HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

Galing kay maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... Higit pa

He's into Her Season 3
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 171

6.7M 100K 223K
Galing kay maxinejiji

CHAPTER 171

DEIB'S POV

MAHIGIT isang buwan na ang lumipas mula nang makauwi kami galing sa Palawan. Nakabalik kami sa Laguna nang ligtas ngunit puno kaming lahat ng kaba, tanong at agam-agam. Masiyado kaming alisto, alerto sa pag-iingat kahit sa anong bagay.

Sakay ng private jet ay naunang umuwi ang mga Moon, maliban kina Taguro at Heurt. Gaya nang sinabi ni Heurt ay hindi nila kami iniwanan at pinabayaan. Nanatili sila ni Taguro sa tabi namin upang pare-pareho kaming bantayan. Sumabay sa mga Moon si Chairman Enrile, at sa pagitan ng ilang oras ay bumalik ang private jet upang sunduin naman kaming mga naiwan. Hindi na nagawang maligo ng karamihan nang oras na iyon. Lahat ay napuno na ng takot at hindi na malaman kung ano ang gagawin. Pare-pareho ring tulala.

Lahat kami ay dumeretso sa mansyon ng mga Moon pagkabalik ng Laguna. Doon ay nagpaumanhin si More sa hindi inaasahang sitwasyon. Body guards din nila ang naghatid sa 'min sa kani-kaniyang bahay.

Walang makapagpaliwanag kung ano ang dahilan nang mga nangyari. Hindi namin nabuo ang isang linggong pananatili ro'n gaya ng usapan. Hindi kasi gano'n ang inaasahan namin.

Takot na takot si Noona nang oras na iyon. Matapos kasi niyang umiyak nang dahil sa saya no'ng ikasal siya, ay umiyak siya nang dahil sa takot na naramdaman dahil sa kaguluhan. Hindi niya binitiwan ang anak at panay rin ang hagulgol nang araw na iyon.

Nang mga sumunod na araw naman, sa pananatili namin sa sariling bahay ay pare-pareho kaming praning. May mga pagkakataon kasing may dumaraang helicopter sa ibabaw ng bahay namin. Parang nanunumbalik sa 'ming pare-pareho 'yong pakiramdam nang sandaling 'yon sa Palawan. May sandali ring kaunting kalabog lang ay nagtatakbuhan na sina Manang, Mommy at Noona pababa, umaasa sa magagawa namin nina daddy at Randall.

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ko ang mga naganap. Hindi na nga yata maalis 'yon sa alaala ko kahit kailan. Ang mga tanong ay hindi pa rin nasasagot hanggang ngayon. Ang agam-agam ay nanunumbalik sa t'wing maaalala namin ang nakaka-trauma na pangyayari. At ang pangamba ko sa kakaibang pakiramdam sa aking dibdib ay dagdag na alalahanin para sa 'kin.

Napakaaga kong nagising nang dumating ang araw ng Lunes. Matapos kong maligo ay bumaba agad ako, ang lahat ay nadatnan ko sa kusina. Dito rin sa bahay naglalagi si Randall. Dahil parang boss na inutusan ito ni Taguro na bantayan ang buong pamilya namin.

Sinilip ko ang cell phone ko bago ako maupo sa harap ng mesa. At gaya ng inaasahan ko ay wala man lang text si Taguro. Naglapat ang mga labi ko at kung ano-ano na namang isinumbat ko sa kaniya sa aking isip.

Tsk. Mahal niya pa ba ako? Nagngitngit ang kalooban ko. Nakasimangot tuloy akong naupo sa harap ng pamilya ko. "Good morning, everyone," pilit ang ngiting bati ko. "What's for breakfast?" tiningnan ko isa-isa ang nakahain.

"Bacon for my baby," pilit na pinasasaya ni mommy ang sarili.

Siguro ay ayaw niyang makita naming malungkot siya o may iniisip. Nag-aalala kasi kami kapag gano'n. Kapansin-pansin kasing naging matamlay siya nitong mga nakaraan. At nasisiguro kong ang nangyari pa rin sa Palawan ang dahilan niyon.

Hindi na rin nila magawang pumunta sa mga medical missions. Bukod kasi sa hindi sila pinapayagan ng Chairman ay natatakot pa rin silang pumunta sa malalayong lugar.

"Kumusta si Maxi, baby?" mayamaya ay tanong niya.

Napanguso naman agad ako. "Apat na linggo ko na siyang hindi nakikita, mommy. No'ng Biyernes lang kami uli nagka-text. Simula kahapon ng alas-nuebe ay hindi na uli siya nag-text," masama ang loob na tugon ko 'tsaka napabuntong-hininga.

Tandang-tanda ko ang mga detalye at oras kaya hindi ako pwedeng sumbatan ni Taguro.

"Sa tingin ko ay kailangan ko nang ipatingin ang puso ko, mommy. Hindi na normal ang tibok nito," biro ko. Pero nang maisip ko ang tunay na lagay ng puso ko ay hindi ko naiwasan na kabahan.

Hindi na uli iyon naulit. Ang una't huling beses na naramdaman ko uli iyon ay iyong sandaling nasa Palawan kami. Hindi na naulit mula nang makabalik kami rito, at hindi ko na hihilingin na maulit pa. Napakasakit no'n sa dibdib, pinahihirapan akong huminga. Hindi ako makagalaw at pakiramdam ko kapag kumilos ako ay basta na lang akong babagsak at hindi na magigising pa.

Totoong apat na linggo ko nang hindi nakikita si Taguro, busy siya sa pagre-review. Ang dahilan niya ay mahigit kalahating taon siyang naglagi sa Korea nang walang binabasa maliban sa mga pocketbooks na binibili niya sa tiyangge at bangketa. Kulang daw sa kaniya ang isang linggong pagre-review para sa napakaraming subjects na ilalaman ng acceleration exam na kukunin niya.

Habang abala siya sa pagre-review ay palihim naman akong nakikipagkita kay Mokz na hindi nagdalawang-isip na turuan ako ng basic martial arts. Alam ng pamilya ko ang tungkol dito, pero lingid sa kaalaman ng pinakamamahal kong si Taguro. Ang nag-iisang babae na mahal ko bilang girlfriend at minamahal pa nang todo.

"Bakit hindi mo tawagan?" mayamaya ay tanong ni Noona.

"Naiintindihan kong busy siya sa pagre-review niya," taas-noo kong sagot. "May accelaration exam siya para fourth year na rin siya sa pasukan."

"That's a good idea, at least hindi siya mapag-iiwanan ng mga friends niya."

"I agree," sabat ni Randall. "Matalino si Pein. Kung tutuusin nga ay pwede na siyang mag-college."

Nagliwanag bigla ang mukha ko. May kung anong pag-asang tumubo sa dibdib. "Sa tingin mo ay pwede ko kayang i-suggest sa kaniya 'yan, bro?" tanong ko na inginudngod pa ang mukha papalapit sa kaniya.

Natawa si Randall kaya lumayo ako. "Hindi papayag 'yon. Gusto niyang magkaro'n ng high school diploma sabi ni Maxwell. Bakit, gusto mo na ba siyang makasama?" ngumisi siya. Ngumuso naman ako. "Hayaan mo na lang munang magkalayo kayo. Ayaw mo no'n, mas mami-miss ninyo ang isa't isa."

"Tch! Ayaw ko ng gano'n! Miss na miss ko na nga siya ngayon, eh. At isa pa ay natatakot ako dahil baka may manligaw sa kaniyang iba! Tsk. Hindi pa naman ako maya't mayang nando'n para bantayan siya."

"Hayaan mo siya, Deib. Masyado na siyang malaki para magdesisyon. Kailangan ng ehersisyo niyang tiwala mo."

"May tiwala ako sa kanya, pero hindi sa mga bagong tao na makikilala niya," nakangusong tugon ko.

"'Buti nakakatiis ka nang hindi siya nakikita?"

"Tch. Kung alam mo lang. Gusto ko na talagang pumunta sa ospital at ipatingin ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay nagkapalit na ng pwesto ang puso at tiyan ko. Ang tiyan ko ay walang ganang kumain dahil parang wala na siyang pakialam sa 'kin, dugo na ang inilalabas nito!" maaksyong sabi ko na itinuro pa ang tiyan ko. "At nagugutom ang puso ko sa pagmamahal ni Taguro," dagdag ko. "Para akong nasa kulungan at hindi man lang niya ako dinadalaw! Kailangan kita, Taguro! Maawa ka sa puso ko!" kunyaring ngumanga pa na sabi ko.

Natitigilan silang tumitig sa 'kin na para bang gano'n kawirdo ang sinabi ko. Napanguso naman ako at nag-iwas ng tingin. Paano mo nagagawang makapagtiis nang hindi ako nakikita, Taguro? Masamang babae!

"Bakit hindi mo siya puntahan sa bahay?" tanong ni Noona. "Kahit dalawin mo lang."

"Ayaw niya," nakangusong sagot ko. "Masasayang lang daw ang isang araw na hindi siya makakapag-aral. Sa Thursday na ang exam niya."

"Ah, talaga? Malapit na pala. Kaunting tiis na lang, dongsaeng."

"Tch, ano pa nga ba?" mapait na tugon ko.

"Mukha namang abala ka rin sa pag-aaral," nakangiting sabat ni Manang.

Ngumiti ako at tumango. "Sinimulan kong basahin 'yong mga college books ko. 'Yon ang itinuro ni Taguro para hindi raw ako masiyadong mahirapan 'pag nagsimula ang klase," ngumiti pa ako. Pakiramdam ko ay maipagmamayabang ko ang magandang impluwensiya sa 'kin ni Taguro. Nagliwanag sa tuwa ang mga mukha nila, may bahid ng paghanga. Kaya lalong yumabang ang pakiramdam ko.

"Napakaswerte mo sa nobya mo, hijo, napakasipag at matalino."

