata namin ni Maxwell. Umiling siya. "He was really mad when he called me. Kahit ako ay nasigawan. Nagkamali ka, Maxpein," pabulong niyang sinabi. "Nasaan pa ang ibang sugat mo?" Inilahad ko sa kaniya ang siko ko.

"Aakyat na ako," paalam ni Sensui. Dagli ko siyang hinabol ng tingin, nakasulyap na siya sa akin. "Sa susunod na pagkikita natin, ayaw ko nang makita 'yang mga sugat na 'yan," banta niya habang masama ang tingin sa braso ko.

Nanlumo ako nang magmadali siyang umakyat. I want to go after him but Maxwell is not done yet. I really wanted to cry. Pero ang presensya ng pamilya ko ang pumipigil sa 'kin. I don't want them to see me crying.

Tumikhim si Chairman Moon. "Mauuna na ako. Aasikasuhin ko iyong mga lalaki na gumawa sa iyo niyan,"itinuro niya ang sugat sa mukha ko.

"Hawak na sila ng pulis, Chairman," nagbaba ako ng tingin.

"I know." Ngumiti siya. "Ngunit kailangan nilang dumaan sa mga kamay ko. Sino man ay walang karapatang manakit sa kahit na sinong myembro ng aking pamilya,"maawtoridad niyang sinabi nang may naninindak na tingin. Hindi na ako sumagot. "Maxwell? Hindi ka pa ba tapos?"

"I'm done." Tumayo si Maxwell upang alalayan ako. "Let's go, Pein."

"Dito lang ako," tanggi ko. Nangunot ang noo nila. Ngumuso ako at nagbaba ng tingin. "I want to stay here." Bumuntong-hininga si Chairman Moon. "Please."

"Alright. Let's go, Maxwell Laurent." Hinarap ni Chairman Moon ang magulang ni Sensui. "Kayo na muna ang bahala sa aking apo. May katigasan talaga ang ulo ng isang iyan. Magpapaiwan na lamang ako ng bantay para sa kaniya at gayon na rin sa inyo."

"Makakaasa kayo, Chairman Moon," tugon ni Mr. Enrile saka tumango.

"Salamat." Lumapit sa akin si Chairman Moon. Tumayo ako upang tumango. "Oras na makauwi ka ay simulan mong mag-ensayo. Babantayan kita, Maxpein Zin."

Kunot-noo akong napabuntong-hininga. "Yes, Hwejang-nim." Nagulat ako nang yakapin ako ng Chairman bago talikuran.

Hinawakan ni Maxwell ang mukha ko at sinigurong nagamot ang lahat ng sugat ko. "Take care of yourself. Don't go out alone," habilin niya. 'Tsaka pinahiran ang mga mata ko gamit ang panyo.

"Take care," tugon ko saka pinanood ang pag-alis nila.

Inihatid sila nina Mr. and Mrs. Enrile. Agad namang lumapit sa 'kin si Dein at niyakap ako. "We were all worried about you, Maxpein," nag-aalala niyang sinabi.

"I'm sorry."

"No, we're sorry. Hindi ka sana namin hinayaang umalis mag-isa. Nag-alala nang todo si Deib Lohr sa 'yo. Lalo na nang tumawag ka."

"Kay manang lang ako nakapagpaalam. It was my fault."

Tumango siya saka hinagod ang likuran ko. "Nag-away ba kayo?" Tumango lang ako ngunit hindi nagsalita.

"Pasensya na at naging pabaya ako," ani manang. Umiling ako. "Mabuti naman at hindi ka napaano, hija," hinaplos niya ang ulo ko "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Wala na bang ibang masakit sa 'yo?"

"Wala na ho, salamat," tugon ko.

"Maxi, hija," muling lumapit sa akin si Mrs. Enrile nang makabalik. "Sige na, umakyat ka na sa guest room at magpahinga."

"Ipaghahanda kita ng pampaligo mo at isusuot," prisinta ni manang.

Bago dumeretso sa guest room ay nalingunan ko ang kwarto ni Sensui. Sana ay 'wag na siyang magalit. Nang makapasok sa banyo ay doon ko niyakap ang kaniyang jacket saka muling naluha. "I'm sorry kung naging mahina ako, babe."

Naiyak ako sa sakit, sa hapdi at sa takot. Lalo na nang muli kong maalala ang pakiramdam at hitsura ng mga hayop na lalaking iyon.

Hindi ko alam kung bakit ko piniling manatili rito sa kabila ng kahihiyang inabot ko.

Alam kong gusto akong pagalitan ni Chairman Moon pero wala siya sa sariling teritoryo. Si Maxwell ay gusto rin akong batukan, sigurado ko, pero nahihiya siya sa mga makakakita nito. Paniguradong nagtataka ang mga iyon kung bakit inabot ko ang ganito. Nasisiguro kong nagtatanong na ang mga iyon kung bakit hindi ko nagawang lumaban. Kahit pa sinabi ni Sensui na malalaki ang mga lalaking 'yon.

Lumusong ako sa bath tub. Agad na guminhawa ang pakiramdam ko sa mainit na tubig. Noon ko lang na-appreciate ang umaalingasaw na bango ng liquid soap. Nararamdaman ko ang hapdi sa iba't ibang parte ng katawan ko. Sa tuhod, binti, braso, kamay at nguso. Pati ang tiyan ko ay medyo masakit dahil sa lakas ng pagkakasuntok doon. Ang anit ko ay mabigat at mahigpit ang pakiramdam dahil sa pagkakasabunot doon.

Tumikom ang mga binti ko nang sumagi sa isip ko ang nakakadiring nangyari kanina. Pagpikit ko ay nagtuloy-tuloy na naman ang aking luha.

