Clash of the Campus Royalties...

By Lil_Sissy

38.2M 635K 133K

QUEENS OF WALDEN HIGH VS. KINGS OF HARTFORD ACADEMY Let's get it on!!!! More

Prologue
Chapter 1: First Day
Chapter 2: New Queen?
Chapter 3: My kuya Sungit
Chapter 4: Who Da Hell?
Chapter 5: Meeting him... I mean THEM
Chapter 6: Saberday
Chapter 7: CLASH!
Chapter 8: Scott-Lexi <3
Chapter 9: Sorry?
Chapter 10: Deal?
Chapter 11: Sembreak yeah!
Chapter 12: The fudge! >___<
Chapter 13: The other side of HIM
Chapter 14: What the?
Chapter 15: Why so sungit?
Chapter 16: Clash again?
Chapter 17: Bati bati din
Chapter 18: It hurts
Chapter 19: Lexi is drunk.
Chapter 20: Hangover
Chapter 21: That NIGHT
Chapter 22: Last Day (Part 1)
Chapter 22: Last Day Part 2
Chapter 22: Last Day (part 3)
Chapter 23: Stalker Mode
Chapter 24: Kings VS. Kings
Chapter 25: The Evil Three
Chapter 26: Queens VS. Queens
Chapter 27: Trip Trip
Chapter 28: PROVE it beybeh!
Chapter 29: ACQUAINTANCE PARTEH!
Chapter 30: Oh myy
Chapter 31: HOW WE WORK TOGETHER. (DAY 1)
Chapter 32: Ashley's PAST and PRESENT
Chapter 33: How we work together (Day 2)
Chapter 34 (part 1): The most awaited PARTY
Chapter 34 (part 2): The most awaited PARTY.
Chapter 34(part 3) :The most awaited PARTY
Chapter 35: HE'S BACK
Chapter 36: A date with HIM.
Chapter 37: His sister's POV
Chapter 38: FRETHAN <3
Chapter 39: How are they?
Chapter 40: Beginning
Chapter 41: Butterflies in stomach
Chapter 42: Feelings
Chapter 43: Decisions
Chapter 44: The official suitor?
Chapter 45: It was all a mistake!
Chapter 46: Say whuuut? :O
Chapter 47: I wanna go home!
Chapter 48: DAMOVES NI PARENG ETHAN :">
Please Read!!!
Chapter 49: Love and Lies
Chapter 50: Wounds
Chapter 51: His side.
Chapter 52: Comeback UD ni Ms. Otor. ^___^
Chapter 53: The day before the pageant
Chapter 54: Mr. & Ms. Clasher (Part 2)
Chapter 54: Mr. and Ms. Clasher (part 3)
Chapter 55: Big Deal?
Chapter 56: ASHIAN (ASHI-YAN)
Chapter 57: FRETHAN is love
Chapter 58: YAN tayo eh. :">
Chapter 59: It will haunt them
Chapter 60: The EX. :)
Chapter 61: WE ARE THE QUEENS
Chapter 62: Assurance
Chapter 63: Ilang tawa?
Chapter 64: Unexpected
Chapter 65: Familiar Feeling
Chapter 66: Worthy
Chapter 67: All or Nothing
Chapter 68: Christmas Party
Chapter 69: Daring Truth
Chapter 70: The Final Clash
Chapter 70: The Final Clash pt. 2
Epilogue
Author's Note
Special Chapter: Summer Outing

Chapter 54: Mr. & Ms. Clasher

440K 6.9K 1.4K
By Lil_Sissy

I would like to take this opportunity to dedicate this chapter to one of my favorite writer here in watty. I dedicate this chapter kay ate Eydee! Ang sikat na sikat na si Beeyotch. Siguro most of you kilala na siya at tulad kong naaadik sa mga stories niya. Ateeeey! Grabe I love you talaga! DraLys ako to the moon and baaack! Hahaha!

Chapter 54: Mr. & Ms. Clasher

Fretzie’s POV

“Hoy teh ilang araw ka lang nawala pero ang bilis mo yatang tumaba? Mukhang may nag-aalaga sayo ah.”

O____O

Nagulat naman ako sa sinabi ni Ashley. Yeah right, kasama ko na sila ngayon sa Boracay. Nandito kami ng mga queens sa isang bar malapit sa beach tas yung mga boys nandun sa nakatayo sa malayo nagha-heart to heart talk. Hahahaha! Charot.

