Allison Academy

By x_s0laris

214K 4.7K 272

Hoping for a brand new start, Kate Eris Morfei enthusiastically enrolls at Allison Academy- a special yet mys... More

FOREWORD
PROLOGUE
Chapter1: The Name is Eris
Chapter2: The Mysterious School
Chapter3: Rumors
Chapter4: A Teacher?
Chapter5: That Jerk
Chapter6: Best friends
Chapter7: A Task?
Chapter8: Game Over
Chapter9: A Deafening Whistle of Explosion
Chapter10: Partners
Chapter11: No Star Student
Chapter12: Do it for what?
Chapter13: Out of Duty?
Chapter14: Pretty Little Secret
Chapter15: The Heroine and the Knight
Chapter16: Fansclub President
Chapter17: The Unexpected Announcement

Chapter18: The Girl In White and the Letter with Unusual Crest

4.7K 195 60
By x_s0laris

NATHAN  

It’s already weekends. I have to do some errands again. I’m out to check Eris’s place today.

Nangako kasi ako sa kaniyang ako na ang bahala sa bahay niya, kung saan every weekend chine-check ko. Kumuha na din ako ng mga taong magbabantay at maglilinis doon. Syempre from the Academy lang din ang kinuha ko na mga maids. Specifically, they’re from Central Park.

Nag hire ako ng tatlong tao na mag-aasikaso sa bahay ni Eris, at lahat sila ay stay-in. They’re very trustworthy. Mabilis lang din nila naintindihan ang mga instructions na ibinigay ko, lalo na sa kung ano ang gagawin nila sa mga ipinapadalang mga sulat at regalo sa bahay ni Eris.

I let out a frustrated sigh. Just thinking about those gifts makes my back ache. Sa sobrang dami, sumakit talaga ang likod ko sa pagbubuhat. Just what the hell are they thinking? It’s not like Eris can use all of their gifts.

They’re definitely crazy. Her fans are crazy!

Umay na umay na siguro si Eris sa dami nang natatanggap niya. Minsan nagdadala ako ng ilan sa mga regalo na natanggap niya, things that she can use here. Depende lang naman sa kung ano ang maisipan ko dalhin, but mostly damit, bags, sapatos, at pagkain—

Okay, okay, I’ll admit. Karamihan pagkain, para makahingi din ako. Sharing is caring!

“Hmm. Ano naman kaya mga pagkain maaabutan ko sa bahay ni Eris?” napasipol nalang ako habang naglalakad.

Nasa tapat na ako ng dormitory ng Kindergarten at Highschool Division. Habang naglalakad ako papunta sa bus stop malapit lang dito, napahinto ako sa pagsipol nang makita ko sa hindi kalayuan si Kei na kasama si Eris, at mukhang nag-aaway na naman sila ngayon. Kalalabas lang nila sa dormitory.

“Hmm...” I stared at them silently.

I can’t help it but to watch them. Nakakapanibago lang. Kailan pa sila nagsimulang maging ganyan ka-close sa isa’t-isa? Although nag-aaway na naman sila, as usual, but I really can’t believe this na magkasama silang dalawa ngayon.

Silang. Dalawa. Lang.

This is the first time I see them together.

Tingin ko kailangan kong makipag kuwentuhan ulit kay Eris ah? Nagiging unupdated na ako sa sitwasyon nilang dalawa. May himala ba na nangyari ngayong araw?

“Eh!?”

Halos mapanganga ako sa gulat nang makita ko ang pag-iiba ng ekspresyon ni Kei, habang iritable namang hindi nakatingin sa kaniya si Eris.

No way...

Did I really saw him smile!?

That Kei Nicholas? Unbelievable!

Siguro kung may iniinom ako ngayon naibuga ko na ‘yon sa sobrang gulat. Even for just seconds, ngumiti siya, and that is new! No, it’s a miracle!

He never smile ever since he came here in the Academy, kahit sa harap ni Lucas hindi siya ngumingiti. I can’t help it but to wonder why he smiled.

“Heh~ This is really interesting.” I smirked as I silently watched the two of them.

Madalas ang kasama ni Eris ay si Jacob, kaya nakakagulat na instead of him, si Kei ang kasama niya ngayon. Pero saan naman kaya sila papunta?

Date?

Pasimple naman akong natawa. No, that’s impossible for now. Maybe they’re just starting to know each other. Sabagay, partners naman sila. Pero magiging mahirap para kay Eris na pakisamahan si Kei.

Last time may nakarating sa’kin na balita, nakita silang dalawa na kumain sa isang restaurant malapit sa High school division. Some of the students saw them too in the hallway- holding hands. Mukhang ayaw pa nga daw bitawan ni Kei si Eris, at nag-tatalo sila nang mga oras na ‘yon kaya walang sumubok na mapa-lapit sa kanila. They actually run away.

S’yempre naniniwala ako sa mga nabalitaan ko, maraming testigo e. Sayang at hindi ko ‘yun mismo nakita, kukuhaan ko sana sila ng litrato at pagkatapos no’n ay aasarin ko si Kei. That’ll be funny for sure.

I haven’t got the chance to talk about it with Eris. Gusto ko sana alamin ang nangyari, but these days naging busy ako at hindi na din masyado nakakadalaw si Eris sa bahay. Maybe I’ll just invite her tomorrow evening to have a dinner with me.

But...

Who would have thought Kei have this side?

“Marunong din naman pala ngumiti ang taong ‘yon e.” halos pabulong na nasabi ko sa aking sarili at palihim na napangiti.

“At sino naman ang tinutukoy mo?”

Shit!

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang magsalita sa tabi ko si Yuzu. Napahawak ako sa aking dibdib at hindi makapaniwalang tiningnan siya nang masama. Para talaga ‘tong multo, bigla nalang sumusulpot sa kung saan-saan.

“P’wede ba, ‘wag ka nga bigla nalang sumusulpot!? Aatakihin ako nito sa puso e. Gusto mo ba akong mamatay nang maaga!?” inis na sinabi ko at tinapunan siya ng masamang tingin.

“P’wede din naman, ba’t hindi pa ngayon?” seryoso niyang sagot, at dahil doon mas sinamaan ko siya nang tingin.

“Sira ulo, ba’t hindi muna ikaw ang mauna?” iritableng sagot ko pabalik sa kaniya.

He clicked his tongue and ignored what I said, “Sino ba kasi tinutukoy mo? Saan ka ba nakatingin, ha?” kunot noong tanong niya habang naka-pamulsa at tumingin sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. Sa direksyon nila Eris at Kei.

Halos hindi na maipinta ang mukha ni Yuzu nang makita niya silang dalawa. Akma naman itong susugod papunta sa kinaroroonan nila, pero mabilis ko siyang pinigilan at hinila.

