Allison Academy

By x_s0laris

214K 4.7K 272

Hoping for a brand new start, Kate Eris Morfei enthusiastically enrolls at Allison Academy- a special yet mys... More

FOREWORD
PROLOGUE
Chapter2: The Mysterious School
Chapter3: Rumors
Chapter4: A Teacher?
Chapter5: That Jerk
Chapter6: Best friends
Chapter7: A Task?
Chapter8: Game Over
Chapter9: A Deafening Whistle of Explosion
Chapter10: Partners
Chapter11: No Star Student
Chapter12: Do it for what?
Chapter13: Out of Duty?
Chapter14: Pretty Little Secret
Chapter15: The Heroine and the Knight
Chapter16: Fansclub President
Chapter17: The Unexpected Announcement
Chapter18: The Girl In White and the Letter with Unusual Crest

Chapter1: The Name is Eris

7.8K 304 34
By x_s0laris

ERIS

“Good morning!”
“Good morning!”
“Tara na bes! Sabay na tayo.”
“Pre, late ka ata? Hahaha!”
Tinanghali kasi ako ng gising. Napuyat ako kakalaro kagabi hahaha!”
“Ayan, laro pa! Hahaha”

Napangiti nalang ako nang mapait habang pinagmamasdan ang mga ka-schoolmates ko na nakangiti, tumatawa, at higit sa lahat, kasama ang mga kaibigan nila.

Nakakainggit.

Nasa hallway ako ngayon patungo sa aming classroom at heto, pinag-titinginan na naman ako ng mga estudyante.

Sa araw-araw na pagpasok ko sa eskwelahan, palagi nalang nila akong pinag-titinginan at nilalayuan na parang bang hindi ako dapat kinakausap o kinakaibigan.

“Look, and'yan na siya.”

“Nakakatakot siya 'no?”

“Yeah right, and you know what? Kahapon nag resign siya sa pinag-tatrabahuhan n'yang grocery store.”

Ehh? Bakit naman?”

“Ang sabi ng owner nung shop, basta nalang daw siya umalis at binasag pa lahat ng salamin!”

“Creepy...”

I frustratingly sighed after hearing those words. Ayan na naman sila, pinag-kukwentuhan na naman ako. Nagbubulungan pa sila, e naririnig ko rin naman.

Wala talaga nakakalampas sa mga tsismosang katulad nila. Kahapon lang ‘yon nangyari pero alam na agad nila. I'm sure ilang minuto lang mamaya at kakalat na 'yon sa buong school, and after an hour kalat na 'yon sa buong bayan namin. Worst abot pa sa mga karatig bayan.

Ang sabi nga nila, ‘May pakpak ang balita, may tenga ang lupa,’ kaya hindi na ako mag tataka kung maging usap-usapan na naman ako sa buong lugar namin.

Ginawa niya 'yon?

Ay girl, oo! At hindi lang 'yon, sinaktan pa niya 'yung owner ng grocery store! Puro pasa nga siya e. Oh my gosh talaga!

Grabe... Nakakatakot.

“Hah! I know right!?”

I just clenched my fist in anger, dahil hindi naman ‘yon ang totoong nangyari. Sabihin na natin nabasag ko nga ang mga salamin sa shop pero hindi ko naman siya sinaktan nang sobra. I just slapped him, that’s all.

Why do they always have to make stories para lang i-justify side ng mga taong may maling nagawa? ‘Yan talaga ang problema sa kanila, pinapakinggan nila ang side ng ibang tao pero yung side ko, never nilang inalam. Ako na nga ang biktima dito, ako pa ang naging masama.

If only I could say that.

But I don’t want to make this issue gets any worse. Wala akong plano makipag-usap sa mga katulad nilang hindi marunong makinig sa ibang tao. Specifically, sa akin mismo. At times like this, hindi ko nalang maiwasan mapa-isip kung sadyang hate lang talaga nila ako kaya sila gan’yan or what.

I just sighed again in too much frustration.

My name is Kate Eris Morfei, 17 years old. Lumaking walang mga magulang at ang lola ko lang ang nag palaki sa akin simula nang ipanganak ako. And I never question my grandmother about my parents either. Everything’s fine, I’m just simply contented with my life. I’m happy back then—

I was happy back then.

Not until something unexpected happened, and I lost her forever. I lost the most important person in my life— I lost my grandmother. I was only fourteen that time. And even though masyado pa akong bata noon, nag simula na din akong magtrabaho.