Mahigit kalahating oras akong nanatili sa banyo. Nangiti ako nang makita ang pares ng pantulog na inihanda ni manang. Iyon 'yong binili namin ni Sensui kaninang umaga lang. Plantsado na at agad na umalingasaw ang bango nang iladlad ko. May pares din ng undergarments na nakatupi sa pagitan ng blusa at pyjama. Sa gilid ng mga iyon ay maliit na first aid kit.

Tiningnan ko sa salamin ang kabuuan ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ay sariwang sugat na nasisiguro kong dahil sa patalim. Kumuha ako ng gasa at pinatakan iyon ng gamot. Tinakpan ko ang sugat at hindi na ininda pa. Nakangiti kong pinagmasdan ang sarili ko matapos magbihis.

"Hija?" bigla ay pumasok si manang. "Maigi at tapos ka na."

"Late na, manang, bakit hindi pa kayo natutulog?"

"Aba'y hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nakikitang maayos ang lagay mo."

Ngumiti ako. "Ayos na ako, manang. Salamat."

Napabuntong-hininga. "Siya, sige. Puntahan mo na lamang sa kwarto si Deib Lohr at yayain mong kumain. Ipinaghanda ko kayo ng mainit na sabaw."

"Salamat, manang."

Kabado akong napatitig sa pinto ng kwarto ni Sensui. Ilang saglit pa akong humugot ng lakas ng loob bago kumatok.

"Pasok," tinig ni Sensui.

Marahan kong binuksan ang pinto. Lumingon si Sensui at nagulat matapos akong makita. Agad siyang bumangon mula sa prenteng pagkakahiga sa kaniyang braso.

"What are you doing here?" hindi niya inaasahang nandoon pa ako sa kanilang bahay. Nakagat ko ang labi saka napapahiyang bumaling papalabas. "Hey," pigil niya saka ako sinenyasang tumuloy.

Matagal bago ko nailapat ang pinto pasara, sobrang kaba. Ilang beses akong napalunok bago humarap at tumingin sa kaniya.

Galit talaga siya. Namasa na naman ang mga mata ko.

Sa halip na lapitan ako ay muli siyang nahiga sa braso. Kunot-noo niyang itinutok ang paningin sa telebisyon. At nang gumalaw ang mga mata niya pabalik sa 'kin ay nag-iwas ako ng tingin.

"Alam mo ba 'yong pagkakamali mo?" panimula niya pero hindi ako sumagot. "Answer me."

"Oo."

"Uulit ka pa? "

"Hindi na."

"Tch. Sa ugali mo, hindi ka na uulit? Eh, matigas pa sa bato 'yang ulo mo?" singhal niya. Nanatili naman akong nakayuko. "Kasasabi ko lang na umuwi ka na, ano pang ginagawa mo dito?"

Nanlumo ako sa pagkapahiya. "I want to stay here."

"Eh, di matigas nga ang ulo mo?"

Napanguso ako sa sama ng loob. "If you don't want me here, fine, I'll go home"

"'Tapos sasakay ka na naman ng jeep, mapagti-trip-an at magkakaganiyan?" sarkastiko niyang angil.

"What do you want me to do, then?" asik ko, hindi na mapigilan ang nangingilid na luha. "Magpapasundo na lang ako kay Maxwell."

"Sige. Ingat," malamig niyang tugon. Doon tumulo ang mga luha ko. Parang bata, mukhang tanga at nakakaawa.

Marahan akong tumalikod papalabas. Agad akong dumeretso sa guest room at doon nakayukong umiyak.

Napakasama ng ugali niya. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong mag-sorry at maglambing. Napakasama ng ugali. Bakla!

Gano'n na lang ang gulat ko nang bumukas ang pinto. Dagli kong pinahid ang mga luha at bumaling sa pinto. Napalunok ako matapos mamataan si Sensui, nakapamulsa at matalim ang tingin.

Gusto kong pagalitan ang sarili matapos magpigil ng ngiti nang mapansing magkaterno ang mga suot namin.

"Lumapit ka sa 'kin," utos niya. Matagal bago ako nakakilos. "Look at me," muling aniya. Matagal bago rin ako nakasunod. "Papatayin mo ba ako?"

Hindi ko inaasahan ang tanong niya. "Ha? Hindi."

"Pinag-alala mo 'ko." Bagaman kalmado ay nanunumbat ang tinig niya.

Nakonsensya ako. "I'm sorry."

"Nabawi ba 'yon ng sorry mo?"

"Hindi."

"Then stop saying sorry." Bumalik ang pagiging masungit niya. Nagbaba ako ng tingin. "Keep your eyes on me," singhal niya, dali-dali akong sumunod. Naglaban ang mga tingin namin, lalo tuloy akong nailang. "Bakit ka umalis kanina?"

"Nagalit ako sa 'yo."

"Why?"

"Parang may kakaiba kasi sa 'yo."

"Ano 'yon?" malamig talaga ang pakikitungo niya. At nasasaktan ako sa simpleng bagay na 'yon. Hindi ko alam kung bakit gano'n katindi ang emosyon ko sa sandaling iyon.

Muling nangilid ang mga luha ko. "Hindi ka kasi masiyadong kumikibo. Nakakapanibago."

"Nagagalit ba ako sa 'yo kapag ikaw ang walang kibo?" sarkastikong aniya. Umiling ako. "Sapat na ba 'yon para umalis ka nang walang paalam?" Umiling muli ako. "I begged for you to stay here, ilang beses mo akong tinanggihan. Tapos bigla kang umalis nang walang paalam."

"Tinanggihan mo rin naman ako, ah?" nabigo akong itago ang inis at panunumbat.

Bumuntong-hininga siya saka tinalikuran ako. "Mag-usap tayo mamaya."