“Stop! Just stooop! What the hell are you thinking!?” pasigaw na tanong ko sa kaniya.

Iritable naman niya akong tiningnan, “Ano pa ba? Edi ilalayo si Eris kay Kei! Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng lalaking ‘yon kay Eris?” medyo kumalma na siya ngayon at dahil doon nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.

“S’yempre naaalala ko ‘yon, pero malay mo naman maging close na sila this time. They have to! Mag partners sila, remember? Kaya hayaan na natin silang dalawa. Mukha naman ayos lang sila. Wala naman siguro mangyayaring hindi maganda... Probably.” napangiti nalang ako habang siya naman ay masamang nakatingin sa akin.

Noong una mukhang hindi talaga sila magkakasundo ni Eris, pero habang patagal nang patagal, kita naman na may chance parin na magkasundo sila.

Well, a bit... hehe

Binigyan lang ako nang masamang tingin ni Yuzu, halatang hindi niya gusto ang gano’ng ideya.

“You know what, Nathan? Pag dating talaga sa’yo kailangan ko muna manigurado ng ilang beses bago ako sumang-ayon.” he said while glaring at me.

“Aww. That hurts! Grabe ka naman, kaibigan mo ’ko tapos gan’yan ka sa’kin!? Wala ka ba tiwala?” umakto naman ako na parang nasasaktan at napahawak sa aking dibdib.

“Oo.” Yuzu bluntly said in an instant.

“Wow, walang pag-aalangan? Ang bilis mo naman sumagot. Nasaktan ako doon ha. Seriously.” I said while frowning.

“Shut up. Ang arte mo, d’yan ka na nga!” iritableng nasabi niya at nagsimula na ulit maglakad paalis.

“Oh, sandali! Sandali! Sandali lang!” mabilis ko ulit siyang inawat at napabuntong hininga, “Hayaan na natin silang dalawa, mukha naman nagkakasundo na sila. ‘Wag mo na sirain pa, okay? Just look at them! They seem...” sabay kaming napatingin ulit kila Eris at Kei.

Napaatras kaming dalawa ni Yuzu sa gulat dahil sa aming nasaksihan. Magkasabay din kaming na pa “ohh! dahil bigla nalang inambahan ng suntok ni Eris si Kei sa mukha.

I was about to say “they seem getting along” but wow, this is really... unexpected. Wala ako ibang masabi kung hindi ‘wow.’

That punch must’ve been hurt a lot. Ang solid! Feeling ko kung ako ‘yon, dumugo na ilong ko at nawalan na rin ako ng malay. Ang lakas pa naman sumuntok ni Eris, parang suntok ng isang lalaki e. No kidding.

No offense, I’m just talking base on my experience. She’s kinda slim, but believe me when I say she’s capable of breaking someone’s bones. She’s someone you wouldn’t ever want to mess with. Trust me.

“Akala ko ba mukha na silang nagkakasundo, ha? E, bakit parang mas mukha silang magpapatayan ngayon!?” galit na sigaw sa akin ni Yuzu.

Sa sobrang lakas ng sigaw niya napa-takip nalang ako ng aking tainga. Pinagtitinginan na din kami ngayon ng ilang estudyante na napapadaan.

“Shhh! P’wede ba ‘wag ka nga sumigaw! Sa sobrang lakas ng sigaw mo p’wede na akong mabingi. Malay ko ba kung bakit mukha na silang magpapatayan!? Mukha ba naririnig ko ang pinag-uusapan nila ngayon ha!? Ha!?” sigaw ko din pabalik sa kaniya, at dahil doon natahimik siya at sinimangutan ako.

Bakit parang kasalanan ko pa?

Ibininalik nalang ulit namin ang tingin kila Eris at Kei, and to our surprise, they seems fine...?

Halatang galit si Kei ngayon, pero hindi ‘yung galit na gusto na din niyang bawian pabalik si Eris. It looks like there is some misunderstanding between them, pero naayos din naman, gano’n lang. Nakatayo at nag-uusap lang sila ngayon na para bang walang nangyari.

“Oh, tingnan mo! Mukha naman ayos silang dalawa. We can’t hear them, but I think nasuntok lang ni Eris si Kei baka dahil napikon siya, o kaya aksidente niya lang nasuntok.” nasabi ko nalang at nagkibit-balikat. Yuzu glared at me again.

“Are you serious? Aksidente?” hindi makapaniwalang tanong ni Yuzu, tumango naman ako bilang pag-sagot sa kaniya, “E paano kung suntukin din kita ngayon tapos sabihin ko aksidente lang ‘yon?”

Tinawanan ko lang siya, “Ikaw talaga Yuzu, hindi ka mabiro.” he just looked at me with a serious expression which made me look at him in an uttered disbelief, “What? Seryoso?”

Akmang hihilahin na sana ako ni Yuzu sa kuwelyo nang biglang tumunog ang aking cellphone, kaya hindi na natuloy ang binabalak niya.

“I need to go! May kailangan pa akong puntahan, maiwan na kita d’yan. Jā mata ne!” (see you around) nagmamadaling paalam ko kay Yuzu at paalis na sana nang bigla niya akong pigilan.

“Teka sandali, saan ka naman pupunta?” kunot noong tanong niya. Minsan talaga hindi ko alam kung isa din ba siyang may galit sa mundo, palaging naka simangot na ewan.

“Sa bahay ni Eris, ‘di mo naaalala?” napa-awang nalang ang kaniyang bibig ng ilang segundo. Siguro nakalimutan niya tapos naalala rin nang mapa-sabi siya nang, 'ahh.'  Napabuntong hininga nalang ako bago magsalita.

“Hay nako Yuzu, iba talaga kapag tumatanda, nagiging makakalimutin.” matapos ko ‘yon sabihin ay kumaripas na agad ako nang takbo. Sobrang bilis para maka-survive. Paano ba naman, hinabol agad ako ni Yuzu at akmang ihahampas sa’kin ang kaniyang katana.

“Oioi! Yuzu, nagbibiro lang talaga ako! Mag ingat ka naman, mamaya may matamaan ka niyan!” sigaw ko habang patuloy parin sa pagtakbo.

I gasped and almost shriek in horror like a character in some fucked up horror movie when he suddenly swayed his katana over my head.

Muntik na akong tamaan, kamuntikan na talaga! Mabuti nalang nakaiwas ako at ilang hibla lang ng aking buhok ang natamaan.

Fucking bastard!

I thought I’m going to die and see those heavenly lights before my eyes!

“Ang tatamaan lang nito ay walang iba kun’di ikaw, Nathan!” sigaw din niya pabalik at mas binilisan pa ang pagtakbo. Bigla tuloy dumoble ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

“So harsh!” pagbibiro ko pa.

Oohh shit...