And to be honest, hindi naging maganda ang buhay ko simula nang mawala ang mga mahal ko sa buhay, kasama na doon ang best friend ko. Nagkahiwalay kami noong eight years old palang ako pero kahit gano’n nagkaka-usap parin kami by exchanging letters.

Mahaba at napaka drama ng buhay ko, pero ayoko muna mag drama ngayon. Hindi ito ang tamag oras. Wala ako sa mood dahil sa mga ka-schoolmates ko na wala nang ibang ginawa kun’di ang pag-usapan ako. Para akong highlight ng tsismis sa buong school. Nakakainis lang.

Nang buksan ko ang sliding door ng room namin ay agad akong tinapunan ng tingin ng mga kaklase ko.

Kahit palagi akong pinagtitinginan, hindi parin ako sanay. Never. Sino ba gugustuhin na lahat nang atensyon ay nakatuon sa’yo? Well, except sa mga marites sa tabi-tabi na uhaw na uhaw sa atensyon. Katulad nalang ng ilan sa mga pabida kong kaklase.

“Guys! Andito na si miss Eris!” Biglang sigaw ng isa sa kaklase kong lalaki. I heave a deep sigh and facepalm. Gusto ko nalang umuwi agad kahit kadarating ko palang. Ughh.

“Miss Eris!”

“Please, tanggapin mo 'to!”

“Para sayo ‘to miss Eris! Binili ko pa ‘yan from other country.”

“Sige na miss Eris, please accept my offer. Let’s have a date!”

Damn. Here comes these annoying people. Ughh. How bothersome.

Every day, they’re the ones who always wait for me whenever I go to school. Araw-araw lahat sila ay nangungulit sa’kin, mula sa ibat-ibang year and section pa sila nanggaling. Ewan ko ba kung bakit ayaw nila akong tigilan.

They're disturbing my everyday life for Pete's sake!

I never wished any of it, pero ang dami nilang ibinibigay sa’kin na hindi ko naman kailangan. Not to mention, some gifts are ridiculously pricey or can’t be obtained easily. Mga chocolates na ang iba ay galing pa sa ibang bansa, ang iba branded na bag, perfumes, damit, sapatos, alahas, and etc. name it!

And one of the most ridiculous gift that someone ever tried to give me, is a certificate of ownership of their very own mining company.

I swear, my blood pressure can’t even...

Ahh, just remembering the countless times I have to endure their selfishness makes me want to throw a fit. And who would’ve thought I’ll get the chance to experience the cliché scenes you can only see in dramas?

Where their parents talk to you and offers a huge sum of money, saying “Here’s 10 million, just get away from my son.” Or the typical, “How much? How much do you want just to leave our son alone?”

Like hell I’ll accept their money!?

And for the record, I’m not a fan of dramas. Tch! Imagine my expression whenever I deal with them. It’s not like I want their sons to be around either. Kung p’wede nga lang lubayan nalang nila akong lahat. I’d rather prefer that.

Hindi naman ako artista pero palagi akong pinagka-kaguluhan. For pete’s sake, isa lang naman akong normal na estudyante dito sa Thelesa High.

Oh... Wait, normal?

I scoffed at that silly thought.

Sana nga naging normal nalang.

“Please, marry me miss Eris!”

Biglang nabalik ang aking atensyon sa reyalidad. Napatingin ako sa lalaking nakaluhod sa harap ko ngayon at may hawak na pulang box na naglalaman ng isang singsing. Meron itong kumikinang na diamond sa gitna.

I furrowed my eyebrows. Nababaliw na ba siya? Masyado pa siyang bata para magpakasal, at hindi ko din gugustuhing pakasalan sa taong hindi ko naman gusto. Never.

Hindi ko man nakikita kung ano ang ginagawa ngayon ng mga kaklase kong babae, pero alam ko na inaabangan nila kung ano ang magiging reaksyon ko at kung ano ang gagawin ko.

I stressfully sighed.

Seriously, just give me a break!

“Tumayo ka d’yan.” I impassively looked at him.

The truth is, I know this guy. Siya ang anak ng bagong principal ng school na ‘to. Sabihin na natin na gwapo siya, matalino, at magaling sa sports, pero bagsak naman pagdating sa ugali. Mapag-mataas, masyadong mayabang! Palibhasa nag-iisang anak at mayaman, napaka-spoiled brat.