"Nagugutom ako," habol ko. Natigilan siya at inis na namang nilingon ako. Matalim agad ang kaniyang tingin. Napalunok agad ako. "Pero kaya ko pa namang tiisin,"biglang bawi ko. "Matutulog na lang ako."

"Go downstairs and eat."

"Hindi na lang," nakangiting tanggi ko. Sumama pa lalo ang tingin niya. "'Eto na nga," dagli akong tumalima.

Ngunit bago pa man ako makalabas ay iniharang niya ang braso at itinuon iyon sa pinto. Dagling nanuyo ang lalamunan ko sa sunod-sunod na paglunok.

Walang emosiyon ang kaniyang mukha ngunit kaytalas ng tingin. Lalo akong napalunok nang bumuntong-hininga siya na animong simot na simot na ang pasensiya.

Gusto kong maluha. Ano na naman ba ang ginawa ko?

"Naba-badtrip pa rin ako sa 'yo, alam mo ba 'yon?" humina ang boses niya, may tono ng galit pero mas malumanay na kompara kanina.

Humakbang siya papalapit dahilan para mapaatras ako at masandal sa dingding. Itinuon niya ang parehong palad sa magkabila kong tagiliran saka ako hinarap. Nang ilapit niya ang mukha sa 'kin ay umiwas ako at napapikit. "Wala akong sinabing alisin mo sa 'kin ang paningin mo."

"Oo, oo," utal na tugon ko saka muling sinalubong ang tingin niya. Damn it! Bakit ba ganito na lang ang takot ko ngayon sa kaniya? Ako ba talaga ang mali? Nag-sorry na ako, ilang beses ba dapat 'yon? Nakakainis naman 'to.

"Alam mo naman siguro kung ano ang makapagpapawala sa galit ko?"

Napatitig ako sa kaniya at muling lumunok nang lumunok. Ang kaninang malamig niyang titig ay unti-unting nalusaw. Pakiramdam ko ay maagap niyang sinusuri ang bawat anggulo ng mukha ko.

"Nababagot ako sa kahihintay ng sagot mo, Maxpein."

"Oo."

"Anong oo?"

"Alam ko kung paano mawawala 'yong g-galit mo," utal kong tugon, nagloloko ang sistema.

"Bakit hindi mo ginagawa?"

"Nag-aalala ako, baka hindi mo magustuhan."

"Tch." Nameke siya ng tawa, nag-iwas ako ng tingin. "Sinabi kong 'wag mong aalisin ang tingin sa akin."

Ngayon lang ako kinabahan nang gano'n sa t'wing magtataas siya ng tono. Tuloy ay tila alipin akong sumusunod, napapatalon pa sa gulat. May parte ng isip ko ang nagbabanta at sinasabing lintik lang ang walang ganti.

"Ako, hindi magugustohan ang halik mo? Sinong niloko mo, Maxpein?" muling aniya.

"Hindi naman sa gano'n."

"Gawin mo ngayon."

Napamaang ako. "Ha?"

Tumaas ang kilay niya. "Sinabi ko na at hindi ko na uulitin."

"Hahalikan kita?" nagugulat kong tanong. Napabuntong-hininga siya, mas lalong tumalas ang pagkakatitig sa akin. "Oo, oo," nagpapaalipin na namang sabi ko.

Ilang beses kong binasa ang labi ko dahil sa matinding el niño na nangyayari ro'n. Nagkakandabiyak-biyak ang labi ko sa sobrang pagkatuyo. Sumulyap ako sa kaniyang labi, nagtatanong kung alin sa dalawa ang una kong dadampian. Nalilito ako.

"Itatabingi ko ba ang ulo ko?" utal na tanong ko. Napapikit siya sa inis. Sa isip ako umiyak. Ano ba kasi ang gagawin?

Nawawalan na ako ng pag-asa. Naiiyak na naman ako sa sobrang sama ng loob. Kung tutuusin ay simpleng bagay lang 'yon. Pero natetensyon ako sa paraan ng pakikitungo niya. Napakasama ng ugali niya para gawin sa 'kin 'to.

"Ako ang gagawa, 'wag kang gagalaw," maawrtoridad niyang sinabi. Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil mabilis niyang sinunggaban ang labi ko.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi niya. Kasabay niyon ay ang sunod-sunod na patak ng luhang namuo kanina sa mga mata ko. Napakasarap ng pakiramdam. Parang iyon na ang pinakamasarap na paraan niya ng paghalik. Napakamalumanay, napakalambot, napakabagal at hindi naghihintay ng tugon. Gayong inaasahan kong mararamdaman ko ang galit niyang hanggang doon.

Pero kinabahan ako nang marahan niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko. Dagli akong nagmulat at matagal bago nagtama ang aming paningin. Ang namumungay niyang mga mata ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa 'kin. Nagpatuloy siya sa paghalik, mas ninanamnam ang sandali habang nakangiti.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa kaba. Marahan kong naitikom ang aking bibig dahilan upang matigilan siya. Dahan-dahan siyang nagmulat at binigyan ako ng nagtatanong na tingin.

"Nagugutom na ako," nagkandautal-utal na palusot ko.

Nangunot ang kaniyang noo saka umismid. "Go downstairs and eat."

"Samahan mo ko," nakangusong tugon ko. Sumama na naman ang tingin niya. Mga tingin na dapat ay nasa mga mata lang ngunit dahan-dahang bumababa sa aking labi. Tila natutukso sa hindi malamang dahilan. Muli akong kinabahan. Tama na! Tsk. Adik. Kusa rin siyang nag-iwas ng tingin matapos niyang tumitig ng ilang segundo sa mga labi ko.

"Kumain ka nang marami."

"Hindi ko kayang kumain nang marami, babe."

