Short Stories (Oneshots)

By purpleyhan

667K 17.9K 2.1K

Compilation || Short/one-shot stories about love and life. More

Dear Mom
Saving Her
Friendzoned
Checkmate
French Fries [1]
French Fries [2]
French Fries [3]
French Fries [4]
Isang Daan

Long Distance Relationshit

56K 1.9K 226
By purpleyhan

Another oneshot! Haha. Marami kasing ganito ngayon. XD

***

"I'm sorry. But I think we need to end this relationship."

Halos napanganga nalang ako sa sinabi niya. Gustung-gusto kong umiyak pero ayokong makita niya yung mukha ko. Kaya habang kaya pa ng mata ko, tinitigan ko siyang mabuti at ngumiti.

"Wow, Vince. Thank you very much. Here's my parting gift." saka ko tinaas ang middle finger ko sa kanya sabay mouth ng 'fvck you.' Pagkatapos na pagkatapos kong gawin yun ay sinara ko kaagad ang laptop ko at nagsimulang umiyak.

Bwiset. Bwiset talaga! Ang kapal ng mukha niya. After one long year, ganun lang? Makikipagbreak lang siya sa akin?! Ako na naman ba ang mali? Ako na naman ba ang may kulang?

"Pst, Mads tawag ka ni mama." narinig ko yung boses ni kuya sa likuran ko kaya alam kong pumasok na naman siya sa kwarto ko ng walang paalam. Leshe naman oh, kung kelan ako mag-eemote tsaka sila eepal.

"Oo.. bababa ako.. mamaya." sinubukan kong wag magcrack ang boses.

"Huy." nagulat ako nung may biglang humaak sa balikat ko. "Oh bakit ka umiiyak? Hahaha! Para kang tanga!" tinignan ko si kuya ng masama.

"Oo na tanga na kung tanga! Reyna na ako ng katangahan! Happy?!" saka ko padabog na pinunasan yung luha ko. Bigla naman siyang naupo sa tabi ko.

"Bakit? Nagbreak na kayo ng boyfriend mong ugok? Sabi ko sa'yo eh, di nagwowork ang LDR!"

Hindi ko na siya sinagot at lumabas nalang ako sa kwarto ko. Oo, legal kami ni Vince sa pamilya ko. Pero ayaw na ayaw sa kanya ni kuya. Hindi ko rin alam kung bakit. Sabi niya, mukha daw manloloko. Syempre hindi ako naniwala. Mas kilala ko naman si Vince kaysa sa kanya no!

Well.. not totally.

Yeah. LDR kami. Taga-Canada kasi siya. Nakilala ko lang siya dahil sa isang fb page. Nagcomment kasi ako doon at ni-like niya yung comment ko. Hanggang sa in-add niya ako at parati na kaming nag-uusap. Nagsskype rin kami at Line, or kahit anong communication app. Di nagtagal, nainlove ako sa kanya. Ang bait niya kasi at cute pa siya. Naging kami last year and I'm really happy that time.

Pero puchanggalang buhay lang talaga. Akala ko akin lang siya eh. Pero sinong mag-aakala na may lalandi pala sa kanya? Malamang hindi ko nakikita kasi nasa malayo nga siya. Pero nung tinignan ko yung latest status niya at yung tagged photos, may lagi siyang kasamang babae. Pero hindi naman ako naghinala nung una. May tiwala ako sa kanya. I know I can trust him. Pero yung status niya last week ang nagpawindang sa akin.

Your lips taste great, baby. --with Megan Armstrong. Then may naka-attach na picture na magkahalikan sila.

Hindi ko alam kung pinagtitripan niya ba ako o kung ano, pero hindi naman April Fools ngayon. Kaya wala akong nagawa kundi iopen ang fb account niya. Hindi ko naman talaga gawain ang mangialam, pero sobra na 'to eh.

Inexplore ko kaagad yung messages and I saw her name: Megan Armstrong. Agad-agad kong inopen yun.

Megan: Hi Vince! Let's go to Finn's party tonight! Pretty please? :*

Vince: I can't Megs. Tonight's our 11th monthsary.