“N-Nagaalaga sakin? Wala naman!” Sigaw ko tapos biglang nagflashback yung mga ginawa ni Ethan para sakin.

Kada-umaga shini-share niya sakin ung vitamins niya.

Kapag kumakain kami, lagi siyang nagagalit kapag hindi ko inuubos yung pagkain ko kaya no choice ako kundi ubusin.

Bawal din akong magskip ng meals, kasi hindi niya ako titigilan.

Daig pa si Daddy kung makapagutos na matulog na ko.

I just got myself an annoying slave. Daig pa nga niya yung slave kung makaasta eh. He keeps pestering me to do things that I don’t usually do.

“Bakit ang defensive mo? Siguro meron nga. I doubt if it’s Miko.” Sabi ni Monique. Asa pa talagang aalagaan ako ni Miko, eh isa ring pasaway yun. Kalalaking tao ang arte arte sa pagkain. -___-

“Alangan namang si Anya? May clue na ata ako. Hihihi! ^___^” Sabi naman ni Ashley tapos nginitian niya ako ng makabuluhan.

“WHAT GUYS? Wala naman talaga! Issue kayo ah, kainis!” Nagiinis-inisan kong sabi pero nakangiti. Ang init init ng mukha ko. Hindi naman obvious na affected ako noh?

“Eh bakit nagbablush ka Fritz? Alam naaaa! HAHAHA!” Sabi ni Lexi tapos nag-apir pa sila ni Ashley.

“Eeeeh! Grabe kayo!” Nagorder na kami ng drinks. Siyempre mga juice lang. Good girls kami eh. J

I was about to drink my strawberry juice nung may biglang umagaw.

“Yung drink ko----” O_____O

“Master, patikim!” Sabi ni Ethan tapos ininuman niya yung juice ko.

“Yuck! Bat mo ininuman?! >____<” Reklamo ko. Pagininuman ko yun, para na kaming nag-kiss! INDIRECT KISS! >0<

OH HINDI ITO PWEDEEEEE---Ay! Okay lang pala, Hihi. Lolokohin ko pa ba yung sarili ko?! Hindi naman talaga ako nandidiri! HAHAHA. Gulo ko rin eh. XD

“Nauuhaw na kasi ako. Juice lang pala. Tss” Sabi niya. Medyo mahina yung last na sinabi niya pero narinig ko pa rin.

“Ano naman kung juice lang? Choosy mo ah, ikaw na nga lang nakiki-inom jan! =.=”

“Akala ko kasi---ah wala wala. Sige enjoy lang kayo diyan. Oy Brix, Umayos ka rin! Bawal kang uminom ng alcoholic drinks!”

“No need to remind me kuya! Nabilinan na ako ni Pogs. -___-“

“Haaaay. Nakakainis tong mga lalaking to. Bakit pag sila, pwedeng uminom? Ang daya niyo rin eh noh!” Inis na sabi ni Lexi.

“Ganun talaga!” Sabi ni Ethan tapos patakbong bumalik dun kila Scott.

“Lexi naman! Parang hindi mo nakita kung paano nagmakaawa kanina si Scott sayo para hindi ka lang uminom. Alam kong alam mo yung mga kabaliwang pwede mong gawin pag nalalasing ka. Maawa ka naman sa ‘jowa’ mo!” Pangaral naman ni Ashley kay Lexi. Ang hilig kasing tawaging ‘jowa’ ni Lexi si Scott lalo na kapag di siya nito naririnig.

“Palibhasa kasi sayo walang nagbabawal!” Sabi naman ni Lexi na nagpabago sa mood ni Ashley. Samin kasing apat, siya lang yung hindi napagsabihang wag uminom.

“Oh well. Ganun talaga pag single, Walang problema! Walang lalaki sa buhay! Yung mga lalaking yan? Puro sakit lang sa ulo! LALO NA YUNG MGA MASUSUNGIT! NAKUUUUU.” Nanggigigil na sigaw ni Ashley na nagpatawa saming lahat. Yung itsura niya kasi bitter na bitter tapos nakatingin pa ng masama kay Gian sa malayo.

Kwentuhan. Asaran. Kulitan. That’s how we spend the night together, that’s how we fill those days I’m away from them.

“*yaaaawn* Antok na koooo.” Nakapout na sabi ni Ashley. It’s 10 in the evening yet parang nagsisimula pa lang magparty yung mga tao. Napatingin ako kila Ethan, kasama na nila si Miko. ABA! Himala!