"Eh, di 'wag mo akong tawaging babe."

"Kakain pala ako nang marami, Sensui," bawi ko. Tinalikuran niya na ako at nagpaumunang lumabas.

Inilapag niya ang isang pares ng pink na tsinelas sa harapan ko matapos ko siyang sundan. Hindi ko inaasahang kukunin niya ang bawat binti ko, papagpagin ang talampakan saka isusuot sa akin ang mga iyon. Hindi ko naiwasan ang mapangiti. Ngunit agad ding nawala ang ngiti nang samaan niya na naman ako ng tingin.

"Salamat, Sensui."

"Deib ang pangalan ko."

"Deib Lohr."

"Deib."

"Babe," nakangiti kong sabi. Pinagkunutan niya ako ng noo. "Eh, di Deib." Tss.

Kinuha niya ang kamay ko saka ako marahang hinila pababa. Palihim na naman akong nangiti. Ngunit sa isip ay sakal-sakal ko na siya.

Saan kaya nagmumula ang tapang nitong bwisit na 'to? Ang laki naman yata ng ipinagbago niya? Nawawala 'yong bading ko.

"Maupo ka," utos niya. Sumunod naman ako.

Tiningnan niya isa-isa ang nakalatag sa mesa. Hindi pa man siya nakakapagsalita uli ay bumungad na sa 'min si manang nang may ngiti sa labi. "Aba, napakaganda ninyong tingnan," papuri ni manang. Napangiti naman ako.

"Wala akong oras makipagbiruan, manang, nagugutom ang bisita ninyo."

Natinag ako at inis na nilingon si Sensui. Bisita ninyo?

"Deblor, hijo, ano ka ba naman?" saway ni manang. Pero inirapan lang siya ni Sensui saka naupo sa harap ko. "Ipaghahanda ko kayo."

"I'm not hungry," masungit na ani Sensui.

"Oh, eh, di, si Maxi na lang."

"Maxpein ang pangalan niya."

Kunot-noo akong ngumuso. What's wrong with this gay guy?

Tila nakuha ni manang ang mood na iyon ni Sensui. Kaya naman walang sali-salitang inasikaso na lamang ako nito. Ipinaghain niya ako ng umuusok at napakabangong sopas at malamig na apple juice.

"Salamat, manang," magiliw kong sabi.

"Kumain ka nang marami, Maxpein, hija." Nakakatawa ang pagkakadiin ni manang sa pangalan ko. "Sige na, maiwan ko na muna kayo riyan. Tawagin mo lamang ako kung may kailangan ka."

"Matulog na kayo, manang." Hindi nawawala ang pagsusungit ni Sensui. "Salamat."

"Oh, sige, ikaw na ang bahala sa bisita namin, hijo," nang-aasar na diniinan ni manang ang mga huling sinabi.

Gusto kong matawa. Pero hindi ko magawa dahil hindi inaalis ni Sensui ang paningin sa 'kin habang nakahalukipkip sa harapan ko. "Kumain ka na," utos niya.

"Sabayan mo ako."

"Hindi ako gutom," malamig pa ring tugon niya. Napangiwi naman ako saka nakangiting hinipan ang sopas. "Makakailang ihip ka ba bago ka sumubo?" inis na namang tanong niya. "Hindi ba't sanay ka namang kumain nang mainit sa Korea?"

"Dahil malamig doon," dahilan ko. "Iangat ko lang nang ilang segundo ang umuusok na sopas ay lumalamig na."

"Sige na, napakarami mong dahilan," asik niya. Napanguso na lang ako. "Magdahan-dahan ka dahil pati labi mo ay may sugat."

Tss. Nag-aalala rin naman, ang dami pang sinasabi! Kanina, pinagmamadali ako. Tapos ngayon, pinagdadahan-dahan niya ako? Abnormal talaga.

Dalawang beses akong humigop ng sopas saka sumimsim ng apple juice. Malasa at masarap. Hindi ko naiwasang pasalamatan si manang sa isip habang ninanamnam ang lasa.

"Ano ang inginingiti-ngiti mo d'yan?" masungit na namang ani Sensui.

"Ha? Nakangiti ba ako?" nakangising tugon ko. Hindi siya sumagot. "Ang sarap kasi nitong sopas at juice. Gusto mo?" alok ko. Ngunit tila babae siyang umismid. Palihim ko siyang nginiwian. "Pwede kitang subuan kung gusto mo," bulong ko pa saka muling sumubo.

"Bilisan mo d'yan, inaantok na ako."

"Gano'n ba? Sige, mauna ka na sa 'taas," nakangiti kong sagot. Ngunit natigilan ako nang samaan niya ako ng tingin.

"Kanina ay nagpapasama ka sa 'kin, tapos paalisin mo ko?"

"Hindi na."

"Tch!"

"Susubuan na lang kita."

"Bakit? Hindi mo ba mauubos 'yan? Kaunti lang iyan. Hininto mo 'yong ginagawa natin para d'yan kaya ubusin mong mag-isa 'yan!"

Naglapat ang mga labi ko, at napabuntong-hininga. 'Ayun... Kaya naman pala nagalit ay dahil nahinto ang paghalik niya. Tsk tsk. Magaling, magaling, magaling.

Muli akong nagtuloy sa pagkain. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magkrus ng mga braso at tumitig sa 'kin. Nang matapos ay dumighay ako sa harapan niya dahil hindi ko na iyon napigilan pa. Tumayo ako at inayos ang pinagkainan ko saka dinala ang mga 'yon sa sink.

"Ako na," prisinta niya. Palihim naman akong nangiti. Lumapit siya sa 'kin at dinunggol ako dahilan upang mapatabi ako. "Alis d'yan," utos niya, nananadya.