Megan: Ohh, I forgot. You have a girlfriend. Uhh, Maddison, right?

Vince: Yeah.

Megan: Oh c'mon! Just break up with her! I'm prettier and hotter than her, Vince! And I really want to make you mine tonight ;)

Vince: Megs, I really can't.

Megan: Oh shut it! I'm on my way to your house. See you :*

--Today--

Megan: God, I really love you Vince! You're awesome! Haha! BTW, i hacked your fb and posted a status and a pic :p Break up with her, okay? After all, we did it last night ;)

After what I saw, nag-init na talaga ang ulo ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko. I replied to her gamit yung account ni Vince.

Vince: You fcking whore! He has a girlfriend and you're seducing him?! You bitch! I swore, If I saw you, I'm gonna strangle and slap you hard!

Then I logged out.

Hindi ako nag-online for one week. Ayokong malaman kung anong mangyayari. Pero dahil may group assignment kami sa isa kong subject at kailangan kong mag-online, eh di ayun. Nakipag-usap sa akin si Vince at nakipagbreak. End of story.

***

Halos three months na rin ang nakalipas after our break up. Hindi ko naman pinahalatang apektado ako pag nasa school ako. Minsan, pag mag-isa, syempre di ko maiwasang hindi umiyak. Kasi naman di ba, ako yung niloko. Bwiset lang kasi at may mga malalanding babaeng umaaligid. Pero ayoko na. Nagmove-on na ako. Ayoko na silang balikan. Nilalaan ko nalang ang oras ko ngayon sa acads at friends ko sa school.

Pero one night, I mean, madaling araw na pala, habang gumagawa ako ng assignment sa History, biglang may nag-chat sa akin.

Kleid: Hi, are you from ******* High School?

Syempre, nagreply naman ako. Friend ko naman sa fb eh. Harmless naman siguro.

Maddison: Opo.

Keid: Thank God! Wala na kasing online na kakilala ko na galing dyan. I just wanna ask kung natuturo pa ba si Mr. Herald?

Maddison: Ah, yep.

Kelid: Okay, thank you :)

Then bigla nalang nawala yung green button doon sa gilid ng pangalan niya. Hmm, okay. That was weird. Pabayaan na nga! Tinapos ko nalang yung assignment ko at saka natulog.

The next day, bigla na namang nag-chat yung Kleid sa akin. Okay lang naman since galing naman ata siya sa school ko tsaka puro tungkol naman doon ang usapan namin. Hanggang sa umabot na sa two weeks na lagi kaming magka-chat. Nalaman ko rin na taga-Canada rin pala siya (wag niyong ipaalala yung ugok na Vince at Megan na yun!). Actually, naging magaan ang loob ko sa kanya. Hanggang sa napagsabihan ko rin siya ng mga problema ko. Nasabi ko rin sa kanya yung tungkol sa ex kong si Vince. Tapos nagulat talaga ako nung bigla niya akong chinat one time.

Kleid: Hey, Mads. Schoolmate ko pala dito yung Vince Francisco na yun. I already delivered your punch to him, with 10 times bonus pa :)

Hindi ko alam pero natawa talaga ako sa kanya. Ang cool kasi ng personality niya. Nalaman ko rin na nagmigrate pala sila sa Canada kasi dun nagtatrabaho ang dad niya at kinuha na sila. Halos maging best friends na nga kami sa dami ng naikwento namin sa isa't isa eh. Pero hindi ko pa siya nakikita. I mean, okay, nakikita ko yung pictures niya sa fb pero di ko siya nakakausap sa skype or viber. Ewan. Ayoko na kasi ng ganun. Nadala na ako kay Vince. Yung tipong ang bait-bait tignan pag kausap mo sa skype pero may tinatago rin palang kulo. Haaay.