“Tara na girls. Kailangan pa ng beauty rest ng isa diyan!” Natatawang sabi ni Monique habang nakatingin sakin. Aigooo! Kinakabahan talaga ako! TT^TT

Naglakad lang kami, mula dito tanaw na tanaw na namin yung hotel na tinutuluyan namin. Gustong-gusto na ng likod kong mahiga sa malamig at malambot na kama. ^____^

Pagkadating namin sa Hotel lumipat ako sa room nila.

“Pasama! Boring dun sa room ko!” Sabi ko sakanila tapos binato ako ni Lexi ng unan.

“Ang sama nito! May kasama ka diba? Dessa ba pangalan nun?” Tanong ni Lexi.

“Yep. Taga-Courtney siya. Okay lang naman daw eh. Sige naaaa! Miss na miss na miss ko na kayo!” Sabi ko sabay talon sa tabi ni Monique na nagbabasa ng libro sa kama. Ahhhhh! Ang sarap mahigaaaa!

“GRABE FRETZIE! Ang taas pa rin ng energy!” Sabi naman ni Ashley na kakalabas lang sa CR, halatang kakatapos lang maghilamos.

“Sana laging ganito noh? Masaya. Walang problema.” Sabi ni Monique tapos binaba yung binabasa niyang libro. Galing wattpad yung story na binabasa niya tapos naipa-publish na sa mga bookstores nationwide. Ang galing. ^___^

“Tama!” Sabi tapos sumiksik ako kay Monique tapos yinakap ko siya. Waaaah! Ang lambot niya! She’s so cuddly! *___*

Natawa si Monique tapos yinakap niya din ako. Geez. Ang sweet namin! Hahaha!

“OY ANG DAYA! SAMA AKOOOOOO!” Sigaw ni Ashley at nagmadaling tumakbo papunta samin ni Monique at nakiyakap. Tawa lang kami ng tawa. Si Lexi naman kumuha ng camera tapos pinicturan kami.

“Para kayong mga bata. Haha!” Sabi ni Lexi habang pinipicturan kami.

“SANTOS! Pumunta ka dito! Nahiya ka pa, naiingit ka rin naman!” Nung una, ayaw pa ni Lexi kaya tumayo kaming tatlo at sinugod siya. Pumasan ako sa likod niya habang si Monique at Ashley todo yakap sa kanya.

“Guys! Hahahaha! Wait---Grabe kayo! HAHAHAHA!” Puro tawa na lang nasasabi ni Lexi. Pati kami mangiyak-ngiyak na sa kakatawa tapos na-out of balance kami.

=______=

“Chakit! TT^TT” Sabi ko sabay himas sa bandang pwet ko.

“Pasan pa gusto mo ah! Hahaha!” Sabi ni Lexi tapos tawa nanaman kami ng tawa. We are all lying on the floor laughing like there’s no tomorrow.  Isa to sa mga bagay na hindi kayang bilin ng pera o kahit ano pang bagay sa mundo. And I am so thankful kasi nakilala ko sila at naging kaibigan ko sila. We may have our differences but our friendship serves as the water to blend us well and help us taste the bitterness and sweetness of life together.

[The day of Mr. and Ms. Clasher 20**]

 

 

“Waaaah! Ano kamo? Maluwag yung gown sa bandang bewang?! >0<” Natatarantang kinuha ni Monique yung sewing kit niya sa bag at sinusubukang iretoke yung gown ko. Lalo tuloy akong kinakabahan eh!

“Ano Ashley naayusan mo na ba si Fretzie?!” Sabi naman ni Lexi habang chinecheck pa yung dapat kong gawin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nasa fast forward na movie kung saan lahat ng tao ang bibilis kumilos samantalang ako, nandito nakaupo sa sulok at onti na lang yata bibigay na yung puso ko sa sobrang tibok. TT_____TT

“Okay ka lang?” Laking gulat ko nasa harap ko na si Ethan. T-Teka! Dressing room ng girls to ah!

“A-Anong ginagawa mo dito? O___O” Hala, hindi pa siya naka-ayos! Ay. Ako din pala. XD

May inabot siya sakin.

“Nakalimutan kitang bigyan kanina. Good Luck…  Master.” Tapos umalis na siya. Agad ko namang tinignan yung binigay niya.