Palihim ko siyang inambaan ng suntok. Napakasungit! Tss.Kunot-noo kong pinanood ang ginagawa niya. Napakawalang-kwenta niyang maghugas ng pinggan. Para iilang piraso ng mangkok, kutsara't baso kasi ay nagprisinta pa. Tss. Paglalaba at hindi paghuhugas ang ginagawa niya.

Kinukuskos niya nang maigi ang plato na animong may putik iyon. Gano'n na rin ang kutsara at baso.

Ngunit sa halip na laiitin nang palihim ang katangahan niya ay naglambing ako at yumakap mula sa kaniyang likuran. Bahagya niyang ikinagulat iyon pero hindi nag-abalang lingunin ako.

"Sorry na, babe?" mahinang sambit ko.

"Deib."

Ngumuso ako. Galit pa rin? Tss. "Ayaw mo na bang tawagin kitang babe?"

Hindi siya sumagot hanggang sa matapos. Ngunit hindi rin ako kumalas. "Let go of me, Maxpein."

Umiling ako. "No," nagtonong bata.

Humarap siya sa 'kin at iniangat sa ere ang mga basa niyang kamay. Nakatingala akong sumulyap sa kaniya, animong nagmumukmok na bata. Nagpatangkad ako at humalik sa pisngi niya.

"Umalis ka sabi d'yan, Maxpein."

"Ayaw, Deib Lohr."

"Tsk," asik niya.

Gusto kong matawa nang hayaan niya akong yumakap sa kaniya habang naglalakad papunta sa punasan ng kamay. Palihim na naman akong natawa.

"Plano mo bang umakyat nang nakaganiyan?"

Nakangiti akong tumango. "Oo, kung pwede."

"Tsk. Bumitiw ka na."

"Ayaw."

"Sige, itutulak kita," banta niya.

Napanguso ako, nakita niya. Pero hindi ang kirot na naramdaman ko sa puso. Magagawa niya na sa 'kin 'yon ngayon?

Awtomatiko akong kumalas at nag-iwas ng tingin. Nameke ako ng ngiti saka nagpaumunang umakyat sa 'taas. Gusto kong ipagtaka ang pagiging emosyonal ko. May parte ng isip ko ang nagsasabing hindi niya talaga 'yon gagawin. Na sinabi niya lang 'yon para matigil ako sa pag-iisip-bata. Pero iba ang paraan ng pag-intindi ng puso ko. Sa simpleng bagay na 'yon ay nasasaktan ito.

Naramdaman ko siyang sumunod pero nilampasan ko ang kaniyang kwarto. "Ang sabi ko ay mag-uusap tayo," pigil niya sa akma kong pagdere-deretso. Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't stare at me like that," banta niya, mas masama ang tingin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumenyas na tumuloy ako. Nagmamaktol akong sumunod. Ngunit agad na dumeretso ang likod ko nang i-lock niya ang pinto. Natutuliro kong sinulyapan ang siradura. Tila nanuyo na namang bigla ang lalamunan ko.

Ano na naman ang balak niya? Marahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Dahilan para masulyapan ko ang masama pa rin niyang tingin. Awtomatiko akong nameke ng ngiti.

Pero nang makita ko na naman ang galit niyang mukha ay nameke ako ng ngiti, labas ang mga ngipin.

"Sit down," utos niya. Sumunod na naman ako. Nahiga siya sa kama. Naupo naman ako sa pinakadulong bahagi niyon. Sa bandang paanan niya. "Ganiyan ba tayo kalayo mag-usap?" inis na tanong niya. Nagmukha naman akong higad na umusod nang umusod papalapit sa kaniya.

Inilahad niya ang kamay. Napamaang ako. "Ano 'yan?"inosente kong tanong.

"Humiga ka."

"Kakakain ko lang."

Umismid siya. "Humarap ka sa 'kin." Ginawa niyang unan ang sariling braso saka tumingin nang masama sa akin.

Diyos ko, ang mga titig niya! Baka sa isip ay sinasaksak niya na ako sa sobrang inis? Sa tingin ko ay kailangan ko nang makaalis dito!

Tumayo ako nang hindi natagalan ang titig niya. "Hindi pa ako nakakapagsepilyo, Deib. Babalik na lang siguro ako," pagpapalusot ko. Oo! Tapos ay mahihiga na ako at sasabihing nakatulog ako. Agad akong nakabuo ng plano sa isip.

"Diyan ka magsepilyo sa banyo ko."

"Wala naman d'yan 'yong sepilyo ko."

"Gamitin mo 'yong akin."

"Ha?"

"Ha?" inis niya akong ginaya. "Lalo ka bang nabingi ngayon? angil niya. Napabuntong-hininga ako. "Bilisan mo, nababagot ako sa sobrang bagal mo."

Inis akong sumunod. Tinagalan ko ang kahahanap kunyari sa sepilyo niya. Gayong pagkapasok pa lang ay nakita ko na. Ultimong ang paglalagay ko ng toothpaste doon ay sinadya kong tagalan. Na sa sobrang bagal ay pwede niya nang isiping nakatulog ako.

Siguro ay alalang-alala lang talaga siya sa 'yo, Maxpein, kaya siya ganon. Napabuntong-hininga ako sa sarili kong isipin. Pero sobra naman yata siya? Hindi ko pa naranasang magalit nang ganiyan sa kaniya, ah? Tss. Kung tutuusin nga ay sa kaniya lang humahaba ang pasensya ko. Tss.

"Ano ba?" halos mapatalon ako nang katukin niya ang pinto.

"Nandiyan na!" asik ko saka minadali ang ginagawa. Nag-mouthwash pa ako bago tuluyang lumabas.