"Tch! Siya ang maswerte sa 'kin, Manang! Dahil may boyfriend siyang gwapo at masunurin." Ngumuso na naman ako at ginawang letrang "T" ang dalawang piraso ng bacon ko sa plato."Tiniis kong 'wag makipagkita at mangulit dahil nakiusap siya ng oras para makapag-aral. Maski mga kaibigan niya'y hindi siya maabala. Hindi ko na halos magamit ang cell phone ko. Alam kong hindi naman siya tatawag. Kapag nami-miss ko siya ay parati na nga lang 'yong teddy bear na malaki ang kayakap ko. Hindi niya alam kung gaano kahirap para sa 'kin na hindi siya makita."Sumipa-sipa pa ako sa ilalim ng mesa na parang nagwawalang bata.

"Kaya ang payat-payat mo na, Deib Lohr," sabi ni daddy sa gitna ng pagta-tantrums ko, ngumuso ako. "Hindi ka kumakain nang ayos dahil hindi kayo nagkikita," dagdag niya. Lalong nanulis ang nguso ko. "Para sa inyo rin naman ang ginagawa niya."

Alam kong isa 'yong sermon. Sinabi lang ni daddy sa malumanay na paraan. Kaya naman hindi na ako kumibo dahil iisipin niya na nagdadahilan lang ako.

Mas humaba pa ang pagkukwentuhan namin. Lalo na nang ibida ni Noona ang mga "achievements" umano ni RD. Naisip kong ayos na rin ang ganitong bonding namin ng pamilya ko. Dahil sa t'wing mag-isa ako ay natutukso akong kulitin si Taguro. Napakahirap niyang tiisin.

Matapos mag-agahan ay nagprisinta akong linisin ang lahat ng sasakyan namin. Doon ko ibinuhos ang bakanteng oras. Magtatanghalian na nang matapos ako. Bago ako makapasok sa bahay ay nag-ring ang cell phone ko.

Napanganga ako. Ang puso ko! Gusto kong batuhin ang bubong ng kapit-bahay, dahil sa tuwa, nang mag-blink ang pangalan ni Taguro sa screen ng cell phone. Sa tingin ko ay kailangan kong lagyan ng puso ang pangalan niya! Hahaha!

Tumikhim pa muna ako bago sinagot ang tawag. "O, hello?" Nagpanggap akong galit.

"Hi."

Tch! Hi? Bago 'yan, ah! "O? Ano ang kailangan mo?" walang interes na tanong ko.

"Ikaw."

Nanlaki agad ang mga mata ko. Talaga? Bwahahaha! Grabe! May gusto talaga siya sa 'kin! Tch! Pero, hindi! Hindi ako pwedeng magpadala sa mga paganiyan-ganiyan niya! Apat na linggo siyang hindi nagparamdam sa 'kin at hindi niya alam kung gaano 'yon kasakit!

Gustong-gusto ko siyang makita. Pero ayaw kong maisip niyang hindi ko siya naiintindihan, na hindi ko iniisip ang kinabukasan niya. Gusto ko siyang tawagan at i-text pero ayaw kong maging abala. Masakit isipin na magiging abala ako sa kaniya.

Napakahirap. Pero napakadali lang para sa kaniya at doon ako lalong nasasaktan.

"Woi."

"Ano?" pasinghal kong tugon.

"Natulala ka na naman?"

"Anong natulala!"

"Kinikilig ka?"

"Asa, Taguro! Asa!"

"Nasaan ka?"

"Bakit?"

"Nasaan ka?" pag-uulit niya sa nauubusan ng pasensyang tono.

"Nasa bahay. Katatapos ko lang maglinis ng mga sasakyan. Gano'n ako kasipag."

"Maghanda ka, aalis tayo."

Napamaang ako. "Saan naman tayo pupunta?"

"Magde-date."

"Date?"

"Date." Nilinaw niya 'yon. "Nami-miss kita, e," huminahon ang boses niya, naglalambing. Napangiwi ako sa tuwa at iginiling-giling ang ulo ko. "Woi!"

"Ano!"

"Nakikinig ka ba sa 'kin?"

"Oo!"

"Tss," bumalik na naman siya sa nauubusan ng pasensiyang tono. Mahihimigan 'yon sa lalim at bigat nang pagbuntong-hininga niya. "Sige na, magbihis ka na. Magkita na lang tayo sa gate ng village niyo."

"Ha, bakit do'n?"

"Magko-commute lang tayo."

"Bakit?"

"Gusto ko lang maranasan mo iyon."

"Pero..."

"Gusto ko lang ma-solo ka. Kapag pinagmaneho kasi kita ay magkakaro'n tayo ng oras na may pagitan sa isa't isa."

Hindi ko na talaga napigilan ang mapangiti. "Nakokonsensiya ka, 'no?" bintang ko.

"Huh?"

"Tch! Ilang linggo kang hindi nagpakita! Kahapon ay magka-text tayo at bigla ka na lang hindi nag-reply! Tinatawagan ko ang cellphone mo pero nakapatay!"

"Ang dami mo namang sumbat."

"Tapos ngayon ay bigla kang tatawag at magyayayang mag-date?"

"Pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo talaga. Tss."

"Tch, e, di nakokonsensiya ka nga?"

"Hindi. Bukal sa loob ko 'to. Hindi ko idadaan sa konsensya ang pakikipag-date sa taong mahal ko."

Napamaang ako. "Talaga, Taguro?"

"Kumilos ka na dahil bihis na ako."

Nagulat naman ako. "Gano'n ba? Sige, mabilis lang ako, babe! Miss na miss na kita, grabe! I love you, babe!" agad kong ibinaba ang linya at nagtatakbo papasok sa bahay. "Sapakin ako, ngayon na!"malakas kong naisigaw dahilan para maagaw ko ang atensyon ng lahat nang nasa sala. "Niyaya akong mag-date ni Taguro! Magde-date kami ni Taguro, bwahahaha!" sinabi ko habang tumatalon-talon sa bawat baitang ng hagdan hanggang sa makarating ako sa pinakaitaas. Nang muli akong humarap sa kanila ay nagtatawanan na sila at napapailing. "Tinawagan niya ako at sinabing nami-miss niya na ako! Tapos niyaya niya pa akong mag-date! Mahal na mahal niya talaga ako at patay na patay siya sa 'kin!"

"Omo!" natutop ni mommy ang sariling bibig at kumendeng-kendeng. "Galingan mo, baby! Maligo ka nang maayos na maayos!"

Sunod-sunod ang naging pagtango ko at pinabaunan ko pa sila ng flying kiss bago tumalikod. Hindi na nawala pa ang mga ngiti sa labi ko mula nang makapasok ako sa kwarto. Agad na naagaw ng malaking teddy bear ang atensyon ko, nakapatong 'yon sa kama at parang nakatingin sa 'kin. Para iyon kay Taguro at sumasama ang loob ko sa t'wing maaalala kong ayaw niya iyon iuwi sa kanila. Ang dahilan niya ay para raw may mayakap akong kasinlaki niya sa t'wing wala siya. Hindi naman siya nagkamali dahil iyon nga ang ginagawa ko at talagang may mga sandaling naiisip kong siya iyon.

Apat na linggo ko siyang hindi nakita. Akala ko ay mamamatay na ako pero nakayanan ko dahil nagte-text pa rin siya! Pero kahapon? Tch! Naubos ang dugo sa katawan ko...gumapang sa sahig at nilampaso ni Manang. Pakiramdam ko ay panibagong dugo na ang nasa katawan ko ngayon. Masamang babae!

Nagbibihis ako nang mag-ring ulit ang cellphone. "I love you, babe," nakangiting sagot ko, nadinig ko ang bungisngis ni Taguro.

"Nandito na ako, paalis ka na ba?"

Nanlaki ang mga mata ko. Ang bilis niya naman? "Ah, oo! Oo! Bababa na lang ako."

"Okay, I'll wait for you."

"Hindi mo ba gustong makipagkita sa pamilya ko na magiging pamilya mo na rin, babe?" nag-aalangang tanong ko.

"Mamaya na lang, pagkauwi."

Dadaan siya dito! Bwahahaha! "Sige, hintayin mo ko d'yan, sorry, pinaghintay pa kita."

"Ayos lang, kung ang premyo naman sa paghihintay ko ay ang makasama ka."

"Tch! Taguro... Taguro... Taguro... Tsk tsk tsk." Pakiramdam ko ay kinikiliti ang puso ko at pwede na akong magsuot ng palda sa sobrang kabadingan niyon. "Papunta na ako diyan, babe. I love you," tugon ko at ibinaba ang linya. Napangiti ako sa screen ng cellphone at hindi na nawala ang malawak na ngiti ko. Hanggang sa makababa ako ay kumikinang ang mapuputi kong ngipin.

"Omo! Baby, you're so handsome!" salubong sa 'kin ni mommy na sininghot-singhot ang leeg ko.

"Mom?" nakangusong saway ko. "Baka maubos ang aamuyin ni Taguro niyan, e."

"Baby, you're so bad! Why do you keep on calling her like that?" nakangusong tanong niya, natawa naman ako.

"Dahil doon ko siya minahal, mommy. Mas minamahal ko nga lang siya sa ibang tawag pa. Hahaha! Aalis na po ako, kasi naghihintay sa 'kin ang puso ko sa labas ng village."

"Bakit doon?" tanong ni daddy.

"Magko-commute daw kami. Tch."

"I see, maganda 'yan, mas makakapag-bonding kayo."

"Mauna na po ako. I love you all!" yumakap lang ako sa kanila 'tsaka ako umalis.

Ilang metro lang ang layo ng gate sa 'min at hindi mangangalay ang panga ko kapag ngumiti ako hanggang doon. Ilang hakbang na lang ang layo ko nang matanaw ko si Taguro na nakatalikod sa gawi ko. Nakasilong siya sa post at mukhang bagot na bagot na sa paghihintay. Pero gano'n na lang ang pagkabigla ko nang makita ang kabuuan niya.

Siya nga ba 'yan? Bakit naka-dress siya? Maikli na at hapit na hapit pa! Anak ng...tsk! "Babe!" malakas kong tawag, pasinghal agad. "Tsk. Nakakayamot!"

Dahan-dahan ang naging paglingon niya sa 'kin at hindi ko inaasahang matitigilan na naman ako. Napakaganda niya at hindi ko maiwasang harap-harapan na humanga. Bagsak ang mahaba niyang buhok, at talagang napakaganda niya sa suot niyang kulay rose pink na dress. May suot din siyang manipis at light na maong jacket, at bitbit na itim na pouch bag. Lumitaw ang mahaba, makinis at mapuputi niyang legs, at bumagay sa paa niya ang itim niyang sandals.