O/////O

Binigyan nanaman niya ako nung vitamins niya. :”>

“Anya! Anya! Saan ka pupunta? Waitttttt!” Rinig na rinig naman namin yung sigaw ni Trixie. Hindi na sila gumagawa ng gulo ngayon. Parang, Mind-your-own-business yung trato namin sa isa’t isa. Walang pakialaman, ganun.

Minsan nga parang gusto ko silang kaibiganin. Para hindi awkward, yung pagnagkakasalubong kami, magngingitian na lang. Hindi yung parang hindi magkakilala. Minsan gusto ko talaga yung gawin. Tinry ko silang ngitian kaso nag-mukha naman akong ewan kasi hindi nila ako pinansin. Siguro, hahayaan ko na lang munang ganun. Darating din siguro yung araw na magiging okay kami. ^____^                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                        

Miko’s POV

“Ash! Ashley!” Tawag ko kay Ashley na kakalabas lang ng dressing room ng girls.

“Oh Miko---Wow! Mr. Pogi talaga! Hanep ang gwapo natin ah!” Ngiting-ngiti na sabi ni Ashley may kasama pang hampas yan.

“Thanks. Si Fretzie? Nakaayos na rin ba siya?”

“Hmmm… Oo, pero hindi pa tapos. Alam mo naman… Mga babae. Pero sinasabi ko sayo---“

“ANYA!” Nakita ko si Anya, palabas ng dressing room. Agad ko siyang tinawag.

“Huh? Close na kayo?” Takang taka namang tanong ni Ashley.

“Oo? Parang? Ewan. Haha. Sige Ash. Salamat.” Tapos iniwan ko na si Ashley at hinabol si Anya.

“ANYA!” Dahan-dahan siyang lumingon sakin. Wow! She looks gorgeous! I’m speechless.

“Ano nanamang problema mo?” As usual naka-ON nanaman yung taray mode niya.

“Saan ka pupunta?”

“Dun sa rehearsal room. May hahanapin lang ako.”

“Importante ba yun? Maya maya magsisimula na yung pageant ah.”

“As if I care. Pang #9 pa naman kami.”

“Okay. Sasamahan na lang kita.”

“No need. I can handle myself”

“I’ll go with you”

“Fine. As if may pa magagawa ako. Makulit na kuneho.” Tapos nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako. Anong klaseng bagay ba yun at kailangan niya pang hanapin sa oras na to?

Fretzie’s POV

“ASAN NA BA SI MIKO? DON’T TELL ME RARAMPA AKO SA STAGE MAG-ISA? AYOKOOOO!” Naiiyak na ko dito. In few minutes magsisimula na yung pageant. All set na, yung pinsan ko na lang yung kulang!

“Fretzie calm down please. Pati ako kinakabahan sayo eh. Malay mo parating na yun. Pang #6 pa naman kayo eh.” Sabi ni Monique. Pang-6th pa nga kami, pero saglit lang yun. Once na magsimula yung rampa, dirediretso na yun hanggang 12th!

“OKAY! YUNG MGA CONTESTANTS, PUMUNTA NA KAYO SA BACKSTAGE!” Sabi nung baklang nagoorganize. Hindi pwede to! Kailangan nandito na yung pinsan ko before magstart yung pageant! Nakoooo! Makakatikim talaga sakin ng flying kick si Miko!

“Waaaaaaaah! Ayoko naaaaa! TT____TT”

“Go Fretzie! Kaya mo yan!” Pageencourage ni Monique at Lexi. Si Ashley kakadating lang, “guys cannot be reached si Miko!”

“Arghhh! Sa lahat ba naman ng oras! Sandali lang, pupuntahan ko lang sila Scott. Sasabihin kong nawawala si Miko.”

“Sama ako!” Sabi ni Monique tapos nagmamadali silang tumakbo papunta sa mga boys. Naiwan kami ni Ashley dito.

“Fretzie. Think positive. Dadating on time si Miko.” Tapos hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.

“Kinakabahan na talaga ako. Sabi na eh, may mangyayaring hindi maganda. Kaya umpisa pa lang sobrang kabado na ako”

“Ang nega mo kasi. Puro ka negative thoughts kaya tignan mo yung nangyayari, puro negative. Law of attraction girl!”

“Wala na akong pakialam sa mga law law na yan! Ayaw ko nang mangyari ulit yung nangyari sa acquaintance party. :(“

“Oh bruha! Wag kang iiyak ano ba. Sige ka, masisira make up mo!”