Oo nga pala, kung sa pabilisan lang naman sa pagtakbo, mas mabilis nga pala siya kumpara sa’kin.

I almost forgot that he’s a well trained-

I gasped in shock when he almost got me, again. But this time napunit niya lang ang sleeves ng aking polo shirt. What the hell? Akala ko talaga mapuputol na ang aking braso.

Damn it!

Saktong natanaw ko na ang kadarating lang na bus. Mabilis akong tumakbo papunta doon, mabuti nalang at hindi niya ako agad naabutan. Hinihingal akong pumasok sa loob at ipinasara agad ang pintuan sa driver.

Nang maabutan na ako ni Yuzu, sinalubong ko agad siya nang may ngiti sa aking labi. Tawa ako nang tawa habang naghahabol ng hininga. Habang siya naman ay galit akong tiningnan sa labas at pilit pinapa-buksan ang pintuan. Naguluhan samin ang driver pero s’yempre ang sabi ko ‘wag na muna niyang pagbubuksan ng pintuan.

Maya-maya pa ay kinuha ni Yuzu ang kaniyang cellphone at may tinawagan, bigla naman tumunog ang aking cellphone at lumabas na si Yuzu ang tumatawag. Since we can’t hear each other, kaya siguro tinawagan niya ako. Sinagot ko naman ang tawag niya.

“What?” hinihingal na tanong ko, na may halong pagpipigil ng tawa.

“Bastard! ‘Wag mo ‘ko ma-what-what d’yan, buksan mo itong pinto!inis na sigaw niya sa kabilang linya.

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, baka kanina pa ako nalagutan ng hininga. Eto talaga si Yuzu, napaka-mainitin ang ulo kahit kailan.

“Say, ‘please master Nathan’ muna.” pang-aasar ko sa kaniya at tumawa. Dahil sa sinabi ko binigyan niya ako ng isang masamang tingin na kulang nalang ay gusto na niya akong patayin at ibaon sa lupa. Hindi lang ‘yon, may kasama pa na malutong na mura. Pikon na pikon na siya sa akin, but teasing him never gets old. Really.

Damn you, Nathan. Ano akala mo sa’kin tanga para sabihin ‘yon? Asa ka! Ipa-bukas mo na itong pintuan. iritable ngunit kalmado naman niyang sinabi.

“Soshite, naze boku wa sore o suru nodeshou ka?” (and why would I do that?) I asked, suppressing my laugher.

Well, Yuzu is a Japanese, so he understands me. Sa kaniya nga ako mas natutong magsalita ng nihongo (japanese language) kaysa sa mismong klase namin noong High School at College.

I heard him hissed, Kuso!” (damn it!) sinamaan niya ulit ako ng tingin at nagsalita ulit, “Open this door or else...”

“Or else?” I asked teasingly as I smirk.

“I’ll break this whole bus.”  he said while looking at me seriously.

I exaggeratedly gasped, “Kowai! (scary!) But no way~ mamaya itarak mo agad sa akin ‘yang katana mo kapag pinapasok kita.” I bluntly said. He just irritatingly snickered.

Kung p’wede lang matagal ko na sana ginawa. Tsk! Buksan mo na sabi, sasama ako sa’yo.kalmadong sinabi niya. Napakunot naman ako ng aking noo. Sasagot palang sana ako nang biglang sumingit sa usapan ang driver.

“Sir Nathan, hindi pa po ba tayo aalis? Ano oras na din po, hindi ba’t may pupuntahan pa kayo?” malumanay niyang tanong sa’kin. Alam ni manong kung saan ako papunta. Ako kasi mismo ang nagsabi sa kaniyang tuwing sabado ay sunduin n’ya ako.

Oh, narinig mo si manong, pagbuksan mo na ako ng pintuan para makaalis na. sagot naman ni Yuzu sa kabilang linya. Napabuntong hininga nalang ako at sinabihan si manong driver na buksan na ang pintuan.

Naupo na ako at gano’n din si Yuzu. Nagsimula na umandar ang bus at nagsimula na din si Yuzu na pagbantaan ang buhay ko. I instantly raised my hands in defeat.

“Oh, t-tama na! Tama na! Ilayo mo na ‘yang katana mo sa harap ko, p’wede? Paano kapag nasugatan mo talaga ako n’yan!?” halos pasigaw ko naibulalas.

Madalas talaga nakakatakot si Yuzu. I already expected this much kapag inasar ko siya, but I can’t help it. Nakakatawa kasi siyang asarin, parang batang pikon na pikon.

Ang problema lang...

I gasped in surprise when he suddenly pointed his katana on my neck.

Ang problema, mukhang palagi akong nasa bingit ng kamatayan.

Parang ano man oras masisilayan ko na si kamatayan at may liwanag na sasalubong sa akin, tapos babatiin na ako ni San Pedro at ihahatid na ako. Gano’ng pakiramdam ba.

Habang nakatingin ako sa matalim niyang katana, hindi ko maiwasan ang mapalunok ng ilang beses sa sobrang kaba.

“Hindi ka talaga mabiro kahit kailan. Ilayo mo na ‘yan, ayoko pa mamatay!” halos magpigil na ako ng aking hininga sa sobrang kaba. I heard him irritatingly hissed.

Nakahinga ako ng maluwag nang sawakas ay inilayo na niya ito sa akin. Napahawak agad ako sa aking leeg, pakiramdam ko tuloy nalagasan ako ng sampung taon sa span ng buhay ko. Sa susunod, lilimitahan ko na ang pang-aasar kay Yuzu. Napa-isip tuloy ako kung paano nagagawa ni Yuzu ang matalo kay Arisa.

Ah, oo nga pala, hindi pala ‘to napatol sa babae... Pero sabagay, kahit ako hindi ko kakayanin si Arisa, malala parin ang babaeng ‘yon kumpara kay Yuzu e.

“Oh, bakit mo naisipang sumama sa’kin? Bukas pa tayo makakabalik, mag i-stay tayo sa bahay ni Eris. Wala ka ba gagawin ngayon sa greenhouse?” I casually asked him as if nothing happened.

“Wala, naayos ko na ang mga dapat ayusin doon. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw kaya naisipan ko nalang sumama.” he plainly said.

I squinted my eyes, “Heh~ Really? Totoo ba ‘yan? O baka naman may iniiwasan ka lang?” para naman siyang natamaan sa sinabi ko.

Palihim nalang akong napangisi sa naging ekspresyon niya. He’s furrowing his eyebrows now, napaka-defensive talaga niyang tingnan. Kulang nalang malukot masyado ang kaniyang noo.

“I heard Arisa is back, tinatakasan mo lang siya ‘no?” I bluntly said and smirked, “And I bet you know it too. Kaya ka siguro sumama dahil ayaw mo—” I didn’t finish my words because he suddenly cut me off.