Marahan akong lumapit sa kaniya 'tsaka bumuntong-hininga, pilit kong itinago ang paghanga ko sa hitsura niya. "Bakit ganiyan ang suot mo?" kunot-noong tanong ko.

Natigilan siya, sandaling tumingin sa sarili. "Hindi mo ba nagustuhan?"

"Gusto ko. Gustong gusto ko, Taguro. Pero ang sabi mo ay magko-commute tayo? Napakaikli ng suot mo at hindi ako mapapakali nang dahil d'yan, Taguro," nakasimangot talagang tugon ko, siya naman ang ngumuso. "Paniguradong ikaw ang magiging sentro ng atraksiyon at ayaw ko ng gano'n."

"Sige, magpapalit ako kung gusto mo," sinserong tugon niya. Tumitig ako sa mga mata niya at alam kong napahiya siya dahilan upang makonsensiya naman ako.

"Hindi na. Halika sa bahay, magdadala ako ng kotse," bulong ko, bumuntong-hininga siya. Inilapit ko siya sa 'kin at hinalikan sa sentido. "Napakaganda mo," mahinang sabi ko. "Natatakot lang akong may ibang makakuha ng atensiyon mo, Taguro. Ayaw kong may ibang umaagaw sa paningin mo."

"Naiintindihan ko," nakangiting tugon niya kaya napangiti ako.

"I love you, Babe."

"Mm."

Nangunot ang noo ko. "Anong mm!"

"I love you."

"'Yan. Matuto ang sumagot sa paglalambing ko. Tch," singhal ko at saka hinawakan ang siko niya.

Inalalayan ko siya habang naglalakad at talagang hindi ko mapigilan ang humanga. Sa tingin ko ay mas pumayat siya pero hindi masamang tingnan, lalo siyang gumanda.

"Nagpa-sexy ka ba para sa 'kin, babe?"

"Tss. Hindi, ah."

"Bakit gano'n ang pakiramdam ko?"

"Pakiramdam mo ang mali, hindi ako."

"Tch. Umamin ka na lang, wala namang masama ro'n."

Nagulat ang lahat nang makabalik kami sa bahay. Gaya ko ay humanga sila sa ganda ni Taguro. Hindi ko sila masisisi dahil ako ngang mas madalas siyang makita at makasama ay humanga.

"Wow!" sabay-sabay at paulit-ulit nilang paghanga. "Napakaganda mo, hija!" agad na sabi ni mommy. Lalo tuloy tumataas ang kompyansa ko para kay Taguro.

Totoong napakaganda niya sa suot niya. Babaeng babae. Malayo sa Taguro na una kong nakilala. Ilang sentimetro ang layo niya sa'kin pero nalalanghap ko ang bango niya at ng buhok niya. Hindi ko mapigilan ang bumilib sa sarili dahil alam kong girlfriend ko siya.

Lumapit sina mommy at Noona para yakapin si Taguro. Sandali rin silang nagbatian at nagkumustahan. "Alam kong nababagot na si Sensui sa kahihintay sa 'kin kaya niyaya ko na siyang makipagkita." Parang sinadya talagang iparinig sa 'kin 'yon ni Taguro.

"Oo, at mababaliw na ang isang 'yan dahil hindi ka nakikita," sabi ni Noona. "I'm really happy to see you, Pein. You look so gorgeous."

"Thank you, Dein. Kumusta ang baby mo?"

"Baby natin. Ayos naman, masiglang-masigla."

"That's good."

"Tumuloy ka muna at maupo," iginiya siya Noona paupo sa sofa.

"Dadalhin ko 'yong kotse ko. Ayaw kong mag-commute kami nang ganiyan siya kaganda," nakanguso kong sabi, naging malakas ang tawanan nila lalo na ang daddy ko. Tch! Ano ba kasi ang nakakatawa ro'n!

"Sa tingin ko ay kakailanganin niyo nga ang sasakyan," mula sa hagdan ay bumaba si Randall na marahang karga si RD. "Napakaganda mo, Maxpein."

"Salamat, Randall," nakangiting tugon ni Taguro, nakangiwi naman akong bumuntong-hininga.

Lumapit ako sa drawer at hinablot ang susi ko. Bago pa man makababa si Randall ay tumabi na ako kay Taguro. "Aalis na kami ng girlfriend ko. Gusto ko ng maraming oras kasama siya dahil isang buwan siyang hindi nagpakita. Kung ako ang tatanongin ay gusto ko siyang parusahan, isang buwan siyang makikipag-date sa 'kin," sabi ko sa nanunumbat na tinig.

"Masiyado kang magastos. Makikipagkita nga ho pala kami sa pamilya ko. Sasabay nang mag-dinner sa 'min si Deib. Mauna na ho kami."

Bigla akong kinabahan. Hindi niya nabanggit sa 'king makikipagkita pala kami sa pamilya niya. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin sila matapos nang nangyari.

Hanggang ngayon din ay parang napapahiya ako sa t'wing maaalala kong nasaksihan ni Chairman Moon kung paanong sinigawan ni Chairman Enrile si Taguro. Talaga kasing mula no'ng makabalik kami ay wala nang naging usapan o anumang talakayan patungkol do'n.

Inalalayan ko si Taguro pasakay sa kotse. Nang makasakay ako ay agad akong tumunghay para ikabit ang seatbelt niya. "Sa tingin ko ay kailangan mong magpaliwanag sa 'kin tungkol diyan sa suot mo, Taguro," seryoso kong sabi habang deretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Ano naman ang ipapaliwanag ko?" Naiilang siya dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Sobrang ganda mo diyan sa suot mo, Taguro. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mag-commute nang ganiyan ang suot."

Ngumuso siya. "Sabi ni Yaz para hindi ka raw manumbat kapag nagkita tayo ngayon ay magpaganda ako. Iyon ang ginawa ko. Tinulungan niya akong mamili online, akala ko ay mapapamahal pero nakamura pa ako."

"Pero hindi niyan sinasagot ang tanong ko, Taguro. Bakit kailangang mag-commute?"

"Wala naman. Gusto ko lang maranasan mong sumakay sa jeep at sa bus, at may mga kasamang ibang tao bukod sa 'kin."Nag-iwas agad siya ng tingin.

"Nagsasabi ka naman ng totoo, 'di ba?" malumanay kong tanong, inosente naman siyang tumango. "Bakit kailangan mong mautal?"

"Natatakot ako sa 'yo, e," malambing na aniya. Gustong tumalon ng puso ko sa tuwa.

Bwahahaha! Natatakot sa 'kin ang isang Taguro! Ang aking Taguro! Ang sarap sa pakiramdam magkaro'n ng ganitong titulo. Kinatatakutan ng isang Taguro. Hehehe!

"Bakit ka natatakot sa 'kin?" sumeryoso ako.

"Akala ko kasi ay magugustohan mo ang suot ko, hindi pala," nakangusong tugon niya.

"Sinabi ko bang ayaw ko niyang suot mo?"

"Hindi rin."

"Natatandaan kong sinabi kong gustong-gusto ko ang suot mo, Taguro. Sinabi ko ring napakaganda mo sa suot mo. Wala akong sinabing ayaw ko."

Hindi siya umimik. Nagkamot siya ng ulo at itinuon ang paningin sa mga kuko. Nagulat pa 'ko nang makitang may kulay rin ang mga daliri niya sa kamay at paa. Gusto ko na naman tuloy maglulundag sa tuwa dahil paniguradong ito ang epekto ko sa kaniya. Nasisiguro kong ginawa niya 'to para sa 'kin.

Pinaghandaan niya ang date na 'to. Nag-effort siya para sa 'kin."'Yon na ba lahat ang paliwanag mo?" muling tanong ko, nagtataka siyang tumingin sa 'kin. "Kailangan ko ang paliwanag mo, Taguro."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. "Pero nasabi ko nang lahat, babe." Sinisikap niyang 'wag nang mautal.

Dumaragdag sa masarap na pakiramdam ang malambing niyang boses. Tch! Nasanay kasi ang tenga ko sa mga singhal at kayabangan niya! Nami-miss ko 'yon pero mas nagugustuhan ko 'to. "Kailangan ko ng paliwanag na wala maski na isang salita, Taguro."

Tumitig siya sa 'kin. "Hindi ko maintindihan, Sensui."

"'Yong paliwanag na gamit ang bibig pero walang sinasabi, Taguro. Mag-isip ka," nanunukso ang tinging sabi ko, napamaang agad siya. Bahagya akong humalakhak nang mamutla siya. "Parang unti-unti akong pinapatay niyang labi mo, Taguro. Hindi madaling maghintay," dagdag ko, hindi siya umimik. Isinaksak ko ang susi sa ignition at in-start ang sasakyan. "Hahalikan kita o hahalikan mo 'ko? Mamili ka, babe."

"Tss. Nakakailang ka naman, e," biglang singhal niya, natawa ako.

"Sige," sabi ko 'tsaka biglang lumapit sa kaniya.

"Anong sige?"

"Halikan mo ko. Sa labi," utos ko at maangas na ingunuso ang labi ko. Ilang beses pa muna siyang kumurap 'tsaka marahang lumapit. Namumutla siya kaya gusto kong matawa.

Nang sa wakas ay maramdaman ko sa ilong ko ang ilong niya ay marahan kong ibinuka ang labi ko upang salubungin ang labi niya. Ginawaran niya ako ng marahang halik kaya parang kinikiliti na naman ang puso ko, bagay na si Taguro lang ang kaisa-isang nakapagparamdam sa 'kin. Nang maramdaman ko ang pagkawala niya sa labi ko ay naimulat ko ang mga mata ko't sumama ang tingin sa kaniya.

Ngumuso naman siya sa 'kin. "Tama na!"

Inis akong napakamot ng ulo. Hindi man lang tumagal ng 5 seconds? Badtrip! "Saan tayo, babe?" tanong ko nang nasa daan na kami papalabas ng village.

"Sa Shangri-La. Doon din tayo makikipagkita sa mga Moon. Ayos lang ba sa 'yo na mapalayo tayo? Kaya gusto ko ring mag-commute tayo ay para hindi ka masyadong mapagod."