“Hindi ka galit niyan?” Ang lakas kasi ng boses.

“Kita mo, nagagawa mo pang mang-asar! Ibang klase ka girl!”

“OY ANO YAN? HINDI ITO ANG ORAS PARA MAGBONDING AT MAGLAMBINGAN. PUMUNTA KA NA SA BACKSTAGE! PAMBIHIRA!”

“Aba tong baklitang to. Tatalunin pa yung bunganga ko. Kamukha naman ni Shalala!” Bulong ni Ashley pero rinig ko kaya di ko napigilang matawa.

“TATAWA-TAWA KA DIYAN? ABA, BAKA GUSTO MONG DALIAN?! JUSKO DAY!”

“PWEDENG SAGLIT LANG ‘PO’?! NAWAWALA YUNG PARTNER NG KAIBIGAN KO KAYA WAG NIYO ‘PO’ SIYANG LALONG TARANTAHIN!” Pero infairness ang galang pa rin ni Ashley kahit napipikon na.

“Eksaheradang bata. Hmph!” Sabi nung bakla tapos pinuntahan yung ibang contestants.

“Relax ka lang Fretzie. Uhh, Sasabihin ko ba?” Parang may binulong si Ashley.

“Ano yun Ashley?”

“Fretzie kasi, kanina. Nakita ko si Miko. Tinanong pa nga niya ako kung naka-ready ka na daw ba. Eh di sinagot ko. Nakaayos na siya nun eh. Tapos dumating si Anya, tapos hinabol niya. Hindi naman sa nangbibintang ako ah. Pero baka lang ah… Baka may kinalaman si Anya” Tinignan ko yung mga contestants. Wala pa din si Anya.

“Hindi siguro Ashley. Malaki na yung pinagbago ni Anya eh. Tsaka tignan mo, wala din si Anya. Baka may nangyari sa kanila.”

“Sabagay hinahanap na rin naman sila nung mga boys eh, basta Fretzie kalma ka lang. Tutulong rin ako sa paghahanap. Baka naligaw lang sila. ^___^”

“Sure. Sige.” Huminga ako ng malalim. Lord, kayo na pong bahala. Mananalig na lang ako sa kasabihang…

 

Everything happens for a reason.

 

Sissy’s POV (From now on eto na gagamitin kong POV para sa Third person’s POV. )

Now Playing: Clarity Zedd ft. Foxes. (Click the video on the side or if you have this song sa playlist niyo, play niyo na lang din >>)

“And now!!! The most awaited pageant is finally happening. Right here, right now.” Sabi nung host na sinundan ng nakakabinging sigawan mula sa Audience.

Tila fireworks na naglabasan ang mga firedancers sa stage. Waring sinisilaban ang bawat damdamin ng mga  tagapanuod sa bawat sayaw at ikot ng mga apoy tila nakikipaglaro sa hangin. Sobrang lakas ng tugtog kaya walang dudang buhay na buhay ang diwa ng mga taong libang na libang sa indak ng nagdadamihang apoy na sabay sabay na umiikot at nangaakit sa mga mata ng mga tao.

“Presenting the dashing twelve candidates of Mr. and Ms. Clashers!” Nakakaenganyong sigaw ng host na lalong nagpatindi ng sigawan ng mga tao. Sinabayan ito ng pagbuga ng apoy ng dalawang fire dancers sa magkabilang gilid ng stage na nagmistulang engrandeng entrance ng mga nasabing contestants.

 Isa-isang nang tinawag ang mga kalahok.

Hindi naman napigilan ni Fretzie ang mapangiti nang makita si Anya na tumatakbo papuntang backstage. Ibig sabihin dumating na rin si Miko. Tamang-tama at medyo matagal pa siya bilang pang anim sila at kakaumpisa pa lang magpakilala ng ikaunang contestants.

Hingal na hingal namang tumabi si Anya kay Ethan.

“Saan ka galing? Akala ko tuloy mag-isa akong magpapakilala mamaya.” May halong relief na sabi ni Ethan.

“Lucyyyyyyyyy!” Sigaw ni Anya sa kaibigang nagmamadaling lumapit sa kanya at parang hindi narinig ang sinabi ni Ethan. Natatarantang inaayusan ni Lucy ang pawis na kaibigan.

“Asan na yung pinsan ko?” Tanong ni Fretzie sa sarili. Hindi niya maintindihan. Dumating na si Anya, bakit wala pa rin yung pinsan niya?