“Oo na, oo na! Dahil do’n kaya ako sumama. You know it already, so could you please, shut up? Ngayon palang stressed na ako, kaya ‘wag mo nang ulit-ulitin pa.” iritableng naibulalas niya at nag-iwas ng tingin.

I just shrugged my shoulders and sighed. I feel bad for him, also for Arisa, but there are things I shouldn’t meddle with. Napatingin nalang ako sa labas ng bintana at nakita sila Eris at Kei sa isang outdoor cafe. Awtomatikong napangiti ako habang pinapanood sila.

Hoh~ Dito lang pala sila pupunta? Ano ‘to, date?

Palihim akong nag pigil ng tawa sa aking naisip. Magsasalita palang sana ako para sabihan si Yuzu na nakita ko sila Eris, nang may mahagip ang aking paningin sa bandang kakahuyan malapit mismo sa cafe. Biglang naglaho ang ngiti sa aking labi at seryosong napatitig doon.

Parang nag slow motion nang ilang segundo ang buong paligid, at matapos ‘yon ay mabilis din namin nalampasan ang cafe. Hindi naalis ang tingin ko sa labas ng bintana. Sa loob ng ilang minuto, natulala ako.

Just... what did I saw?

A silhouette?

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako nang pagkabahala nang makita ko ang pigurang ‘yon. Masyadong malayo at may kadiliman sa p’westong ‘yon, pero alam ko na may taong nakatayo doon, na para bang pinapanood niya sila Eris.

Base na din sa puwesto nito, hindi ‘yon kalayuan sa kanila pero hindi rin ‘yon gano’n kalapit, katamtaman lang para obserbahan sila Eris at Kei nang tahimik.

Hindi ko alam kung napansin ba nila ‘yon o kaya ay kung naramdaman manlang ba ni Kei. I’m too occupied thinking about that when Yuzu suddenly shakes me back to my senses.

“Bakit?” naguguluhang tanong ko sa kaniya. Iritable na naman niya akong tiningnan.

“You’re spacing out. We’re here. Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman kumikibo.” binigyan niya ako nang masasamang tingin, wala naman ako ibang nagawa kun’di humingi ng pasensya. Hindi ko napansin na nasa airport na pala kami ng Academy.

“Pansin ko lang, ang lalim ata ng iniisip mo ngayon. Kanina ayos ka lang naman, tapos ngayon kakaiba na ang ikinikilos mo. Is there a problem?” napatingin ako sa kaniya ng seryoso bago mapag-desisyunan sabihin sa kaniya ang nakita ko.

“Ibig mong sabihin, may nagmamasid sa kanila?” paglilinaw ni Yuzu habang naglalakad kami pasakay sa private plane ng Academy.

“Parang gano’n na nga. Hindi ko masyado nakita kasi mabilis din ang pag andar ng bus pero sigurado ako, pigura ‘yon ng isang tao.” seryosong sagot ko sa kaniya. Nagkaroon naman nang sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Good morning, Sir Nathan, and Sir Yuzuru.” bati agad sa amin ng mga flight attendant, kung kaya’t binati din namin sila pabalik. Nang makaupo na kami, ilang minuto lang ay nagsalita na ulit si Yuzu.

“Ano sa tingin mo... About doon sa nakita mo— Damn! Hindi ko ‘yon napansin o naramdaman manlang. I just let my guards down.” bakas sa boses niya ang pinaghalong pagkabahala at pag-aalala, but I know what he’s feeling right now.

I know he feels disappointed with himself.

“Don’t be like that, may iniisip ka lang no’n kaya hindi mo ‘yon napansin. It’s not your fault, stressed ka e.” napabuntong hininga nalang siya at isinandal ang likod sa kinauupuan niya.

“It’s suspicious, but we don’t know who that may be. Ngayon ko lang nakita ‘yon. Ni wala tayong kaalam-alam kung sino ba ang taong ‘yon.” seryoso kaming nagkatinginan ni Yuzu at sabay kaming napabuntong hininga. Napahawak nalang ako sa aking sintido.

This is really giving us a headache. Who would have thought someone would go after them? Maybe that person knows Eris? Or maybe that person only aims for Kei?

But for what?

“I don’t feel any malicious intent earlier but... who knows?” I said as I shrugged my shoulders.

“Tingin mo ba napansin din ‘yon nila Eris?” bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala. Kahit ako din naman, nag-aalala ako para sa kanila lalo na kay Eris.

Napailing nalang ako, “I don’t know... Probably? Andoon naman si Kei. I’m sure, naramdaman din niya ‘yon. Alam mo naman malakas ang pakiramdam no’n sa paligid niya.” both of us snickered.

“Sabagay, as long as nandoon si Kei, I’m sure they will be fine. Siguraduhin niya lang na hindi mapapahamak si Eris, kung hindi—” narinig ko ang pagtunog ng kaniyang katana, habang ang kaniyang ekspresyon ay nanatiling seryoso, “Malalagot siya sa akin.”

“Hey, tigilan mo nga ‘yan. Bakit ka ba sa’kin nakatingin? Si Kei ba talaga ang malalagot o ako? Pakiramdam ko ako ang pinagbabantaan mo ngayon e.” napayakap nalang ako sa aking sarili at umaktong kinilabutan sa kaniya.

“Manahimik ka, kung ayaw mo mauna ka ngayon.” I could feel the menace in his voice, but instead of getting scared, I just laughed at him.

Well, we both know Kei. There’s no way he wouldn’t sense someone’s tailing them. Palagi ’yon alerto sa paligid niya, kaya sigurado ako na safe si Eris kapag andiyan siya.

But...

“That silhouette gives off some kind of unexplainable aura. I don’t know, but it’s very odd.” I said as I leaned my back and crossed my arms.

‘Yun mismo ang naramdaman ko nang makita ko ‘yon. I can’t really explain it, but I’m sure whoever that person is, they’re plotting something.

Lumapit naman sa’min ang isang flight attendant at nag serve ng makakain at kape. I took a sip of my coffee, while Yuzu, he looked at me as if he wants to say something. Nakaawang lang ang kaniyang bibig at maya-maya pa ay napatikom nalang siya at napailing.

“What? If you’re thinking about something, then say it.”

He let out a frustrated sigh before answering, “Ewan, bigla ko lang ‘to naisip, pero ayoko naman agad mag-assume ng walang pruweba.”

I shrugged my shoulders, “It’s fine, go on, just say it.”

“If you feel that suspicious silhouette gives off a strange aura, then, you haven’t felt that before, right?”

I nodded and answer, “Right. That was the first time.”

“Then, could it be possible that there’s an intruder in our Academy?” bigla kaming natahimik matapos niya ‘yon sabihin. Nagkatinginan lang kami nang seryoso, at dahil doon, bigla ako napa-isip.