"Pero ayaw kong may iba kang makatabi bukod sa 'kin," nakangusong tugon ko. "Paniguradong marami ang titingin sa 'yo na makakasabay natin sa byahe."

Itinuro sa 'kin ni Taguro ang daan papunta sa Manila. Hindi ko kabisado ang lugar. Masaya kaming nagkwentuhan, nag-enjoy ako. Siya lang ang nakapagpaparamdam sa 'kin ng lungkot. Kaya siya lang din ang may kakayahang alisin iyon at palitan ng saya.

"Sa tingin ko ay hindi naman ako masiyadong mahihirapan sa exam na 'yon," walang halong pagyayabang na kwento niya. "Pinag-igihan ko ang pagre-review kaya umaasa ako sa magandang resulta."

"'Yan ang isa sa mga hinangaan ko sa 'yo, iyang utak mo," papuri ko. Sinulyapan ko siya, nakangiti na siya sa 'kin. "'Buti naman at naisip mong makipagkita sa 'kin? Buong akala ko ay isang linggo lang tayong hindi magkikita, hindi ko akalaing ganito ka pala katagal kung mag-aral?"

"Seven hundred items iyong acceleration exam na kukunin ko, Sensui."

Bahagya akong natigilan. "Hindi ko alam na gano'n karami, babe."

"Kaya gano'n ang paghahanda ko. Kagabi lang ako natapos mag-aral kaya ire-relax ko naman ang utak ko," nag-iwas siya ng tingin. "Ikaw lang ang makakapagpa-relax sa buong sistema ko."

Palihim akong napangisi. In love talaga siya sa 'kin! Bwahaha!

Agad kong iginala ang paningin nang marating namin ang hotel. Maganda ang lugar. Mukhang mayayamang tao lang ang nagagawi ro'n.

Madalang akong lumabas ng Laguna. At kung aalis man ako ay sa ibang bansa ang punta ko. Kung gusto kong mamili ng mga bagong damit ay sa New York ako namimili, o hindi naman kaya ay sa Hongkong para malapit. Pumupunta kami sa mga five star hotels kapag may gathering na kailangang kasama ang buong pamilya, pero ngayon ko lang napuntahan ang isang ito. Kadalasan pa ay tumatanggi ako kapag niyayaya ako nina mommy. Kadalasan ay si Noona ang sumasama sa mga gatherings dahil siya ang mahilig sa sosyalan kahit pa hindi siya kasing-arte ng iba.

Matapos iwan sa valet ang kotse ay inalalayan ko si Taguro pababa. "Nagugutom ka na ba?" tanong niya na hinawi pa ang buhok.

Napangiti ako. "Babaeng-babae ka na, Taguro."

"Problema ba 'yon?" maangas na namang tanong niya.

"Sa akin, hindi."

"Problema para sa 'kin, gano'n ba?" tanong niya, nakangisi naman akong nagkibit-balikat. "Bakit mo nasabi?" tanong niya nang papasok na kami sa entrance.

"Good afternoon, Miss del Valle, Mr. Enrile." Bahagya pa akong nagulat sa guard na bumati sa 'min.

"Good afternoon," pormal na tugon ko at saka ko hinintay na makapasok si Taguro. Kinuha ko ang kamay niya at isinabit iyon sa braso ko. "Bakit kilala nila tayo? 'Wag mo sabihing kayo rin ang may-ari nito?" gulat na tanong ko, natawa siya.

"Hindi naman."

"May share?"

"Wala."

"Eh, bakit kilala nila tayo?"

"Ang apelido lang natin ang kilala nila, Sensui," nakangising tugon niya at napangiwi naman ako. "Tinatanong ko kanina kung nagugutom ka na ba?"

"Hindi, kumain ako nang marami kaninang breakfast."

"Nagugutom na ako."

"Eh, di kumain tayo," nakangiting tugon ko 'tsaka inakbayan siya. Hinawakan niya ang kamay kong nakaakbay sa kaniya at pinisil-pisil ko naman iyon. "Na-miss kita. Na-miss mo ba ako?"

"Hindi ba't 'yon nga ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon?"

"Kailangan mo ba talagang maging maligoy? Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang sa 'kin na, oo, Sensui, miss na miss na kita, sobra-sobra?"

"Tss, hahaha! 'Yan! 'Yan ang na-miss ko. Ang pagiging assuming mo. Tara," anyaya niya at saka kami pumasok sa isang kilalang restaurant.

Gaya ng inaasahan ko ay naging sentro siya ng atraksyon. Napakaraming Amerikano ang tumitingin sa kaniya at hindi ko nagugustohan 'yon. Ako ang pumili ng mesa na malayo sa mata ng marami. Malaki ang upuan doon. At kung ako lang ang masusunod ay gusto kong maupo na lang kami sa iisang silya dahil kasya naman kami ro'n.

"Nakapag-enroll ka na ba?" tanong niya nang magsimula kaming kumain, tumango naman ako. "Kung gano'n ay pumayag na pala talaga ang Chairman ninyo sa course na gusto mo?"

"Wala na siyang magagawa dahil kinausap ko na sina mommy at daddy. Hindi ko rin magugustohan ang pag-aaral kung kukunin ko ang gustong course ni Chairman. Gusto niya kasing mag-Nursing ako at dumeretso sa Medicine, gaya ni Noona."

"I see. Mabuti naman at pumayag na siya."

"Hindi pumayag, wala na lang talaga siyang magawa. Hahaha."

"Mauuna kang makapagtrabaho kaysa sa 'kin."

"Sabay pa rin naman tayong tatanda kaya ayos lang. Hahaha," tugon ko, nakitawa rin siya.

Matapos kong bayaran ang light meal na 'yon ay nagyaya siya sa book store. Mamimili raw siya ng mga gamit niya para sa paparating na school year. Napakasaya ko dahil ako ang naisip niyang isama sa pamimili. Samantalang pwede naman siyang magpasama kay Parrot lalo pa at pareho ang kakailanganin nila na mga gamit.

Ako ang nagtulak ng cart habang hawak-hawak ko ang pouch bag niya. Pinagmamasdan ko siya habang namimili ng notebooks na gusto niya. Napapangiti ako sa pagiging salubong ng mga kilay niya habang sinisipat ang mga notebooks.

Para talaga siyang lalaki.

'Yong pagiging tutok niya sa pagsusuri ng isang bagay ay kadalasang gawain ng isang lalaki. Kung babae ang mamimili ng notebooks, paniguradong panglabas na anyo ang unang titingnan nito, kung maganda ang kulay, masarap sulatan ang papel at kung ano-ano pa.

"Aanhin mo ang ganiyan karaming notebooks, babe? May sariling notebook ang BIS," mayamaya'y sita ko sa kaniya.

"Kinukulang ako sa isa. At isa pa, mahilig akong magsulat," nakangiting tugon niya, tumango-tango naman ako. "Tara ro'n sa mga ballpen."

"Ballpen talaga ang gamit mo?"

"Oo, pero minsan ay gumagamit din naman ako ng signpen. Pero dahil mahilig nga akong magsulat, magastos ang signpen."

"Sige na, kumuha ka ng sampung box. Ako ang magbabayad ng pamimilihin mo."

"Bakit?"

"Dahil gusto ko," pagtatapos ko sa usapan. Binitiwan ko ang cart at saka ako tumabi sa kaniya. Ngumiti ako sa assistant. "Good afternoon, pakilabas ang lahat ng klase ng Parker Pen Sonnet—"

"Oh, please, ayoko ng Parker," pigil ni Taguro sa 'kin. "Hindi ako sanay gumamit non. 'Yong simpleng sign pen na lang, 'yong 0.5, please," pakiusap niya, nakangiting tumango naman ang asistant. "Allergic ako sa mamahaling gamit, Sensui," natatawang bulong niya, nagtawanan kami. Inakbayan ko siya, isinabit niya naman ang braso sa likuran ko. "Tumigas ang katawan mo, ah? Nag-gym ka ba?"

"Nope. That's natural, babe," mayabang kong tugon, ngumiwi lang siya.

Mayamaya ay bumalik ang assistant at inabot sa 'min ang pinakamagandang sign pen na nakita niya. "Bigyan mo siya ng sampung box, please," pakiusap ko, tumango naman agad ito at sumunod. "May kailangan ka pa ba?" mayamaya pa ay tanong ko.

"Oo, gusto ko sana ng libro," aniya kaya pumunta kami sa pwesto ng mga iyon.

"Alam mo bang mahilig ako sa pocketbooks, babe?" medyo nahihiyang sabi ko.

Binitiwan ko ang cart at nagtingin-tingin din ng libro. Gulat siyang napatingin sa 'kin nang lingunin ko siya kaya medyo natawa ako.

"Bading na naman ako?" natatawang tanong ko, tatlong beses siyang tumango. "Pero iyon ang libangan ko kapag wala akong ginagawa."

"Just kidding, I actually find it cute," aniya. Napangiti naman ako saka lumapit sa kaniya. Isinandal ko sa tagiliran niya ang likod ko habang binabasa ang buod ng librong aking hawak. Inihilig niya naman ang ulo sa batok ko.

Agad na nangibabaw ang papuri ng mga babaeng nakakita. Paulit-ulit na sinabi ng mga iyon na ang sweet ko. Sa tingin ko ay nagkamali ako, ako pa rin ang sentro ng atraksyon. Bwahahaha! Pero mayamaya lang ay mga boses ng lalaki naman ang nangibabaw, pinupuri nila ang ganda ni Taguro.

"She's hot," bulong pa ng isa.

Inis akong sumilip sa pagitan ng mga libro at nakita ang tatlong lalaking nakasilip kay Taguro. Mga mukhang Arabo. Pero dahil sa punto ng pananalita ay mukhang naglalagi na sa bansa.

"And she's mine," singhal ko sa kanila. Ngumiwi naman ang mga ito.

Ngingisi-ngising lumayo ang tatlo habang sumusulyap pa rin kay Taguro. Nang lingunin ko si Taguro ay kuminang ang mga ngipin niya sa sobrang pagkakangisi, nakatingin pa rin sa libro.

"Tch. Nagustohan mo ba ang papuri sa 'yo ng mga iyon, Taguro?"