Hindi niya na napigilan ang sariling puntahan si Anya at lapitan ito upang tanungin kung nasaan na yung pinsan niya.

“Anya. Asan yung pinsan ko? Diba kasama mo siya?” Napatigil si Lucy sa pagmamake-up kay Anya.

“H-Hindi ko alam.” Hindi maka-tingin si Anya sa kanya.

“Excuse me lang. Inaayusan ko pa yung kaibigan ko.” Singit naman ni Lucy.

“CALLING CONTESTANT NUMBER 6!”

O____________O!!!

Tila sumpang sabi ng host. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang contestants.

“Diba siya yung pang number 6?”

“Bakit hindi pa siya lumabas? Grabe naman.”

“Sinisira niya yung flow ng pageant. Ano ba yan!”

“Feeling ko iniwanan siya ng partner! Hahaha!”

“Oo. Ayaw rumampang mag-isa!”

“Sabagay sino ba namang may gusto nun? Magmumukha kang pathetic!”

“Omygash! That’s embarrassing! Hahaha!”

Bawat salitang naririnig ni Fretzie, parang batong unti-unting dumadagan sa kanya.

‘B-Bakit? Bakit kailangan ko nanamang maramdaman to?’

 

Nanghihina niyang tanong sa sarili. Nangyari nanaman yung pakiramdam niya nung Acquaintance party.

Gustong-gusto niya nang ibuhos yung luhang kanina niya pa pinipigilan. Bakit lagi na lang? Bakit parati na lang niyang nararamdamang mag-isa siya sa mga pagkakataong ganito?

“Fretzie, you’re ruining the event. Kung ako sayo lalabas na ako sa stage.” Sabi sa kanya ni Anya. Iniangat ni Fretzie ang ulo niya mula sa pagkakayuko at tumingin kay Anya.

“What?!” Nakakunot na sigaw ni Anya. Ayaw ni Fretzie na isiping may kinalaman si Anya sa nangyari dahil mukhang wala naman talaga.

Huminga siya ng malalim at ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kamay niya pati yung tuhod niya. ‘Everything happens for a reason’. Pinikit niya ang mga mata niya ng madiin at nagsimulang humakbang.

Sakabilang dako. Hinampas ng malakas ni Miko ang pintuan gamit ang bakal na upuan. Tumatagaktak na ang pawis nito sa sobrang pagod, samahan mo pa ng galit. Napaupo na lang siya. Wala nang pag-asang aabot pa siya.

“MIKOOOO! Nandiyan ka ba? Yuhoooo!” -Scott

“Mukhang wala naman dito Scott!” –Bryan

Narirnig niyang may tao sa labas kaya tumayo siya ulit at kinalampag ang pinto.

“Baka dun. Tss” -Gian

“Oo nga! Mukhang may tao dun, tara!”

“Hoyyy! Buksan niyo toooo!” Sigaw ni Miko.

“Putek. Bakit mo nilock yung sarili mo diyan sa loob?” Rinig niyang tanong ni Scott sa labas.

“Tanga. Hindi niya mailolock yung sarili niya sa loob. Baka may naglock sakanya!”


“Pwede, wag na muna kayong magtalo? Tulungan niyo muna ako!” Sigaw ni Miko kaya nagtulong tulong sila scott para mabuksan yung pinto at nung nabuksan na nila yung pinto…

“Haggard ah!” Komento ni Scott sa itsura niya.

“Hoy Miko. Sabihin mo nga, bakit ka nakalock dito?” –Bryan

*flashback*

“Ano ba yang bagay na yan at kailangan mo pang hanapin sa oras na to?” Sabi ni Miko kay Anya pagkapasok na pagkapasok nila sa rehearsal room.

“Huy!” Tawag niya kay Anya na nakatalikod at hindi gumagalaw. Nilapitan niya ito at laking gulat na lang niya nang makita niya itong umiiyak. Hinawakan niya ito sa makabilang balikat.

“H-Hindi ko kaya.” Sabi ni Anya sakabila ng pagiyak.

“Anong sinasabi mo? Hindi mo kayang hanapin? Sige, Ako na lang ang maghahanap. Bumalik ka na dun…”

“H-Hindi ko kayang iwasan si Ethan. Hindi ko kayang pigilan tong nararamdaman ko sa kanya!” Kasabay ng pagsigaw ni Anya ay ang pagbitaw ni Miko sakanya.