Halos five months na rin kaming chatmates sa fb. Feeling ko nga kilalang-kilala ko na siya at ganun rin siya sa akin. Actually, ngayon ay kuhaan namin ng report card at nalaman kong top 7 pala ako sa klase. Hindi ko talaga expected yun. I mean, duh, average student lang ako pero bigla akong napasama sa top! Sabi nga ni mama, baka daw ngayon palang nadedevelop ang talino ko. Adik lang. So ayun nga, balak ko sanang ibalita kay Kleid. Kaso pag-open ko ng fb ko, may 1 unread message pala galing sa kanya. Binasa ko naman agad.

Kleid: Mads, I know na baka magalit ka sa akin pero gusto ko na talaga 'tong sabihin eh. Mads, I think I'm falling in love with you. I don't know, maybe because of your personality. I just can't get you out of my head. Everytime na uuwi ako sa bahay, didiretso agad ako sa laptop ko para makausap ka kaagad. I'm sorry if this message will freak you out. Pero Mads, I really really feel that way. I hope.. I hope you understand.

Pagkabasang-pagkabasa ko nun, natulala nalang ako sa screen ng laptop ko. Feeling ko, binabasa ko rin yung gusto kong sabihin sa kanya. Yeah. I'm also attracted to him. I also like him. And I think.. I'm starting to love him. Pero hindi ko pinapakita yun. Ayokong ipakita yun. Ayoko na sa long distance relationship. Mas magandang magstay as friends nalang kami kung ganito lang rin naman ang sitwasyon namin. Kaya agad-agad akong nagreply sa kanya.

Maddison: Kleid, I really appreciate the thought na you like my personality. Pero alam mo naman yung pinagdaanan ko sa LDR di ba? Ayoko na. Mahirap. I'm sorry pero ayokong magkaroon ng any relationship sa taong di ko naman kayang abutin.

After that, naglog out na agad ako. Kinabukasan, binuksan ko kaagad yung fb ko at ang tangi kong nakita ay yung "seen". Hanggang sa lumipas ang one week, hindi na siya nagchachat. I don't know why pero sobrang nalungkot ako. I miss him. I miss the times na nag-uusap kami ng mga walang kwentang bagay. Pero wala, feeling ko nasayang yung friendship namin dahil sa pagtatapat niya.

Mali ba ako sa ginawa ko?

Ayoko lang naman kasing masaktan ulit. Ayoko nang magpakatanga. Ayoko na ulit magago dahil lang malayo kami sa isa't isa.

Pero feeling ko, para akong brokenhearted. Yung parang nung nakipagbreak lang si Vince sa akin. Wala akong magawa. Dahil doon, finocus ko nalang ulit yung sarili ko sa acads. Siguro nga, hindi talaga para sa akin si Kleid.

Umattend naman ako ng klase namin. Nagtuturo ngayon yung mabait naming prof nung biglang may kumatok sa pinto ng room. Syempre, tinginan kaming lahat sa labas. Madaming tao sa labas ng room pero mga hindi sila nakauniform.Si ma'am naman, lumabas at kinausap sila.

"Okay class, andito ngayon ang ilang alumni ng school natin for their project para sa upcoming 25th Anniversary ng school natin." sabay ngiti ni ma'am sa amin. Then pumasok yung mga tao.

Pero halos malaglag ako sa kinauupuan ko nung makita ko ang isang pamiyar na mukha. And he winked at me. Then may binulong siya doon sa kasama niyang babae sa right.

"Hi guys! I'm Kleid Anthony Verada. Uhm, actually, hindi dapat ako aattend sa event na 'to pero may isang babae kasi akong gustong makita. Actually, classmate niyo nga siya eh." saka siya ngumiti. Yung mga kaklase ko naman, biglang naglingunan sa isa't isa at hinanap kung sino yung tinutukoy niya. Ako naman ay napayuko nalang bigla. Shocks. Ano bang ginagawa niya dito?! Bakit nasa Pilipinas siya?! At bakit nasa classroom namin siya?! Utang na loob! Nakakahiya! Lupa, bumuka ka please?