Ewan ko kung bakit gusto siya ng mga babae dito sa school namin. Halos lahat sila ay nagkakandarapa sa kaniya, but I belong to that small percentage of girls here in our school na hindi magkaka-gusto sa kaniya kahit kailan.

Well, ni minsan hindi ako naging interesado sa kahit na sinong lalaki. So hard pass kahit bigyan pa ako ng diamond ring. Besides, this isn’t the first time he took an interest on me.

Ughh. What an eyesore. For real.

“Miss Eris?” he says while smiling stupidly. I almost roll my eyes, mabuti napigilan ko pa.

“Can’t you hear me? Get. Up. I don’t like getting too much of attention.” I irritatingly said.

Ayoko talaga sa lahat ay ‘yung ganitong eksena. Ang dami pa naman nitong fangirls, mamaya awayin ako ng mga ‘yon. Alam niyo na, ‘yung tipong aabangan sa gate or ipapatawag ako sa likod ng school building para awayin. Mapapa-nganga ka nalang na until now may mga gano’n parin palang typical highschool drama. Talo pa mga bata sa pagiging childish, jusko.

“Miss Eris.” Pag-uulit niyang pag-tawag sa aking pangalan. Nakatitig siya sa’kin na parang ayaw na niyang alisin ang kaniyang mga tingin. Dahan-dahan naman siyang tumayo at ngumiti ulit sa akin.

Yikes! That gave me goosebumps.

Stop. I know what you’re thinking, but you’re wrong. I won’t accept your proposal. I don’t even have a millimeter of interest marrying you.” diniinan ko talaga ang mga huling salita na sinabi ko.

“Imbis na mag propose ka sa harap ko, mag-aral ka nalang at ‘wag mo na akong guluhin pa or else? I will tell this to the principal— your mom.” I saw him flinched when I mentioned his mother. Iba’t-iba naman reaksyon ang narinig ko mula sa mga estudyante dahil sa sinabi ko.

May ilan na nag kunwaring nasaktan, may iba naman narinig kong natuwa sa pag-reject ko sa kaniya, but of course, may ilan din na nagalit sa akin. You can even guess who they are.

“Malapit na mag ring ang bell. Bumalik na kayo sa mga classrooms ninyo.” I remained impassive as I look at them.

“Yes, miss Eris!” they said in unison.

Agad naman silang sumunod sa akin at unti-unting nabawasan ang mga estudyante sa loob ng classroom. Nang makaalis na sila ay saktong tumunog na ang bell at ilang sadali pa ay dumating na ang teacher namin kaya naupo na ako.

Ang landi niya 'no?!

Oo nga.

Huuh!?! Tumigil nga kayo. Ang ganda kaya niya at ang bait pa! Kaya s'ya pinagkakaguluhan. Hindi katulad niyo, napaka-inggitera.”

“Agree! Kaya nga idol ko siya eh! OMG!”

“Hah! Whatever! Ang weird kaya niya, bulag ba ka'yo? At isa pa, hindi siya normal, kaya bakit niyo hinahangaan ang tulad niya?”

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Para akong sinampal ng malakas. Tama naman siya, pero tao parin naman ako. Nasasaktan din ako katulad nila ‘no! Hindi porket hindi ako normal, e hindi na ako nasasaktan.

“You know what? Just shut up. Ikaw nga normal pero mas weird ka pa tingnan, nagreklamo ba kami?

“How dare you!?”

“Oops! Masakit ba? Hahaha!”

Even after nilang magtalo, nanatili parin akong tahimik sa aking kinau-upuan. Buong klase iba ang iniisip ko, hanggang sa matapos nalang ang klase para sa araw na ‘to. Tulala at malalim parin ang iniisip ko hanggang sa makauwi ako sa bahay.

Ang daming tanong, ang daming bakit. Katulad nang bakit kasi naging ganito pa ako? Ba’t kailangan pa mangyari sa’kin lahat ng ‘yon? Bakit ganito naging buhay na meron ako? At higit sa lahat, bakit hindi nalang ako naging normal?

Hindi ko na namalayan, umiiyak na pala ako. Sa tuwing naiisip ko ang lahat nang nangyari sa buhay ko, lalo na nang mawala si lola, naiiyak nalang ako. Whenever I try to be strong, the more I can’t hide the pain. Halong sakit at lungkot ang palagi ko nararamdaman. Everyday. Nonstop.