Hindi ko inaasahang patay na ang mga ilaw nang makalabas. Ang tanging liwanag ay iyong nagmumula sa telebisyon at sa banyo. Hindi ako natinag sa kinatatayuan.

"Napakatagal mo namang magsepilyo? Gano'n ba karumi sa tingin mo 'yong kinain mo?"

Hindi! Iyang bibig mo ang marumi! Kung ano-anong kababalaghan ang ginagawa sa 'kin! Kung sana ay may lakas lang ko ng loob ng sandaling iyon. "Sorry," lang ang nasabi ko.

"Tigilan mo ko sa kaso-sorry mo. Mahiga ka sa tabi ko."

"Busog pa nga ako," nakangusong tugon ko. Tumikhim siya saka pinanood ang pag-upo ko sa tabi niya. "Ano ba 'yong pag-uusapan natin? Inaantok na kasi ako."

"Nandito 'yong babaeng pinagseselosan mo."

Natigilan ako. Pilit na ipinoprograma sa utak iyong sinabi niya. At nang maintindihan ko iyon nang tuluyan ay kabado kong iginala ang mata ko sa kabuuan ng kwarto. "Nasaan?"tanong ko.

"Hindi dito," nauubusan ng pasensyang aniya. Nilingon ko siya. "Nandoon siya kanina sa hotel, nagkita kami."

Lalo akong natigilan. "Nagkita?"

"'Wag kang mag-imagine. Iba ang nagkita sa nakipagkita, Maxpein," animo isang henyong paliwanag niya. "Hinalikan niya ako."

Dumiin ang titig ko sa kaniya. "What?"

"Hinalikan niya ako," malinaw at walang kagatol-gatol na ulit niya. "Kaya ko tinanggihan ang halik mo kanina ay dahil ayaw kong lumapat sa 'kin ang labi mong nadampian ng bibig niya"

"Stop," pigil ko, napapalunok. Tumitig siya sa akin, walang nagbago sa kaniyang hitsura. Nanatili iyong blangko."Bakit ka pumayag?"

"Hindi ako pumayag, nabigla ako. Itinulak ko siya nang dahil do'n."

"Bakit niya ginawa iyon?"

"Ewan ko."

"Bakit siya nandito?"

"Ewan ko."

"Bakit hindi mo itinanong?"

"Dahil hindi ako interesado."

"Oh, eh, ano ang gusto mong gawin ko?"

"Gusto ko lang malaman mo, pero wala akong inaasahang gagawin mo," prangkang tugon niya.

Naiiwas ko ang tingin ko. Ang babaeng pinagseselosan ko? Wala siyang binanggit kung sino pero iisang babae lang ang pumasok sa isip ko. Ang babaeng iyon sa Palawan. Ano ang kailangan niya?

"May gusto ba siya sa 'yo?" tanong ko. Sinadya kong hindi tingnan ang mukha niya.

"Ang sabi niya, oo."

Napabuntong-hininga ko. Nakamot ko ang kilay na animong doon ko maitatago ang namumuong inis. Gayunman, masaya ako na nagsabi siya nang totoo.

Madalang talagang magkamali ang kutob ko. Kakaiba 'yong pula ng labi niya kanina. Nahalikan pala ng iba, king ina.

"Galit ka ba sa 'kin?" kaswal niyang tanong. Bumalik ako sa ulirat ngunit hindi nakapagsalita. Ang mga mata ko ay tutok sa kung saan. "Kung galit ka sa 'kin, maiitindihan ko. Pero 'wag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo ulit," dagdag niya, sa galit na namang tono.

Teka nga! Inuunahan niya ba ang galit ko? Inis kong nilingon siya. "Eh, bakit parang ikaw pa ang galit?"

"Hindi ako galit."

"Galit ka."

"'Wag kang mas marunong, Maxpein."

"Galit ka, Deib Lohr."

"Hindi nga. Tch. 'Wag kang mapilit."

"Tss! Kaya pala? Kanina ka pa cold sa 'kin ah?"

"Ano ang gusto mo, suyuin pa kita? Matapos no'ng katarantaduhang ginawa mo?"

Natigilan na naman ako. Katarantaduhan? Sumama ang mukha ko. "Alam mo ba kung gaano akong natakot doon kanina?" inis na talagang singhal ko. "Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko nang sandaling 'yon? Naiintindihan kong nag-aalala ka pero 'wag mo naman akong sumbatan na parang ginusto ko 'yon."

"Umaga pa lang ay sinabihan na kita pero mas pinili mo pa ring ibalandra 'yang katawan mo."

"Deib!" sigaw ko. Mabilis na nangilid ang mga luha ko sa galit.

"Ilang beses na kitang sinasabihan, sa Palawan pa lang. Ayaw ko ng mga gano'ng damit, Maxpein! Hindi ka muna kasi nag-iisip!"

"Eh, bakit hindi mo sabihin sa 'kin nang maayos?"

"Sinabi ko nang maayos sa 'yo, nakinig ka ba? Hindi, 'di ba?" asik niya saka muling nag-iwas ng tingin.

Hindi ko napigilang pangiliran ng luha, gano'n kabilis akong naiyak. Kinagat ko pa ang mga labi ko upang maiwasan ang mapahikbi. Ang sama-sama lalo ng loob ko. Nadagdagan ang isipin at sakit sa dibdib ko.

"I hate you," mahina ngunit mariing usal ko.

"Ano 'kamo?" halos mautal ngunit galit pa ring tugon niya.

Luhaan akong lumingon sa kaniya. "I hate you!" pagdidiin ko sa mismong mga mata niya.

"Bawiin mo 'yong sinabi mo," nauubusan ng pasensiyang aniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Bawiin mo 'yong sinabi mo, Maxpein."

"Ayoko."

"Bawiin mo!"

"Ayoko sabi!" mas nagtaas ako ng boses.