No. That’s impossible.

Sobrang higpit ang security ng Academy, especially sa palibot nito. There is an invisible magic barrier na nakapalibot sa buong Academy, para ma-detect din nito agad kung sakaling may susubok na pumasok sa loob nang walang pahintulot. Gano’n na din kung sakaling may mag-tangka sa ikasisira ng Academy.

It’s really impossible...
But we’re still not sure.

What if there is really an intruder,
and we just didn’t notice it?

Napahalumbaba ako habang nakatitig ako sa aking kape, “Hmm. Intruder, huh? Sabihin na natin na posibleng meron nga, tapos hindi lang napansin ng security natin. But how?” I leaned in forward, “Masyadong mahigpit ang ating security sa Academy, both inside and outside. Hindi naman basta-bastang nagpapapasok sa loob—”

Bigla nalang ako natigilan sa pagsasalita. Muntik ko na din mabitawan ang aking iniinom na kape. Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Yuzu, na ngayon ay seryosong nakatingin sa’kin. Ilang segundo munang napaawang ang aking bibig bago magsalita.

“Hah... Unless, umpisa pa lang ay nasa loob na talaga siya ng Academy.”

Yuzu smirked and snapped his fingers and do the finger gun, “Bingo!”

I gasped in confusion, but later on, it made me chuckle under my breath as I shake my head in surprise and disbelief.

Who would’ve thought that the intruder was already in the Academy from the very beginning?

Hold on... Is this what she's talking about last time?

Then, I believe she really kept a wary eye on them.

I guess, women are really scary when it comes to their intuition, huh?

I simpered a smile before I averted my gaze to Yuzu.

“What made you think there’s an intruder already inside the Academy?” I asked while furrowing my eyebrows.

“Just who do you think I am, Nathan?” he looked at me with a serious expression. Naupo siya nang maayos na para bang isang detective at pinagdikit ang kaniyang mga kamay.

I smirked then I burst into laughter while shaking my head, “Right. I almost forgot, you’re a Nishioka.”

Wala talaga nakakalampas sa kaniyang instincts at skills, as espected from the youngest son of Nishioka clan. Ang isa sa pamilyang nag se-serve sa security team ng Allison Academy for decades. They’re descendants of samurai. Kahit pa mas nag i-stay si Yuzu sa greenhouse, hindi parin maikakaila ang kaniyang kahusayan.

Madalas nga lang niya hindi ipinapakita ang kakayahan niya sa ibang tao, dahil ang Nishioka clan ay isa sa patagong personal guards lamang ng Allison Academy.

And one thing I like with their clan? They stay neutral despite being personal guards. They don’t side to any Higher ups, they act on what they think is morally right to do and choose. And in this place? They’re one of the few people who are very trustworthy.

“But we’re still not sure if there is really an intruder. Kailangan pa rin natin ng mas matibay na pruweba.” nasabi ko nalang at inubos ang aking kape.

“Of course, and that’s what we will do. Ang maghanap ng pruweba.” Yuzu said while there’s a smirk plastered on his face.

“Stop smirking, you look like a creepy villain.” akma naman niya akong babatuhin ng platito kaya mabilis akong kumuha ng unan panangga.

  

***
 

Nakarating na din kami sawakas sa bayan nila Eris. Matapos ang ilang oras na biyahe, aaminin ko na sobrang napagod ako. Gabi na din kami nakarating dahil dumaan muna kami sa mall para bumili ng ilang damit at gamit na kakailanganin namin.

Pagkalabas namin sa kotse ni Yuzu ay nagpasalamat kami sa taong naghatid sa amin. Maraming connections ang Academy sa labas, marami din naging estudyante doon na ngayon ay namumuhay na sa ibat-ibang lugar, at isa na doon ang taong naghatid sa’min. He’s living near on this neighborhood, kaya alam din niya kung saan ang bahay ni Eris.

“So, eto ang bahay ni Eris?” hindi makapaniwalang tanong ni Yuzu habang nakatingala at pinagmamasdan ang kabuoan ng bahay. May malawak at may kataasan itong pader at gate, moderno din ang estilo ng bahay sa harap.

Mukhang napansin din ni Yuzu ang dalawang malaking mailbox sa harap ng bahay pero hindi nalang niya ‘yon pinagtuunan pa ng pansin. Just wait until he know what was that for. Siguradong mapapangiwi nalang siya kapag nalaman niya.

“Oo, diyan nga. Bakit?” kunot noong tanong ko.

“Wala naman, hindi ko lang inaasahan na ang laki pala ang bahay niya.” bakas sa kaniyang boses ang pagkamangha.

Natawa nalang ako at nagsimulang maglakad palapit sa gate, “Wait until you get inside. Mas mamamangha ka.”

Ilang minuto lang ay pinagbuksan na kami ng maid at sinalubong nila kaming tatlo. Nagulat sila na kasama ko ngayon si Yuzu pero hindi na din sila nagtanong pa.

“Good evening Sir Nathan, Sir Yuzuru.” binati din namin sila pabalik at kinuha na nila ang mga pinamili namin habang ang isang maid ay hinatid na kami papunta sa loob ng bahay. Napatingin ako kay Yuzu na kulang nalang mapanganga sa pagkamangha. I heard him whistle and smiled.

“Nice! Ang ganda pala dito sa bahay ni Eris, ang lawak.” napatingin siya sa isang kalapit na maliit na bahay. Isa ‘yon japanese style house, at nasa loob lang din ito ng mismong nasasakupang lupa nila Eris.

“Woah, meron din ba silang maliit na pond sa likod, ha?” turo ni Yuzu doon sa bahay.

Napangiti nalang ako at tumango, “Of course, meron. Para sa kaalaman mo, half-japanese ang lola ni Eris.”

“Talaga? Ngayon ko lang nalaman.” huminga siya ng malalim at napangiti ulit, “Ang ganda dito, ang peaceful sa pakiramdam dito sa loob. Mas gugustuhin ko pa na dito nalang mag stay kaysa bumalik ulit sa Academy.” hindi ko napigilan matawa sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.

“Sus, gusto mo lang iwasan si Arisa.” pang-aasar ko sa kaniya, bigla naman nag iba ang ekspresyon niya at sinamaan ako ng tingin.

“Urusai!” (shut up!) iritableng sagot niya. Natawa nalang ulit ako hanggang sa mawala ang ngiti sa aking labi.

“Ang lola ni Eris at siya lang ang nakatira dito noon, ngayon si Eris nalang ang mag-isa.” parehas kaming natahimik ni Yuzu sa aking nasabi.

The truth is, I feel sad for Eris. For three years, she’s living alone— all by herself in this big house. Naiisip ko tuloy ang hirap no’n para sa kaniya. After what happened before, she really had a hard and traumatic life. I feel sad for her. That’s why I’ll definitely protect her, no matter what.