"Dahil sabi ni pres, pwede ko naman daw gamitin ang time na 'to, sige lulubusin ko na. There's this girl na nagustuhan ko thru chat. I don't know, nagustuhan ko kasi yung personality niya and she's pretty. I confessed pero she rejected me. Her reason? Ayaw niya daw kasi ng LDR. Of course, nasaktan ako dun. I mean, c'mon, uso na ngayon ang LDR. Pero I know her reason naman. Nagdalawang-isip ako kung ano ang igigive-up ko. Siya or the distance between us?"

Nakayuko lang talaga ako. Pinakikinggan ko lang siyang magsalita habang naririnig ko rin yung bulung-bulungan ng classmates ko.

"And then I decided to gave up the distance. Narealize ko kasing ireregret ko lang kapag pinakawalan ko  siya. Minsan na siyang pinakawalan ng isang tangang lalaki. And I don't want to end up like that. That's why I'm here. Kaya Ms. Maddison Aguilar.."

Oh sh*t! He mentioned my name! OMG! OMG! Huhuhu! Nararamdaman ko na ang mga mata ng classmates ko sa akin! Oh my gosh anong gagawin ko?!

"Mads.. please look at me." ako namang si utu-uto, na parang may magnet yung boses niya at napasunod agad ako. Tumingala ako and nakita kong nakatingin lang siya sa akin.

"Alam kong Long Distance Relationshit ang nangyari sa inyo ni Vince.." nagtawanan naman yung iba kong classmates dahil sa sinabi niya. "..at alam ko ring mahirap talaga ang LDR. Kaya willing akong i-give up and milya-milyang distansya sa pagitan natin, makasama ka lang."

Bigla namang naghiyawan yung iba kong classmates. Habang ako, without knowing, ay naiyak na pala sa mga nangyayari. Takteng Kleid 'to. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. I know na sinabi kong ayaw ko na sa LDR, pero hindi ko naman akalaing.. uuwi siya sa Pilipinas dahil doon.

"Maddison, ang haba ng hair mo!"

"Oo nga! Di namin alam may papable ka palang tinatago ha!"

"Lakas ng asim mo! Napauwi mo pa sa Pilipinas!"

Natawa nalang ako sa kanila. Ang eepal ng classmates ko. Tapos parang timang lang yung seatmate ko kasi tinulak-tulak niya pa ako para mapatayo ako sa kinauupuan ko.

"Replyan mo na yung sinabi niya! Jusko girl, pwede nang reaction paper yung sinabi niya sa haba kaya magsalita ka naman!" hanggang sa lahat na ata ng classmate ko eh pinipilit akong magsalita.

Fine! Fine! Tss. Buti sana kung hindi yung kahihiyan ko ang nakatay dito eh. Huminga muna ako ng malalim dahil mahaba-haba ang isasagot ko sa kanya.

"I.. I love you too." saka ako yumuko at nagdadasal na sana talaga ay bumuka na ang sahig ng classroom namin ngayon at lamunin na ako ng tuluyan. Pero hindi yun nangyari at instead ay biglang may humatak sa akin at niyakap ako. Sobrang naghiyawan na rin yung mga tao sa room kaya wala na talaga akong naiintindihan sa mga nangyayari.

"Mads, thank you! I really love you!" saka niya pa hinigpitan yung yakap niya sa akin.

"Ahahaha. Sabagay, attraction between matter increases as distance decreases nga naman." hirit pa ni ma'am sa amin.

"Ganun po ba? Aba eh di gawin na nating minimum ang distance." sabi naman ni Kleid na hindi ko pa nagets, pero bigla niya nalang hinawakan yung pisngi ko at..

"Now this is a zero-distance relationship." then he kissed me on the lips and hugged me tighter.

Well, I guess.. that relationshit has now become a realationship. Thank you, Kleid :)

***

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.
256K 14K 11
This is pure fiction. Please don't make me repeat myself.
Lovely Little Sandy By bambi

Mystery / Thriller

621K 53.7K 55
An Epistolary Slasher-Thriller ✉ | Sandra didn't think much of it when her friends wrote down her phone number on a random twenty-peso bill. But whe...
14.1K 766 41
THIS IS THE BOOK 2 OF ONE OF THE MARCOSES (if you haven't read the book 1, its better to read it first before this. ♡) Copyright © HildaGray