Nagtiim ang kaniyang bagang, lalong naging seryoso. "Gano'n kadali para sa iyong sabihin 'yan, ano?" nameke siya ng ngiti. Natigilan ako. "It's so easy for you to say it..."Tumango-tango siya saka nag-iwas ng tingin. "Alright. Kung iyan talaga ang nararamdaman mo, pwede ka nang umalis dito. Hindi na kita susundan."

Natigilan ako at napasinghap. Pinanood ko siyang talikuran ako at mahiga nang ayos. Ngunit agad akong nag-alala nang yumugyog ang mga balikat niya.

Aligaga akong lumapit upang silipin siya. "Babe..." Pilit niyang iniwas ang sarili. "Why are you crying?"

"I'm not. Matulog ka na."

"I'm sorry," nakokonsensyang sabi ko. Hinaplos ang buhok niya.

"Lahat na lang ng ayaw ko ay ginagawa mo. Ano bang nangyayari sa 'yo?" naghihinanakit na aniya. "Mahal mo ba talaga ako?" noon lang siya tumingin sa akin.

"Oo."

"Bakit gano'n na lang kadali sa 'yong sabihin 'yon? Nasasaktan ako ro'n, Taguro." Seryoso siya, namamasa ang mga mata.

"I'm sorry."

"Umalis ka na. Ayoko nang makita 'yang mukha mo."

Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Napanguso ako bago tumayo. "Sorry." Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Saka patakbong bumalik sa guest room.

Agad akong nahiga sa kama at ibinalot ang sarili ko ng kumot. Doon ako muling umiyak.

Nagiging napakaiyakin ko na. Hindi naman ako ganito. Tsk. Eh, ano ba kasi ang gagawin ko? Hindi ko malaman kung gusto niya bang matuwa ako ro'n sa sinabi niya o magalit? Gusto niya bang matuwa ako dahil nagpakatotoo siya at sinabi sa 'kin 'yong nangyari kanina? O dapat akong magalit dahil may nangyaring gano'n? Hindi ko alam! Tsk! Hindi ko man lang magawang magalit sa kaniya! Parang gusto niya pa ay ako ang sumuyo sa kaniya! Tss. Pero kung gusto niyang suyuin ko siya, bakit pinalayas niya ako? Ayaw na raw niyang makita ang mukha ko. Napanguso ako at muling naluha. Ang pangit-pangit ko na siguro sa paningin niya. Naumpog na siguro siya at na-realize na wala akong panama sa naggagandahang babae na nakapaligid sa kaniya. Lalo akong naging emosyonal.

"Lahat ng ayaw niya ay ginagawa ko?" nagmamaktol kong bulong. "Ano ang gusto niya? Magmukha akong aso sa kasusunod sa kaniya? Tss." Pero ang isang bahagi ng isip ko ay sinasabing napaka-OA ko. Dahil hindi naman sa lahat ng bagay ay gusto ni Sensui na siya ang masunod.

Natinag ako nang maramdaman kong bumukas ang pinto. Dagli kong pinahid ang mga mata at pumikit.

"Taguro..," pagtawag ni Sensui. Hindi ako kumilos. "Bawiin mo 'yong sinabi mo." Hindi ko man siya lingunin ay batid kong napakalungkot niya at nanunulis ang nguso.

Hmp! Bahala ka sa buhay mo! Bakla! Nasaktan din naman ako, eh. Masakit siyang magsalita.

"Hoy! Bawiin mo 'yon!" utos na naman niya. At hindi pa nakuntento, inuga-uga pa ang ang balikat ko.

"Ano ba!" singhal ko. Ngunit natinag nang makitang namumugto na ang mga mata niya. Bagaman nandoon pa rin ang galit. "What happened to you?" pinigil kong matawa.

"Bawiin mo 'yong sinabi mo! Alam mong ayaw ko 'yon!"

"Tss."

"Bawiin mo!"

"Oo na! Binabawi ko na! Tss." asik ko't muling tinalikuran siya. Doon ko inilabas ang pinigil na tawa.

Pero nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa 'kin at doon umiyak sa likuran ko. "I'm begging you. 'Wag mo uling sasabihin sa 'kin 'yon," pagmamakaawa niya talaga. "Kahit hindi mo na ako mahal, kahit ayaw mo na sa 'kin, 'wag mong sasabihin sa 'kin 'yon. Please, Maxpein, please."

Napaharap ako sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "I'm sorry," sinserosong paumanhin ko. "Hindi na mauulit." Pinahid ko ang mga luha niya. "Tahan na, babe."

Muling sumama ang tingin niya, nang nakanguso. "'Wag mo nang uulitin 'yon, ah?"

"Oo, promise."

"Ayaw ko 'yon!"

"Hindi na mauulit, babe."

"Tch. Doon ka sa kwarto ko matulog."

Naglapat ang mga labi ko saka nameke ng ngiti, ayaw ipakita ang pagiging sarkastika. "Dito raw ako sabi ni daddy"

"Daddy na pala ang tawag mo sa daddy ko?" nakangising tugon niya.

Kumunot ang noo ko. "Iyon ba ang sinabi ko? Eh, di Mr. Enrile," nakangiwing bawi ko. Sumama ang mukha niya. "Hehe. Tama ang dinig mo, daddy nga."

"Ano ang tawag mo sa mommy ko?"

"Mrs. Enrile" Natigilan na naman ako nang mas sumama ang mukha niya. "Mommy, hindi ba?"

Sumilay ang nakakaloko niyang ngisi. "Ang sarap sa pandinig," nakadila pang aniya. "Tara sa kwarto."

"Dito na lang ako." Umasta akong komportable at hindi na matitinag sa pagkakahiga.

"May multo dito."