"Bakit hindi, Sensui?"

"Ha! Hoy!" nagbabantang tingin ang ibinigay ko sa kaniya at saka ko siya pinasadahan ng tingin. "Wala kang tatanggaping ibang papuri bukod sa mga nanggagaling sa 'kin. Malinaw?"

"Malabo," natatawang tugon niya. "Kailangan ko nang maraming papuri, pagkain ng kaluluwa ko iyon. Doon ako humuhugot ng angas," aniya 'tsaka isinauli ang librong hawak at inilagay sa cart ang dalawang napili niya. Inilagay ko naman ang tatlong English pocketbooks na nagustohan ko.

"Ano pa ang kailangan mo, babe?"

"Mamimili siguro ako ng ilang damit. Kailangan ko rin ng bag at sapatos."

"Pambabae?" nanunuksong tanong ko, ngumiwi siya. "Tch."

"Hindi ako komportable sa anumang pambabae, Sensui," nakangisi at maangas pang aniya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya, magkayakap naming itinulak ang cart. "Kailangan ko ng black school shoes. Masiyadong maraming mukha ang nasipa ko ro'n sa luma kaya wala pang isang taon, sira. Rubber shoes ay marami ako, binilhan ako ni Maxwell ng sangkatutak. Natatandaan mo ba?"

"Wala kang nabanggit sa 'kin na binilhan ka niya ng maraming rubber shoes, babe," pumila kami sa counter.

"Dahil hindi naman iyon ang punto ko," natatawang sabi niya. "Natatandaan mo ba nang ipamigay mo ang sneakers ko?"

"Ah, hahaha! Oo!"

"Tss. Si Maxwell ang bumili no'n."

"Ah, talaga? Nakakadiri ka nga, eh. Binawi mo pa."

"Hindi, ah."

"Anong hindi? Nakita kitang suot uli iyon no'ng party."

"Bagong bili na iyon ni Maxwell. Sinadya kong piliin iyong kaparehong design."

Matapos kong bayaran ang lahat ng pinamili namin ay sinamahan ko siyang mamili ng sapatos. Kung kanina ay masaya akong isinama niya ako, mas natuwa pa 'ko nang tanungin niya ako kung alin ang bagay sa kaniya. Maaaring mababaw lang ang gano'n pero kakaiba ang dating sa 'kin. Siguro ay dahil ngayon lang namin ginawa ito.

Iba ang epekto sa 'kin. Hindi nawawala ang mga ngiti ko. Maging sa damit ay ako ang pinapipili niya. Syempre, ayaw ko nang maikli. Hindi kailanman ako naging pabor sa ganoong klase ng damit, girlfriend ko man siya o hindi. Maski ang kapatid ko ay hindi ko hinahayaang magsuot ng gano'n.

Pero dahil si Taguro ang kausap ko, nagbago na naman ang pananaw ko, nasunod ang gusto niya at nabale-wala ang dahilan ko. May nagustuhan siyang cocktail dress at hindi siya nahinto hanggang hindi nababayaran iyon.

"Bilhin natin 'to." Itinuro niya ang pares ng pantulog. Blue ang panlalaki at pink naman ang pambabae. "Isusuot ko kapag matutulog ako sa inyo," nakangiting aniya.

Mas napangiti naman ako sa tuwa. "Sa amin ka matutulog?" nakikiusap ang tono ko.

"Mm, pag-iisipan ko."

Namili rin kami ng mga damit at laruan para kay RD. Gumastos siya ng sariling pera para sa ipapasalubong niya sa pamilya ko. Tumanggi pa ako nang pumili siya ng ireregalo kay Randall pero dahil nga siya si Taguro, siya na naman ang nasunod.

Matapos niyon ay dumeretso kami sa isang record store, namili kaming pareho ng movie. Nasa ganoon naman kaming sitwasyon nang mag-ring ang cellphone ko.

"Babe, tumatawag si Kim," sabi ko.

Nag-angat lang siya ng tingin sa akin at bumuntong-hininga. "Okay."

"Excuse me." Bahagya akong lumayo. "Hey, Kim, what's up?"

"Deib Lohr!" masayang bati nito sa kabilang linya.

Nanibago ako. "Mm, napatawag ka?"

"I think I miss you."

"What?"

"Sa tingin ko ay nami-miss kita!" humalakhak pa siya.

"Tch, loko."

"Seryoso! What are you doing right now?"

"I'm here in Manila with Maxpein."

"Gumagala kayo?"

"It's a date."

"Ah, yeah. Nakakaabala pala ako kung gano'n?"

"Hindi naman." Nilingon ko si Taguro.

"I guess I'll you again later, if it's okay with you? I don't want to interrupt your date."

"I'll wait for your call, then."

"Cool! I'll call you, bye!" Kunyari pa siyang humalik bago ibinaba ang linya.

Iiling-iling kong ibinulsa ang telepono saka muling bumaling kay Taguro. Natigilan ako nang makitang nakatitig na siya sa akin. "Babe," lumapit ako.

"Ano raw 'yon?" Hindi niya inalis ang paningin sa 'kin.

"Nangungumusta lang."

"Wala akong narinig na sagot patungkol sa lagay mo," nakangiting tugon niya at saka tinalikuran ako.

Napangisi ako. Selosa. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya. "Wala 'yon, babe."

"Wala naman akong sinabi," aniya 'tsaka lumayo at muling pumili. "Sa tingin ko ay sapat na 'tong napili ko, wala masiyadong magagandang palabas."

"'Eto, babe, oh. Mga love stories."

"Patayan ang gusto ko, Sensui," tugon niya habang nakatingin sa mismong mga mata ko.

Nanlaki ang mga ko 'tsaka ako napalunok. Sinasabi niya bang papatayin niya si Kim? Sunod-sunod akong napailing. Andwae! Andwae! Hindi gano'n si Taguro. "Of course you love action," kabig ko.

"Tss," singhal niya 'tsaka nagpaumunang pumunta sa counter.

Sumunod naman ako. "Ako na ang magbabaya—"

"May pera ako," pigil niya sa 'kin.

"Babe," bulong ko. Nakangiti naman kaming pinanood ng mga assistant doon. Hindi siya tumugon at umastang kukuha na sa pouch niya kaya inagaw ko 'yon at hinugot ang wallet ko. Naglabas ako ng cash at nagbayad. "Ako na," nakangiting tugon ko. Bumuntong-hininga naman siya sabay irap. Hindi siya nagsalita hanggang sa makalabas kami at maglakad palayo. "Babe?"

"Oh?"

"Nagseselos ka?" tanong ko pero hindi siya sumagot. "Babe?"

"Hindi."

"Nagseselos ka, eh."

"Kapag sinabi kong hindi—makontento ka na," tugon niya 'tsaka nagpaumanang maglakad. Bumagsak naman ang mga balikat ko at sumunod sa kaniya.

"Galit ka ba?"

Tumawa siya. "Bakit naman ako magagalit?" saka siya sumeryoso.

Ngumuso ako. "Alright. Sinabi niyang na-miss niya ako. That's all."

Nadinig ko ang pagsinghap niya. 'Ayun na naman 'yong natural niyang angas. "Ano raw ang dahilan niya?"

May dahilan ba dapat 'yon? Hindi ba't natural naman 'yon sa magkakaibigan? "Wala siyang sinabi."

"Bakit kailangan mo pang lumayo bago sagutin ang tawag niya? Hindi mo ba siya masasagot nang katabi ako?"

Natitigilan akong napatitig sa kaniya. Napakaprangka niya!"Sorry."

"Tara na sa hotel, nakatanggap na ako ng text mula kay Maxwell," walang emosyong aniya 'tsaka kami naglakad papunta sa kung saan.

Galit siya... Sumunod lang ako sa kaniya habang tulak ang cart. Sinasamaan ko ng tingin ang bawat lalaking sumulyap sa kaniya habang naglalakad kami. Batid kong tatanggi siya kapag lumapit ako kaya hinayaan ko na lang siyang maglakad mag-isa.

Mayamaya pa ay sumakay kami ng elevator. Hindi ko tuloy naiwasang maalala 'yong sandaling sumiksik siya sa suot kong roba. Nagiging selosa na siya, hahaha! Hindi ko maintindihan kung dapat ko bang ikatuwa o ikalungkot 'yon. Pero sa ngayon ay natutuwa ako. Hehehe.

Elegante ang hotel. Hindi na kataka-taka dahil Moon ang pumili niyon. Hindi na ako nagulat nang batiin kami pagkapasok at ihatid sa mesa kung nasaan ang pamilyang Moon.

"Good evening," sandali kaming nakipagbatian ni Taguro.

"Have a seat," tugon ni Chairman Moon. "It's nice to see you again."

Naupo ako sa tabi ni Taguro. Kasunod niyon ay isa-isa nang i-s-in-erve ang mga pagkain. Kompleto ang pamilyang Moon, ultimong si Heurt ay nandoon. Syempre, pare-pareho nila kaming kinumusta, paulit-ulit ang pagsagot ko. Gaya ng dati ay wala pa ring emosyon si Taguro nang batiin siya ng mga ito.

"Kumusta ang pinagkakaabalahan mo, Maxpein Zin?" tanong ni Chairman Moon sa kalagitnaan ng pagkain.

Inubos ni Taguro ang laman ng bibig bago tumingin nang deretso sa lolo. "Sa tingin ko ay sapat na ang nalaman ko," pormal na tugon ni Taguro.

Bilib ako sa t'wing pormal ang pananalita ni Taguro. Malayo 'yon sa natural niyang pagiging bastos. Hindi nawawala ang angas.

"Mapagtatagumpayan mo naman ba iyon, Maxpein Zin?"

"Walang dahilan para hindi, Chairman," may kaunting ngisi sa labi ni Taguro.

Siguro ay 'yong acceleration exam ang tinutukoy nila.

"Magaling kung ganoon," nakangiting tugon ni Chairman saka tumingin sa 'kin. "Kumusta ang bakasyon mo, apo?"

Apo? Nanindig ang mga balahibo ko. Hindi ako sanay nang tinatawag niya ng gano'n. Tumikhim ako bago nakapagsalita, "Maayos naman, Chairman. Naging abala rin po ako sa pag-aaral kahit bakasyon."