 

***

 

Matapos namin maghapunan ay nagtungo na kami sa living room at ipinatawag ko ang naatasan ko na maid na mag report sa akin.

Iniabot naman sa akin ng maid ang dala niyang mga papel. Mga records ‘yon na nakolekta nila for the entire week. Mag mula sa mga nakuha nilang sulat, regalo, hanggang sa mga kaganapan sa bawat araw na nagdaan. Pumuwesto naman siya malapit sa aking kinauupuan at tahimik na hinihintay ang aking sasabihin.

“Ano naman ‘yan?” naguguluhang tanong ni Yuzu.

“It’s a report.” I plainly answered without looking at him.

“Huh, report?” naguguluhang tanong niya ulit. This time, binalingan ko na siya ng tingin. Eto talaga si Yuzu parang bingi, kailangan pa talaga ulit-ulitin?

“Yes. Sinabihan ko sila na kada-linggo, magbigay sa akin ng report tungkol sa lahat ng nangyari dito.” sagot ko naman, dahilan para mapakunot ang kaniyang noo.

“Nan’notameni?” (what for?) bakas sa mukha niya ngayon ang pagtataka habang prente itong nakaupo sa katapat ko lamang na sofa.

Feel-at-home na feel-at-home naman siya dito. Napailing nalang ako habang nakatingin sa kaniya. Kung sabagay, kahit sa bahay ko nga, feeling niya bahay niya ‘yun e.

“Wala, naisip ko lang. Malay mo, may interesting na nangyari sa mga nag daang araw, gano’n.” I blankly said as I turn back my attention to the reports. I heard Yuzu incredulously snorted.

“Uso-tsuki! Ore wa anata o shinjimasen.” (liar! I don’t believe you) he said with an obvious disbelief on his voice, “Kilala kita, Nathan. May hinahanap ka ‘no? Tama ba?” he added.

I see, he seems to be especially talkative today.

Kapag nagsisimula na siyang maging madaldal at nag sasalita na ng nihongo, tatlo lang ang p’wedeng ibig sabihin no’n: una dahil trip niya lang, pangalawa dahil stressed siya, at pangatlo both. At nasa pangatlong punto siya ngayon.

I heaved a deep sigh while still reading the reports, “Believe me or not, naisipan ko lang talaga ‘to. You’re thinking too much.” I said nonchalantly.

“Sus. Ikaw pa ba?” dudang sagot ni Yuzu.

I just ignored him and focused on reading the reports. I was about to turn the next page when something caught my attention. I furrowed my brows when I read something strange, so I asked the maid about the unusual note written on their report.

“What happened on Monday, Wednesday, and Thursday? What’s with this ‘girl in white’ mean?” napatingin ako sa maid na nakatayo sa aking tabi. She lowered down her head before answering.

“Sir Nathan, nang mga araw na ‘yan may babaeng pabalik-balik na pumupunta po dito sa bahay ni miss Eris. Noong una namin siyang nakita sa labas ng gate, hindi namin siya pinansin. Inisip po namin na baka isa lang siya sa mga tagahanga ni miss Eris na may inilagay lang na sulat o regalo sa mailbox sa labas.”

“Wait, what? ‘Yung dalawang malaking box sa labas, mailbox ‘yon para lang kay Eris!?” hindi makapaniwalang tanong ni Yuzu. Napatingin naman kami ng maid sa kaniya. Tiningnan ko siya nang may ngiwi sa aking labi, na para bang sinasabing 'hindi ba halata?'

Napailing nalang ako at bumuntong hininga bago ibalik ang aking atensyon sa kausap ko na maid.

“Then, ano nangyari? Kinausap niyo ba? Tatlong araw din ‘yon.” I calmly asked her.

“Unfortunately, hindi po namin siya nakausap ni isang beses, Sir.” dahil sa kaniyang sinabi napakunot ang aking noo.

“What do you mean? Hindi niyo ba siya nilapitan manlang?” naguguluhan na tanong ko. I can clearly see on her face, she felt sorry for that. I didn’t mean to make her feel that way though.

“Ah, don’t feel sorry about it, ayos lang ‘yon, okay? Hehehe.” nginitian ko nalang siya, at mukha naman effective ‘yon kasi ngumiti din siya sa’kin pabalik at tumango. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala niya siguro pagagalitan ko siya, parang malapit na siyang ma-iyak e.

“Malay niyo may gustong sabihin ‘yung tao o kung ano man? She keeps on coming back here, siguradong hindi lang naman ‘yon for fun kaya siya nagpabalik-balik dito. Kung fan man siya ni Eris, imposibleng hindi niya alam na lumipat na si Eris ng school at hindi na siya dito nakatira.” dagdag naman ni Yuzu na ngayon ay nakaupo na nang maayos.

Looking at him now, it seems like it piqued his interest. Sigurado akong nagsisimula na siyang mag-isip nang kung anu-ano ngayon.

“May punto ka.” tipid na nasabi ko at napa-halumbaba.

Imposible talagang hindi nila alam na wala na si Eris dito. Kapag usapang tungkol sa kaniya, sobrang bilis lamang kung kumalat ng balita. Sa dami ba naman ng tsismosa dito sa lugar nila, ewan ko nalang. Isa pa, kilala ng mga tao si Eris. Halos lahat nga ng tao dito sa lugar nila at sa mga karatig bayan, kilala siya.

“Sorry Sir, sinubukan naman po namin noong pangalawa at pangatlong araw na pagpunta niya dito. Pero sa tuwing lalapitan na namin siya para tanungin at kausapin, bigla siyang tumatakbo paalis. Sinundan namin siya pero hindi na namin siya mahanap, bigla nalang siya nawala na para bang isang bula.”

But why?

Why did she ran away?

Naibalik ko nalang ang aking tingin sa mga papel na hawak ko at napa-isip. Siguro ayaw niya lang na kausapin siya o kaya’y nahihiya siya? Pero bakit kailangan pa niyang tumakbo?

It’s really suspicious.

“That’s weird.” nasabi naman ni Yuzu, “Hindi niyo na ba talaga siya nakita pa?”

Umiling naman ang maid bilang sagot, “Sinubukan namin pero hindi na po talaga namin siya nahanap.”

“If that’s the case, then the next time she show up, make sure na makakausap niyo na siya. Baka may gusto talaga siyang sabihin pero nauunahan lang ng hiya o kaba. Alamin niyo kung bakit ilang araw na siya pabalik-balik dito.”

“Yes, Sir Nathan. Masusunod.”

Excuse.