"Hindi ang isang tulad ko ang matatakot sa multo,"mayabang kong sabi.

"Kahit nandito siya ngayon sa tabi mo at nagpapanggap na ako? Yayakap ka sa kaniya at magugulat ka na lang kung bakit may dugo siya sa mukha"

"Tara na." Nauna pa akong tumayo. Ngumisi siya na animong nanalo. Pero nagtaka ako nang yumuko siya bigla sa harap ko. "Ano 'yan?"

"Pasan ka sa 'kin."

Tss. "Talaga?" nagpanggap akong excited.

"Oo, dali na!" Patalon akong pumasan. "Aray! Masakit, ah!"

"Tss, napakapayat mo kasi." Natawa ako. Gayunman ay nalibang din ako sa pagsakay sa kaniyang likuran. Pero muling natigilan nang marinig siyang i-lock ang pinto ng kaniyang kwarto. "Bakit kailangang naka-lock, Sensui?"

"Para hindi tayo maistorbo."

"Ano ba ang g-gagawin natin?" mamatay-matay na naman sa kabang tanong ko.

Inilapag niya ako sa kama saka siya tumawa. "Matutulog. Ano ba ang gusto mong gawin?"

Nakahinga ako nang maluwang. "Wala naman." Nag-iwas ako ng tingin.

"'Wag kang mangarap dahil wala akong gagawin sa 'yo. Tch," singhal niya saka binuksan ang ilaw at ipinatay ang lampshade. "Para mas maliwanag..." binuksan niya ang ilaw sa veranda. "Humiga ka na."

Pagkahiga ay nakita ko 'yong teddy bear na ibinigay niya sa 'kin. "Hi, Taguro," kunwaring bati ko. Nahiga naman si Sensui sa tabi ko. Pilit niyang inilagay ang braso sa ulunan ko, at inihiga ako sa bandang dibdib niya.

"Sa 'kin ka na tumingin," 'ayun na naman iyong nag-uutos na tono niya. Sumunod na lang ako. "'Wag mo na sasabihin ulit 'yon, ah? Ayaw ko no'n, Taguro. Nasasaktan ako masiyado ro'n. Hindi ko naranasang masabihin no'n."

"Opo."

"'Wag kang aalis basta-basta lalo na kapag pamatay ang suot mo."

"Opo."

"Natatakot akong may mangyaring masama sa 'yo lalo na ng dahil sa kapabayaan ko."

"Opo."

"Nagseselos ka ba ro'n sa inamin ko sa 'yo?"

"Opo"

"'Yong totoo?"

"Nasasaktan." Nameke ako ng ngiti. May ibang labi na nakahalik sa 'yo.

"I'm sorry," sinserong usal niya. "Hindi ko ginusto 'yon, maniwala ka sa 'kin."

"Naniniwala ako sa 'yo," sinsero ring tugon ko.

Lumabas ang matagumpay niyang ngiti. "Mahal na mahal kita, Taguro. Salamat sa pang-intindi at tiwala."

"Pero isang halik niya pamalaya ka na."

"Ano?" asik niya.

Natawa ako. "Joke lang!"

"Kahit kailan ay napakapangit mong magbiro."

"Tss, sinabi mo rin naman sa 'kin noon 'yan nang dahil kay Randall."

"Tch! Kasali na naman siya?"

"Si Randall?"

"Wala akong pakialam! Halikan mo na ako!"

"Wow, makasingit lang?" pang-aasar ko.

"Okay," malamig na naman aniya saka iniiwas ang ulo at pumikit.

"Goodnight," mahinang bulong ko saka pumikit.

Napakasarap sa pakiramdam na katabi ko siya ngayon. Parang pareho kaming walang pakialam kung sino ang makakita dahil pareho kaming walang ginagawang masama.

"Hahalikan mo ako o ihahagis kita sa veranda, Taguro?" bulong niya habang nakaharap pa rin sa kabilang tagiliran niya.

"Sige, come here," anyaya ko. Gumuhit ang ngiting panalo niya nang harapin ako. Inginuso ko ang labi ko nang nakapikit pa.

"Ano 'yan?" asik niya.

"Kiss! Goodnight kiss!"

"Ayaw ko niyan!"

"Ano na naman? Tsk! Ang haba-haba na no'ng kiss mo kanina, ah?"

"Oo nga, pero pinigil mo!"

"Dahil kinagat mo ang labi ko! Tss."

"Hehe, ayaw mo no'n, babe?"

Pakiramdam ko ay namula ako nang hard. "Dahil ang manyak ng dating mo."

"Ano!"

"Matulog na tayo."

"Tsk."

"Humalik ka na kasi ng isa tapos bukas na ulit!"

"Gusto ko ngayon, hanggang bukas, haha."

"Ayaw."

"Hindi mo na ba ako mahal?"

"Halik na ba ang basehan no'n ngayon?"

"Hindi sa lahat ng paraan pero isa na 'yon! Sa pamamagitan ng halik mo ay nagagawa kong kausapin ang kaluluwa mo, Taguro."

"Wow..," natatawang sambit ko.

Sumama ang tingin niya. "I will kiss you, open your lips."

"Ayoko."

"Dali na, Taguro!"

"Kakagatin mo 'yong labi ko, eh!"

"Masakit ba?"

"Hindi."

"Hindi naman pala, eh. Dali na." Isinunggab niya ang mukha sa akin. At nang hindi ko iawang ang mga labi ko ay kusa siyang gumawa ng paraan upang mabuksan iyon.

Napakaadik niya! 

Continue Reading

You'll Also Like

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
93.6M 2.8M 69
Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
31.4K 924 35
Who wouldn't have thought in just a one dare, a one kiss her life began to change. Tila ba isang panaginip na ang man of her dreams niya ay napansin...