"Mabuti kung ganoon. Nakakatuwa na malaman na ngayon lamang kayo nakapagkita dahil pareho kayong abala sa pag-aaral. Batid kong kolehiyo ka na sa pasukan? Plano mong maging inhenyero. Interesante ang kursong iyan," nakangiting aniya. Parang pinisil ang puso ko. Siya lang ang nakapagsabi sa 'kin na interesante ang kursong gustong-gusto ko.

"Thank you, Chairman," galak na galak, bigay na bigay na tugon ko. "Akala ko nga ay hindi ko na makukuha ang course na gusto ko. Hindi kasi iyon ang gusto ni Chairman Enrile para sa akin."

Natawa si Chairman Moon, bagay na hindi ko inaasahan. "Hindi naman siya ang mag-aaral kaya hindi na mahalaga kung gusto niya ang kurso mo o hindi. Ang mahalaga ay iyon ang gusto mo," lalo akong natuwa at nagalak sa sinabi niya. "Study hard," aniya pa saka tumingin kay Taguro. "Study hard, Maxpein Zin."

"I don't study," mapaklang tugon ni Taguro, kumunot naman ang noo ni Chairman. "I like learning by experiencing, that's better."

"At sana ay huwag ka nang basta-basta pumasok sa gulo."

Nangunot ang noo ko. Ibig sabihin ay pwede pa rin siyang pumasok sa gulo? Gusto kong magprotesta pero wala akong lakas ng loob.

"Depende pa rin sa kaharap ko, Chairman," maangas na namang ani Taguro saka nilingon ako. Tumingin siya sa plato ko. "May hinihintay ka bang tawag at hindi mo na magawang ubusin ang pagkain mo?" mapaklang aniya, napanganga ako.

"Wala, Taguro."

"Kumain ka."

"Kumusta ang relasyon ninyo?" tanong ni More mayamaya. Kinabahan ako nang makitang sa 'kin siya nakatingin.

"At stake," si Taguro ang sumagot.

"Babe?" nanunuway kong bulong. "Anong at stake?"

Ngumisi siya, nang-aasar. "Isang buwan ko siyang hindi nakita. Pakiramdam ko ay isang buwan din na naging itim at puti ang buong paligid ko."

Pinigilan kong ngumiti. Bahagya kong nakagat ang pang-ibabang labi ko upang maiwasan ang mangiti.

"Hyung," dinig kong bulong ni Maxrill, siya ang nasa tabi ko. "You look cute." Nginitian ko lang siya. "Here, this is for you,"inilagay niya ang isang hiwa ng stake sa plato ko. "And this is for Maxrill Won," inilagay niya ang mas malaking hiwa ng stake sa sariling plato.

Hindi ko nagawang sumagot at sa halip ay napangiti na lang ako. Sinulyapang muli ni Taguro ang plato nang lingunin ko siya. Nagtuloy na lang ako sa pagkain.

"Kumusta ang lagay ng relasyon ninyo sa Chairman Enrile?" tanong naman ni Maze mayamaya. Pakiramdam ko ay nasamid ako nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.

Nilingon ko si Taguro, umaasa akong tutulungan niya akong sumagot. Pinunasan ko ang labi ko saka nagsalita, "Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na 'yan, President Moon," napapahiyang sabi ko.

"Gayunma'y naiintindihan ko kung saan nagmumula ang galit ng Chairman. Napakabata ninyo pa nga naman para magtabi sa iisang kama. Sana lang ay hindi na maulit kung ano man iyong nasaksihan naming sagutan sa pagitan ninyo. Hindi ko gusto kapag sumasagot si Maxpein Zin sa kahit na sinong nakatatanda sa kaniya. Maaari niyang ikapahamak ang ugali niyang iyon," nangangaral ang tono ng pananalita ni Maze.

"I would like to apologize again for my behaviour. And for what our Chairman did to Maxpein, I'm sorry," sinsero kong sinabi.

"Ang tungkol sa nangyari," ani Chairman Moon. "Ang nangyaring iyon sa Palawan. Hindi ninyo pa ba napag-uusapan?" Batid kong iyong pamamaril ang tinutukoy niya. Napapahiyang umiling ako, nadinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. "Mag-iingat ka, hijo."

Bigla ay kinabahan ako sa sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga paningin namin ng Chairman. Ilang beses akong napalunok habang pareho kaming nakatingin sa isa't isa.

"What do you mean by that, Chairman Moon?" hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong.

"Tinatakot mo siya, Hwejang-nim," saway ni Taguro.

Ngumiti naman ang Chairman kaya lalo akong nalito. "Oh, is that so? Hindi ko alam na nakakatakot na pala ang paraan ko ng pagsasabi ng ganoon ngayon. Pagpasensiyahan mo na kung gano'n," sinserong aniya pero hindi nabawasan ang pagkalito ko.

Kinabahan ako lalo. Ano ang ibig niyang sabihin?

Napakarami pa naming napag-usapan pero wala na ako sa sarili. Kinakabahan ako at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Meron sa loob ko ang nagtatanong.

May kinalaman ba siya sa nangyari para magsabi nang gano'n? Pero bakit? Paano?

Napatingin ako kay Chairman Moon. Wala akong makitang bahid ng kasamaan sa napakagandang ngiti niya. Ayaw kong magbintang. Pero siya ang nagbigay sa 'kin ng dahilan para makaramdam ako ng ganon. Hindi ko nagustuhan ang naiisip ko laban sa kaniya.

Napakaganda ng pakikitungo nila sa 'kin, hindi pwede ang naiisip ko.

Wala sa sariling napatayo ako habang ang lahat ay nag-e-enjoy sa desserts nila. Nilingon ako ni Taguro kaya ginawaran ko siya ng isang pilit na ngiti.

"I need to go to the washroom," paalam ko.

Nanatiling nakatingin sa 'kin si Taguro kaya hindi ko ipinahalata ang kaba ko. Hinawakan ko ang pisngi niya saka ako naglakad papunta sa washroom.

Ngunit hindi ko pa man tuluyang nararating ang banyo ay nakaramdam na ako ng kakaiba sa dibdib ko. 'Ayun na naman iyong masamang pakiramdam. Iyong malakas na pintig ng puso kong may nakakatakot na pagitan.

Please, not now.

Nagmadali akong maglakad papunta sa dulong pinto habang hawak-hawak ko ang aking dibdib. Napangiwi ako dahil sa sakit. Bago ko pa man mapasok ang washroom ay natigilan na ako. Naituon ko ang bigat ko sa doorknob. Sa ganoong paraan ko natitiis ang sakit.

Ngunit agad akong natigilan nang may kamay na humawak sa braso ko. Dahan-dahan kong naipihit ang paningin sa nagmamay-ari ng kamay na iyon. Pakiramdam ko ay humiwalay sa 'kin ang kaluluwa ko nang mapagtanto kung sino ang nasa tabi ko.

Ikaw? Hindi ko nagawang isatinig ang laman ng isip ko.

"I didn't expect to see you here," namamanghang aniya. Bahagya siyang lumayo at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "It's really you."

"What are you doing here?"

"Naka-check-in ako sa hotel na 'to. How about you? What a coincidence!"

"I need to go," pagmamatigas ko saka pinihit ang doorknob pero pinigilan niya ako. Inis kong sinulyapan ang kamay niya saka galit na binawi ang braso ko. "What the hell do you think you're doing?"

"Hey, wait, tone down your voice. Why are you yelling at me?"

"Are you following me?"

"What, no!" nanlalaki ang mga matang tanggi niya. "Look, as I've said, naka-check-in ako sa hotel na 'to. I was having my dinner when I saw you—"

"Hindi ako interesado sa 'yo," mariin na tugon ko. Natigilan siya. "I'm with my girlfriend right now so please don't come near me again," pakiusap ko at saka tinalikuran siya. Pumasok ako at pabagsak na isinara ang pinto.

What is she doing here? Damn it. Pakiramdam ko ay lalo akong kinabahan. Sa Palawan ko siya unang nakita, ngayon ay nandito siya sa Manila. Is this really a coincidence?

Hindi ko inaasahang makikita ko ang babaeng 'yon na sumunod-sunod sa 'kin, at siya ring pinagselosan ni Taguro sa Palawan. Naghalu-halo na naman ang emosyon ko. Natatabunan ang mga tanong sa utak ko. Parang gusto kong maupo at ipahinga ang aking buong katawan. Ang kabog na 'yon sa dibdib ko ay binabagabag na ako masiyado.

Ilang saglit akong nanatili sa washroom, ipinahinga ko ang isip at puso ko. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Sinuri ko muna ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas. Pero muli akong nagulat nang makita kong nandoon pa rin 'yong babae.

"Why are you still here? Didn't I tell you not to come near me?"

"I hope you don't mind if we get to know each other a little."

"I said I'm not interested."

"My name is Eerah Anitha, what's yours?" nakangiting pakilala niya. Parang hindi naririnig ang mga sinabi ko.

Nagtiim ang bagang ko. "If you don't want to get hurt, don't ever show up in front of me again."

She smirked. "Sa ginagawa mo ay lalo mo akong binibigyan ng dahilan upang lapitan ka, Deib Lohr Enrile."

Natigil ako sa akmang pagtalikod. Nagngalit ang panga ko at nahablot siya. "Who the hell are you?" gitil kong tanong. Nginisihan niya lang ako. "Paano mo akong nakilala?"

"I am interested with you."

"What do you want?"

"You."

"Bullshit!" gilalas ko, bagay na ikinabigla niya. "I am warning you, don't come near me." Dinuro ko siya sa mukha saka ko siya tinalikuran. Pakiramdam ko at noon ko lang nagawang magbanta sa tao. And I really mean it.

Ngunit matigas ang babaeng ito. Hindi pa man ako tuluyang nakalalayo ay hinablot niya muli ako sa braso at sapilitan iniharap. May kung anong kuryenteng akong naramdaman nang maglapat ang balat naming dalawa. Dahilan para marahas kong bawiin muli ang braso ko.

Gano'n na lang ang gulat ko nang bigla ay halikan niya ako. Marahas ko siyang naitulak. Paulit-ulit kong pinunasan sa pandidiri ang aking labi saka siya sinamaan ng tingin.