Hindi ‘yon mismo ang rason kung bakit gusto ko na makausap nila ‘yung babae. The truth is, my instinct is telling me that we should talk to her. No matter what. Ibinaling ko na ulit ang aking atensyon sa report nila at nasa huling pahina na ako ngayon.

“Anong ibig sabihin nitong nasa huling report ninyo? Anong letter? Unusual seal? Crest?” kunot noong sunod-sunod na tanong ko sa maid.

Nakasulat kasi sa huling bahagi ng report nila na may nakita silang sulat na may kakaibang selyo nang kolektahin nila ang mga nasa mailbox noong Martes ng hapon.

May kinuha muna ang maid sa kaniyang bulsa at iniabot ito sa akin, tinanggap ko naman ‘yon agad at tiningnan.

Isa itong sulat na may kakaibang selyo. Kulay gold ang selyo na nakadikit dito at mayroong stamp na letrang ‘V’. Kahit ang papel na ginamit ay kakaiba din, kakaiba ang tekstura nito at disenyo, at sa likod ng liham ay may kakaibang crest na nakalagay. Napatitig nalang ako dito nang may pagtataka.

“Ngayon lang ako nakakita ng ganito. May sumusulat pa ba hanggang ngayon na gumagamit ng ganitong klaseng selyo? O kaya ay envelop na may crest?” kunot noong tanong ko at ibinaling ang tingin kay Yuzu. Mukhang naguluhan naman siya sa aking sinabi, laya tumayo siya at lumapit sa akin.

“Patingin nga.” walang pasintabi niyang inagaw sa aking kamay ang sulat at tiningnan ito.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin dahil sa kaniyang ginawa. Hindi pa nga ako tapos suriin ‘yung sulat, inagaw agad. Tiningnan naman niya ang envelope nang may sorpresa sa kaniyang mukha.

“Woah~ Gold seal? Meron pa palang gumagamit ng ganito hanggang ngayon?” ibinaliktad niya ang sulat at napaawang saglit ang kaniyang bibig sa nakita, “Meron pang kakaibang crest sa likod— wait, anong klaseng crest ba ‘to?” kunot noong tanong niya sa amin.

I just shrugged as a response to him. Kahit ako, wala akong ideya kung ano klaseng crest ‘yon. Ngayon ko lang ‘to nakita at hindi ‘yon pamilyar sa‘kin.

May hugis itong parang shield, at sa loob no’n ay may malaking simbolo na cross. Meron din itong pakpak, at mga bulaklak. At katulad ng selyo, kulay ginto din ang crest.

I’ve never seen any kind of seal and crest like this. Kung tutuusin sa panahon ngayon sa mga eskwelahan ka nalang kadalasan may makikitang crest, malimit na lang sa mga pamilya. Siguro kung noong unang panahon pa, meron, pero ngayon? Wala na.

“Uso pa ba sa panahon na ‘to ang mga ganitong klaseng selyo at crest?” takang tanong ni Yuzu.

“S’yempre hindi na. Kadalasan sa mga eskwelahan nalang may gan’yan, katulad sa’tin, pero hindi naman basta nalang ginagamit ang selyo at crest ng Academy natin. For formal invitations, events, and personal letters from the Higher ups lang ‘yon.” napasandal ako sa aking kinauupuan at nagpatuloy.

“Isa pa, wala ako alam na may gumagamit ng gintong selyo sa panahon natin ngayon. Even our school, we only use copper.”

“Hmm. This is strange.” nasabi nalang ni Yuzu at muling ibinalik sa akin ang sulat at naupo na ulit sa puwesto niya kanina.

“Saan niyo nga ulit ito nakita?” tanong ko ulit sa maid na tahimik parin nakatayo sa aking tabi. Alam ko na nakuha nila ito sa mailbox pero gusto ko marinig mismo sa kaniya kung saan.

“Sa mailbox po, Sir Nathan, matapos namin kolektahin ang mga sulat.” kalmadong sagot niya, ngunit may kakaiba sa ekspresyon niya na hindi ko maipaliwanag. Para bang may kung anong bumabagabag sa kaniya ngayon.

“Is there anything else you want to say? Mukhang may bumabagabag pa sa’yo e.” I nonchalantly said.

“Sir Nathan, tingin po namin sinadya talaga ‘yan ipadala para kay miss Eris.” nagkatinginan naman kaming dalawa ni Yuzu bago namin ibalik ang aming atensyon sa maid.

“What do you mean?” naguguluhang tanong ko.

“I’m sorry! Ngayon palang po humihingi na agad ako ng tawad kung mas’yado po kaming nakikielam sa bahay na ‘to, pero meron po kasi kaming natuklasan sa loob ng lumang library kaninang umaga nang maglinis kami do’n. Pero m-maniwala po kayo, hindi naman namin sinasadya...” bakas sa boses niya ang kaba.

Nakuha naman nito agad ang aking atensyon kaya napa-upo ako nang maayos at diretcho siyang tiningnan.

“Lumang library? Anong meron? Ano nakita niyo doon?” mababakas sa aking boses ang pagiging seryoso ko ngayon, dahilan para mapatingin sa akin si Yuzu.

“Meron po isang malaking kahon sa ilalim ng sahig.” diretchong sagot niya na nakapag pakunot ng aking noo.

“Kahon? Sa ilalim ng sahig?” pag-uulit ko at tumango naman siya bilang sagot. Sandali, naguguluhan ako ngayon. Alam kaya ni Eris ang tungkol sa kahon na ‘yon?

I guess not...

Because if she knew about it, then that box should be gone long before.

“Sa tingin ko po kailangan ninyo makita ang nilalaman ng kahon, para maintindihan niyo po kung bakit ko nasabi na para talaga kay miss Eris ang liham na ‘yan.” malumanay niyang sinabi at matapos ‘yon ay pare-parehas na kaming nagtungo sa lumang library na nasa kabilang bahay.

Manghang iginala ni Yuzu ang kaniyang paningin sa buong bahay at natuwa din siya sa nakita niyang maliit na pond sa likod. Magkakonekta lang ang dalawang bahay kaya mas mabilis kami makakapunta sa library.

Iginala ko ang aking mata sa buong kwarto at napansin na mas naging maayos na ito kumpara sa huling pagpunta ko dito. Napaka-gulo nito noon, kulang nalang mag mukhang abandonado na ang bahay na ‘to. Hindi ko alam kung bakit pinabayaan ni Eris ang bahay na ‘to, samantalang sa kabila ay sobrang linis. I guess, I’ll just ask her next time.

“Saan niyo nakita ang malaking kahon?” inip na tanong ni Yuzu. Dahil do’n napailing nalang ako. Napaka-mainipin din talaga ng taong ‘to kahit kailan.