“Ang hirap! Ang hirap ipakita na wala na kong pakialam sakanya. Sinubukan ko naman eh…” Nanghihinang umupo si Anya sa sahig.

“Ayoko na ring makipagplastikan kay Fretzie. Gustong-gusto ko talaga siyang saktan! Napaka-landi niya!”

“Alam mo, magaling ka talaga Anya. Bilib na bilib na talaga ako sayo.” Tinignan ni Anya si Miko, hindi ito nakatingin sa kanya.

“Akala ko nabago na kita. Akala ko, totoo lahat ng ipinapakita mo sakin, lahat ng sinasabi mo sakin!”

“Napakalaki kong T*NGA! Kasi hinyaan kong mapaikot mo ko! Ibang klase ka.”

“Nagmahal lang ako Miko! Walang mali dun!” Hindi na kaya ni Miko ang mga narinig, akmang lalabas na ito pero sumigaw si Anya.

“MIKO MAY AHAS!” Bakas na bakas sa mukha ni Anya ang takot. Sa isang iglap lang ay bumalik agad si Miko at pinuntahan si Anya.

“Nasaan?” Natatarantang tanong niya kay Anya. Agad namang tinuro ni Anya. Nagmadaling naghanap ng mahabang bagay si Miko at tinungo ang lugar na tinuro ni Anya.

“Anong bang itsura ng ahas?”

Natigilan si Miko nung walang sumagot at agad niyang tinignan ang pwesto ni Anya.

Wala na ito.

Dali-dali niyang tinungo ang pintuan. Laking gulat niya nang mapansing nakalock ito.

“sh*t.”

 

*end of flashback*

Kinakabahan naman sila Lexi habang inaabangan ang paglabas ni Fretzie. Kanina pa siya tinatawag nung host at hindi pa din ito lumalabas. Humawak si Ashley ng mahigpit sa braso ni Lexi.

“Hindi pa din nila nakikita si Miko?”

“Hindi pa din. Tsk! Pambihira naman kasi. San ba nagpunta yung lalaking yun?”

“Gusto kong puntahan si Fretzie TT^TT” –Ashley

“Ako nga din---AY! PAKING TAPE! O____O!!!” Biglang sigaw ni Lexi out of nowhere.

“Lexi bawal kang magmura diba---OH MHAAY GASHHHH! <(O____O)>!” Sigaw rin ni Monique.

“Bakit ganyan ang mga reaksyon ny---Ay. Shoot. O_____O”

Gulat na gulat sila sa nakita sa stage. Lahat sila, hindi makapaniwala sa nakita.

*backstage*

“Fretzie, you’re ruining the event. Kung ako sayo lalabas na ako sa stage.” Sabi sa kanya ni Anya. Iniangat ni Fretzie ang ulo niya mula sa pagkakayuko at tumingin kay Anya.

 

“What?!” Nakakunot na sigaw ni Anya. Ayaw ni Fretzie na isiping may kinalaman si Anya sa nangyari dahil mukhang wala naman talaga.

 

Huminga siya ng malalim at ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kamay niya pati yung tuhod niya. ‘Everything happens for a reason’. Pinikit niya ang mga mata niya ng madiin at nagsimulang humakbang.

Nanigas yung buong katawan niya nang may humawak sa braso niya. Tinignan niya kung sino ito.

“E-Ethan…”

O/////O

Kinuha ni Ethan yung number 9 na nakadikit sa lower part ng coat niya at binaliktad vertically.

“See? Parehas na tayo.” Sabay turo sa number 6 sa gown ni Fretzie tapos nginitian siya.

Speechless. Yan ang nararamdaman ni Fretzie ngayon. May pumatak pang luha sa mata niya sa halo-halong emosyon.

Hindi nagdalawang isip na punasan ni Ethan yung luha ni Fretzie.

“WHAT?! You’ll go with her? Ethan, no way!” Naiiyak na sabi ni Anya. If ever, siya ngayon ang rarampa mag-isa.

“Tara na, master.” Aya ni Ethan kay Fretzie.

“P-Paano si Anya?” Tanong ni Fretzie kay Ethan.

“Don’t worry. She deserves this.”

“W-What?!” hindi makapaniwala si Anya.

“You planned this don’t you?” Tanong ni Ethan ka Anya.

“N-No”

“You’re lying”

“So what?! Yes, I planned this. B-But do you love her that much to leave me as your partner?!”