"Why the hell did you do that?" sigaw ko. Sinugod ko siya at minsan pang itinulak.

"You're hurting me!"

"And I don't care," singhal ko saka dinaklot ang blusa niya. "Subukan mo pang lumapit sa 'kin—mas masasaktan ka pa." Muli ko siyang itinulak, mas malakas. Muli rin siyang humampas at nasaktan. "Bitch," mariing sabi ko bago siya tinalikuran.

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Nag-iinit ang ulo ko at gusto kong magwala sa galit. Pakiramdam ko ay intensyon ng babaeng iyon na sundan ako.

Fuck it! I've been kissed by a bitch! How did she know my name? Paniguradong sinusundan niya 'ko! Lalo akong nainis.

Handa na sa pag-alis ang lahat nang makabalik ako sa mesa. "Hey," lumapit sa 'kin si Maxwell. Pakiramdam ko ay tuliro pa rin ako. "We have to go now. May pupuntahan pa akong gathering."

Nakipagtapikan ako ng balikat sa kaniya. "It's okay. Where's Maxpein?"

"She went to the ladies room."

Bigla ay kinabahan ako. "She's in the comfort room?"napapraning pang paglilinaw ko.

"Yes," nagtatakang tugon niya.

Agad akong napalingon sa gawing pinanggalingan ko. Pilit na hinanap ng paningin ko si Taguro.

"Ladies comfort room is on the other side, Deib Lohr," ani Maxwell. Muli ko siyang nilingon. Iyong gawing kabila, salungat sa pinanggalingan ko, ang kaniyang itinuro. Nakahinga ako nang maluwag.

"Deib Lohr, hijo," lumapit sa 'kin si Chairman Moon. "Mauuna na kami. Ikaw na ang bahalang maghatid kay Maxpein."

"I'll take her home, Chairman."

"Thank you. It's nice to see you again, hijo, I had a great time. I hope that this is not the last. We should do this more often, I want to know you better."

"I'd be delighted to do that, Chairman," nakangiting tugon ko. Hindi na nagawang sumagot ng Chairman, eksakto kasing lumapit si Taguro.

"Are you sure you're not joining us to the party, Maxpein?"tanong ni More.

"Inaantok ako sa gano'ng klase ng salo-salo, dad. Mas gusto kong makasama si Deib."

Ngumiti sa 'min si More. "Ikaw ang bahala. Anyway, Heurt is joining us. Gusto siyang ipakilala ng Chairman sa mga dadalo doon."

Nangunot ang noo ni Taguro, parang gustong tanungin ang ama pero hindi na nagawa. Sa halip ay binalingan niya na lang si Heurt. "Magkita tayo bukas. Dadalhin kita sa The Barb. Nakausap ko na ang kaibigan ko at pumayag sila sa gusto kong mangyari."

"Sige. Aasahan ko ang tawag mo bukas. Mag-iingat kayo," nakangiting tugon ni Heurt na humawak pa sa braso niya. "Deib Lohr," bati niya sa 'kin, tumango naman ako.

"Bye," kaswal na paalam ni Taguro.

Hindi man lang yumakap o humalik si Taguro sa pamilya nang magpaalam. Malayo siya sa gawain at nakasanayan ko. At sa halip ay tinapik niya isa-isa ang mga ito sa balikat at mabilis na tinaasan ng dalawang kilay. Sa ganoong paraan siya nagpaalam sa lahat.

"Thanks for tonight, everyone," paalam ko saka iginiya si Taguro papalabas.

Para akong hangin na naglakad pabalik sa valet. Nangibabaw na naman sa isip ko ang ginawa ng babaeng 'yon. Ni hindi ko man lang din naramdaman nang itago ko sa compartment ang mga pinamili ni Taguro. Hindi ko nagawang kumibo maski isang salita, pakiramdam ko ay punong-puno ang isip at dibdib ko. Bumuntong-hininga ako at saka nagmaneho.

Napakatahimik sa daan namin pabalik ni Taguro. May mga sandaling nililingon ko siya pero nasa labas lang ang paningin niya. Mahaba ang byahe pero hindi ko man lang naramdaman nang makarating kami.

"Nag-iba ang ihip ng hangin," aniya matapos ko siyang pagbuksan ng pinto ng kotse. Bagaman hindi ko siya naintindihan ay agad akong natigilan at napapatitig sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Dumeretso siya sa backseat at kinuha ang mga pinamili niya.

Paniguradong nahalata niya ang pananahimik ko. Umayos ka, Deib. Si Taguro ang kaharap mo. At mas matindi pa sa inaakala mo ang pakiramdam niyan.

Nag-alala ako sa iniaasta ko. Pero hindi ko maiwasan. Hindi talaga mawala sa isip ko ang mga nangyari nitong gabi. Ang pag-iingat ko na sinabi ni Chairman Moon. Ang kakaibang tibok ng puso ko. At ang babaeng 'yon.

"My name is Eerah Anitha, what's yours?"

Damn you!

"Pwede ko bang malaman ang iniisip mo?" bigla ay tanong ni Taguro.

Napamaang ako at sunod-sunod na napalunok dahil sa kaba. "Wala, napagod lang ako."

"Mm," tumango siya. "Ang layo ng sagot mo," nakangiwing aniya. Nagbaba ako ng tingin. "I'll give this to your family then I'll go home. I think you need to rest—"

"No," hinawakan ko ang braso niya. "I want you here. I don't want you to go yet."

"Hindi ka makapagpapahinga kung narito ako."

"I'm tired but I can rest later, babe. Please? I still want to be with you."

"Okay," walang emosyong tugon niya saka nanguna papasok. Nagmadali akong pagbuksan siya ng gate.

"Yiee! Our Maxi is back!" salubong ni mommy. Pilit kong pinalis ang laman ng isip ko't nagpakita ng saya sa kanila.

"May pasalubong siya sa inyo," masayang balita ko.

"Omo! Yiee! Come here, baby, come here," iginiya ni mommy si Taguro paupo sa sofa. "How was your date?" nanunuksong tanong niya.

"Mm, ayos naman ho, napagod ang anak ninyo."

"Why baby?" nag-aalalang tanong ni mommy, hinaplos pa ang braso ko't hinila ako papaupo sa tabi niya. "Are you okay? You look pale."

"No, mom, normal ko 'yan."

"Tsk tsk. You know what, Maxi, baby? Hindi siya makatulog kaiisip sa 'yo! Ikaw parati ang sinisisi niya kapag puyat siya, kapag gutom siya, kapag ayaw niyang kumilos, kapag may sakit siya at kapag mainit ang ulo niya. Our baby is a very very bad guy!" parang batang ani mommy, natawa na lang ako. "Wow! Is this for me? Omo! I love it!" masaya siyang makita ang simpleng cocktail dress para sa kaniya.

"Look, mom, partners tayo!" ani Noona na ipinakita ang sa kaniya. Magkaiba ng istilo ang mga iyon pero iisa ang design at kulay.

"Wow, it's so sweet of you." Niyakap ni mommy si Taguro.

Tumayo ako at kinuha ang kamay ni Taguro. "Binili niya lahat 'yan para sa inyo, meron din sina Randall, Manang at si daddy, lalo na para kay RD. Mauuna na muna kami sa 'taas," nakangising paalam ko, binigyan nila ako ng nanunuksong tingin.

"Gusto pa akong kausapin ng pamilya mo," protesta ni Taguro.

"Paano naman ako? Gusto rin kitang makausap," nakangising tugon ko at saka siya pinagbuksan ng pinto. Nang makapasok kami ay saka ko siya yinakap. "Miss na miss kita, babe," inihilig ko ang ulo sa balikat niya saka doon pinapayapa ang isip ko. Napabuntong-hininga ako at mas humigpit ang yakap. Pilit kong inaalis ang mga bagay na kaninang pumupuno sa utak ko.

Ikaw lang ang gusto kong gumulo sa isip ko, Taguro, wala nang iba.

"Na-miss din kita," tugon niya.

Napangiti ako. "Ang payat mo na."

"Ikaw rin." Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko. Inihilig ko naman ng todo ang mukha ko sa palad niya. "Ang gwapo mo," nagpipigil ng ngiting aniya.

Lumabas ang matamis na ngiti ko. "Bakit kapag iba ang nagsasabi, balewala lang sa 'kin? Kapag ikaw na ay iba ang dating. Ang sarap pakinggan."

"Ikaw ang pinakagwapong lalaking nakilala ko."

"Talaga?"

Hindi na sumagot si Taguro. At sa halip ay mas tinitigan niya ako. Sa paraang para bang pinag-aaralan niya ang bawat anggulo ng aking mukha. Sa paraang para bang may sinasabi siya sa isip na ayaw ipaalam sa akin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Lalong pumulupot ang mga braso ko sa kaniyang baywang. Gamit ang dalawang hinlalaki ay hinaplos niya ang mga kilay ko, ang mga mata, pababa sa ilong at natapos sa labi. Tumitig siya sa labi ko kaya lalo akong napangiti.

"Aaminin kong na-in love ako sa halik mo," mahinang sambit niya at muling nagtama ang paningin namin. "'Yong unang beses na hinalikan mo 'ko sa Palawan, hindi nawala ang pakiramdam na 'yon sa labi ko," dagdag niya, napalunok ako. May kung anong bumabagabag sa 'kin, sa dibdib ko. "Pero noon pa man siguro ay mahal na kita. At gaya mo ay hindi ko lang maamin sa sarili ko." ngumiti siya at muling iginala ang mga daliri niya sa mukha ko na animong pinag-aaralan pa lalo 'yon. "Kahit na iba ang laman ng isip ko, ikaw ang parating hinahanap ng mga mata ko. Nang unang beses kitang makita, para akong nakakita ng artista. 'Yong paraan mo ng pagtingin sa 'kin ay parang pinapasok ang aking kaluluwa. Naiilang ako pero nilalabanan ko. Gusto ko kasing makita ang lahat ng reaksiyon mo habang nasa akin ang paningin mo."

"Mahal na mahal kita, Taguro," nakangiting tugon ko.