Lumapit ang maid sa tabi ng isang malaking japanese table at itinulak ito. Dahil mukha siyang nahihirapan, tinulungan na namin siya. Matapos ‘yon, parang may kung anong kakaibang tunog sa sahig ang aming narinig. Kahoy lang ‘to kung kaya’t mabilis lang ito gumawa ng ingay. Awtomatikong nabaling ang aking tingin sa sahig sa harap namin.

Maya-maya pa ay lumuhod ang maid na kasama namin at para bang tinuunan nito ang isang parte sa sahig. Matapos niya ‘yon gawin ay umangat naman ang nasa katapat lamang nito na sahig, eksakto doon sa kinalalagyan ng lamesa kanina. Itinaas niya ito at tumambad sa amin ang isang napakalaking kahon na yari sa kahoy.

Napaawang nalang ang aking bibig sa nakita. May kalakihan ang kahon, at mukha din itong matagal nang nakatago sa ilalim ng sahig dahil puro alikabok na ito at nangangalawang na din ang padlock. Agad ko din napansin na nakabukas na ito.

“Kayo ba nagbukas ng lock?” tanong ko, at mabilis naman umiling ang maid.

“Hindi po kami Sir, nakabukas na po talaga ‘yan nang makita namin.” kita ko naman sa kaniyang mata na nagsasabi siya ng totoo.

I just remained silent. I kneeled on the floor and stared at the wooden box. I gulped while staring at it. I don’t know, but I feel a bit nervous right now. For whatever reason it is, I still need to look what’s inside of it. I took a deep breath and reluctantly opened the box.

Siguro mga isang minuto din akong natulala sa nilalaman ng kahon. Ni isa sa aming tatlo walang nag salita. Pare-parehas kaming natahimik at hindi kumikibo, siguro dahil na din sa pagtataka at gulat.

What?

Why is it in here?

Kunot noo parin akong nakatingin sa nilalaman nito, “Ano ibig sabihin nito?”

‘Yon lang ang tangi kong nasabi bago magdesisyon na kunin ang isang kulay puting sisidlan ng bata sa loob ng kahon. May kasama pa itong makapal at malaking kulay puting cloak, at isang pares ng damit ng sanggol— na meron pang maliliit na mga perlas at kumikinang na mga bato, na sa tingin ko ay mga diyamante.

I froze and was left speechless.

“I think it’s from Eris.” nasabi naman ni Yuzu.

I stared at it with an uttered disbelief, “I— I don’t understand... Bakit andito ‘to? Bakit itinago ng lola ni Eris?” nilingon ko si Yuzu at kunot noong nakipagpalitan ng tingin. Tumayo ako at inilapag ang sisidlan sa table bago suruin ang mga nilalaman no’n.

Halos manlaki ang aking mata nang makita ko ang tatak sa likod ng cloak. Ramdam ko din ang pagkagulat ni Yuzu nang makita niya rin ito. Parehas kaming hindi makapaniwalang napatitig doon.

“Maji de?” (For real?) Yuzu incredulously said, almost whispering.

Ilang segundo pa ang lumipas ay mabilis ko ‘yon ipinasa kay Yuzu at halos nagmamadaling tiningnan ang iba pang nilalaman ng sisidlan, hanggang sa may makita akong isang kwintas na may pendant na cross. Kulay gold ito at may kulay pula na diyamante sa gitna, at meron din itong maliliit na perlas na puti. Hindi ko ‘yon binitawan at naghanap ulit sa sisidlan, hanggang sa may nakapa akong papel.

Agad ko ‘yon kinuha at laking gulat ko na isa pala itong liham. Pero ang mas nakakagulat doon ay parehas na parehas ito sa sulat na nakuha ng mga maids. Mabilis ko kinuha ang isa pang sulat sa aking bulsa at pinagkumpara ang dalawa.

I just looked at it completely baffled. Ibinaling ko ang tingin kay Yuzu at ipinakita sa kaniya ito. Kahit siya ay hindi din makapaniwala.

Parehas na parehas ang seal at crest.

Even the cloak, it has the same crest in the back and it’s also in gold too. I unbelievably chuckled under my breath and take a good look at the necklace I’m holding. Now I understand why the maid said that the letter was really meant for Eris.

No doubt. This is something connected to her.

“I’m glad you found this.” I said and smiled at the maid. She just bowed her head as a response.

“Nathan.” Yuzu called me which made me turn my attention to him. He’s looking at me with a very serious expression.

No.

It’s more like, he looked so alarmed right now as he firmly holds his katana in his right hand. I just give him a smile. Mukha naman kaming nagkaintindihan sa palitanan lamang ng aming tingin.

I see, so he noticed it too, huh?

This is very interesting.

I heave a deep sigh and shrugged my shoulders, “This can’t be helped, I think we need to ask Eris about this as soon as we get back.”

Yuzu simply nodded as a response. Pinalapit ko sa akin ang maid at ibinigay sa kaniya ang mga hawak ko na sulat at pati na din ang kwintas. Tahimik naman siyang umatras at pumwesto sa gilid ng kwarto.

“Sate...” (Now) I said, a smirk plastered on my lips as I averted my gaze outside of the window near to us.

“Manekarezarukyaku ga kimashita ne?” (We have an uninvited guest, huh?) Yuzu said. He remained stolid despite of what’s happening. Although he’s like that, I can clearly tell he’s keeping a wary eye.

“Sore de, oretachi wa nani o suru tsumoridesu ka?” (So, what are we going to do?) I asked while smiling. I didn’t bother to look at Yuzu to see his reaction.

“Hanashimasu. Sōdenainara shikata ga nai to omoimasu.” (we’ll talk. If not, then I guess I have no choice.) I heard the clang of his katana which made me smirk.

I can see him in my peripheral vision though. He’s also looking outside of the window. Specifically, on the mysterious person standing on the top of the tree near the house. It’s kinda dark, so we can’t clearly see its face, but...

I think we already know who it is...

Finally, the clouds dispersed and the moon shines brightly in the night sky again. I took a glance at the person we saw. I knew it already, but I still feel surprised.

“Who would’ve thought we will see you here?” I said, nonchalantly smiling. While
Yuzu remained silent and kept a wary eye.

“The girl in white.”

***

  

Author’s note:

I hope y'all like this chapter.It's nathan sensei's pov but I hope you don't find it awkward the way I wrote it... *insert awkward laugh* kinda bad at making boys pov though, please bear with me.

Bago ko po makalimutan, again, WALA PO akong SCHED sa pag uupdate, okiii? WALANG SCHED. Basta unexpected nalang ako mag-uupdate, gano'n, surprise kumbaga. Nap-pressure at may writer's block din po ako syempre kaya pasensya na at napaghihintay ko kayo sa UD pero hinahabaan ko naman po bilang kapalit para sulit paghihintay niyo. Hehehe.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
2.4M 183K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
304K 22.7K 36
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
232K 8.3K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...