O____O

‘Hala! Bakit nasama na ang love dito?’ Tanong ni Fretzie sa sarili.

“LAST CALL FOR CONTESTANTS NUMBER 6!”

“Let’s go Fretzie” Nginitian siya ni Ethan parang ina-assure na hindi niya ito iiwan. Inoffer ni Ethan yung right arm niya kay Fretzie. Nakangiting inilagay ni Fretzie ang kamay niya sa braso ni Ethan.

***

Agad silang sinalubong ng malakas ng hiyawan at palakpakan mula sa audience.

“Kaya naman pala natagalaaaaan! Sobra naman pala sa sa ganda at gwapo ng dalawang to.” Natatawang sabi ni Mr. Fu. Isa sa mga host.

Mangiyak-ngiyak naman nagsisipagtilian sila Ashley. Sobrang saya nila lalong lalo na yung number#1 fan ng Frethan.

“Oh ang taray! May banner pa! GO…FRETHAN…daw! Oh kung ano pa man ang ibig sabihin niyan. Ang cuchyal haaa!” Natatawang sabi nung host.

“Monique, san mo naman nakuha yan?” tanong ni Ashley kay Monique na may hawak sa banner na umiilaw tapos may malaking nakasulat na ‘GO FRETHAN’ .(A/N: Hindi ko po alam yung tawag. Pasensya na. =__=V)

“Dala ko! Buti na lang talaga nag dala ako ng ganito! Whooooo! ^0^” Sigaw ni Monique na nakapasan sa natatawang Bryan.

Saktong pagdating nila Bryan yung entrance ni Ethan at Fretzie.

“Buti na lang talaga Miko nawala ka. Hahaha! Joke lang!” Natatawang sabi ni Lexi kay Miko.

“Psh.”

“Be happy! Tignan mo naman ang katas ng paghihirap ng OPLAN FRETHAN! Wohoooo!” Tapos nagcheer ulit si Ashley sa kaibigan.

“Ni hindi pa nga nagkakaaminan. Bwisit ang bagal!” –Miko

“Chill lang. Naghahanap lang ng magandang timing yang si Ethan at ramdam ko ngayong gabi na mangyayari yun.”

“Asa. Sa torpe niyang yan?!”

“Ang epal mo!  Kung ako sayo, magreready na ako. Aba! Ang sarap ng upo mo diyan, parang hindi ka kasali ah! MAY TALENT PORTION PA!”

*that ends chapter 54

Hindi pa ko tapos! Hahahaha! Chapter 54 part 1. =)))

A/N:

Oh ang haba na niyan, may part 2 pa. Hindi ko lang nilagas sa title para suspense na may part 2 pa. Hahaha! Sabi sa inyo expect the unexpected eh. I hope this chapter is worth the wait. AND!!! I also want to share my philosophy in life. Always remember that… Everything happens for a reason. Tandaan niyo yan. Maski may pagdaanan kayong hindi maganda, lagi niyong iisiping everything happens for a reason at meron itong purpose like strengthen our faith to God. Ayan, naging religious na. Hihi.

Guys, sana before you take a sleep, isama niyo sa prayers niyo yung mga kababayan nating nakakaranas ng matinding pangangailang ngayon. Malaking bagay yun. Many of them need prayers and help.

Yun lang. Keep safe Clashers! Mahal ko kayo! Thank you for serving as my INSPIRATION in writing. Akala niyo kayo lang ah! Hindi niyo ba alam na kayo ang isa sa pinagkukuhaan ko ng inspiration? Kaya magcomment lang kayo ng magcomment ha. Malaking bagay yun para sakin. ^____^

PS. I’ll accept greetings for the next UD. Meaning yung mga pabati niyo, ilalagay ko sa author’s note sa next update. PAKI-COMMENT DUN SA POPOST KO SA PAGE. :) Way ko na din yun para magthank you sa inyo kasi hindi ko kering magdedic ng chapters sa inyong lahat. ^___^ AYOWN. Sana maappreciate niyo. COMMENT GUYS! As much as possible related sa story. ^____^  

Continue Reading

You'll Also Like

704K 25K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
79.5K 1.9K 13
"When heart skips a beat, it only means that you have found the one." -Dayle (Published and Released in Buqo.ph and soon in NBS!
348K 14.2K 61
[Epistolary] "I'm addicted to you like a powerful drug. With you by my side, you are my euphoria."
165K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.