Kailan man hindi... hindi niyo ako maiintindihan.mahinang bulong ko habang nakasubsob ang aking mukha sa aking unan.

I just suddenly remembered what my grandmother always say when I was still young.

“Listen Eris, always remember that you’re special. Don’t ever forget that. Hindi mo lang ‘yon nakikita sa ngayon, but sooner or later, maiintindihan mo din ang sinasabi ko. Okay, Eris? Never forget that.”

I don’t even remember how many times I heard those words, and yet, I still don’t know what it means.

Special? I didn’t even want to be like that. I just want to have a normal life.

Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, dahil ramdam ko na hindi naman ako nababagay sa lugar na ‘to.

“Kung sana lang ay may lugar na para sa tulad ko.” I whispered to myself as I curled up.
 

I know that’s pretty much impossible, at least that’s what I always believe. But I never thought that soon enough, those words I said out of sadness, will eventually come true.
   

***


Matapos ko kumain at maghugas ng mga pinagkainan ay umakyat na ako sa aking kwarto. Bumungad sa’kin ang sandamakmak na stuffed toys at mga sulat galing sa mga estudyante sa school, kasama na din ang mga sulat na nasa mailbox kanina pag-uwi ko.

Bigla ko naman naalala ang sulat mula sa bestfriend ko, but that was six months ago. Naupo ako at kinuha ‘yon sa drawer at tinitigan ito. Taon-taon nag papadala siya ng sulat. Isang beses nga lang kada taon, samantalang ako every month or every other week nagpapadala sa kaniya. Kinukuwento ko ang mga nangyayare sa’kin pero hindi lahat, dahil ayoko na mag-alala pa siya sa’kin.

I really miss her so much.

We haven’t seen each other for so many years. She’s my dearest friend, but when we were still young, their family moved away for some unknown reason. I didn’t ask Hannah about it, but I can tell she have a good reason, and that’s enough for me. Now I barely remember what she looks like. Luckily, we have pictures back then.

I can still remember that time when she left. Hinahanap ko siya no’n dahil uwian na, at palagi kaming sabay kung umuwi. Nakakatuwa lang isipin na sa araw-araw talaga ay magkasama kami, but that day, that was also the last time I’ll ever get the chance to see and hug her.

We first met each other after she transferred into our school. Sa pagkakaalala ko ang liit pa niya no’n. For real, mas matangkad pa ako sa kan’ya. Ang weird niya tingnan that time, pati kilos niya, lalo na ang mga dala niyang inventions pero sa amin lahat mag-kakaklase, ako lang ang nauna kausapin at kaibiganin siya.

I actually find her cute whenever she create weird stuffs. But she have this crazy habit to test out her inventions at me. Sanay na ako sa mga surprise attacks niya gamit ang mga inventions niya, pero nagmumukha talaga akong subject for testing.

Medyo mapanakit kaibigan ko, but she’s the first one who considered me as her one and only friend. Since then, we always hangout. Laro dito, laro doon, hampas dito, sipa doon. Our childhood days wasn’t boring at all, it was fun, really. And I miss those good ol’ times.

Tandaan mo, mahal na mahal kita kahit tanga ka.

Aww~ talaga? Sige, kunyari hindi ko nalang narinig ‘yung ‘tanga’.

Natawa ako nang mahina dahil parang naririnig ko ang boses niya. It is the most savage words na palagi niyang sinasabi sa akin. Suddenly, old memories flashed in my mind.

"Hoy, Eris. Bumaba ka nga diyan mukha kang unggoy."

"Ehh Hannah! Paano ba bumaba? Natatakot ako sa taas nitong puno!"

"Engot ka talaga. Umakyat ka pero hindi ka marunong bumaba!?"

"Uwaahh! Tulungan mo na ako! Ayoko na dito!"

I smiled at the thought of how good our friendship is. Even though we are far away from each other now, and she barely sends me any letter, we are still treasuring each other. She’s my one and only true friend after all.

"I’ll miss you. Bawasan mo kamalditahan mo ha? Ngumiti ka din kahit konti, mamaya akalain ng mga bago mong kaklase pinaglihi ka sa sama ng loob."

"So, see you again?"

"Mmhm... See you."

Habang hawak ko parin ang sulat niya, napangiti ako, “Kapag nagkita na tayo, sana gano’n ka pa rin, Hannah.”

     
***

To be continued...


  
Votes and comments are highly appreciated! Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
1.5M 62.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
4M 190K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
10.2M 473K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...