Ngumiti rin siya. "Iba 'yong pakiramdam ko sa t'wing titingin ka sa 'kin. Napapangiti ako kahit ayaw ko. T'wing papasok ka sa isip ko, napapangisi ako kasabay ng pag-iling. Pero kapag nagsalita ka na sa harap ko," bahagya siyang tumawa. "Natatawa na ako. Lahat ng reaksiyon ng mukha mo ay gustong gusto ko, Sensui," tumatangu-tangong aniya pa.

"Mahal na mahal kita, Taguro," tugon ko. Mas napangiti pa siya. "Mahal kita kahit ikinahihiya ko 'yong pagiging mahina ko. Dahil imbes na ako ay ikaw ang gumagawa sa papel ko bilang boyfriend mo. Ilang beses ko nang sinabi 'yan, nakakahiya nang ulit-ulitin."

Umiling siya. "Sa gulo ka lang mahina. Malakas ka na sa lahat ng bagay. Hindi ako mapakali kapag nag-iisa ka. Pakiramdam ko kasi ay unti-unti akong sinusunog sa pag-aalala kapag gano'n. Mas gusto kong ako ang nakagagawa ng paraan para manatili kang ligtas. Kaysa pareho tayong malakas. Mas gusto ko 'yong ganiyan na mahina ka sa bagay na malakas ako."

Ngumuso ako. "Bakit?"

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang dalawang tainga ko. "Dahil natatakot akong maging malakas ka." Mabilis na nangilid ang mga luha niya at ikinabigla ko 'yon. "Mas gusto ko 'yong ganiyan na mahina ka, Sensui. 'Yong maski iwan ako ay hindi mo kakayanin."

"Mahal na mahal kita, Taguro, at wala talaga akong lakas para gawin 'yon."

"Alam ko," mayabang na tugon niya. Ipinilig ang ulo saka muling tumingin sa 'kin. "Mahal ko ang mga kahinaan mo. Hindi iyon kailanman nakabawas sa pagmamahal ko sa 'yo. Ang totoo ay mas dumagdag pa nga. Mahal ko ang lahat sa 'yo, maski ang mga pagkakamali mo."

Pakiramdam ko ay ilang beses na pinisil ng mga salitang iyon ang puso ko. Lalong bumubuhos ang nararamdaman ko nang dahil sa sinabi niya. At hindi ko inakalang may mas ilalala pa pala ang nararamdaman ko.

"Mas lalo pa yata kitang minamahal, Taguro," mahinang tugon ko habang nakatingin sa mga mata niya. Dahan dahang bumaba ang tingin niya papunta sa ilong ko, pababa muli sa labi ko. Agad ay kinabahan uli ako. Lalo na nang kumilos siya papalapit sa 'kin at akmang hahalikan ako. "Babe..." Kinalas ko ang pagkakahawak naming dalawa at umatras papalayo. Damn it!

Kinabahan ako nang makita ang pagbabago sa hitsura niya. Halatang hindi niya inaasahan ang naging kilos ko. Ang kaninang kislap sa mga mata niya ay nawala sa isang iglap. 'Ayun na naman sa harap ko ang walang emosyong ekspresyon ni Taguro.

"Magsesepilyo muna ako," halos mautal nang sabi ko. Napamaang siya. "Nahihiya ako, babe. Baka mabaho na ang hininga ko," pinaupo ko siya sa kama. "Magpahinga ka na muna."

Nasapo ko ang noo nang makapasok sa restroom. Dahan dahan na namang umakyat ang init ng ulo ko at pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko.

Bullshit, now I'm at stake!

Nasabunutan ko ang sarili kong ulo at namumula sa galit na pumadyak sa sahig.

Tinanggihan ko ang halik ni Taguro. Bibihira niyang gawin 'yon nang hindi mo iniuutos, Deib. Ano na lang ang iisipin niya? Damn it!

Nagmadali akong lumapit sa lababo at nagsepilyo. Habang pinapanood ko ang pagtulo ng mga bula mula sa bibig ko pakiramdam ko ay nililinis niyon ang mga pagkakamali ko.

Hinalikan ako ng babaeng kilala ako pero hindi ko kilala. Paano ko ipaliliwanag 'yon sa babaeng mahal ko? Natatakot ako sa 'yo, Taguro. Ayaw kong magalit ka sa 'kin.

Alam kong hindi niya maiitindihan kapag sinabi ko sa kaniya. Lalo pa at umamin siyang pinagseselosan niya ang babaeng 'yon nang makita niya kaming nag-uusap. Kinakabahan ako. Natatakot ako para sa idudulot niyon sa relasiyon namin.

Nandidiri ako sa babaeng 'yon. Halatang may edad siya kompara sa akin. At kung sakali mang magkaedad kami ay nasisiguro kong hindi ko siya magugustuhan.

Tatlong beses akong nagsepilyo at dalawang beses nag-mouthwash. Nang makabalik ako ay nasa veranda na si Taguro at magkakrus ang mga braso.

Bumuntong-hininga ako bago tuluyang lumapit sa kaniya. Yumakap ako mula sa likuran niya at ipinatong ang noo ko sa balikat niya. Gusto ko siyang yakapin nang mas mahigipit pa sa mahigpit. Pero sa higpit ng yakap ko ngayon ay ramdam ko na ang mga buto niya. Masasaktan na siya kapag mas humigit pa ro'n ang ginawa ko.

"Babe," pagtawag ko.

"Mm?" batid kong blangko na naman ang hitsura niya. Iyong nakagawian na niya, walang pakialam.

"Sorry."

"Saan?" walang kaemo-emosiyong tanong niya.

Agad akong nilamon ng kaba. Nag-uunahan ang kabog sa puso ko at pinahihirapan akong huminga. Sasabihin ko ba sa kaniya? Tsk. Hindi ko kaya. Ayaw kong magalit siya.

"Sorry kung tinanggihan ko 'yong halik mo."

"Ayos lang."

"I'm sorry, babe."

"Ayos lang talaga." Kumalas siya sa yakap ko. Hinarap niya ako at hinaplos sa pisngi. Inayos niya ang buhok ko. Lahat 'yon ay ginawa niya nang walang emosyon. Ngunit nang ngumiti siya ay natameme na naman ako. "Mauuna na ako, may lakad pa ako bukas."

"Taguro?" pigil ko.

"Mm?"

"Ang sabi mo ay pag-iisipan mo?" umaasang sabi ko. Nangunot ang niya na para bang hindi ako naintindihan. "Gusto kong dito ka matulog."

"Ah," tumango siya. "Napagdesisyunan kong umuwi na lang," lumamig ang tono ng pananalita niya. Mahirap talaga siyang basahin.

"Taguro naman, eh." Nakanguso akong naglambing. "Galit ka sa 'kin."

"Hindi."

"Galit ka."

"Hindi talaga."

"I can feel it, babe." Malungkot akong tumitig sa kaniya. "I'm sorry."

"I'm not. I'm fine. Sige na, mauuna na ako. Pagod ka, kailangan mong magpahinga." Mabilis siyang naglakad papalayo. Hinablot niya ang pouch na nasa kama at humarap lang muli sa 'kin nang malapit na sa pinto. "Magta-taxi na lang ako pauwi. Tatawagan kita kapag nasa bahay na ako"

"Babe," nagmadali ako papalapit. "Please?"

"Hindi na. Madala ka na ro'n sa nangyari no'ng huli." Pilit na ang ngiti niya. Natigilan ako. "Mauuna na ako. Magkita na lang uli tayo sa susunod. Hindi ko alam kung kailan." Matapos no'n ay lumabas na siya.

Damn it!

Ilang segundo pa akong nag-isip bago humabol sa kaniya. Bago siya tuluyang makahakbang pababa ng hagdan ay hinila ko na ang kamay niya. Hindi niya inaasahan nang bigla ay halikan ko siya. Ngunit dahil siya si Taguro ay nagawa niyang kumawala kahit anong pigil ko. Gulat siyang tumingin sa mga mata ko pero hindi ko na iyon pinatagal pa. Hinawakan ko ang batok niya at saka muling siniil ng halik ang labi niya.

Pareho kaming naghabol ng hininga nang bitiwan ko ang labi niya. Magkadikit pa rin ang pareho naming mga noo. Nang imulat ko ang mga mata ko ay deretso na siyang nakatingin sa 'kin. At halos huminto ako sa paghinga nang makita ang nangingilid niyang mga luha.

"Babe..." Hindi ko malaman kung saan siya hahawakan. Kung sa pisngi, sa kamay o sa baywang. Natuliro ako. "Why are you crying? Please don't cry," hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin. "Let's go back inside, please." Nag-iwas siya ng tingin at umiling. "Babe, please?"

"I'm going home," pinatigas niya ang tinig. Pero nang kumibot-kibot ang kaniyang labi ay nanghina ako.

Ilang beses ko na siyang nakitang umiyak pero ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kung noon ay maangas ultimong pag-iyak niya, ngayon ay hindi na. Isa na siya ron sa mga babaeng mukhang mahina kapag umiiyak. Nagpipigil ng luha habang kumikibot ang mga labi.

Napayakap ako sa kaniya, hinawakan ko ang ulo niya't hinaplos siya sa buhok. "Please don't cry, babe," nag-aalalang bulong ko.

Umiling siya nang umiling. "Uuwi na ako," pumiyok siya.

Hinarap ko siya. "What did I do?"

Gano'n kabilis na nawala ang emosyon sa kaniyang mukha. 'Ayun na naman 'yong pagiging blanko niya. "Hindi ko alam,"malamig niyang sinabi. "Ano nga ba ang ginawa mo?"

Natigilan ako. "Taguro."

Nawala sa katauhan niya ang babaeng mukhang mahina kapag umiiyak. Bumalik ang dating Taguro na walang emosyon at blangko ang mukha. Deretsong nakatitig sa 'kin na animong nakatingin sa isang walang-kwentang bagay.

Alam ko ang pagkakamali ko, pero wala akong sinasabi sa kaniya para makaramdam siya ng ganito. Paanong nagkaganito siya bigla?

Gano'n ba talaga kalakas ang pakiramdam niya? O masiyado lang talaga akong halata na may nagawa akong masama?

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

17.9K 1.1K 8
The death of Riza, an Architecture student brings devastation to the whole campus. She was known as friendly to everyone and famous for being a stude...
93.9M 2.8M 69
Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
614K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...